Tuesday May, 07 2024 07:31:50 AM

NDBC BIDA BALITA (May 14, 2016)

 • 21:26 PM Sat May 14, 2016
1,308
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 14, 2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NEGOSYANTE, nabiktima ng Salisi sa Cotabato city Pagbaril
at pagpatay sa isang pulis sa Sultan Kudarat, Maguindanao patuloy pang
iniimbestigahan ng PNP

2. Motorsiklo nabangga ng bus, dalawang
sakay patay sa Koronadal City

3. Parishioners ng Antipas, North
Cotabato handa na sa gagawing ordinasyon sa tatlong pari ngayong araw.

4. Oblates of Mary Immaculate, may tatlong bagong pariMAHIGIT 100,000 piso na cash at
mga gamit ang nawala mula sa isang negosyante matapos itong mapagnakawan sa SK
Pendatun avenue, Cotabato city pasado alas syete kagabi.

Ayon sa salaysay ng biktimang si
Noraisa Sulaiman, 33 anyos, ipinarada niya ang kanyang kulay Gray na Toyota
Innova malapit sa terminal papuntang Taviran at bumaba.

Pagbalik nito ay may nakita silang
lalaki na tumakbo papalayo at pagtingin nito sa kanyang sasakyan ay wala na ang
kanyang bag.

Nagalalaman ang nasabing bag ng mahigit
100,000 pesos na cash, isang unit ng cellphone na nagkakahalaga ng 15,000
pesos, dalaqang wallet na may 10,000 pesos at iba pang mahahalagang dokumento.

Nang magtanung-tanong ay nakilala umano
ang suspek sa pangalang Jun-Jun Alih alyas Jun Negro.

Sa ngayon ay patuloy pa ang pagtugis ng
pulisya sa suspek

SAMANTALA, PATULOY na inaalam ng Sultan
Kudarat PNP kung sino ang nasa likod ng pagbaril at pagpatay sa isang pulis sa
Brgy. Salimbaw, Sultan Kudarat, Maguindanao pasado alas-9:30 kamakalawa ng
gabi.

Ang biktima ay kinilalang si PO2
Mamunkadang Bajunaid na residente rin ng nasabing barangay, at naka-assign sa
Cotabato City police station no. 1.

Nangyari ang insidente nang patungo na
sana si Bajunaid sa Cotabato City para sa kanyang night shift duty sa kanilang
police station.

Agad namang binawian ng buhay ang
biktima matapos ang pamamaril.

Isa sa tinitignang anggulo ng PNP
ngayon sa pamamaril sa kay Bajunaid ay posibleng involved sa trabaho.

Nabatid na si PO2 Bajunaid ay kabilang
sa alert team at miyembro ng intelligence unit ng Cotabato City PNP.

INAALAM PA NG
PULISYA kung politically motivated ang pagpaslang sa Liberal party re-elected
Muncipal councilor ng Shariff Aguak, Maguindanao ilang araw pagkatapos ng
halalan.

Una nang
kinilala ng Shariff Aguak PNP ang biktima na si Shariff Aguak councilor elect
Hadie Malaguial, 46 anyos, residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

limang armadong kalalakihan umano
ang pumasok sa bahay ni Malaguial habang naghahapunan ito kasama ang kanyang
pamilya.

Agad
pinaputukan ng mga suspek na nakasuot ng bonnet ang biktima gamit ang matataas
na kalibre ng baril tulad ng Armalite rifles at M-14 assault rifles.

Nagtamo ng
maraming tama sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima habang
pinaputukan pa umano ng M-203 grenade launcher ng mga suspek ang bahay nito
bago tumakas.

Kinondena
naman ni Shariff Aguak mayor elect Marop Ampatuan ang nangyari sa kanyang
kapartido at umapela sa pulisya na bilisan ang pagdakip sa mga nasa likod ng
krimen. KASADO
na ang security plan para sa idaraos na special election sa isang polling
precinct sa Barangay Katuli bayan ng Sultan Kudarat sa lalawigan ng Maguindanao
ngayong araw.

Maliban
rito, Nasa 48 na mga miyembro ng Philippine National Police o PNP ang
na-deputize para magsilbing mga Special Board of Inspectors o SBEIs para sa
isasagawang special election sa lalawigan ng Sulu.

