Sunday Apr, 28 2024 09:07:01 PM

NDBC BIDA BALITA (March 30, 2016)

 • 18:34 PM Wed Mar 30, 2016
1,198
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

MARCH 30,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. LALAKI, patay sa panibagong kaso ng
pamamaril sa Cotabato city.

2. Philippine Air Force at iba pang
ahensya, tumulong na rin para maapula ang forest fire sa Mt. Apo.

3. Tulong para sa repacking ng food
packs na ipamamahagi sa mga biktima ng tagtuyot, hiniling ng Koronadal City LGU

4. Mga magsasaka, nagbarikada sa harap ng NFA-Kidapawan. DEAD ON THE SPOT ang isang lalaki
matapos pagbabarilin pasado alas dose nang tanghali kahapon sa Bautista Street,
Almonte Extension, Barangay Poblacion Dos, Cotabato city.

Kinilala ang biktima na si Edwin Mark
Etchalico Lu, 20 years old, taga-Dorotheo compound, Sinsuat avenue, Barangay
Rosary Heights 4 ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng City PNP, pinaniniwalaang
gumamit ng iligal na droga ang biktima at nang lumabas sa drug den, ay nilapitan
siya ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na nag-usap pa ang suspek at
ang biktima hanggang sa nagkainitan na humantong sa pagbaril ng suspek kay Lu
gamit ang caliber 30 rifle.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang
bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng agaran niyang kamatayan habang agad
namang tumakas ang suspek sa hindi pa malamang direksyon.

Batay na rin sa testimonya ng mga
nakasaksi, naniniwala ang mga imbestigador na nagka-onsehan sa droga ang biktima
at ang suspek.

Samantala, kaugnay naman ng mga
insidente ng pamamaril at pagpatay sa mga habal-habal driver sa Midsayap, North
Cotabato, sinabi ni Midsayap PNP chief police Supt. Tom Tuzon na kilala na nila
ang grupong posibleng resposable rito.

Ayon kay Tuzon, pare-pareho ang modus
ng grupo kung saan pinapakyaw ang driver ng habal-habal saka babarilin at
tatangayin ang kanilang motorsiklo.

Huling nabiktima ng grupo si Joseph Candido,
24 years old at taga Barangay Poblacion 6, Midsayap.

Pinara ng dalawang mga suspek si
Candido sa crossing barangay Abaga, Libungan kamakalawa ng umaga, at nagpahatid
ang mga ito sa San Isidro, Midsayap.

Gayunman, pagkarating ng mga ito sa
naturang lugar at biglang binaril ng isa sa mga suspek ang biktima at saka
tumakas ang mga ito dala ang CT 100 Badja motorcycle ng biktima.

Tumanggi muna ang Midsayap PNP na
kilalanin ang mga suspek at iba pang kasapi ng kanilang grupo habang
nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

KINUMPIRMA NA
RIN ng foreign ministry ng Indonesia na sampung mamamayan nila ang binihag
matapos ma-hijack ang sinasakyan nilang tugboat sa karagatang sakop ng
Pilipinas.

Sa pahayag ng
Indonesian foreign ministry, nakatanggap ng dalawang tawag sa telepono ang
may-ari ng tugboat mula sa Abu Sayyaf Group at sinabing hawak nila ang mga
dayuhan at nag-demand din ito ng ransom.

Hindi naman
binanggit sa statement ng foreign ministry kung magkano ang ransom na hiningi
ng grupo.

Ayon sa
pamahalaan ng Indonesia, unang nakatanggap ng tawag ang may-ari ng tugboat
noong Sabado.

Ang tugboat
na Brahma 12 na sinasakyan ng mga bihag na dayuhan ay galing sa Sungai Putting
sa Kalimantan, Indonesia at patungo sana ng Batangas nang maganap ang pagdukot.

