Sunday Jul, 14 2024 07:44:26 PM

NDBC BIDA BALITA (June 30, 2016)

 • 17:20 PM Thu Jun 30, 2016
2,153
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

JUNE 30, 2016
(THU)
7and00 AM

HEADLINESand

1. COTABATO CITY LGU, abala na sa
paghahanda para sa gagawing grand iftar para sa mga mananampatayang Muslim sa
lungsod.

2. Mga Barangay na binaha sa Pikit na
North Cotabato, nadagdagan pa danyos sa agrikultura umabot na sa apat na
milyong piso

3. MGA BAGONG HALAL na mga opisyal ng
South Cotabato at Koronadal city, manunumpa na ngayong araw
4. Pagsuko ng mga suspected drug pushers, users nagpapatuloy4. INAGURASYON ni president-elect
Duterte at vice president-elect Robredo, mamaya na

sand//scontent.fceb2-2.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13435513_907152716076932_6537096677942311238_n.jpg?oh=ff0df84b64d0d5361cbbee8b6fef4590andampoe=5806F08A (Persons involved in illegal drug trade in Lebak and Kalamansig, Sultan Kudarat take oath and vowed to reform - Photo courtesy of Lebak PNP) LIMA HANGGANG PITONG libong mga
mananampalatayang Muslim ang inaasahang makikiisa sa gagawing grand iftar
celebration na pangungunahan ng lokal na pamahalaan ng Cotabato city.

Sinabi ni City Administrator Dr. Danda
Juanday na ang grand iftar, o ang sabay-sabay na hapunan pagkatapos ng buong
araw na pag-aayuno ay gagawin sa People's palace sa darating na Sabado, July 2.

Ayon kay Juanday, ito ay bukas para sa
lahat ng mga mamamayang Muslim ng lungsod.

Pakiusap lamang ni Juanday, magsuot ng
kanilang prayer attire ang mga dadalo sa naturang okasyon gaya ng Kupia para sa
mga lalaki at mukena para naman sa mga babaeng Muslim.

Samantala, inaasahan naman na si Darul
Ifta Grand Mufti Abu Huraira Udasan ang magbibigay ng Muhadara habang
naghihintay ng oras ng hapunan sa naturang araw.

Dagdag pa ni Juanday, ang grand iftar
celebration ay handog nina City Mayor Japal Guiani, Jr. at Vice Mayor Atty.
Frances Cynthia Guiani-Sayadi bilang kanilang regalo sa mga mamamayang Muslim
na nagdiriwang ngayon ng Ramadan.

Ito ay bilang mensahe na rin aniya, ng
pagkakaisa, kooperasyon at kapayapaan para sa lahat.

TILA HINAHAMON talaga ng mga kawatan
ang kakayahan ng mga pulis at lokal na pamhalaan ng Cotabato city dahil sa
kabila ng mas pinaigting na kampanya laban sa iba’t ibang krimen sa lungsod ay
may mga nakalulusot pa ring insidente ng pagnanakaw.

Dumagdag sa kaso ng nakawan sa lungsod
ang panloloob sa isang laundry shop sa Deleon building Rosary heights 2 sa
lungsod madaling araw kahapon.

Kinilala ang mayari ng naturang laundry
shop na si Cherelyn Gabinay Pinggoy, 38 years old na taga Rosary heights 4 ng
lungsod.

Ayon sa biktima, alas singko ng
madaling araw kahapon nang matuklasan ng kanyang mga taohan na sira na ang
pintoan sa likorang bahagi ng kanyang shop.

Natuklasan din nila na nawawala ang
ilan sa mga mahahalagang gamit sa nabanggit na laundry shop , kabilang na ang
isang transformer na nagkakahala ng mahigit tatlong libo piso at dalawang
electric fan na aabot din sa tatlong
libong piso ang halaga.

Kung
maalala, kasabay ng pagpresinta sa mga nahuling kawatan na sangkot sa serye ng
basag kotse sa lungsod kamakalawa ay naitala din ang isa pang insidente ng
basag kotse sa sinsuat avenue kung saan isang negosyante ang naging biktima.

ABOT
NA sa mahigit 300 ang mga sumusukong drug addict sa Cotabato city.

Ayon
sa city PNP, marami sa mga ito ay sumuko sa kanilang mga barangay official
dahil sa kagustuhang magbagong buhay.

Una
nang sinabi ni city mayor Jojo Guiani na maaaring namang gamitin ang mga
naturang surenderee para matukoy ang pinang gagalingan ng supply ng iligal na
droga sa lungsod.

Balak
din ng City LGU na magpagawa ng sariling rehabilitation center para sa mga drug
surrenderee.

