Tuesday May, 07 2024 08:51:38 PM

NDBC BIDA BALITA (May 10, 2016)

 • 20:17 PM Tue May 10, 2016
1,405
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 10, 2016 (TUES)
7and00 AM

HEADLINESand

1. PAGBIBILANG ng mga boto sa
provincial level ng Maguindanao, hindi pa nasisimulan

2. Ilang mga bayan sa North Cotabato,
kumpleto na ang transmission of election returns sa COMELEC National Office 3. Dahil sa mahinang server, mga BEI na
hindi nakapag transmit sa polling precint, siksikan sa City Board of Canvassers
sa Koronadal 4. DUTERTE AT ROBREDO nangunguna sa bilangan
ng pagkapangulo at bise-presidente ng bansa

UMALMA muli ang partidong United
Nationialist Party o UNA sa probinsya ng Maguindanao matapos na magpalabas ng
kautusan ang COMELEC En banc kahapon ng hapon na ililipat MULI ang Provincial
Board of Canvassers o PBOC sa bayan ng Buluan, Maguindanao at hindi na sa
Cotabato City.

Kagabi, napuno ang ARMM-ORG Compound ng
daan-daang supporters ni UNA gubernatorial candidate Datu Ali Midtimbang para
pigilin ang paglipat ng PBOC sa Buluan.

Tatlong araw pa lang bago ang halalan
kahapon, PUMALAG na ang kampo ng Partido UNA sa desisyon ng COMELEC Maguindanao
dahil hindi sila ipinalaam patungkol sa desisyon na imbes na ang canvassing ay
gagawin sa sa Shariff Kabunsuan Complex sa loob ng ORG Compound ay gagawin na
ito sa Session Hall, Sanguniang Panlalawigan sa Rajah Buayan Silongan Peace
center, Buluan. Una nang inihayag ni UNA Legal Counsel
Atty. John Nadua na hindi sila hinarap ni COMELEC Maguindanao Acting Provincial
Election Supervisor Atty. Muamar Guyo patungkol rito. SAMANTALA, agad namang naghain ng petisyon ang UNA
sa COMELEC EN Banc na dapat itong ibalik sa Cotabato City dahil ito ang
magsisilbing neutral ground ng mga magkatunggaling partido sa probinsya.

Pero sa ilang natitirang oras kahapon
at sa kabila ng inihaing petisyon ng UNA naihabol pa ng COMELEC en banc ang
kautusang ilipat ang PBOC sa buluan at hindi na sa Cotabato City.

Giit ni Nadua, nais lamang nila ang
isang patas na halalan para sa buong probinsya ng Maguindanao.

Nagugat ang paglipat ng canvassing sa
Bayan ng Buluan matapos magsumite ng request si Incumbent at re-electionist
Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa Comelec. Mamayang alas-9:30 ng umaga INAASAHANG
magsisimula ang receiving and canvassing ng electronically transmitted election
returns sa probinsya ng Maguindanao sa Bayan ng Buluan.

ILANG MGA
INSIDENTE ang naitala sa lalawigan ng Maguindanao sa kasagsagan ng national at
local elections kahapon, kung saan isa rito ang pagsabog ng isang granada sa
loob ng municipal hall compound ng Sultan Mastura municipal hall.

M-79 grenade
launcher ang ginamit ng di pa nakikilalang suspek pasado ala una singko ng
hapon kahapon.

Wala namang
nasaktan sa insidente pero Nasira ang municipal social welfare building ng
sultan mastura.

Una rito,
pasado alas nuebe ng umaga rin kahapon nang pinasabugan ng granada ang isang
polling precinct sa Mamasapano National High School, sa BRGY. MANUNGKALI,
MAMASAPANO.

Sa report ni
Sam Sali, M-203 grenade launcher ang ginamit ng di pa nakikilalang suspek sa
pagpapasabog. Naniniwala
naman ang Mamasapano PNP na pananakot lang ang motibo ng mga suspek sa naturang
insidente. Apat katao
ang sinasabing sugatan sa naturang insidente.

Sa ngayon ay
hindi pa nakapaglabas ng pangalan ng mga sugatan ang pulisya dahil mabilis na
isinugod ang mga ito sa pagamutan matapos ang pagsabog. Nabatid na
bago ang insidente ay nagka initan at nagpang abot pa ang dalawang
magkakalabang grupo ng mga supporter ng magkalabang kandidato sa bayan. Ang
Mamasapano ay mayroong mahigit siyam na libong botante at ito ay nasa ilalim ng
pangangalaga ng Army’s 30th Infantry Battalion. Samantala,
may naiulat ding insidente ng pamamaril sa sa Barangay Barurao, Sultan sa
Barongis kung saan isang lalaki ang nasawi. Sa report
naman ni Bernadette Maribojo, Isang 20-anyos
na lalake ang tinamaan ng bala sa kanyang mata na idineklara ring dead
on arrival ng Doctor matapos na madamay sa nagkakainitang mga supporters ng mga
partido sa Tambunan II central elementary school sa Bayan ng Guindulungan,
Maguindanao. Bago nasawi
ang hindi pa nakikilalang biktima, kanya kanyang tapon ng mga bato ang naturang
mga nagkainitang mga supporters na umabot pa ng halos 30 minuto bago napigil ng
mga otoridad.

