Wednesday Apr, 24 2024 10:38:27 AM

NDBC BIDA BALITA March 17, 2016

 • 17:03 PM Thu Mar 17, 2016
1,503
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 17, 2016 7and00 AM

HEADLINESand

1. Military operation kontra BIFF tuloy pa rin sa Maguindanao, bomb making facility, natagpuan sa Datu Salibo.2. North Cotabato transport group, nagreklamo laban sa LTFRB.

3. Alamin ang inyong mga presento ngayon pa lang, payo ngCOMELEC-Koronadal sa mga botante.4. NGCP, ipatatawag ng North Cotabato provincial board upang pagpaliwanagin sa tower bombing Mas pinalalakas pa ng militar ang kanilangoperasyon laban sa armadong grupo na Bangsamoro Islamic freedom
fighters o BIFF sa lalawigan ng Maguindanao.Kamakalawa lang ay narekober ng
pinagsanib na puwersa ng Marines at Militar ang isang inabandonang kuta na BIFF
sa bayan ng Datu Salibo kung saan nila tinatago ang kanilang mga gamit sa
paggawa ng improvised explosive devices.

Pero bago nila tuluyang makumpiska ang
mga gamit sa paggawa ng IED nagkapalitan muna nang putok ang puwersa ng
gobyerno laban sa armadong grupo.

Mula sa inabandonang kuta ng BIFF,
nakuha ng Army's explosive ordnnance dispostal team ang ilang mortar
projectiles, blasting chemicals, IED detonators at iba pa.

Nakuha rin ang abot sa 20 kilo ng
crystalline pellets na nakasilid sa maliliit na plastic bags.

Inihayag naman ni Captain Joann
Petinglay, ang spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division na sugatan sa
panibagong engkwentro ang miyembro ng 25th Marine Company ng 5th Marine
Battalion.

Humigit kumulang 30 mga sundalo na ang
sugatan mula nang sumiklab ang bakbakan sa nasabing bayan nong unang linggo ng
nakaraang buwan.

Humihingi naman ng pangunawa at
pasensya ang militar sa mga apektadong residente sa lugar, na tatapusin muna
nila ang kanilang clearing operations bago nila idedeklarang ligtas na silang
bumalik sa kanilang barangay o bayan.

NAMAHAGI
ng relief assistance ang local government unit ng Nuro Upi Maguindanao sa mga
residente nito na apektado ng El nino phenomenon kahapon.

Pinangunahan
ni Nuro Upi Mayor Ramon Piang ang pamamahagi ng sako sakong bigas at iba pang
pangangailangan ng kanyang taumbayan.

Laking
pasasalamat ni Piang sa tulong at suporta na ipinaabot ng provincial at
regional government para tuloyan nilang maipaabot ang tulong sa kanilang bayan.

Abot
sa 2,974 na sako ng bigas ang ipinamahagi ng gobyerno sa residente ng Nuro Upi
na nagkakahalaga ng humigit kumulang 3.4 million pesos.

Direkta
naman nilang ipinaabot ang tulong sa mga apektadong barangay sa nasabing bayan
para matiyak na matatanggap ng mga nangangailangan ang tulong na inilaan para
sa kanila.

PANIBAGONG
KASO na naman ng pagnanakaw ang naitala ng Police station number 4 sa Cotabato
City.

Nagsumbong sa
himpilan ng Police station number 4, si Sabah Akmad 38 years old, may asawa at
residente ng Bagong Baryo, Mother Baranggay Bagua matapos pasukin ng kawatan
ang kanyang tahanan sa nabanggit na lugar.

Sa report ng
pulisya, Walang naiwan sa kanilang tirahan nang mangyari ang panloloob at
sinamantala ang kanilang pagalis.

Sa mga oras
na iyon ay nagtungo sila sa kanilang kamag-anak.

Natangay ng
mga kawatan mula sa tahanan ng biktima ang isang unit ng SAMSUNG Tablet na
nagkakahalaga ng 20,000 pesos, APPLE 4S Cellphone, NOKIA Touch screen cell
phone, isang relo na may tatak na G-SHOCK, at MK watch pati na rin ang iba't
ibang alahas na nagkakahalaga ng 35,000 pesos.

Nangyari ang
insidente dakong alas-5:30 ng madaling araw nang mapansin nilang magulo na ang
kanilang bahay.

Mismo ang
kisame ng kanilang CR ang ginawang entry point ng suspek.

Muli namang
nagpaalala ang Kapulisan sa mamayan ng cotabato city na mag-doble ingat at wag
hayan na walang maiiwan sa inyong bahay lalo na sa darating na semana santa.

