Sunday Apr, 28 2024 09:08:37 PM

NDBC BIDA BALITA (June 3, 2016)

 • 17:58 PM Fri Jun 3, 2016
1,378
By: 
NDBC

NEWSCAST

JUNE 03, 2016
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISA KATAO, sugatan sa shootout
habang apat na iba pa ang arestado sa isinagawang drug buy bust operation sa
Midsayap, North Cotabato.

2. Misis, patay matapos barilin ng kanyang mister Dalawang suspected carnapper arestado sa Pikit, N. Cotabato.3. Isa sa tatlong taong nakuryente,
patay sa Norala, South Cotabato.

4. Fogging operation, isinagawa sa ilang paaralan sa Kidapawan City. SUGATAN ang isang suspected drug pusher
matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa isinagawang drug buy
bust operation sa Midsayap, North Cotabato.

Sinabi ni Midsayap PNP chief police
Supt. Tom Tuzon na nangyari ang insidente pasado alas singko ng hapon kahapon
sa barangay Poblacion 7 sa bayan.

Kinilala ni Tuzon ang sugatang suspek
na si Suharto Alifonso alyas Masla na aniya ay pang sampu sa watchlist ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at North Cotabato PNP Intelligence
Division.Naaresto rin ang dalawa pang indibidwal
na nakilalang sina Kambang Mama at Edin Ibrahim na kasama ni Suharto sa
kanilang drug den.

Nakuha mula kay Suharto ang apat na
sachets ng Shabu na nagkakahalaga ng 15 thousand pesos.

Samantala, pasado alas nuebe naman
kagabi nang maaresto ang babaeng suspected drug pusher na nakilalang si Dianne Lariosa,
20 years old at taga- Buhangin, Davao city.

Nadakip din ang live in partner nito na
si Edimar Burdago, 36 years old at taga – barangay Patindigin, Midsayap.

Naaresto ang dalawa sa checkpoint sa
barangay Kapinpilan.

Nakuha mula sa mga suspek ang pitong
maliliit na sachets ng Shabu na nagkakahalaga ng 7, 500 pesos.

Sinabi ni Tuzon na sa ngayon abot na sa
80 mga suspek na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga ang kanilang naaresto
sa bayan.

BIDA ang mga
makukulay at masasarap na Maguindanao delicacies at iba pang mga pagkaing halal
sa food festival na inilunsad ng Department of tourism o DOT-12 na tinaguriang Halal
Goodness” sa Cotabato city.

Nasa sampung
mga food establishment sa lungsod ang lumahok sa Halal Goodness para ibida ang
kanilang masasarap na pagkaing halal.

Ayon kay DOT
12 Regional Director Nelly Nita Dillera, lalong mahihikayat ang mga turista
kung may mga produkto o garantisadong serbisyong naibibigay ang isang lugar
maliban sa mga tourist spot.

Ang Halal
Goodness ay bilang pakikiisa naman ng lungsod sa National Celebration ng Flavors
of the Philippines.

Binigyang
diin ni Dillera na dapat magkaisa ang lahat para sa umunlad pa ang turismo sa
lungsod at makilala ang mga produktong ipinagmamalaki ng Cotabato City.Ang naturang
aktibidad ay bahagi rin ng paghahanda at pagsalubong ng holy month of ramhadan ng
mga Muslim sa lungsod. NAGBIGAY NA
ng tulong ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM government sa
pamamagitan ng kanilang Humanitarian Emergency Action and Response Team o ARMM
HEART, sa mahigit dalawang libong mga indibidwal o mahigit 300 mga pamilya na
nagsilikas dahil sa patuloy na military operations laban sa Maute Terror Group
sa Butig, Lanao del Sur.

Sinabi ni
Myrna Jo Henry ng ARMM HEART na ang mga apektadong pamilya ay pansamantalang
nanunuluyan sa iba’t ibang mga evacuation center sa Lumbanayage, Masiu, at sa Marawi
City.

Nabatid na
ang mga bakwit ay nagmula sa anim na mga barangay sa Butig na kinabibilangan ng
barangay Bayabao, Poktan, Ragaya, Kuluyan, Samer at Sandag.

Ayon kay
Henry, pinangunahan ni ARMM Vice-Governor Haroun Al-Rashid Lucman ang
pamamahagi ng food packs at mga gamot, ganundin ang pagsasagawa ng libreng medical
services.

