Friday Apr, 12 2024 07:01:49 PM

NDBC BIDA BALITA (March 5, 2016)

 • 21:22 PM Sat Mar 5, 2016
1,342
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 05,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Dalawang pulis, sugatan sa roadside bombing sa Maguindanao2.ILANG PULIS AT SUNDALO, idedeploy
para magbantay sa mga transmission towers sa Mindanao ayon sa COMELEC

3. Mga guro na itatalaga bilang mga
election inspectors ngayong Mayo sumailalim sa pagsasanay

4. Pagpapahintulot sa earthfill
quarrying sa isang barangay ng Koronadal, ipinaliwanag ng City Environment and
Natural Resources Office

5. Carnapper patay maapos manlaban sa mga police sa Koroandal City DALAWANG PULIS SUGATAN ang sugatan matapos na sumabog ang isang bomba sa Guindulungan highway sa Maguidnanao kagabi.Kinilala ni 6th Infantry Division spokespersonCapt. Joann Petinglay ang nasugatang mga police na sina PO2 Abdulrahman Lampak at PO3 Modarie Salibo, pawang kasapi ng Guindulungan PNP.SAkay ng Mahindra police car ang pitong mga police nang mapadako sa Sitio Sawmill, Barangay Bagan, Guindulungan ay biglang sumabog ang isang improvised bomb na sinundan ng mga putok ng baril mula sa madilim na bahagi ng highway.Gumanti ang mga police at nagkaroon ng palitan ng mga putok na tumagal hanggang 40 minuto hanggang sa dumating ang mga sundalo.Nakuha sa blast site ang pira-pirasong bahagi ng IED tulad ng rifle grenade, blasting caps, mobile phone at mga pako. IPINAGUTOS na ng Commission on
Elections o COMELEC ang pagdedeploy ng mga pulis at sundalo sa mga transmission
lines, substations at power facilities sa buong bansa, partikyular sa Mindanao
para matiyak na walang magaganap na blackout sa May 2016 elections.

Partikyular na tinukoy ang mga tore ng
National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na matatagpuan sa North
Cotabato at Lanao del sur.

Batay sa Comelec Resolution no. 10067,
inatasan nito ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police ,
National Police Commission, National Electrification Administration, National
Power Corporation, Department of National Defense, Department of Interior and
Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of
Environment and Natural Resources, Department of Energy, at iba pang law
enforcement agencies sa bansa na magtalaga ng kani-kanilang tauhan para sa
seguridad ng mga transmission.

Nitong isang araw lang ay naayos na ang
pinasabogang tore ng NGCP sa Aleosan, North Cotabato na dalawang beses nang
tinangkang patumbahin mula pa noong January 14 ng taong kasalukuyan.

Inatasan din ng komisyon ang mga
nasabing ahensya na tulungan ang NGCP sa paglilinis at pagtatanggal ng mga puno
at punong kahoy sa mga tower at power infastructures.

TATLONG magkakaibang drug buy-bust operation ang inilunsad ng
Midsayap PNP sa iba't ibang barangay ng Midsayap, North Cotabato kahapon.

Nagresulta ito sa pagkahuli ng tatlong babae at tatlong lalake.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Supt. Tom Tuzon, sinuyod nila
ang Poblacion 6, Poblacion 8 at Poblacion 3 ng bayan.

Kinilala naman ni Tuzon ang mga naaresto, sa Poblacion 6 huli si
Rachell Danda alias Che-che, kilala na distributor ng illegal na droga sa bayan
at kasintahan ng isa pang drug pusher na kinilalang alias MASO.

Huli rin ang isang Marisi Quintanar at Jonathan Quevas na
nakuhanan ng maliliit na pakete ng shabu.

Ayon kay Tuzon, nang magsagawa sila ng imbestigasyon kay Danda,
ibinunyag nito na may kakausapin pa siyang alias TOTO sa isang Lodging house sa
Poblacion 8.

Nang magtungo ang Midsayap PNP sa lugar, dito nila naaktuhan si
Reynante Tamayo.

Narekober sa kanya ang isang caliber 45 na baril at ilang drug
paraphernalia.

Sa panghuli naman nilang buy-bust operation sa poblacion 3,
tuluyan narin nilang naaresto ang matagal na nilang minamanmanan na sina Marisi
Quintanar at Jonathan Quevas.

Nakuha mula sa mga ito ang ilang pakete ng shabu at iba't ibang
drug paraphernalia.

