Friday May, 10 2024 08:01:43 PM

NDBC BIDA BALITA March 19, 2016

 • 19:23 PM Sat Mar 19, 2016
1,119
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 19, 2016
(SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Brgy. Tanod ng Brgy. Banukagon,
Pigcawayan, patay matapos pagbabarilin

2. Dalawang Mayoralty Candidates sa
Makilala, North Cotabato, di sumipot sa Peace Covenant Signing

3. Presyo ng gulay tumaas dahil sa El
Nino sa Koronadal City

4. Lalaki, nalunod habang naliligo sa Kabacan River TINUTUGIS na ngayon ng Pigcawayan PNP
at tropa ng 45th Infantry Battalion Philippine Army Charlie Company ang iba
pang suspek sa pamamaril sa isang barangay Tanod sa Sitio Sinamulang, Brgy.
Bulukawon, Pigcawayan, Cotabato.

Nangyari ang insidente pasado alas-10
ng umaga kahapon.

Kinilala ni Pigcawayan MPS OIC Insp.
Randy Apostol ang biktima na si Kalanuan Malanoya, tanod ng Brgy. Banukagon.

Ayon kay Apostol, nakabulagta na ang
biktima nang maabutan nila ito sa crime scene.

Agad namang nagsagawa ng pursuit
operation ang mga otoridad laban sa mga suspek. Kinumpirma naman ni Insp. Apostol na
isa sa mga suspek ang nasawi na kinilalang si Datu Kadir Montane, 50-anyos,
taga-Brgy. Pinaring Sultan Kudarat, Maguindanao matapos itong makipagpalitan ng
putok sa mga pulis at militar. Nakuha mula kay Montane ang isang grand
rifle na baril.

Nabatid na abot sa limang di pa
nakikilalang mga suspek ang tumambang sa kay Malanoya.

Rido naman ang tinitignan anggulo ng
mga otoridad na motibo sa naturang insidente.

IPINAGUTOS
ng Department of Education sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa na huwag
magimbita ng pulitiko sa kanilang graduation ceremonies.

Sa
halip, ALUMNI ang dapat na imbitahan ng mga paaralan upang maging speaker
magsisilbing inspirasyon ng mga magsisipagtapos ngayong taon. Ayon
kay Education Secretary Armin Luistro, direkta niya itong ipinagutos sa mga
school principal, division at city school superintendent na iwasang magimbita
ng mga kandidato sa pulitika sa pagtatapos ng mga magaaral. Ayon
kay Luistro, mas makaka-relate ang mga graduates at magiging inspirado kung ang
guest speaker sa kanilang graduation ay mga matatagumpay na alumni ng kanilang
alma mater. Paalala
ng kalihim, ang moving up at graduation ceremonies ay isang simple ngunit
makahulugang pagdiriwang na nagsusulong ng civil rights, sense of community at
personal responsibility ng bawat isa. LIMANG MGA
KOOPERATIBA sa mga conflict affected areas sa Mindanao ang nakatakdang
tumanggap ng grant mula sa gobyerno ng Japan. Ayon kay Japanese
Ambassador to the Philippines Kazuhide Ishikawa, ang mga proyekto ay nasa
ilalim ng Grant Assistance for Grassroots Human Security projects ng
Japan-Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development o J-BIRD
program. Kabilang sa mga
nabanggit na kooperatiba ang Lower Riverside Farmers Multi-Purpose Cooperative,
Lanao Intercultural Convergence for Development and Peace, Inc. (LICDPI),
Al-Amanah Humanitarian and Development Services, Inc., Philam Foundation, Inc.
and Mindanao Children’s Library Foundation, Inc. (MCL). Inaasahang
maiimplementa ang mga proyekto sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao Lanao del
Norte Al Ashaire Academy sa Cotabato City Bayugan, Agusan del Sur at Kalbugan
Elementary School sa Pikit, North Cotabato.

HINIHIKAYAT ang lahat na makiisa sa gaganaping Earth Hour 2016,
alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi mamaya.

