Saturday May, 04 2024 06:07:09 PM

NDBC BIDA BALITA (June 27, 2016)

 • 18:35 PM Mon Jun 27, 2016
2,244
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS TEAM

NEWSCAST

JUNE 27, 2016
(MON)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PUBLISHER ng TABLOID sa Cotabato City, hinahanap na daw ng NBI matapos ang mga paratang laban kay Mayor Guiani.2. Anim patay, 9 na iba pa sugatan sa vehicular accident sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

3. LABING APAT na mga barangay sa Kabacan,
North Cotabato, nanganganib na masalanta ng flashflood.

4. CONSTRUCTION WORKER, PATAY matapos madaganan ng gumuhong pader sa Polomolok, South Cotabato

5. Limang suspected drug pusher, naaresto sa Kabacan, North Cotabato

Six passengers of this passenger jeepney that turned on its side after hitting a dump truck in Barangay Pinguiaman Datu Odin Sinsuat Maguindanao Photo by John Unson and//www.ndbcnews.com.ph/uploads/1466945929_543829625.jpg (Larawan kuha ni John Unson ng Philippine Star at Mindanao Cross) ANIM KATAO ang nasawi, kabilang na ang isang 8 taong gulang na batang babae at isang sundalo, matapos na ang kanilang sinasakyang pampasaherong Town Ace ay naaksidente sa Barangay Pinguiaman, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.Ang mga biktima ay sakay ng kulay violet ang mga bitkima patungong Cotabato City nang mabangga ito sa kasalubong na Dump Truck dakong alas 2:30 ng hapon.Kinilala ni Datu Odin Sinsuat town police chief Senior Insp. Lyndsey Sinsuat ang mga nasawi na sina Cpl. Akmad Adam ng 37th Infantry Battalion, Arbaya Salik, Isem Salik, Subaida Hashim, ang walong taong gulang na si Princess Mamasabacolod at ang kanyang ina na siJaneth Mamasabacolod, pawang mga residente ng Maguindanao.Ayon kay Sinsuat, mabilis ang takbo ng Town Ace (MWB-489)habang katamtaman lang ang takbo ng dump truck pero nasagi ng pampasaherong jeep ang truck at nawalan ng kontrol sa manibela ang di pa kinilalang driver ng jeep. Sa lakas ng pagkakasage, tumagilid ang jeep.Agad na rumespunde ang mga sibilyan at tinulungang malakalabas ng sasakyan ang mga biktima.Sumuko naman sa pulisya ang driver ng truck na siSalazar Cabiba Usman, 54 ng BarangayTanuel, Datu Odin Sinsuat Maguindanao habang ang jeepney driver na siSuandi Sandigan, 29ay nasa ospital kasama ang walong iba pang sugatan.Ayon sa mga saksi, abala sa kanyang cellphone ang jeepney driver at panay ang text habang nagmamaneho bago ang aksidente. PINAGHAHANAP NA ngayon ng National
Bureau of Investigation o NBI ang publisher at editors ng tabloid na COTTA BATO
POST na umano ay naglabas ng mga malisyoso at mapanirang impormasyon laban sa
alkalde at bise alkalde ng Cotabato city.

Sa June 2016 issue ng naturang monthly
tabloid, headline nito ang umano ay pagkakasangkot nina Cotabato City Mayor
Japal J. Guiani, Jr. and incoming Vice Mayor Atty. Frances Cynthia
Guiani-Sayadi sa illegal drug trade.

Agad na binatikos ng magkapatid na
lider ng lungsod ang anila ay kasinungalingang inilabas ng naturang pahayagan.

Sa panayam kay Sayadi ng DXMS AM Radyo
Bida ngayong umaga, iginiit nito na walang basehan ang akusasyon ng naturang
tabloid at wala itong kredibilidad dahil wala itong editors at publisher’s
information.

Ayon pa kay Sayadi, napag alaman nila
na hindi rin ito ibinibenta at sa halip ay ipinamimigay ng libre sa mga
mamamayan ng lungsod.

Kaya aniya, naniniwala siya na
namumulitika lamang ang mga taong nasa likod nito na ang tanging hangad ay
siraan sila ni mayor Guiani.

Samantala, iginiit ng bise alkalde na
desidido silang mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng naturang black
propaganda laban sa kanila.

Binigyang-diin din ni Sayadi na noon pa
man ay puntirya na nila ang pagsugpo sa iligal na droga sa lungsod kaya mas
pinapa-igting nila ang kampanya laban sa drug trafficking.

DESIDIDO
si Maguindanao Governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na sampahan ng patong patong
na kasong libel at paglabag sa RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012
ang taong nasa likod ng pekeng facebook account na nasa pangalan ng isang BAI
UTTO.

Ito ay
matapos na idawit nito ang Governor Mangudadatu at mga kapatid nito sa illegal
drug trade at tinawag pa silang mga drug lord sa pamamagitan ng FB post.

Sinabi
ng abogado ni Mangudadatu na si Atty. Israelito Torreon na natukoy na nila ang
pagkakakilanlan ng suspek at ito ay sa tulong ng National Bureau of
Investigation o NBI – Cyber Crime Department.

Sabi
pa ni Torreon, maging ang mga nag-comment ng pabor sa naturang mapanirang FB
post ni Bai Utto at ang mga nag-share ng naturang post ay kakasuhan din ng
gubernador.

Naniniwala
naman si Governor Mangudadatu na politika ang nasa likod ng naturang paninira
sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

Iginiit
niya na kailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang isyung may kinalaman sa
iligal na droga.

Katunayan
aniya, nagdeklara na siya ng gera laban sa mga drug lord sa lalawigan bilang
suporta sa malawakang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na
droga.

Samantala,
una rito, nagpatupad ng random drug testing si Mangudadatu sa kanyang mga farm
worker at ilang mga kawani ng Maguindanao provincial government.

PATULOY PA
RING ini-imbistigahan ng mga otoridad kung ano ang motibo sa insidente ng
pamamaril at pagpatay sa isang lalake sa Cotabato city kamakalawa.

Kinilala ang
biktima na si Weldon Balhaman, 28 years old, walang asawa, walang trabaho at
taga -Baranggay Poblacion Tres ng lungsod.

Sa ginawang
pagsisiyasat ng kapulisan hinggil sa naturang insedente, nakatayo lamang ang
biktima Alas otso ng umaga sa Doton Street sa Baranggay POB 3, nang biglang
hinintoan siya ng naka motorsiklong suspek at pinagbabaril.

Nagtamo ng
apat na tama ng Kalibre 45 baril ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang
katawan, dahilan ng daglian nitong kamatayan, habang agad na umiskapo ang
suspek sa Hindi matukoy na deriksiyon.

ISANG
BANGKAY NG BABAE ANG NATAGPUAN sa Brgy. Katil, Datu Paglas, Maguindanao pasado
alas singko ng umaga kahapon.

Sa
report ng Datu Paglas PNP, nagtamo nang tama ng bala ang hindi pa nakikilalang
biktima sa kanyang noo at kaliwang kamay na posibleng dahilan ng kanyang
agarang kamatayan.

Sa
paglalarawan, ang babaeng biktima ay may taas na 5'1, nasa 40 hanggang 45
anyos, nakasuot ng kulay gray na sweat shirt, naka-maong pants, may headband at
black mask.

Narekober
sa crime scene ang dalawang empty shells mula sa cal. 45 pistol at isang muslim
scarf o tundong.

Kasalukuyan
namang iniimbestigahan ng Datu paglas Pnp ang naturang insidente.

Sa
ngayon, nasa Collado Funeral homes sa bayan ng Tulunan, North cotabato ang
bangkay ng hindi pa nakikilang biktima. Agad
na naalerto ang mga pulis sa Cotabato city kasama ang Explosives and Ordnance
Disposal team, matapos makatanggap ng impormasyon na isang kahinahinalang
sasakyan ang iniwan sa bahagi ng Ramon Rabago Street MBRH, alas singko ng umaga
kamakalawa.

Agad
na ginalugad ng EOD team ang kulay green na ISUZU Big Horn Truck na may plate
number YEB 478 at nag negatibo naman Ito sa IED.

Pasado
alas otso ng umaga na nang dumating sa area ang nagpakilalang may -ari ng
naturang sasakyan na si Sallavi
Lumampinit, 45 years old na taga San Pablo Village barangay RH-11 ng lungsod.

Napag-alaman
na nagloko ang naturang sasakyan biyernes ng Gabi kaya niya Ito iniwan sa
nabanggit na lugar.

Natuklasan
din ni Lumampinit na nawawala na ang amplifier speaker boosterng kanyang sasakyan na nagkakahalaga nh 100
thousand pesos at 12 plates battery nito na nagkakahala ng 8 thousand pesos.

Lumalabas
naman sa imbistigasyon ng otoridad na posibling bukas kotse gang ang tumira sa
sasakyan ng biktima. Personal grudge ang sinusundang anggulo ngayon ng Carmen PNP sa panibagong kaso ng pamamaril na nangyari sa Purok Malapag, Carmen, North Cotabato. Ang biktima ay nakilalang si Alyas TABARA isang market vendor, na taga Pikit North Cotabato. Nangyari ang insidente alas onse nang umaga nitong nakaraang linggo sa mismong public market ng bayan. Sa imbestigasyon ng PNP binaril ang biktima ng isang di pa tukoy na suspek na umano nakasuot pa ng Jacket, may takip ang mukha nang isagawa ang krimen. Apat na bala ang tumama sa dibdib ng suspek mula sa 45 caliber pistol na nagresulta naman sa kanyang agarang kamatayan. Tinutugis pa ngayon ng PNP ang suspek sa nabanggit na insidente. Siyam kaagad ang boluntaryong sumuko na pinaniniwalaang mga drug user sa bayan ng Mlang matapos ang sunod-sunod na drug operation ng PNP nitong nakaraang linggo. Una rito, nagsagawa ng drug raid operation ang PNP kung saan naaresto nila ang tatlong ng mga suspek. Kinilala ni Supt. Joefrry Todeño ang mga nahuli na sina Jessie Cofreros at ka live-in partner nitong si Arlene Melegrito alyas Olive at isa ring Jack Galleros parehong mga taga Poblacion, Mlang. Nakuha mula sa kanila ang walong sachet ng pininiwalaang shabu, isang granada, iang 38 revolver at mga drug paraphernalia. Nabatid na matapos ang nabanggit na operasyon siyam ang boluntaryong sumuko sa PNP na nagpakilalang mga gumagamit ng ilegal na droga habang isa naman ang sumuko na may dati nang kaso sa ilegal na droga. Iginiit ni Todeño na hindi lang dito magtatapos ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga kundi magtutuloy tuloy na ito. Umaasa ang opisyal na madadagdagan pa ang nabanggit na bilang lalot pat malapit na ang pag-upo ng bagong pangulo ng Pilipinas kung saan prayuridad nito ang paghuli sa mga sangkot sa anumang ilegal na aktibadad. Samantala, walong mga suspected drug user din ang umano boluntaryong sumuko mula sa brgy. Labuo, Presidente Roxas North Cotabato. PAGKATAPOS ng higit 10 taon naisalibro rin ang mga tula, artikulo, recipe at kung anu-ano pang laman ng puso at isip ni Cecelia Diazon-Lopez – guro na may bipolar disorder. At nito nga’ng June 25, isinagawa ang launching ng kanyang libro na may titulong, Out of the Cocoonand My Triumph Over Bipolar Disorder.” Para kay Cecil, ang ‘cocoon’ o ‘bahay-uod’ ay simbolo ng kanyang mga pinagdaanan sa sakit na bipolar. Ipinaliwanag ni Cescil na ang bipolar disorder ay isang ‘mood disorder’ na kung saan ay mabilis na nagbabago ang kanyang mood, sigla, at level ng aktibidad. Tawag niya rin sa sakit ay manic-depressive illness”. Sa libro, ikinuwento ni Cescil kung paano niya napagtatagumpayan ang laban sa bipolar disorder. Dahil batid niya na kapag ‘di niya kinaya ang mga sintomas nito, maaaring maapektuhan ang kanyang career at ang pakikipag-releasyon niya sa kanyang pamilya at sa kapwa. Ang publisher ng libro ay ang Discipleship Resources Philippines (DRP) na isang religious organization na nakabase sa kalakhang Maynila. Sinabi ni Earlie Pasion-Bautista ng DRP na no’ng mabasa niya ang manuscript ng libro, alam niya na magiging inspirasyon ito sa mga may bipolar disorder at maging sa mga taong may kaanak na may ganitong sakit. Sa launching, dumalo ang buong pamilya ni Cescil. Kasama na rito ang kanyang mister na si Alex na para kay Cescil ang nagsisilbi niya’ng lakas. Naroon din sa book launching ang tatlo niya’ng mga kapatid, mga kaibigan, kakilala, at mga kamag-anak. Parehong nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 at RA 10591 o Illegal Possesion of firearms ang apat na mga indibidwal matapos maaresto ng Kabacan PNP nitong weekend. Kinilala ni Police Senior Ins. Ronnie Cordero ang mga suspek sina Disederio Castillo alyas Kulot, 32 taga Purok Saranay, Kabacan at ka-live in partner nitong si Cherry Ann Wong Combate, 31 anyos na taga Antipas, North Cotabato. Nahuli ang dalawa sa inilatag na buy bust operation kahapon ng umaga sa Sinamar 1, Poblacion Kabacan. Hindi na rin nakapalag pa ang isang magsasaka na si Akmad Ali Salimula, 26 na taga Matalam nang makorner sa isang travellers in sa Rizal Avenue Poblacion sa buy bust operation rin ng PNP kung saan nakuhanan rin ito ng isang sachet ng shabu marked money at drug paraphernalia. Huli rin ang isang ARJAY RAGANDAN BALIMBINGAN, 32-anyos na taga DONA AURORA STREET, POBLACION, matapos makuhanan ng ilegal na droga sa isinagawang foot patrol ng PNP. Arestado rin sa pagdadala ng di lisensyadong baril si TONGAN AKMAD LUMANDAS, 40 anyos, magsasaka na taga brgy Nanganaansa inilunsad na Oplan Sita ng mga otoridad sa Aglipay Street kahapon ng umaga. Parehong nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Kabacan PNP lock up cell. Mariing binabantayan ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Kabacan ang pag-apaw ng dalawang malalaking ilog na nakapalibot sa bayan, ang Pulangi River at Kabacan River. Ito dahil ay magdudulot ng pagbaha sa mga barangay na malapit dito at iba pang mga low lying barangays ng bayan. Sinabi ni MDRRM Officer David Don Saure 14 na mga barangay ngayon ang kanilang natukoy at 24 oras na binabantayan na kabilang sa flood prone areas. Ayon pa kay Saure kamakailan lang ay kanilang tinipon ang mga barangay officials ng 14 na barangay kung saan nagsagawa sila ng pre-disaster assesment kasama ang mga opisyal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council para sa mga planong gagawin sakaling tumama ang La Nina sa bayan. Kaya naman, tiniyak ni Saure na handa na ngayon ang mga barangay sa posibleng pag-apaw ng tubig. Katunayan nitong biyernes lamang, muling nagpulong ang mga kinatawan ng MDRRMC at LGU para sa mga dagdag na paghahandang gagawin. Una na kasing ipinahayag ng PAG-ASA na isa ang Kabacan sa matatamaan ng malaking pag-baha na maaaring mangyari sa mga susunod na buwan o kung magpapatuloy ang malakas na buhos ng ulan. Pinag-iingat lamang ngayon ng MDRRMC ang mga residente nakatira malapit sa mga ilog na maging alerto sa lahat ng panahon at makipag-ugnayan parati sa mga barangay officials lalo nat kung magkakaroon ng force evcuation sa kanilang mga area. Sinisikap ngayon ng city engineering office ng Koronadal na mapigilan ang mga pagbaha sa ilang mga daan sa lungsod.
Ang mga daan na ito na madalas bahain ay matatagpuan sa Maranon Village, Barangay Zone 3 Upper at Lower Balmores sa General Paulino Santos Dona Lourdes Subdivision sa Zone 2 at Agreda Subdivsion sa Barangay Sto. Nino.
Ayon kay City Engineer Ruel Tianchon, ito ay kasabay naman ng pagsisimula ng tagulan.
Pinasalamatan naman ni Tianchon ang mga mamamayan dahil sa inisyatibo ng mga ito na kusang alisin ang mga basura na kadalasang bumabara sa ilalim ng mga tulay at kanal sa tuwing bumubuhos ang malaks na ulan.
Ito ay upang hindi na umapaw pa at magdulot ng mga pagbaha.
Ipinahayag ni Tianchon na isa rin sa ginawa ngayon ng city engineering office para maiwasan ang mga pagbaha ay ang paghuhukay sa Bulok Creek.
Sa kabila nito, umaapela pa rin si Tianchon sa mga mamamayan na ngayong tagulan panatiling malinis ang kanilang mga kanal, huwag magtapon ng basura sa bulok creek at iba pang daluyan ng tubig para makaiwas sa mga pagbaha.
Kinumpirma din ni Tianchon na may nakalatag ng master drainage plan ang Koronadal City.
Sisimulan na rin ng lokal na pamahalaan ang konstruksyon ng apat na mga diversion canal sa lungsod. Hihilingin ni Koronadal Mayor Peter Miguel sa konseho ang pagbalangaks ng ordinasa para mag-regulate sa bike lane sa lungsod.
Layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayang gagamit sa bike lane sa pamamagitan ng pagbabawal dito ng mga 4-wheel vehicle, motorsiklo at tricyle.
Binigyan diin ni Miguel na ang bike lane ay laan lamang sa mga pedestrian at bikers.
Ayon sa alkalde maaring patawan ng kaukulang multa ang sinumang lalabag sa bike lane ordinance sakaling ito ay palulusutin ng konseho.
Sinabi ni Miguel na para magamit kahit gabi ay lalagyan din ng ilaw at pagandahin ang bike lane.
Dudugtungan din ang bike lane mula Koronadal City Hall papuntang barangay Concepcion.
Ito ang ipinahayag ni Miguel matapos ang concreting ng bike lane mula sa city hall hanggang sa sentro ng lungsod.Patay on the spot ang isang construction worker matapos matabunan ng gumuhong ginagawang pader sa Barangay Silway 8,Polomolok, South Cotabato.
Kinilala ng pulisiya ang biktima na si Joey Dala, residente ng T’boli, South Cotabato.
Ang biktimang si Dala ay natabunan ng pader na ginagawa nito nang lumambot ang lupa dahil sa malakas na buhos ng ulan.
Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nakaiwas pa ang biktimang construction worker.
Maswerte namang nagtamo lamang ng mga sugat at nakaligtas sa insidente ang kasama nitong si Jonathan Lagos, residente ng Barangay Lumbakil, Polomolok.
Si Lagos ay agad namang dinala sa isang ospital sa bayan.
Bagama’t aksidente ang nangyari, aalamin pa ng pulisiya kung substandard ang mga materyales na ginamit sa gumuhong pader na kumitil sa buhay ng biktima. Nanguna mismo sa unveiling o pagbubukas ng marker na kumilala sa Lake Sebu bilang Labor Laws Compliant tourist destination si Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Rosalinda Demapilis-Baldos kahapon.
Pinasalamatan naman ni Baldoz ang sampung resort at isang Security Agency sa Lake Sebu sa pakikipagtulungan ng mga ito sa DOLE para sa ikabubuti ng kanilang mga mangagawa.
Ayon kay Baldoz, matapos mabigyan ng certificate of compliance, tiyak na makatataggap ng tamang benipisyo at pagkilala sa kanilang karapatan ang mga magagawa ng mga esablisementong mariing sumusunod sa mga batas ng paggawa.
Ipinahayag ni Baldoz na makasaysayan ang pagdeklara sa Lake Sebu bilang Labor Laws Compliant dahil ito ay kauna unahan sa SOCCKSARGEN Region at panglima sa buong bansa.
Ayon kay Baldoz kahilera na rin ng Lake Sebu ang Isla ng Guimaras, Dinagat Island, Camiguin,at Boracay na nauna nang nabigyan ng DOLE ng Certificate of Compliance.
Umaasa din si Baldoz na ito ay makatulong para lalo pang mapalakas ang industriya ng turismo sa Lake Sebu.
Umaapela din si Baldoz sa iba pang may ari ng mga tourism establishement sa region 12 na sumailalim din sa assessment ng DOLE para mabigyan din ng certificate of compliance. Limang rebel returnees sa South Cotabato nabigyan ng pinansyal na tulong
Tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa Department of Interior and Local Government o DILG ang apat na mga rebel returnees sa South Cotabato kahapon.
Ito ayon kay 27th Infantry Batallion Commanding Officer Lt. Col, Benjamin Leander ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng Comprehensive Local Integration Program o CLIP para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
Ang mga sumukong NPA ay tumanggap ng hanggang P20,000 cash assistance.
Ayon kay Leander ang mga ito ay mabibigyan din ng P50,000 livelihood assistance at livelihood training ng gobyerno.

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...