Wednesday Apr, 24 2024 10:23:42 AM

NDBC BIDA BALITA March 15, 2016

 • 23:28 PM Tue Mar 15, 2016
1,288
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 15,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MIDSAYAP PNP, matagumpay muli sa
kanilang isinagawang drug buy-bust operation.

2. Militar, umapela sa mga kandidato sa North
Cotabato na huwag magbayad ng permit to campaign sa mga rebeldeng grupo

3. Isang pulis sa South Cotabato na
nagpositibo sa illegal na droga iniimbistigahan

LIMANG LALAKE AT ISANG BABAE ang
naaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Midsayap North Cotabatao
kahapon.

Kinilala naman Midsayap PNP Chief of
Police Supt. Tom Tuzon ang una nilang naaresto na si Erwin Lumandas, taga-Digos
City.

Narekober mula sa kanya ang humigit
kumulang isang daang gramo ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon ka Tuzon, nagmula umano ang mga
illegal na droga ng suspek sa Brgy. Dulawan, Datu Piang.

Pinaniniwalaang ibabiyahe ni Lumandas
ang narekober na droga sa Digos City at doon na ibebenta.

Sumunod naman rito ang pagkakahuli ng
isang Ariel Dalisay, pasado alas-10:30 ng umaga kahapon, na nakuhanan ng
dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Huli rin ang apat na iba pa na sina
Jayjay Carlos, Jake Datumanong, Jayjay Buenaflor at Jayrol Gabi, na umaming
nagmula sa isang Madroks at alias mato ng probinsya ng Maguindanao ang kanilang
narekober na mga illegal na droga.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang
mga naarestong suspek na nakakulong sa Midsayap PNP lock up cell.

Sinasanay na ngayon ang mga magsisilbing board
of election inspectors o BEIs para sa posibleng dalawang araw na eleksyon.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman Andres
Bautista, kasunod ng kautusan ng Korte Suprema na mag-isyu sila ng individual
receipt sa mga makikilahok sa halalan.

Sa pagtaya ng opisyal, tatagal ng 20 oras ang
buong proseso kaya kailangan nilang ikonsidera ang pagpapalawig sa oras ng
trabaho ng mga BEIs.

Umaasa naman ang commission na positibo ang
magiging tugon ng korte sa kanilang inihaing motion for reconsideration noong
nakaraang linggo.

Haharap ngayong araw si Bautista sa mga
opisyal at miyembro ng Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas para ihayag ang
kanilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon.

IPINAGTANGOL ng Malacanang ang mga bumubuo ng government peace
panel sa MILF peace process kaugnay sa kinakaharap na kasong treason sa bansa.

Una ng inirekomenda ng Manila Prosecutors' Office sa Office of
the Ombudsman ang kasong treason laban sa grupo ni chief negotiator Miriam
Coronel-Ferrer na naghain ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kongreso.

Giit ni Communications Sec. Sonny Coloma, ginawa lamang ng mga
government peace panel members ang kanilang tungkuling itaguyod ang peace
process.

Ayon kay Coloma, naniniwala silang lahat ng ginawa ng peace
panel ay naaayon sa Saligang Batas.

Aniya, Dapat na bigyan ng pagkakataon ang mga akusado upang
madinig ang kanilang panig at paninindigan. HINIHIKAYAT
ng Bureau of Fire Protection o BFP ang
mga barangay na bumuo ng kanilang organisadong fire brigade volunteers.

Binigyang
diin ng BFP na malaki ang
magagawang tulong ng
barangay fire brigade para agad na matugunan ang mangyayaring sunog habang hinihintay ang
pagdating ng mga bombero.

Magsisilbi
rin silang ‘force multiplier” ng mga fire stations sa kani-kanilang
munisipyo at maaaring pupuno sa
kakulangan ng bilang ng
bombero at fire trucks
sa kanilang lugar.

Ayon
sa BFP, ang tamang ratio ayand isang bombero sa bawat 2,000 populasyon at isang
fire truck sa 28,000 na populasyon.

Kaugnay
sa pagbuo ng mga barangay
fire brigade volunteer,
kailangan na sumailalim
volunteers sa pagsasanay lalo na sa pag-aapula sa sunog,
emergency reponse, first aid
at marami pang iba.

