Thursday May, 02 2024 11:39:12 PM

NDBC BIDA BALITA (May 21, 2016)

 • 19:28 PM Sat May 21, 2016
1,330
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 21, 2016 (SATURDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1.RESOLUTION sa preliminary
investigations sa mga sangkot sa Mamasapano encounter, hindi pa nailalabas ng
Department of Justice

2. Pinakahuling biktima ng pamamaril sa
Kidapawan City, patuloy pang iniimbestigahan ng PNP

3. Dalawa katao binaril, patay sa
Polomolok, South Cotabato

4. School of Forest, itatayo sa South Cotabato HINDI PA TIYAK kung kailan mailalabas
ng Department of Justice ang resolution sa preliminary investigations na ginawa
sa 90 mga indibidwal na sangkot sa Mamasapano Encounter.

Ayon kay DOJ Acting Justice Secretary
Emmanuel Caparas may mga sensitivities na tinitignan ngayon ang kanilang
departamento bago maresolba ang naturang kaso na hinaharap ng mga suspek.

Hindi naman binanggit ni Caparas kung
anong mga nasabing sensitivities pero tiniyak lamang nito na ginagawa nila kung
ano ang nararapat sa nasabing kaso.

SA siyamnapong mga kinasuhan ay pawang
mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF , Bangsamoro Islamic
Liberation Front o BIFF at mga private group, APAT LAMANG ang nakapagsumite ng
kanilang counter-affidavits.

ITO ay sina Pendatun Utek Makakua,
Mustapha Tatak, Lakiman Dawaling at Khalim Keda.

Bukod sa murder ay kinasuhan din ang
mga ito ng theft dahil sa pagkuha ng mga armas at ibang mga kagamitan ng mga
napatay na miyembro ng PNP Special Action Forces noong Enero 25, 2015.

Una ng sinabi ni Prosecutor General
Claro Arellano noong Pebrero na mailalabas na ang resolution ng preliminary
investigation sa buwan ng Marso subalit ito ay naantala.

HAWAK NA NI
incoming Philippine National Police o PNP chief, Chief Supt. Ronald Dela Rosa
ang listahan ng mga pulis na sangkot o protektor ng ilegal na droga.

Ayon kay Dela
Rosa, bilang dating miyembro ng intelligence group ng PNP, hindi makalulusot sa
kanya ang mga tiwaling pulis na may kaugnayan sa ilegal na aktibidad partikular
sa ilegal na droga.

Gayunman,
tumanggi pa si Dela Rosa na ilabas sa publiko ang pagkaki­lanlan ng mga ito
maging kung ilan ang mga ito.

Una nang
ibinunyag ng kampo ni Duterte na may apat na heneral sa pulisya ang sangkot sa
operasyon ng ilegal na droga pero hindi pa ito pinangalanan.

Sinegundahan
din ni Dela Rosa ang payo ni Duterte sa mga tiwaling pulis na lumayas na sa
kanilang organisasyon hangga’t hindi pa siya pormal na naitatalaga, dahil
sisiguruhin nitong mananagot ang mga ito.

Kaugnay nito,
kumpiyansa si Dela Rosa na kayang masawata ang krimen at illegal drugs sa bansa
sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan gaya ng ipinangako ni Duterte.

Subalit
tiniyak din nito na hindi pagkakaitan ng karapatan ang mga criminal para
ipagtanggol ang sarili sa sandaling maaresto.

Gayunman,
nilanaw ni Dela Rosa na hindi naman nito hahayaan na maunahan sila ng mga
kriminal, at sakaling malagay na sa alanganin ang buhay ng mga pulis ay hindi
sila mangingiming unahan na ang mga ito. Sinimulan
na ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulugan sa Bureau of
Domestic Trade Promotion o BDTP ang kanilang Diskwento Caravan Balik-Eskwela
Edition bilang paghahanda sa paparating na pasukan ng mga estudyante.

Ang
Diskwento Caravan Balik-Eskwela Edition ay isa sa mga regular na proyekto ng
DTI kung saan ibinebenta ng mga manufacturers ang kanilang mga produkto sa mas
mura at discounted na halaga.

Mas
mababa ng 10-70 porsyento ang mga produktong ibinebenta rito kung ikukumpara sa
suggested retail price o SRP.

Layon
nito na makapaghatid ng mga basic at prime commodities o kagamitan sa publiko
kung saan mabibili dito ang mga pagkain, school supplies, uniporme, sapatos at
iba pang school related items.

