Sunday May, 05 2024 04:44:14 PM

NDBC BIDA BALITA March 31, 2016

 • 19:26 PM Thu Mar 31, 2016
1,194
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

MARCH 31,
2016 (THURS)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Schools Division Superintendent ng
Marawi city, na gustong baguhin ang kanyang birth date para manatili sa pwesto,
sinupla ng Korte Suprema RTC Judge sa lungsod, posibleng makasuhan

2. Ibat-ibang uri ng hayop na nakatira
sa Mt. Apo nagsilabasan na dahil sa nagpapatuloy na sunog.

3. DALAWANG MGA CAFGU Detachments sa
Tampakan, South Cotabato, hinarass daw ng NPA
4. Kilos protesta ng magsasaka sa Kidapawan, umabot na sa Makilala bigas kanilang hinhingi. IBINASURA ng Supreme Court ang petisyon
na inihain ni dating Marawi City Schools Division Superintendent Mona
Macatanong para repasuhin ang desisyon ng Court of Appeals na nagpawalang-bisa
sa desisyon ng Regional Trial Court - Branch 9 ng Marawi na pahintulutan si
Macatong na baguhin ang petsa ng kanyang kapanganakan sa public records.

Nabatid na dapat ay iniwan na ni
Macatong ang kanyang posisyon bilang Marawi City Schools Division Superintendent
noon pang May 2014 matapos na umabot na siya sa retirement age na 65 years old
noon pang October 2013.

Gayunman, ayaw umalis ni Macatong at sa
halip ay iginiit na dapat ay ngayong taon pa lang siya magreretiro dahil sa
pagbabago ng kanyang birth date na kinatigan ng RTC Branch 9 ng Marawi.

Ngayong naglabas na ng pinal na
desisyon ang Korte Suprema hinggil sa kaso ni Macatong, posible ring maharap sa
kasong administratibo at criminal si Judge Gamor Disalo ng RTC branch 9 dahil
sa kwestyunableng pagpapalabas ng desisyon pabor kay Macatong.Samantala, sinabi ni Department of
Education o DepEd ARMM Secretary John Magno na isang welcome development para
sa ahensya ang naturang desisyong ng SC.

Aniya, nabalam ang proseso ng promosyon
ng mga guro sa Marawi City Schools Division dahil sa pagtanggi ni Macatong na
umalis sa pwesto noon pang 2014. NAARESTO na
ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP, North Cotabato PNP at Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA 12 ang isa sa mga most wanted person sa lalawigan ng
North Cotabato.

Kinilala ni
Midsayap PNP chief police supt. Tom Tuzon ang suspek na si Kidtil Iskano, alyas
daring 32 years old at taga – barangay Poblacion Uno.

Si Iskano ay
nadakip sa isinagawang raid sa mismong bahay nito pasado alas sais kagabi.

Sabi ni
Tuzon, matagal na nilang minamanmanan si Iskano na sangkot umano sa pagbebenta
ng Shabu sa Midsayap at sa mga karatig na bayan nito.

Nakuha mula
sa suspek ang P300 marked money, ilan sachets ng shabu at drug paraphernalia. Bukod kay
Iskano, huli rin ang dalawa pang mga pinaniniwalaang tulak ng shabu na sina
Remily Culano, 23 years old at Romulo Palmes, 23 na kasama ni Iskano noong
isinagawa ang raid.

INIHAHANDA
NA ng Indonesia ang mga elite commando?squads?nito upang iligtas
ang sampung mga Indonesian tugboat crew na dinukot ng Abu Sayyaf Group o ASG
sa karagatan ng Tawi-Tawi sa Autonomous Region in Muslim Mindanao habang
patungo sa Port of Batangas sa Luzon. Ito ay?matapos?na kumpirmahin ng
Armed Forces of the Philippines at gobyerno ng Indonesia ang pagkakadukot sa
mga biktima?noong?March 26. Sinabi
ni Indonesian police spokesperson Anton Charliyan na nakahanda na ang elite
squads mula sa kanilang anti-terrorism unit at ang police?mobile?brigade upang tumulong sa rescue operation. Hindi
naman maipaliwanag ng pulisya at militar kung bakit hindi nila napigilan ang pagdukot
sa mga Indonesian kahit ang dami nitong puwersa na naka-deploy sa Languyan
Island. Nakikipag-usap
na rin ang Indonesia sa International Police matapos na humingi ng 50 million
pesos na ransom ang ASG kapalit ng kalayaan ng kanilang mga hawak na bihag Ang
naturang ASG group ay pinamumunuan umano ni Alhabsi Misaya.

