Tuesday May, 07 2024 11:35:18 AM

NDBC BIDA BALITA (June 22, 2016)

 • 
1,852
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 22, 2016
(WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ULO na natagpuan sa Jolo,
Sulu, kumpirmadong kay Robert Hall pero
katawan ng biktima, nawawala pa rin.2. TATLO katao, patay sa massacre na
naganap sa Kidapawan city.

3. Dengue cases sa Koronadal, bumaba ngayong unang 6 na buwan.4. Lady teacher sa Tacurong, inaresto dahil sa illegal drugs KINUMPIRMA
NA ng PNP crime
laboratory na pagmamay-ari ng Canadian national na si Robert Hall ang narekober
na pugot na ulo sa Jolo Cathedral noong June 13 ng gabi.

Ito ay base sa pahayag ni PNP crime
laboratory director, Chief Supt. Emmanuel Aranas matapos?ang?isang linggong?pagsasailalim sa forensic at DNA testing sa specimen na
nakuha sa ulo.

Sinabi ni Aranas na nai-kumpara nila sa
DNA profile ni Hall na galing pang Canada ang sample na nakuha sa ulo na
ipinagkaloob ng Canadian Embassy.

Una nang inihayag ni Aranas na bagaman
una pa man ay nakikilala na si Hall sa physical features nito ay kailangan pa
rin ang ginawang testing para na rin sa ilalabas na death certificate ng
biktima.

Matatandaang matapos
na mabigo ang pamahalaan na magbigay ng 300 milyong pisong ransom sa takdang
petsang?ibinigay
ng ASG noong June 13,
isinagawa ay pinugutan nila si Hall.

Nabatid naman na hanggang ngayon ay
hindi pa rin natatagpuan ang nawawalang bangkay ni Hall na sinasabing itinapon
sa dagat matapos itong pugutan.

Samantala, patuloy naman ang intensive
operation ng militar laban sa Abu Sayyaf sa Sulu.

Katunayan, tatlong mga miyembro ng Abu
Sayyaf ang napatay habang tinatayang nasa sampung iba pa ang sugatan, sa
panibagong sagupaan sa Sitio Bud Duwa Bayho, Barangay Pansul, Patikul, Sulu
kahapon.

Ayon kay Western Minadano Command spokesperson
Major Filemon Tan na pasado alas dos ng hapon kahapon nang makasagupa ng tropa
ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa tinatayang 200 mga Abu
Sayyaf member.

Unang dinala sa Trauma Hospital ng military
headquarter sa bayan ng Jolo ang mga sugatang sundalo habang inaasahang
ililipat sila papunta sa Camp Navarro General Hospital sa loob ng WestMinCom sa
Zamboanga City.

Una rito, dalawang mga kampo rin ng Abu
Sayyaf ang nakubkob ng militar sa Barangay Sinumaan, Talipao, Sulu.

Ayon kay Tan, nagsasagawa nang clearing
operasyon sa lugar ang tropa ng Army’s 45th Infantry Battalion nang madiskubre
ang dalawang inabandonang kampo.

Narekober sa loob ng kampo ang mga
personal na gamit ng mga tumakas na ASG member. HULI
ANG TATLONG MGA LALAKI sa inilunsad na drug buy bust operation sa Midsayap,
North Cotabato.

Kinilala
ng Midsayap PNP ang nadakip na sina Jonie Manibog alyas jong-jong”, 23 years
old taga barangay Poblacion Sais, Midsayap Joey Meguiso, 19 years old,
habal-habal driver na taga barangay Kimagano at

Jimboy
Hidalgo, 24 taong gulang at taga- barangay Poblacion, Kabacan.

Ang
tatlo ay nahuli sa aktong bumibili ng iligal na droga sa mga ahente ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 pasado alas tres ng hapon kahapon
sa barangay Kapinpilan, Midsayap.

Nakuha
mula sa kanila ang apat na sachets ng shabu na magkakaiba ang laki at tinatayan
nasa 30 libong piso ang kabuuang halaga.

Samantala,
sa Pikit, North Cotabato naman, dalawa katao ang naaresto rin matapos makuhanan
ng iligal na droga.

