Saturday May, 04 2024 01:44:08 PM

NDBC BIDA BALITA (June 28, 2016)

 • 21:15 PM Tue Jun 28, 2016
2,369
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS TEAM

NEWSCAST

JUNE 28, 2016
(TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BAGONG HALAL na opisyal ng
Cotabato city, nanumpa na sa kanilang tungkulin.

2. MGA NAGWAGING kandidato sa ilang mga
bayan ng North Cotabato, nanumpa na rin sa tungkulin

3. Mahigit 400 drug personalities,
sumuko sa dalawang mga bayan ng Sultan Kudarat

4. Prime suspect sa Banga, South Cotabato massacre, pinalaya dahil walang katibayan laban sa kanya-00- sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13557735_510412905831858_8766099498691138174_n.jpg?oh=64501f9b7a7576f224cd6ab19f1010cdandampoe=57E8E5DC (Tour of duty ngIndonesian Peacekeepers at Japanese rehabilitation expert, magtatapos sa June 29, exit call ginawa sa 6th Infantry Division - Lawaran kaloobng 6th ID information office) PINANGUNAHAN ni Cotabato City Mayor
Japal Guiani Jr. at vice Mayor-elect Atty. Cynthia Guiani-Sayadi ang isang
simpleng oath-taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng lungsod kahapon
sa People’s Palace.

Pitong iba pang mga miembro ng Sangguniang
Panglungsod ang nanumpa rin sa harap ni Judge Bansawan Ibrahim ng Regional
Trial Court - Branch 13.

Kabilang sa mga konsehal na nanumpa
kahapon sina Councilors Graham Dumama, Cristina Chua, Fred Ridao, Dr. Ed
Rabago, Hassan Biruar at Abdillah Lim, dating ex-officio member ng city council
bilang pangulo noon ng Liga ng mga Barangay ng lungsod.

Samantala, kasama ring nanumpa sa
tungkulin ang bagong pangulo ng Liga ng mga Barangay ng lungsod na si barangay
Rosary Heights 8 chairperson Anthony Ross, na nakatakda ring maging miembro ng Sangguniang
Panglungsod.

Ang naganap na oath-taking ceremony ay
sinaksihan ng mga city LGU official at employee, mga barangay official, at mga
kinatawan mula sa academe, religious at business sectors, kabilang ang ilang
mga police official.

NAHIHIRAPAN PA RING
tanggapin ng kanilang pamilya ang pagkamatay ng anim katao sa nangyaring
salpukan ng isang pampasaherong jeep at dump truck sa Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Tila ang bilis kasi
nang aksidenteng naganap sa bahagi ng Barangay Baka, pasado alas dos ng hapon
kamakalawa.

Kinilala ng SPO2
Zaiton Macargas ng DOS PNP, ang mga nasawi na sina Arbaya Salik, 33-anyos na
taga Brgy. Butilen Datu Salibo Corporal Akmad Adam ng Army’s 37th IB, taga- Dalican,
DOS Kagi Isem Salik, taga-Datu Saudi Subaida Hasim ng Kurintem, DOS Janeth
Mamasabacolod, 38-anyos at anak nitong si Princess Mamasabacolod, walong taong
gulang, pawang mga taga- Dalican, DOS.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mga biktima sa kulay asul na town ace
passenger vehicle na may license plate MWB-489 na patungo sanang Cotabato City
ngunit pagsapit sa bahagi ng Brgy Baka ay aksidente nitong masage ang
kasalubong na Dumptruck na puno ng buhangin.

Patuloy ang
imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente para matukoy kung sino ang dapat na
managot dito.

Samantala, nasa
pagamutan naman ang siyam na iba pang sugatan sa naturang aksidente habang nasa
custody ngayon ng DOS PNP ang driver ng Dumptruck na si Salazar Cabiba Usman,
54 anyos na taga Brgy. Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. NAGSALITA
na ang isa sa dalawang mga suspek na diumano'y tinorture ng ilang mga sundalo
na miyembro ng 62nd Division Reconnaisance Company Philippine Army na nakabase
sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.