Pero
ayon kay Guiani, sang-ayon siya sa parusang kamatayan sa mga big time drug
pusher, ganundin sa mga drug addict na sa kabila ng nabigyang ng pagkakataong
magbago ay nagiging talamak pa rin sa bisyo at wala ng pag asang magbago.

SAMANTALA, NADAGDAGAN
na naman ng mga drug surenderee sa bayan ng South Upi at Nuro Up, Maguindanao.

Sa
report nang Police regional office ARMM, ANIM na naman na drug users ang
boluntaryong sumuko direkta sa Brgy. Nangi Barangay Hall bago itinurn-over sa
Upi Municipal Police station pasado alas-tres ng hapon kahapon.

Isang
oras lang ang nakalipas ay TATLO'NG drug users naman ang sumuko sa Brgy.
Borongotan sa pareho pa ring bayan.

HABANG
sa bayan naman ng SOUTH UPI Maguindanao abot na sa 178 drug personalities ang
boluntaryong sumuko sa South Upi Municipal Police Station.

Mula
sa 178, 11 rito ay mga illegal drug pushers at 167 rito ay mga illegal drug
users.

Umaasa
naman ang buong kapulisan ng ARMM na madadagdagan pa ang bilang ng mga sumuko
sa iba't ibang bahagi ng rehiyon.

NAGKASUNDO
ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Moro National
Liberation Front o MNLF na magkakaroon ng common roadmap for peace.

Sa
pagpupulong ng mga matataas na opisyal ng MILF AT MNLF sa Camp Darapanan,
Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga, bumuo ng joint statement ang
dalawang grupo.

Nakasaad
sa pahayag ang kanilang pagkakaisa para makamit ang hangarin ng Bangsamoro sa
Mindanao na mapadali ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa
administrasyong Duterte na siyang lilikha ng Bangsamoro government.

Nais
ng dalawang Moro fronts na bago ang pederalismo na isinusulong ngayon ni
Pangulong Digong ay maipasa muna ang BBL sa Kongreso at Senado na bunga ng
halos 40 dekadang pakikibaka ng mga Moro sa Mindanao.

Nilinaw
nina MILF Chair Al Haj Murad Ibrahim at MNLF Chair Muslimin Sema, na ito na ang
pagkakataon para ipakita ng Bangsamoro ang kanilang pagkakaisa sa pagkamit ng
tunay at wagas na kapayapaan sa Mindanao.

Ang
joint statement ng MNLF at MILF ay isusumite ng dalawang Moro fronts sa bagong
pangulong ng bansa anumang araw mula ngayon.

NANAWAGAN
ngayon si Cotabato city councilor Bruce Matabalao sa mga mamamayan ng lungsod
na mag ingat sa mga manggagantso na gumagamit ng kanyang pangalan para
makapanloko.

Sa
kwento ng isang taxi driver na si Tong Matanog, may lalaking tumawag sa kanya
at nagpakilalang si councilor Bruce Matabalao.

Nagpapasunod
raw ito sa kanya, nagpabili pa ng gamot at humingi pa cellphone load.

Gayunman,
nagduda na si Matanog dahil sa sunod-sunod na pabor na hinihingi ng tumawag na
lalaki, kaya naman tinawagan niya ang kaibigang si Troy Cordero na kakilala rin
ni Matabalao.

Doon
na nalaman ng driver na siya pala ay naloko ay nakuhanan ng abot sa mahigit
isang libong piso.

Kasunod
ng naturang pangyayari, naalarma ang konsehal at minabuting manawagan sa publiko
para hindi na muli pang mangyari ang naturang insidente.

Una
nang ginamit ang pangalan ni Matabalao sa mga kumakalat na solicitation letter
ng nanghihingi ng abuloy para sa iba’t ibang uri ng aktibidad.