Nakilala
ang mga nadakip na sina Bryan Matali, taga- Aleosan at Totin Tinga.

Sakay
ang dalawa ng Badja motorcycle nang maharang ng mga otoridad sa checkpoint sa
barangay Batolawan, Pikit.

Tatlong
sachet ng shabu ang nabawi mula sa mga suspek at isang cal. 45 pistol.

Pinangunahan
ng United Youth for Peace and Development o UNYPAD ang isang Islamic symposium
na dinaluhan ng ibat ibang mga partisipante na mula pa sa magkakahiwalay na
lugar sa North Cotabato na karamihan ay nanggaling sa mga Barangay na sakop ng
Pikit.

Ayon
kay UNYPAD National President Dr.Ustadz Rahib Kudto, isinagawa ang nasabing Islamic symposium kung saan sabay na tinalakay ang
mahahalagang aral at turo ng Relihiyong Islam.

Kabilang
din sa mga napag-usapan ay ang kahalagaan ng buwan ng Ramadan na kasalukuyang
inoobserbahan ngayon ng mga kababayang Muslim.

Maliban
rito, nagbigay din ng updates sa mga partisipante ang nasabing organisasyon may
kaugnayan sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front
at ng Gobyerno ng pilipinas.

Dagdag
pa ni Kudto na mahalaga itong malaman ng maraming mamamayan lalo na’t ang mga
ito ay matagal ng inaasam ang pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa Isla ng
Mindanao.

Sa
kabuuan ay abot sa mahigit 300 mga partisipante ang nakadalo sa nasabing
Islamic Symposium na pinangungunahan ng UNYPAD Pikit Chapter sa pangunguna ni
UNYPAD Chair Dr. Ria Mangendra sa pakikipagtulungan ng LGU Pikit.

Ito ay
magpapatuloy na programa ng kanilang organisasyon di-lamang sa North Cotabato
kundi maging sa iba’t ibang mga lugar sa Central Mindanao.

Ang
UNYPAD ay isang grupo ng mga kabataang naghahangad ng kaunlaran at kapayapaan
sa Mindanao. DUMULOG
sa Cotabato City PNP ang isang negosyante ang matapos mabiktima ng snatching sa
mega market area ng lungsod.

Kinilala
ang biktima na si Guardia Inog Zacaria, 48 years old, negosyante at taga Purok
Masigay, barangay Poblacion Mother.

Kwento
pa ng biktima, magbubukas na sana siya ng kanyang tindahan sa Mega market nang
biglang hablutin ng suspek ang kanyang bag.

Nakilala
naman ng biktima ang suspek na si Badrudin Pawa na kilalang kawatan sa lugar.

Natangay
ni Pawa ang bag ng biktima na naglalama ng dalawang Samsung cellphones, id's, tatlong
ATM cards at cash na abot sa limang libong piso.

SAMANTALA,
isang lalake naman ang dinakip ni barangay Kalanganan 2 chairperson Abdula Darling
matapos maaktohang ninanakaw ang isang bisikleta sa lugar.

Kinilala
ang suspek na si Johari Sarif Ali, 19 years old at taga Tambak, Sultan kudarat.