SINIMULAN
NA ng Commission on Elections o Comelec kahapon ang bidding para sa mga bib
vest na gagamitin ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors o
BEI sa eleksyon sa May 9. Aabot
sa 354 thousand 53 na bib vests ang kakailanganin ng Comelec na susuotin ng mga
gurong magbabantay sa mga presinto. Nakatakda
rin ang bidding ng Comelec sa 100 thousand pieces ng gunting para sa pang gupit
sa voter receipts. Samantala,
kinakailangan rin ng Comelec ng collared shirts na magsisibilng uniporme ng mga
kawani ng poll body. Aabutin
ang halaga nito ng 26 million pesos.

Samantala,
na mula kahapon, wala pang bidder na nagsumite ng intensyong makuha ang
kontrata ng Comelec sa pagbili ng libu-libong bib vest para sa mga BEI.

Nabatid
na marami ang pumupuna sa vest project ng Comelec dahil hindi naman daw ito
lubhang kailangan at sa halip ay maraming mas mahahalagang dapat na gawing
prioridad ng poll body. PINA-ALALAHANAN
ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police o PNP ang mga politiko na HINDI
UTUSAN ang mga pulis na itinalaga sa kanila bilang security escorts. Sabi
ni PNP- Police Security and Protection Group spokesperson Police Supt. Rogelio
Simon, mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato at mga indibidwal na
tratuhing muchacho” o utusan ang mga Police Security and Protection Group
personnel na maitatalaga sa kanila bilang security detail ngayong eleksyon. Ayon
kay Simon, hindi dapat gawin errand boys, utusan, taga-pamalengke at taga
bitbit ng mga dala-dalahan ng mga kandidato ang mga pulis. Kaugnay
nito, sa bahagi naman ng PSPG, mahigpit din ang tagubilin ng PNP na magsuot ng proper
uniform habang naka duty. Maliban
dito, hindi rin pwedeng tumanggap ng bayad o kung anumang na maituturing na
konsiderasyon o hiwalay na bayad sa mga kandidato at opisyal ang mga oolice
security detail dahil may sariling sweldo naman ang mga PSPG personnel at hindi
kinakailangan pa ng dagdag na bayad mula sa pulitiko o VIP. Sa
kasalukuyan ay umaabot sa 169 na mga pulitiko at pribadong indibiduwal ang nabigyan
ng security detail ng PSPG dahil sa banta sa seguridad ng mga ito.