Ito na ang
ika-apat na insidente ng pagnanakaw sa Area of responsibilty ng Cotabato City
Police Station Number 4. TINIYAK NG
Department of Agriculture na walang inaasahang pagtataas sa presyo ng isda at
gulay ngayong linggo at sa susunod na linggo kung sa paggunita sa Semana Santa.

Ayon sa DA,
wala silang nakikitang problema sa supply dahil wala namang nanalasang bagyo sa
bansa, maliban na lang sa umiiral na El Niño phenomenon.

Wala rin
namang inaasahang pagtataas sa presyo ng karneng baboy at manok sa kabila ng
pagtama ng Newcastle Disease sa Luzon.

Karaniwan na
para sa mga Katoliko na mag-ayuno tuwing Mahal na Araw, kabilang na ang hindi
pagkain ng mga karne.

Samantala,
binalaan naman ng Department of Trade and Industry ang mga negosyanteng
sinasamantala ang demand, at ang pagtama ng sakit sa mga manok upang magtaas ng
presyo ng mga bilihin. NAGPAPAGALING
pa sa ngayon sa pagamutan ang isang lalake na biktima ng pananaga sa Brgy.
Kapilpilan, Midsayap, Cotabato, pasado alas-10:30 ng umaga kahapon.

Kinilala ang
biktima na si Mark Anthony Bayana, 26-anyos, taga Lower Katinggawan ng nasabing
bayan.

Sa report,
nagtungo si Bayana kasama ang hindi nakilalang kaibigan nito sa Brgy.
Kapilpilan at dito na tinaga si Mark ng hindi pa nakikilalang suspek at nagtamo
ng sugat sa kanyang leeg.

Agad namang
isinugod sa pagamutan ang biktima.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng PNP, itinanggi ng biktima na tinaga siya at nagdahilang
tinamaang lamang siya ng punong kahoy.

Pero
kalauna'y umamin rin ito na nagtungo sila sa lugar para bumili ng illegal na
droga kung saan nangyari ang pananaga sa kanya.

Patuloy
namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente habang
pinaghahanap pa ang kasama nito.