Sa
panayam ng DXMS Radyo Bida kay Lahmudin Ampuan, 17-anyos, estudyante, taga-Datu
Abdullah Sangki, Maguindanao at miyembro ng 106th Base Command ng Bangsamoro
Islamic Armed forces o BIAF na nakabase sa Camp Darapanan Sultan Kudarat
Maguindanao, SINABI nito na pilit silang pinapaamin ng mga sundalo ng 62nd DRC
sa mga kasalanang hindi naman umano nila ginawa.

Kwento
ni Ampuan, June 23 ng hapon nang pauwi na sana sila sa kanilang bahay sa Datu
Abdullah Sangki mula sa bahay ng kanilang kaanak sa Brgy. Nabalawag nang
harangin sila sa isinagawang Checkpoint ng 62nd DRC dahil sa pagdadala ng
Kalibre 45 na baril na pagaari umano ng anak ng kanyang tiyuhin.

Matapos
ang insidente, agad silang dinala ng mga sundalo sa kampo ng mga ito na malapit
lamang sa checkpoint.

Sa
loob ng kampo, dito na kinuha ang kanilang mga ID at pinagbububogbog umano sila
habang nakaposas ang kanilang mga kamay at nakabalot ang kanilang mga ulo ng
kanilang mga damit.

Maliban
rito, labis na ikinasama ng loob ng mga suspek ay pagwalang respeto umano ng
mga sundalo sa kanilang pagpupuasa kasabay ng Ramadhan dahil pilit silang
pinakain ng sili. KALABOSO
ang isang lalaki matapos nitong hablutin ang isang unit ng I-phone 5S cellphone
na nagkakahalaga ng 42 thousand pesos, mula sa isang customer ng Agri Supply
store sa barangay Rosary Heights 13, Cotabato city

Naganap
ang insidente pasado alas singko ng hapon kahapon.

Nagpanggap
na customer ang suspek na si Samad Giandal Lumabao, 18 years old, may asawa,
walang trabaho at taga- Mabini street, barangay Bagua Dos.

Paalis
na sana ang suspek nang sumigaw ang nabiktima niyang si Ginnie Ann Ates
Buenavides, 26 years old, single, negosyante ng taga barangay RH 13.

Agad
naalerto ang gwardiya ng nabanggit na tindahan at hinarang ang suspek kaya di
na nito nagawa pang makatakas.

Samantala,
dinampot ng mga pulis sa Cotabato city ang isang lalaki na may problema sa
pag-iisip at pinaniniwalaang lango sa ipinagbabawal na gamot.

Pagala-gala
kasi ang naturang di pa nakikilalang lalaki nang walang suot.

Ayon
sa isang concern citizen na si Ignacio
Calibayan Jr, nakita niya ang naturang lalake pasado alas dos ng medaling araw
kanina sa bahagi ng Civil relation service office sa PC Hill na naglalakad ng
hubot hubad.

Agad itong
ipinagbigay alam ni Calibayan sa mga pulis at sa ngayon nasa kustodiya ng
Police station number 1 ang nabanggit na lalake at hinihintay na mahimasmasan
para makausap ng maayos. NAKATAKDA
NANG MAGTAPOS ang tour of duty ng mga miembro ng International Monitoring Team
o IMT – 11.

Kahapon,
nagsagawa ito ng exit call sa Army’s 6th Infantry Division na nasa pamunuan
ngayon ni Colonel Earl Baliao, officer in charge ng dibisyon.

Nabatid
na ginawaran ng 6th ID ng Bronze Cross at Military Merit Medals at Certificates
of Appreciation

Ang military
contingents bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng mga ito sa
maayos na pagpapatupad ng mga guidelines ng kasunduan ng Moro Islamic
Liberation Front at pamahalaan.

Ang IMT
members ay binubuo ng mga Indonesian at Japanese contingents na magpapa alam sa
bansa bukas, June 29.

Ang Indonesian
contingents ay pinangungunahan ni Colonel Elphis Rudy at ang Japanese contingent
naman ay nasa pamumuno ni Takayuki Nakagawa, ang Chief Coordinator of the
Socio-Economic Assistance Component.

Samantala,
inaasahan naman na may ibang grupo mula sa naturang mga bansa ang papalit sa
papaalis na IMT 11 members ngayong unang linggo ng Hulyo.