Sa
ngayon ay NASA kustodiya ng police station
number 1 ang suspek. Magpapatuloy ngayong araw ang validation at assessment ng Pikit Municipal Risk Reduction and Management Council kaugnay sa nangyaring flashflood sa bayan noong nakaraang araw.Sinabi ni Pikit MDRRM Officer Tahira Kalantongan, base sa kanilang datkos umabot sa anim na barangay ang apektado ng pagbaha.Kabilang na rito ang mga barangay ng Dalengoen na may 168 na apektadong pamilya, Takepan na may 266 na pamilya, brgy. Panicupan, Ginatilan, Nalapaan at Gokotan.Ayon kay Kalantongan agad naman nilang pinauwi ang mga Internally Displace Person's matapos na bumaba na ang lebel ng tubig kahapon ng tanghali.Binigyan naman sila ng tulong ng Pikit LGU.Una nang tinukoy ng opisyal na ang ilang mga ilog malapit sa mga barangay ang dahilan kaya umapaw ang tubig dahil na rin sa lakas na buhos ng ulan.Isa rin ang pag-apaw ng tubig sa creek ng NIA kaya nangyari rin ang insidente. Samantala patuloy naman ngayong ang assesment na gagawin sa apat pang mga barangay sa Pikit, dahil wala pang opisyal na datus kaugnay sa bilang ng mga apektadong biktima.Sa nabanggit na pangyayari abot sa limang mga bahay rin ang partially damage habang kinumpirma naman ni Kalantongan na walang nasawi sa naturang pagbaha.Sa ngayon patuloy na nakaalerto at nakaantabay ang mga Quick Responders team ng bayan sakaling maulit pa ang nabanggit na kalamidad.Muling susubukan ng Tulunan LGU ngayong taon na masungkit ang pinakamataas na parangal ng Department of Health na Best Sanitation and Practices.Ito matapos makapasok bilang nominee ang barangay Bagumbayan Tulunan sa Third Big Category ngayong 2016.Sinabi ni Tulunan Mayor Lani Candolada basehan sa nabanggit na programa ang kaayusan at kalinisan ng bawat bahay ng barangay na ang layunin ay mailayo sa sakit ang mamamayan.Pagpapakita rin aniya ito ng mabuting relasyon ng mamamayan at nang LGU para maipatupad ang polisiya sa ilalim ng sanitation, Health Services at waste disposal.Iginiit rin ni Candolada na indikasyon rin ito na epektibo ang Health Program ng LGU na una na nitong inimplenta simula nang maupo sa pwesto bilang alklade ng bayan.Ito na ang ikalawang beses na napabilang ang bayan ng Tulunan sa prestihiyusong patimpalak mula sa DOH.Una umano nito noong 2015.Kasabay nito, susubukan rin ng isang barangay mula sa President Roxas ang Second Category sa Best Sanitaion Award ngayong taon na gagawin naman sa DOH National Office. Patay ang tatlo katao matapos minasaccre nang mga di pa kilalang suspek sa Madrid Subdivision, brgy. Poblacion Kidapawan City pasado alas dyes kagabi.Kinilala ni Kidapawan City PNP Chief Of Police Supt. Leo Ajero ang mga biktima na sina REUBEN ANTOPINA BAGASING, 21 ANYOS, BARBERO, JUANITO ALISOSO GAMBOA, ALIAS TOTO’ 25-ANYOS, driver , at isang FRANCISCO SAKAYAN JR. 36 ANYOS isa ring driver.Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP nanonood lamang ng TV ang mga biktima sa loob ng bahay ng isang CITA COMPIDIO nang bigla na lamang sinira ng dalawang naka bonnet na lalaki ang pinto ng bahay at pinaulanan ng bala ang mga biktima gamit ang 45 caliber pistol.Patay on the spot sina Bagasing at Gamboa habang nakatakbo pa sa labas si Sakayan na hinabol rin ng mga suspek at pinagbabaril.Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen sakay sa isang walang license plate na motorsiklo.Posible namang sangkot sa ilegal na droga ang mga biktima na ngayong ay patuloy pang iniimbestigahan ng PNP. Umaasa ngayon ang Kidapawan City LGU na magiging alerto na ang mga residente ng Sitio Mawig, Brgy. Balabag, Kidapawan sa posibleng pagtama ng landslide sa kanilang lugar.Ito matapos isagawa kahapon ang isang simulated landslide drill sa kabila ng masungit na panahon.Pinangunahan ito mismo ni City Mayor Joseph Evangelista kasama ang mga miembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, DILG, PNP BFP at Call 911.Aktwal na isinagawa ng mga