Monday Apr, 29 2024 01:30:17 PM

NDBC BIDA BALITA (June 18, 2016

 • 16:59 PM Sat Jun 18, 2016
1,814
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 18, 2016
(SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGPAPASABOG ng granada sa isang
barangay sa Pandag, Maguindanao, posibleng pananakot lang daw ang motibo, ayon
sa PNP.

2. TASK FORCE, bubuuhin ng Mlang LGU
para sa mabilis na pagtukoy sa mga responsable sa pagpatay kay Kagawad Fernando

3. MGA SUMUKONG sangkot sa bentahan ng
iligal na droga sa South Cotabato, abot na sa mahigit 400.

4. DA-12, may bago nangregional executive director.

PANANAKOT o posibleng may kinalaman sa
rido o away-pamilya ang pagpapasabog ng granada sa barangay Kayuko, Pandag,
Maguindanao.

Ito ang lumalabas sa inisyal na
imbestigasyon ng Pandag PNP kaugnay ng insidente na naganap pasado alas nuebe
ng gabi kamakalawa.

Kaugnay nito, sinabi ni Pandag PNP
chief, Police Inspector Noli Sudaria na patuloy silang naka alerto at
nagsasagawa rin sila ng malalimang imbestigasyon kung sino ang nasa likod nito at
kung ano ang totoong motibo sa naturang pagpapasabog.

Natagpuan sa pinangyarihan ng pagsabog,
partikular sa taniman ng mais sa Brgy. Kayuko ang ilang fragments na
pinaniniwalaang mula sa 40mm grenade launcher.

Samantala, hanggang ngayon ay takot pa
rin ang mga residente sa lugar dahil sa nangyari.

Subalit tiniyak ni Sudaria na
kontrolado pa rin nila ang sitwasyon kaya walang dapat na ipangamba ang mga
residente sa lugar. NAKIPAGPULONG
kagabi si President-elect Rodrigo Duterte sa mga lider ng Moro Islamic
Liberation Front o MILF at Moro National Liberation Front o MNLF sa Davao city.

Kasama ng
incoming president kagabi sina MILF chairman Al-Hajj Murad Ebrahim, first vice
chairman Ghadzali Jaafar, MNLF chairman Datu Abul Khayr Alonto at iba pang mga
supporters.

Sinabi ni
Alonto na suportado nila ang Federalismo na isinusulong ng Duterte administration
at umaasa na may matitira para sa Bangasamoro ngunit hindi naman nangako hinggil
ditto ang incoming president.

Samantala,
hinggil naman sa muling pagbubukas ng usapang pangkayapaan sa pagitan ng
gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People's Army-National
Democratic Front o CPP-NPA-NDF, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o
AFP na nakahanda sila na bigyang daan ito.

Ayon kay AFP
spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na kailanman ay hindi sila naging
balakid upang makamtan ang pang-matagalan na kapayapaan.

Ngunit umaasa
si Padilla na sana ay hindi imposible ang mga kondisyon na ilalatag ng
CPP-NPA-NDF.

Dagdag ng
opisyal na ibabatay sana ng komunistang grupo sa mga prinsipyo na mayroong
basehan upang hindi mahirapan ang gobyerno na maipatupad ang nais nilang
mangyayari.

Napag-alaman
na kasalukuyang nasa negosasyon na ang incoming government peace negotiating
panel ni President elect Rodrigo Duterte sa grupo ni CPP-NPA-NDF founder Jose
Maria Sison sa bansang Norway. NAGING
MATAGUMPAY ang pagsisikap ng Maguindanao Provincial Government sa pamamagitan
ng Maguindanao Task Force for Reconciliation and Unification, na mapagkasundo
ang dalawang pamilyang matagal nang may alitan sa bayan ng Sultan Sa Barongis.

Sinabi
ni Engr. Abdulrakman Asim, miembro ng technical working group ng naturang Task
Force, na lumagda na sa isang peace covenant ang pamilyang Felmin at Emran, at
nangakong idadaan na sa mas mapayapang paraan ang anumang hindi nila pagkaka
intindihan.

Iiwas
na rin umano ang mga itong gumamit ng dahas sa pagresolba sa anumang hindi
mapagkakasunduan.

Ayon
kay Asim, ang dalawang pamilya ay sinasabing may kaugnayan sa 105th
Base Command ng Moro Islamic Liberation Front.

Aniya,
masasabing personal ang naging alitan ng dalawang pamilya na nauwi sa pagkasawi
ng dalawa miembro ng pamilya Felmin.

Sabi
ni Asim, nagkaroon ng amicable settlement sa pamamagitan ng pagbabayad ng blood
money sa pamilya ng mga nasawing dalawang indibidwal.

Nabatid
na nagdesisyon si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu na tumulong sa
pagresolba ng problema at nagbayad ng halagang 600 thousand pesos para sa
dalawang buhay na nawala dahil sa ilang taon ng alitan ng dalawang pamilya.