Kinumpirma mismo ni brgy. Labuo Chairperson Eusebio Madriaga na walong mga pinaniniwalaang gumagamit ng ilegal na droga nga ang boluntaryong
sumuko mula sa kaniyang barangay sa President Roxas PNP.Sinabi ni Madriaga na matagal na siyang may natatanggap na report kaugnay sa kinasasangkutan ng mga sumukong indibidwal.At dahil na rin sa tulong ng mga barangay officials sinamahan nila ang walong mga suspected drug user at sumuko sa PNP.Ayon kay Madriaga, nakabalik na sa kanilang komunidad ang mga indibidwal kung saan tiniyak naman ng PNP na may mga inihandang programa para sa
kanila.Nangako naman ang mga drug suspek na titigil na sila sa kanilang ilegal na gawin bagay naman na imomonitor ng mga opisyal.Naniniwala si Madriaga na ngayon pa lamang ay epektibo na ang kampanya ng Duterte Administration kontra mga ilegal na aktibidad na
kinasasangkutan ng mamamayan na para sa kanya ay buo niyang susuportahan ang naturang kampanya. Sa tulong ng Information Drive ng Colombio LGU sa lalawigan ng Sultan Kudarat pati na ang lokal na pulisya, umabot sa isang daang at
talumpong mga suspected drug pushers at users ang boluntaryong sumuko sa PNP.Ito ang sinabi Colombio Chief of Police Sr. Ins Bernard Francia sa DXND Radyo Bida.Ayon kay Francia karamihan sa mga sumuko ay nasa edad 20 pataas.Matapos namang isailaim sa counseling ang mga sumukong indibidwal nangako silang hindi na muling babalikan pa ang masalimuot na buhay kasama ang
droga.Ayon kay Francia, ang pag surrender ng karamihan ay resulta na rin sa sunod sunod nilang operasyon sa bayan kung saan apat na lamang ang natira
sa sampung wanted person ng bayan dahil nahuli na ang mga ito.Magpapatuloy naman raw ang kanilang kampya kontra ilegal na droga sa bayan pati na ang kanilang information drive sa mga barangay. Nanumpa na sa tungkulin ang mga nagwaging kandidato sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.Ang oath-taking ay pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kasama si Vice Mayor VM Myra Dulay Bade at mga kasapi ng konseho.Nanumpa ang mga ito sa harap ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño-Mendoza sa Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.Sinabi ni Guzman na sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng bayan ay kanyang paiigtingin ang kampanya laban sa illegal na droga,
ipagpapatuloy niya ang mga nasimulang programa na nakasentro sa pagpapa-unlad ng bayan kagaya ng pagsasaayos ng mga kalsada, pagpapa-unlad ng
lokal na ekonomiya at turismo, pagbibigay ng sapat at tamang serbisyong pangkalusugan at pagbisita sa mga barangay.Iginiit din ng punong ehekutibo na suportado nito ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa korapsyon at iligal na droga.Suportado din ang alkalde ng mga konsehal sa Kabacan kungsaan patuloy silang babalangkas ng mga hakbang para maging katuwang ng alkalde sa
paggawa ng mga programang makakatulong sa mga mamamayan ng bayan.Partikular na tinukoy dito ang mga peace efforts ng bayan na aniya ay nangangailangan ng pagtutulungan ng bawat opisyal ng bayan at maging ng mga
mamamayan. Samantala nitong biyernes, nanumpa rin sa kanilang mga bagong tungkulin ang mga opisyal ng Matalam.Ito ay pinangunahan naman ni Mayor Oscar Valdieviso na uupong bise alklade at Vice Mayor Chery Catamco na siya namang papalit sa pwesto ng ama
bilang alkalde ng bayan.Kahapon matagumpay rin ang ginawang panunumpa ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga kasama ang kanyang mga konsehal sa harap ng daan-daang mga taga
suporta sa bayan. Dalawang mga daycare centers sa kidapawan city ang panibagong napabilang sa supplementary feeding program ng department of Social Welfare and
development office 12.Ayon kay Merilyn Guevra siyang Regional Focal Person on Supplementary Feeding Program ng DSWD 12, layunin aniya ng nasabing programa ang