Ang
Diskwento Caravan Balik-Eskwela Edition ng DTI ay gagawin sa iba't ibang bahagi
ng bansa anu mang araw sa mga nalalabing araw sa buwan ng Mayo bago mag
pasukan.

INIHAYAG
ng Civil Service Commission o CSC na muli na itong tumatanggap ng aplikasyon
para sa Career Service Examination o CSE sa mga Professional at Sub Professional
levels.

Ang
pagsusulit ay itinakda sa Oktubre 23, 2016.

Ang
CSE ay requirement para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa gobyerno, at bukas
sa lahat ng edad 18 pataas.

Maaaring
magtungo sa mga CSC Regional Office o CSCRO o mga CSC Field Office o CSCFO ang
sinumang nais magfile ng application, at maaari ring alamin sa CSC website na
and//www.csc.gov.ph www.csc.gov.ph ang listahan ng requirements.

Pinayuhan
din ng CSC ang lahat na mag-apply nang maaga dahil bagamat sa September 1 pa
opisyal na magsasara ang aplikasyon ay nagpapatupad ang mga CSCRO at CSCFO ng
first-come, first-served basis.

Kaya maaaring
tapusin na ang pagtanggap ng aplikasyon kapag umabot na ang bilang ng aplikante
sa target number.

Samantala,
para sa 229,463 kumuha ng CSE noong Abril 27, ilalabas ng CSC sa website nito
ang resulta ng pagsusulit makalipas ang 41 araw.

Makukuha
naman ang Certification of Eligibility 30 araw matapos ilabas ang resulta ng
CSE.

IPINAGPASALAMAT
ni Senate Committee on Ways and Means Chair Senador Sonny Angara ang
napipintong pagpapatupad ng malawakang reporma sa buwis sa pagpasok ng Duterte
administration.

Ayon
kay Angara, ngayong bago na ang administrasyon, mas paiigtingin niya ang
pagsusulong ng kanyang panukalang baguhin ang sistema ng pagbubuwis sa
pagsisimula ng 17th Congress.

Unang
ipinanukala ni Angara ang Senate Bill 2149 noong Pebrero 2014 na naglalayong
ibaba ang bayarin sa buwis at tapyasin hanggang sa 25% ang kasalukuyang 32% tax
rate.

Layunin
din ng panukala ni Angara na mula sa pitong tax brackets ay gawing 5 brackets
na lamang ito.

Kasunod
ng panukalang ito, ipinanukala ng senador noong Nobyembre nang nakalipas na
taon ang mas komprehensibong reporma sa buwis na ibabase sa inflation.

Sa
kasalukuyan, pangalawa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asean na may pinakamataas
na tax rate sa 32 percent kasunod ng mga nangungunang Vietnam at Thailand na
nagpapatupad ng 35 percent tax.

Mababatid
na hindi pinaboran ng gobyernong Aquino ang panukalang ito ni Angara sapagkat
posible umanong malugi ng P30B ang pamahalaan kahit pa nagdeklara naman ang
gobyerno na may daan-daang bilyong pisong underspending ito. Dahil sa mas mahigpit na implementasyon ng No Smoking Policy, muling nasungkit ng Kidapawan City LGU ang prestihiyusong Red Orchid Award mula sa Department of Health ngayong 2016.Mismong si DOH Secretary Janet Garin ang nag-abot ng nasabing award kay City Health Officer Dr. Joy Encienzo bilang pagkilala sa aktibong pagpapatupad ng City LGU sa nabanggit na polisiya sa mga pampublikong lugar.Ang Red Orchid Award ang pinakamataas na parangal mula sa DOH sa usapin ng No Smoking Policy na ipinatutupad ng mga Lokal na Pamahalaan sa buong bansa. Nakakuha kasi ng 100% na rating ang City LGU sa nabanggit na patimpalak ayon sa DOH.Kinilala ng DOH ang mahigpit na pagbabawal ng City LGU sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, pagpapataw ng penalidad sa mga sumusuway dito at ang pagpapalawak ng education dissemination tungkol sa mga mapanirang epekto ng sigarilyo sa kalusugan.Kaugnay nito, hinimok ngayon ni City Mayor Joseph Evangelista ang publiko at ang mga kawani ng City LGU na simulan ang pagtataguyod ng No Smoking Policy sa mismong City Hall at sa kanilang mga sarili.Nabatid na maliban sa Kidapawan City ilang mga bayan na rin sa North Cotabato ang una nang nakatanggap ng kaparehong award kagaya ng Mlang, