Monday May, 06 2024 08:08:07 AM

NDBC BIDA BALITA (June 21, 2016)

 • 16:47 PM Tue Jun 21, 2016
2,123
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 21, 2016
(TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DRIVER ng van, kritikal matapos
barilin ng nakaalitang terminal manager sa Midsayap, North Cotabato.

2. Pinalakas na kampanya kontra illegal drug, palakasin, ayon sa utos ni SoCot Daisy Fuentes

3. PDRRMC sa North Cotabato, nakaalerto laban sa baha at landslides dahil as sunod sunod na pag-ulan.4. Gov. Mangudadatu, nangako ng suporta kay President Duterte sa kampanya kontra illegal drugs KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng isang
driver ng pampasaherong van matapos mabaril sa Midsayap, North Cotabato
kahapon.

Sa report ng Midsayap PNP, nakilala ang
biktima na si

Rexolito Lasuerte, 52 years old, at
taga- barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Nangyari ang pamamaril pasado alas
siyete ng umaga kahapon sa Jabido Van Terminal sa barangay Poblacion Otso,
Midsayap.

Agad namang sumuko sa mga otoridad ang
suspek na si

Jaime Sato, 61 years old, at operations
manager ng nabanggit na terminal.

Nabatid na nagkaroon ng mainit na
pagtatalo ang biktima at ang suspek matapos sitahin ng suspek ang biktima dahil
sa maling pagparada.

Pero sabi ni Sato, nagmatigas si Lasuerte
at pinagbantaan pa siyang babalikan at babarilin.

Dahil dito, nagdesisyon si Sato na
unahan na si Lasuerte kaya binaril niya ito gamit ang cal. 45 pistol.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ang
biktima at agad na isinugod sa pagamutan sa Cotabato city.

Samantala, maaaring maharap sa kasong
frustrated murder si Sato at inaalam pa rin kung may lisensya ang ginamit
nitong armas sa pamamaril sa biktima.

Sa kabilang dako pa, isang bala naman
ng RPG ang natagpuan sa isang quarry site sa barangay Kadigasan, Midsayap.

Ayon kay Roni Agan, bulldozer driver,
pasado alas dos ng hapon kahapon nang mapansin niya ang naturang bala habang
naghuhukay sa Gil compound.

Agad niya itong isinuplong sa Midsayap
PNP at mabilis naman itong pinasabog ng bomb squad para hindi na makapaminsala.

Nabatid na ang naturang bala ay may
kakayahan pang sumabog kaya’t nagpapasalamat ang mga residente sa lugar dahil
agad itong na-detonate.

DADAAN
PA RIN sa masusing pag-aaral at public consultation Bangsamoro Basic Law o BBL
kapag muli itong inihain sa susunod na Kongreso na taliwas naman sa kagustuhan
ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sinabi
ni kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na hindi lang siya kundi maraming
mambabatas ang tututol sa nais ng MILF na i-shortcut ang BBL na inaasahang
muling ihahain sa 17th Congress.

Tugon
ito ni Alejano matapos maglabas ng statement ang MILF na sapat na ang
isinagawang konsultasyon sa nasabing panukala noong 16th Congress kaya nais ng grupo
na huwag nang ulitin ito.

Maliban
dito, nangangamba ang MILF na made-delay din ang pagpapatibay sa BBL sa 17th
Congress at mauulit ang mga bias” at hatred” sa nasabing panukala tulad noong
nakaraang Kongreso.

Subalit
ayon kay Alejano, kailangang dumaan sa panibagong proseso ang BBL kung saan muling
magsasagawa ng public hearing at consultation ang Kongreso lalo na sa ibang
sektor na hindi nakonsulta noong nakaraang Kongreso.

Sa iba
pang balita, hindi pa rin nagkakasundo ang mga miyembro ng Kamara sa panukalang
bigyan ng emergency powers si President-elect Rodrigo Duterte upang magsugpo
ang Abu Sayyaf Group o ASG.

Ayon
kay Quezon City Rep. Winston Castelo, kailangang suportahan ng Kongreso si
Duterte upang masawata na ang naturang teroristang grupo.

