Sunday Apr, 28 2024 05:47:31 AM

NDBC BIDA BALITA March 3, 2016

 • 17:57 PM Thu Mar 3, 2016
1,301
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 3, 2016
(WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ISA NA NAMANG TOWER ng NGCP, binomba
sa Aleosan, North Cotabato.

2. Sundalo patay, 2 sugatan sa panibagong bakbakan sa Maguindanao laban sa BIFF.

3. Dating driver ng ambulansiya timbog
sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City

4. BIR Commissioner Kim Henares, dumalaw sa Koronadal City MULING NANAWAGAN ang Aleosan PNP sa pamunuan
ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na maglagay ng mga
bantay o watchman sa kanilang mga tower.

Sabi ni Aleosan PNP chief police sr.
insp. Jun Napat na matagal na nila itong iminungkahi sa NGCP maging ang
paglalagay ng concrete fence o bakod para hindi kaagad mapasok ng mga
masasamang-loob.

Ito ang naging pahayag ni Napat matapos
na isa na namang tower ng NGCP ang pinasabog sa Aleosan, North Cotabato.

Binomba ng mga armadong lalaki ang NGCP
Tower 63 sa Kabacan-Sultan Kudarat 138kV line sa Brgy. Pagangan, pasado alas
12:10 ng madaling araw na nagdulot ng matinding pinsala sa dalawang tower
pillars.

Na-rekober din ng mga otoridad ang isa
pang Improvised Explosive Device o IED na hindi sumabog sa isa pang bahagi ng
tower.

Hindi naman natumba ang tower dahil sa
pagsabog, pero nagdulot ito ng power fluctuation sa mga sinusuplayang lugar.

Nabatid na ito na ang ikalawang
pag-atake sa nasabing Tower sa Barangay Pagangan ngayon taon.

Noong January 14, pinasabog din ng mga
hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang nasabing
tower.

Samantala, tiniyak naman ng NGCP na
aayusin agad nila ang binombang tower.

Sa statement na inilabas ng NGCP, sinimulan
na nila ang pagkukumpuni sa naturang pasilidad. MAS PINA-IIGTING
pa ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM ang
kanilang kampanyang ‘Oplan Pagtugis’ laban sa mga wanted person sa kanilang
area of responsibility.

Katunayan nitong
nakaraang linggo lang ay naaresto ang isang Patrick Aranas na may kasong rape
at hindi maaaring makapagpiyansa mula pa noong April 18, 2003.

Huli si
Aranas sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Bansawan Ibrahim ng RTC
12, Branch 14, Cotabato City.

Kasama ng
CIDG-ARMM ang North UPI PNP sa pag aresto kay Aranas sa kanyang tahanan sa
Purok Pag-asa, Brgy. Bugabungan, North Upi, Maguindanao.

Maliban rito,
naaresto rin ng CIDG-ARMM si Daniel Tanzo na may kasong murder na isinampa noon
pang May 17, 2010.

Hindi na
nakapalag pa si Tanzo ng maabutan siya ng mga otoridad sa Sitio kindal, Brgy
Kibleg, North Upi, Maguindanao.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang mga suspek sa CIDG-ARMM lock-up cell. ISANG
SUNDALO ang nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan sa panibagong pag-atake
ng mga miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Barangay Tee,
Datu Salibo, Maguindanao.

Nagpa-patrolya
noon ang mga sundalo sa nabanggit na lugar nang tambangan sila ng BIFF.

Nabatid
na umabot sa halos isang oras ang bakbakan ng magkabilang panig dahilan para
muling lumikas ang mga residente sa naturang lugar.

Kinumpirma
naman ni Army’s 6th Infantry Division spokesperson Captain Jo-ann
Petinglay ang report gayunman, hindi muna nito pinangalanan ang nasawing
sundalo habang ina-abisuhan pa ang pamilya nito.

Patuloy
namang ginagamot ngayon sa ospital ang dalawang iba pang sugatan na sundalo.

Sa
kabila ng insidente, sinabi ni Petinglay na magpapatuloy ang kanilang community
patrol sa mga bayan sa Maguindanao na pinamumugaran ng BIFF.

Nabatid
na mahigit sampung sundalo na ang nasawi sa patuloy na opensiba ng militar
laban sa BIFF simula noong Enero partikular sa mga bayan ng Datu Salibo, Shariff
Saidona, Datu Piang at Datu Saudi.

