Sunday Apr, 21 2024 11:05:37 PM

NDBC BIDA BALITA March 16, 2016

 • 
1,121
By: 
NDBC NCAT

Newscast

March 16,
2016 (Wed)
7and00 am

Headlinesand

1. Magbilas, patay matapos mabangga ang
sinasakyang motorsiklo sa Cotabato City.

2. Mag-asawa at anak, patay din sa high way accident sa Kidapawan kanina3. Kandidato pagka-konsehal sa Pikit, North Cotabato
arestado sa Kidapawan City.

4. Mga menor de edad na gumagala sa dis
oras ng gabi ikinustodya ng pulisiya sa Koronadal City

5. Lalaki, natapuang patay sa Sto Nino, South Cotabato. Patay ang magbilas matapos mabangga ang
sinasakyang motorsiklo pasado alas nuwebe kagabi sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, partikular sa harap ng RVM College of Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing biktima na
sina Sandro dela Cruz, 28 anyos, taga Parang, Maguindanao at angkas
nito na si Jeniffer Jimenez, 25 anyos, lalaki, residente ng Broce, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Batay sa imbestigasyon ng traffic
management unit, papunta ang dalawa sa direksyon ng downtown sakay ng kulay
itim na hao jue motorcycle na may license plate 3868 LX nang mawalan ng control
si Dela Cruz at maovershoot sa lane paakyat ng sidewalk at mabangga ang stall
ng santos lechon manok.

Dead on the spot si Dela cruz matapos
tumilapon sa konkretong pader na natumba habang tumilapon naman si Jimenez sa
stall ng lechon manok na napaurong sa sobrang lakas ng tama.

Nasawi naman si Jimenez habang
ginagamot sa Cotabato Regional Medical Center kagabi.

Patuloy naman ang panawagan ng tmu na
maging maingat at wag maging kampante sa pagmamaneho.

Nagreport
khapon sa kapulisan ang isang habal-habal driver matapos umanong maagawan ng
motorsiklo dakong ala una nang hapon kahapon sa pansacala st, rosary heights
10, cotabato city.

Nagpakilala
ang biktima na si joselito palad, 32 anyos, residente ng bagua 2 ng lungsod.

Ayon sa
bktima, sumakay ang isang di pa nakikilala na lalaking pasahero sa kanya sa
veterans avenue at ngphatid sa sousa st.

Pagkarating sa Sousa Street ay muli naman itong nagpahatid sa pansacala st.

Habang
papunta na umano sila sa nasabing lugar ay biglang pinapahinto na ng pasahero
kay palad ang motorsiklo.

Dito na
nagdeklara ng holdap ang pasahero habang tinututukan umano ng baril c palad at
sinuntok pa sa bunganga.

Agad umanong
tumakbo ang biktima at iniwan na lamang ang kanyang kulay asul na motorsiklo na
may license plate la 7476.

Patuloy pang
iniimbestighan ng pnp ang pangyayari. LAKING
PASASALAMAT ng mga taga Shariff Saydona Mustapha sa probinsya ng Maguindanao
dahil sa libreng health services na ibinahagi ng Integrated Provincial Health
office o IPHO ng lalawigan na pinangungunahan ni Dr. Tahir Sulaik, kahapon.

Ayon kay Mina
bai Anoc, residente ng nasabing bayan, malaking tulong sa kanila ang serbisyo
na ibinibigay ng IPHO maguindanao lalo na sa ibinibigay nilang libreng gamot.

Giit ni Anoc,
matapos silang maapektuhan ng mga nakaraang bakbakan sa pagitan ng militar at
armadong grupo sa kanilang lugar, hindi na naging madali sa kanilang bumangon
at magsimula muli sa kanilang buhay.

Aminado si
Anoc na labis nilang inaasam ang mga iniaabot na tulong sa kanila dahil wala
silang sapat na pinagkakakitaan dahil apektadro rin ng tagtuyot ang kanilang
mga kabuhayan.

