Friday Apr, 19 2024 04:58:45 AM

NDBC BIDA BALITA (March 8, 2016)

 • 19:34 PM Tue Mar 8, 2016
1,651
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 08,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Mindanao Star bus driver, pasahero, patay sa ambush sa Pikit, N. Cotabato2. Suspendidong mayor sa Lanao Sur, pinababalik na sa pwesto ng DILG.3. Koronadal City Vice Mayor na sinuspende ng Supreme Court, nagsalita at nagpaliwanag

3. KASO ng sunod-sunod na pagkamatay ng
mga manok, naitala sa Kidapawan City

Patay on the spot ang driver habang sa pagamutan na binawian ng buhay ang isang pasahero ng Mindanao Star matapos pagbabarilin sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.Kinilala ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO spokesperon Supt. Bernard Tayongang nasawi na si Ticson Lapedsing Tigas,33- anyos, may-asawa na taga Pagagawan, MDatu Montawal, Maguindanao at Magdalina Chaves Cabaya, 44-anyos na taga Midsayap, North Cotabato.Habang sugatan naman sa pamamaril ang retiradong miyembro ng Philippine Army na si Mohammad Piling ng bayan ng Pikit.Ayon sa report, patungong Cotabato City ang naturang bus at pagdating nila sa harapan ng National Irrigation Administartion Office sa brgy. Batulawan ay doon na sila pinagbabaril ng mgga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.Dahil sa tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan mabilis na binawian ng buhay ang dalawa habang nagpapatuloy ngayong nagpapagaling sa Cruzado Hospital si Piling.Sa imbestigasyon ng pulisya, bago pa nalagutan ng hininga ang driver na si Tigas ay nagawa pa nitong ibangga ang minamanehong bus sa sinusundang dumptruck.Blanko pa ngayon ang PNP sa pagkakakilanlan sa mga suspek habang patuloy nilang iniimbestigahan ang nabanggit na insidente BINIGYANG-DIIN ngayon ni Department of
the Interior and Local Government - Autonomous Region in Muslim Mindanao o
DILG-ARMM Sec. Anwar Malang na dapat ay bumalik na sa kanyang trabaho bilang
alkalde ng Balabagan, Lanao del sur si Edna Ogka-Benito.

Ito ay dahil sa inilabas na 60 DAYS
Temporary Restraining Order o TRO with STATUS QUO ANTE-ORDER sa suspension
order ng alkalde mula sa 22nd Division ng Court of Appeals na epektibo noon
pang February 2.

Paliwanag ni Malang, unang naglabas ng
anim na buwang suspension order ang ombudsman para kay mayor Benito matapos ang
inihaing reklamo ni Nasser Disalongan na hindi siya nakatatanggap ng kanyang
buwanang sahod bilang ABC President ng naturang bayan.

Dahil dito, pansamantalang itinalaga
bilang acting mayor ng Balabagan si Vice Mayor Quirino Sampiano habang inaapela
ni Benito ang kanyang suspension order.

Pero sabi ni Malang, ngayong may TRO
WITH STATUS QUO ANTE-ORDER para kay Benito mula sa Court of Appeals na
nagbibigay pahintulot kay Benito na muling maupo bilang mayor, ay ayaw namang
bumaba sa pwesto ni vice Mayor Sampiano bilang acting mayor ng bayan.

Samantala, mula noong linggo hanggang ngayong
araw, binigyan ng DILG-ARMM ang kampo ni Sampiao ng pagkakataon na magtungo sa
court of appeals para mag-validate hinggil sa TRO.

Nabatid na kasalukuyang sa bahay na
lamang ginagampanan ni Benito ang kanyang tungkulin upang maiwasang lumala pa
ang sitwasyon.

Nilinaw din ni Malang na
sakaling mapaso ang 60 araw na TRO at hindi makakakuha ng panibagong TRO ang
kampo ni Benito, ay suspendido muli ito.

Nabatid na hanggang ngayon ay wala pa ring
sagot ang kampo ni Sampiano hinggil sa isyu at wala pa rin itong pahiwatig na
magbibigay-daan kay Benito na maupong muli bilang alkalde ng Balabagan.

Dead
on arrival sa pagamutan ang isang lalaki matapos pagbabarilin pasado alas sais kagabi
sa Block 13, Barangay Rosary Heights 8, cotabato city.

Kinilala
ang biktima na si Datu Ali Tayuan Kamaong, 31 years old, at residente rin ng
naturang lugar.

Batay
sa inisyal na imbestigasyon ng City PNP, naghahapunan si kamaong kasama ang kanyang
pamilya nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at tinawag ito.

Paglabas
ng bktima sa kanilang bahay ay bigla na lamang siyang pinagbabaril ng suspek.

Nagtamo
ng maraming tama ng bala sa katawan si Kamaong at mabilis namang tumakas ang
suspek patungong Block 19.

Narekober
ng mga otoridad sa crime scene ang anim na empty shells ng cal. 45 pistol na ginamit
ng suspek sa pamamaril.

