Monday Apr, 29 2024 08:06:53 AM

NDBC BIDA BALITA (March 22, 2016)

 • 20:28 PM Tue Mar 22, 2016
1,260
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

MARCH 22,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAMUNUAN ng ARMY’S 40th
IB, may panawagan sa mga sibilyan sa Maguindanao.

2. Kidapawan City Social and Welfare
and Development Office, naghahanda ng ilang mga programa para matulungan ang
libo-libong pamilyang apektado ng El Niño

3. South Cotabato, isinailalim na sa
State of Calamity dahil sa tagtuyot

4. Semana Santa, mas mainit pa, ayon sa NDRRMC. INALIS ng pamunuan ng Army’s 40th
Infantry Battalion ang pangamba ng mga sibilyan sa mga sundalo.

Sinabi ni Army’s 40th Infantry
Battalion Commanding officer Lt. Col. Joel Mamon na labis na nagdulot ng takot sa
mga sibilyan ang serye ng bakbakan at operasyon ng militar laban sa mga
armadong grupo sa Maguindanao.

Kaya naman aniya, nagppapatuloy ang
kanilang peace and development programs sa iba’t ibang lugar sa Maguindanao
para maramdaman ng mga sibilyan na hindi kalaban ang mga sundalo.

Aminado si Mamon na sa maraming
pagkakataon ay nakakaramdam ng panganib ang mga sibilyan kapag may presensya ng
militar sa kanilang lugar.

Pero tiniyak ng opisyal, naroon sila
para magbigay ng seguridad at hindi para ilagay sa kapahamakan ang mga
sibilyan.

Sabi pa ni Mamon na paulit-ulit niya
ring pina-alalahan ang kanyang tropa na protektahan ang mga sibilyan at huwag maging
abusado.

Samantala, panawagan naman ni Mamon sa mga
sibilyan sa lugar na kanyang nasasakupan na huwag mag-atubiling lumapit sa mga
sundalo sa oras na kakailanganin nila ang tulong ng mga ito.

Hinikayat din niya ang mga ito na
makipagtulungan sa militar para rin sa kanilang kaligtasan.

PINANGUNAHAN
ni P. Aquino ang inagurasyon ng

nakompleto
nang proyekto ng Basilan Circumferential Road sa kabila ng mga lumalabas na may
banta ng seguridad sa lugar.

Ang aktibidad
ay isinagawa sa Barangay Upper Tumahubong, sa Sumisip, Basilan na ilang metro
lamang ang layo mula sa sumabog na bomba kamakalawa ng gabi.

Batay sa
report ng militar, bago nangyari ang pagsabog ay tinambangan ng mga mga
hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf Group
o ASG ang tropa ng 64th Infantry Battalion kasama ang Army Explosives and
Ordnance Disposal Team sa Barangay Upper Cabengbeng ng nasabing bayan na
nagresulta sa ilang minutong palitan ng putok at sinundan ng pagsabog ng bomba na
ikinasugat ng isang Maswal Mahilul.

Pero sa
kabila ng pangyayari ay nakarating pa rin ang pangulo at tinupad ang pangakong personal
niyang bubusisiin ang nabanggit na proyekto bago ang halalan sa May 9.

Napag-alaman
na ang proyektong Basilan Circumferential Road ay isang joint flagship project
ng Malacañang at pamunuan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Abot na sa
dalawang dekada mula nang nagsimula ang naturang proyekto pero nabigyan lamang
ito ng prayoridad ng national government nitong 2012 sa ilalim ng
administrasyong Aquino.

Nabatid na
nasa 9.35 billion pesos ang inilaang pondo ng national government sa lalawigan para
sa iba’t

ibang mga
proyekto, kabilang na dito ang mga proyektong pang-edukasyon, water source at
iba pa.

BINALAAN
ngayon ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC ang publiko
na tiyak magiging mainit ang buong linggo habang ginugunita ang Semana Santa.

Pero
sabi no NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama, may ginagawa na silang paghahanda
para rito sa pakikipagtulungan ng Department of Health.

