Sunday Apr, 28 2024 04:09:59 AM

NDBC BIDA BALITA March 29, 2016

 • 07:38 AM Wed Mar 30, 2016
1,286
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST MARCH 29, 2016 (TUE) 7and00 AM HEADLINESand 1. COLLEGE STUDENT, patay sa pamamaril sa Cotabato city. 2. Campsite ng mga Trekkers sa Sta Cruz, Davao del Sur, itinuturong pinagmulan ng sunog sa Mt. Apo 3. Barangay Kagawad na wanted sa kasong twin murder sa Lake Sebu, sumuko 4. Grass fire naganap sa Tantangan, South Cotabato DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang binata matapos pagbabarilin pasado alas nuwebe kagabi sa loob ng bahay ng biktima sa Rajah Tabunaway boulevard, Poblacion 6, Cotabato city. Kinilala ang biktima na si Junaiden Kumpungan, 19 anyos, isang college student. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naghahapunan ang biktima kasama ang kanyang pamilya nang pasukin ng nag-iisang suspek ang kanilang bahay at pinagbabaril nang dalawang beses si Kumpungan gamit ang 9mm pistol. Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib ang biktima habang tinamaan din ang kanyang tiyihin na kinilalang si Nasser Mohammad Abdullah sa puwit. Agad namang tumakas ang dipa nakikilalang suspek sakay ng kulay dilaw na XRM motorcycle papunta sa hindi pa malamang direksyon. Sa ngayon ay nagpapagaling pa sa pagamutan si Abdullah habang nakuha na ng kanyang mga kaanak ang mga labi ni Kumpungan. Love triangle naman ang nakikitang motibo ng mga imbestigador sa nasabing pamamamaril. INAALAM pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang dagit-dagit driver sa Midsayap, Cotabato pasado alas-8 ng umaga kahapon. Sa report, nangyari ang pamamaril kay Joseph Baynosa Candido, 24-anyos, may asawa, taga Poblacion 6 Midsayap sa bahagi ng Brgy. San Isidro ng naturang bayan. Galing umano si Candido sa terminal ng Crossing Abaga sa bayan ng Libungan ng pakyawin ng dalawang lalake ang kanyang minamanehong kulay pula na Kawasaki Baja 100 motorcycle na may plakang 6401 MQ. Pagdating sa Brgy. San Isidro ay pinahinto ng dalawang suspek si Candido at agad itong pinagbabaril sa kanyang dibdib gamit ang kalibre 45 na baril. Mabilis namang rumisponde ang Midsayap PNP sa crime scene pero bigo nilang maaresto ang mga hindi pa nakikilalang mga salarin matapos itong dumiritso sa low lying area. Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naturang insidente. MATAGUMPAY na ipinagdiwang ang ikalawang anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB kahapon sa Notre Dame University Gym, sa Cotabato City. Dinaluhan ito ng iba't ibang kilalang panauhin kabilang sina GPH chief negotiator Professor Miriam Coronel-Ferrer, MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, ilang mga representate ng MILF central committee at miyembro ng ceasefire mechanism. Dumalo rin ang ilang mga estudyante, civil society at relihiyosong sektor. Binigyang diin ni Professor Ferrer na walang dahilan para hindi ipagdiwang ang ikalawang anibersaryo ng CAB kahit pa hindi naipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Giit ni Ferrer, napakaraming magandang nangyari habang patuloy na isinusulong ang BBL. Isang magandang pagkakataon ang patuloy na pagpapatibay ng CAB ang paghahanda at patuloy na pagpapalakas sa usaping pangkapayapaan at pagsulong ng BBL. Ang ikalawang anibersaryo ng CAB ay pagalala ng mga peace advocate ang mga negotiated political settlement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front o MILF noong 2014. WALA PARING pagkakakilanlan ang lalakeng nasawi sa pamamaril dakong alas-6:40 kagabi sa Brgy. Makaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao. Ayon kay Sultan Kudarat Chief of Police Insp. Bangon Mamako, naghihingalo na ang biktima nang maabutan nila ito sa crime scene. Agad naman nila itong isinugod sa Cotabato regional medical center sa Cotabato City pero idineklara rin itong dead on arrival ng doktor. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng SK PNP na isa lamang ang suspek sa pamamaril sa biktima. Inilarawan naman ni Insp. Mamako ang biktima na posibleng makilala ng mga kaanak nito. Tinupok ng grassfire ang mahigit kalahating ektaryang damuhan sa Barangay San Filipe Tantangan, South Cotabato, kahapon ng umaga. Ayon kay Tantangan Fire Marshall,Fire Inspector Rizalde Chan, iniimbistigahan pa nila ang posibleng sanhi ng sunog. Ipinahayag ni Chan, na bago man nagsimula ang apoy mayroong grupo ng mga mamamayan na nagkukumpulan sa bahagi ng nasunog na lupain. Ayon naman sa mga residente na nakatira malapit sa nasunog na damuhan, posibleng naging sanhi ng grass fire ang tinapon na upos ng sigarilyo. Para hindi na kumalat pa ang apoy at madamay ang katabing San Filipe Elementary School, agad namang inapula ng mga bombero ang sunog. Abot sa mahigit tatlumpung grassfire incidents na ang naitala sa bayan ng Tantangan sa unang quarter ng 2016. Ipinahayag ni Chan na para maiwasan ang sunog , tinututukan ngayon ng kanilang kampanya kontra sunog ang mga eskwelahan at mga bahay mismo sa Tantangan. Sinabi din ni Chan na ang simpleng pagtatanggal sa saksakan ng mga electrical appliances sa tuwing aalis ng bahay ay malaking tulong na para makaligtas sa sunog. Umaabot na sa taltumpung libong mga graduating students sa rehiyon ang isinailalim sa seminar ng Department of Labor and Employment o DOLE 12. Layon ng Labor Education for Graduating Students o LEGS na matulungan ang nagsipagtapos na makapaghanap ng trabaho. Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng tamang paguugali bilang isang mangagawa, at kung papano maging kapaki-pakinabang sa trabaho. Ayon kay DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo, itinuro din sa mga graduating studentes ang karapatan ng mga mangagawa at kung anong benipisyo ang maaring makukuha sa gobyerno. Kabilang dito ayon kay Domingo ang coverage sa Philhealth at Pagibig Fund. Tiniyak ni Domingo na handa ang DOLE 12 na dalhin sa mga paaralan na hihiling sa kanila ang LEGS program. Abot naman sa dalawamput isang libo ang nadagdag sa labor force ng rehiyon dose sa pagtatapos ng School Year 2015-2016. Ito ay batay naman sa datus ng Commission on Higher Education o CHED. Hawak na ngayon ng pulisiya si Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato Kagawad Ontong Kungan. Ayon kay Lake Sebu Chief of Police, Chief Inspector Joven Bagaygay, ang suspek si Kungan ay sumuko sa mga pulis kahapon ng umaga. Si Kungan ayon kay Bagaygay ay isa sa mga suspek sa pagpatay sa magasawang sina Jackie at Ronald Sira sa Sitio Tayabas, Tasiman Lake Sebu, Hunyo a uno noong nakaraang taon. Ang suspek ay isa sa mga inisyuhan ng warrant of arrest sa krimen. Ito ayon kay Bagaygay ay matapos makitaan ng probable cause sa pagkakasangkot sa krimen. Kinumpirma din ni Bagaygay na ang suspek na barangay Kagawad ay nakatakdang ilipat sa South Cotabato Provincial Police Headquarters sa Koronadal City, mula sa custody ng Lake Sebu PNP. Nagdesisyon ang suspek ayon kay Bagaygay na sumuko dahil sa pangamba sa kanyang buhay. Si Kungan ayon kay Bagaygay ang pinagbibintangan ng mga naarestong kasama na nagsuplong sa kanila. Naninindigan naman si Kungan na kaya siya sumuko para linisin ang kanyang pangalan.Magbibigay ng binhi sa mga magsasaka na apektado ng El Nino Phenomenon ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato. Ito ang tiniyak mismo ni Provincial Agriculturist Justina Navarete. Ayon kay Navarete, may sapat na binhi na ibibigay ang kanilang tanggapan sa mga magsasaka kapag nagsimula na ang tagulan at panahon ng pagtatanim. Sinabi ni Navarete na walang dapat ipangamba ang mga magsasaka dahil de kalidad at certified ang binhing kanilang ipamimigay. Ito ang ipinahayag ni Navarete matapos isailalim sa State of Calamity ang buong South Cotabato dahil sa El Nino Phenomenon. Matatandaan na ang tagtuyo’t ay sumira sa mahigit P284 million pesos na halaga ng mga pananim sa South Cotabato. Kabilang dito ang nasa mahigit labin isang libong ektaryang palayan, maisan,gulayan at pataniman ng iba pang mga