Ayon
kay Sulu Commission on Elections officer Shariff Ututalum ito ay kasunod sa
pagdeklara nila ng failure of election sa araw ng eleksyon nitong nakaraang
Lunes.

Nabatid
na 10 sa mga barangay na inilagay sa failure of election ay matatagpuan sa
munisipyo ng Panglima Estino kung saan napaulat ang isang insidente ng ambush
sa araw ng eleksyon habang 10 barangay din sa may Pata Island ito ay dahil din
sa presensya umano ng mga armadong grupo.

Dahil
dito, nilinaw ni Ututalum na pahihintulutan nila ang mga pulis na magdala ng
kanilang mga issued firearms habang nagsisilbi silang mga SBEIs.

Hihigpitan
din umano ang seguridad sa naturang mga barangay sa araw ng special election sa
tulong na rin ng mga sundalo para mapigilang maantala muli ang pagsasagawa ng
botasyon.

PORMAL
nang naiproklama sa bayan ng Buldon ang mga nanalong kandidato.

IPRINOKLAMA
na ng COMELEC si incumbent Mayor Abolais Manalao na nakapagtala ng 11, 363
votes.

Habang
muling pinagkatiwalaan din ng mga taga Buldon ang katandem at incumbent Vice
Mayor Atty. Cairoden Pangunotan.

Naiproklama
na rin ang lahat ng mga konsehal ng bayan na sinaand

Esmael
Diron, Abdullah Mamalacat, Basman Maluag, Manua Tomawis, Wali Saranga, Rakim
Mangoramas, Alo Palawan at Omar Abdulmalik na lahat ay kaalyado ni Manalao sa
Liberal Party.

Umabot
sa 96.3 percent ang naging turn out ng mga bumuto sa Buldon o katumbas ng 13,
396 ng mga botante.

Nagpapasalamat
si Mayor Manalao sa lahat ng tiwalat suporta ng kanyang mga kababayan. HINDI
UMANO totoo na walang alam ang Commission on Elections sa nangyaring pagpapalit
ng script sa hash code ng transparency server noong gabi ng May 9.

Isiniwalat
ni Smartmatic Project Manager Marlon Garcia na mismo ang kinatawan ng Comelec
ang siyang nag type daw ng ikalawang password na kailangan sakaling may dapat
baguhin o ayusin.

May
dalawang password aniya na siyang pumoprotekta sa programing ng transparencey
server.

Ang
isa ay nasa Smartmatic at ang ikalawa naman ay nasa poll body.

Iginiit
din nito na nananatiling transparent ang ginawang pagbabago sa script ng hash
code sapagkat kanya umano itong inanunsyo sa mga political party na andoon sa
Parish Pastoral Council for Responsible Voting sa mga panahong iyon.

Mayroon
din aniyang mga nakapalibot na CCTV cameras sa command center na siyang
maaaring maging basehan na hindi sila nagkulang nang may binago sa system ng
server.

Iginiit
din ni Garcia na wala siyang nilabag na protocol at walang irregular sa kanyang
ginawa na aniya'y cosmetic change lamang.

Kanyang
napagtanto umano noong panahon na binago niya ang script sa programing system
ng transparency server na minor change lamang dahilan kung bakit hindi na niya
ito iniaakyat pa ang isyu sa Comelec en banc.

SAMANTALA,
Nagpaalala ang Philippine National Police o PNP sa publiko na epektibo pa rin
ang gun ban hanggang sa Hunyo 8, kahit tapos na ang halalan.

Sinabi
ni PNP spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na umabot na sa 4,212 indibiduwal ang
naaresto dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections, karamihan ay
mga sibilyan.

Idinagdag
niya na 3,478 armas na ang nakumpiska ng pulisya sa mga checkpoint sa iba’t
ibang lugar sa bansa.