Magkakaroon ng dagdag na pasilidad ang Seven Falls sa Lake sebu, South Cotabato.
Ayon kay Provincial Tourism Officer Cesar Sulit, ito ay kanilang nang hiningan ng tulong sa Department of Tourism o DOT 12.
Kinumpirma ni Sulit na isinumite na nila sa DOT ang master plan para sa proyekto.
Sakop ng master plan ang paglalagay ng canopy walk, cable car, dagdag na sinage at trail sa seven falls .
Layon nito ayon kay Sulit na mahikayat ang mas maraming turista na bisitahin ang lugar.
Naglaan naman ng isang milyong inisyal na pondo ang provincial government sa canopy walk at dalawampung milyon para sa cable car .
Iniinspeksyon na ngayon ng Provincial Engineering Office ang lugar na maaring paglagyan ng dagdag na pasilidad sa seven falls para matiyak na ligtas ang mga ito.
Naniniwala si Sulit na kapag tuluyan naipatupad, ang proyekto, magbubukas ito ng dagdag na trabaho sa mga resident eng lugar.
Ayon kay Sulit, ang mga residenteng magsisilbing tourist guide ay kanilang sasanayin.
Hihinintay pa ng provincial touristm office ng South Cotabato ang tugon ng DOT sa kanilang inirekomendang master plan.
Maliban sa luntiang kapaligiran nito, isa sa mga dahilan kung bakit dinaryo ngayon ng mga lokal at banyagang turista ang seven falls ay ang zipline nito.
Positibo sa illegal na droga ang isang pulis sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ito ay kinumpirma ni Police Superitendent George Parcon ang spokesperson ng South Cotabato Provincial Police Office.
Ayon kay Parcon, ang drug test na isinagawa sa mga kasapi ng Polomolok PNP ay hiniling mismo ng kanilang Chief of Police na si Superintendent Joedy Lito Guisanga.
Ito ay upang malinis sa illegal na droga sa mga kasapi ng PNP sa Polomolok.
Ayon kay Parcon, ang pulis na umanoy nagpositibo sa drug test ay pansamantala munang ililipat sa PNP 12 Regional Headquarters sa General Santos City.
Ito ay habang iniimbistigahan pa ang kanya kaso.
Sinabi ni Parcon na kapag napatunayang guilty sa paggamit ng illegal na dorga, ang naturang pulis ay maaring tanggalin sa serbisyon.
Voice Clip…Si South Cotabato Police Spokesperson, Superintendent George Parcon Ingatan ang inyong motorsiklo
Ito ang apela ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes sa publiko, kaugnay sa tumataas na insidente ng nakawan ng motorsiklo sa lungsod.
Binigyan diin ni Condes na ang pagiingat sa kanilang motorsiklo ay hindi lamang resposable ng mga pulis kungdi maging ng may ari mismo ng mga ito.
Kaya payo ni Condes sa mga mamamayan , tiyaking nakaparada sa ligtas na lugar ang kanilang motorsiklo.
Pikahuling biktima ng mga masasamang loob sa Koronadal ang tricyle driver na inagawan ng motorsiklo sa Guanzon Village, Koronadal City.
Ipinagidiriwang ngayon ng Provincial Veterinary Office ng South Cotabato ang national rabbies awareness Month sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad.
Ayon kay Flora Bigot, ang OIC Veterinarian ng South Cotabato, isinailalim na nila sa orientation kontra rabbies ang mga opisyal ng barangay.
Layon nito na mapakalas ang kampanya kontra rabbies sa mga kanayunan.
Sinabi ni Bigot na matapos makapagtala ng isang kaso ng rabbies, mas tinutukan din ng anti rabbies vaccine campaign ng kanilang tanggapan ang bayan ng Polomolok.
Gayunpaman tiniyak ni Bigot na patuloy na naglilibot sa iba’t ibang bayan ng South Cotabato ang mga kawani ng provincial veterinary office para magbigay ng rabbies vaccine sa mga alagang hayop.
Bukod dito ayon kay Bigot, nagsasagawa rin ng castration at spaying para sa mga agalang aso at pusa ang provincial veterinary office.
Sa Koronadal, ipinahayag naman ni City Veterinarian Dr. Charliemange Calo na tuloy din ang pamimigay nila ng anti rabbies vaccine.
Ito ay matapos masawi ang isa sa limang mga biktima ng rabbies sa Koronadal City noong nakaraang taon. Umaasa si Atty. Nena Santos na didinggin ng Korte Suprema ang hihilingin nilang re-trial sa kaso ni dating Koronadal City Mayor at ngayon ay tumatakbo sa pagka gobernador ng South Cotabato na si Fernando Miguel.
Ito ang ipinahayag ni Santos matapos umano makakuha ng bagong ebendsiya na papabor sa kanyang kliyente ang kanilang kampo.
Ang tinutukoy ni Santos ay ang kalalabas pa lamang na legal Opinion ng Department of Interior and Local Government na nagsasabi na hindi trabaho ng city o provincial legal officer na mag-notaryo.
Matatandaan na ang dating alkalde ay kinasuhan ng ilang mga mamamahayag dahil umano sa pag-hire nito noon ng pribadong abugado para mag-notaryo sa lupang kinatatayuan ng bagong city hall.
Ang lupain ay nabili sa termino noon ng dating alkalde,