residente ang paglikas bitbit ang kanilang mga gamit at pamilya sa barangay Covered court kung saan naman naghihintay sa kanila ang CSWDO at City Health Office.Agad naman silang isinailalim sa counseling at medical checkup.Bagaman at drill lamang ang pangyayari, mahalaga pa rin umano na malaman ng mamamayan ng brgy. Balabag ang mga hakbang na gagawin sakaling tumama na ang isang kalamidad lalo malaki ang banta ng landslide sa kanilang area.Dahil dito, muli ring nagpapaalala si Evangelista at mga lokal na otoridad na sapilitang ipapatupad ang force evacuation sakaling magkalandslide para na rin sa kaligtasan ng lahat.Nag-iwan naman ng early warning system at radion communication ang LGU sa mga barangay officials upang magkaroon ng monitoring sa sitwasyon ng Balabag laban sa banta ng landslide. SUGATAN ang isang Police Officer 2 Konga ng Pikit PNP nang aksidenteng pumutok ang caliber 45 pistol na nakasukbit sa baywang ng isang lalaki habang nagsasagawa ng checkpoint sa Barangay Batulawan, Pikit, alas-10 ng umaga, kahapon.Ayon kay Chief Inspector Bryan Plaser, hepe ng Pikit PNP, kinukuha ni PO2 Konga ang pistola ng isang Tutin Mangoda Tinga nang bigla ito’ng pumutok at tinamaan sa baywang ang pulis.Di raw kasi agad pumayag si Tinga na ibigay sa pulis ang kanyang baril at no’ng kinukuha na ang pistola ay bigla na lamang ito’ng pumutok.Agad dinala sa Cruzado Medical Clinic ang pulis para mabigyan ng kaukulang lunas, habang si Tinga ay nakakulong matapos di makapagsumite ng mga papeles na magpapatunay na legal ang pagdadala niya ng baril.SAMANTALA, isang explosive ang sumabog sa Pikit, kahapon.Patuloy pa ang pag-alam ng Pikit PNP kung ano’ng uri’ng bomba ang sumabog.SA BAYAN pa rin ng Pikit, kinumpirma ni Chief Inspector Plaser na nagkatutukan ng baril ang isang barangay official at isang ex-Marine soldier na isa sa mga residente na apektado ng mga pagbaha habang kasagsagan ng relief operations, kahapon.Pero sa tulong ng Pikit PNP, naayos ang gusot ng dalawa at nagpatuloy ang relief operations, kahapon, ayon pa kay Plaser.NDBC BIDA BALITA Umabot man sa redline o epedimic threshold ang hanggang 40 dengue cases bawat lingo kas ng dengue sa Koronadal City mula Enero hangang Mayo nitong taon, bumaba na rin ito ngayong Hunyo.
Ito ay kinumpirma ni OIC City Health Officer Dr. Jean Genevieve Aturdido.
Ipinahayag ni Aturdido na ngayon Hunyo umaabot na lamang sa 4 hanggang 5 kaso ng dengue kada linggo ang naitatala ng Koronadal City Health Office.
Ito ay sa kabila naman ng pagdating ng tagulan at pasukan kung kelan kadalasan dumadami ang mga nagkakasakit ng dengue.
Ayon kay Aturdido kabilang sa mga barangay na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng dengue sa ika 23rd week ng kasauluyang taon ang Santa Cruz na mayroong 39, pangalawa ang Zone 3 nay 32, at pangatlo ang General Paulino Santos na may 31 dengue cases.
Umaabot na sa 267 ang nagkasakit ng dengue sa Koronadal City, mula Enero hanggang May 6, 2016.
Ayon kay Aturdido naging dahilan ng pagbaba ng kaso ng dengue sa Koronadal ang maagap na paresponde ng City Health Office sa mga lugar kung saan marami ang nagkakasakit nito.
Kabilang sa mga ipinatupad ng city health office ayon kay Aturdido ang malawakang information dessimination at clean up drive. Matatandaan na bilang proteksyon laban sa dengue, namigay ng chemical treated nets ang Provincial Health Office ng South Cotabato at Department Health sa mga eskwelahan na may pinakamaraming kaso ng dengue. Nais ng ilang mga school administrators at guro sa Koronadal City na gawing one way” ang mga daan malapit sa kanilang eskwelahan.
Ayon kay Koronadal City Traffic Supervisor Ed Tabago, maaring maapektuhan nito ang Rizal Street sa Barngay Zone IV na nasa harap ng Koronadal Central Elementary o KCES 1 at 2, at Koronadal National Comprehensive High School o KNCHS.
Layon nito ayon kay Tabago na maiwasan ang trapik sa mga araw ng klase at matiyak ang kaligtasan ang mga estudyante .
