Saturday May, 25 2024 12:30:55 PM

NDBC BIDA BALITA (May 13, 2016)

 • 18:48 PM Fri May 13, 2016
1,297
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 13, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DALAWANG SUSPEK NA NAKUHANAN NG
PRE-SHADED BALLOTS NOONG HALALAN sa Cotabato City, pinalaya na

2. Isang opisyal sa Kidapawan City,
ibinunyag ang umano massive vote buying ng ilang mga kandidato sa lungsod

3. Dahil umano sa vote buying, tatlong
kandidato sa katatapos lang na eleksyon sa Koronadal inireklamo ng nanalong
alkalde sa Comelec.

4. Mar Roxas, talo sa President Roxas, North Cotabato. MATAPOS MASANGKOT ANG DALAWANG LALAKE
SA ITINUTURING na mabigat na election offense base sa Omnibus election code
article 22 ng COMELEC sa Cotabato City ay napalaya na ito.

Una ng pinangalanan ang mga suspek na
sina Gabriel Mandin Bansil at Datu Jihad Sabdullah Bainal na pawang mga
residente ng Kapinpilan, Mother Barangay Kalanganan ng lungsod.

Sina Bainal at Bansil ay naaresto ng
Army's 5th specials forces at PNP matapos itong mahulihan na may dala-dalang
sampung kopya ng preshaded election ballots sa Amerol Elementary school sa
Cotabato City, pasado alas-8:30 ng umaga noong araw ng halalan.

Ayon kay Cotabato City PNP Spokesperson
PSI Rowell Zafra, napalaya ang mga suspek matapos ipakita ng mga kaanak nito
ang release order sa Police station no. 1 na inilabas ng City prosecution
office noong miyerkules.

Hindi naman matiyak ng City PNP kung
ano ang susunod na hakbang ng COMELEC matapos mapalaya ang mga suspek.

SAMANTALA, Nananatili naman sa Police
station 1 lock-up cell ang lalakeng nahaharap sa kasong paglabag sa election
gun bun.

Ayon kay Zafra, nakuha kay Taed Abdil
Ali, taga-Bulyaw Dos Mother Barangay sa Cotabato City, ang isang caliber 45 na
baril at isang brown envelope na may lamang maraming pera pasado alas-9 ng umaga
noong May 9.

Nangyari ang insidente sa Marquez
elementary school sa lungsod.

Nabatid, ayon kay Zafra, na mula
January 10 hanggang noong May 9 ay dalawa lang ang naitalang election related
violence sa lungsod. 0PANIBAGONG
INDSIDENTE NANAMAN ng riding in tandem snatchers ang naitala sa Cotabato city
kahapon.

Ayon sa
salaysay ng biktimang si Amira Asi, 27 anyos, residente ng Block 19, Notre Dame
village, Barangay Rosary Heights 8 ng lungsod, nakasakay siya sa isang
payong-payong dakong alas 9:30 nang umaga at binabaybay ang diversion road, sa
Barangay Rosary Heights 9 nang bigla umanong hablutin ng dalawang snatcher na
nakasakay sa isang motorsiklo ang kanyang bag.

Naglalaman
ito ng isang cellphone, isang Samsung tablet, mga mahahalagang dokumento at
cash na nagkakahalaga ng 12,000 pesos.

Hindi na
nahabol pa ng payong-payong ang mga suspek dahil mas mabilis ang single
motorcycle na dala ng mga ito.

Patuloy naman
sa pag-aantay ng tamang pagkakataon ang PNP para makalaboso ang matagal nang
nag-ooperate na riding in tandem snatchers sa Cotabato city.Pinagiingat
naman ng PNP ang publiko sa mga riding in tandem snatchers na kung maaari ay
wag maging kampante sa pagdisplay ng mga mahahalaga o mahahaling gamit sa
daanan.

SAMANTALA, PATULOY
PANG INAALAM NGAYON ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril sa security
guard ng Hall of Justice ng ARMM pasado alas 10and00 kagabi sa Mabini Interior,
Bagua 3, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Nather Impao, 39 anyos, residente ng Purok Narra 6, sa nasabi
ring barangay.