Ayon
kay Pama, dahil sa tindi ng init na mararanasan ay malaking tiyansa na pwede
ito maging sanhi ng heat stroke.

Paalala
ng NDRRMC na maging maingat ang publiko at huwag magbabad sa init lalo at batay
sa ulat ng Pagasa wala silang namomonitor na anumang pag ulan o sama ng
panahon.

Sa
kabila nito, hinikayat naman ng ahensiya ang publiko lalo na ang mga Katoliko
na ituloy lamang ang kanilang usual activities ngayong Semana Santa subalit
maging maingat para maiwasan ang heat
stroke.

Samantala,
pinayapa naman ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko at mga
byahero sa presenya ng mga tauhan ng bomb squad sa mga paliparan, terminal, at pantalan
ngayong semana santa.

Sabi
ng PNP, ang bomb squad at mga bomb-sniffing dogs ay bahagi lang ng kanilang
inilatag na seguridad para sa paggunita ng Holy Week.

Ito ay
upang matiyak na walang magiging aberya lalo na ang mga biyahero ngayong semana
santa.

Sa
ngayon, wala naming na-monitor na anumang banta sa seguridad ang mga pulis ngayong
holy week pero nananatili sa full alert ang mga ito.

Sinabi
rin ng PNP na activated na ang taunang Oplan Sumvac o Summer Vacation na
aalalay sa mga motoristang magkakaroon ng emergency habang nasa biyahe. NAGSUMBONG
sa Cotabato City PNP ang isang babae matapos hablutin ang kanyang bag sa Sinsuat
Avenue, partikular malapit sa kanto ng Santos Street mag-aalas syete kagabi.

Sabi
ng biktimang si Bai Shariana Sumlay Sinsuat, 32 years old, nakasakay siya sa
isang payong-payong at pauwi na sana nang buntutan ng riding in tandem at
biglang hinablot ang kanyang bag.

Wala
nang nagawa ang biktima matapos humarurot ang motorsiklo ng mga suspek sa gitna
ng mabagal na daloy ng trapiko.

Ang
bag ng biktima ay naglalaman ng mga mahahalagang papeles at IDs, Samsung cell phone
na nagkakahalaga ng 5,000 pesos at cash na 1,000 pesos.

Una
rito, nagreport din sa pulisya si Raida Ebus Chio, 52, at taga-Datu Piang,
Maguindanao matapos hablutin rin ng dalawang mga suspek na nakasakay sa
motorsiklo ang kanyang bag habang nakasakay sa tricycle pasado alas dyes nang
umaga kahapon sa Vilo street papunta sa Doña Pilar street, barangay Poblacion 4.

Ang
bag ng biktima ay nqglalaman naman ng wallet na naglalaman ng ATM card, Nokia
cell phone, cash na 1,200 pesos at iba pang mahahalagang papeles at IDs.

Umaapela
naman ngayon sa publiko ang PNP na magdoble-ingat laban sa mga snatcher na
nakasakay sa motorsiklo.

Ito raw
ngayon ang bagong istilo ng pagnanakaw ng mga kawatan sa lungsod. Tinawag
ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF si presidential candidate Mar
Roxas na ignorante at isang aggressor.”

Ito ay
kasunod ng mga katagang ginamit ni Roxas na Muslim na mananakop” sa isa niyang
sagot sa ikalawang presidential debate ng Commission on Elections o COMELEC sa
Cebu noong Linggo.

Ayon
kay BIFF spokesperson Abu Misri Mama, ipinakita lang ni Roxas ang kakapusan
niya ng kaalaman tungkol sa kasaysayan ng mga Bangsamoro at ng Mindanao.

Iginiit
ni Mama na hindi mananakop ang mga Muslim, bagkus ay sila pa nga aniya ang
orihinal na nanirahan sa Mindanao.

Ipinunto
pa ni Mama na malugod at walang diskriminasyon nilang tinanggap at tinulungan
ang mga taga-Visayas nang dumayo sila sa kanilang lugar.