NANGUNGUNA
pa rin si incumbent Cotabato city mayor Japal ‘Jojo’ Guiani Jr. sa mayoralty
race base sa partial and unofficial results ng KBP – Quick Count Web Portal. Si
Guiani ay mayroon ng 23, 558 votes, as of 6am kanina, kumpara sa katunggali
nitong si dating vice mayor Muslimin Sema na mayroon namang 17, 332 votes.

Samantala,
lamang din ang kapatid ni mayor Guiani na si dating city administrator Atty.
Cynthia Guiani-Sayadi sa vice mayoralty race. Si
Sayadi ay nakakuha na ng botong 19, 532, as of 6AM today, habang ang malapit
nitong katunggali na si Em Pasigan ay mayroon namang 9, 925 votes, at si vice
mayor Abdullah Andang na mayroong 9, 393 votes.

Ang
mga pasok naman sa top 15 councilors ay sina

1.
DUMAMA, GRAHAM NAZER (NPC) 22,096

2.
MATABALAO, BRUCE (LP) 17,107

3.
RABAGO, EDUARDO (NPC) 16,212

4.
SEMA, SUKARNO (LP) 15,943

5.
DATUMANONG, MICHAEL (LP) 15,481

6.
LIM, ABDILLAH (NPC) 15,415

7.
RIDAO, FREDDIE (NPC) 15,142

8.
BIRUAR, HASSAN (NPC) 13,912

9.
CHUA, CHRISTINA (NPC) 13,665

10. ABU,
JOHARI (LP) 13,361

11.
CORTEZ, JONATHAN (IND) 12,167

12.
SINSUAT, JAY (LP) 12,064

13.
FORMENTO, NITZ (LP) 11,816

14.
CORDERO, TROY (LP) 10,990

15.
ALI, JAAFAR (LP) 10,961
Para
naman sa congressional race sa Maguindanao 1st District with Cotabato city, nangunguna
sa partial and unofficial tally base sa KBP Quick Count Web Portal si incumbent
Congresswoman Bai Sandra Sema na mayroon ng 108, 289 votes, as of 6AM kanina.

Ang
mahigpit naman nitong katunggaling si Datu Tucao Mastura ay nakakuha naman ng
79, 651 votes.

Sa
Maguindanao, abante pa rin si incumbent provincial governor Esmael ‘Toto’
Mangudadatu na nakakuha na ng 176, 324 votes.

Si Ali
Midtimbang naman na tumatakbo rin bilang gubernador ng lalawigan ay mayroon na
ngayong 91, 916 votes.

Leading
pa rin sa partial and unofficial counting of votes si vice governor Lester
Sinsuat na mayroon ng 176, 936 votes habang ang kanyang katunggali na si Ismael
Mastura ay nakakuha naman ng 76, 241 votes.

Samantala,
sa labanan naman sa pagka gubernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o
ARMM, una sa ranking si incumbent regional governor Mujiv Hataman na mayroon ng
549, 040 votes habang ang katunggali nitong si Sakur Tan ay mayroon namang 199,
248 votes.

Nangunguna
rin ang kasalukuyang vice governor ng ARMM na si Haroun Alrashid Lucman na may
459, 022 votes, kumpara sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Benladin
Sharief na mayroon namang 88, 011 votes. NAGDESISYON
ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na i-pullout ang
kanilang mga poll watchers sa lahat ng mga polling precinct sa Cotabato city
kahapon. Sinabi
ni PPCRV Communications Director Ana de Villa-Singson na talamak ang dayaan sa
maraming mga polling precinct sa lungsod. Kaya
aniya, kailangang umalis sa kanilang mga pwesto ang mga PPCRV volunteer bago
isiwalat ang mga naganap na pandaraya. Ito,
ayon kay Singson, ay para mapangalagaan naman ang seguridad ng mga PPCRV poll
watcher.