Ayon kay Task
Force Zambasulta deputy commander Maj. Gen. Demy Tejares, nasa Tambulian Island
sa Tapul, Sulu ang tugboat nang harangin sila ng magkapatid na Nickson at Brown
Muktadil na kapwa tagasunod ni Abu Sayyaf leader Alhabsy Misaya.

Gamit ng
magkapatid na Muktadil ang isang maliit na vessel na kalaunan ay narekober sa
coastal village ng Tubig Dakula sa Languyan, Tawi-Tawi.

Una nang kinumpirma
ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa Mindanao ang pagdukot ng Abu Sayyaf
sa sampung Indonesians sa Sulu.

Tiniyak ng
AFP na gagawin ang lahat para mailigtas ang mga biktima subalit nanindigan ito
sa no ransom policy ng pamahalaan. NAPIGILAN
ang tangkang pananambang sa convoy ni Maguindanao deputy governor Ramil
Dilangalen na dadalo sana sa isang graduation ceremony sa Datu Alamanza
Dilangalen National High School, sa barangay Balong, Northern Kabuntalan,
Maguindanao.

Sinabi
ni Dilangalen na patungo na sana ang kanilang grupo sa naturang paaralan nang
mapansin nilang may mga naka-abang na mga armadong lalaki sa tapat mismo ng
paaralan.

Sabi
ni Dilangalen, nakatutok na sa kanila ang mga armas ng naturang armadong grupo
na aniya ay tauhan ng isang politiko, ngunit hindi naman nito binanggit ang
pangalan ng tinutukoy.

Aniya,
maswerte na lamang at may mga kasama silang sundalo kaya’t hindi nagtagumpay
ang armadong grupo na tambangan ang kanilang grupo.

Gayunman,
may narinig silang mga putok ng baril dahilan para agad silang umatras.

Dahil
sa pangyayari ay nabulabog ang graduation ceremony dahil nagtakbuhan ang mga
guro at mag-aaral palabas ng paaralan. Dahil sa pangyayari ay humingi ng
paumanhin si Dilangalen sa mga naperwisyo nang dahil sa nangyari.

Samantala,
nabatid na ito na ang ikalawang pagkakataon na may nagtangka sa kanilang buhay.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Dilangalen na may nagtangka ring magpasabog
ng bomba sa kanilang convoy sa South Upi, subalit bigo rin ito. NAGTUTULUNGAN na ang mga
sundalo at pulis sa pagtugis sa mga miembro ng Abu Sayyaf Group na responsable
sa pagpapasabog ng bomba sa isang paaralan sa Basilan.

Nangyari ang insidente
kamakalawa ng gabi kung saan wasak ang ilang bahagi ng isang silid-aralan
matapos ang nangyaring pagsabog ng bomba partikular sa Barangay Kulay Bato,
Lamitan City.

Batay sa inisyal na
pagsisiyasat ng Explosives and Ordnance Disposal Team ng PNP, napag-alaman na
inilagay ang improvised explosive device o IED sa loob ng grade 4 class room ng
Kulay Bato Elementary School.

Maswerte at wala namang napaulat
na nasugatan dahil gabi nang mangyari ang pagsabog.

Ganunpaman, mas naghigpit ng
seguridad ngayon ang mga pulis at sundalo para matiyak ang kaligtasan ng mga
residente sa lugar. Good
news sa mga nurse at health workers na naghahanap ng trabaho abroad!

Nangangailangan
ang Germany ng 200 libong Filipino nurses hanggang sa taong 2020.

Ayon
kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, resulta ito ng ginawang pakikipagpulong
sa mga opisyal ng Germany para isulong ang Triple Win Project sa ilalim ng
Philippines-Germany government-to-government hiring agreement sa tulong ng
Philippine Overseas Employment Administration o POEA Governing Board at ng
ilang pribadong recruitment agencies.

Sa
nasabing kasunduan ay tinanggap ng Germany ang 222 Filipino nurses kung saan
128 sa mga ito ay ipinadala sa 14 employers habang ang nalalabing Filipino
nurses ay tinatapos na lamang ang kanilang preparatory German language training
sa Pilipinas.