Pumalo na sa 21 Milyung piso ang naitalang danyos at umabot na sa 12 mga barangay ang matinding tinamaan ng El Niño at pamemeste ng daga sa bayan ng Kabacan, sa North Cotabato.Sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer David Don Saure kabilang sa mga barangay na matinding naapektuhan ng tag-tuyot ay ang Bangilan, Cuyapon, Dagupan, Lower Paatan, Katidtuan, Malamote, Upper Paatan, Simone , Pedtad , Bannawag, Pisan at Kilagsan.Abot naman sa 998 na pamilya karamihan mga magsasaka ang naapektuhan ng nasabing dry spell lalo na sa palay at sa mais.May kabuuang 1,133 na ektarya ang napinsala ng nasabing El Niño phenomenon sa bayan.Maliban dito, nakapagtala din ang MDRRM Kabacan ng mga grassfire sa iba’t-ibang barangay.Inaasahan lolobo pa ang magiging pinsala ng tagtuyot na ngayon ay patuloy pa nilang minomonitor.Dahil dito, nagpapatuloy naman ang ‘rat campaign’ ng LGU Kabacan na una ng inilunsad ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., upang labanan ang pagdami ng mga pesteng daga sa mga sakahan sa bayan.Sinabi ni Saure na may 41,500 na mga buntot ng daga na ang naireport sa kanilang tanggapan at nakapamigay na ang LGU Kabacan ng 83 sako ng bigas sa mga nakahuli at nakapag presenta ng buntot ng daga.Ang pondo ay mula sa calamity funds ng LGU Kabacan matapos na isinailalim ang bayan under state of Calamity noong nakaraang buwan. Patay ang isang 33-anyos na pedestrian matapos mabangga ng isang pick-up truck habang tumatawid sa National Highway sa Brgy. Katidtuan, Kabacan, North Cotabato.Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division ang biktima na si Yonimar Tagayao, 33-anyos at residente rin ng nabanggit na barangay.Ayon sa report, tumatawid sa national highway ang biktima ng mabangga ng isang Ford Ranger Pick-up na may license plate na LHK 323 na minamaneho naman ni Michael Lloyd Lucena Leoncito na taga Poblacion, Carmen, North Cotabato.Tinatahak umano ng nasabing sasakyan ang Davao-Cotabato road ng aksidenteng mabangga si Tagayao.Patay noon din ang biktima.Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang posibleng kasong kakaharapin ng drayber. Maging ang mga hayop ngayon na nakatira sa Mt.Apo ay nagsisilabasan na dahil sa tindi ng init na dulot ng sunog na nangyayari sa lugar simula pa noong Sabado ng hapon.Sinabi ni Kidapawan City Tourism Officer Joey Recimilla, ilan sa mga volunteers mula sa North Cotabato ay nakakita raw ng mga bakas ng mga paa ng hayop na umano nagsilabasan na dahil sa sunog.Base raw sa mga bakas na kanilang nakita kabilang sa mga hayop na ito ay mga baboy ramo, mga daga, mga ibon, at iba pang hayop.Pinaniniwalaang bumaba ang mga ito patungong bahagi ng Lake Venado at ang iba ay sa ibang lugar kung saan sila ligtas.Nabatid na maglilimang araw na ngayon araw ang sunog sa Mt. Apo at hindi pa rin naidedeklarang fire out ang area.Ibat-ibang mga ahensya na rin ang tumulong para maapula na kaagad ang sunog.Samantala, inirerekomenda naman ni Department of Tourism Regional Director Nelly Dillera na isasara muna ang Mt. Apo sa mga trekkers ng limang taon para makarekober ang nabanggit na bundok mula sa matinding pagkasira nito. Magdamag na naghintay ang higit anim na libong magsasaka sa sagot ni Cotabato Governor Emylou Mendoza kaugnay sa kanilang sigaw na bigas na ngayon ay nanatiling nagbabarikada sa National Highway ng Kidapawan City.Sinabi ni Pedro Arnado ang Chair ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP, posibleng haharapin sila ni Governor Mendoza ngayong araw.Samantala, nilinaw naman ni Cotabato Provincial Police Office o CPPO Superintendent Bernard Tayong na bukas si Governor Mendoza sa pakikipagpulong sa mga organisador at mga lider ng nabanggit na rally.Pero kung kelan mangyayari ang pagpapulong ay ang hindi alam ni Tayong.Sa ngayon, mandato ni