Sunday Jul, 14 2024 06:33:15 PM

NDBC BIDA BALITA (March 4, 2916)

 • 16:37 PM Fri Mar 4, 2016
1,514
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

FEBRUARY 04,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SAMPU KATAO, arestado sa anti-illegal drug
operation ng Cotabato City PNP

2. Caretaker ng GLOBE Telco Tower patay
sa pamamaril sa Magpet, North Cotabato.

3. Koronadal City ex-mayor,guilty sa paglabag sa anti graft and corrupt practices act.4. DXND-AM Radyo Bida at DXDM-Happy FM, No. 1 AM at FM station sa Kidapawan, ayon sa Kantar-KBP survey ARESTADO ang sampu katao kabilang ang
apat na menor de edad sa isinagawang drug-bust operation ng Cotabato City PNP
sa Campo Muslim, Bagua Mother, ng lungsod kahapon ng umaga.

Ayon kay City Director Sr. Supt. Raul
Supiter, apat katao ang target ng kanilang inihain na search warrant pero
ginulantang sila sa dami ng tao sa loob ng kanilang target area.

Dalawa sa sampung naaresto ay
positibong nasa kanilang search warrant na kinilalang sina Aliodin Mantor
Dimatingcal, 25-anyos at Datu Maalidin Macaumbak ALIAS bokbok, 31-anyos.

Pinalaya naman ang apat na menor de
edad kabilang ang isang 21-anyos matapos mag NEGATIBO sa drug test.

Habang nananatili sa City Police
station no. 1 Lock-up cell ang tatlong hindi pinangalanan mga suspek kabilang
ang isang babae pati na rin sina Dimatingcal at Macaumbak.

Ibinunyag ni Supiter na marami silang
narekoebr na pakete ng pinaniniwalaang shabu na abot sa 40 gramo.

Naniniwala ang mga otoridad na posibleng
nasa 50 gramo ang shabu pero unti unti lamang nababawasan sa mga oras na iyon.

SUGATAN ang
dalawang lalake na biktima ng vehicular accident sa Notre Dame Avenue,
Pigcawayan, Cotabato pasado alas-2:45 ng hapon kahapon.

Nang
makapanayam ng DXMS radyo bida si Poblacion tres Kagawad Manuel Ramento Jr.,
isa sa mga rumisponde ng mangyari ang insidente, kinilala nito ang mga biktima
na si Rogelio Pasaquian, 67-anyos at Alvin Laidia na pawang mga residente ng
Pigcawayan.

Ayon kay
Kagawad Ramento Jr., Sakay si Pasaquian ng kanyang itim na Baja kawasaki
Motorcycle na ma license plate 7168 YV habang sakay naman si Laidia sa kanyang
kulay puti na Kawasaki fury na may license plate 9107 MF.

Palabas na
sana ng simbahan si Pasaquian habang patungo ng Notre dame school si Laidia ng
magkabanggaan ang mga ito.

Sa
paglalarawan ni Ramento Jr., duguan ang dalawa na agad na isinugod sa
pinakamalapit na pagamutan sa bayan ng Pigcawayan.

Pero
katagalan ay nagdesisyon ang ospital na isugod si pasaquian sa Cotabato
regional medical center sa Cotabato City para sumailalim sa CT-SCAN dahil hindi
tumitigil ang pagdaloy ng dugo sa kanyang ulo.

Kailangan
namang tahiin ang sugat sa ulo na natamo ni Laidia.

Napagalaman
na kasalukuyang comatose ang kondisyon ni Pasaquian.

Wala namang
plano magsampa ng kaso ang pamilya Pasaquian pero hiling lamang nila ay
suportang pinansyal para sa pagpapagamot ng kanilang kaanak.

IBINUNYAG
ni Commission on Elections Spokesperson Andres Bautista na umaabot sa halos
kalahating milyon ang bilang na nadagdag na mga botante sa Autonomous Region in
Muslim Mindanao o ARMM.

Ayon
kay Bautista maraming menor-de-edad ang nakalusot at nagawang makapagparehistro
ngayong taon para makalahok sa May 9, 2016 national elections sa ARMM.

