Friday May, 03 2024 09:56:41 AM

NDBC BIDA BALITA (May 18, 2016)

 • 19:16 PM Wed May 18, 2016
1,197
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

May 18, 2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. SUSPECTED CARNAPPER, patay, 2 iba pa, sugatan nang sumalpok ang ninakaw na sasakyan sa Army truck sa Lanao Sur.

2. Magsasaka, kulong matapos mahulihan
ng shabu sa Kabacan, North Cotabato Dalawang drug courier, natiklo sa Davao,
isa sa mga suspek taga-Kabacan

3. ILANG job order employees ng South
Cotabato LGU, posibleng matanggal sa trabaho kapag napatunayang nangampanya
noong nakaraang eleksyon. 4. Rep. Catamco, nagpasinungaling na nanuhol siya sa eleksyon DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang
pinaniniwalaang carnapper at hostagetaker matapos mabangga ng tinangay nilang pampasaherong
Toyota Revo ang isang 6x6 military truck sa Barangay Lalabuan, Balabagan, Lanao
del Sur pasado alas dose nang tanghali kahapon.

Ayon sa report ng pulisya, sumakay sa
nasabing pampasaherong Toyota Revo ang mag-amang Alicoshin Makawadib at Muktar
Makawadib nang makilala ng mga ito ang driver na sinasabing ka-RIDO o kalaban
ng kanilang pamilya.

Dito ay pinilit ni Alicoshin ang driver
na siya na ang magmamaneho ng sasakyan at sinasabing hinostage ng mag-ama ang
driver kasama ang isa pang hindi nakikilalang suspek.

Nang binabaybay na nila ang national
highway sakop ng Malabang, Lanao del sur ay may nakitang 6x6 military truck ang
hinostage na driver kaya pinilit niyang agawin ang manubela ng sasakyan kay
Alcoshin.

Dahil dito, nabangga ng Toyota Revo ang
likurang bahagi ng military truck.

Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay
natumba pa ang military truck ng Army’s 6th Infantry Division na may sakay na
mga sundalo.

Nagtamo ng mga grabeng sugat ang
mag-ama at ang isa pang suspek habang himala namang maayos ang kondisyon ng
hinostage na driver.

Maliban dito, nasugatan din ang apat na
mga sundalo ng 6th ID.

Dumating sa Cotabato Regional Medical
Center ang mga nasugatan pasado alas kwatro nang hapon kahapon pero idineklarang
Dead on Arrival si Muktar Makawadib habang si Alcoshin Makawadib naman ay malubha
ang kalagayan at nanganganib na maputulan ng paa.

Una rito ay sinubukan pang gamutin sa
isang pagamutan sa Lanao del sur ang mga ito kung saan ay nakatakas ang isa
pang suspek na kasama ng mag-ama.

Sa ngayon ay patuloy pa ang
imbestigasyon ng Lanao del Sur PNP sa nasabing insidente habang binabantayan si
Alcoshin sa pagamutan hanggang sa gumaling ang mga sugat nito para mapanagot sa
batas.

BINATI
ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang susunod na pangulo ng
Pilipinas na si Davao city mayor Rodrigo Duterte.

Sa
liham na ipinadala ni MILF chair Al Haj Murad Ebrahim para kay Duterte, sinabi
nito na nagagalak ang mga mamamayang Bangsamoro na tanggapin bilang susunod na
pinuno ng bansa si Duterte.

Naniniwala si Ebrahim na tatatak sa
kasaysayan na isang Mindanawon ang magiging ika-16 pangulo ng Pilipinas.

Samantala,
sinabi ni Ebrahim na tiwala ang MILF na ipagpapatuloy ni Duterte ang usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng kanilang grupo at ng pamahalaan.