Sa ngayon,
sinabi ni Henry na wala pang indikasyon na makakauwi na ang mga naturang bakwit
sa kanilang lugar dahil halatang takot pa rin ang mga ito na maipit sa bakbakan
ng mga sundalo at ng Maute Terror Group.

KALABOSO
ANG isang magnanakaw matapos magnakaw sa isang tindahan sa Purok Jasmin,
Barangay Rosary Heights 2, Cotabato city dakong alas kwatro nang madaling araw
kanina.

Kinilala
ang suspek na si Samsudin Odin Jalani, 27 anyos, residente ng Mahad, Mother
Barangay Bagua ng lungsod.

Ayon
sa report ng pulisya, pinasok ni Jalani ang tindahan ni Arnold Fernandez sa
Purok Jasmin sa pamamagitan ng pagsira ng grills nito.

Pero
naalerto agad ang mga barangay tanod sa lugar at hinabol ang magnanakaw hanggang
sa makarating ito sa Don E. Sero street, sa Barangay Rosart Heights 4 kung saan
ito nacorner partikular sa likod ng Petron Gas station.

Agad
rumisponde ang tropa ng police station # 2 sa lugar at inaresto ang suspek na
nakakulong na ngayon sa kanilang lockup cell.

Bago
pa sinubukang pagnakawan ni Jalani ang tindahan ni Fernandez ay una na umano
nitong pinasok ang ilang mga bahay sa Purok Jasmin kung saan ay natangay nito
ang ilang mga damit ng mga residente.

Pero
bago pa man mahuli ang suspek ay tinapon na umano niya ang mga ito.

Una
rito, isa pang magnanakaw ang nahuli sa aktong nagnanakaw sa Hotel Castro, sa
kahabaan ng Sinsuat avenue, Cotabato city pasado alas otso kagabi.

Kinilala
ang suspek na si Mosa Akud, 28 anyos, residente ng Manday, Mother Barangay
Bagua ng lungsod.

Ayon
sa cashier ng nasabing hotel, nahuli niya sa aktong ninanakaw ng suspek ang
kanilang grasscutter kaya agad tinawagan ang police station # 1 na agad namang
rumisponde at inaresto si Akud.

Dagdag
pa ng cahier, una na umano silang nawalan ng cashbox na naglalaman ng logbook
at limang libong piso dalawang linggo na ang nakakaraan.

Naniniwala
ang cashier na si Akud din ang nagnakaw ng nadabing cashbox.

Sa
ngayon ay nakakulong na sa lockup cell ng police station # 1 ang suspek.

Nakatakdang
sampahan ng kasong robbery ang dalawang nahuling magnanakaw sa Cotabato city. IPAGPAPATULOY
NA ng gobyerno at National Democratic Front ang peace talks sa Oslo, Norway
ngayong Nobyembre.

Ang
naturang pagpupulong ay isasagawa overseas para hindi madiskaril ng mga grupong
ayaw itong matuloy.Ayon
kay CPP founding chair Jose Maria Sison, kung sa Pilipinas kasi gagawin ang
peace talks, malalagay sa matinding pressure mula sa militar at pulis ang mga
lalahok na miyembro ng NDF.

Bagamat
may petsa na, hindi pa naman napagde-desisyunan ang venue na gagamitin para sa
pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa panig ng mga rebelde at gobyerno.

Samantala,
hindi naman naniniwala ang grupo ng NDF na magiging ‘make or break’ issue ang
paglilibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa peace talks.

Mula
sa Hong Kong, sinabi ni NDF Peace Panel spokesperson Fidel Agcaoili, na kung
siya ang tatanungin dapat ilibing si Marcos sa kanyang bayan sa Ilocos at hindi
sa Libingan ng mga Bayani.

Maliit
na isyu aniya ang paglilibing sa dating diktador kung ikukumpara sa 100 milyong
mabibigyan ng kapayapaan sakaling maisulong ang peace talks.