Paglalarawan
ni Bautista may isang nagparehistro na iginigiit ng magulang na 18-anyos na ang
kanyang anak pero mas bata pa ang itsura.

Habang
ang iba pang nagtangkang magparehistro ay hindi pinayagang makapagparehistro
dahil sa malinaw na menor-de-edad ang mga ito.

Mahalaga
umano ang magagawa ng taumbayan upang makaiwas sa pagmamaniobra ng magiging
resulta ng botohan sa ARMM.

Subalit
tiniyak ni Bautista na malilinis ang listahan ng mga botante sa ARMM dahil na
rin sa ipinatupad ng ‘no bio, no boto’.

TULOY NA TULOY na ang
pagpapatayo ng concreat road sa apat na barangay sa alamada, cotabato.

Ito ay sa ilalim ng
kasunduan sa pagitan ng Japan International Cooperation Agency o JICA at Local
government unit ng Alamada.

Kabilang sa makikinabang ng
konkretong kalsada ang Brgy. Mapurok, Samantil at Suryagan.

Nabatid na noong pebrero pa
sana sisimulan ang pagconstruct ng konkretong kalsada sa mga nabanggit na
barangay pero ipinagpaliban muna ito at nagsagawa muna ng survey sa lugar.

Nagkaisa naman ang mga
barangay officials sa iba't ibang barangay para tiyakin ang pagmomonitor sa
naturang proyekto.

Ayon naman kay FFBB
Construction Engr. Julius Cadaver, ang contractor ng nasabing proyekto,
inaasahang matatapos nila ang 100-million concrete road project sa lugar sa
December 13, 2016.

HINIMOK
ng Organization of Islamic Cooperation o OIC ang susunod na pangulo ng bansa na
ipagpatuloy na isulong ang Bangsamoro Basic Law o BBL para maaga itong maipasa.

Sa
isang statement mula sa Peace Process Media Bureau, todo ang panawagan ni OIC
Secretary General Iyad bin al-Madani sa lahat ng partido na manatiling
committed sa proseso para sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao.

Hindi
naitago ni al-Madani ang pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon dahil sa
kabiguang maipasa sa Congress ang panukalang batas.

Nagbabala
rin ang Secretary General sa posibleng hindi paborableng epekto ng pagkaantala
ng BBL sa mga taga Mindanao lalo na sa seguridad at development aspect.

Maliban
dito, posible rin umanong magkaroon pa rin ng problema kapag piniling ipasa ang
bagong version ng BBL.

Hiniling
din ni al-Madani sa mga lider ng Bangsamoro partikular ang Moro Islamic
Liberation Front at Moro National Liberation Front na gamitin ang umiiral na
mekanismo para sa pangkalahatang kapayapaan ng Bangsamoro people.