Ayon sa
report ng pulisya, minamaneho ni Impao ang kanyang motorsiklo at papunta na
sana sa kanyang night shift nang biglang pagbabarilin ng dalawang hindi pa
nakikilalang suspek gamit ang kalibre 45 na baril.

Tinamaan si
Impao sa kanyang dibdib at puwit habang agad namang tumakas ang mga suspek na
nakasakay din sa motorsiklo papunta sa Mabini street.

Isinugod pa
ng Police station number 1 ang biktima sa CRMC pero binawian din ito ng buhay pasado
alas onse kagabi. PATAY
ang isang pulis matapos na pagbabarilin sa kahabaan ng Brgy. Salimbaw, Sultan
Kudarat, Maguindanao pasado alas-9:30 kagabi.

Kinilala
ni Cotabato City PNP Spokesperson PSI Rowell Zafra ang biktima na si PO2
Mamunkadang Bajunaid na taga Brgy. Salimbaw.

Ayon
kay Zafra, Nangyari ang insidente nang patungo na sana si Bajunaid sa Cotabato
City para sa kanyang night shift duty sa Cotabato City police station no. 1.

Agad
namang binawian ng buhay ang biktima matapos ang pamamaril.

Isa sa
tinitignang anggulo ng PNP ngayon sa pamamaril sa kay Bajunaid ay posibleng
involved sa trabaho.

Sa
ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Sultan Kudarat PNP sa insidente.

Nabatid
na si PO2 Bajunaid ay kabilang sa alert team ng Cotabato City PNP.

SAMANTALA,
HINDI PA RIN NAKIKILALA ng Datu Odin
Sinsuat PNP ang bangkay ng dalawang lalaki na natagpuan kaninang umaga lamang
sa Barangay Dinaig Proper sa nasabing bayan.

Ang bangkay ng isang lalaki ay nakasuot ng puting Tshirt, kulay
brown na pantalon at kulay kayumanggi ang balat habang ang isa ay nakasuot
naman ng brown na Tshirt at maong na short pants.

Ang dalawang bangkay ay pawang nakatali ang kamay at paa at
twalya at panyo sa bunganga.

Walang stab wounds o gunshot wounds ang dalawang bangkay pero pinaniniwalaang
sinakal ang mga ito dahil sa sugat sa leeg.

Naniniwala naman ang DOS PNP na hindi mga residente ng bayan ang
mga biktima ng salvaging at hindi rin umano sa bayan pinaslang ang mga ito.

UMAPELA
si Shariff Aguak Mayor Bai Zahara Upam Ampatuan sa Department of Interior and
Local Government ARMM na bigyan siya ng Certificate of Recognition upang muling
makaupo bilang alkalde ng bayan.

Si
Ampatuan ay pinatawan ng 6 na buwang suspension ng Sangguniang Panlalawigan
mula pa noong September 2014 dahil sa diumano ay absenteeism.

Makaraan
ang ilang buwang pagkakasuspende idinawit naman siya sa kasong pagpatay noong
April 3, 2014 sa dating SB secretary na si Alfredo Amelista.

Sumunod
na rito ang paglabas ng warrant of arrest si RTC 12 Judge George Jabido dahilan
upang magtago ang dating alkalde sa kabila ng pagtanggi ng akusasayon.

Nito
lamang April 27, 2016 humarap sa Criminal Investigation and Detection Group
Autonomous Region in Muslim Mindanao si Bai Zahara at pinayagang makapaghain ng
piyansa sa korte.

Noong
May 6 pinayagang makauwi ng alkalde sa kanyang bayan at ngayon handa nang
maglingkod muli sa paniniwalang lumipas na ang suspension order sa kanya ng SP.

Si
Ampatuan ay may mahigit isang buwan pang nalalabi sa kanyang paglilingkod
bilang alkalde subalit hindi siya makapag-umpisa sa opsina dahil wala siyang
bitbit na Certificate of Recognition na magmumula sa DILG-ARMM.