Nilinaw
din ni Matabalao na wala siyang kinalaman sa alinman sa mga ito. Tiniyak ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes na masasaksihan ng mga mamamayan ang isang simpleng panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan ngayong araw.
Ayon kay Fuentes ang kanilang oath taking ceremony ay gagawin sa South Cotabato Gym alas nuebe ngayong umaga, ilang oras bago rin ang panunumpa ni President elect Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ni Fuentes na dahil nasa ibang bansa hindi makasasama sa kanilang panunumpa ngayong araw si South Cotabato First District Representative Pedro Acharon Jr.
Ang mga bagong halal na opisyal ng lalawigan ayon kay Fuentes ay manunumpa kay Regional Trial Court Branch 25 Judge Renato Tampac.
Samantala gagawin naman alas otso ngayong umaga sa city hall ang oath taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng Koronadal.
Inihayag ni City Mayor Peter Miguel na bagama’t walang kilalang pesonalidad na dadalo sa kanilang oath taking, pinakamahalaga pa rin ayon sa akalde na ito ay masasaksihan ng mga mamamayan ng Koronadal. Maituturing na isang malaking oportunidad para sa mga mamamayan ng Koronadal ang pakikilahok ng lungsod sa Folkloriada Festival sa Mexico.
Ipinahayag ni City Mayor Peter Miguel na panahon na para buksan sa global market ang Koronadal.
Ito ayon sa alkalde ay bilang paghahanda na rin sa globalisasyon.
Aminado naman si Miguel na bagama’t malaking pera ang gugugulin sa festival, triple naman aniya ang maibabalik nito kapag nakilala na sa buong mundo ang lungsod.
Ipinahayag ni Miguel na maliban sa kultura ng mga B’laan na ibibida ng mga contingent ng Koronadal sa Mexico,kakatawanin din ng lungsod sa Fokloriada Festival ang buong bansa.
Ang festival ay gaganapin sa huling lingglo ng Agosto at unang lingo ng Setyembre. Patuloy pa ring hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato ang mga myembro ng rebeldeng grupo na magbalik loob na sa pamahalaan.
Ito ayon kay Hydee Agustin ng Provincial Social Welfare and Development office ay upang matulungan na makapagbagong buhay.
Sa katunayan ayon kay Agustin, abot na sa 40 na mga dating rebelde sa South Cotabato ang nakinabang sa Comprehensive Local Integration Program o CLIP ng gobyerno simula pa noong 2013.
Ang mga ito ayon kay Agustin ay tumanggap ng P15,000 immediate assistance at P50,000 livelihood assistance.
Kinumpirma ni Agustin na para lalo pang makumbinsi ang mga myembro ng New Peoples Army na sumuko, itinaas na sa P22,000 ang immediate assistance ng mga ito ngayong 2016.
Patuloy pa rin sa pagdagsa sa himpilan ng pulisiya ang mga drug dependents sa Koronadal City.
Sa katunayan ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, abot na sa mahigit 650 mga sangkot sa illegal drugs ang nangakong magbagong buhay kasabay ng paglitaw ng mga ito sa police station.
Ayon kay Condes, para matiyak na tuloy tuloy ang kanilang pagbabagong buhay magsasagawa ng maigting na monitoring ang PNP sa mga sumukong drug suspek.
Sinabi ng police official na bibisitahin mismo ng mga pulis sa kanilang mga tahanan ang mga nagbalik loob na mga drug pusher at user sa mga susunod na buwan.
Nilinaw naman ni Condes na pagkatapos ng Hunyo a trenta, maari pa ring sumuko ang mga drug dependents na hindi pa maaresto sa mas maigting na anti illegal drug operation ng mga pulis.
Aminado naman ang mga lumitaw na drug suspek na napilitan silang sumuko dahil sa nakatakdang pagpapatupad ng mas maigting na kampanya kontra droga ng Duterte administration.
Handa na ang Protech Center para sa South Cotabato Industrial Trade Expo 2016 na magsisimula sa July 4.
Ayon kay Protect Manager at Chairperson ng aktibidad Manny Jumilla, kabilang sa matutunghayan ng mga mamamayan sa lugar ang Trade Fair and Exhibits, Live Band, Regional Food Show, Skills Competition, SPEET-IT Summit, SME Roving Academy, Pre-Employment Seminar para sa mga local applicants, DOST-Durian Based Products, Passporting at Jobs Fair.
Ayon kay Jumilla na siya ring Assistant Provincial Planning and Development Officer ng South Cotabato magandang pagkakataon ang trade expo upang makahanap ng market sa kanilang mga produkto ang mga maliliit na negosyante sa lalawigan.