Ang Earth Hour ay isang global campaign para sa kalikasan at
laban sa climate change, kung saan isinasagawa ang sabayang pagpapatay ng ilaw
sa mga tahanan, gusali at establisimyento sa buong mundo.Ilan ring mga kilalang personalidad mula sa bansang Japan,
Amerika at South Korea pati na sa Pilipinas ang nagpahayag ng kanilang suporta
sa Earth Hour 2016 kasabay ng kanilang pangako na aalagaan nila ang Inang
Kalikasan sa pamamagitan ng conservation. Ngayong taon ay inaasahan muli ng organizer na World Wide Fund
for Nature o WWF ang paglahok ng mahigit 150 bansa sa isang oras na pagpatay ng
ilaw na magsisimula mamayang alas-8:30 hanggang alas-9:30 ng gabi.

Tumaas ng abot sa limampung porsyento ang presyo ng gulay sa Koronadal City.
Nabatid na ang Sitaw na dati ay naibibenta sa limang piso bawat tali ay sampung piso na ngayon.
Ang talong na noon ay nabibili lamang sa kinse pesos ay umaabot na ngayon sa biente singko hanggang trenta pesos kada kilo.
Ang Okra naman na dati ay umaabot lamang sa biente pesos kada kilo ay pumapalo na ngayon sa kwarenta pesos.
Ang saluyot na mabibili lamang noon sa tig sampung piso kada tatlong malalaking tali ay umaabot na sa singkwento pesos.
Habang ang Okra naman na dati ay biente singko pesos lamang ay naibebenta ngayon sa halagang kwarenta pesos kada kilo.
Nabibili naman ngayon sa kwarenta pesos per kilo ang Ampalaya mula sa dating presyo nitong biente pesos.
Ayon kay Janice Tabuada, nagtitinda ng gulay sa merkado publiko, bumaba na rin kasi ang ani ng mga magsasaka na nagsu-supply sa kanila ng gulay.
Ipinahayag ni Tabuada na matapos magtaas ng presyo ang kanilang mga supplier, napipilitan silang itaas din ang presyo ng kanilang mga panindang gulay.
Sinabi ni Tabuada na dahil sa kawalan ng tubig sa mga irrigation kanal,kailangan ng mga magsasaka na gumamit ng mas magastos na de motor na water pump para patubigan ang kanilang mga pananim.
Ito ayon kay Tabuada ay dahil sa matinding epekto ng El Nino Phenomenon.
Ipinahayag Tabuada na sa kabila ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga panindang gulay marami pa rin namang bumibili sa kanila.
Ayon kay Tabuada mas marami ang bumibili ng gulay sa tuwing paparating ang Semana Santa kung kelan karamihan sa mga mamamayan ay naga-fasting o hindi kumakain ng karne.
Matatandaan na sinira ng tagtuyo’t ang mahigit apatnapung milyong pisong halaga ng mga pananim sa Koronadal City.
Isinailalim naman sa State of Calamity ang lungsod dahil sa dry spell.
Ikinustodya ng City Social Welfare and Development o CSWD ang dalawampung mga menor de edad sa Koronadal City.
Ang mga ito ay naaktuihan sa mga internet café na sinuyod ng mga kasapi ng Internet Operation Regulatory Board o IORB.
Ayon kay Vic Vic Manato ng City Information Office, pinakawalan lamang ang mga kinustodyang menor de edad kapag sinundo ng kanilang mga magulang o guardian.
Paliwanag ni Manato, layon nito na mabigyan ng lecture sa mga panuntunan sa pagpasok sa mga internet café ang magulang ng mga ikinustudyang menor de edad.
Ipinahayag ni Manato na labintatlo sa mahigit tatlumpung mga ininspeksyon ay lumabag sa ordinansa na nagreregulate sa Internet operation sa Koronadal City.
Ang mga ito ay pinatawan ng dalawang libong multa at limang araw na suspension ng operasyon.
Pinatawan naman ng limang libong multa at labinapat na suspension ang dalawang internet café na dalawang beses nang lumabag sa city ordinance.