Mendoza na kunin ang mga pangalan at mga lugar kung taga saan ang mga lumahok sa nabanggit na mass protest.Ang mandatong ito ay ginawa ni Governor Mendoza sa pamamagitan kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang chairman sa Crisis Management Committee na binuo kahapon na siyang tututok sa sitwasyon sa lungsod. SIYAM na taon ding nagtago sa batas ang pugante na si Alex Bandera.Si Bandera na may kasong theft ay kasama sa higit 40 mga preso ng Amas Jail na pumuga noong February 2, 2007.Namataan ang presensiya nito sa may Purok-9 sa may Notre Dame Village sa Cotabato City, noong March 28.Walang inaksayang oras ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team o CIDT-Cotabato at hinuli, noon din, si Bandera.Kasama ng CIDT sa operasyon ang Cotabato City Police Office at mga operatiba ng Regional Public Safety Battalion o RPSB-12.SAMANTALA, huli sa buy-bust raid ang isang Ramil Pigcaulan na taga-Lapu-Lapu Street sa Poblacion ng Kabacan, alas-otso kagabi.Nakuha mula kay Pigcaulan ang walong sachet ng shabu na may bigat na 0.50 gramo at street value na P3,500.Nakumpiska rin mula sa kanya ang isang caliber 357 revolver na may limang cartridges, isang sling bag, at buy-bust money na P300.Ang buy-bust raid ay Bahagi ng Oplan Bertha at Oplan Paglalansag Omega na kapwa operasyon kontra illegal na droga na pinangungunahan ng CIDT.NDBC BIDA BALITA Magbibigay ng mga healht equipment ang Department of Health o DOH sa South Cotabato.
Makikinabang sa Tamang Serbisyo para sa Kalusugang Pamilya o TSeKAP equipment ang labin isang mga health centers at mahigit dalawang daang barangay health stations sa lalawigan. Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr, layon nito na magamot ang pangkaraniwang mga sakit sa barangay level.
Kalakip ng equipment package ang dalawang non-contact thermometers, stethoscope, digital Blood Pressure apparatus, at glucometer para sa sugar measurement.
Mayroon din itong dressing set at nebulizer para naman sa mga may asthma.
Ang health package ayon kay Aturdio ay nakatakdang namang ideliver sa mga barangay na benipisyaryo nito.
Layon ng programa na mapaigting ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan na nasa liblib na barnagay ng South Cotabato. Sinasanay ngayon sa silage making ang mga magasaka sa South Cotabato na apektado ng El Nino Phenomenon.
Ayon kay Provincial OIC Veterinarian Dr. Flora Bigot, layon nito na magkaroon pa rin ng sapat na pagkain ang mga alagang hayop.
Paliwanag ni Bigot, ang silage ay gawa mula sa tuyong dayami at mais na hinaluan ng molasses.
Pinapakain naman ito sa mga baka, kalabaw at Kabayo.
Ayon kay Bigot dahil sa tagtuyo’t, halos wala nang makain na sariwang damo ang mga hayop sa South Cotabato.
Isinailalim sa silage making ang mga magsasaka sa bayan ng Polomolok noong Marso a biente otso.
Sinundan naman ito ng mga magsasaka sa Banga at Polomolok.
Tumungo naman ang mga kawani ng Provincial Veterinary Office upang magturo ng silage making sa bayan ng Norala kahapon.
Kaakibat din ng pagsasanay ang pamimigay ng libreng molasses sa mga magsasaka.
Ang programa ayon kay Bigot ay pinaglaanan naman ng pamahalaang panlalawigan ng mahigit tatlong daang libong piso.
Ito ay ipatutupad naman sa lahat na local government units sa South Cotabato
Plano din ng Provincial Veterinary Office na mamimigay ang feeds at bitamina.
Layon nito na mapalakas ang resistensya ng mga alagang hayop sa masamang epekto ng dry spell.
Magpapadala ng fire volunteer na tutulong sa pagapula ng apoy sa Mt.Apo ang Bureau of Fire Protection o BFP Koronadal.
Ayon kay Koronadal City Fire Marshall Reginald Legaste, ito ay bilang pagsunod na rin sa kautusan ng BFP region 12.
Ipinahayag ni Legaste na bawat BFP sa lalawigan ay kinakailangang magpadala ng volunteer sa Mt. Apo.