Itinuturing na BIYAYA ng mga mananampalatayang Katoliko sa Antipas, North Cotabato ang tatlong paring o-ordinahan ngayong araw, mismo sa kanilang bayan.Para sa kanila isang katuparan sa kanilang mga dasal at panalangin ang dagdag na mga pari lalo na mula sa Oblates of Mary immaculate o OMI sa kanilang lugar.Maliban kasi sa banal na salita ng Diyos na ibabahagi sa kanila, ang mga proyekto rin kagaya ng scholarship program ng OMI ang pangalawa sa kanilang pinasalamatan.Ilan rin sa mga nakapanayam na residente ng Radyo Bida sa lugar, ay nagpahayag naman ng kanilang tuwa at buong suporta para sa mga pari.Umaasa na lamang ngayon ang mga taga parokya ng Antipas na hindi lang ito ang mga paring madagdag sa kanila bilang pamilya kundi marami pa.Nabatid na oordinahan ngayong umaga sina Rev. Rey Emanuel Amancio, OMI na taga Cotabato City, Rev. Alvin Vicente Bareto at Rev. Mark Eunice Bely na taga Sta Rosa Nueva Ecija.Pangungunahan mismo ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, OMI DD.
Hindi pa ngayon matiyak ng PNP kung ligtas nang bumalik sa kani-kanilang bahay ang higit dalawang libong mga indibidwal sa Pagalungan, Maguindanao at Pikit, North Cotbatao matapos ang tensyong nangyari sa lugar bago paman ang eleksyon.Sa panayam ng Radyo Bida sa ilang mga bakwit na temporaryong nakikisilong sa Pagalungan Function Hall, tanging suot na damit lamang ang kanilang bitbit ng sila ay lumikas.Sinabi rin ni Kudz Abdula na taga Balungis, Pikit kalapit na barangay ng Galakit, Pagalungan naibenta na rin nila ang kanilang mga alagang hayop.Higit na limangpong araw na rin silang nanatili doon.Sa kabila nito, nagpapasalamat naman sila sa paunang tulong ng Pagalungan LGU at DSWD para sa kanilang pagkain.Samantala, una nang nilinaw ni Pagalungan Mayor Salik Mamasabulod na isang grupo lamang ang umano responsable sa insidente sa kanyang bayan.Ito ang umano suporters ng kanyang kalaban sa tumakbong alkalde sa bayan dahil hindi ito nanalo sa halalan.Target raw ng mga suspek na sinampahan na ng kaso ng PNP ang mga barangay officials.Kaugnay nito, mananatili naman sa Municipal Compound ng Pagalungan LGU ang mga pulis at miembro ng AFP para tiyakin ang seugridad ng bawat isa.Matatandaang isang granada ang inihagis sa compound ng LGU pagalungan sa mismong araw ng eleksyon. Patuloy pa ring pinalalakas ngayon ng Kabacan Rural Health Unit ang kanilang kampanya kontra Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS sa bayan.Ito matapos muling makapagtala ang nabanggit na tangapan ng isang kaso nito ngayong 2016 lamang.Base naman sa datus noong 2015 abot sa 196 na mga indibidwal ang nagkaroon ng HIV sa Region 12.30 rito ay nagmula sa North Cotabato kung saan isa rito ay taga bayan ng Kabacan.Kaugnay nito lalahok ang RHU at LGU Kabacan sa gagawing International Aids Cadlelight Memorial na gagawin sa susunod na linggo.Tema ngayong taon ay Engage, Educate And Empower..Magsisilbing community mobilization campaign ang nabanggit na aktibidad para ipalaganap pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa nakamamatay na sakit. Sa susunod na linggo sisimulan na ang diskwento caravan ng Department of Trade and Industry o DTI sa North Cotabato.Gagawin una ito sa Kidapawan City gymnasium sa darating na May 20 hanggang May 22, 2016 habang susundan naman sa ibang mga bayan sa lalawigan.Sa caravan ay makakabili ng mga produkto na may hanggang 50 porsyentong diskwento mula sa orihinal nitong presyoAyon kay DTI- North Cotabato Provincial Director Engr. Anthony Bravo, malaking pakinabang sa mga mamimili ang mababang presyo ng mga school supplies tulad ng notebook, lapis at pad paper lalo na ngayong malapit na ang pasukan.Ang Diskwento Caravan ay taunang aktibidad na pinangangasiwaan ng DTI sa layuning tulungan ang mga magulang at mga mag-aaral na makabili ng murang mga gamit sa eskwela para magamit sa pasukan sa buwan ng Hunyo. Hinimok ngayon ni Kidapawan City Councilor Francis Palmones ang Commision on Election o COMELEC na imbestigahan nila ang mga isusumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga nanalo at natalong opisyal sa Kidapawan City.Sinabi ni Palmones sa Radyo Bida, paraan raw ito para matukoy ang halaga na ginasta ng mga kandidato kasabay ng kanilang kampanya alinsunod na rin sa Omnibus Election Code.Ang paghamon na ito ng opisyal ay kasunod na rin sa mga natanggap na impormasyon sa umano massive vote buying ng mga kandidato sa kasagsagan ng kampanya.Nanawagan rin ang opisyal sa mga nakasaksi mismo sa nabanggit na vote buying ng mga kandidato sa kanilang lugar na magbigay ng kanilang Judicial Affivdavit para maisumite rin ito ng mga COMELEC National.Nabatid na base sa Republic Act 7166, meron lamang 30 araw ang lahat ng mga kandidato at treasurer ng political party sa pagsusumite sa kanilang SOCE. Patay ang dalawang magsasaka matapos silang pagbabarilin ng mga di pa kilalang suspek sa Purok Cueva. brgy. Pisan Kabacan, North Cotabato pasado alas syete kagabi.Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Chavez Akinan Banan, 67 anyos at isang Ryan Murag Cayaon, 45 at parehong residente ng nabanggit na lugar.Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya nasa kanilang sakahan lamang ang dalawang mga biktima para magbantay sa kanilang maisan at ginagawang uling nang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang hindi pa matuloy na uri ng baril.Tama sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan ang tinamo ng mga biktima na naging dahilan ng kanilang agarang kamatayan.Base rin sa salaysay ng mga residente sa lugar apat na putok na baril umano ang kanilang narinig at nang tunguhin ang area ay doon na tumambad sa kanila ang mga biktimang wala nang buhay.Patuloy pa ngayon iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente. Mariing pinabulaanan ni City Councilor Rene Jumilla na tumakbo sa sa katatapos lamang ne
eleksyon ang akusasyon ng vote buying.