Ayon kay Tabago hihilingin nito sa mga bagong myembro ng Sangguniang Panglungsod na bumalangkas ng ordinansa para gawing one way ang traffic sa naturang kalye.
Sinabi ni Tabago na nakakadagdag din sa trapiko sa lugar ang dami ng mga magulang na naghahatid ng kanilang mga anak sa eskwela.
Nilinaw ni Tabago na para di makaapekto sa maraming mamamayan, ipatutupad lamang ang one way” sa Rizal Street sa mga piling oras at araw.
Posibleng makararanas pa ng tuloy tuloy na mga pagulan ang lalawigan ng South Cotabato.
Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mila Lorca, kabilang kasi sa mga lugar na tinukoy ng Pagasa na apektado ng Inter tropical Convergene Zone o ITCZ ang South Cotabato.
Ito ang dahilan kung bakit umaapela ngayon si Lorca sa mga mamamayan ng lalawigan na magingat.
Partikular na pinagiingat nito ang mga residente na nakatira malapit sa mga bahaing lugar tulad ng mga pampang ng ilog at sapa.
Ayon kay Lorca dapat ding maging alerto ang mga mamamayan na naninirahan sa paanan ng mga bundok dahil sa posibleng landslide.
Ito ang ipinahayag ni Lorca matapos salantain ng baha at landslide ang mga barangay ng Upper Makulan at Halilan sa bayan ng Lake Sebu kahapon.
Dahil sa malakas na ulan dulot ng inter tropical convergene zone, sinusinde din ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Surallah, Banga at Sto. Nino kahapon.
Samantala, bilang paghahanda sa kalamidad, nagsagawa na rin ng inventory sa mga rescue equipment, populasyon na maring maapektuhan, at posibleng evacuation center ang local na pamahalaan ng Koronadal City. Arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Tacurong City, Sultan Kudarat, ang isang guro kahapon.
Ang suspek na si Noria Pudin, guro sa Tacurong City National High School ay isa sa limang drug suspek na naaresto sa simultaneous na operasyon ng mga pulis kontra illegal drugs.
Ayon kay Tacurong Chief of Police Superintendent Ranie Hachuela nakuha sa bahay ng gurong suspek sa Barangay New Isabela ang may 74.3 gramo ng suspected shabu.
Pinabulaanan naman ng guro na siya ay drug pusher at sa kanya ang mga nakumiskang umanoy droga.
Isinagawa ng mga pulis ang raid sa bahay ng suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Tacurong Regional Trial Court Judge Melanio Guerero.
Arestado din sa one time big time operation ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa Tacurong City ang mga drug suspek na sina Benjie Ganding Gayan, Aliman Midtonong Salat, Nasser Midtonong, at Hasser Musalim.
Inihahanda na pulisiya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa mga suspek na nakakulong na ngayon sa Tacurong City PNP lock up cell. Hindi na nakapalag pa ang isang suspected drug pusher nang matimbong sa drug buy bust ng mga pulis sa Koronadal City kahapon.
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Federico Abaigar, alias alog 49 anyos.
Ayon kay Condes, si Abaygar ay nabilhan ng shabu ng police asset habang nagpapaayos ng kanyang motorsiklo sa isang repair shop sa Yellow Bell block 2, Barangay Zone 3 pasado alas singko kahapon.
Kinumpirma ni Condes na si Abaygar ay isa sa pinakamalaking supplier ng illegal drugs sa South Cotabato.
Sa katunayan ayon sa Police Official, nakakapag-diliver ito ng hindi bababa sa isang milyong pisong halaga ng umanoy illegal na droga kada lingo sa lalawigan.
Ayon kay Condes, ginagamit pa umano ng suspek ang kanyang pangalan upang makapagbenta ng illegal na droga sa pagsasabing walang ikabahala ang kanyang mga parokyano dahil kamag anak siya nito.
Nakuha ng mga pulis sa suspek ang apat na sachet ng suspected shabu.
Sinabi ni Condes na si Abaigar na kalalabas lamang sa kulungan ay tatlong beses nang naaresto ng mga pulis dahil din sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs.
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa suspek.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...