Patay ang isa katao matapos ratratin ng bala ng armadong grupo kasama ang pamilya nito sa liblib na Sitio ng Datal Alo, Barangay Sepaka, Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang nasawing biktima na si Esmael Bationg, disi otso anyos.
Ang biktima ay dead on the spot dahil sa natamong multiple gunshot wounds.
Tinamaan naman ng bala ng baril sa kaliwang braso ang ama ni Esmael na si Rex Bationg, trenta’y tres anyos.
Maswerte namang nakaligtas sa pamamaril ang iba pang magkakapatid na Bationg na sina Almakthum dyes anyos, at Abdurhadim nuebe anyos.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng Surallah PNP na ang mag-aamang Bationg ay pinagbabaril ng di kilalang suspek habang naglalakad patungo sa pagawaan nila ng uling noong Martes ng gabi.
Inaalam pa ng Surallah PNP, kung sino ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito sa krimen. Ipauubaya na lamang ni dating Koronadal City Mayor Peter Miguel sa kanyang mga abogado ang susunod na hakbang ng kanilang kampo.
Ito ay matapos katigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan na guilty sa kasong paglabag sa Anti Graft ang Corrupt Practices Act ang dating alkalde.
Ang kaso ay nagugat sa pag-hire ni Miguel ng private lawyer nang bilhin ng city government ang lupaing pinagtayuan ng bagong city hall.
Iginiit ng mga complainant na maari namang kunin ng noo’y alkalde ang serbisyo ng legal officer ng lalawigan kesa magbayad ng mahigit apatnaraang libo sa pribadong abogado. Nakasaad sa desisyon ng korte ang pagpataw sa akalde ng mula anim hanggang walong taong pagkabilanggo.
Ipinagbabawal na rin kay Miguel na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Sa ekskusibong panayam sa kanya ng Radyo Bida, Koronadal, iginiit naman ni Miguel na napulitika lamang siya.
Ayon sa dating alkalde, takot lamang umano sa kanya ang mga makakabangga nito sa May 9 election.
Ang nakatatandang Miguel ay kumakandidatong ngayong gobernador ng South Cotabato.
Makakatungali naman nito si incumbent South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes.
Iginiit naman ni Fuentes na bagama’t hindi nito kagustuhan na makulong si Miguel, ito ay ipinagutos na ng kataas taasang hukuman.
Ayon kay Fuentes, kung siya lamang ang masusunod mas nanaisin nito na disqualification lamang ang ihahatol sa dating alkalde.
Ayon kay Fuentes , dahil sa edad nito, maari namang humingi ng clemency sa pangulo sa Miguel, kapag naipatupad na ang hatol ng korte.
Kinumpirma din ni Fuentes na pupunta ang kanilang kampo sa law department ng Comelec sa kalakhang Maynila sa Lunes.
Ito ay para maipaalam sa Comelec ang desisyon ng korte.
Isinailaim na rin sa State of Calamity ang Barangay Topland sa Koronadal City.
Ayon kay Topland Barangay Chairman, Baltazar Bermil, ito ay bunsod ng epekto ng El Nino Phenomenon .
Ipinahayag ni Bermil na sinira ng tagtuyo’t ang abot sa mahigit otsenta porsyento na mga produktong pang-agrikultura sa Topland.
Karamihan sa mga ito ang mga pananim na mais at palay.
Layon ng pagdeklara ng state of calamity ay upang magamit ang bahagi ng quick respond fund ng barangay.
Gayunpaman ayon kay Bermil, pinagaaralan pa ng mga barangay officials kung anong tulong ang ibibigay sa mga magsasaka ng Topland na apektado ng tagtuyo’t.
Ang Topland ay pinakahuling barangay na nagdeklara ng State of Calamity sa Koronadal City.
Nauna nang isinailalim sa State of Calamity dahil sa dry spell,ang mga barangay ng Magsaysay, Esperanza, Carpenter Hill, at Cacub.
Ayon kay Cyrus Urbano ang action officer ng City Disaster Risk Reduction ang Manangement Council o CDRRMC ,pinagaaralan pa ng lokal na pamahalaan ang pagdeklara naman ng state of calamity sa buong Koronadal.
Magingat sa sunog.
Ito ang apela ni Koronadal Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan ng lungsod ngayong Fire Prevention Month.
Ayon kay Miguel dapat ay maging responsable ang bawat isa sa mga dekuryenteng gamit.
Pinayuhan din ng alkalde ang publiko na huwag magsunog na basura na maaring pagmulan ng grass fire.