BUKAS
NA PARA pagsilbihan ang publiko ang bagong opisina ng Land transportation
office o LTO Cotabato City sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ayon
kay LTO Cotabato City Chief Papacan Pacalundo, nais nilang mapalapit ang
kanilang serbisyo sa mamamayan na malayo sa kanilang main office sa lungsod ng
Cotabato.

Isa
rin sa layunin ng LTO, Ayon kay Pacalundo, na hindi masayang ang oras at
gasolina ng mga motorista na nais magtungo sa kanilang opisina.

INATASAN na ni Pangulong
Benigno Aquino ang Western Mindanao Police na paigtingin at palalimin ang
imbestigasyon sa tangkang pagpatay sa Saudi preacher na si Dr. Aaidh Abdullah
al-Qarni at religious attaché na si Sheik Turki Assaegh sa Zamboanga City.

Sinabi ni DILG Secretary Mel
Sarmiento, mahigpit na ipinagutos ng Pangulo na alamin ang buong katotohanan sa
tangkang pamamaslang sa dalawang biktima.

Una nang lumabas ang mga
espekulasyon na may kinalaman umano sa Islamic State dahil nasa hit list umano
ng grupo si al-Qarni sa hindi pa malinaw na dahilan.

Una ng sinabi ni Zamboanga
City police spokeperson Chief Supt. Helen Galvez na bumuo na sila ng Special
Investigative Task Group para tumutok sa kaso. Nagpaalala
ang Bureau of Internal Revenue sa mga kandidato sa eleksyon na hindi exempted
sa buwis ang mga hindi nila nagastos na campaign funds mula sa mga donasyon at
kontribusyon.

Sinabi
ni BIR Commissioner Kim Henares na sa ilalim ng kanilang regulasyon, kailangan
magastos ng kandidato ang campaign donation para ma-exempt sa buwis.

Samantala,
ang mga hindi nagamit na campaign contribution na hindi isinauli sa donor ay
kailangang bayaran ang income tax at ideklara sa ihahaing ITR ng kandidato.

Dapat
rin umanong ideklara sa isusumiteng statement of contribution and expenditures
o SOCE ng kandidato sa Comelec ang mga naturang unspent campaign donation.

Dagdag
pa ni Henares, mahaharap sa tax evasion case ang sinumang kandidato, nanalo man
o hindi, kapag nabigo silang ideklara ang nasabing campaign funds bilang income
at hindi binayaran ang karampatang buwis.

Gayunpaman
may opsyon pa rin ang kandidato na isoli sa donor ang hindi nito nagamit na
campaign fund para hindi mapatawan ng buwis. Nasawi ang isang suspected karnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Koronadal City.
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Marlon Sumagaysay alyas Balong”,trenta’y kwatro anyos at residente ng Purok Kings, Barangay General Paulino Santos sa lungsod.
Ayon kay Condes sa halip na sumuko ng maayos sa mga kasapi ng Koronadal City PNP at Highway Patrol Group ng South Cotabato PNP, pinaputukan sila ng suspek.
Ang suspect na si Suymagaysay ay nasawi dahil sa tama ng bala ng baril sa kanyang tiyan ng gumanting mga pulis.
Ayon kay Condes si Sumagaysay ay matagal ng wanted dahil sa kasong karnapping.
Ang dalawa naman nitong mga kasamahan ayon sa police official ay nakatakas.
Ipinahayag ni Condes na isinagawa nila ang patugis sa mga suspek nang magsumbong sa mga pulis ang isang Reynaldo Cayetano na inagawan nila ng kanyang minamanehong tricyle sa Agreville Subdivision, barangay Sto. Nino ..
Sa kanilang follow up operation,namataan ng mga pulis ang tricyle ni Cayetano na may temporary license plate 112609 sa General Santos Drive dakong alas onse kagabi.
Narekober ng mga pulis sa lugar ang isang 38 revolver, at dalawang basyo ng 45 pistol.
Kinumpirma di ni Condes na si Sumagaysay ay matagal nang wanted dahil sa kasong carnapping.
Siya din bang itinuturong suspek sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa Koronadal City Binigyan ng certificate to quarry ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO at City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang Barangay Mambucal.
Ito ay sa kabila naman ng mariing pagbabawal ng earthfill quarying sa Koronadal City.
Paliwanag ni CENRO officer Agustus Britania, maaring payagan ang earthfill quarrying, kapag ito ay kapaki-pakinabang sa nakararami.
Ayon kay Britania, kailangan ang earth fill quarrying sa pagpapalawak ng daan sa Mambucal.
Kinumpirma ni Britania na para ito maisagawa, kailangang tapyasan ng limang metro ang may dalawang metrong bahagi ng bundok na nasa gild ng main road ng Mambucal.
Nilinaw din ni Britania na ang planong ito ng mga barangay officials ng Mambucal ay pinahintulutan din ng Provincial Mining and Regulatory Board at Mines ang Geosciences Bureau o MGB ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Naging modus na ng ilang mga kababaihan sa Koronadal City na mag-alok ng panandaliang aliw kapalit ng droga.
Ayon kay Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes, ito ay ikinababahala ngayon ng pulisiya.
Ipinahayag ng Police Official na dahil sa pagkakalulong sa illegal na droga, may mga kababaihan sa Koronadal na napipilitang mag-alok ng panandaliang aliw kapalit nito.
Ito ayon kay Condes ay inamin mismo ng ilang sa mga kababaihang nahuli sa anti illegal drug operation ng mga pulis.
Ikinababahala rin ng police official ang pagdami ng mga kababaihan sa Koronadal City na sangkot sa illegal na droga.
Ayon kay Condes tuloy pa rin ang pagpapaigting ng One Time Big Time”, o pagtugis sa mga drug user at pusher sa South Cotabato. Inirekomenda na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC ang pagdeklara ng state of calamity sa Koronadal City.
Ito ang napagkasunduan ng mga myembro ng CDRRMC sa kanilang pinakahuling pagpupulong kahapon.
Lumabas sa datus ng CDRRMC na lapin pito na sa dalawamput pitong mga barangay ng Koronadal City ang apektado ng El Nino Phenomenon.
Sa katunayan ayon kay CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano, lima sa mga ito ay nagdeklara na ng State of Calamity.
Ang dry spell ay nakaapekto na rin sa mahigit sampung libong mga magsasaka sa Koronadal City.
Layon ng pagdeklara ng State of calamity ay upang magamit ng city government ang tatlumpung porsyento ng Quick Response Fund ng lungsod para pantulong sa mga mamamayang apektado ng tagtuyo’t.
Ayon sa ilang mga bidang mamamayan sa Barangay Magsaysay na nakausap ng NDBC Koronadal, maging ang kanilang mga alagang aso ay ibinebenta na rin nila .
Ito ay para may pambili man lang bigas at makatawid sa matinding epekto ng dry spell.
Ang pagdeklara ng State of Calamity sa buong Koronadal ay posibleng tatalakyin ng Sangguniang Panglungsod sa kanilang session sa Lunes.
Nagpapagaling pa ngayon sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang misis matapos mabiktima ng pananaga sa Koronadal City.
Ang biktimang si Joan Muca, biente sais anyos na residente ng Sitio Mani, Barangay Topland, Koronadal City ay maswerteng nakaligtas, sa kabila ng mga taga na natamo nito.