Dismayado
si Mama sa patuloy na pag-iral ng religious bigotry o diskriminasyon sa
kanilang mga Muslim.

Ikinabahala
rin niya ito at sinabing ang pulitikong tulad ni Roxas ay hindi dapat manalo
dahil posibleng mas gumulo lang ang Mindanao.

Dahil
dito, sakali man aniyang manalo si Roxas, hinamon nila ang kandidato na harapin
sila sa isang labanan.

Samantala,
dumepensa naman si Roxas at iginiit na ang tinutukoy niya sa katagang iyon ay
ang mga rebeldeng Moro National Liberation Front o MNLF na nagpa-siklab ng
Zamboanga Siege.

Paliwanag
niya, hindi niya minamasama ang mga Muslim at ang relihiyong Islam, kundi iyong
mga nanugod at naghasik ng terorismo sa Zamboanga noong 2013.

Aniya
pa, nilagyan lamang ng malisya at ginawan ng kontrobersya ang bahaging iyon ng
kaniyang sagot tungkol sa tanong ni Sen. Grace Poe kaugnay sa kawalan ng tiwala
ni Pangulong Aquino kay Roxas. Itinuturong ang matinding init ng panahon ngayon ang kumitil sa buhay ng dalawang lalaki sa brgy. Libuo, President Roxas North Cotabato.Ito ang paniwala ni Lorielyn Camad matapos na masawi ang kanyang asawang laborer nitong biyernes nang gabi lamang.Kwento pa ni Lorielyn sa Radyo Bida, galing sa trabaho ang kanyang asawa at naglaro pa ito nang basketball sa kanilang barangay.Ilang oras pa lang ang nakalipas habang nasa labas ng kanilang bahay ay doon na biglang nawalan ng malay ang biktima na hindi naman umabot sa pagamutan nang isugod ito.Dala nang tinding pagod ng katawan malaki rin umano ang naging kontribusyon ng init ng panahon kaya inatake ang kanyang asawa.Nitong nakaraang linggo rin, nasawi rin umano ang kanyang pinsan na si Lorenzo Binimili na umano dahil rin sa heat stroke ang dahilan nito.Si Lorielyn Camad ang asawa nang namatay na biktima sa brgy. Libuo Pres. Roxas, North Cotabato. Abot na sa 3,307 na mga pamilya ang nakatanggap ngayon ng bigas mula sa Kidapawan City LGU sa pamamgitan naman ng City Social Welfare and Development Office at ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.Ito ang ibinunyag ni City Social welfare and development officer Lorna Morales matapos itong maimbitahan kahapon sa isinagawang special session ng Sangguniang Panglungsod ng Kidapawan.Ang pamamahagi ng bigas ay bahagi pa rin sa ginagawang intervention ng LGU sa mga pamilyang naapektuhan ng El Niño.Ayon pa kay Morales, higit 11 libong pamilya ang na-identify ng kanilang tanggapan na makatatanggap ng bigas base sa kanilang assessment.Posible naman itong madagdagan lalo nat magsusumite pa nang report ang iba pang mga barangay officials.Makatatanggap ang bawat pamilya ng tig-12 kilong bigas na tinatayang aabot sa dalawang linggo bago ito mauubos base rin sa dami ng miembro ng pamilya.Kaugnay nito, naghanda na rin ngayon ng proposal ang CSWD sa para isumite sa DSWD National Office para sa karagdagang tulong nila sa mga apektadong pamilya sa Kidapawan.Kabilang na rito ang Food For Work at Cash For Work Program.Samantala, nagpababa na rin ang SP ng darektiba sa mga barangay officials na ipagpaliban muna ang pag obliga sa mga residente ng kanilang cedula bago makuha ang bigas na ibibigay para sa kanila. Limang mga malalaking puno ng kawayan pati mga puno ng Mangosteen, Lanzones, Rambutan at Mga Niyog ang nilamon ng apoy sa Purok Mangga, Brgy. Paco Kidapawan City kahapon ng hapon.Ito ang sinabi ni Eddie Palera ang caretaker sa lugar na pagmamay-ari naman ng isang Engr. Jun