Binigyang-diin
ni Castelo na ‘drastic problems require drastic solutions.’

Bukod
dito, nagdudulot na rin aniya ang ASG ng international embarrassment para sa
Pilipinas.

Subalit
para kay Anak Mindanao Parylist Rep. Makmod Mending, pre-mature ang pag-grant
ng emergency powers kay Duterte.

Ani
Mending, subukan muna ng bagong gobyerno na tugunan ang problema gamit ang
lahat ng resources na hawak o hahawakan ng mga ito kapag sila na ang namuno sa
bansa para ibala at madurog ang ASG. IBUBUNYAG
ni Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu kay president-elect Rodrigo
Duterte kung sino-sino ang mga kilalang niyang nasa likod ng talamak na
bentahan ng droga sa ilang mga bayan sa Maguindanao at sa mga karatig na syudad
at lalawigan.

Tiniyak
ni Mangudadatu na nasa likod siya ng Duterte administration kaugnay ng mas
pagpapa-igting nitong programa kontra iligal na droga.

Ayon
pa sa gubernador, una na niyang isinuplong sa Philippine Drugs Enforcement
Agency o PDEA ang kanyang mga nalalaman ngunit kailangan niya pang magharap ng
mga ebidensya at testigo para mapatunayang totoo ang kanyang ibinigay na
impormasyon.

Una ng
sinabi ni incoming PNP Director Ronald dela Rosa na karamihan sa mga iligal na
drogang pumapasok sa

Southern
Mindanao ay nagmumula sa Maguindanao.

Pero
positibo si Mangudadatu na hindi ginagawa ang naturang mga iligal na droga sa Cotabato
City o saan man sa Maguindanao.

Bagkus
aniya, ang mga ito ay mula pa sa Maynila at ang lalawigan lamang ng Maguindanao
ang entry point ng mga drug syndicate.

Kaya payo
ni Mangudadatu sa mga pulis at sundalo mas higpitan ang kanilang checkpoints at
chokepoints, lalo na sa mga terminal, piyer at airport.

Aniya,
kailangan ding tingnan ang mga gulong at tangke ng gasolina ng mga sasakyang
dumaraan sa checkpoints.

Dagdag
pa ni Mangudadatu, dapat ding mabuwag ang mga private armed group na aniya ay
nagsisilbing protektor

ng mga
drug lord at drug dealers. PATULOY
NGAYON ang monitoring ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction Management
Office o PDRRMO sa mga bayan na apektado ng baha kasunod ng malakas at
sunod-sunod na ulan nitong mga nakaraang araw.

Sinabi
ni PDRRM officer Mercidita Toronda na tatlong mga bayan pa lamang sa ngayon ang
nag ulat na apektado ng baha.

Ito ay
kinabibilangan ng Pikit, Alamada at Mlang.

Sa Alamada,
isang bata ang naanod ng baha sa Sitio Banatalan barangay Bao.

Pauwi
ang bata mula sa eskuwelahan at tumawid sa ilog nang matangay ito ng malagas na
agos.

Hanggang
ngayon ay pinaghahanap pa ang bangkay ng di kinilalang bata na limang taong
gulang.

Ngayong
araw magpapatuloy ang search and rescue operations ng mga otoridad at magulang
ng batang nalunod.

NAGING
MASAYA, payapa at makabuluhan ang ang week-long celebration ng 57th
Araw ng Cotabato.

Kahapon,
sa mismong araw ng pagkakatatag ng lungsod ay nagkaroon ng parada na dinaluhan
ng iba't ibang sektor.

May
programa ring isinagawa sa city plaza kung saan nagpasalamat si Cotabato city
mayor Jojo Guiani sa mga mamayang ng lungsod sa suportang ibinigay para maging
matagumpay ang selebrasyon ngayong taon.

Nagdagdag
ingay at saya naman sa naturang okasyon ang mga showtime look-a-like nina Jingky
Paquiao, Bong Revilla, Christopher de Leon, Robin Padilla, Vice Ganda at Daniel
Padilla.