Sa panayam ng Radyo Bida Koronadal, kinilala ng mister ni Joan na si Rolly Muyca, trenta’y uno anyos ang suspek na tumaga sa kanyang misis na si Roman Gubal.
Ayon kay Rolly, napagbuntungan ng suspek ang biktima na pumagitna sa away nilang magasawa kamakalawa ng gabi.
Nabatid na ang biktimang si Joan ay tiyahin din ng asawa ng suspek na si Gubal.
Ipinahayag ni Rolly na tila hindi nagustuhan ng suspek ang pangingialam sa kanila ng biktima kaya niya ito tinaga.
Sinubukan pa ng biktimang si Joan na tumakbo ngunit siya ay naabutan din ng suspek at pinagtataga ng karit na mas kilala sa tawag na lagaraw, ang kanyang ulo, paa at kamay.
Tumakas naman agad ang suspek na si Gubal matapos gawin ang krimen.
Desisidido naman mister ng biktima na magsapa ng kaso laban sa suspek na si Gubal.
Nakakita ng probable cause o sapat na dahilan ang Ombudsman upang kasuhan si dating South Cotabato second district representative at Governor Arthur Pinggoy Jr. Pinggoy ay kabilang sa limang mga dating opisyal ng gobyerno na mahaharap sa iba’t ibang kaso.
Kabilang dito ang Paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Malversation of Public Funds, at Direct Bribery. Pinggoy ay inakusahang tumanggap ng 7.05 million pesos kick back mula sa bogus na Non Government Organization o NGO ni Janet Napoles. Inakusahandin ang dating opisyal ng illegal na pag release ng Priority Development Assistance Fund o PDAF na umaabot sa 20.91 million pesos.
Ang pondo ay ginamit umano sa farm implements , livelihood materials at training”, na ayon sa Ombudsman ay pawang mga ghost project.
Kasama ni Pinggoy sa inirekomenda ng Ombudsman na sampahan ng kaso ang dating mga kongresista na sina March Douglas Cagas ng unang distrito ng Davao del Sur at Rodolfo Valencia ng unang distrito ng Davao Oriental.
Pinakakasuhan din ng Ombudsman sina dating representative Rozzano Ruffy” Biazon ng Muntinlupa City at Arrel Olano ng unang Distrito ng Davao del Norte.
Sa text message na ipinadala nito sa Radyo Bida Koronadal, ipinahayag ni Pinggoy na hindi pa ito nakatanggap ng kopya ng desisyon ng Ombudsman.
Si Pinggoy ay kumakandidato bilang kongresista sa ikalawang distrito ng South Cotabato sa May 9 election.
Makakatungali nito sa incumbent congressman Ferdinand Hernandez. Nasa kustodiya na ngayon ng Matalam PNP ang primary suspek sa pamamaril sa pamilya Cabaya kung saan tatlo ang patay at dalawa ang sugatan nito noong nakaraang lunes sa brgy. Bangbang Matalam, North Cotabato.Ang suspek ay kinilalang si Rolly Pamplona na taga brgy. Bangbang, Matalam din.Sinabi ni Sr. Ins. Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP dahil na rin sa tulong ng Antipas at President Roxas PNP ay agad nilang nahuli ang suspek.Una rito alas onse ng umaga noong February 29 nang makatanggap ng tawag ang PNP sa umano nangyaring pamamaril sa lugar.Una na ring ibinunyag ni Brgy. Bangbang Chairperson Adriano Nicor, na galing brgy. Hall ang pamilya Cabaya matapos kinuha ang bayad sa umano sinanglang lupa sa kanila na nagkakahalaga ng 50 thousand pesos.Nabatid na ang itinuturong suspek na si Rolly Pamplona ay kapatid ng katransakyon ng pamilya Cabaya na si Rene Pamplona.Boluntaryo namang lumapit si Rene Pamplona sa PNP para patunayang wala itong kinalaman sa krimen at nag negatibo naman ito sa Paraffin test na isinagawa sa kanya.Ngayon ang suspek na si Rolly Pamplona ay nahaharap sa patong patong na kaso katulad ng Robbery with multiple homicide, frustrated Homicide, at attempted homicide in relation to RA 7016.Patuloy ngayong nagpapagaling sa pagamutan ang dalawang miembro ng pamilya Cabaya habang tinutugas naman ng PNP ang dalawang suspek na sangkot rin sa nabanggit na krimen. Anumang araw mula ngayon ay magsasagawa ng isang pagpupulong ang Polution Committee ng Kidapawan City Health Office.Ito ay para pagusapan ang reklamo ng ilang mga residente ng Apo Sandawa Phase 2, brgy. Poblacion, Kidapawan City kaugnay sa masangsang umanong amoy mula sa Dressed Chicken Business sa nabanggit na lugar.Sinabi ni City Heath Officer Joy Incienzo, magsasagawa ng pagpupulong ang komite para malutas ang maaksyunan na ang matagal nang idinadaing ng mga residente sa lugar.Ang komite ay isang inter-Agency initiative sa ilalim naman ng City Envionment and Natural Resources na siyang responsable sa naturang usapin.Una nang inieklamo ng mga residente ang masangsang na amoy ng tubig mula sa isang bahay na nagnenegosyo ng Dessed Chicken sa nabanggit na lugar. Nagtapos na kahapon ang unang batach ng mga estudyante ng Nutrition School on-the-air sa ilalim ng National Nutrition Council o NNC Region 12 katuwang ang Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC na napakinggan naman sa DXND Radyo Bida at DXOM Radyo Bida Koronadal.Sa loob ng sampung araw nilang klase napapakinggan lamang nila on air ang kanilang mga lectures kaugnay sa pagtataguyod ng Healthy Active Lifestyle at Proper Nutrition.Napag-aralan rin ng mga estudyante na nagmula pa sa ibat-ibang bayan ng North Cotabato ang sampung Nutritional Guidelines for Filipinos.Sa pamamagitan ng kanilang pagtetext araw araw ay doon ibinase ang kanilang attendance at grado sa pamamgitan rin ng ON AIR QUIZZES.Kahapon pormal na nagtapos ang 21 estudyante na may edad mula 15 hanggang 50 taong gulang.Si Vanessa Awe naman na 17 taong gulang ang ideneklarang First Honor sa naturang klase.Kaugnay nito, naging bisita rin si Danica Pearl Aurela, Nutrition Officer 1 ng NNC 12 na mismong nag-abot sa mga certificates at token para sa mga nagtapos na estudyante.Ibininuyag ni Aurela na may kasunod pa silang kaperahang programa at hinikayat nito ang publiko na makiisa at subaybayan ang nabanggit na programa.Posible namang iimplementa ang Second Batch ng Nutrition School on-the-air sa DXND Radyo Bida ngayong darating na Hunyo. Unti-unti nang naisasakatuparan ang mithiin ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na gagawing One STOP Government Transaction Center ang lungsod.Ito matapos inagurahan rin kahapon ng City Government ang National Bureau of Investigation o NBI Satellite Office sa pangunguna ni NBI Regional Director Atty. Augosto Isidoro na matatagpuan sa loob ng compound ng Overland terminal.Dito pinasalamatan ni Isidoro ang pagpupursige ni Evangelista na maitayo ang nabanggit na opisina.Malaking tulong ito ayon pa sa opisyal na mapalapit ang serbisyo ng NBI sa mga taga North Cotabato at sa mga kalapit probinsiya tulad ng Sultan Kudarat at General Santos City.Ngayong lunes magiging full operational na ang NBI na handang tumanggap ng abot sa dalawang daang aplikante kada araw.Magbubukas ito mula alas otso ng umaga ng hanggang alas kwatro ng hapon lunes hanggang biyernes. Samantala ibinunyag naman ni Evangelista na matapos ang pagtatayo ng NBI Satellite office ay ang plano namang paglalagay ng Satellite office ng Department of foreign Affairs o DFA, Bureau Of Immigration, Philippine Overseas Employment Agency o POEA at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA office.Plano itong itayo sa loob pa rin ng Overland terminal ng lungsod.Ang nabanggit na inisyatiba ay makakatulong rin sa mga taga transports sector at maging ang mga vendors sa loob ng terminal.VC- JAESi Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista. SUMAILALIM sa dalawang araw na training ang ilang mga guro sa mga pampublikong paaralan na itatalaga bilang mga Board of Election Inspectors o BEIs sa halalan ngayong a-9 ng Mayo sa North Cotabato.
Pinangunahan ng Commission on Elections o Comelec provincial office sa North Cotabato ang pagsasanay na isinagawa sa bayan ng Kabacan.
Sa Kidapawan City, abot sa 76,000 ang mga naka-rehistrong botante na inaasahang lalahok ngayong Mayo.
Ang bawat polling precinct sa eleksyon ay may tatlong mga BEI.
Partikular na sinanay ang mga guro sa operasyon ng Precinct Count Optical Scanning o PCOS machines na gagamitin sa automated elections.
Kaugnay nito, tiniyak ng Comelec na gumagana ang mga PCOS machines kahit pa panahon ng brownout.
Ngayong March 26 na ang simula ng kampanya para sa mga lokal na posisyon, magmula sa pagiging kongresista, hanggang sa pagiging konsehal sa bayan o sa lungsod.
NDBC BIDA BALITA

SACLEO: PRO-12 arrests 71 wanted persons, seizes P1.5-M shabu

KORONADAL CITY – Seventy-one wanted persons with warrants of arrest issued by various local courts were arrested during the daylong Simultaneous...

Supporters of DavNor Gov. Jubahib blocked capitol

DAVAO CITY - Supporters of Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib continued barricading the gate of the provincial capitol against the police who handed...

Lalaki, naaresto ng PNP sa paglabag sa election gun ban sa Pigcawayan, North Cotabato

COTABATO CITY - Inaresto ng PNP ang isang 25-anyos na lalaki matapos lumabag sa ipinatutupad na Comelec gun ban sa Castor Street, Brgy. Poblacion 2,...

PDEA-12 agents seize P178K worth of MJ-flavored vapes in GenSan

KOROANDAL CITY - Fifty-one vape cartridges containing suspected marijuana oil were confiscated from three drug personalities in a buy-bust operation...

Cotelco announces scheduled power service interruption

KIDAPAWAN CITY - The Cotabato Electric Cooperative (Cotelco) today announced the scheduled power interruption on Friday, April 12, affecting this...