Aniya,
umaasa rin ang MILF na isusulong ni Duterte ang adhikain ng mga mamamayang
Bangsamoro gaya ng kanyang mga ipinangako noong siya ay nangangampanya pa
lamang. Tiniyak
naman ni Ebrahim na susuportahan ng MILF ang kapayapaan, kalayaaan, pagkakapantay-pantay
at hustisya na isusulong ng gobyerno ni Duterte para sa pagkamit ng totoong
pagbabago sa bansa. Sabi
pa ni Ebrahim, tiwala rin ang kanilang grupo na ang isinusulong na federalism
ni Duterte ay magiging daan para makamit nila ang kalayaan para pamunuan ang
itatatag na Bangsamoro entity. Nabatid
na nagtungo rin sa Davao city si Ebrahim para personal na makausap si Duterte
bukod sa pag-post nito ng kanyang liham sa MILF facebook page at sa mga online
news source.

HINARANG
ng Land transportation office o LTO region 12 ang ilang mga motorsiklo at
four-wheel vehicle sa bahagi ng Salipada SK pendatun Extension sa Cotabato City
kaninang umaga. Ito
matapos magsagawa ng surprise check-point ang LTO-12 sa lungsod.

Dahil
dito, ilang mga driver ng pampasaherong motorsiklo at mga sasakyan ang
nakuhanan ng mga expired na lisensya ng sasakyan, driver's license at wala
talagang mga lisensya o papeles para magmaneho. Sa
isang truck naman isinakay ang mga nakumpiskang mga sasakyan at dinala sa
opisina ng LTO Cotabato City sa loob ng ORG Compound. Ilan
sa mga nagmamayari ng mga motorsiklo ay binigyan ng pagkakataon ng LTO na
makapagproseso ng kanilang mga lisensya o papeles at makapagbayad ng
karampatang penalidad bago nila muling makuha ang kanilang mga sasakyan. Nabatid
na ilang mga request din mula sa publiko ang ipinaabot sa opisina ng LTO
tungkol sa mga violation at abusadong mga motorista sa kalsada. Binigyang
pansin na rin ng LTO-12 hindi lang ang mga maliliit na motorista kundi pati ang
mga pribado at public 4-wheel vehicle base na rin sa request ng mamamayan na
isali sa kanilang mga surprise inspection upang maging patas ang implimentasyon
ng batas trapiko saan mang bahagi ng kanilang kinasasakupan.

Isang
empleyado ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-ARMM ang
panibagong nabiktima ng basag-kotse dakong alas kwatro nang hapon kahapon sa
Cotabato city. Ayon
sa salaysay ni Norhan Malaguiok Uka, 42 years old, taga-Sultan Kudarat,
Maguindanao, ipinarada niya lang ang kanyang kulay itim na Nissan Terrano na
may licensed plate MCJ-493 sa El Manuel compound, barangay Poblacion Singko ng
lungsod. Sinamantala
naman ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek at binasag ang kanang windshield
ng sasakyan saka tinangay ang wallet na naglalaman ng mga ID, ATM cards at
8,700 pesos na cash, isang kulay itim na sling bag na naglalaman ng netbook na
nagkakahalaga ng 34,700 pesos, isang Samsung S7 edge cellphone na nagkakahalaga
ng 34 thousand pesos, isa pang Samsung cellphone na nagkakahalaga ng 5,900
pesos, isang silver na singsing na nagkakahalaga ng 4,900 pesos, isang silver
na kwintas na nagkakahalaga ng 2,300 pesos at Vans shoes na nagkakahalaga ng
2,000 pesos.

Sa
ngayon ay nasa Regional Crime Laboratory Office na sa PC Hill, Cotabato city
ang sasakyan para sumailalim sa pagsusuri at malaman kung sino ang mga nasa
likod ng basag-kotse. Hihingin
naman ng Police investigators ang CCTV footage ng mga establisimyento sa El
Manuel compound sa pag-asang makikilalang ang mga suspek.

SUMABAY sa
uso ang mga sundalo ng Army’s 6th Infantry Division at tinanggap
nito ang running man challenge. Naglabas na
ng kanilang mga bersyon ng Running Man Dance ang iba’t ibang mga grupo at
indibidwal mula U.S, Australia, Europe at hanggang sa maraming mga bansa sa
Asya, lalo na dito sa Pilipinas. Kaya naman,
game na game din ang mga sundalo ng 6th ID na ipakita sa mga netizen
ang kanilang dalawang minutong Running Man video.