mabawasan ang mga bilang ng mga kabataan malnourish o yaong kulang sa nutrisyon sa buong SOCSARGEN REGION.Mahigit isang daang mga kabataan ng Barangay Magsaysay at Kalaisan Daycare center ang sasailalim sa 120 days na feeding program kong saan
papakainin sila ng ibat-ibang mga masustansiyang pagkain.Sa kasalukuyan ang kidapawan city ay may mahigit 108 mga daycare center na target namang magiging benipisyaro rin ng naturang programa.Todo suporta naman ang Kidapawan city LGU sa pangunguna ni city Mayor Joseph Evangelista.Base naman sa assessment at evaluation ng DSWD, epektibo umano ang ganitong programa lalo pat may pagbaba umano sa kaso ng mga malnourish na mga
kabataan.Kasabay naman ng opening program ay namigay din ng hygine kit kagaya ng toothbrush, toothpaste towel at sabon ang may bahay ni Kidapawan city
Mayor Joseph Evangelista sa lahat ng mga daycare centers sa lungsod. Aksidenteng nabaril ng isang police officer ang isang nawawalang bilanggo saLake Sebu South Cotabato.Kinilala ni Lake Sebu Chief of Police Chief Inspector Joven Bagaygay ang nasawing preso na si Budin Paan 50 anyos , na ikinulong dahil umano sa pambubogbog sa kanyang misis.
Ayon kay Bagaygay , pumasok umano sa selda si PO2 Reynaldo Fortez, para patahimikin ang nagwawalang preso.
Ngunit sa halip na sumunod, tinangka umano ni Paan na agawin ang 9mm pistol ang pulis.
Ayon kay Bagaygay ang pulis na may deperensya sa kanyang mga paa o differently abled ay nawalan ng balanse kaya nito aksidenteng nakalabit ang gatilyo ng kanyang baril. Ang presong si Paan ay tinamaan ng bala ng baril sa kanyang kanang hita na tumagos naman sa kanyang kaliwaang paa.
Inihayag ng police official na binawian ng buhay ang preso matapos umanong maubusan ng dugo.
Ayon kay Bagaygay si Fortez na nakabaril umano sa naturang inmate, ay nasa custody ng Lake Sebu PNP habang masusi pang iniimbistigahan ang insidente. Ipatutupad ang 40 kilometer per hour speed limit sa ilang mga daan sa Koronadal City mula alas kwatro ng madaling araw hanggang alas dose ng tanghali bukas.
Layon nito na maiwasan ang disgrasya ang may 6,000 participants sa 6th Tree Growing Festival.
Ayon kay City traffic supervisor Ed Tabago, saklaw ng speed limit ang mga daan sa Crossing Barangay Rotonda papuntang Barangay Topland, Barangay Saravia hanggang Rotonda o round ball sa sentro ng lungsod.
Magkakaroon din ng speed limit mula Rotonda patungong mga Barangay Paraiso at Morales at Santo Nino hanggang San Jose.
Kaugnay nito, wala namang pasok sa mga pampubliko at pribadong mga eskwelahan at maging sa mga government at private offices sa Koronadal City bukas.
Ito ay matapos ideneklara ng Malacanang ang June 29 bilang Special Non-Working Day.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng lungsod na makiisa sa taunang malawakang tree planting activity. Magpapakitang gilas ang 12 grupo mula sa ibat ibang panig ngMindanao sa T’nalak Cheerdance Competition ng South Cotabato.Ang cheerdance ay isa sa mga tampok sa Golden Anniversary at 17th Tinalak Festival ng South Cotabato sa Hulyo ang Cheerdance Competition.
Ito ay lalahukan ng 12 entries mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Cheerdance Committee Chair at Provincial Population Officer Zenaida Duron, ang Cheerdance magdadagdag ng kulay sa isang linggong selebrasyon.
Ayon kay Duron maglalaban laban sa secondary level ng competition ang KNCHS Crowd Maroons ng Koronadal National Comprehensive High School, Sinag Pep Squad ng Tablu National High School sa bayan ng Tampakan, Cheer Tribes ng Edwards National High School sa bayan ng T’boli, at Lamsugod National High School Pep Squad sa bayan ng Surallah, pawang mga nasa lalawigan ng South Cotabato.