Host
naman sa naturang programa ang kwelang RaDYosang Si Nikki the Music Monster ng
DXOL Happy FM.

Samantala,
alas kwatro ng hapon naman nang isagawa ang unveiling of marker sa city wharf
kung saan unang dumaong si shariff kabunsuan noong 14th century.

Dinaluhan
ito ng adopted son ng lungsod na si Adam Bremo na mula pa sa Johor, Malaysia.

Mayroon
ding libreng concert sa People’s palace na nagbigay naman ng ingay at kasiyahan
sa mga Cotabateño kagabi.

Inilunsad ng Non Government Organization na Save Children ang mga libro para sa mga batang may edad mula 10 hanggang 18 anyos sa General Santos City kahapon
Ayon kay Save the Children OIC Program Director Mari Vargas, ang 19 na mga libro ay kakaiba dahil ito ay sinulat at iginuhit mismo ng mga bata sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani at North Cotabato. Ang mga ito ayon kay Vargas ay naging kalahok sa Teen Writing for Teens Project on Adolescent Sexual and Reproductive Health Story Writing Contest ng Save the Children.
Ipinahayag ni Vargas na ang mga inilunsad na libro ay nagtatampok sa mga isyung madalas nakaapekto ngayon sa mga bata.
Kabilang sa mga ito ayon kay Vargas ang maagang pagbubuntis, karahasan, at maagang pagpapakasal o early marriage.
Umaasa si Vargas na makatutulong ang mga libro upang lalo pang maisulong ng gobyerno ang kapakanan ng mga kabataan sa rehiyon. Bigo ang mga otoridad na makuha sa pinaglibingan nito at maiuwi sa kanyang pamilya ang bangkay ng isang Alexander Inocente Jr.
Si Inocente na habal habal driver mula sa Barangay Colungulo, Surallah, South Cotabato ay pinaslang at inilibing ng mga suspek sa Barangay Badak, bayan ng SK Pendatun,lalawigan ng Maguindanao.
Matapos ang isang linggong paghahanap, nalaman ng pamilya ni Inocente ang sinapit nito nang sumuko sa mga otoridad ang suspek na si Gilbert Kantong residente din ng Colongulo Surallah.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na pinakyaw umano ni Kantong ang suspek patungong Maguindanao.
Ang biktimang si Inocente ay inanyayahan pa umano ni Kantong at apat na mga kasama na gumamit ng droga at nang tuluyang malango saka umano nila pinalakol.
Si Kantong na unang sumuko sa kanilang barangay Chairman ay umanim umano sa krimen .
Tinangay din umano ng mga kasama nito na pinaghahanap pa ng mga pulis ang motorsiklo ng biktima.
Paliwanag naman ni Surallah, Chief of Police, Chief Inspector Joel Fuerte, hindi matandaan ng suspek ang pinaglibingan sa biktima dahil gabi aniya ng maganap ang krimen.
Dinagdag nito na hirap din ang mga pulis na pasukin ang barangay dahil ito ay teritoryo ng Moro Islamic Liberation Front o MILF. Umaasa si Dr. Patrick Alcedo na malakip sa United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o Unesco’s Intangible Cultural Heritage List ang kultura ng mga B’laan sa Koronadal City.
Si Alcedo na Associate Professor ng York University sa Toronto Canada ay nasa Koronadal ngayon upang pangunahan ang pananaliksik sa B’laan Culture.
Ayon kay Alcedo, particular na pagaaralan nila ang performing arts ng mga B’laan.
Ang kosepto na ito ayon kay Alcedo ay nagsimula sa Kolondatal International Festival noong nakaraang taon.
Ayon kay Alcedo, ang resulta ng kanilang pananaliksik ay isusmite sa Unesco Philippines na siya namang magbibigay nito sa Unesco Ministry of Culture sa Paris, France.
Aminado naman si Alcedo na tatagal pa ng hanggang dalawang taon bago malalaman kung pasok sa Intangible Cultural Heritage List ng Unesco ang B’laan, Culture.
Gayunaman ayon kay Alcedo kapag nakalusot ang kanilang pananaliksik sa masusing screening, ito ay isang malaking karangalan hindi lamang sa Koronadal at South Cotabato, kungdi maging sa buong bansa.