high value crops. Handa na ang Koronadal City para sa National Private Schools Athletic Association o PRISAA meet. Ayon kay Koronadal Sports Coordiantor Tony Aguilar ang PRISAA meet ay inaasahang dadaluhan ng mahigit anim na libong delegado. Ipinahayag ni Aguilar na dahil sa katatapos lamang na National Schools Press Conference o NSSPC 2016 sa Koronadal, hindi na magiging problema pa ng city LGU ang billeting quarters ng mga atleta. Ang National PRISAA games na lalahukan ng labinpitong rehiyon ay itinuturing na palarong pambansa ng mga pribadong eskwelahan. Ito ay gaganapin mula Abril a uno hanggang a otso. Ito na ang pang-tatlong national event sa Koroandal City nitong taon. Matatandaan na ang Koronadal City ay naging host din ng National Schools Press Conference at National Bible Workshop noong Pebrero. Kasabay naman ng PRISAA meet ay ang pagbubukas muli ng trade fair na magbebenta ng mga sounenirs at iba pang proudkto ng South Cotabato sa lumang city hall. Malaki ang paniniwala ng Department of Public Works and Highways o DPWH na makukumpleto ng kontractor ang ginagawang road widening project sa Quezon Boulevard ng Kidapawan City Highway, dalawang araw bago ang deadline nito.Sinabi ni DPWH First Engineering District Engr. Elpidio Birog, nasa 95 porsyento na ang nakompleto sa nabanggit na proyekto mula sa mga drainage construction at pagsesemento sa mga pavements sa highway.Sa ngayon nakaktutok ang konstroksyon sa drainage dahil hinihintay pa raw ng kontractor ang pagtanggal sa tatlong mga poste na natamaan sa ginagawang kanal.Ayon pa kay Birog, Hanggang April 1 na lamang ang ibinigay ng DPWH sa kontractor ng proyekto at sa oras na hindi pa ito makukumpleto mapapatawan na sila ng penalty o liquidated damages base na rin sa gagawing assesment sa proyekto.Ngayong araw gagawin ng DPWH ang ocular inspection para malaman ang kabuuong takbo ng proyekto. Ang road widening project sa Quezon Boulevard ay isa lamang sa ipinapatupad na road widening construction ng DPWH ngayong taon sa Kidapawan City. Abot sa 50 mga informal settlers ng Brgy San Vicente, sa Makilala, North Cotabato ang nakatanggap ng libreng lote mula sa CARP grantees na dating mga trabahante ng Pamintuan Rubber Development Incorporated (PANDEVCO).Sinabi ni CARP Association President Disodado Padrogani Jr, ginawa nila ang nabanggit na hakbang para mabigyan ng ligtas at desenteng bahay ang mga pamilyang nakatira sa mga Road right of Way at private areas.Kaugnay nito, sinimulan na ang survey kahapon sa higit dalawang daang ektaryang area at pagkatapos nito ay maaari nang magpatayo ng kanilang mga bahay ang mga piling beneficiaries.Ayon pa kay Padrogani, malaking tulong ito para sa mga nabanggit na pamilya na makatulog ng maayos sa gabi at malayo sa anumang disgyasya.Umaasa na lamang ngayon ang mga residente sa lugar na mabibiyayaan rin sila ng trabaho o livelihood program para sa kanilang mas maayos na pamumuhay sa pang araw araw. Nasa higit walong libong mga pamilya na ngayon ang nakatanggap ng relief goods sa nagpapatuloy na relief distribution ng Pikit LGU sa mga apektado ng El Niño sa bayan.Sinabi ni Tahira Kalantongan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Officer kabilang sa mga barangay ng nakatanggap ng tulong ay ang mga barangay ng Balabak, Batulawan, Balatikan, Bulol, Bulod, Nabundas, Tinutulan, Gli-gli, Ginatilan, Putulan, Inug-ug, Nunguan, Kamalian at bgry. Talitay.Kabilang rin sa kanilang mga natanggap ay bigas, noodles, delata at iba pa nilang kakailanganin.Bagaman at hindi ito sa pat para sa libu libong mga mamamayan sa bayan umaasa pa rin ang LGU na makakatulong ito sa mga pamilya lalo na sa mga residenteng umaasa lamang sa pagsasaka.Abot naman sa limang milyong piso ang inilaang pondo ng LGU para rito.Ayon pa kay Kalantongan, pagsisikapan nilang mabigyan ang lahat ng mga barangay sa Pikit na labis na naapektuhan ng matinding init ng panahon bago matapos ang buwan ng Abril.

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...