Ayon
kay Ampatuan, hindi pa naglalabas ng nabanggit na dokumento si DILG-ARMM
Secretary Atty. Anwar Malang.

Agad
namang nagpaliwanag si Malang sa naging pahayag ni Ampatuan.

Sa
dalawang termino na panunungkulan ni Bai Zahara Upam Ampatuan, nakamit ng
Shariff Aguak LGU ang Seal of Good Housekeeping award mula sa DILG at napili
dinsiya bilang Most Outstanding Lady Executive ng ARMM. MARIING
PINABULAANAN ni Comelec Chairman Andres Bautista na walang naganap na dayaan o
anomalya sa transmission sa resulta ng halalan.

Paliwanag
ng Comelec, maagang nakakuha ng boto si Sen. Bongbong Marcos laban kay Rep.
Leni Robrero dahil ang unang naitransmit ay ang mga boto mula sa balwarte nito.

Sinabi
pa ng Comelec, wala pa rin aniya silang natatanggap na pormal na kahilingan
mula sa kampo ni Marcos para itigil ang quick count.

Nabatid
na ginagawa nila ang quick count para sa transparency ng bilangan, lalo na
ngayong automated na ito at iisa lamang naman ang transparency server na
pagmumulan ng lahat ng bibilanging boto.

Ang
mga natitira boto ay hindi nai-transmit electronically sa central server ng
Comelec dahil sa pag-malfunction ng mga vote counting machines o VCMs sa mga
malalayong polling precincts.

Kinailangan
pa aniya nilang ibiyahe ang mga memory card ng mga nagka-aberyang makina sa
canvassing centers para mabilang ang mga boto nito.

SA
KABILA ng paliwanag ng COMELEC, patuloy ang pagdududa ng kampo ni Marcos at mga
supporters nito sa takbo ng canvassing.

Lalo
na't biglang binago ng SMARTMATIC ang program ng election results.