Siyempre, ang
pag-post ng naturang video sa social media ay may pahintulot mula sa kanilang
Commanding General na si Major General Edmundo Pangilinan. Di inakala ng
mga dancing soldier ng 6th ID na magiging viral ito matapos na
ma-repost ito sa Pinoy Viral Videos na may mahigit 400 libong followers.

Sa ngayon, abot
na sa mahigit 11 libo ang nag-share ng kanilang video at halos 500 libo na rin
ang views nito sa loob lang ng anim na araw. Ang Running
Man Challenge ay pakana ng dalawang NBA Players mula sa team na Maryland
Terrapins na sina Jaylen Brantley at Jared Nickens na nag upload ng kanilang
Running Man dance sa kanilang instagram na may caption na Who wanna
battle . Simula noon
ay iba’t ibang mga sikat na personalidad na ang sumagot sa hamon. Sa katunayan,
maging ang mga empleyado ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC Radyo
Bida, Happy FM at I-WATCH ay mayroon na ring sarili nilang bersyon ng Running
Man. Taong 1996 pa
nung sumuikat ang kantang My boo ng Ghostowns DJ na siyang ginamit na tugtog
para sa running man dance.

Ikinasawi ng ilang mga biktima, mga mamamayan pinagiingat ng Koronadal City Trafic Office.
Umaapela si Koronadal City Supervising Traffic Officer Edgardo Tabago sa mga mamamayan na mag-ingat sa pagmamaneho.
Aniya, mahalaga ang defensive driving dahil naiiwasan nito ang labis na pinsala sa mga aksidente sa daan.
Ayon kay Tabago ang mabilis na pagmamaneho ay kadalasang humahantong sa aksidente.
Payo din nito sa mga motorist huwag magmaneho ng lasing lalong lalo na tuwing gabi kung kelan, nagiiba ang visibility.
Ang mga naka motorsiklo naman ay pinayuhan din ni Tabago na magsuot ng helmet.
Aminado si Tabago na kadalasang sanhi din ng disgrasya ang kwalan ng tail light o signal light ng mga motorsiklo.
Gayunpaman, ang paghuli sa mga motorsiklong kulang sa mga signa lights ayon kay Tabago ay responsibilidad ng land transportation office o LTO at pulisiya.
Paliwanag ni Tabago, mas nakatutuok ang city traffic section sa pagpapatupad ng mga ordinansa ng lungsod, lalong lalo na sa motorized transport operators permit o MTOP sa mga tricyule na bumibyahe sa Koronadal City
Ito ang ipinahayag ni Tabago bunsod ng sunod sunod na aksidente sa daan sa Koronadal city at karatig lugar na ikinasawi ng pito katao kabilang ang isang traffic enforcer nitong mga nakalipas na araw.
Tatangalin ng provincial government ng South Cotabato ang mga job order employees na lumabag sa omnibus election code .
Ayon kay Governor Daisy Avance Fuentes, ito ay matapos umanong mangampanya at masangkot sa vote buying activity sa katatapos lang na eleksyon.
Ipinahayag ng gobernador na dahil sa pagiging partisan sa nakalipas na halalan, hindi na ire-renew ang kontrata ng may 15 job order employees ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Fuentes, ang mga job order employees na ito ay kabilang umano sa mga namigay ng pera at bigas sa mga botante.
Kinumpirma din ng gobernador na maging ang ilang mga permanent employees ng lalawigan ay aktibo ring nagpakita ng suporta sa napipisil nilang kandidato.
Iba aniya sa mga ito ay aminadong nakatanggap ng biik.
Gayunpaman ayon kay Fuentes bago matanggal sa pwesto ang mga umanoy nangampanyang permanent employees, kailangan muna ng provincial government na maghanap ng matibay na ebedensya laban sa kanila.
Magbibigay ng insintibo ang lokal na pamahalaan sa mga kawani ng ilang piling government agency sa Koronadal City.
Ayon kay City Budget Officer Julieta Gastala may inilaan ng pondo para dito ang city government.
Kabilang sa mga makatatanggap ng tig P3,000 incentive ang mga guro, mga myembro ng City PNP, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology sa lungsod.