Mahigit
limang libong pamilya na ang apektado sa naturang operasyon, marami sa mga ito
ang nananatili pa rin sa mga evacuation site.

Katunayan,
kahapon muntik nang maipit sa bakbakan ang mga miembro ng People’s medical team
ng Maguindanao na nagbibigay noon ng mga relief goods at nagsasagawa ng medical
mission sa lugar.

Sinabi
ni People’s Medical team leader Lynette Estandarte na ka-aalis lamang nila sa
barangay Tee at patungo na sila sa Mamamasapano nang sumiklab ang bakbakan.

Gayunman,
tiniyak ni Estandarte na babalik pa rin sila sa naturang lugar para alalayan
ang mga pamilyang apektado.

HANGGANG NGAYONG UMAGA ay
hazy o mausok pa rin ang uptown area sa Cotabato city.

Ito ay hindi dahil sa fogs
kundi dahil sa usok na nagmula sa grassfire sa barangay Poblacion 9, sa bahagi
ng Biniroan.

Nagsimula ang grassfire
pasado alas onse ng umaga kahapon sa lupang pag-aari umano ni city councilor
Kusin Taha.

Sa report ng Bureau of Fire
Protection o BFP-Cotabato city, dalawang beses binalikan ng kanilang mga fire
truck ang lugar hanggang sa maapula ang sunog.

Paniwala ng BFP-Cotabato investigators,
may nanunog ng damo malapit sa lugar, posibleng inihip ng hangin ang apoy at
mabilis na kumalat dahil na rin sa init ng panahon.

Nasa dalawang ektaryang damuhan
ang nasunog subalit maswerte naman na walang nadamay na mga bahay malapit sa
lugar. Puspusan
na ang pagsasanay ng mga gurong magsisilbing board of election inspectors o
BEIs sa darating na May 9 elections.

Ayon
sa Commission on Elections o Comelec, tinuturuan na ang BEIs sa paggamit ng
vote counting machines na kapalit ng precinct count optical scan o PCOS
machines na ginamit noong nakaraang eleksyon.

Kabilang
sa pagsasanay ang mga serye ng lectures, hands on at test.

Sinasabing
pagkatapos ng pagsasanay ng mga guro ay magbibigay naman ang Department of
Science and Technology o DOST ng test para masertipikahan ang mga ito alinsunod
sa patakaran ng Comelec.

Samantala,
nabatid na may tatanggapin namang allowance ang mga BEIs habang nasa
pagsasanay.

Nagkasundo ang Midnanao Development Authority o Minda at United States International Development Authority o USAID na magtulungan para sa pagunlad ng South Central Mindanao Corridor o SCMC .
Ang kasunduan ay nilagdaan mismo nina MinDA Chair Lualhati Antonino at USAID-Philippines Chief of the Office Economic Development and Governance Daniel Miller.
Layon ng nito na gawing food basket,at sentro ng agrikultura, logistics hub, biodiversity at turismo ang SCMC.
Lumagda din sa kasunduan na tutugon sa ilang mga isyung kinakaharap ng mga Bangsamoro Areas sa SCMC sina Antonio at USAID-ADB Country Director Richard Bolt.
Ayon kay Antonino ang kasunduan ay lalo ang magpapatibay sa commitment ng dalawang grupo na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Mindanao lalong lalo na sa SCMC.
Ang SCMC ay binubuo ng Davao Region, SOCCSKSARGEN Region, at mainland Autnomous Region in Muslim Mindanao o ARMM. Plano ngayon ng provincial veterinary office o PVET South Cotabato na magsagawa ng malawakang vaccination sa mga alagang manok sa lalawigan.
Ayon kay Provincial OIC Veterinarian Flora Bigot, layon nito na mapigilan ang posibleng pagkakaroon ng outbreak ng Newcastle disease sa South Cotabato.Ipinahayag ni Bigot na maliban sa Newcastle outbreak sa ilang lugar sa Luzon, apektado na rin kasi ng Newcastle disease ang mga manok sa kalapit na lalawigan ng
Davao del Sur.
Para mapigilan ang pagpasok ng naturang sakit sa mga alagang manok sa South Cotabato, dumadaan muna sa inspection sa mga boundary ang mga manok na ipinadadala sa lalawigan.
Ayon kay Bigot , kinukumpirma pa ng PVET ang suspected na kaso ng newcastle disease sa ilang barangay ng South Cotabato.
Ayon kay Bigot plano ng kanilang tanggapan na bumili ng dagdag na vaccine kontra Newcastle disease.
Gayunpaman ayon kay Bigot, handang magbigay ng libreng bakuna sa Newcastle disease ang provincial veterinary office, saka mang may hihiling ito sa kanila. Ang Newcastle ayon kay Bigot ay isang viral disease na nakakahawa sa pamamagitan ng kontak at hangin.Ipinahayag ni Bigot na para magkaroon ng panlaban sa Newcastle disease ang mga alagang manok ngayong
El Nino Phenomenon, mahalaga na mabigyan ang mga ito ng Newcastle disease vaccine.
Timbog sa anti illegal drug operation ng mga pulis ang isang dating contractual employee ng pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Kinilala ang suspek na si Paterno Angeles singkwenta anyos at residente ng barangay Zone 3, Koronadal.
Si Angeles ay aktong nahuling ng mga pulis na humihithit ng illegal na droga sa isang boarding house sa Domingo Street, barangay General Paulino Santos kahapon ng tanghali.
Nakuha ng mga pulis mula sa suspek ang isang sachet ng suspected shabu at drug paraphernalia.
Ang suspek na si Angeles ay nakipagbuno pa sa mga pulis na aaresto sa kanya bago naposasan.
Ipinahayag ni Glorio Sandig, ang Action officer ng City Anti Drug Abuse Council o CADAC na matagal na nilang minamanmanan ang suspek .
Inihahanda na ng Koronadal City PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kay Angles na dating driver ng ambulansya sa Polomolok Municipal Hospital sa bayan ng Polomolok. Inatasan ni Bureau of Internal Revenue o BIR Commissioner Kim Henares ang mga kawani ng ahensya na agad na tugunan ang hinaing ng mga mamamayan.
Ayon kay Henares, habang tumatagal kasi ang aksyon ng BIR sa hinihiling ng publiko, sila pa itong napapasama.
Binigyan diin ni Henares na dahil sa tagal minsan ng pag-akyon ng ilang mga kawani ng BIR sa mga dumudulog sa kanilang tanggapan, napagbibintangan ang mga ito na humihiling o naghihintay ng padulas o lagay.
Ayon sa naturang BIR Commissioner, bilang mga kawani ng gobyerno, tungkulin ng mga taga BIR na maglingkod sa mga mamamayan.
Hinamon din ni Henares ang mga kawani ng BIR na kung nais ng mga ito na ma-promote, dapat ay ayusin muna ng mga ito ang kanilang trabaho. Si Henares ay dumalaw sa tanggapan ng BIR Revenue Region 18 sa Koronadal City kamakalawa.
Ito ay bilang kabahagi ng Kick Off ceremony ng tax campaign ng BIR. NDBC News AM March 3
Pinaiigting ngayon ng PNP at militar ang kanilang police visibility sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay Superintendent Jemuel Siason, ang hepe ng Provincial Public Safety Company ng Sultan Kudarat PNP, particular na tintutukan ngayon ng mga otoridad ang pagdagdag ng check point sa mga pangunahing daan ng lalawigan.
Ito ayon kay Siason ay matapos umanong kumpirmahin ng dalawang mga suspek sa pagiwan ng Improvised Explosive Device sa bayan ng Isulan, na posibleng pagdadala pa ng maraming pamasabog sa lalawigan.
Kinilala ni Siason ang mga suspek na sina Salahudin Ison trenta’y uno anyos residente ng Shariff Saydona Mustapha at Totin Puti, biente kwatro anyos ng Datu Piang, pawang nasa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga ito ay naaresto ng mga pulis, matapos iwan ang maleta na may lamang bomba sa national highway malapit sa rotonda ng Isulan kamakalawa ng umaga.
Naniniwala naman sina Isulan Incumbent Mayor Diosdado Pallasigue at Mayoralty Candidate Ernesto Matias, na pareho silang target ng na-difused na IED.
Gayunpaman, inaalam din ng PNP kung may kaugnayan sa panghahagis ng granada sa kalapit na bayan ng Esperanza noong nakaraang linggo, ang pagkakatuklas ng IED sa Isulan.

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...