Ito ay matapos maitala ang sunod sunod na grass fire incidents sa Koronadal na kadalasan ay naging sanhi ng tinapon na upos ng sigarilyo at pagsunog ng basura.
Pangunahing sanhi naman ng structural fire o pagkasunog ng ilang mga bahay sa Koronadal ang faulty electrical wire.
Ayon sa alkalde lubhang nakababahala na ang pagdami ng fire incidents sa Koroandal.
Ipinihayag ni Miguel na umaabot na sa dalawamput siyam na kaso ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection o BFP Koronadal mula Enero hanggang ngayong Marso.
Giit ng alkalde dapat ay isabuhay ng publiko ang tema ng Fire Prevention month na Kaalaman at Pagtutulungan ng sambayanan, Kaligtasan sa sunod ay Makakamtan.” Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sanhi ng apoy na tumupok sa isang factory ng kendi sa Isulan Sultan Kudarat.
Ayon kay BFP Isulan Information Officer, Fire Officer I Joeffer Fortaleza, ang nasunog na establisemento ay pagaari ni Mario Arciaga.
Ito ay matatagpuan sa Barangay Dansuli, Isulan.
Ayon kay Fortaleza, nagsimula ang sunog pasado alas dose ng tanghali kahapon.
Ideneklara naman ng mga bombero na kontrolado ang apoy magaalas tres na ng hapon.
Ayon kay Fortaleza, ang sunog ay posibleng nagsimula sa kusina o sa lutuan mismo ng kendi ng factory.
Ipinahayag ni Fortaleza na naisalba naman sa sunog ang harapan na bahagi ng naturang establisemento.
Inalaam pa ng BFP Isulan ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari arian na tinupok ng apoy.
Ayon kay Fortaleza, ito ang kauna unahang insidente ng sunog sa Isulan ngayong Fire Prevention Month. Anim naput-anim na araw na lamang at eleksyon na.Para makamit ang mas mapayapa at maayos na eleksyon ngayong Mayo lumagda sa isang kasunduan ang lahat ng mga kandidato at stakeholders sa Magpet, North Cotabato.Mismong si Municipal Election officer Aliah Alvarez ang nanguna rito kasama ang mga kandidato bilang Alkalde, bise alkalde at mga konsehal ng bayan.Lumagda rin sa kasunduan sina Lt. Col. Harold Argamosa ng 39th IB ng Philippine Army, Police Chief Ins. Maria Joyce Birrey ng PNP at Rev. Fr. Desiderio Balatero ng simbahan at PPCRV.Laman sa naturang Covenant ang pangako ng mga kandidato na sumunod sa mga polisiya at regulasyon panahon sa kanilang pangangampanya at mismong sa araw ng eleksyon.Nakasaad rin doon na bawal nilang pilitin at takutin ang mga botante at bibigyan nila ito nang kalayaan sa pagpili ng kanilang mga iboboto.Base naman sa datus ng COMELEC, ang bayan ng Magpet ay may 30 milyong rehistradong botante na inaasahang boboto ngayong darating na Mayo. Halos wala na umanong makain ang daang daang pamilya sa ilang barangay sa Kabacan, North Cotabato dulot ng pang-aatake ng mga pesteng daga at sa patuloy na nararanasang matinding init ng panahon sa bayan.Ganito inilarawan ni Kabacan Municipal Agriculturist Engr. Sasong Cacal ang sitwasyon ng halos limang daang magsasaka mula sa anim na mga barangay ng bayan na labis na naapektuhan ng naturang kalamidad.Kabilang na rito ang brgy. ng Bangilan, Kuyapon, Pedtad, Bannawag, Lower Paatan at bgry. Pisan.Bilang tugon sa naturang suliranin, sa ngayon nasa 20 sako na nang bigas ang naipamahagi ng Kabacan LGU sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa nagpapatuloy rin nilang Rat Campaign sa buong bayan.Malawak na taniman ng palay, mais at gulayan ang matinding naapektuhan ng pang-aatake ng mga daga at labis rin na naapektuhan ng matinding tagtuyot.Una nang hinikayat ni Mayor Guzman ang mga magsasaka sa pamamgitan ng kanilang RAT Campaign program na sakali mang makakahuli sila ng daga at maipapakita sa LGU ang mga buntot nito at ay papalitan ng bigas.500 daang buntot ng daga ay katumbas ng isang sako habang sa limang buntot naman ay isang kilo ng bigas.Para sa mga magsasaka ang nabanggit na programa ay malaki ang naitulong lalo na sa kanilang pangkain sa araw-araw.Maliban sa bigas ay mamamahagi rin ng Palay at corn seedlings at zinc phosphide ang LGU na pinaglaanan naman ng pondo ng abot sa limang milyong piso.Sa katunayan daang daang ektarya ngayon