Saturday May, 04 2024 04:58:24 PM

NDBC BIDA BALITA (March 10, 2016)

 • 21:32 PM Thu Mar 10, 2016
1,296
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST MARCH 10, 2016 (THURS) 7and00 AM HEADLINESand 1. Pulis at asawang naaresto ng PDEA dahil sa shabu, kinasuhan na.2. Lolo, patay sa grassfire sa Makilala, North Cotabato.3. Jobs fair ng DOLE 12, gagawin sa iba’t ibang lugar sa rehiyon4. Granada sumabog sa Jolo, 2 sugatan Granada sumabog din sa Midsayap, N. Cotabatokarton ng basura, napagkamalang IED sa Koronadal NASA PISKALYA na ngayon ang kasong isinampa laban sa isang pulis at misis nito dahil sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Cotabato City.Kinilala ang mga suspek na sina PO3 Soey Sapal Talipasan alyas Pulis, 46 years old, na naka-destino sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Municipal Police Station at ang misis nitong si Suraida Salilama Ameril alyas Kagi Pinang Ameril, 28 years old.Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency - Autonomous Region in Muslim Mindanao o PDEA ARMM at Army's 11th MechanizedInfantry Company ang mga suspek kamakalawa, March 8 sa mismong bahay ng mag-asawa sa Dalican, Datu Odin Sinsuat.Ang raid ay isinagawa sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim ng 12th Judicial Region, Branch 13, Cotabato City.Nakuha mula sa mga suspek ang 750 thousand pesos na halaga ng pinaniniwalaang shabu na nakasilid sa pitong sachets na may bigat na humigit kumulang 250 grams.Narekober rin ang isang black digital weighing scale, isang gray digital weighing scale, apat na transparent plastic cellophane na magkaka-iba ang sukat,at isang transparent plastic cellophane na may lamang bank documents at mga ID.Nakuha naman mula kay Talipasan, ang isang 9mm Beretta na may serial number M21199Z at tatlong 9mm magazine assembly.Nabatid na kabilang sa target list ng PDEA-ARMM ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot nila sa isang malaking illegal drug syndicate sa Maguindanao. Nabulabog ang Alunan Avenue ng Koroandal City kagabi matapos na mapagkamalan na isang improvised bomb ang karton na kaduda-dudang iniwan sa tapat ng Notre Dame of Marbel University.Ayon sa Koronadal City PNP, iniwan ng isang babae ang karton di kalayuan sa gate ng unibersidad at mabilis na umalis.Naalarma ang ilang sibilyan kayat nagreport sa PNP. Sadyang pinasabog ang karton at nawasak ito kung saan lumitaw ang maraming basura at balat ng saging.Nanawagan naman si Koronadal City PNPSupt. Barney Condes sa publiko na huwag basta basta mag-iwan ng anumang bagay sa mga pangunahing lansangan ng lungsod.Nakaalerto ang Koronadal PNP dahil sa mga kaso ng IED bomb attack sa kalapit lalawigan. KALABOSO ang isang furniture vendor matapos makuhanan ng granada pasado alas dyes ng umaga kahapon sa checkpoint ng PNP sa CCI Detachment, Quezon Avenue, sa barangay Poblacion Siyete, Cotabato city.Kinilala ang suspek na si Ali Musa Samod, 32 years old, taga- Tukananes, ng nasabi ring barangay.Ayon sa report ng City PNP, ngsasagawa ng checkpoint ang City Public Safety Force at SWAT ng PNP nang maharang ang kulay puting Mazda Dropside Truck na may kargang mga furniture at minamaneho ni Samod.Nang busisiin ng tropa ang sasakyan ay napansin ng mga ito ang granada na nakalagay lang sa tabi ni Samod.Dahil dito, agad na inaresto ng mga otoridad si Samod at nakatakdang samphan ng kasong illegal possession of explosives.Iginiit naman ni Samod na hndi sa kanya ang naturang granada dahil napulot lang aniya ito sa Simuay, Sultan Kudarat at balak ibenta. HUMIHINGI NA NGAYON NG TULONG sa Midsayap LGU ang mga residente ng Barangay Malute ng naturang bayan sa North Cotabato.Ito ay dahil sa nauubusan na sila ng supply ng tubig dahil sa patuloy na nararanasang matinding tagtuyot. Daing ng mga residente sa barangay Malamute, bukod kasi sa pagkasira ng kanilang mga tanim na niyog at palay, ay halos wala na silang maiinum na malinis na tubig.Sabi ni barangay Malute Chairperson Rodel Torino, sa ngayon ay bumibili sila ng tubig sa town proper pa ng Midsayap.Gayunman, pahirapan pa rin ang pagdadala ng tubig patungong barangay Malamute.Matirik at lubak-lubak kasi ang kalsada patungo sa naturang liblib na barangay.Kaya ayon kay Torino, limitado ang kanilang nai-aakyat na tubig sa barangay para sa mga mamamayan sa lugar. Inaasahan naman ang agarang tugon dito ng Midsayap LGU, lalo pa't maliban sa tubig ay hirap na din ang mga residente sa lugar na tipirin ang kanilang supply ng pagkain ngayong apektado rin ng El Niño ang kanilang pamumuhay. Dalawa katao ang nasugatan sa pagsabog ng granada sa Jolo, Sulu, kagabi.Nagtamo ng mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang nakilalang sina Abdel Aziz Asiri, 30 years old at Haidar Hasim, 28.Ayon kay Joint Task Group Sulu commander Brigadier General Alan Arrojado, naganap ang pagsabog pasado alas-siyete kagabi sa Barangay Asturias, Jolo.Bigla na lamang inihagis ng hindi pa nakikilalang suspek ang granada na sumabog sa lugar at nakasugat sa dalawang biktima.Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ang mga otoridad upang matukoy ang ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa panghahagis ng Granada sa lugar. PATULOY NA INAALAM ngayon ng Midsayap PNP kung ano ang motibo ng mga suspek sa panghahagis ng granada sa gitna ng palayan sa Barangay Tumbras, Midsayap, North Cotabato.Sa report Midsayap PNP, sumabog ang dalawang granada pasado alas nuwebe kamakalawa ng gabi pero wala namang nasaktan o nasugatan at wala ring napinsalang mga pananim.Hindi naman malinaw sa report kung sino ang nagmamay-ari ng lupang hinagisan ng granada at kung sino ang posibleng nasa likod ng insidente.Inireport din ng mga residente na ilang araw nang may uma-ali aligid na mga armadong lalaki sa naturang barangay na posibleng nasa likod ng panghahagis ng Granada.Hinala naman ng pulisya, posibleng nananakot lang ang naturang grupo ng mga armado at maaari ring may kinalaman sa extortion ang naturang insidente. Makakaasa ngayon ng ibayong suporta ang sektor ng kababaihan mula kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.Ipinarating ni Marylene Evangelista, ang may bahay ni Mayor Evangelista ang mensaheng ito ng alkalde sa mga kababaihang dumalo sa pagdiriwang ng International Women's Day kahapon.Si Marylene Evangelista ay aktibong namamahala sa mga programang may kaugnayan sa pagpapaunlad ng mga kababaihan sa lahat ng barangay sa Kidapawan City.Ayon pa sa kanya, prayoridad ngayon ng alkalde na maseguro at maitaguyod ang maayos na pamumuhay, kalusugan at kalagayan ng mga kababaihan sa lahat ng mga komunidad.Patunay ito ay ang aktibong pagsasagawa ng mga household study groups na pinangungunahan ni Ginang Evangelista sa mga kanayunaSa temang Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda , pinag isa na ang lahat ng women's organizations ng Kidapawan City sa pagdiriwang ng Women's Month/Ito aydinaluhan ng Rural Improvement Club o RIC Mother's Club Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI Bangsamoro Women Indigenous Peoples Women Association at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P's Women's Organization. Itinanggi ni Cotabato Schools Division Sup. Omar Obas ang aligasyong may mga aplikante pa umanong naghahabol sa kanilang mga requirements para makadagdag sa kanilang puntos.Ito ay may kaugnayan sa mga nag-apply ng Bagong Curriculum o ang senior high School.Matatandaang nagbukas ang Dep-Ed sa mga nais mag apply na magturo sa Senior High School Program sa darating na pasukan.Ilang reklamo na kasi ang natatanggap ng Radyo bida sa umano hindi patas ang ahensya pagdating sa pagtanggap sa mga requirements.Nagtapos na kasi ang ibinigay na palugit ng DepEd para sa kinakailangang mga dokumento ng mga aplikante.Ngunit, may iba pa umanong mga aplikanteng walang mga NBI Clearance na isa sa pinaka kailangan ng mga aplikante dahil kung wala ito ay posible silang hindi matatanggap.Paliwanag pa ni Obas hindi naman ito kasali sa mga makakadagdag ng puntos ng sinumang aplikante.Tiniyak naman ni Obas na bukas ang Cotabato Division para sa nabanggit na usapin.Sa ngayon hinihintay na lamang ang resulta sa English Profeciency Test ng mga aplikante upang maipalabas na ng Deped ang listahan ng mga bagong guro bago paman ang election ban. Magkakaroon ng serye ng Jobs fair ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 sa iba’t ibang lugar ng rehiyon sa mga susunod na buwan.Ang jobs fair ay gaganapin sa T’boli Municipal Hall sa March 11. Sa Cotabato City ito ay gaganapin sa Dr. P. Ocampo College sa March 12 at Notre Dame University sa March 14.Ang mga job seekers sa North Cotabato ay maaring mag-apply sa jobs fair na gaganapin sa University of Southern Mindanao sa Kabacan sa April 5.Magkakaroon din ng jobs fair sa Koronadal City Hall sa March 25 ,May 27 at June 24.Ang jobs fair ay gaganapin din sa ibang lugar sa South Cotabato. kabilang dito ang bayan ng Tampakan sa June 17, at Surallah sa June 20.Ayon kay DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo ang pagsagawa ng jobs fair ay inaatas mismo ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz.Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mnga bagong graduate na makapagtrabaho Arestado dahil sa pagdadala ng mga bala ng armas ang isa katao sa T’boli, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.Kinilala ng T’boli PNP ang suspek na si Joherie Sorn Samal, biente singko anyos, magsasaka at residente ng Barangay San Jose, General Santos City.Ang suspek na si Samal ay unang hinuli ng mga kasapi ng 27th IB ng militar na nagbabantay sa T’boli kaugnay sa nakatakdang pyesta sa lugar.Ang suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code. Ito ay matapos makuha sa kanya ang labinisang bala ng 30 garand rifle, isang pares ng combat boots at duyan.Kaugnay nito abot na sa tatlumput dalawa katao ang arestado dahil sa paglabag sa Comelec Gun Ban sa South Cotabato.Karamihan sa mga nahuling lumabag sa Omnibus election code ay pawang mga security guard, sundalo at illegal na nagmamay ari ng armas.Ito ay ayon kay Police Superintendent George Parcon, ang Hepe ng Police Community Relation Officer ng South Cotabato PNP.Pinaalalahanan naman ni Parcon ang publiko na huwag dalhin sa mga pampublikong lugar ang kanilang mga armas ngayong panahon ng eleksyon kahit lisensyado pa ang mga ito.Binigyan diin ni Parcon na papayagan lamang magdala ng armas ang mga legal fire arms holders na naka uniporme tulad ng mga sundalo at pulis.Maliban sa mga baril, nakakumpiska din ang mga pulis ng tatlumput limang replica ng baril at iba’t ibang uri ng patalim.Kasabay nito, tiniyak ni Parcon ang maigting na pagpapatupad ng election gun ban. Ito ay upang matiyak ang katiwasan at kaayusan sa South Cotabato ngayong panahon ng eleksyon. Nakakumpiska ng abot sa 991 board feet na mga illegal na troso ng lawa-an ang mga otoridad sa Lake Sebu, South Cotabato.Ang mga inabandonang illegally cut logs ay natagpuan sa gilid ng daan sa liblib na Sitio ng Lamsuguing, Barangay Lamfugon Lake Sebu, dakong alas tres y medya ng hapon kamakalawa.Ang mga ito ay natuklasan ng team nina Police Chief Inspector Joven Bagaygay ang chief of police ng Lake Sebu at Sergeant Roger Aramillo ng militar.Kasama ng mga ito na nag-inspeksyon sa lugar ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ng Lake Sebu at Portected Area Superintendent o PASu ng DENR.Kinilala naman ng Lake Sebu PNP ang may ari ng abandonadong troso na si Alex Rimfus, residente ng Sitio Datal Lawa, Barangay Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.Ang mga nakumpisakang troso ay nasa pangangalaga ngayon ng PASu ng DENR. Samantala, nakakumpiska naman ng mga illegal cocunot logs o coco lumber ang mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPATS sa barangay Saravia, Koronadal City kamakalawa ng gabi.Ang mga illegally cut logs ay lulan ng puti at pulang truck na may license plate SEU 647.Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga otoridad na ang assorted na mga coco lumber ay mula sa Purok Dumpsite, Saravia.Kinilala naman ang driver nitong si Edsil Libua, residente ng Barangay San Filipe, Tantangan, South Cotabato. Ang nakumpiskang mga illegally cut coco lumber ay nai-turn over na sa Philippine Cocunut Authority o PCA. Kalaboso ang isa katao matapos umanong nakawin ang isang motorsiklo sa T’boli, South Cotabato.Kinilala ni Police Chief Inspector Josemarie Simangan, ang Chief of Police ng T’boli ang suspek na si Alfred Vincent Ybanez, biente singko anyos at residente ng Barangay Edwards, T’boli.Si Ybanez ay siya umanong tumangay sa pulang Honda TMX 155 motorcyle ni Retnal Agbon dakong alas dose ng tanghali kamakalawa.Sa salaysay nito sa mga pulis, ipinahayag ni Agbon na ang kanyang motorsiklo ay tinangay habang nakaparada sa harap ng bahay ng isang Ricky Velarde sa Poblacion T’boli.Ang suspek na si Ybanez ay naharang ng mga rumespondeng pulis sa harap ng Barangay Edwards Public Market sakay umano ng ninakaw na motorsiklo, apat na oras matapos umano niya itong nakawin.Inihahanda na ng T’boli PNP ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay Ybanez.Si Ybanes ay pangalawa nang suspected karnaper na natimbog sa South Cotabato nitong Marso. Matatandaan na nasawi ang isang suspected na magnanakaw ng motorsiklo sa Koronadal City.Ito ay matapos makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sana sa kanya sa Barangay Zone I, Koronadal noong byernes ng gabi.

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...