Ipinaliwanag ni Legaste na sa halip na magbuhos ng tubig, mano manong gagawa ng fire line ang mga bombero. Ibig sabihin nito ayon kay Legaste, maliban sa paghuhukay, tatanggalan din ng dahon ang mga puno sa ilang bahagi ng Mt. Apo.
Ito ay upang hindi na kumalat sa ibang bahagi ng bundok ang apoy.
Ayon kay Legaste tutungo sa bundok ang mga BFP Volunteer anumang araw mula ngayon.
Nabatid na bagama’t nakontrol na ang apoy sa North Cotabato na bahagi ng Mt. Apo, labis pa ring naapektuhan nito ang bahagi ng bundok na nasa Davao del Sur. Pinatunayan ng limang mga iskolar ng lokal na pamahalaan ng Korondal na hindi hadlang para magtagumpay sa buhay ang kahirapan.
Ito ay matapos magtapos sa kolehiyo na may karangalan.
Kabilang sa mga ito ay sina Jayson Dolorito ng Barangay Paraiso na nagtapos ng Bachelor of Science in Business Administration at Mavie Joy Gallorina ng Barangay Topland na may kursong Bachelor of Science in Education.
Sina Dolorito at Gallorina ay pawang mga graduate ng Notre Dame of Marbel University.
Pinarangalan din sina Bernadent May Ambid ng Barangay San Roque na graduate ng BSBA Financial Management mula St. Alexius College,at Jobe Grace Tadlip ng Barangay New Pangasinan na nagtapos ng BSES sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges.
Ang limang mga Iskolar ng Bayan ay parehong nagtapos ng Cum Laude.
Ayon kay ISKO In-charge Jean Sunga ang mga iskolar ng lungsod na magtatapos bilang cum laude ay tatanggap ng sampung libong incentive,labinlimang libo para sa magna cum laude at dalawampung libo para sa summa cum laude.
Makatatanggap naman ng dagdag na tig sampung libo ang mga ito kapag nakapasa sa kani-kanilang licensure examination. Pinaputakan ng mga armadong grupo ang isa namang detachment ng CAFGU sa bayan ng Tampakan, South Cotabato.
Ayon kay Tampakan Chief of Police, Senior Inspector Jardi Mont Sibal, naganap ang harassment sa detachment ng CAFGU sa liblib na bahagi ng Barangay Tablu, Tampakan, pasado alas syete kahapon ng umaga.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal sinabi ni Sibal na agad namang gumanti sa mga suspek ang tropa ng pamahalaan.
Tumagal naman ng mahigt limang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig.
Ayon kay Sibal wala namang nasaktan sa tropa ng gobyerno.
Ito na ang pangalawang detachment ng CAFGU na hinarass ng armadong grupo sa Tampakan ngayong linggo.
Nabatid na tumagal naman ng labin limang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig ng paputukan din ng armadong grupo ang detachment ng CAFGU sa Barangay Danlag, Tampakan, kamakalawa ng umaga.
Ayon kay Sibal ang panghaharass sa dalawang CAFGU detachment ay maaring may kaugnayan sa ika apatnaput pitong anibersaryo ng Front 72 ng rebeldeng grupo.
Ipinahayag ng police official na bilang kabahagi ng pagpapaigting ng seguridad sa Tampakan, patuloy din ang maigting na pakikipagtulungan ng pulisiya sa militar.

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...

Suspected gunrunners huli, mga armas nakumpiska sa kanila sa Alamada

COTABATO CITY - KULONG na ngayon ang dalawang mga gunrunners matapos mahuli ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG BARMM sa isang...

High value drug peddler falls, yields 150 grams of shabu in Lanao Sur

MARAWI CITY - Lanao del Sur PPO's Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Special Operations Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Marawi...

6 armed villagers wounded in Basilan ambush incident

COTABATO CITY - Ambushers seriously wounded six men in a rival group in an attack early Saturday in Sitio Lessem, Barangay Bato-Bato, Akbar...

DA: Price freeze needed only in areas under state of calamity

MANILA – The Department of Agriculture (DA) on Friday said that a price freeze of rice and other basic commodities should only be implemented in...