Ang pag-release sa naturang benipisyo ay naka depende naman sa bilis ng pagpasa ng mga kaukulang dokomento ng bawat government agency.
Ayon naman kay City Mayor Peter Miguel, ang pagbibigay ng insintibo ay bilang pasasalamat na rin ng lokal na pamahalaan sa mga national government agencies na nakabase sa Koronadal. Tatlong linggo bago magpasukan, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pamimigay ng educational assistance sa mga estudyante sa mga pampublikong eskwelahan sa Koronadal City.
Ang paglilibot sa 27 barangay ng lungsod ay pinangunahan ng educational assistance team ng city government.
Ang mga estudyante sa elementary sa public schools ng Koronadal ay tatanggap ng P500 educational assistance habang P550 naman sa sekondarya.
Gayunpaman ayon kay City Mayor Peter Miguel, sa halip na cash, tatanggap ng certificate mula sa lokal na pamahalaan ang mga magulang o mga estudyante na gagamitin ng mga ito sa pag claim ng educational assistance.
Ang educational assistance ay diretsong ibabayad ng lokal na pamahalaan sa mga eskwelahan.
Makikinabang naman sa programa ang mga grades 5 hanggng 11 na estudyante. Nakipagpulong sa mahigit isang libong mga batang kalye si General Santos City Mayor Ronnel Rivera.
Ayon sa alkalde, layon nito na maresolba ang problema sa mga streetc children, sa pamamagitan ng pagdinig sa kanilang mga hinaing.
Ipinahayag ng alkalde sa katatapos lamang na Youth Empowerment Consultation, na bagama’t may mga programa ang lokal na pamahalaan ng Gensan para sa mga bata, hindi pa rin sapat ang mga ito para mapigilan ang pagdami ng mga batang tun-og sa lungsod.
Natuklasan sa forum na maliban sa atensyon ayon kay Rivera, hangad din ng mga batang kalye na makapag-aral
Aniya nais din ng mga bata na magkaroon ng permanenteng kabuhayan ang kanilang mga magulang at mapagtayuan ng simbahan, play ground at iba pang pasilidad ang kanilang komunidad.
Naniniwala si Rivera na kapag ito ay naipatupad mababawasan ang mga batang kalye.
Ayon kay Rivera kailangan ng Gensan LGU na magkaroon pangmatagalang solosyon sa problema ng mga bata na sisikapin aniyang maipatupad ng lokal na pamahalaan.
Nabatid na ang Children and Youth Empowerment Consultation ay dinaluhan ng mahigit isang libong mga bata sa General Santos City.
Para hindi mag atubiling ihayag ng mga bata ang kanilang nais sa gobyerno, tanging inimbitahan lamang na dumalo sa aktibidad ang City Social Welfare and Development ng Gensan. Inamin ni 2nd District Rep. Nancy Catamco na sa dalawang beses nitong pagtakbo bilang kongresista sa
North Cotabato ay ngayong 2016 election lamang siya nasaktan at nahirapan.Ayon kay Catamco bagaman at nanalo siya ulit ngayon eleksyon sa kanyang ikatlong termino iba pa rin
ang naging bunga sa kanya nito.Ilang mga alegasyon kasi ang ibinabato sa kanya ng kanyang kalaban sa pwesto ni si Board Member Aying
Pagal at supporters nito sa umano pamimili ni Catamco ng boto, panunuhol at pang mumudmod ng bigas
nitong nakaraang eleksyon.Ang lahat naman ng ito ay itinanggi ni Catamco sa panayam sa kanya ng Radyo Bida at katunayan aniya
base sa kanyang monitoring at mga report ang kalaban umano nito sa pwesto ang gumawa sa lahat ng
kanyang pamimintang.Pati raw mga barangay kapitan ay nasuhulan narin.Binanggit rin ni Catamco na tanging si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang hindi nang-iwan sa
kanya bago at pagkatapos ng halalan.Para kay Catamco alam niya sa sarili niya na hindi siya nandaya, hindi siya namudmod ng bigas at lalo
nang hindi siya nagbigay ng pera. Ang reaksyon na ito ng opisyal ay bunga na rin sa mga kumakalat sa social media at maging post mismo
ng kalaban nito sa pwesto.Ayon kay kasi sa facebook account ni Pagal, tinatanggap niya ang kanyang pagkatalo hindi para sa
kanyang katunggali kundi sa pagkatalo nito sa mga nangyaring suhulan at vote buying.Ang tanging nais lamang raw ni Pagal ay magkaroon ng malinis na halalan pero nakita niyang kaya palang
ipagpalit ng mga tao ang kanilang boto sa pera at bigas bagay naman na taliwas sa sinabi ni Catamco.Nagdesisyon na raw ang taong bayan at nalulungkot siya sa naging resulta nito.Pero sa kabila nito pinasalamatan naman ni Pagal ang higit anim napung libong indibidwal na sumuporta
sa kanyang mga adbokasiya at pananaw para sa lalawigan. Matapos ang mahabang buwang El Niño, inaasahan naman ang pagdating ng pag-ulan o La Niña.Dahil dito agad na pinulong ng Tulunan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Coiuncil ang
mga residente na nakatira malapit sa creek na nasa brgy. Poblacion area tungkol sa gagawing dredging
sa kanilang lugar.Layunin nito na protektahan ang nasa 86 na pamilya at ang kanilang mga hayop at iba pang kabuhayan sa
posibleng pagbaha.Ayon kay MDRRM Officer Jeric Ardina, maayos naman ang pagtanggap ng mga residente kung saan maglalaan
lamang sila ng tatlo hanggang limang metro sa kanilang mga lote para rito.Sisimulan ang dredging ayon pa kay Ardina oras na maayos na ng Municipal Engineering office ang mga
dokumentong kakailanganin lalo na sa DENR.Posible rin kasing may mga kahoy na mapuputol dahil sa nabanggit na proyekto.Samantala, pinag-iingat naman ngayon ni Ardina ang lahat ng mga pamilyang nakatira malapit sa mga ilog
o mga creeks sa buong Tulunan na maging mapagmatyag sa lahat ng panahon.Aniya manatilng makipag-ugnayan sa mga otoridad at sakali mang mga may advisory o babala ay wag nang
mag-atubiling hindi ito sundin para makaiwas sa disgrasya.Sa ngayon naghahanda na ang Tulunan LGU sa posibleng pagtama ng La Nina sa lugar.Naabisuhan na rin nila ang Sangniang Bayan sa paggamit ng Quick response fund sakali mang mangyayari
ang mga di inaasahang kalamidad sa bayan.Nabatid na ilang beses nang nakaranas ng pagbaha ang bayan ng Tulunan kaya naman ngayon pa lamang ang
todo paghahanda na ang LGU dahil kung hindi man maiwasan ay agad nilang matutugunan ang
pangangailangan ng mamamayan. Dalawang drug
courier, natiklo sa Davao, isa sa mga suspek taga-KabacanNaaresto ang isang 22-anyos na magsasaka makaraang mahulihan ng illegal na droga sa inilatag na
highway check ng Kabacan PNP sa Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato.Kinilala ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Mohamad Malindan
Sansaluna, may asawa at residente ng Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato.Ayon sa report, pinara ng team ni Police Ins. Randy Apostol ang suspek sakay ang kanyang motorsiklo
upang isagawa ang check point operation, at nang siyasatin na ang minamaneho nitong sasakyan ay
nakuhanan ito isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Ang nasabing illegal na droga ay nakalagay umano sa photocopy ng certificate of registration o CR at
OR ng kanyang motorsiklo.Nagtangka pang tumakas ang suspek, pero nahuli pa rin ito sa bahagi ng Sitio Lumayong ng Brgy, Kayaga
at ngayon ay nasa kustodiya ng Kabacan PNP at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.Samantala, Kalaboso namang ang dalawang lalaki matapos maharang sa inilatag na checkpoint ng Task
force Davao sa bahagi ng Sirawan, Toril, Davao City.Batay sa ulat, unang naharang ang isang Jace Magnaye na residente ng Kabacan, North Cotabato pasado
alas 6and00 ng gabi noong nakaraang araw kung saan nakuha mula sa suspek ang isang supot ng 12 gramo ng