Nakatakdang ipatawag ng Provincial Government ng Cotabato ang mga matataas na opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP kaugnay sa serye ng pambobomba sa kanilang mga tore sa North Cotabato.Sinabi ni Governor Emmylou Mendoza, nais kasing malaman ng Provincial Government ang pagsisikap ring ginagawa ng NGCP para ma protektahan ang kanilang mga electrical lines mula sa mga lawless elements.Pag-usasapan rin ang mga posibleng motibo rito at kung totoo bang may kaugnayan sa extortion ang nabanggit na masamang gawain.Gagawin ito kasabay ng Provincial Peace and Order Council Meeting kasama ang mga opisyal ng PNP, militar, LGU officials at stakeholders.Para kay Mendoza nararapat lamang na may gawin nang inisyatiba ang NGCP tungkol rito.Nanindigan rin ang opisyal na hindi maaring ikaltas sa mga konsumidores sa pamamagitan ng universal charges ang danyos sa kanilang mga tore.Dahil aniya, private Commercial Company umano ang NGCP na kumikita naman ng milyong milyong piso.Nabatid na nakarating na rin sa Sanguniang Panlalawigan ng Cotabato ang resolusyon mula sa SP Misamis na naghihikayat sa mga opisyal sa Mindanao na tugunan na ang pamboboma sa mga tore sa North Cotabato, Lanao del Sur, Maguindanao at Sultan Kudarat. Pinaghahandaan na ng Department of Education o DepEd North Cotabato ang kanilang Brigada Eskwela 2016 o National Schools Maintenance Week ” na taon-taon na nilang ginagawa.Sinabi ni DepEd Cotabato School Division Superintendent Omar Obas, ito ay base na rin sa memorandum no. 35 series of 2016 na ipinababa ng DepEd Central office para tugunan ang pangangailangan ng mga paaralan bago ang pagbubukas ng klase ngayong scholl year 2016-2017.Naka angkla naman ang tema ngayon taon ng nabanggit na programa ng DepEd sa Tayo Para sa Paaralang Ligtas, Maayos at Handa Mula Kindergarten Hanggang Senior High School.Kabilang rin sa tinututukan ng ahensya na masigurong makapagpa-enroll ang mga estudyante bago ang pasukan na itinakda sa darating na Hunyo.Kasabay ng Launching ng Brigada Eskwela ay ang Grand launching rin ng Senior High School o K-12 Basic Education Program na gagawin naman sa Carmen National High School sa Carmen, North Cotabato ngayong May 27, 2016 katuwang ang mga patners ng DepEd kagaya ng Aboitiz Powers, COTELCO, Carmen LGU, Povincial Government at iba pang mga stakeholders.Patuloy ngayong inaanyayahan ng DepEd Cotabato ang mga magulang at mag-aaral na makiisa sa ikakasang brigada eskuwela na isasagawa sa darating na Mayo a-trenta hanggang Hunyo a-kwatro para maging maayos at malinis ang mga paaralan sa darating na pasukan. HINDI natinag sa mga kasong isinampa kontra sa kanila si GPH panel chair Professor Miriam Coronel-Ferrer.At mas lalo pang tumibay ang paniniwala nila na walang batayan ang naturang mga kaso nang ibasura ito kamakaylan ng Manila Prosecutor’s Office.Tunay raw na pampagulo lang ang mga kasong ito, lalo na sa pagsisikap nila’ng magkaroon ng Kapayapaan at katahimikan sa Mindanao.Ang mga kaso nag-ugat nang mailatag ang Bangsamoro Basic Law o BBL.Ayon kay Ferrer, Bahagi lamang ito ng mis-information na ipinakalat ng mga umaayaw sa BBL.Kabilang sa mga maling impormasyon na kanilang ipinakalat ay ang pagkakaroon ng sariling pulis at sundalo sa Bangsamoro territory.NOONG May 28, 2015, sinampahan ng mga kasong inciting to sedition at treason sina Ferrer – kasama sina OPAPP Secretary Teresita Deles, Bangsamoro Transition Commission, at MILF panel.Kabilang sa mga complainant si BUHAY Party-list Representative Lito Atienza.Iginiit nila na ang paglagda ng mga respondent sa Framework Agreement on the Bangsamoro noong Oktubre 12, 2012 at ang pagsusulong sa BBL ay pag-ayuda sa MILF armed forces para igiit ang pagkakaroon nila ng hiwalay at independyenteng estado. Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team o CIDT North Cotabato katuwang ang Tulunan PNP at Regional Public Safety Battalion 12 ang isang 39- anyos na lalaki sa inilunsad na search operation sa kanilang bahay sa brgy. Sibsib, Tulunan, North Cotabato alas 11:45 kagabi.Kinilala ang suspek na si Alfonso Rasonable, may asawa na residente rin ng nabanggit na lugar.Hinalughog ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Alexander Betoya ng Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan.Maliban sa dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nakuha kay Razonable ay nahulihan rin ito ng isang 12gauge shotgun, 9 mm pistol, mga bala at drug paraphernalia.Matagal na rin umanong wanted ang suspek sa kasong drug trafficking na huhulihin na sana ng PDEA Davao del Sur pero tumakas ito at nagtago sa bayan ng Tulunan.Nakakulong na ngayon ang suspek habang inihahanda ang mga kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition Act na isasampa laban sa kaniya. Di na nakapalag pa ng arestuhin ng mga pulis ang wanted na si Jonas Agpet, biente nuebe anyos.
Si Agpet ay inaresto sa kanya mismong lugar sa Barangay Polonuling, Tupi, dakong alas onse ng umaga noong Martes.
Ayon kay Police Chief Inspector Rey Egos, ang Chief of Police ng Tupi, ang suspek ay kinasuhan ng three counts of rape.