Sa ngayon,
mahigit 50 mga magkakalabang pamilya na ang napagbati ng Maguindanao provincial
government sa pamamagitan ng Task Force for Reconciliation and Unification
nito.

Sabi
ni Asim, ang pagpapabati sa mga feuding family sa Maguindanao ay bahagi naman
ng 8-point agenda na gabay ni Governor Mangudadatu sa pamumuno sa lalawigan. NAGPADALA ang Armed Forces of the Philippines
o AFP ng dagdag na sampung batalyong mga sundalo sa Sulu para?lalong mapabilis
ang pagtugis sa mga miembro ng Abu Sayyaf Group o ASG na pumugot sa mga
dayuhang bihag ng mga ito.

Sinabi
ni Western Mindanao Command spokesperson Maj. Filemon Tan Jr. na sa ngayon ay
ginagamit na nila?ang
lahat ng resources ng militar sa kanilang misyon para tugisin ang Abu Sayyaf.

Sinabi
ni Tan na may kabuang limang libong tropa ang?naka-deploy?sa nasabing?lugar?mula sa mga puwersa
ng Air Force, Marines, Army at Navy, bukod pa sa special forces. NAPAWALANG
SALA NA ang mga batang Teduray na inaresto at ikinulong matapos pagbintangang naghagis
ng granada sa isang pyesta sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Sina
Johnrel Kanakan at Lowie Bakat ay nakauwi na sa kanilang pamilya sa Brgy. Tomicor,
Ampatuan, Maguindanao.

Sinabi
ni Ameer Ambolodto ng Maguindanao People’s Medical Team na hindi tumigil ang
kanilang grupo sa paghahanap ng hustisya para sa dalawang mga menor de edad.

Ayon
kay Ambolodto, sa utos ng kanilang team leader na si Lynette Estandarte ay
tinulungan nila sina Kanakan at Bakat dahil maging ang mga ito ay biktima rin
sa naturang pagsabog.

Si
Kanakan at may tama ng shrapnel sa mata habang si Bakat naman ay nagkaroon ng
mga sugat sa likod at nangangailangan sila ng agarang panggagamot.

Ipinaglaban
ng Medical Team na maipasok sa Tamondong Hospital si John Rel ayon na rin sa
utos ng korte.

Iniutos
din ni Maguindanao provincial governor Toto Mangudadatu sa people’s medical
team na huwag bitiwan ang kaso ng bata.