Aguinaldo.Salaysay pa ni Palera sa Radyo Bida, pasado alas dose ng tanghali nang magsimula ang sunog.Hindi na raw napansin ni Palera ang sunog dahil nagdidilig rin siya sa ibang mga pananim sa kabilang area.Mabuti na lamang daw ay natulungan siya ng kanyang dalawang kamag-anak at dalawa pang mga kapitbahay sa lugar na maghakot ng tubig para makontrol ang bago paman dumating ang BFP-Kidapawan.Pero maraming mga puno na ang nadamay at halos kalahating ektarya na nang lupain ang nilamon ng apoy.Hindi rin matukoy ni Palera ang sanhi nang sunog dahil halos wala namang dumadaan na mga tao sa area.Inamin naman ni Palera na posibelng dala na rin ng init na panahon at tuyong mga dahon ang naging sanhi ng sunog.Nagyong Marso pa lamang ay halos 30 kaso na ng grassfire ang naitala ng Bureau Of Fire Protection sa Kidapawan City. Pinirmahan na kahapon ni Makilala Mayor Rudy Caoagdan ang ordinansa na magbibigay karapatan sa mga Senior Citizens sa bayan na makatatanggap na sila ng Social Pension.Ginawa ito ng opisyal kasabay sa State of the Municipal Address sa ika-106th Regular session sa Sangguniang Bayan.Sa pamamagitan naman ng ordinance no. 316-2016 na isinulong ni Councilor Pedro Ang, ang naging daan ng mga indigent Senior Citizens na mabigyan ng Social Pension sa pamamgitan rin ng pondo ng LGU.Sila yaong mga hindi napabilang sa listahan ng National Government na tumatanggap ng Social pension.Bukod dito, ibinida rin ng alkalde ang mga naipatupad na programa ng LGU sa loob ng limang taon nitong paninilbihan sa bayan partikular na sa aspeto ng imprastraktura, Edukasyon, kalusugan, Agrikultura at SOcial Services. Unti-unti na ngayong tumataas ang presyo ng bigas sa mga merkado sa Davao del Sur.Pinaniniwalaang epekto ito ng El Niño kung saan nababawasan na rin ang produksyon o ani ng palay ng mga magsasaka.Pero sa kabila nito, tiniyak ng National Food Authority ng Davao del Sur na walang dapat ipangamba ang publiko dahil sapat raw ang suplay ng bigas sa kanilang bodega.Umalma kasi ang mga magsasaka sa nabanggit na lalawigan matapos na bumaba ang kanilang ani na siyang dahilan umano kung bakit tumaas rin ang presyo ng bigas sa merkado.Tumaas kasi mula piso hanggang dalawang piso ang bawat kilo ng bigas sa nabanggit na lalawigan.Kung noong una ang tonner na bigas ay nasa 38-45 pesos lamang ngayon nasa 40-46 pesos na bawat kilo.Masipag na mula sa 38 ngayon ay nasa 40 piso na.Base sa datus ng Department of Agriculture Region 11, halos anim na raang libong piso na ang nalugi ng mga magsasaka.Pati mga nagbebenta ng bigas ay umaaray na rin dahil mula sa tatlong daan nilang sako ng palay noon na ipinapa giling ngayon ay nasa dalawang daang sako na lamang.Pero sa kabila nito, tiniyak rin ni Davao del Sur Provincial Agriculturist Lani Banggoy na hindi mangyayari ang rice shortage sa lalawigan gayung may sapat na suplay naman ang NFA.Nabatid na may pondo ang NFA ng halos tatlong daang libong sako ng bigas na inangkat mula sa ibang bansa at hindi pa kasali ang iba pang tatlong daang libong sako na darating sa rehiyon ngayong March 25.Umaasa ngayon ang mga magsasaka sa lalawigan na makarating sa kanila ang tulong ng gobyerno matapos ideklara ang State of Calamity sa probinsiya ng Davao del Sur Dinarayo ng mga mamamayan ang apatnaput limang metrong imahe ng Divine Mercy na nakatayo sa apat na ektaryang lupain sa Sitio Floren, Barangay Lamdalag, Lake Sebu, South Cotabato.