Gayunman,
kung ito aniya ay iuutos ni incoming President Rodrigo Duterte, ay kanila itong
irerespeto. Tiniyak ni Governor Daisy Avance Fuentes ang suporta nito sa dalawang mga taga South Cotabato na napabilang sa gabinite ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Fuentes ikinatuwa nito ang pagtalaga ni Duterte kay dating Koronadal City Mayor at South Cotabato Governor Ismael Mike” Sueno bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Isinuhestyon ni Fuentes na para di manibago at mahirapan sa pagupo nito sa pwesto, dapat ay hilingin ni Sueno ang tulong nina DILG South Cotabato outcome manager Audrey De Pedro at DILG 12 Assistant Regional Director Josephine Leysa.
Ayon kay Fuentes mas makatutulong kay Sueno kung sasailalim muna ito sa briefing ng dalawang mga local DILG Officials upang matulungan sa kanyang panunungkulan bilang kalihim ng DILG.
Maliban kay Sueno itinalaga ni Duterte bilang Secretary ng Department of National Defense si Retired Major General Delfin Lorenzana ng Banga, South Cotabato.
Ito ayon kay Fuentes ay isang karangalan para sa mga South Cotabatenos.
Sina Fuentes at Sueno ay masinsinang nagusap kahapon sa South Cotabato Provincial Capitol Magtatayo ng dagdag na 50 proyekto sa ilalim ng kanilang KALAHI-CIDSS program sa mga susunod na buwan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12.
Ito ang ipinahayag ni DSWD 12 Regional Director BaiZorahayda Taha, kasunod ng pagtatapos ng mahigit P209 million na 134 na mga proyekto ng ahensya sa rehiyon.
Ang nga proyekto ito ayon kay Taha ay pinili mismo ng mga benipisyaryo ng programa.
Kabilang sa mga ito ay mga school buildings, health stations, daan, electrification, flood control water systems, tulay post harvest facilities at maraming iba pa.
Ang mga proyektong ito ayon kay Taja ay naipatayo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga mamamayan.
Ito ayon kay Taha ay napapakinabangan na ng mga mamamayan sa mga liblib n Sitio ng Bagumbayan, Isulan, Kalamansig, Lambayong, Lebak, Lutayan, Palimbang at Senator Ninoy Aquino in Sultan Kudarat Glan, Kiamba, Maasim, and Maitum in Sarangani province Alamada, Aleosan, Banisilan, Carmen at Pikit in North Cotabato.
Ang KALAHI CIDSS ay ipinatupad simula noong 2003 ay nakapagpatayo ng 954 na mga proyekto kontra kahirapan sa Region 12. Target ng DepEd South Cotabato Division na makapag ipon ng mahigit P16 million pesos na tulong mula sa mga volunteer ng ginaganap ngayong Brigada Eskwela.
Ito ayon kay Schools Division Superintendent Crispen Soliven ay mas matataas ng P1 million sa naipon nilang resources noong nakaraang taon.
Kabilang dito ayon kay Soliven ang mga hardwood materials, pagkain, human labor sa repair, paglilinis at pagpipinta at maging cash donations.
Ayon kay Soliven, para lalo pang mapaigtiing ang programa inilunsad rin ng DepEd 12 ang Search for Brigada Eskwela Best Implementer.
Ito ay hinati naman sa Small Cagtegory na sumasakop sa mga eskwelahan na mayroong enrollees na hindi lumaagpas sa 1,000 at kinakailangang makapag generate ng hindi bababa sa P199 thousand resources.
Ang mga eskwelahan naman na mayroon lagpas sa 1,000 enrollees at kinakailangang makaipon ng P225 thousand hanggang P500 thousand ay kabilang sa Big Category.
Ang mga nasa exceptional categories naman ang mga eskwelahan na makapag-generate ng lagpas a P500 thousand resources anu man kadami ang kanilang mga estudyante.
Ang mga mananalo ayon kay Soliven ay tatanggap ng certificates, trophies at plake.
Ang Brigada Eskwela o School Maintenance Week ay magtatapos naman bukas araw ng Sabado.
Layon nito na maihanda ang mga ekswelahan para sa agarang pagsisimula ng klase sa unang araw pa lamang ng pasukan sa Hunyo 13.
Patay ang isa katao matapos makuryente sa Norala, South Cotabato.
Kinilala ni Norala Chief Of Police, Chief Inspector Dennis Madriaga ang biktima na si Dante Sindon, residente ng Lambuntong, Surallah, South Cotabato.
Ayon kay Madriaga nasawi ang biktima matapos makuryente habang inaahos ang barbware na boundary sa lupaing kanilang sinasaka sa Purok Malipayon, Barangay San Jose Norala.
Maswerte namang nakaligtas matapos makuryente din ang mga kasama ni Sindo na sina Jomar Libudan, 30 anyos at Ronel Alaza, 33 anyos, pawang mga residente din ng Surallah.Sina Libutadan at Alaza ay pareho pang nagpapagamot sa ospital.
Inaalam pa ng mga pulis kung may foul play sa pagkasawi ng biktima.
Ayon kay Madriaga ang barbwire na nahawakan ng mga biktima ay konektado umano sa isang bahay na iniimbistigahan pa ng Norala Police Mamimigay ng school supplies sa mga estudyante ang lokal na pamahalaan ng Koronadal kasabay ng unang araw ng klase sa June 13.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, gagawin ang distribution sa mga gamit pang eskwela kada barangay.
Layon nito na mabigyan ang lahat ng mga mahihirap na estudyante sa lahat na mga eskwelahan sa lungsod
Sinabi ni Miguel na hanggang ngayon kasi ay marami pa ring mga bata sa Koronadal ang hirap makabili ng gamit pang eskwela.
Kaya para hindi na mamroblema ang kanilang mga magulan bibigyan lamang ang mga ito ng lokal na pamahalaan.
Sa pamamagitan nito ayon sa alkalde ay mahihikayat din ang mga mahihirap na bata na pumasok sa eskwela.
Samantala naglaan naman ang city government ng Koronadal ng isang milyong piso para sa ginagawa ngayong Brigada Eskwela. Kasong parracide at illegal possession of Firearms in Relation to Gun Ban ang kakaharapin ng isang mister matapos nitong barilin angmismong misis nito sa Sitio lamak, Poblacion Pikit north Cotabato nito lang myerkules ng gabi.Kinilala ang biktima sa pangalang jacklyn, 24 anyos habang kinilala naman ang suspek na si Mel Rey Mamasabulod Talusod.Ayon kay Pikit Deputy Chief Inspector Sindatu Karim, dalawang araw bago ang pamamaril ay nag away umano ang mag-asawa matapos malaman ni Jacklyn na may ibang babae ang mister nito at nagbantang makikipaghiwalay ito sa kanya na siya namang hindi matanggap ng kanyang mister na humantong sa pamamaril nito sa biktima myerkules ng gabi sa loob ng kanyang kwarto.Tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima mula sa kalibre 45 pistola na baril. Idineklarang dead on arrival ng mga doctor ang biktima.Wala namang maipakitang dokumento ang suspek sa ginamit nitong baril.Malaki ang paniniwala ng pulisya na sabog sa droga ang suspek ng gawin nito ang krimen. Nabatid na isa sa mga drug watchlist ng Pikit PNP siTalusob.Kombinsido naman ang pamilya ni Jacklyn na kasohan ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa lock up cell ng Pikit PNP. Samtala kulongan din ang bagsak ng dalawang binatilyo matapos nakawin ang isang pampasaherong trycle sa Poblacion Pikit North Cotabato.Kinilala ang mga suspek na sila Alex Datuan Tiban 18 anyos, residente ng Poblacion 3, Midsayap at Kurak Macalimpang Omar, 18 anyos na residente naman ng Fort Pikit, North Cotabato.Tinangay ng dalawang suspek ang pampasaherong trycle ng isang nagngangalang Mangulamas na nakaparada lang sa harap ng kanyang bahay. Umaga na ng madiskobe nito na nawawala na ang kanyang trycle at agad na inireport sa pulisya ang pangyayari.Sa tulong naman ng isang concern citizen ay natunton ng Pikit PNP sa isang barangay ng Datu Piang Maguindanao ang dalawangsuspek na naaktohan pang binabaklas nila ang ibat-ibang parte ng Naturang trycle.Posible umanong myembro ng Carnaping group ang dalawa na nag-ooperate di lamang sa Bayan ng Pikit kong di pati narin sa iba pang mga kalapit na lugar Kasabay ng pagbubukas ng brigada eskwela ay sinimulan din ang fogging operations sa mga pampublikong paaralan sa Kidapawan city.Pinangunahan ito ng mga personahe mula sa call 911 at city Health Office.Layunin nito na mailayo at maprotektahan ang bawat mag-aaral na papasok sa paaralan laban sa kagat ng lamok at mapuksa ang mga ito lalo pa’t paparating na ang tag-ulan.Target ng naturang fogging operations ang mga school buildings at mga breeding sites ng Edis Ejiptie na siyang nagdadala ng sakit na dengue.Base kasi sa datos ng city Health Office, umaabot na sa 100 kaso ng dengue ang naitatala sa lungsod na kong saan karamihan sa mga tinatamaan nito ay mga