shabu na nagkakahalaga ng P108,000.Habang pasado alas 9and00 naman ng gabi ng kaparehong araw ng maharang din ang isang Kadapi Sagio Ayunan
na taga Cotabato city kung saan nakuhanan din ito ng ilang pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga
ng P36,000.Sa ngayon, nakapiit ang dalawa sa Toril Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Bagaman at temporaryo lamang ang inuupuang pwesto ngayon ni Kidapawan City PNP OIC Chief Of Police
Supt. Leo Ajero nakasisiguro naman itong nanatili ang kanilang mga kampanya at adbokasiya kontra
kriminalidad sa lungsod.Inamin ni Ajero na malaking porseyento kasi ng bilang ng City PNP ang naapektuhan matapos masangkot
ang ibang personnel sa madugong Dispersal noong April 1.Ang iba kasi sa kanila ay restricted dahil sa nagpapatuloy ngayong imbestigasyon kaya maging ang
kanilang regular functions ay nababawasan at naapektuhan din.Aminado din ang opisyal na naapektuhan din ang ilan sa mga kampanya ng PNP kagaya ng Oplan Lambat
Sibat at One time Big Time Oeration dahil sa pangyayari.Ilang mga warrant of arrest raw ang hindi naisilbi dahil kulang sa tao at nasundan rin sa mga
paghahanda sa eleksyon.Kaugnay nito, naobserbahan rin ng ilang mga taga Kidapawan City ang paglipana na naman ng mga
magnanakaw sa lungsod simula nang mahinto ang 90% deployment ng PNP sa mga lugar sa Kidapawan na una
nang ipinatupad sa ilalim ng pamumuno ni dating CPPO Provincial Director Sr. Supt. Alexander Tagum.Nilinaw naman ni Ajero na may ginagawa pa rin ang kanyang mga tao at katnayan aniya pinag-aaralan na
ngayon ng operations section ang nabanggit na mga krimen lalo na ang pangloob at motornapping at
inaalam na rin nila kung may malaking grupo o sindikato na nasa likod at responsable nito.Samantala,limang mga Senior Supt. naman ang hinihintay ngayon ng CPPO mula sa Police Regional Office
12 na siyang inaasahang magiging kwalipikado para maging bagong Provincial Director at Chief of Police
ng City PNP.Nabatid na pagkatapos ma relieve sa pwesto si Former CPPO Provincial Director Sr. Supt. Alexander
Tagum , pansamantala muna ngayong nakaupong PD si Deputy Chief for Administrations si Supt. Noel
Kinazo habang temporaryo namang pinalitan si Supt. John Meridel Calinga ng Kidapawan City PNP ni Supt.
Leo Ajero. Hindi na nagawang tumanggi pa ng tatlong mga target suspek sa search operation na isinagawa ng
Cotabato Police Provincial Office katuwang ang Kidapawan City PNP matapos ring positibong makuha mula
sa kanila ang higit 15 sachet ng pinaniniwalaang shabu sa brgy. Singao, Kidapawan City kaninang alas
kwatro ng madaling araw.Simultaneous ang ginawang paghalughog sa tatlong mga target sa bisa ng search warrant mula sa korte na
bitbit ng mga otoridad.Kinilala ang mga suspek na si Alcon Celis, 39-anyos kung saan anim na pinaniniwalaang sachet ng shabu
ang nakuha mula sa kanya at drug paraphernalia.Isang Gilbert Antonio Monares, 42- anyos, na taga Purok Mangga, brgy. Singao kung saan anim na
pinaniniwalaang shabu rin ang nakuha mula sa suspek.Habang nakuha rin mula sa ikatlong target na si Jomar Cornel Tumilap ang apat na mga bala ng .45
caliber pistol, anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu.Sa mga oras na ito ay nagpapatuloy pa ang ginagawang search operation ng PNP sa ikatlong target.Nabatid na matagal na ring isinailalim sa surveillance and monitoring ang nabanggit na mga suspek sa
lugar na responsible sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga.Ang nabanggit na operasyon ay bahagi pa rin sa nagpa patuloy na kampanya ng PNP kontra ilegal na
droga sa North Cotabato.NDBC BIDA BALITA

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...