Personal
grudge ang nakikitang motibo ng mga imbestigador sa naturang pamamaril. HULI
ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng ipinagbabawal na gamot sa Midsayap,
North Cotabato.

Kinilala
ng Midsayap PNP ang mga naaresto na sina Emilio Ben Surto, habal-habal driver
na taga-Barangay Polomogin, Midsayap at Daryl Aboro, 22 years old na taga barangay
Poblacion Otso ng naturang bayan.

Sakay ng
itim na SkyGo motorcycle na walang licensed plate ang mga suspek nang pinigil
at sitahin ng mga sundalo mula sa 38th Infantry Battalion sa isang
checkpoint sa Crossing Kapinpilan.

Walang
naipakitang driver’s license ang mga suspek at nang kapkapan ay nakuha mula sa
kanilang ang isang maliit at isang malaking sachets ng Shabu, at mga drug
paraphernalia.

Sa
ngayon ay nakakulong na sa lock up cell ng Midsayap PNP ang mga naarestong suspek.

NAGBABALA
ngayon ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF hinggil sa Islamic
State o IS terror group na nagbabadyang pumasok sa Pilipinas para bumuo ng kanilang sangay dito.

Ayon
kay MILF chair Murad Ebrahim, simula nakaraang taon ay hinihikayat na ng IS ang
kanilang mga taga-suporta sa Mindanao na umanib sa kanila, lalo’t bigong maipasa
ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ngunit
hindi lamang ito natutuloy at napipigilan lamang nila ang mga taga-suporta ng
IS dahil sinasabi nila na mas mabuting solusyon ang kasunduan na kanilang
pinirmahan kasama ng pamahalaan noong 2014.

Gayunpaman,
nababahala si Murad dahil maaring samantalahin ng IS at iba pang extremist
groups ang pagkadismaya ng mga kasapi ng rebeldeng grupo dahil sa na-udlot na
BBL.

Kamakailan,
ilang mga armadong lalaki aniya ang nanumpa ng katapatan sa IS at
nakipagbakbakan sa mga sundalo sa Lanao del Sur na ikinasawi ng tatlong mga sundalo
at 24 na iba pa.

PINARANGALAN
ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga sundalong nakipag bakbakan sa
mga miembro ng Maute terror group sa Butig, Lanao del Sur.

Personal
na iginawad nina AFP Chief of Staff Gen. Hernando Irriberri, Philippine Army Chief
Lt. Gen. Eduardo Año at Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Mayoralgo
dela Cruz ang mga medalya ng kagitingan sa mga sundalo nang bumisita ang
naturang mga opisyal sa Marawi City.

Ayon
kay AFP Public Information Office Col Noel Detoyato, 20 mga sundalo ang
pinarangalan, at ang lima sa kanila ay nakatanggap ng gold cross medal.

Ito ay
sina Capt. Baltazar Marcos Jr., 1Lt. Ariel Bulagao, 2nd Lt. Jesus
Reyes Jr., Sgt. Rogelio Abuan at Cpl. Efren Manicad.

Nakatanggap
naman ng silver cross medal, bronze cross medal at military merit medal ang
labing lima pang mga sundalo.