Makatutulong din ang pagpapabilang ng B’laan culture sa talaan ng UNESCO para lalo pang maisulong ang industriya ng turismo sa Koronadal.
Ayon kay Alcedo, dalawang mga kultura pa lamang ng mga Pilipino ang nalakip sa Unesco’s Intangible Cultural Heritage List.
Ito ay ang Epikong Darangen ng mga Maranao sa Lake Lanao at Hudhud Chants ng mga Ifugao sa Mountain Province.
Ipinayag ni Alcedo na pumayag siyang maging researcher dahil sa pagkamangha nito sa natatanging kultura ng mga Blaan sa Koronadal City.
Bingiyan diin din ni Alcedo na isa rin sa mga dahilan kung bakit karapat dapat mapabilang sa talaan ng UNESCO ang B’laan Culture dahil sa suporta ng indigenous community at lokal na pamahalaan sa pag-preserba nito. Umabot na sa mahigit 1,000
Nangunguna na sa talaan ng pinakamaraming drug pushers at users na sumuko sa South Cotabato ang Koronadal City.
Ayon kay South Cotabato PNP, Public Community Relations Chief, Superintendent Conrado Jovero, abot na sa 225 na mga umanoy drug dependents ang bolontaryong dumulog sa pulisiya.
Pinakahuling sumsuko sa lungsod ang 30 katao kahapon.
Ilan sa mga ito ay mga tricyle drivers at pusher na pumirma sa certificate of undertakings bilang tanda ng pagnanais ng mga ito na magbagong buhay.
Pumapangalawa naman sa Koronadal na may pinakamaraming drug dependents na sumuko ang bayan ng T’boli na mayroong 184, pangatlo ang Surallah na may 165 at pag apat ang bayan ng Sto. Nino na may 163.
Nakapagtala naman ng pinaka mababang bilang mga drug suspect na nangakong magbagong buhay ang siyam katao sa bayan ng Lake Sebu.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 1000 ang mga drug suspek ang sumuko sa South Cotabato.
Ayon kay Jovero inaasahang dadami pang mga drug dependents ang susuko sa lalawigan habang papalapit ang ang pammumuno sa bansa ng Duterte Administration. Naniniwala si South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na hindi pa maituturing na malaking tagumpay ang paglitaw ng mga suspected drug pusher at users sa South Cotabato.
Paliwanag ng Gobernador ang paglitaw ng mga drug dependent ay unang hakbang pa lamang kontra illegal drugs.
Ayon kay Fuentes kahit na nangako nang titigil, hindi pa rin tiyak kung tuluyan nang iwaksi ng lahat na mga sumukong drug dependents ang masamang bisyo.
Gayunpaman, ayon kay Fuentes kung may maitutulong na malaki sa pagsugpo ng problema sa illegal drugs ang pagsuko ng daang daang mga drug dependents, ito ay sa pamamagitan ng pagturo sa kanilang mga protector at supplier.
Nauna nang sinabi ni Fuentes na isa ring malaking hamon sa mga otoridad ang paghuli sa mga malalaking isda sa illegal drug trade.
Sa ngayon abot na sa mahigit 1000 daang mga umanoy drug dependents ang lumitaw at pumirma ng certificate of undertakings sa South Cotabato.
Ipinahayag ni Fuentes na handa ring tumulong ang provincial government sa pagpa-rehab sa mga sumukong drug dependents pero dapat ay makipag ugnayan muna ang mga ito sa kanilang local na pamahalaan. Handa na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mlang sa posibleng pagtama ng La Niña sa bayan.Ito ang ipinahayag ni MDRRM Officer Constatino Diazon sa Radyo Bida matapos ang sunod-sunod nilang inilunsad na pagsasanay sa mga barangay Qick Response team mula sa 13 mga barangay na una nang tinukoy na kabilang sa low lying areas ng bayan.Ayon pa sa opisyal malaki ang naitulong ng nabanggit na trainings sa mga piling responders na siyang mangunguna sakaling may mga kalamidad na darating.Handa na rin ang limang ekyaryang area na magiging evacuation site ng mga residente sakaling may mangyayaring force evacution.Magiging madali rin aniya para sa kanila ang pag relay sa mga anunsyo at mensahe dahil may kanya kanya namang hand held radios ang bawat purok leaders ng barangay.Magiging katuwang din nila ang Bureau of Fire Protection na magsasagawa ng serena sakaling may mga emergency.Samantala, target naman ngayon ng MDRRMC na kumpletuhin na lamang ang 37 barangay ng bayan na isailalim rin sa mga pagsasanay nang sa ganun lahat sa kanila ay may alam sakaling maranasan ang mga pagbaha. Ilang mga punto ngayon ang tinukoy ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO kung bakit nakakaranas ng mga biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente ang kanilang service area.Ayon kay COTELCO spokesperson Vicent Baguio, kabilang na rito kung saan may mga private area na nadadaanan ng mga linya ng kuryente na minsan ay natataon pa ito sa mga may sanga ng puno at ayaw ipatanggal ng mga may-ari o magsagawa ng clearing operation.Paliwanag naman ni Baguio ang iba rin kasing nag-mamay-ari ng mga nabanggit ng pribadong area ay nagpapabayad bagay naman na inamin ng opisyal na walang budget ang Cotelco para rito. Gayunman, di isinasantabi ng tanggapan at pag-aaralan umano ang nabanggit na hakbang.Pangalawa, natatamaan rin raw kasi minsan ang mga linya ng kuryente mula sa mga sanga ng kahoy dala ng malakas na hangin at malakas na buhos ng ulan.Ang iba namang dahilan ay mga ginagawa nilang preventive maintainance o pagkakabit pa ng mga poles sa subTransmission line. Ang nabanggit na pahayag ni Baguoi ay nag-ugat naman matapos nakaranas ng total black out ang service area ng COTELCO gabi noong linggo at ang ibang linya ay inabot pa ng umaga partikular sa may bandang Makilala.Inulan kasi ng maraming puna at batikos ang nabanggit na tanggapan matapos hindi makapagbigay ng maayos at maliwanag na sagot sakaling may mga ganitong pangyayari. Hindi na raw mapipigilan ang nakatakdang barangay election sa buong bansa ngayong darating na Oktubre 2016.Ito ang ibinunyag ni Incoming DILG Sec. Esmael Sueno sa eksklusibong panayam sa kanya ng Radyo Bida.Ayon kay Sueno, walang dahilan pa para hindi ituloy ang nabanggit na halalan.Kulang na rin aniya ang panahaon ng kongreso sakaling may mga pagbabago rito.Ang nabanggit na payahag ay nagmula mismo kay President Elect Rodrigo Duturte na suportado naman ng opisyal.Ito ang paglilinaw ni Sueno sa kabila ng mga lumalabas na report na hindi matutuloy ngayong 2016 ang barangay elections.Nagbigay rin ng komento ang opisyal kaugnay sa umano planong pag amyenda ng kongreso na gagawing limang taon ang magiging termino ng mga barangay officials bagay na ikinatuwa naman ng mga incumbent officials. Nagdulot ng paglikas sa mga pamilya ang nangyaring malakas na pagbuhos ng ulan kahapon.Ito ang kinumpirma mismo ni Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Tahira Kalantongan sa Radyo Bida.Ayon kay Kalantongan nasa area na ngayon ang buong team ng Pikit MDRRMC para i-rescue ang iba pang mga apektadong pamilya mula sa barangay ng Dalengawen at Gokotan.Base naman sa paglalarawan ng mga barangay officials kay Kalantongan, lumampas raw ang tubig sa mga bahay ng mga residente kung saan wala silang ni isang gamit na nabitbit.Isa sa kanilang kinumkumpirmang dahilan ay ang pag-apaw ng tubig sa mga creek dahil sa pagkasira ng lining ng NIA malapit sa area.Nasa Takepan Elementary School naman ngayon ang mga na rescueng residente habang nagpapatuloy ang validation ng nabanggit na tanggapan.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...