Samantala,
sinabi ni Baldoz na malaki rin ang pangangailangan ng Japan para sa mga
Filipino health workers.

Para
sa dagdag na impormasyon, maaaring bumisita sa mga websites ng DOLE at POEA, o
magtungo sa mga local DOLE at POEA office sa inyong lugar. Nilinaw mismo ni Kidapawan City Councilor Francis Palmones na nagpapatuloy pa rin ngayon ang ginagawang Food for Work Program ng Kidapawan City Government.Ayon kay Palmones ito ay base kasi sa unang pumasang resolusyon na napagkasunduan ng Sangguniang Panglungsod.Kapalit nang bigas na ibabahagi sa mga apektado ng El Niño ay ang Food For Work Program kung saan ang gagawin nila ay ang mga paghahanda para sa darating na tag-ulan para mailayo sila sa sakit katulad ng dengue.Hindi pa kasi natapos ang pamamahagi ng City Government sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at City Social Welfare and Development office sa unang batch ng pamamahagi ng bigas sa mga residente ng Lungsod.Pero nilinaw ni Palmones na sa ikalawang batch ng pamamahagi ng bigas ay tatanggalin na ang Food For Work Program para sa mga residente base na rin sa approval ni City Mayor Joseph Evangelista.VC Palmones.Si Kidapawan City Councilor Francis Palmones.Samantala, nilinaw rin ni Palmones na ang pamamahagi ng bigas sa mga residente ay ibinabase lamang din ng City Government sa listahan na ibinigay sa kanila ng barangay council. Abot na sa higit tatlong daang ektaryang area ng Mt. Apo ang nasunog matapos lamunin ng apoy umpisa pa nitong sabado ng hapon.Sinabi ni Davao del Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Officer Yari Amoro mabuti na lamang at nakipagtulungan ang panahon kahapon dahil bumuhos ang ulan dahilan para huminto ang pagkalat ng apoy.Nakatulong rin ng malaki ang helicopter ng Philippine Airforce mula Cebu at mabilis nilang nahanap ang pinagmulan ng sunog.Nagpapasalamat rin si Amoro sa tulong at suporta na ibinigay ng Bansalan at Sta. Cruz LGU.Alas syete ng umaga kahapon nagsimula ang operasyon ng Philippine Air force gayundin ang pagsasagawa ng Fire lines ng mga ground troops.Samantala, base naman sa naging ebalwasyon na ginawa ng Regional Incident Management Team o IMT Region 11 nagsimula raw ang sunog sa common camping ground.Ayon kay Amoro hindi lamang mga taga Sta cruz na trekkers ang nanduon sa camping ground na una sinasabing naging sanhi ng sunog kundi lahat ng mga trekkers mula sa ibat ibang trail.Hindi rin makumpirma ni Amoro na nag bonfire ang ilang trekkers mula sta. cruz dahil wala namang report ng nakarating sa kanila kaugnay rito.Sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Government ng Davao Del Sur sa North Cotabato para sa mga dagdag na hakbang at tulong para tuluyan ng maapula ang sunog sa nabanggit na bundok. Naperwisyu ng halos 30 minuto ang mga sasakyan sa National Highway sa Kidapawan City alas otso kagabi matapos ang ginawang pagbarikada ng daan- daang magsasaka partikular sa harapan ng National Food Authority o NFA sa lungsod.Sa report na nakalap ng DXND Radyo Bida, pinahinto kasi ng mga pulis sa may checkpoint sa lugar ang apat na malalaking jeep dahil overloaded ito ng mga pasahero.Hinold muna ng PNP ang nabanggit na mga sasakyan dahilan para umalma ang mga pasahero at nagkapit-bisig sa National Highway.Mismong sina Cotabato Police Provincial Director Senior Supt. Alexander Tagum at Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang nanguna sa operasyon kasama ang mga augmentation personnel