Ikinagalak
naman ni Johar Salona ng Brgy. Datu Bakal ng nasabing bayan dahil direktang
tumungo ang IPHO sa kanilang lugar para matugunan ang kanilang mga
pangangailan.

Maliban sa
serbisyong medikal, namahagi rin ng ilang food packs ang IPHO maguindanao sa
mga residente ng Shariff Saydona.

Ayon kay Dr.
Tahir Sulaik, hindi sapat kung gamot lang ang ibabahagi sa mga nangangailan
kung kumakalam naman ang mga sikmura nito.

Ngayong araw,
nakatakda namang magtungo ang health team sa bayan ng South Upi, Maguindanao
para sa kanilang gagawing medical mission, pati na rin ang paggunita ng Buwan
ng mga kababaihan.

Ang
IPHO-Maguindanao ay kilala sa patuloy na paghatid ng serbisyong medikal at iba
pang pangangailangan sa iba't ibang panig ng Maguindanao, anu man ang panahon o
sitwasyon.

ABOT SA APATNAPO'T ISANG mga sasakyan ang
kasalukuyang naka-impound sa opisina ng Land transportation office o LTO sa Midsayap,
Cotabato.

Kahapon lang nang magsagawa ng operasyon ang
LTO region 12 laban sa mga colorum na sasakyan, mga driver na walang lisensyang
magmaneho at iba pang mga lumabag sa batas trapiko.

Giit ni LTO-12 law enforcer operation team
leader Renante Caballero, nais nilang turuan ng leksyon at hindi para parusahan
ang mga lumalabag sa kanilang panuntunan.

Karamihan sa kanilang mga nakumpiska ay mga
motorsiklo at ilang 4-wheel vehicle na walang plaka, hindi nakarehistro,
expired ang lisensya o walang lisensya ang driver at walang mga dokumento.

Binigyan naman ng konsiderasyon ng LTO-12 ang
mga sasakyan na may ilang depektibong parte ng sasakyan.

Patuloy namang magsasagawa ng oeprasyon ang
LTO laban sa mga nagmamatigas at lumalabag na mga motorista sa batas trapiko.

Binigyang diin ng ahensya na hindi lamang
sibilyan ang kanilang hinuli, kundi maging mga miyembro ng PNP, AFP at government
offices.