Ang mga mananalo sa secondary level ay tatanggap naman ng P50,000 P40,000at P30,000.
Tatanggap naman ng P18,000 ang hindi papalaring grupo.
Sinabi ni Duron na kabilang naman sa magpapakitang gilas sa tertiary o college level ng kumpetisyon ang Madayaw Cheer Dance Cheetahs at QA-All Star Flamingos ng Davao City, Xavier University Wizards ng Cagayan de Oro City, Ace-All-Stars ng University of Southeastern Philippines ng Tagum City, Tagoloan Community College Tigers ng Misamis Oriental, Glittering Wildcats ng General Santos City, University of Southern Mindanao Kidapawan City Cheer Knights,at Bananoy Magnate All Stars ng Panabo City.
Ang mga magwawagi sa tertiary level ay tatanggap naman ng P90,000 P70,000at P60,000.
Maguuwi naman ng P26,000 consolation prize ang hindi papalaring team.
Ang Cheerdance Competition ay gaganapin sa South Cotabto Gym sa July 14.
Ito ay isa sa pinakaabangang aktibidad sa Golden Anniversary at T’nalak Festival ng South Cotabato sa July 10 hanggang 18. Abot na sa 331 na mga drug personalities ang sumuko sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon kay Esperanza Chief of Police, Chief Inspector Bryan Bernardino, kabilang sa mga bolontaryong lumitaw sa police station ang ilang mga kababaihan at menor de edad.
Sumuko ang mga drug users at pushers bago pa man sisimulan ng Duterte Administration ang pagtugis sa kanila.
Gayunpaman naniniwala ang police official na marami rin sa mga drug dependents ay sumuko matapos maipaliwanag ang ayudang maaring ibigay ng gobyerno sa kanila.Sinabi ni Bernardino na maliban sa counseling sa mga barangay ang mga drug personalities na nangakong magbago ay mabibigyan ng skills development training upang magkaroon ng legal na hanap buhay.
Ipinahayag din ng police official na habang papalapit ang July 30 bumaba na rin ang supply at demand ng illegal na droga sa Esperanza.
Samantala 21 sa 50 drug personalities na sumuko sa Bayan ng Lutayan ang nakausap na ng PNP.
Ipinahayag naman ni Lutayan, Chief of Police Senior Inspector Jerryl Caranay na ang mga drug puser at user na sumuko ay nagbibigay ng voluntary community service para ipakita ang pagiging law abiding citizens ng mga ito.
Kinakailagan din ng mga ito na magreport sa pulisiya kada linggo para makita kung seryoso ang mga ito na tuluyan nang magbagong buhay. PInalaya ng police saBanga, South Cotabato ang isa sa dalawang primary suspect ng massacre sa naturang bayan noong nakaraang Marso.Sinabi ng hepe ng pulisya sa Banga na si Chief Inspector Marvin Duadua ipinatupad nila ang kautusan ng korte na palayain si Engr.Bernard Odan.
Matatandaan na si Odan ay isa sa dalawang suspek sa pagmasaker ng tatlong myembro ng pamilya Recomite sa Barangay Cinco, Banga, South Cotabato noong Marso.
Paliwanag ni Duadua, wala nakitang probable cause ang korte para tuluyang idawit sa kaso ang Civil Engineer na si Odan.
Matatandaan na hindi sinabi ng batang survivor sa krimen na nakita nito ang tiyuhin sa kanilang bahay nang gabing maganap ang krimen.
Gayunpaman ayon kay Duadua, tuloy naman ang pagsasampa ng mga kasong homicide with carnapping laban sa isa pang suspek sa krimen na si Ian Mendiola, 24 anyos.
Ito ay matapos kilalanin ng batang nakaligtas sa masaker.
Matatandaan na ang patay nang magkakapatid na sina Edward Recomite 53 anyos , Mitchie 41 at ang 70 anyos nilang inang si Cresencia, ay natuklasan sa kanilang bahay matapos makaligtas sa krimen ang anak ni Mitchie at makapagsumbong sa kanilang mga kaanak. sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13508865_994019210704888_7204160614384984510_n.jpg?oh=3a9b937e4716355dabcb219054b96b84andampoe=580A9C08 (Engr. Bernard Odan habang nakakulong matapos ang krimen noong Marso - Larawan kaloob ng BangaPNP)

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...