Binigyan diin ni Manato na limang libong multa at posibleng pagpapasara ng kanilang negosyo ang maaring kahaharapin ng mga internet café operators na myroong tatlong bayolasyon.
Ang pagpapasok sa mga menor de edad sa mga internet café tuwing oras ng klase at dis oras ng gabi ay mariing ipinagbabawal sa Koronadal City. Umaabot na sa humigit kumulang tatlong daang milyong piso ang halaga ng mga produkto ang sinira ng El Nino Phenomenon sa South Cotabato.
Ito ay nakaapekto naman sa mahigit sampung libong mga magsasaka .
Lumabas din sa datus ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na ang dry spell ay nakaapekto sa mahigit labinisang libong ektarya ng sakahan.
Kabilang sa mga ito ang malawak na pataniman ng palay, mais, high value crops at mga palaisdaan.
Nagdeklara na rin ng State of Calamity dahil sa tagtuyo’t ang Koronadal City, mga bayan ng T’boli, Surallah at Tantangan .
Posibleng susunod na rin sa mga ito ang bayan ng Sto. Nino.
Ito ang dahilan kung bakit inirekomenda ng PDRRMC sa kanilang pagpupulong kahapon na tuluyan nang isailalim sa State of Calamity ang buong lalawigan ng South Cotabato.
Layon nito na magamit ang bahagi ng quick response fund ng lalawigan na pantulong sa mga mamamayang apektado ng El Nino Phenomenon.
Ayon naman kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes, magbibigay ng binhi sa mga magsasaka na apektado ng Tagtuyo’t ang provincial government. Sisimulan ang Earth Hour sa Koronadal City sa pamamagitan ng Walk for Cause mula sa isang mall sa General Santos Drive dakong alas syete y medya mamamayang gabi.
Ito ay magtatapos naman sa Freedom Park sa likod ng lumang city hall kung saan gaganapin ang maikling programa.
Kaugnay nito, umapela naman si Koronadal City Administrator Cyrus Urbano sa publiko na magpakita ng pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pakikiisa sa earth hour.
Ayon kay Urbano, ang mga hindi naman makadalo sa walk for a cause at programa ay maaring magpatay ng ilaw mula alas otso y medya hanggang alas nuebe y medya mamayang gabi.
Ayon kay Urbano inaasahang dadalo sa earth hour ang mga estudyante, kinatawan ng business establishment, simbahan at iba pang government at non government organization sa Koronadal City.
Layon ng worldwide na earth hour na maipalaam sa mga tao ang masamang epekto sa kalikasan ng labis na paggamit ng enerhiya na naging sanhi ng climate change
Sinabi ni Urbano na aasahan din ang total black out sa mga barangay ng Koronadal malapit sa poblacion area.
Ito ayon kay Urbano ay hiniling ng lokal na pamahalaan sa South Cotabato Electric Cooperative o Socoteco I Ipatutupad sa lahat ng mga eskwelahan sa South Cotabato ang Drug Abuse Resistance Education o DARE Program ng pulisiya.
Ito ayon kay South Cotabato Board Member Agustin Demaala ay bilang kabahagi ng pagpapigting ng kampanya kontra illegal na droga sa mga kabataan.
Ayon kay Demaala, na siya ring Chairman ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC, sa pamamagitan ng DARE program, natuturuan ang mga elementary pupils sa masamang epekto ng droga.
Ipinahayag ng board member na ang pondo na gagamitin sa DARE program ay kukunin sa karagdagang isang milyong inilaan ng pamahalaan panlalawigan sa PADAC.
Ayon naman sa datus ng South Cotabato PNP, limamput apat na mga eskwelahan sa lalawigan ang nakinabang sa DARE program noong nakaraang taon.