ng mga produkto ng mga magsasaka ang hindi na mapapakinabangan kung saan umabot na sa halos 20 milyon piso ang danyos nito. Patay on the spot ang isang Caretaker ng Globe Telco Tower matapos itong pagbabarilin ng tatlong di pa kilalang suspek sa Purok 2, brgy. Binay, Magpet, North Cotabato alas 3:15 ng hapon kahapon.Kinilala ang biktima na si Morgan Sabijon, 59-anyos, may asawa na taga Crossing Matas, Poblacion, Magpet.Ayon sa report galing umano sa isang sabong ang biktima sa nabanggit na lugar at nang pasakay na sana ito sa kanyang kulay asul na Honda XRM ay doon na siya pinagbabaril ng mga suspek.Nagtamo na tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima sanhi ng kanyang agarang kamatayan.Agad ding tumakas ang tatlong mga suspek matapos ang krimen.Narekober naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng caliber .45 pistol na posibleng ginamit ng mga suspek sa pamamaril.Blanko pa ngayon ang PNP sa motibo sa krimen habang patuloy nila itong iniimbestigahan. Hinirang ngayong No. one AM radio station ang DXND Radyo Bida Kidapawan matapos ang isinagawang survey ng Radio Research Committee ng Kapisan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP katuwang ang Kantar Media.Ang nabanggit na survey ay para makuha ang nangungunang radio station sa buong Pilipinas.Isinagawa ito noong November 23 hanggang 29 noong nakaraang taon at nitong linggo lamang lumabas ang opisyal na resulta.Mula sa isang daang prsyento nakakuha ng 81.12 percent ang DXND Kidapawan mula naman sa isang daang respondents nito habang nanatili rin sa no. one spot ang DXDM HAPPY FM Kidapawan na nakakuha naman ng 53.32%.Ang nabanggit na resulta ay patunay lamang sa patuloy na pagtangkilik at suporta ng mga totoong BIDA at Giliw sa Kidapawan City.Kasabay ng patuloy na pagbibigay ng patas at makatotohanang serbisyu sa publiko ay nakamit rin ang bagong award ng DXND ang Catholic mass Media Awards ngayong 2016 lamang.Dahil dito nais namang ibalik ng Radyo Bida at Happy FM ang serbisyong nararapat para sa mga totoong BIDA at Mga Totoong Giliw. Pamumulitika lamang umano sa kanilang matibay na liderato ang motibo sa mga kumakalat ngayong akusasyon laban sa kanila.Ito ang reaksyon ni Matalam Mayor Oscar Valdivieso na umano nagkaupo lamang sila sa kanilang opisina at hindi nila pinapansin ang sitwasyon sa mga magsasaka na tinamaan ng El Niño.Ayon pa kay Valdivieso, walang katotohanan at pawang haka-haka lamang ng kanyang mga kalaban sa pulitika ang nabanggit na mga akusasyon.Naniniwala si Valdivieso na ang kanilang mga kalabang kandidato ngayong Mayo ang nagpapakalat sa naturang issue.Nilinaw ng opisyal na palagian ang kanilang presensya sa mga brgy. para personal na makita ang implementasyon sa mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan.Bunga nito ayon pa sa alkalde ay ang mga awards na natanggap ng LGU mula sa Department of Interior and Local Government o DILG at iba pang ahensya kaugnay sa Transparency at Accountability ng LGU.

Images of floods affecting NoCot, MagSur, SulKud

COTABATO CITY - Several villages in Pikit, North Cotabato are now under water, including villages now under the Bangsamoro Special Geographic Area (...

Malacanang officials visit flood affected Maguindanao del Norte, other areas in Mindanao

COTABATO CITY - DSWD Secretary Rex Gatchalian, together with Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), arrived in the...

Floods submerge Pagalungan town hall compound

COTABATO CITY - An overnight downpour in Bukidnon and North Cotabato resulted in the flooding of Pagalungan after the Malitubog-Maridagao river...

Civilian police informer killed in illegal firearms deal sting

COTABATO CITY - An illegal gun dealer shot dead a civilian police informer and ran away after he sensed that he had sold three rifles to...

P6.8-M worth shabu seized in PDEA Lanao del Sur operation

COTABATO CITY - Agents of the Philippine Drug Enforcement Agency seized P6.8 million worth of shabu from a dealer entrapped in Barangay Western in...