Ayon kay Jumilla, walang kakayahan ang kanilang
grupo para mamili ng boto, dahil unang una kulang aniya sila sa pondo.

Binigyan diin nito na ang sobre na hawak hawak ni
mayoralty candidate Jose Ledda Jr sa litratong kumakalat sa facebook ay
naglalaman ng listahan ng kanilang mga leader at hindi pera.

Paliwanag ni Jumilla nanatili kasing confedential
ang pangalan ng kanilang mga supporter para hindi aniya mamonitor ng kabilang
grupo.

Aniya
intensyon ng pagpapakalat ng malisyosong mga larawang ito na sirain ang
kanilang grupo.

Nilinaw ni Jumilla na wala pa silang natanggap na
formal complain hinggil sa naging akusasyon sa kanila.

Gayunpaman handa aniya silang sagutin ito sa tamang
forum.

Matatandaan na si Jumilla, dating City Councilor Rey
Millan at Ledda na parehong hindi pinalad sa May 9 election ay inireklamo ng
vote buying sa Comelec, ni Koronadal City Mayor Peter Miguel na nakatakda
namang uupo sa kanyang huling termino.

Sinimulan na ng Department of Agriculture o DA 12 ang pamimigay ng
tulong na binhi sa mga magasaka ng rehiyon na apektado ng tagtuyo’t.

Unang kumuha ng ayudang binhi sa DA 12 ang mga
provincial at municipal agriculturist sa lalawigan ng North Cotabato.

Maliban sa binhi bibigyan din ng DA ng abono ang mga
magsasakang sinira ng tagtuyo’t ang
kabuhayan sa mga lalawigan ng South Cotabato, Sarangani at Sultan Kudarat.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia
Jayag Datukan ang mga drought victims na magsasaka ay pinaglaan ng ahensya ng 52
libong bags ng rice certified seeds at 20 libong bags na hybrid at
open-pollinated corn certified seeds.

Nakadepende naman sa
lawak ng pinsala ng dry spell sa ang matatanggap na tulong ng bawat
lokal na pamahalaan.

Ayon kay Datukan matagal na nilang inihanda ang mga
binhi upang maibigay kaagad sa mga magsasaka na apektado ng tagtuyo’t kapag nagsimula na ang tagulan sa South
Cotabato.