bata.Dahil dito,laging pinaalalahanan ng health office ang bawat mamamayan ng lungsod na palagiang maglinis ng kapaligiran lalong lalo na ang mga kanal na dinadaluyan ng tubig. Iwasan din ang pag imbak ng tubig sa mga drum, balde at maging ang flower base sa loob ng bahay na siyang tinitirhan ng mga lamok. Inaasahan naman ngayon ng tanggapan na makapagtala ng zero dengue cases ang lungsod. WALA umano’ng katotohanan ang alegasyon na pinatatagal ng Arakan LGU ang pamamahagi ng bigas na donasyon ng Davao City LGU sa mga biktima ng tagtuyot sa kanilang bayan.Ayon sa Arakan LGU, wala pa sila’ng master list na natatanggap mula sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP kaya’t hindi pa nila isinasagawa ang rice distribution.Base raw kasi sa napagkasunduan nila sa hanay ng KMP, ibabatay sa listahan nila ang magiging benepisyaryo ng naturang bigas. Pero hanggang kahapon ay wala raw sila’ng natatanggap na master list.Sa Kidapawan City, ipinaliwanag ni City Mayor Joseph Evangelista na ang ipinamamahagi nila’ng bigas sa mga drought victims ay hindi lamang nagmula sa Davao City LGU.Sa labing-dalawang kilo ng bigas na kanilang ipamamahagi, pito rito ay 7-tonner na nagmula kay Mayor Duterte, at ang natitira na NFA rice ay mula sa DSWD.
Ang mga bigas na nagmula kay Duterte ay inimbak nila pansamantala sa Lumbayan warehouse sa may Poblacion.Buwelta ito ng mga chief executives ng Arakan at Kidapawan sa alegasyon ng KMP na pinahihirapan nila ang sistema ng rice distribution.Dumating sa Kidapawan City ang libu-libong mga sako ng bigas mula sa Davao City noon pang nakaraang dalawang linggo. Ang naturang bigas ay tulong umano sa mga magsasaka’ng sumama sa rally mula March 28 hanggang April 1. HINDI tumitigil sa negosasyon ang Matalam PNP para hilingin sa dalawang armadong grupo ng mga Moro na nag-aaway sa hangganan ng Matalam at Kidapawan City na itigil na ang bakbakan para makabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang higit limang daang mga bakwit.Ayon kay Matalam municipal police chief, Senior Inspector Sunny Leoncito, iba namang yugto ng negosasyon ang kanilang ginagawa upang kumbinsihin ang grupo ng mga supporters at miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng Moro National Liberation Front o MNLF na muling mag-usap para maresolba ang gusot.Kasama rin sa negosasyon ang ilang mga representatives mula sa Department of Agrarian Reform.Muli na namang nagka-tensyon sa may hangganan ng Matalam at Kidapawan City, nang igiit ng dating opisyal ng Maguindanao na si Datu Jimmy Matalam na kanya ang higit walumpung ektarya ng lupa sa naturang erya. Pero ayaw ito’ng lisanin ng mga taga-roon dahil sa paniwalang sila ang tunay na may-ari ng lupa.Si Datu Jimmy Matalam ay sinasabing konektado sa MNLF at ang karamihan sa mga residente ng pinag-aawang erya ay mga miyembro ng MILF.Higit limang daang mga pamilya mula sa mga barangay ng Estado at Manubuan sa bayan ng Matalam, at mga barangay ng West Patadon at Malinan sa Kidapawan City ang nananatili ngayon sa evacuation site.Noon pang Disyembre ng taong 2015 sila lumikas para wag madamay sa anumang gusot ng dalawang grupo. HINDI pa nakababalik sa kanilang tahanan mula sa kanyang MISYON ang 31-taong gulang na si Police Officer 1 Romeo Solana na na-assign sa Cotabato Public Safety Company na nasa Amas complex, Kidapawan City.Missing ito noon pang June 1.Sinabi ni Rhea na misis ng pulis, huling assignmeng ng kanyang mister ang Barangay New Cebu sa bayan ng President Roxas sa North Cotabato – ang lugar na sinasabing ‘impluwensiyado’ ng New Peoples’ Army o NPA.Si Solana na taga-Makilala ay isang taon pa lamang sa kanyang serbisyo sa PNP.Patuloy pa sa pangangalap ang Cotabato Provincial Police Office at ng Cotabato Public Safety Battalion ng mga detalye upang matukoy kung ano ba ang sitwasyon sa ngayon ni Solanan.Nais ring malaman ng PNP kung siya ba ay biktima ng kidnapping o sapilitang tinangay ng isang rebeldeng grupo na nag-o-operate sa naturang bayan.NDBC BIDA BALITA

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...