Maguindanao nagdulot ng paglikas sa mga resindente sa lugar
Libu-libong mga pamilya ngayon ang lumikas dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa tatlong mga barangay sa Pagalungan, Maguindanao at isang barangay sa Pikit, North COtabato
Kabilang na rito ang brgy. Damalasak, Inug-og at Galakit sa Pagalungan at brgy. Balumis sa Pikit. Una nang naireport na ang nabanggit na tensyon ay sa pagitan ng mga supporters ng dalawang tumatakbong alklade sa bayan.
Pero sinabi naman ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod ay wala naman silang initan o bangayan sa kanyang kalaban sa pwesto.
Sa report na nakalap ng Radyo Bida target raw sa nabanggit na panghaharas ay ang mga barangay officials.
Sa kabila nito ay wala naman naitalang nasugatan o nasaktan sa mga pangyayari.
Kaya naman tatlong araw matapos ang eleksyon agad nagpatawag ng Municipal Peace and Order Council Meeting ang alklade ng Pagalungan para masolusyunan na ang nabanggit na kaguluhan sa lugar.
Sinabi ni Mamasabulod na ngayon ay kontrolado naman ang tensyon sa lugar.
Nakikisilong naman pansamantala ang mga lumikas na pamilya sa kanilang mga kaanak sa kalapit bayan sa Pikit, North Cotabato at ang iba ay nasa eskwelahan sa bayan na ayon sa kanila ay labing araw na raw silang nakaalis sa kanila bago paman ang eleksyon.Headlineand Dating Political Clan Members, muling dinomina ang Public Offices sa North Cotabato
Kung ang ibang mga kandidato ay hindi pinalad ngayong 2016 Elections patuloy naman ang pagdomina ng ilan sa kandidato sa North Cotabato matapos iproklamang panalo ng Commision on Elections o COMELEC sa katatapos lamang na May 9 elections.
Una nang iprinoklama si Incumbent North Cotabato Governor Emmylou Mendoza na nanalo sa kanyang ikatlo at huling termino laban sa gubernatorial race.
Habang si Gregorio Ipong, kasalukuyang bise gobernador, ay nanalo rin kontra sa isang kandidato habang ang anak nito ay nanalo ring Councilor sa bayan ng Makilala.
Ang ama naman ng gobernadora na si Roger Taliño ay nahalal muli bilang alklade ng Carmen habang ang kapatid nitong si Ryan ay nanalo namang Board member sa third provincial congressional district.
Si Democrito Mendoza, asawa ng gobernadora ay representative naman ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP partylist.
Hindi naman pinalad si Maybelle Valdevieso, ang incumbent third district provincial board member nang banggain nito si Jose Tejada bilang representative ng ikatlong distrito ng lalawigan.
Sa bayan ng Matalam, Si former vice Mayor Cheryl Catamco nanalo naman bilang alkalde habang ang ama na kasalukuyang mayor ay nanalo ngayon bilang bise mayor ng bayan.
Samantalang sa Pikit ay nanalo namang alkalde si Sumulong Sultan habang nailuklok rin sa kanyang pwesto bilang bise mayor ang anak nitong si Muhyrin Sultan Casi na kasalukuyang mayor ng Pikit.
Maliban sa kanila, donimina rin ng mga Piñol ang ilang mga posisyon sa lalawigan.
Si Mlang Mayor Joselito Piñol ay nanalo bilang Vice Mayor matapos ang kanyang tatlong termino sa pagka alklade.
Dalawa sa kanyang mga kapatid na sina Gerardo at Socrates ay nanalo rin bilang mga members of the North Cotabato provincial council.
Habang si dating Cotabato 2nd District Jun Piñol ay nanalo naman bilang Bise mayor ng Kidapawan City.
Sa mga nabanggit na magkakapatid na Piñol, tanging si Magpet Vice Mayor Efren Piñol lamang ang hindi pinalad matapos talunin ng kanyang katunggali na si Incumbent Mayor Florenito Gonzaga bilang alklade ng bayan. Samantala, Iginiit naman ng isang obispo sa bansa ang political dynasty at insulto para sa mamayang pilipin.
Dahil sa laganap na political dynasty ay hindi raw nabibigyan ng pagkakataon at karapatan ang iba na pamunuan ang sambayanang Pilipino.
Nabatid sa record ng House of the Representatives na 29-taon ng nakapending at paulit-ulit na ipina-file ang House Bill 3587 o The Act prohibiting the Establishment of Political Dynasties.
Sa kabuuhang 294 na miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, 70-porsiyento ng mga mambabatas ay kabilang sa political dynasty. Dismayado ngayon si Kidapawan City Councilor Francis Palmones kaugnay sa naging systema ng ilang mga kandidato sa nangyaring botohan sa 2016 Local Elections.
Kahapon kasabay ng regular session ng Sanguniang Panlungsod, ibinunyag ni Palmones ang kanyang mga obserbasyon at mga natanggap na report kaugnay sa umano massive vote buying ng ilang mga tumakbong kandidato sa Kidapawan City.
May mga report kasing may ilang kandidato ang namodmod ng bigas, grocery at pera makakuha lang ng boto na nagkakahalaga hanggang 500 pesos bawat isa.
Ayon kay Palmones hindi lamang ito nangyari sa Kidapawan City maging sa ibang bayan sa North Cotabato. Si Palmones ang siyang numerong unong konsehal sa lungsod noong nakaraang 2013 Local Elections na ngayon ay napabilang pa rin sa sampung mga konsehal na maninilbihan muli sa lungsod na nasa ikalawang pwesto. MAS pinili ng mga botante sa isang bayan ng North Cotabato na ipinangalan sa namayapang lolo ni administration candidate Mar Roxas, si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kanilang presidente. Si Duterte, standard bearer ng Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP-Laban) ay nanguna sa presidential race na nakakuha ng 17, 449 na boto samantalang si Roxas ng Liberal Party ay mayroon lamang 1, 763 na boto, sa bayan ng President Roxas, North Cotabato.
Samantalang si Senator Grace Poe ay nakakuha ng 1, 007 na boto Vice President Jejomar Binay, 642, Santiago, 97 at ang namayapang si Roy Seneres na isinama sa balota ay nakakuha naman ng apat na boto.
Ang bayan ng President Roxas ay mayroong voting population na 26, 771.
Karamihan sa mga residente ditto ay mula sa Negros Occidental habang ang iba ay mula sa mga bayan ng Visayas at Luzon.
Dumating ang mga settlers, matapos ang World War-II at inukupoa nila ang malawak na lupain ng Arakan.
Kilala dati ang komunidad bilang Barrio Kabacan, ayon sa provincial government. Pero kahit natalo si Mar Roxas sa bayan na ipinangalan sa kanyang lolo, panalo naman ang kanyang party mate na si Mayor Jaime Mahimpit, na nakakuha ng 10, 155 votes. Nakakustodiya na ngayon sa Makilala at Kidapawan City PNP lock up cell ang dalawa katao matapos maaresto ng mga otoridad kahapon ng umaga.
Kinilala ang suspek na sina RONALD MAYORMITA MAGLUPAY, 39 anyos taga brgy.Balindog Kidapawan at isang Mernalie Campos, 48-anyos na taga brgy. Old Bulatukan, Makilala, North Cotabato.
Parehong naaresto ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest laban sa kanila dahil sa kasong adultery.
Hindi na nagawang makapalag pa ng dalawa ng posasan na ito ng PNP.
Samantala maliban naman sa kasong kinakaharap ng suspek na si Maglupay nakuhanan pa ito ng isang sachet ng pininiwalaang shabu at drug paraphernalia na kakasuhan rin sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
NDBC BIDA BALITA Nagbigay ng tatlumpung araw matapos ang eleksyon ang
Commission on Elections o Comelec sa mga kandidato sa katatapos lamang na
eleksyon para makapagsumite ng kanilang Statement of contributions and
expenditure o SOCE.