ng municipal stations sa lalawigan, BPAT ug Traffic Management Unit o TMU.Pero wala pa ring nagawa ang mga otoridad nang gumawa na nang barikada ang mga pasahero.Dahil dito napilitang huminto ang mga pampasahero at pribadong mga sasakyan habang ang iba naman ay lumiko sa bahagi ng Sandawa area patungong Sinsuat Extension para makadaan lamang.Umalis lamang ang mga nagbarikada sa highway nang ibinalik na ng PNP ang kanilang mga lisensya at rekisitos ng mga driver at pinayagang makaalis.Nabatid na ang nabanggit na mga pasehero ay mga magsasaka na nanggaling pa sa Arakan Valley na umano lalahok sa planong kilos protesta sa Kidapawan City ngayong araw dahil umano sa kapabayaan ng gobyerno sa kanilang sektor.Sigaw ngmga magsasaka na mabigyan sila ng bigas dahil sa kahirapan na dulot na rin ng El Niño.Sa ngayon mas hinigpitan pa ng PNP ang pagbabantay sa National Highway partikular sa harapan ng NFA kung saan planong ilunsad ang Kilos Protesta ng nabanggit na grupo. Hindi na nagawang katayin ng dalawang lalaki ang kalabaw na kanilang ninakaw matapos silang maaresto ng mga otoridad sa brgy. Sadaan, Midsayap, North Cotabato alas otso kagabi.Sa report ni Police Ins. Sindatu Karim, deputy ng Pikit PNP kinilala ang dalawang mga suspek na sina Rolly Maglangit Epanto, 37-anyos, isang negosyante na residente rin ng nabanggit na lugar at isang Parido Lumenda Pasagui, 42-anyos, magsasaka na taga brgy. Lingayen, Pikit.Kwento pa ni Mohamid Pandita ng brgy. Lagunde, Pikit, ipinastol nito ang pagmamay-aring kalabaw sa area ni Abdullah Noh sa brgy. Lagunde Pikit, alas otso ng umaga kahapon.Pero nagulat na lamang si Pandita nang balikan niyang wala na ang alagang hayop.Agad itong nagsumbong sa Pikit PNP at sa tulong na rin ng Midsayap PNP naabutan nila ang dalawang suspek dala ang kalabaw sa Midsayap Slaughter House sa brgy. Sadaan para sana katayin.Agad na pinosasan ang dalawa at ngayon ay nakakulong na sa Pikit PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Nakatutok ngayon sa Mt. Apo Protected Area ang gagawing Cloud seeding operation na ipatutupad ng Cotabato Provincial Government.Sinabi ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla, noong linggo sinimulan ang naturang cloud seeding sa lugar para makatulong na maibsan ang pagkalat ng apoy sa area.Ayon kay Recimilla, tatlong beses kada araw ang paglipad sa eroplano para magtanim ng mga asin sa ulap.Nagresulta naman ito ng ulan pero hindi naman matiyak ng opisyal kung tinamaan nito ang malawak na area ng nasusunog.Idinagdag pa ni Recimilla, tatlong daang mga fire volunteers na mula sa North Cotabato ang ngayon ay nasa area kasam na ang porters at guides, BFP personnel, forest rangers at disaster teams.Samantala, kinumpirma din ng opisyal na hindi pa napasukan ng sunog ang reforestation area at ang malawak na bahagi ng Talomo Davao City at North Cotabato.Kahapon tumulong na rin ang mga personahe ng Call 911 ng Kidapawan City at Davao City para tumulong sa operasyon at pag-apula ng apoy.

Cotelco announces power service interruption

Carmen area TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following...

Dealer killed, P13.6-M worth shabu seized in Sulu PDEA operation

COTABATO CITY --- Anti-narcotics agents seized P13.6 million worth shabu from a peddler who was killed in a shootout he provoked when he sensed he...

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklusibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...