Ang Lugar ay tinawag na Divine Mercy Retreat House and Statue.”
Ayon kay Divine Mercy Retreat House and Statue Assistant Manager Jesus Equinan, ipinatayo ang lugar bilang pasasalamat sa Divine Mercy , matapos milagrong gumaling sa sakit ang isang mahal sa buhay ng may ari nito.
Dinarayo hindi lamang ng mga mananampalatayang katoliko kungdi maging ng mga turista ang lugar.
Makikita kasi mula dito ang malawak na Lawa ng Lake Sebu.
Nakaka engganyo din sa mga turista ang luntian nitong hardin na puno ng mga bulaklak.
Ayon kay Equinan, karamihan sa mga dumarayo sa Divine Mercy and Retreat House ang mga mga mamamayang nais magkaroon ng peace of mind at maramdaman ang presensya ng panginoon sa Semana Santa.
Ang Divine Mercy Retreat House and Statue ay inihahanda na rin para sa iba’t ibang aktibidad sa Semana Santa.
Sinimulan na ang paglalagay dito ng Stations of the Cross, para sa byernes Santo.
Puspusan na rin ang paglilinis sa lugar.
Maging ang Chapel nito ay handang handa na ring tumanggap ng maraming deboto.
Ipinahayag ni Equinan na marami ring mga deboto ang regular na bumibisita sa retreat house dahil sa katuparan ng kanilang mga ipinalangin sa Divine Mercy. Koronadal City Hall, gagamit na rin ng Solar Energy
Maglalaan ng inisyal na dalawang milyong pisong pondo para sa solar panel na magpapailaw sa City Hall ang lokal na pamahalaan ng Koronadal.
Ang pondo ayon kay City Mayor Peter Miguel ay kukunin mula sa General Fund ng lungsod.
Sinabi ni Miguel na kapag naaprubahan ng konseho, posibleng masisimulan na ang proyekto sa susunod na dalawang buwan.
Nilinaw ng alkalde na sa unang bugso ng proyekto, gagamitin ang solar energy sa pagpapailaw ng city hall tuwing gabi.
Paunti-unti ayon sa alkalde ay magdadagdag ng pondo at solar panel ang lokal na pamahalaan hanggang sa makaya nang suplayan ng kuryente mula sa solar energy ang buong city hall at maging mga street lights .
Layon naman ng proyekto na makatipid ang lokal na pamahalaan at makatulong upang maibsan ang climate change na isa sa mga dahilan ay ang labis na paggamit ng enerhiya.
Presyo ng gulay tumaas dahil sa El Nino sa Koronadal City
Tumaas ng abot sa limampung porsyento ang presyo ng gulay sa Koronadal City.
Nabatid na ang Sitaw na dati ay naibibenta sa limang piso bawat tali ay sampung piso na ngayon.
Ang talong na noon ay nabibili lamang sa kinse pesos ay umaabot na ngayon sa biente singko hanggang trenta pesos kada kilo.
Ang Okra naman na dati ay umaabot lamang sa biente pesos kada kilo ay pumapalo na ngayon sa kwarenta pesos.
Ang saluyot na mabibili lamang noon sa tig sampung piso kada tatlong malalaking tali ay umaabot na sa singkwento pesos.
Habang ang Okra naman na dati ay biente singko pesos lamang ay naibebenta ngayon sa halagang kwarenta pesos kada kilo.
Nabibili naman ngayon sa kwarenta pesos per kilo ang Ampalaya mula sa dating presyo nitong biente pesos.
Ayon kay Janice Tabuada, nagtitinda ng gulay sa merkado publiko, bumaba na rin kasi ang ani ng mga magsasaka na nagsu-supply sa kanila ng gulay.
Ipinahayag ni Tabuada na matapos magtaas ng presyo ang kanilang mga supplier, napipilitan silang itaas din ang presyo ng kanilang mga panindang gulay.
Sinabi i Tabuada na dahil sa kawalan ng tubig sa mga irrigation kanal,kailangan ng mga magsasaka na gumamit ng mas magastos na de motor na water pump para patubigan ang kanilang mga pananim.