Siya pumapangalawa sa sampung most wanted person sa bayan ng Tupi.
Si Agpet ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ng korte.
Wala namang inirekomendang pyansa para sa temporaryong paglaya ng suspek si Judge Eddie Rojas ng Regional Trial Court Branch 39 sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.
Ang inarestong si Agpet na nakapiit ngayon sa Tupi PNP lock up cell ay ililipat naman sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Center sa Koronadal City. Handa na ang pulisiya para bantayan ang seguridad ng mga mamamayan sa Semana Santa sa South Cotabato.
Ito ang tiniyak ni Superintendent George Parcon, ang Police Community Officer ng South Cotabato Provincial Police Office.
Sa katunayan ayon ka Parcon pinagusapan sa command conference ng PNP sa lalawigan ang ilalatag na seguridad sa holy week noong pang nakaraang linggo.
Ipinahayag ni Parcon na maliban sa mga simabahan, paiigtingin din ng PNP ang kanilang police visibility sa mga matataong lugar sa Holy Week.
Kabilang sa mga ito ayon kay Parcon ang mga terminal at palengke.
Hihigpitan din ng PNP ang checkpoint sa mga pangunahing daan.
Katuwang ng pulisiya sa pagpapatupad ng mga ito ayon kay Parcon ang militar at force multipliers tulad ng mga tanod.
Umapela naman si Parcon sa publiko na para di masalisihan ng mga masasamang loob agad na ireport sa PNP kung may makikitang kahina hinalang bagay o personalidad sa kanilang lugar. Itatampok sa Treasures of SOX o SOCCSKSARGEN ang fashion at pagkain na ipinagmamalaki ng rehiyon.
Ito ay ayon kay Nellie Nita Dillera ang magiging highlight sa tourism Trade Fair na gagapanapin sa Makati City sa Abril a onse hanggang katorse.
Kabilang sa mga food products na ipapakita sa trade fair ang mais, palay, tuna, pinya, kape, muscovado, cocunot oil, Cavendish banana at Aquaculture Products.
Ayon kay Dillera binago na kasi ng panahon at teknolohiya ang tradisyonal na paggawa ng mga processed foods mula sa mga produktong pang agrikultura.
Sinabi ni Dillera na ang pagiging top exporter ng rehiyon sa ilang mga food products ay patunay ng tagumpay ng rehiyon sa makabagong pamamaraan ng paggawa ng mga ito.
Maliban sa Tuna, ang rehiyon dose ay kilala sa black rice at pork-in-box products nito.
Ipinahayag ni Dillera na matutunghayan din ng mga bisita sa tourism trade fair ang cultural performance ng ipinagmamalaking Hinugyaw Dance Troupe ng Koronadal City.
Ipapakita naman sa fashion show ang mga damit na gawa sa mga indiegenous materials ng South Cotabato.
Ang mga ito ay likha naman ni Jared Servano , ang first runner up sa 4th Season ng Project Runway at isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa 2016 London Fashion Week noong nakaraang buwan. Nasunog ang dalawang bahay sa Koronadal City.
Nabatid na unang tinupok ng apoy ang bahay na nirerentahan ng gurong si Ma. Christina Mangali-ag, sa Agan North Subdivision, Barangay Morales.
Ayon kay Arcenio Malandag, isa sa mga nakatira sa nasunog na bahay , posibleng naging sanhi ng sunog ang nakaligtaan nilang nakasinding kandila.
Ipinahayag ni Malandag na dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, tanging naisalba lamang nito ang kanyang labindalawa at isang taong gulang na pamangkin.
Nadamay din sa sunog ang bahay na katabi ng nirerentahang bahay ng pamilya Mangali-ag.
Ayon kay Senior Fire Inspector Reginald Legaste, ang City Fire Marshall ng Koronadal, nagsimula ang sunog pasado alas tres ng hapon kahapon.
Nagdeklara namang fire out ang mga bombero makalipas ang may labinlimang minuto.
Ayon kay Legaste, maaring umabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng ari arian ang naabo sa dalawang bahay.
Ito na ang pang labinisang structural fire sa Koronadal City ngayong taon.
Nanawagan naman si Legaste sa publiko na pagibayuhin pa ang pagiingat para makaiwas sa sunog ngayong fire prevention month. Alamin ng mas maaga ang kanilang mga presinto.
Ito ang hiniling ni Koronadal Election Officer Richard Opinion sa mga mamamayan ng lungsod.
Ayon kay Opinion, mahalaga para sa mga botante na malaman kaagad ang lugar kung saan sila boboto para maiwasan ang pagkalito sa araw mismo ng eleksyon .
Ito kasi ayon kay Opinion ang nakikita ng Comelec na nagaganap sa tuwing halalan .
Sinabi din ng election officer na bago pumunta sa mga voting centers, dapat ay may nakahanda nang listahan ng kanilang iboboto ang mga botante.
Sa pamamagitan nito ayon kay Opinion ay mabawasan ang oras na gugulin sa pagboto.
Pinayuhan din ni Opinion ang mga mamamayan ng Koronadal na maging responsable sa pagpili ng mga iboboto sa May 9.
Ang Koronadal City ay mayroong mahigit siyamnapung libong mga botante.
Ipinahayag din ni Opinion na siyamnapung porsyento nang handa para sa eleksyon ang Comelec sa Koronadal City.

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...

NDBC BIDA BALITA (April 23, 2024)

HEADLINES 1   BIFF leader Kagi Karialan at 11 mga tauhan, patay sa Army offensive sa Maguindanao del Sur; sabi ng BIFF laban nila di pa...