Nabatid
na napondohan at Napa-operahan ng Maguindanao provincial government ang kanyang kaliwang
mata at nabigyan ng temporary eye si Kanakan sa kabila ng pahirapan at minsan
ay mainit na pagtatalo ng grupo at ilang gwardiya ng Sultan Kudarat Provincial Jail. Inisa isa na ni incoming DILG Sec. Esmael Mike Sueno na dating Gobernador ng South Cotabato ang ilan sa mga plano nito sa pagsisimula ng kanyang termino.Ayon kay Sueno kabilang na rito ang pagtutok sa mga barangay sa buong bansa lalo na ang anti-corruption campaign.Isa sa mga hakbang nito ay ang pagpapababa ng
Seal of local good Housekeeping na siyang magdedetermina sa transparency at accountability sa mga barangay unit.Aniya, ipapatupad na rin sa kanyang termino ang liquidation sa lahat ng mga expenses at projects sa barangay level.Tututukan rin nila ang paghahabol sa mga elected officials na mga may kaso ng kurapsyon. Pinangalanan na ni Incoming Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang bagong uupong Director ng DA-Regional Field Office-12 na si Engineer Mila Casis.Si Casis, ay tubong-Pigcawayan at nanungkulan bilang provincial Engineer ng Cotabato Provincial Government sa administrasyon ni Governor Jesus Sacdalan noong 2008.Iprenisenta rin ni Pinol ang kanyang mga undersretaries na sina Atty Ranibai Delangelen, at incumbent undersecretary Bernadeth Romulo-Puyat.Magiging head ng DA-High Value Crop program si Evelyn Laviña ng Davao city at tututok sa Entrepreneur program si Pompy La Viñ na isang entrepreneur expert mula sa Cagayan de Oro City.Atty Jovy Bernabe, ng Philippine Crop Insurance Corporation Engr Cesar Sulaik ng National Irrigation Administration (NIA) at Commodor Eduardo Gongona sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).Ayon kay Piñol, malaki ang maiiambag ng mga nabanggit sa pagpapalawak at pagpapalago pa sa usapin ng agrikultura.Nilinaw ng opisyal na bagama’t kilala at malapit sa kanya ang mga napiling opisyal ay tinitiyak nitong isasantabi nila ang mga pansariling interest at magseserbisyo ng tapat sa bayan. Umaabot na sa 447 na mga drug user at pusher ang bolontaryong dumulog sa mga pulis sa South Cotabato.
Pinakahuling sumuko ang lima katao sa bayan ng Tampakan.
Ayon kay Tampakan Chief of Police, Inspector Gerardo Dela Rosa sa tulong ng mga baragay Chairman marami pa ang susuko sa kanilang lugar sa mga susunod na raw.
Kinumpirma din ni Polomolok Chief of Police, Joedy Lito Guisinga na 20 rin ang sumuko sa lugar.
Sa datus na nakuha ng Radyo Bida Koronadal, pinakaraming drug suspek na lumitaw ay nasa bayan pa rin ng Surallah na umaabot sa 114, pumapangalawa ang Banga na may 113.
Abot naman sa 61 ang sumuko sa bayan ng Tantangan, 53 sa Sto. Nino, 20 sa Tupi, 19 sa T’boli,26 sa Koronadal at 16 sa Norala.
Naniniwala naman si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na ang mga sumukong ito ay pawang mga maliliit na isda lamang.
Ayon kay Fuentes dapat ding matutukan ang pagtugis sa mga malalaking isda sa illegal drug trade.
Nauna nang umapela si Fuentes sa mga sangkot sa illegal na droga na sumuko na bago pa man tugisin ng Duterte Administration.NDBC News AM June 18
Headline and Dalawang NPA patay nang makasagupa ang military sa Ned, Lake Sebu, South Cotabato
Nasawi ang dalawang mga New Peoples Army o NPA nang maka-engkwentro ng mga ito ang militar sa Sitio Lampinik, Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato kahapon ng umaga.
Habang nagpapatrolya sa lugar ang mga elemento ng 27th Infantry Batallion ng militar na pinangunahan ni 2nd Lt. Glen Gautane, naka-engkwentro ng mga ito ang mga myembro ng NPA Guerilla Front 73.
Inaalam pa ng pulisiya ang pagkakakilanlan ng mga nasawing rebelde na kabilang sa siyam na nakasagupa ng militar.
Narekober ng mga sundalo sa encounter site ang AK47 at M14 armalite rifle.
Ayon kay 27th IB Commanding Officer Lt.Col. Benjamin Leander, matapos makatanggap ng report ng presensya ng armadong grupo,agad na nagsagawa ng combat operation ang militar sa Sitio Lampinik Barangay Ned.
Ipinahayag din ng army official na dapat nang matigil ang uamnoy pananakot ng armadong grupo sa mga sibilyan lalong lalo na ang mga nasa liblib na barangay ng South Cotabato. Kinilala ng Department of Labor and Employment bilang ‘labor law compliant tourist destination,” ang bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ayon kay DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib,ito ay kauna unahan sa buong rehiyon.
Ipinahayag ni Gutib na iginawad ng ahensya ang pagkilala sa lake Sebu dahil sa masusing pagsunod sa labor standards , Labor Laws Compliance Systems o LLCS ng mga resorts at restaurant sa bayan.
Kasama din sa mga sinuri ng ahensya ang pagbibigay ng tamang sahod, at benipisyo sa mga mangaagawa sa tourism industry tulad ng pagpa-myembro sa Social Security Systems, Philhealth at Pagibig Fund.
Kaugnay nito nakatakda namang bigyan ng compliance certificate ng DOLE 12 ang sampung mga resort sa Lake Sebu.
Bilang patunay nang pagsunod sa labor laws, maglalagay din ng Labor Law compliant tourist destination” marker ang DOLE sa entrance ng bayan ng Lake Sebu. Umapela ng pasensya sa mga kaanak ng kanilang mga preso si Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes.
Ito ang ipinahayag ni Condes matapos dagdagan ang seguridad sa Koronadal City Police Lock up cell.
Ayon kay Condes ikinaalarma ng pulis ang pagkakatuklas ng cellphone sa loob selda kamakailan lang.
Dinagdag din ng police official na nais din ng pulisiya na walang makapapasok na illegal drugs kaya todo higpit ngayon ang mga pulis sa kanilang lock up cell.
Matatandan maliban sa apat katao na nakatakas, nadiskubre rin ang balak sanang pagtakas ng iba pang mga preso sa PNP lock up cell nang matuklasan ang butas sa semento malapit sa bubong nitong taon. Susuot ng damit na gawa ng sumisikat na na ngayong designer mula Koronadal City si incoming Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Esmael Mike” Sueno sa inagauratyion ni Prersident-elect Rodrigo Duterte sa HJunyo 30
Sa kanyang facebook account, ipinahayag ni Jared Servano na maliban kay Sueno magsusuot din ng kanyang mga obra ang pamilya nito.
Matatandaan na si Servano ay nakilala matapos magwaging first Runner Up sa Project Runway Philippines noong nakaraang taon.
Siya rin ang isa sa apat na Pinoy a designer na kumatawan sa Pilipinas sa International Fashion Week sa London nitong taon.Nakilala si Servano paggamit nito ng mga indigenous materials sa kanyang mga design.
Kamakailan lang ang mga obra nitong tampok ang T’nalak Cloth ng mga T’boli ay itinampok sa sa isang online magazine.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...