Sinimulan na ng pulisiya ang pag-ronda sa mga kalye ng Koronadal City .
Layon nito na sitahin at mailagay sa kanilang custody ang mga menor de edad na gumagala sa dis oras ng gabi.
Ayon kay Koronadal Chief of Police,Superintendent Barney Condes, ito ay bilang pagpapatupad na rin sa Curfew Ordinance para sa mga menor de edad.
Ipinagbabawal ng ordinansa ang paglabas ng mga nasa disi otso anyos pababa mulas alas onse ng gabi hanggang alas kwatro ng medaling araw.
Sa unang gabi ng pagpapatupad ng PNP sa ordinansa, abot sa labinwalong mga menor de edad ang inilagay sa kanilang custody kamakalawa.
Pahihintulutan lamang na makauwi ang mga ito kung susunduin ng kanilang mga magulang o guardian sa police station.
Ang mga menor de edad na mahuhuling lumabag sa ordinansa sa unang pagkakataon ay bibigyannlamang ng lecture hinggil dito.
Habang ang mga second offender naman ay obligadong sumailalim sa Community Service.
Ayon kay Condes,posible namang mapatawan ng kaukulang parusa ang mga magulang ng menor de edad na lumabag sa curfew ordinance sa ikatlong pagkakataon.
Layon ng curfew ordinance na maiwasan ang paggamit ng masasamang loob sa mga menor de edad sa mga petty crimes.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, dahil sa Juvenile Justice System, hindi maaring makasuhan ang menor de edad na sangkot sa krimen.
Ito ayon sa alkalde ay sinasamantala naman ng mga masasamang loob na ginagamit ang mga menor de edad sa iba’t ibang krimen tulad ng pagnanakaw.
Inaalam pa ng pulisiya ang pagkakakilanlan sa bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa liblib na bahagi ng Barangay M. Roxas, Sto. Nino, South Cotabato.
Ayon kay Sto Nino Chief of Police, Senior Inspector Bernie Faldas,ang bangkay ay may taas na five feet at five inches, maputi, trenta hanggang trenta’y singko anyos, nakapantalon, at yellow T-shirt.
Mayroon din itong tattoo na MHAD sa kamay.
Nadiskubre ng mga pulis ang bangkay sa tulong ng isang concerned citizen na unang nakakita nito dakong alas sais ng umaga kahapon.
Kinumpirma ni Faldas na ang biktima ay may limang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Binalot din ng packing taple ang kanyang ulo at tinalian nito ang kanyang mga kamay at paa.
Umaapela naman si Faldas sa mga mamamayan na nawalan ng kamaganak o kakilala na tumutugma sa pagsasalarawan nila sa natagpuang bangkay na makipagugnayan lamang sa Sto. Nino, Police Station.
Nakasungkit ng lapinpitong medalya sa katatapos lamang na Philippine National Games sa Pampanga ang mga athlete ng Koronadal City.
Kabilang sa mga ito sina Kevin Troy Dagum na mayroong apat na gold medals, dalawang silver at isang bronze medal.
Si Keith Gleen Joy Tuya ay nakakuha naman ng isang gold, apat na silver at isang bronze medal.
Sina Dagum at Tuya ay pawang mga swimmer at estudyante ng Koronadal National Comprehensive High School.
Ang Boxer na si Ramil Macado ay nakasungkit naman ng bronze medal.
Nakapaguwi naman ng silver medal ang karatedo player na si Jimmy Gales III.
Si Jowilyn Yabes ng Taekwondo ay nakakuha ng bronze medal.
Ayon kay Tony Aguilar, ang Sports Coordinator ng Koronadal ang mga ito ay pawang mga produkto ng Summer Training Festival ng lokal na pamahalaan.
Kaugnay nito ipinahnayag naman ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na magbibigay ng insentibo ang lokal na pamahalaan sa mga atleta na makapaguwi ng karangalan sa lungsod.
Ang mga gold medalist sa anumang national competition ay mabibigyan ng sampung libo., pitong libo ang silver medalist at limang libo naman ang makakakuha ng bronze medal.
Ito ayon kay Miguel ay mas malaki sa tatlong libo, dalawang libo at isang libo na ibinibigay ng pamahalaang nasyonal.
Binigyan diin ni Miguel na karapat dapat na bibigyan ng mas malaking insentibo ang athlete ng lungsod na makapaguwi ng medalya sa alinmang national sport competition.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo para makapagbigay ng karangalan sa lungsod. Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Surallah, South cotabato.
Ito ay dahil na rin sa danyos ng El Nino Phenomenon sa mga produktong pang agrikultura na umaabot na sa mahigit 136.5 million pesos.