Binigyan diin ni Santos na wala silang natanggap na desisyon ng korte Suprema, kaya mariin nitong kinuwestyon ang authencity ng kopya ng desisyon na hawak ngayon ng ilang indibidwal kabilang ang media.
Binigyan diin ni Santos na nanatili pa ring kandidato sa pagka-gobernador ng South Cotabato si Miguel ngayon.
Sa isang pulong balitaan, kinumpirma din ni Santos na magsasampa din ito ng kaso sa mga complainant ng dating alkalde at mga nag-witness para maidiin si Miguel. Nanawagan ngayon si 39th IB Civil Military Operations Officer Capt. Danny Tapang sa mga kandidato sa halalan sa Mayo na huwag pumayag sa permit-to-campaign o PTC na ipinatutupad ng lawless elements kagaya ng New People’s Army o NPA.Sinabi ni Tapang na ang pagbabayad ng PTC ay katumbas ng pagtulong sa pondo sa puwersa ng NPA upang makabalik sa labanan at muling maghasik ng takot sa mga komunidad.Posible kasing ang mga pondo na maiipon ng NPA mula sa mga ibinayad sa PTC ay magbibigay sa kilusan ng kapangyarihan na palakasin ang kanilang mga armas para kumitil ng buhay ng mga sundalo at maging ng sibilyan.Ang mga PTC ay ipinatutupad ng mga rebelde sa kanilang mga kalaban bilang revolutionary tax.Sa ngayon nanatiling nakaalerto ang militar lalo na sa kanilang area of responsibility patrikular sa ikalawang distrito nang North Cotabato kabilang na ang Tulunan area at Colombio sa Sultan Kudarat.Patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa PNP at Comission Election lalo na sa pagsasapinal sa mga areas of concern na dapat tutukon sa panahon ng halalan sa buong lalawigan.Tiniyak naman ni Tapang ang kanilang pagbibigay ng seguridad sa mga kandidato kung saan nagsasagawa ng inspeksiyon o clearing operations bago ang mga pagbisita ng mga ito sa mga barangay. Kalaboso ang isang dating pulis matapos maaresto ng Pikit PNP dahil sa pagnanakaw nito ng ticycle sa brgy Balatican, Pikit North Cotabato alas 4:10 ng hapon kahapon.Kinilala ng Pikit PNP ang suspek na si Jun Mowa Kidap, 37-anyos, dating pulis na naka assign sa Police Regional Office-ARMM.Sa report ng PNP, nakatanggap lamang sila ng sumbong mula kay Ismael Guiamalon matapos raw tangayin ang kanyang STX YAMAHA 125 kulay pula na may license plate 2273 QM na pinarada lamang niya sa harapan ng kanilang bahay sa brgy. Batulawan, Pikit.Agad namang naglunsad ng pursuit operation ang mga otoridad sa pangunguna ng Police Ins. Sindatu Karim, deputy ng Pikit PNP at doon nila matagumpay na nahuli ang suspek.Minamaneho pa umano ng suspek na si Kidap ang nabanggit na sasakyan ng mahuli ito.Nakakulong na ngayon sa Pikit PNP lock up cell ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Pinaniniwalaang upos ng sigarilyo ang pinagmulan ng grassfire incident sa malawak na area ng brgy. Amas, partikular sa gilid ng Provincial Capitol sa Kidapawan City pasado alas tres ng hapon kahapon.Sinabi ni Jonathan Arquillo isa sa mga nagmomonitor sa area, kahit sino lamang umano ang dumadaan sa lugar.Bagaman at tatlo silang naka assign sa mahigit 120 ektaryang taniman na magbabantay doon ay hindi pa rin nila ito minsan natutukan dahil sa lawak nito.Labas pasok lang din kasi ang mga dumadaan sa lugar.Dahil na rin matinding init ng panahon at halos tuyo na ang mga dahon sa paligid ay mabilis na kumalat ang apoy at halos isang ektaryang lupain ang napinsala nito.Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.Ang nabanggit na area ay pagmamay-ari ng protected area ng Department of Environment and Natural Resources sa ilalim ng Mining and Degraded Areas Rehabilitation Research Center o MDARRC kung saan mga endangered forestries ang nakatanim rito kagaya ng Molave, germilina at narra.Nabatid na higit 20 kaso na ng grassfire ang naitala ng BFP Kidapawan mula Enero hanggang ngayong buwan pa lamang. Inaasahan ngayon ang mas mabilis na pagresponde ng Bureau of Fire Protection North Cotabato sa anumang mga insidente ng sunog sa lalawigan.Ito matapos na makumpleto ang kontsruksyon ng 1.4 Million building ng BFP sa Capitol Compound sa Amas, Kidapawan City.Sinabi ni Provincial Fire Marshal Supt. Ibrahim Guiamalon, mabilis na napatayo ang naturang gusali dahil na rin sa 300 square meter na lote na ibinigay ng Provincial Government.Ilalagay din doon ang isang firetruck ng BFP Kidapawan para sa mas mabilis na pagresponde sa mga sunog lalo na't nandoon ang sentro ng operasyon at opisina ng provincial Governemnt at national-lined agencies.Samantala, ibinunyag naman ni Guiamalon na sunod na prayuridad ng BFP ang dagdag na mga firetrucks sa mga Fire station sa bawat bayan sa lalawigan para sa mas epektibong serbisyo sa mga mamamayan ng North Cotabato.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...