Wednesday Apr, 24 2024 11:55:38 AM

NDBC BIDA BALITA (March 9, 2016)

 • 19:16 PM Wed Mar 9, 2016
1,497
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MARCH 09,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Social worker patay, dentista sugatan sa Kidapawan highway accident.2.LABORER PATAY, pulis sugatan sa
magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Cotabato city kahapon.

3. Motibo sa pamamaril sa driver ng Mindanao
Star Bus sa Pikit, North Cotabato, tukoy na ng PNP.

4. Isa namang insidente ng sunog,
naganap sa Koronadal City

Patay ang isang 35-anyos na social worker habang sugatan naman ang drayber na kasama nito makaraang mawalan ng control ang sinasakyan nilang kotse sa harap ng North Valley College Foundation sa Brgy. Lanao, Kidapawan City ala 1:20 ng madaling araw kahapon.Kinilala ng mga rumespondeng 911 ng Kidapawan City ang nasawi na si Ryan Monta Saniel habang sugatan naman si Raymond Saniel Dafielmoto, 30-anyos, isang dentista at kapwa residente ng Barangay Balindog, Kidapawan City.Ayon sa report, sakay ang dalawa sa isang Honda fit pero pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang nawalan ng preno ang kanilang sinasakyan at nagresulta sa pagkakataob at tumilapon ito sa kabilang linya ng daan.Dahil sa insidente, sugatan ang dalawa na mabilis na isinugod sa pagamutan pero ideneklarang dead on arrival sa ospital si Ryan Saniel.Paalala ngayon ng mga otoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho para makaiwas sa disgrasya. KRITIKAL pa rin ang kondisyon at
patuloy na ginagamot sa ospital ang isang pulis na biktima ng pamamaril sa
Cotabato city.

Naganap ang pamamaril sa biktimang si
PO1 Sajid Dalid Mua ng police station 4 pasado ala-una ng hapon kahapon sa Bubong
Road, Baranggay Datu Balabaran ng lungsod.

Pauwi na sana si Mua mula sa trabaho
nang pagbabarilin ng dalawang di pa nakikilalang mga suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa
iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima, mula sa cal. 45 pistol.

Samantala, dead on the spot ang isang
laborer matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek pasado alas singko ng
hapon kahapon sa Purok Bonsain, Brgy. Datu Balabaran, Cotabato city.

Kinilala ang bktima na Mongan Abdullah
Alon, 40 years old.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng
City PNP, pinapanday ni Alon ang bahay ng kanyang kaanak sa lugar nang lapitan
at pagbabarilin ng nag iisang suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala mula
sa M16 rifle si Alon sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad
ang motibo sa naturang mga insidente ng pamamaril sa lungsod.

DALAWANG MAGKASUNOD NA INSIDENTE na
naman ng pagnanakaw ang nangyari sa Cotabato city kahapon.

Unang dumulog sa City PNP si PO3 Abas
Tumabas Kudarat ng PNP-ARMM matapos na pasukin ng kawatan ang kanilang bahay sa
Purok Pagalungan, barangay Bagua Uno ng lungsod, pasado ala una ng madaling
araw.

Sabi ni Kudarat, Naaktuhan ng kanyang
misis ang kawatan habang tumatakas.

Namukhaan ng kanyang misis ang kawatan
at kinilalang si Farouk Kaise.

Natangay ni Kaise ang isang unit ng
Lenovo cell phone na nagkakahalaga 12 thousand pesos, isang unit ng Samsung
GALAXY cell phone na nagkakahalaga ng 15 thousand pesos, tool box at cash na
3,500 pesos.

Sumunod namang nagsumbong sa pulisya isang
empleyado ng DPWH ARMM na si Rasul Salido, taga-Espino, barangay Bagua Dos ng
lungsod.

Ayon sa biktima, pasado alas dos ng
hapon kahapon nang pinasok ng mga kawatan ang kanyang bahay.

Natangay
ng mga magnanakaw ang kanyang cash na 10 thousand pesos, mga damit na
nagkakahalaga limang libong piso at mga alahas na aabot din sa limang liobng
piso ang halaga.

Kasunod
nito ay muling nagpa-alala ang City PNP sa mga residente ng lungsod na huwag
maging kumpiyansa at laging bantayan ang kanilang mga bahay. BALIK NA NGAYON
SA NORMAL ang sitwasyon ng lokal na pamahalaan ng Balabagan, Lanao Del Sur.