Nabigyan naman ng kaalaman hinggil sa pagiwas sa illegal drugs ang may anim na libong grade 5 at 6 pupils. No show kahapon sa isinagawang Peace Covenant Signing at election Briefing ng Comission on Election ang dalawang Mayoralty candidates sa Makilala, North Cotabato.Sinabi ni Municpal Election officer Maxima Catatista, parehong may naunang commitments si incumbent Mayor Rudy Caoagdan at si former 2nd District Board Member Onofre Respicio, dahilan para hindi sila makadalo rito.Maliban sa kanila, present naman ang dalawang mga kandidato sa bise-mayor na sina incumbent Vice Mayor Ricky Cua at Councilor Pedro Ang, kasama ang mga tumatakbong konsehal.Sa election Briefing, ipinaintidi ng COMELEC ang mga dapat at di dapat gawin sa kampanya at eleksyon gayunman ang paraan sa pagboto gamit ang Vote Counting machine (VCM) na pumalit sa Precinct Count Optical Scan PCOS machine.Ang covenant Signing pinangunahan mismo ng Parish pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV Makilala Chapter.Apela lamang ni Catatista sa mga kandidatu na sumunod sa mga itinakdang polisiya ng COMELEC para sa mas maayos ay mapayapang eleksyon ngayong Mayo. Na pwerwisyu ang ilang mga commuters kahapon sa inilunsad na Strike o tigil-pasada nang Multicab Association na bumabyahe sa Kidapawan Makilala Route.Tatlong beses kasi palipat-lipat ng tricycle ang mga commuters bago ito makarating sa sentrong bahagi ng Kidapawan City.Ang nabanggit na transport strike ay bunga naman sa naging partisipasyon ng Public Utility Multicabs, Jeep at van operators sa isang protesta kontra Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB kaugnay sa mataas at di maipaliwanag na bayarin sa kanilang mga prangkisa.Abot sa higit isang libong mga operators at drivers kahapon ang nakiisa sa nabanggit na aktibidad.Gayunpaman balik normal naman din ang daloy ng trapiko at biyahe matapos ang Transport Summit kung saan sinagot ng LTFRB officials ang hinaing ng mga operators. Naghihinagpis pa rin hanggang sa ngayon ang Pamilya Hilario sa di inaasahang pagkamatay ng kanilang anak na si Romeo Hilario matapos itong malunod sa Kabacan River sa brgy. Inac, Magpet, North Cotabato.Kwento pa ni Felix Hilario, ama nang biktima, galing raw sa isang inuman si Romeo kasama ang kanyang mga kaibigan nang magkayayaan silang maligo sa ilog.Pagdating sa area, una raw tumalon ang biktima at sa loob ng labinlimang minuto ay hindi pa rin ito umahon.Dito na siya ni rescue ng kanyang mga kaibigan at nakuhang wala nang malay.Duda ng kanyang mga kaibigan na nabagok sa bato ang ulo ng biktima dahilan ng kanyang kamatayan.Nagulat na lamang din ang pamilya ng biktima sa sinapit nang anak dahil nakilala itong marunong lumangoy.NDBC BIDA BALITA LIMANG mga mag aaral ng Makilala Central Elementary School ang dinala sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Makilala kahapon matapos na maaktuhan na naglalaro sa internet shop dis-oras ng klase.Pero agad namang naiturnover ang mga elementary pupils sa tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development office na nagsagawa ng counseling sa mga bata.Nagsipagdatingan naman ang kanilang mga guro matapos na maabisuhan hinggil sa pagkasakote ng kanilang mga mag aaral.Ipinatawag din ang kanilang mga magulang upang personal silang maka usap ng mga otoridad.