Ayon kay South Cotabato Election Supervisor
Atty.Kendato Laguialam , nanalo man o natalo, kailangan pa rin ng mga kandidato
na magsumite ng SOCE sa Comelec.

Paliwanag ni Laguialam,kailangan ang SOCE para
makakuha ng certificate of compliance mula sa Comelec ang mga kandidato bago
tuluyang payagan ng Department of Interior
and Local Governmit o DILG na makaupo sa pwesto.

Ayon ky Laguialam nagkasundo na ang Comelec at DILG
na ang mga nanalong kandidatong walang SOCE hindi pauupuin sa pwesto.

Malalaman din ng
Comelec sa pamamagitan ng SOCE kung lumabag sa mga panuntahan sa
gagastusin sa eleksyon o nag overspending
ang isang kandidato.

Ang bawat kandidato ay pinapayagan lamang na
gumastos ng P3 ng kada kandidato ng Comelec.

Kinasuhan na ng pulisiya ang isang 18 anyos na binata dahil sa tangkang pagpuslit ng illegal na droga sa lock
up cell ng Koronadal City PNP .

Kinilala ni
Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang suspek na si Jack
Rey Godio, residente ng General Paulino Santos Koronadal.

Ayon kay Condes, ginawang palaman ng suspek sa loaf
bread na ibibigay nito sa inmate na si Marloun Egasan ang isang sachet ng
umano’y suspected shabu.

Natukalasan ang illegal na droga na isinisik sa
tinapay nang inspeksyunin ng lock up
cell guard na si Police Officer 3 Vincent Lloyd Aala ang dala ni Magbanua.

Naninindigan naman ang suspek na inutusan lamang
siyang ihatid ang loaf bread sa presong si Egasan at hindi nito alam na
mayroong inilagay dito na illegal drugs.

Ang pakakahuli sa suspek ay kasunod naman ng
pagkakatuklas ng umanoy pampasabog sa South Cotabato Provincial Rehabilitation
Center o SCPRDC noong nakaraang linggo.