Ang trade expo ay kabiang sa mga aktibidad sa Golden Anniversary at 17th Tinalak Festival ng South Cotabato sa susunod na buwan. Onsehan sa droga ang sinusundang anggulo ngayon ng Kabacan PNP kaugnay sa pagkakarekober ng bangkay ng isang lalaki sa Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas singko ng umaga kahapon.Kinilala ni Seniro Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang bangkay na si Jessie Ray Domondon Divino, 32-anyos, may asawa, at pinaniniwalaang drug pusher at carnapper na taga Upper Glad, Midsayap, North Cotabato.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na tama sa iba't ibang bahagi ng katawan ng biktima ang kanyang natamo gamit ang kalibre .45 na baril, batay sa mga narekober sa crime scene.Maliban dito ilang sachet rin ng pinaniniwalaang shabu ang narekober mula sa kanya.Ayon pa kay Cordero ang pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad ng biktima ay kinumpirma naman mismo ng kaanak nitong kumuha nang kanyang bangkay.Dahil sa insidente mas pinaigting pa ngayon ng PNP ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa bayan.Isa sa kanilang pinalalakas rin ngayon ang kanilang mga isinasagawang drug symposium sa mga paaralan para ituro sa mga bata ang masamang epekto ng droga sa kanilang katawan.Paiigtingin din nila ang kanilang umiiral na Information drive.Katunayan 24 na mga indibidwal, tatlo rito ay mga babae ang boluntaryong sumuko sa PNP dahil sa paggamit umano nila ng ilegal na droga at pagbebenta nito.Sila ay nakatira naman sa mga barangay ng Aringay, Poblacion, Kilagasan, Osias at may isang taga-barangay Manubuan, Matalam na nagnanais na makipagtulungan sa pulisya upang masugpo ang iligal na droga sa kanilang lugar. Nasa 13 mga barangay na ngayon ang patuloy na minomonitor ng Pikit LGU matapos makaranas ng pagbaha dahil sa malakas ng buhos ng ulan sa kanilang lugar nitong mga nakaraang araw.Base sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council higit dalawang libong mga pamilya na ang naapektuhan sa nabanggit na pagbaha.Kabilang na rito ang mga barangay ng Dalingaoen, Takepan, Gokotan, Ginatilan, Ladtingan, Panicupan, Macabual, Rajamuda, Pamalian, Kabasalan, Bulol, Buliok at Batulawan.Base sa inisyal na validation ng MDRRMC pito pa lamang sa mga nabanggit na barangay ang natapos ng kanilang validation na una naring nakatanggap ng tulong mula sa LGU, DSWD 12 at Provincial Government.Kabilang sa kanilang mga natanggap ang bigas para sa buong barangay, Hygiene Kit at mga Trapal.Habang ang anim pang mga barangay ngayon ay patuloy pang vinavalidate at minomonitor ng MDRRMC responders team.Abot naman sa 4 million pesos ang naitalang danyos sa mga pananim na palay at mais ng mga magsasaka.Samantala, tiniyak din MDRRMC Kabacan na patuloy silang naka-antabay sa epekto ng patuloy na pagbuhos ng ulan.Ayon kay MDRRMC Head David Don Saure, inatasan niya na ang Kabacan Quick Response team, MDRRMC at Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee members na maging handa nang sa ganun ay hindi mabigla sa di inaasahang epekto ng buhos ng ulan. Ikinatuwa ngayon ng Kabacan Local Government Unit ang pag-uwi ng mga pamilyang Badjao sa kani-kanilang mga lugar.Ito matapos manatili ng ilang taon at buwan ang mga ito sa nabanggit bayan na nagsanhi naman ng masamang epekto at impluwensya sa mga tao lalo na sa mga kabataan.Sinabi ni Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat, ilan kasi sa kanila ay nagtayo na nang barong-barong sa mga daanan at ang iba ay nasa gilid ng eskwelan.Dahil dito ikinaalarma na ng mga opisyal ang kanilang dumadaming bilang.Inamin din ni Macalipat na bukod sa pagiging maunawain ng Kabakeños kaya nagtatagal ang mga Badjao sa lugar, di rin naging mahigpit ang mga otoridad sa kanilang presesnya.Kaya nitong nakaraang linggo, katuwang ang PNP, MSWDO at ilang LGU officials dahil sa nakababahalang epekto ng mga ito nagsagawa na sila ng operasyon at kinausap ang mga Badjao.Naging epektibo naman ang ginawang pakiusap ng LGU at kinabukasan kaagad bumalik sa kanilang mga lugar ang mga ito.Ilan umano sa nakapanayam ng MSWDO ay karamihan sa kanilang ay mula General Santos City, Cotabato City at Digos City.Blanko pa ngayon ang PNP sa kung ano ang posibleng dahilan sa pagbaril at pagpatay sa isang lalaki sa brgy. Magsaysay, Kidapawan City, ala una ng madaling araw kahapon.Kinilala ang biktima na si Viciente Cabahog Adlaon, 46 anyos na nakatira rin sa nabanggit na lugar.Ayon sa report natutulog na ang biktima kasama ang buong pamilya nito sa kanilang ng pasukin ng mga di pa kilalang suspek at pinagbabaril.Tama sa ulo ang tinamo ng biktima na naisugod pa umano sa pagamutan pero ideneklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng Kidapawan City PNP.NDBC BIDA BALITA

Bangsamoro READi nagpatupad ng evacuation sa SGA

Pasado alas onse Biernes kagabi ay nagsimula nang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ng Special Geographic Area (SGA) ang Bangsamoro READi...

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...