Kinumpirma ni
Department of the Interior and Local Government ng Autonomous region in Muslim
Mindanao o DILG-ARMM Sec. Anwar Malang sa DXMS Radyo Bida na nakabalik na sa
serbisyo bilang alkalde ng bayan si Mayor Edna Ogka-Benito.

Ayon kay
Malang, nilisan na ni Vice Mayor Quirino Sampiano ang kanyang posisyon bilang
acting mayor ng Balabagan upang bigyang daan ang 60-DAY Temporary Restraining Order
o TRO WITH STATUS QUO ANTE-ORDER na inilabas ng 22nd division ng Court of Appeals
para kay Benito.

Ito ang
pansamantalang nagpawalang-bisa sa 6 months suspension order ni Benito at
nagbigay-daan para muling makabalik sa trabaho ang alkalde.

Sabi ni
Malang, bawat kampo ay may kopya na naturang kautusan ng korte.

Una rito, hindi
agad nakabalik bilang alkalde ng bayan si Benito matapos na kwestyunin ni
Sampiano ang TRO na inihain ng DILG ARMM.

Gayunman, binigyan
ng DILG ARMM ang kampo ni Sampiano na beripikahin ang TRO kaya humupa ang
tensyon sa magkabilang kampo. DEAD ON THE SPOT ang isang magsasaka
matapos pagbabarilin pasado alas sais kagabi sa Quezon avenue, Purok Usman, barangay
Pob. 7, Cotabato city.

Kinilala ang biktima na si Akmad
Kadil Usop, 58 years old, residente rin ng naturang lugar.

Sa report ng City PNP, naglalakad
lang si Usop sa Quirino bridhe nang lapitan ng dalawang di pa nakikilalang mga
suspek na nakasakay ng kulay asul na honda wave motorcycle at bigla siyang
pinagbabaril.

Pero nagmintis ang mga suspek
kaya nakatakbo pa si Usop.

Gayunman, hinabol pa rin ito
ng mga suspek hanggang sa abutan siya sa sa unahan ng tulay at muling binaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa
ulo ang bktima dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ngkataon namang nagbabantay ng
kanyang tindahan si Empamil Sampangan, isang kasapi ng Traffic Management Unit
kaya tinamaan ito ng ligaw na bala sa braso.

Narekober sa crime scene ang
isang bala ng cal. 45 pistol.

Sa ngayon ay inaalam pa ng
City PNP ang motibo sa naturang pamamaril. Bukas na muli para sa mga turista ang Lake Holon, sa bayan ng T’boli, South Cotabato ilang buwan matapos itong ipasara ng lokal na pamahalaan.
Pinayagang na umakyat sa lawa ang mahigit pitumpung mga trekker noong Marso a singko.
Dumaan ang karamihan sa mga ito sa mas mahirap na trail ng Sitio Kule kesa sa Sitio Nabo Trai.
Matatandaan na pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalaan ng T’boli ang Lake Holon noong Enero.
Layon nito na mabigyan daan ang rehabilitasyon ng lawa.
Ayon kay T’boli Municipal Tourism Officer Rodel Hilado, bago binuksan muli sa mga turista, isinailalim muna nila sa pagsasanay ang mga frontline service providers.
Kabilang sa mga ito ang mga mamamayang T’boli na receptionist, tour guide at porter.
Ayon kay Hilado, nakapagtanim din ang lokal na pamahalaan ng mga puno sa paligid ng Lake Holon .
Itinayo rin ang mga imprastruktura mismo sa camp site.
Ang lake Holon na kilala noon na Lake Maughan ay matatagpuan sa tuktok ng Mt. Parter sa bayan ng T’boli, South Cotabato. Namigay ng mga vegetable seedlings sa mga mamamayan na apektado ng El Nino Phenomenon ang Koronadal City Nutrition office.
Ayon kay City Nutrition officer Veronica Daut, kabilang sa mga nakinabang ng libreng binhi ang mga myembro ng kanilang gardener’s club.
Ang mga ito ayon kay Daut ay mula sa tatlung daang at sampung mga purok sa Koronadal City.
Layon nito ayon kay Daut na agad na makapagtanim ang mga mamamayan kapag dumating na ang tagulan.
Ipinahayag ni Daut na dahil sa tagtuyo’t problema ngayon ng mga residente lalong lalo na sa mga liblib na barangay kung saan pa kukuha ng masustansiyang pagkain.
Ito ay matapos sirain ng dry spell ang kanilang mga pananim na gulay.
Nagsagawa ngayon ng feeding program ang City Nutrition office sa mga lugar sa Koronadal na labis na apektado ng El Nino Phenomenon.
Ito ay upang maibsan ang epekto ng el Nino Phenomenon sa kalusugan lalong lalo na ng mga bata. Nagtalaga ng labinpitong mga personnel ang Department of Science and Technology o DOST para magbigay ng certification para sa mga Board Of Election Inspectors o BEI sa May 9 Elections.
Ito ay ayon kay DOST 12 Regional Director Zenaida Raof Laidan.
Ayon kay Laidan, mandato ng ahensya na magbigay ng certification program sa mga BEI na gagamit ng vote counting machine o VCM sa eleksyon.
Ito ayon kay Laidan ay bilang pagtalima na rin ng DOST 12 sa Republic Act 9369 o Amended Automated Election System o AES Law.
Binigyan diin ni Laidan na dapat isa sa tatlong mga myembro ng BEI sa kada presinto ay may sapat na kaalaman sa pagamit ng VCM.
Ang mga ito ay dapat sumailalim at mabigyan ng certification ng DOST.
Ang programa ay sinimulang ipatupad noong 2010 elections.
Ipinahayag ni Laidan na pagkatapos ng training sa paggamit ng VCM ang mga BEI ay sasailalim sa pagsusulit ng DOST.
Abot naman sa labinisang libong guro na inindorso ng Commission on Elections ang inaasahang sasailalim sa VCM training ng DOST.
Ito ay gagawin naman sa buong rehiyon simula March 1 hanggang 22.
Ang mga gurong makapasa sa pagsusulit ay mabibigyan ng certification ng DOST.
Higit isang libong mga Board of Election Inspectors o BEI sa North Cotabato ang sinanay ng Comission on Election o COMELEC hinggil sa paggamit ng mga Vote Counting Machine o VCM.Nagpadala kasi ang COMELEC Manila ng mga machine upang turuan ang mga guro kung paano ito gamitin ngayong darating na May 9 Elections.Ayon kay Cotabato Provincial COMELEC Officer Atty. Jay Herada, tatlong mga guro ang nakaassign sa bawat presinto at kailangan ang isa sa kanila ay certified ng DOST na siyang mag-ooperate sa makina.Sinabi ni Herada, mas mabilis raw ang VCM na mga transmit ng mga resulta at organisado na ang mga control button, at mas malaki ang screen nito kung ikukumpara sa PCOS Machine na ginamit noong 2013 Election.Hindi rin daw problema ang signal sa pagpapadala ng resulta lalo la sa mga liblib na area dahil may gagamiting portable satellite ang COMELEC.Una na ring nagsagawa ng site verification noong Enero ang SMARTMATIC sa mga lugar sa lalawigan para matukoy ang may mahinang signal.Samantala, inilatag na rin ng PNP at AFP ang mga areas of concren na kanilang tutukan at hinihitay na lamang ng COMELEC ang pinal na validation para irepresenta sa Regional Conferrence.Tiniyak naman ng COMELEC ang seguridad na kanilang ibibigay sa mga BEI lalo na sa mga areas of concern na matutukoy ng mga otoridad. Nagismula na ang taunang malawakang paglilinis sa lawa ng Lake Sebu, South Cotabato.
Ang clean up drive ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ng Lake Sebu at Provincial Environment and Management Office o PEMO, South Cotabato.
Ayon kay Mary Jane Manlisis, ang hepe ng Inland and Water Division ng PEMO, ang clean up drive na sinimulan noong Marso a uno ay magtatagal sa loob ng tatlumpung araw.
Ito ayon kay Manlisis ay pinaglaanan ng apatnaraang libong piso ng lokal na pamahalaan.
Abot naman sa dalawampung mga mangagawa na pawang mga residente sa lugar ang kinuha para tumulong sa pagtanggal ng tone-toneladang water lilies sa lawa.
Layon ng malawakang clean up drive ay upang mapanatiling kaaya-aya sa mga turista sa Lake Sebu.
Ang Lake Sebu ay itinuturing na pangunahing tourist destination sa South Cotabato at karatig lugar. Abot sa mahigit P150,000 na halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy nang masunog ang isang bahay sa Koronadal City.
Ang nasunog na bahay ay pagaari ng isang Jojo Castromayor.
Ito ay matatagpuan sa Purok Malipayon, Barangay San Isidro Koronadal.
Ayon kay Castromayor, nakita na lamang nitong lumalagablab ang apoy sa loob ng kanilang bahay habang nagaayos ng kanyang motorsiklo pasado alas dos ng hapon kahapon.
Ipinahayag ni Castromayor na dahil sa gawa sa light materials ang bahagi nito,agad na naabo ang bahay.
Gayunpaman ayon kay Castromayor nailigtas nito mula sa loob ng nasunog na bahay ang kanyang noo’y natutulog na dalawang taong gulang na anak.
Ayon kay Castromayor nagsimula ang apoy sa kwarto ng kanilang bahay labin limang minuto matapos bumalik ang kuryente.
Gayunpaman inaalam pa ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sanhi ng sunog.
Ito na ang pangatlong structural fire sa Koronadal City ngayong linggo.
Matatandaan na isang bodega ng mga sirang appliances na pagaari ng pamilya Erum sa Depita Subdivision, barangay Zone II, ang nasunog kamakalawa ng tanghali.
Nauna nang nanawagan si Koronadal City Mayor Peter Miguel sa mga mamamayan na magingat sa sunog ngayong nararanasan pa rin ang El Nino Phenomenon. Matapos magtago sa kamay ng batas, sa kulungan pa rin bumagsak ang top 5 most wanted person sa bayan ng Kabacan matapos maaresto ng Kabacan PNP sa inilatag na ‘Oplan Lambat Sibat’ sa Purok 5, Brgy. Katidtuan, Kabacan, North Cotabato alas 11:00 ng umaga kahapon.Kinilala ni Police Chief Ins. Ronnie cordero, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Baldo Beltran Tagalog, 29-anyos, residente ng Brgy. Osias, Kabacan.Nahuli ang suspek sa pangunguna ni Police Ins. Maxim Peralta sa bisa ng Warrant of Arrest nito na may crime number 13-144 dahil sa kasong frustrated murder.Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Laureano Lazate ng RTC Branch 22 Kabacan.Sa ngayon nakakulong ang suspek sa Kabacan PNP lock up cell. Rido ang itinuturong motibo ngayon ng Pikit PNP sa pagbaril at pagpatay sa Mindanao Star Bus Driver na si Tecson Tigas, 33-anyos sa brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.Sinabi ni Pikit PNP Deputy Ins. Sindatu Karim, mismong ang kaanak ng biktima ang nagbunyag sa PNP na meron umanong natanggap na mga banta sa kanyang buhay si Tigas bago paman ang pamamaril sa kanya.Tumanggi naman si Karim na ibigay ang buong detalye kaugnay nito dahil sa nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa nabanggit na kaso.Hinikayat din ng opisyal ang mga nakasaksi sa krimen na magbigay ng kanilang pahayag sa insidente para mabilis nilang matukoy ang pagkakakilanlan sa mga suspek na responsable sa pamamaril. Umabot na sa mahigit limang daang libong piso ang halaga ng pinsala na dulot ng grassfire sa ibat-ibang barangay sa Makilala, North Cotabato.Base sa datus ng Bureau of Fire Protection Makilala kadalasang mga napipinsala ang mga fruit bearing trees at rubber sa mga ng brgy. Garsika, New Cebu, San Visente at brgy Batasan.Sinabi ni BFP Makilala Head Boy Cruz nagsimula ang mga pagtala ng grass at rubbish fire sa unang linggo ng Pebrero hanggang ngayong buwan dahil na rin sa matinding init ng panahon.Ayon pa sa opisyal, ang pagpapabaya ang isa sa kanyang sinising dahilan ng mga nabanggit na insidente kung saan upos ng sigarilyo at mga iniwang apoy dahil sa pagsusunog ng mga damo ang kadalasang pinagmulan nito.Dahil dito, dinoble pa ng BFP ang kanilang kampanya kontra sunog sa mga stakeholders lalo na ngayong Fire Prevention Month sa pamamagitan ng fire awareness at drills sa mga paaralan.Umapela rin ito sa publiko na maging responsable at iwasan ang pagpapabaya lalo na ngayong El Nino kung saan mas mataas ang banta sa sunog.

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...