Una
rito, iniulat ng mga NDBC Bantay Boto reporter and monitors ang napapansing
iba’t ibang paraan ng pandaraya sa lungsod. Sa
Lugay Lugay Elementary School, hindi pinapaboto ang mga walang voter’s ID
gayung maaari naman silang bomoto dahil may master list naman ang COMELEC ng
mga registered voter. Samantala,
sa Barangay Kalanganan Mother, may naiulat na ballot snatching kung saan
dalawang mga di kinilalang lalaki ang tumangay ng mahigit 30 mga official
ballot mula sa Amerol Elementary School. Sa
Central Pilot School, may ilang mga kandidato na namataang nangangampanya pa
rin sa labas ng mga polling precinct. Mayroon
ding namimigay ng pera, bigas at grocery sa iba pang mga pinagdadausan ng
botohan sa lungsod.

Nabatid
na ang pag pullout ng mga PPCRV poll watchers sa lungsod ay kasunod din ng mga
napaulat na election-related violence sa iba’t ibang mga lugar sa Maguindanao.

TALAMAK
din ang dayaan sa mga polling precinct sa ilang mga bayan sa Maguindanao. Batay
sa ulat ng mga NDBC BANTAY BOTO reporter and election monitor sa South Upi,
Maguindanao, namimigay ng mga sample ballot sa labas ng mga polling precinct
ang mga supporter ng kandidato sa pagka alkalde ng bayan. Habang
ang isa namang kandidato sa pagka konsehal, nag aabang at nangangampanya pa rin
sa labas ng mga polling center. Sa
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao naman, may namimigay rin ng mga sample ballot
ang mga supporter ng ilang mga kandidato sa Broce Elementary School. May
mga flying at multiple voter naman sa Dinaig Elementary School at maging sa
bayan ng Matanog.

Sa
Sultan Kudarat, isinumbong ng isang human rights advocate sa Bantay Boto Fan Page
ang umano ay pre-shaded na ng mga balota. Nagpadala
pa ito ng larawan ng sinasabing mga official ballot na aktwal niyang nakunan. Sa
kabila ng mga napansing anomalya sa halalan, tikom ang bibig ng mga BEI dahil
nangangamba sa kanilang seguridad. Umaasa
na lang mga botante na masilip ng COMELEC ang mga nangyaring iregularidad na
ito sa halalan kahapon. Samantala,
mayroon namang mga bayan na naging maayos at organisado ang idinaos na botohan.

Isa na
rito ang bayan ng North Upi kung saan pasado alas kwatro pa lamang ay halos
kumpleto na ang kanilang target na voter's turnout. Naging
mapayapa rin naman ang botohan sa bayan ng Parang at Buldon.