Sabi
ni Detoyato, ang parangal sa mga sundalong ito ay bilang pagkilala sa kanilang
tapang sa pakikipag digma sa mga miyembro ng Maute group. NAKA-ISKOR na namang muli ang Criminal Investigation and Detection Team o CIDT kontra criminal matapos mahuli nila ang number 10 most wanted person sa bayan ng President Roxas, North Cotabato.
Kinilala sa report ang akusado na isang Elmo Catolico ng Barangay Alegria, President Roxas.
Ayon sa CIDT, siyam na taong nagtago sa batas si Catolico.
May kaso ito’ng illegal possession of firearm na isang paglabag sa Republic Act 1866.
Ang pag-aresto kay Catolico ay sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Jose Tabosares ng 6th Municipal Circuit Trial Court ng President Roxas-Antipas-Arakan na noon pang August 28, 2006 naipalabas.
Kasama ng CIDT sa pag-aresto sa suspect ang ilang mga elemento ng 45th SAC, 4th SAB, PNP-SAF, at RPSB-12.
Si Catolico ang ikalawa sa most wanted person sa buong North Cotabato ang nahuli ng mga pulis, simula nito’ng Marso.
Ang una ay isang may dalawang kaso ng frustrated homicide na nahuli sa Davao City nito’ng Biyernes.
Kapwa nasa kustodiya ng CIDT ang mga most wanted person.
NDBC BIDA BALITA PANSAMANTALANG nakisilong sa isang Eskwelahan sa Purok Habitat sa Barangay Sudapin sa Kidapawan City ang pitong pamilya na nawalan ng bahay matapos maabo dahil sa sunog, alas-dos ng hapon ng Lunes.
Kabilang sa mga nasunugan sina Lilibeth Diez at Mely Diez at mga residente ng Purok Habitat na may pangalang Giovanni Aling Precing Diding at isang nagngangalang Nining.
Kwento ng isang fire victim, nagsimula ang sunog sa pamilya Santos. Iniwanan raw ang bahay na walang tao. Nang magliyab, kumalat ang apoy sa katabing mga bahay.
Napakabilis ng pagkalat ng apoy dahil ang mga bahay ay yari sa light materials at ang iba, kahalating semento. AMIMADO ang mga firefighters na hirap sila’ng makapasok sa Purok Habitat.
Maliban kasi sa napakakipot ng daan ay nagsisiksikan pa sa kalsada ang ilang mga Sasakyan at ayaw magbigay ng espasyo para sa mga firetrucks. ANG HOUSE FIRE sa Purok Habitat ang kauna-unahan sa Kidapawan City ngayong buwan ng Marso.
Kung mayroon mang sunog na naganap nito’ng nakaraang mga ilang araw, karamihan dito mga grass fire dahil na rin ng init ng panahon o sa nararanasang El Nino.
NDBC BIDA BALITA Muling nagpaalala ang Commission on Elections o COMELEC sa mga local candidates sa Kidapawan City kung ano ang mga bawal gawin sa panahon ng pagsisimula ng kampanya sa March 26, 2016.Ipinaliwanag ng Comelec kasabay sa Local Candidates Briefing at Signing of Peace Covenant kahapon ang mga nilalaman ng Fair Elections Act o RA 10049 sa mga kandidato pagka alkalde, bise alklade, at Councilors para sa patas at maayos na halalan sa Mayo 9. Sinabi ni City Comelec Supervisor Atty. Myla Luna may limitasyon raw ayon pa sa batas ang pangangampanya ng mga kandidato.Ilan lamang dito ay ang angkop na sukat ng campaign poster, pagsunod sa mga itinakdang common poster areas, pagbabawal sa paggastos ng labis sa pangangampanya, pagdedeklara ng pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nagbigay ng financial support sa kampanya ng kandidato, pagbabawal sa vote buying tagal ng campaign jingle sa mga himpilan ng radyo o telebisyon at iba pang mga isinasaad ng RA 10049.Ipinaalala ng Comelec na tatlong piso lamang ay budget ng mga local candidates na may partido sa bawat botante sa local elections samantalang limang piso naman para sa independent candidates. Ito ay sa kadahilanang may sapat na makinarya ang mga lokal na kandidato na kasapi ng mga partido kumpara sa mga independent candidates.Dapat ding ipaalam ng mga kandidato sa Comelec kung kailan nila isasagawa ang kanilang rally bilang pagsunod sa batas.Nagbabala naman ang Comelec na babaklasin nila ang mga poster at campaign materials na hindi nakalagay sa mga itinakdang common poster areas.Hinikayat din naman ng ahensya ang mga local candidates na mangampanya gamit ang Facebook o ilang social media sites sa Internet basta sumusunod lamang sa patakaran ng Fair Elections Act. Kaso ng pagkamatay ng mga manok, naitala sa Kidapawan CityIlang kaso na nang pagkamatay ng mga manok ang naitala sa ibat-ibang barangay sa Kidapawan City.Sinabi ni City Veterinarian Dr.Eugene Gornez kabilang ang mga barangay ng Sudapin, Ilomavis at Balabag sa mga unang lugar na may kaso ng chicken deaths.Gayunpaman, wala pang maibigay na kompletong bilang ang doktor dahil hindi pa raw niya natatanggap ang kabuuang ulat mula sa mga barangay official sa mga barangay sa Kidapawan City.Pero tiniyak ni Gornez na walang dapat ipangamba ang mamamayan ng lungsod dahil minimal pa naman daw ang mga naitalang kaso ng pagkamatay ng manok.Ayon pa sa opisyal, maaaring ang pabago-bagong lagay ng panahon ang naging sanhi ng paghina ng resistensiya ng mga alagang manok at nauwi sa pagkamatay ng mga ito.Pinawi naman ng doktor ang mga agam-agam ng marami, na posibleng nakarating na sa Kidapawan City ang Newcastle virus na pumatay naman sa libu-libung manok sa National Capital Region.

MSSD-BARMM condemns attack against lady employees; PRO-BAR offers P100K reward for info on attackers

COTABATO CITY  - The Ministry of Social Services and Development (MSSD) in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) has...

2 patay, tatlo sugatan sa salpukan ng fish car, Mazda pick-up at prime mover sa Tupi

KORONADAL CITY - Dalawa ang patay at tatlo agn sugatan sa vehicular crash sa national highway sa bayan ng Tupi kaninang madaling araw na...

Babaeng kawani ng Maguindanao Norte provincial social welfare office, patay sa ambush, kasama sugatan

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Patay ang isang babaeng kawani ng Municipal Social Welfare Office o MSWO ng Datu Odin habang sugatan ang...

Drought-stricken Basilan declared under state of calamity

COTABATO CITY - The Sangguniang Panlalawigan in Basilan placed the entire province under a state of calamity in a session on Wednesday due to...

Surallah isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Surallah, South Cotabato. Ito ay sa pamamagitan ng resolusyon na inaprubahan ng Sangguniang Bayan...