Nahuli ang mga mag aaral makaraang inaksyunan ng Women and Children Protection Desk kasama ang mga tauhan ng MSWD ang sumbong na may mga mag-aaral na sa halip sa paaralan ay sa mga internet café pumapasok.Hindi naman nabatid sa report kung ang may ari ng internet café kung saan naaktuhang naglalaro ang mga bata ay papatawan din ng penalty.Sa ilalim kasi ng ordinansa, mahigpit na ipinagbabawal para sa mga nagmamay-ari ng internet shop na magpapasok ng mga mag aaral lalo pa kung oras ng klase.Ang sinumang lalabag sa kautusang ito ay maaaring pagmultahin o kaya ay bawian ng business permit kapag paulit-ulit nilang nilalabag ang naturang ordinansa. Tanging suot na damit na lamang ang naisalba ng dalawang pamilya nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok Uno, brgy. San Isidro Kidapawan City pasado alas nuebe ng umaga kahapon.Kinilala ng Bureau of Fire Protection o BFP Kidapawan City ang nagmamay-ari ng bahay ang mag-asawang Isidro at Segundina Guillano at anak nitong si Candelario Guillano.Base sa reprt, tinatayang aabot sa 1.3 million pesos ang danyos sa nangyaring sunog kabilang na rito ang lahat ng kanilang gamit, higit sampung sakong palay, laman ng kanilang sari sari store, mga appliances, cash at iba pa.Samantala, dalawang anggulo naman ngayon ang sinusundan ng BFP-Kidapawan na posibleng pinagmulan ng sunog.Una ang napabayaan umanong apoy ni Segundina Guillano sa kanilang kusina matapos siyang magluto kung saan ilang mga kahoy na panggatong rin ang nakahelera sa gilid nito na umano bilang paghahanda raw sana sa kanilang nalalapit na kapyestahan ng barangay.Pangalawa ang iniwan ring nakabukas na TV na wala namang nanonood.May nakita rin umano ang mga BFP personnel ng mga electrical wires na posible namang nag short circuit at nasunog.Dahil sa bilis ng pangyayari naabo ang dalawang mga bahay at wala na silang naisalba pang mga gamit.Mananatili naman muna sa kanilang mga kaanak ang mga biktima habang patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.Paalala ngayon ng BFP lalo nat mainit ang paligid na mag-ingat sa lahat ng panahon para makaiwas sa mga disgrasya at anumang pangyayari. Patuloy ngayon nagpapagaling sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa National Highway ng brgy. Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas otso kagabi.Sa impormasyon ni Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure nakilala ang biktima na si John Daryl Montero na taga Purok 8, brgy. Poblacion, Carmen.Sinabi naman ni Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP naglalakad lamang ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan ng dikitan ito ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo at pinagbabaril.Tama sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima gamit ang 45 caliber pistol base na rin sa mga narekober na basyo ng bala sa crime scene.Salaysay ng mga nakasaksi sa krimen, naka bonnet raw ang mga suspek dahilan para hindi nila ito Makilala.Agad namang naglunsad ng pursuit operation ang PNP pero bigo silang mahuli ito.Blanko pa ngayon ang mga otoridad sa motibo sa nabanggit na krimen.Sa kabilang dako patay na nang matagpuan ang isang Rodolfo de Juan, 60-anyos sa gilid ng Mapanao Street, brgy. Poblacion Kabacan pasado alas tres ng hapon kahapon.Nabatid na may problema umano sa pag-iisip ang biktima.Sa report naman ng PNP, nakita pa umano ng ilang mga residente sa lugar alas dyes ng umaga ang biktima na umiinom ng alak bago ito humiga sa semento.Alas tres ng hapon nang napag-alamang wala nang buhay ang biktima.Nakatakda ngayong isailalim sa post mortem examination ang biktima na ngayon ay nasa isang punerarya sa bayan.

Farmers’ daughter tops PMA Class 2024; 6 other female cadets in top 10

FORT DEL PILAR, Baguio City — Jeneth Elumba, the daughter of rice farmers and village officials from Surigao del Norte, topped the Philippine...

Apply now for municipal positions in BARMM new communities

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) is inviting qualified individuals to apply for positions in the newly...

50K-80K flying foxes documented in Banisilan

COTABATO CITY  – About 50,000 to 80,000 flying foxes of various species were closely monitored by a team from the Department of Environment and...

Cotabato Light announces power interruption for DOS, MagNorte

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company is informating its consumers in Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte on the scheduled power...

CSC releases results of March 3 Career Service exams

MANILA – The Civil Service Commission (CSC) has released the results of the Career Service Examination - Pen and Paper Test (CSE-PPT) held...