Ito ayon kay Tabuada ay dahil sa matinding epekto ng El Nino Phenomenon.
Ipinahayag Tabuada na sa kabila ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga panindang gulay marami pa rin namang bumibili sa kanila.
Ayon kay Tabuada mas marami ang bumibili ng gulay sa tuwing paparating ang Semana Santa kung kelan karamihan sa mga mamamayan ay naga-fasting o hindi kumakain ng karne.
Matatandaan na sinira ng tagtuyo’t ang mahigit apatnapung milyong pisong halaga ng mga pananim sa Koronadal City.
Isinailalim naman sa State of Calamity ang lungsod dahil sa dry spell.
Idineklara na ng Sangguniang Panlalawigan ang State of Calamity sa South Cotabato kasabay ng kanilang regular session kahapon.
Matatndaan na ang pagsailalim sa State of Calamity sa buong South Cotabato ay hiniling ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC.
Ito ay matapos sirain ng El Nino Phenomenon ang mahigit 284 million pesos na halaga ng mga pananim sa lalawigan.
Kabilang dito ang mga produktong, mais, palay, saging, at iba pang high value crops na nakatanim sa mahigit labinisang libong ektaryang lupain.
Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang apat na mga local government units sa South Cotabato dahil sa El Nino Phenomenon.
Ang mga ito ay ang Koronadal City at mga bayan ng T’boli, Tantangan, at Surallah .
Nilinaw naman ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mila Lorca na ang pamimigay ng tulong sa mga apektado ng tagtuyo’t ay pangungunahan ng Philippine Red Cross.
Ito ayon kay Lorca ay bilang pagsunod na rin sa mga panuntunan ng Comelec kaugnay sa nalalapit na eleksyon.
Ang mahigit dalawampung milyon na gagamitin sa pagbibigay ng relief assistance sa mga apektado ng dry spell ay kukunin naman sa Quick Response Fund ng pamahalaang panlalawigan.
Patay ang isa katao matpaos umanong makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Sitio Lampinik,Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.
Kinilala ng Lake Sebu PNP ang nasawing suspek na si Fitu Wa Bid Sawang na dead on arrival sa ospital, dahil sa malubhang mga tama ng bala .
Arestado naman ang lima pang mga umanoy kasama ni Sawang.
Kabilang sa mga ito ang mga magsasakang sina Peter Herbilla at Jay-r Sagadon na parehong nahuli sa bahay ng isang Ma Mundong Sawang na subject din ng Searh warrant ng pulis .
Habang sina Casiano Salvador, Arwen Fordan at Danilo Castillon ay natimbog nama sa follow up operation ng mga pulis sba bahay ni Jeo Lambay Sawan.
Nakuha ng mga pulis mula sa limang mga suspek ang matataas na kalibre ng armas, bala, granada,dried marijuana leaves at kabayo na ninakaw pa umano ng mga ito sa Bagyumbayan, Sultan Kudarat.
Ang iba pang mga kasama ng mga suspek na subject din ng search warrant ng mga pulis ay pawang nakatakas,kabilang na ang may ari ng dalawang bahay na sinalakay ng mga ito.
Ang raid ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Public Safety Company ng PNP South Cotabato,Regional Special Intillegence Division Team at Regional Public Safety Company ng PNP12, at Lake Sebu PNP kamakalawa.
Ito ay sa bisa ng search warrant ng korte.
Ang mga suspek ay mahaharap naman sa patong patong na kaso.
Kabilang dito ang Illegal possession of fire arms and ammunition, paglabag sa Omnibus Election Code, Illegal poseesion of explosives, Comprehensive Dangerous Drugs Act at Anti-Cattle Rustling.

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...