Tumulong na rin ang Department of Environment and
Natural Resources upang matapos agad nglimang local government units ng South Cotabato ang kanilang Forest and
Land use Plan o FLUP.

Ayon kay DENR 12 Forester ang FLUP Focal Person
Benjamin Alangca. pinulong na nito ang mga planning and development officer at
environment and Natural Resources officer ng mga bayan ng Tampakan, Tupi,
Tantangan, Banga, Polomolok at Koronadal City.

Pinagusapa nila ayon kay Alangca ang mg balikd ng LGU sa paggawa ng kanilang
FLUP.

Bumuo na rin ng Regional FLUP Technical Working
Group ang DENR na magrerepaso sa FLUP ng mga LGU.

Binigyan diin ni Alangca na mahalaga ang FLUP dahil
magiging batayan ito ng ahensya at mga LGUs sa pangangalaga ng mga kagubatan.

Tiniyak din ng FLUP
ang pagkakaroong balanseng ecosystem sa kabila ng pagunald ng isang
lugar.

Target ng DENR na matatapos ng limang mga LGUs ang
kanilang FLUP ngayong taon.

Tiniyak ni South Cotabato Police Highway Patrol
Group o HPG Chief , Chief Inspector Arnold Carino na patuloy pa ring nakaalerto
ang kanilang grupo.

Ito ayon sa police official ay sa kabila ng pag lie
low ng carnapping group bunsod ng
pagkakapatay sa umanoy kasama nila sa Koronadal City noong nakaraang lingo.

Kinumpirma din ni Carino na kumpara noong nakaraang
taon, tumaas ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa Koronadal City sa unang
limang buwan ng 2016.

Kaugnay nito umapela si Carino sa publiko na
tulungan ang pulisiya sa pagsugpo ng carnapping incidents.

Hiling ng police
official sa mga mamamayan agad na
isumbong sa mga kinauukulan ang sinumang
personalidad o anumang kahina hinalang bagay na makikita sa kanilang lugar.

Sa halip na masayang reunion naghihinagpis ngayon ang pamilya ng isang
college student matapos masawi nang maaksidente ang sinakyang motorsiklo sa
Koronadal City.

Kinilala ng ina nitong si Marilyn ang biktima na si Gladys Anne Miranda, second
year Hotel and Restaurant Management Student ng STI Tacurong City at residente
ng Barangay Dansuli, Isulan Sultan Kudarat.

Si Gladys Anne ay
nasa On the Job Training o OJT sa isang establisemento sa Koronadal City

Maliban kay Gladys Anne nasawi din ang driver ng
motorisklong sinakyan nitong si Jolo Miranda, na graduating HRM student.

Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na
ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima ay aksidenteng nabangga ng nakasunod
sa kanilang bus ng Yellow Bus Line sa national highway purok
Quirino, Barangay Concepcion, Koronadal city.

Naganap ang road accident dakong alas 10:40 kagabi.

Ang biktimang si Miranda ay dead on the spot habang
si Paranaque naman ay nasawi habang ginagamot sa South Cotabato Provincial
Hospital.

Ayon kay Marilyn nakatakda pang pagusap alas nuebe
ngayong umaga ang mga kaanak ng biktima at driver ng bus sa Koronadal City
Traffic Section.

Cotelco announces power interruption on May 11 in Kabacan, Matalam

Kabacan, Matalam towns TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on...

Cotabato Light announces brownout sked in Sultan Kudarat

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company announced today a scheduled power interruption affecting Macaguiling, Sultan Kudarat on Thursday...

Cotabato Light urged consumers to conserve energy amid rising electricity rate for May

COTABATO CITY - Cotabato Light customers will experience an electricity rate hike in May due to increased generation charges from higher Wholesale...

Motorcycle thief killed, 2 arrested in Sultan Kudarat police operation

COTABATO CITY - Policemen shot dead a long-wanted motorcycle thief, wounded two others and seized from them three firearms in an operation on Monday...

PRO-BAR chief Tanggawohn bestowed posthumous award to Capt. Moralde

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - The Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region bestowed posthumous award to late PCPT ROLAND ARNOLD...