Ayon kay Surallah Municipal Administrator Beltran Armada, kabilang sa matinding napinsala ng tagtuyo’t ang may dalawang libong ektaryang maisan na nagkakahalaga ng mahigit isang daan at walong milyong piso.
Hindi na rin napakinabangan ng mga magsasaka ang mahigit dalawamput pitong milyong piso halaga ng palay na itinanim sa mahigit apatnaraang ektaryang lupain sa bayan.
Ayon kay Armada, pinakamatinding tinamaan ng El Nino sa Surallah ang mga barangay ng Moloy, Colongolo, Talahik, at Lamian.
Ipinahayag ni Armada na ang pagdeklara ng State of of Calamity sa bayan ay bilang tugon na rin sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council o MDRRMC.
Sinabi ni Armada na ideneklara ng konseho ang state of calamity pagkatapos ng kanilang special session noong Lunes.
Layon nito na magamit ang bahagi ng quick response fund ng lokal na pamahalaan para pantulong sa mga magsasakang sinira ng tagtuyo’t ang kabuhayan.
Naglaan naman ng mahigit P1.1 million ang lokal na pamahalaan para pambili ng binhi,at fingerlings na ibibigay sa mga apektadong magsasaka.
Matatandaan na isinailalim din sa State of Calamity ang Surallah noong Enero .
Ito ay bunsod naman ng pagdami ng kaso ng dengue fever sa bayan.
Maliban sa Surallah, isinailalim na rin sa State of Calamity dahil sa dry spell ang Koronadal City at bayan ng T’boli. Arestado sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang apat katao sa Koronadal City.
Kinilala ni Glorio Sandig, ang Action Officer ng CityAnti Drug Abuse Council o CADAC ang mga suspek na sina Eugene Siblos, 40 anyos, residente ng Barangay Santa Cruz,at Joel Mijares 39 anyos, ng Martinez Subdivision, Barangay Zone IV sa lungsod.
Kasama din ng mga ito na naaresto sina Rommel Argao 25 anyos residente ng Brgy. Avancena at isang umanoy disiseyte anyos na dalagita na residente ng T'boli South Cotabato.
Ayon kay Sandig ang mga suspek ay naaresto ng mga kasapi ng Koronadal City PNP at Regional Special Intillegence and Detective Team ng PNP 12 at Philippine Drug Enforcement Agency sa Purok Malaya,Barangay Santa Cruz, dakong alas otso kagabi.
Nakuha mula sa mga ito ang dalawang sachet ng suspected shabu, apat na tooter , digital na kilohan, limang daang buy bust money at dalawang 22h relover.
Inihahanda na ng pulisiya ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at Illegal possession of firearms laban sa mga suspek. PATAY on-the-spot ang mag-asawa, kasama ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki, matapos bumangga sa nakaparadang hauler truck ang sinasakyan nila’ng motorsiklo sa Barangay Amas, Kidapawan City, alas-singko beinte ng umaga, kanina.
Kinilala sa report ang mga biktima sa apelyidong Ramirez na taga-Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Barangay Amas chairman Alexander Ostria, di namalayan ng driver na si Ramirez ang nakaparadang truck kaya’t bumangga ito roon.
Dahil sa tindi ng mga sugat sa ulo, namatay noon din ang mag-anak na Ramirez.
Wala raw sila’ng mga suot na helmet nang maganap ang aksidente, ayon kay Ostria.
Ang mga bangkay nila inihatid na sa Woodhaven Funeral Homes sa Barangay Manongol, Kidapawan City.
Mariing ipinagbabawal ng batas sa ilalim ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pangangampanya o pag-iindorso ng mga LGU o Government employee ngayong panahon ng election.Kaugnay nito, sinabi ni DILG Cotabato Provincial Director Ali Abdullah posibleng masibak sa trabaho ang sinumang mahuhuling regular at casual employee na mag-iindorso ng kandidato.Nilinaw lamang ni Ali na kung nais man nilang suportahan ang kanilang mga kandidato ay maari naman silang mag leave muna sa kanilang mga trabaho.Sa ngayon wala pa namang natatanggap na report ang DILG na mga reklamo kaugnay sa pangangampanya ng isang elected at appointed official sa North Cotabato ngayong election.Nabatid na 54 araw na lamang bago ang National at Local Elections ngayong darating na Mayo. Tuloy-tuloy pa rin ngayon ang ginagawang Cloud seeding operation ng Cotabato Provincial Government sa mga lugar na labis na naaepktuhan ng El Niño phenomenon sa lalawigan.Sinabi ni Provincial Agriculturist Engr. Eliseo Mangliwan, pumalo na sa isang bilyong piso ang halaga ng pinsala sa mga pananim at pang-aatake ng mga pesteng daga sa ibat ibang bayan sa probinsiya.Kabilang na rito ang mga bayan ng Alamada, Pigcawayan, Kabacan, Matalam, Aleosan, Mlang, Magpet, Kidapawan City, Pikit, Tulunan at Carmen. Halos di naman mapapakinabangan ang taniman ng mga palay, mais, saging, cacao, gulay at iba pang high value crops.Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na ng 21 sortieso paglipad ng eroplano na katumbas ng dalawampu’t-anim na oras na cloud seeding operation ang eroplanong inarkilahan ng probinsya na may kabuuang 351 bags ng asin ngiba’t-ibang bayan sa lalawigan. Patuloy namang naitatala ang mga pagbuhos ng ulan sa malaking bahagi ng probinsya bilang patunay na ang cloud seeding operation na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ay matagumpay.Katunayan ay laking pasasalamat ng mga magsasaka ng nabiyayaan ng ulan ang mga pananim. Tulong-tulong ngayon ang higit apat na libong indibidwal sa 12 mga barangay sa Kidapawan City sa ipinatupad na Food For work Program ng City LGU.Kapalit ng kanilang pagtatrabaho ay makakatanggap ang bawat indigent Families ng 15 kilong bigas.Ito ay bahagi naman ng interventions na ginagawa ng City LGU sa ilalim ng pagdedeklara ng state of calamity ng lungsod dahil sa El Nino.Ang ginagawa ng mga benipisyaryo ay mga paghahanda naman para sa darating ng tag-ulan.Kabilang na rito ang pagka-kanal sa mga daluyan ng tubig patungo sa mga taniman, paglilinis, upang maiwasan ang pagdami ng daga at anti-dengue drive naman para puksain ang mga pinamumugaran ng mga lamok na maydala ng sakit.Sa naturang programa, kahapon ay nakatanggap na ng ayudang bigas ang bawat pamilya mula sa mga barangay ngand Malinan Patadon Onica Amas Amazion Macebolig Sumbac Junction Kalaisan Binoligan Paco at Balindog.Hanggang March 18 ang schedule ng Food For Work sa mga nabanggit na lugar na lubhang apektado ng EL Niño kumpara sa iba pang mga barangay.Magbibigay din ng katulad na tulong ang City LGU sa iba pang barangay hanggang sa April 1 ngayong taon.Kaugnay nito ay patuloy naman ang ginagawang pagra -rasyon ng tubig maiinom ng City LGU sa mga komunidad na sinalanta ng tagtuyot. Binata patay sa pamamaril sa Kidapawan City.Patay ang isang binatilyo matapos itong pagbabarilin sa Perez St. brgy. Poblacion, Kidapawan City mag-aalas onse ng umaga kahapon.Kinilala ang biktima na si Reynaldo Pagayao Ochavo, 19-anyos, laborer na taga Mt.Apo Village, brgy. Poblacion ng lungsod.Sa imbestigasyon ng Kidapawan City PNP dalawang lalaki na sakay ng Kawasaki Motorcycle ang itinuturong responsable sa krimen na mabilis ding tumakas matapos ang pamamaril.Nabatid na naglalaro lamang ng billard ang biktima sa loob ng tindahan na pagmamay-ari ng Pamilya Luzon ng pasukin ito ng suspek at doon na siya pinagbabaril.Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima gamit ang 45 caliber pistol base na rin sa anim na basyo ng bala na narekober ng mga otoridad sa crime scene.Dinala pa sa pagamutan ang biktima pero binawian din ito ng buhay.Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen habang patuloy nila itong iniimbestigahan.

13 potential human trafficking victims rescued in Tawi-Tawi

BONGAO, Tawi-Tawi - Prompt response by combined forces from 1st SOU Maritime Group (lead unit), 1st Tawi Tawi PMFC, Sea Marshall Unit-SWM, Coast...

Bloody 'rido' in isolated North Cotabato barangay waning down

COTABATO CITY --- Guns are silent in Barangay Matilac in Pigcawayan, North Cotabato since last week after the military had repositioned away from...

Sultan Kudarat province, isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

ISULAN, Sultan Kudarat - Gov. Datu Pax Ali Mangudadatu has placed the entire province of Sujltan Kudarat under state of calamity due to El Niño that...

2 wounded in Cotabato City ambush

COTABATO CITY - Two Moro residents were wounded in an ambush at a residential area here on Friday night that caused panic among villagers....

Iba’t-ibang mga kagamitang pandigma, isinuko sa 57IB

  CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Boluntaryong isinuko ng mga residente sa tatlong mga lugar na nasasakupan ng 57th Infantry (Masikap)...