Isang daang poryento nang na itransmit ng bayan ng Makilala, North Cotabato ang resulta mula sa 38 mga barangay sa bayan sa COMELEC National Office.Ayon sa report ng COMELEC mula sa higit 45 libong botante, higit 38 libo nito ang bumoto, ibig sabihin nasa 84% ang voters ang turn out sa bayan.Sa kabila ng pagpalya at ilang aberya ng Vote Counting Machine kahapon hanggang kagabi, naging maayos at mapayapa paring natapos ang halalan sa nabanggit na bayan.Bagaman at tapos na ang bilangan hinihintay pa rin ngayon ang opisyal na deklarasyon ng COMELEC para sa mga nanalong opisyal.Maliban sa Makilala, isang daang poryensto na ring na itransmit ng Kidapawan City, Magpet, Banisilan, Alamada, Antipas, Arakan, Carmen, Matalam, at Pikit ang kanilang election returns sa COMELEC office.Sa kabuuan as of 6and00 ng umaga kanina, nasa 97.83% na ang transmission of election returns sa buong North Cotabato. Kung ang Philippine National Police ang tatanungin, naging mapayapa sa kabuuan ang isinagawang eleksyon sa North Cotabato kahapon.Sinabi ni Cotabato Police Provincial Office o CPPO spokesperson Supt. Bernard Tayong, maliban sa mga nangyaring malfunction ng mga VOTE Counting machine sa ibat ibang bayan sa lalawigan matagumpay pa rin nairaos ang halalan.Ayon kay Tayong walang mga malalaking insidenteng may kaugnayan sa eleksyon ang naitala sa lalawigan.Nagpapasalamat naman ang opisyal sa naging partisipasyon ng taong bayan lalo na ang kanilang koordinasyon sa mga otoridad.Naging dahilan rin ng mapayapa at tahimik na eleksyon ang presensya ng mga otoridad sa mga polling precincts sa lalawigan gayunman ang kanilang mahigpit na checkpoints at monitoring sa mga una nang itinuturing na hot spots areas.Nabatid na ilang araw pa lang bago ang halalan ay naka deploy na sa kanilang area ang mga pulis kasama na ang militar at iba pang augment forces para tiyakin magiging malinis at patas ang gagawing eleksyon ngayong 2016. Nagdulot na takot sa mga residente ang naging palitan ng putok ng dalawang armadong grupo sa Pagalungan, North Cotabato kagabi.Sinabi ni Pagalungan Chief of Police Sr. Ins Blain Lamase ang insidente ay nangyari ilang metro lamang ang layo sa National Highway ilang oras lang din matapos isara ang botohan.Ayon kay Lamase higit 20 minutong narinig ng mga residente ang putok ng ibat ibang uri ng baril mula sa mga di pa kilalang suspek.Naniniwala naman si Lamase na kagagawan ito ng mga armadong grupo na umano supporters na dalawang tumatakbong alkalde ng Pagalungan. Matatandaang isang pagsabog ng granada ang nangyari kahapon pasado alas sais ng umaga partikular sa Barangay Damalasak ng Pagalunagan.Sa update ng PNP gawa sa 91mm ang nabanggit na pampasabog base na rin sa kanilang narekober sa blast site.Patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at pinagsisikapang tukuyin ang mga nasa likod ng nabanggit na pangyayari.Samantala, sa pahayag naman ng ilang residente sa lugar, bago pa lamang ang eleksyon ilang beses ng nagkaroon ng tensyon sa lugar at maging ilang beses na enkwentro.Kaya naman pagkatapos ng eleksyon umaasa ang mga residente na maari pang sumiklab ang anumang enkwentro sa nabanggit na lugar. Nawalan ng malay at ang iba ay tumaas ang presyon ng dugo kahapon kasabay ng eleksyon sa Tulunan, North CotabatoIto ay dahil na rin sa tinding init ng panahon na sinamahan pa ng mahabang pila.Salaysay ng mga botante na nakapanyam ng DXND Radyo Bida, maaga pa kasi raw silang pumila at dahil nga sa paulit ulit na pagpalya ng ilan sa mga makina ay naabutan ito ng tanghali.Pero agad naman silang natulungan sa mga nakaantabay na medical team mula sa Mlang Rural Health Unit at Department of Health.Sa kabila ng Gutom, init ng panahon at mahabang pila sa bayan ay maayos pa ring natapos ang nabanggit na pagpili ng mga botante.Para sa kanila, hindi na na raw nila iniisip ang gutom at mahabang pila, ang importante raw sa kanila ay maipakita ang kanilang suporta sa kanilang mga kandidato lalo na sa kanilang napiling presidente.Samantala, nakaranas naman ng higit sampung minutong pagkawala ng suplay ng kuryente sa brgy. Poblacion, bayan ng Magpet kahapon.Pahayag ng COTELCO nasira kasi ang transfomer sa paaralan ng AMCES pero agad naman nila itong natukoy at natugunan kaya bumalik rin ang suplay ng kuryente.Nabatid na una nang ipinangako ng COTELCO pati na rin ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at Department of Energy na titiyakin nilang walang mangyayaring power interruption sa mismong araw ng eleksyon. Maging ang araw ng eleksyon ay hindi pinalampas ng mga magnanakaw sa Kidapawan city matapos pasukin ng di pa kilalang mga suspek ang isang farm at isang bahay sa lungsod.Unang dumulog sa Kidapawan city PNP alas 2:30 ng hapon kahapon si Limuel Gemotan, 31-anyos na residente ng barangay Singao, matapos pasukin ang bamboo farm na pagmamay-ari ng isang Gregorio Andolana sa pamamagitan ng pagsira sa Padlock ng Main door nito.Natangay ng mga suspek ang mga mahahalagang gamit sa naturang bahay.Samantala, pinasok rin ng mga kawatan ang bahay ni LUZVIMINDA CATAYLO, 44-ANYOS, na taga Apo Sandawa Homes Phase 2, Kidapawan matapos ring pwersahang pasukin ang kanilang bahay.Mga alahas at iba pang mahahalagang gamit ang natangay ng mga suspek na nagkakahalaga ng higit 70 thousand pesos.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na parehong walang tao ang nabanggit na mga bahay dahil lingo pa lamang ay umalis na ito para umuwi sa kani-kanilang mga lugar para bomoto.NDBC BIDA BALITA

USM professor, nag-public apology sa pag-angkin ng thesis ng isang USM student

Public Apology ng dating university professor sa kanyang estudyante dahil sa pangongopya nito sa kanyang thesis. Naglabas ng kanyang public...

Imbestigasyon sa pagkasangkot ng 3 pulis sa pagpatay kay Capt Moralde sa MagNorte, nagsimula na -iimbestigahan ng PNP

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng PNP ang tatlong mga pulis na kasama ni Police Captain Roland Moralde nang ito'y paslangin ng limang mga gunmen sa public...

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...