Tumulong na sa pagsalansan at pagipon sa mga
tarpuline na binaklas ng Comelec ang mga benipisyaryo ng Special Eduction for
Students o SPES sa Koronadal City.

Ayon kay
Koronadal Election Officer Atty.April Mitchor, ang ilang truck na basura
na nakaimbak ngayon sa harap ng kanilang tanggapan ay binaklas ng Comelec sa
mga bawal na lugar noong election period.

Ang mga election paraphernalia ayon kay Mitchor ay
maari pang i-recyle.

Kaugnay nito pinaalalahanan naman ni Mitchor ang mga
kandidato na 24 oras matapos ang eleksyon, obligasyon nilang tanggalin ang mga
ikinabit na election paraphernalia.

Aniya maaring mahaharap sa election offense ang
sinumang kandidato na bigong linisin ang kanilang election paraphernalia.

Matapos ipagpaliban dahil sa eleksyon, tuloy na
tuloy na ang 6th Tuli Fesstival
sa Koronadal City.

Ayon kay Koronadal OIC City Health Officer Dr. Jean
Geneieve Aturdido, ito ay gagawin sa May 24 hanggang 26.

Layon ng aktibidad na maisulong ang malusog na pangangatawan at proper hygiene
sa mga kalalakihan.

Para sa
maiwsan ang siksikan, pinayuhan ng city health office ang mga nais
makinabang sa Tuli Festival na makipag ugnayan sa mga kanilang mga Barangay
Health Centers.

Magtatalaga kasi ng araw sa mga mamamayan ng bawat
baranay para sa aktibidad ang city health office.

Ang makilahok sa katibidad ay mabibigyan din ng
libreng gamot ng city LGU.

Tapos na ang eleksyon pero tila hindi pa matatapos ang tungalian sa pagitan ng nagkalabang mga politicko sa Koronadal city.

Ito ay matapos
magsampa ng reklamong vote buying sa Provincial Comelec Office
laban sa nakatunggali nitong si Jose
Ledda Jr, si Koronadal City Mayor Peter Miguel.

Ayon kay Miguel,
maliban sa witness may mga ebedensya umano sila laban kay Ledda at mga
kasama.

Kasama sa mga inireklamo ni Miguel sa paglabag sa
Omnibus election code sina City Councilor Rene Jumilla at dating councilor na
kumandidato muli na si Rey Millan.

Sinabi ni Miguel na
kahit tapos na ang eleksyon at naideklara na siyang panalo, hindi aniya
maaring konsentihin ang ang umanoy
ginawang tangkang pagbili sa boto ng mga mamamayan.

Ayon sa alkalde nakababahala rin kasi na isang menor
de edad pa ang nakita sa umanong naganap na vote buying.

Bukas naman ang Radyo Bida 963 Koronadal para
marinig ang panig nina Ledda, Jumilla at Millan sa reklamong inihain laban sa
kanila.

Health workers in far island town gets stipends from BARMM

COTABATO CITY - Up to 72 barangay health workers (BHW) in the so remote Sapa-Sapa island town in Tawi-Tawi each got their overdue P12,000 cash...

Mga armas, nahukay ng Army sa Sultan Kudarat

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng mga kasundaluhan ang mga inilibing na armas ng teroristang komunista sa Sitio Mudti, Barangay Chua...

8 local terrorists group members yield to Army in MagNorte

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Due to intensified and decisive military operations, as well as hunger and exhaustion from continuous hiding in...

Zamboanga dealer busted for P8.1-M shabu `linked’ to dealers in other provinces

COTABATO CITY - Plainclothes policemen seized before dawn Friday P8.1 million worth of shabu from a dealer in Zamboanga City who reportedly has...

3 drug suspects arrested in Tacurong

ISULAN, Sultan Kudarat - Operatives of Sultan Kudarat police provincial office, under the supervision of Colonel Arnold Santiago, deputy regional...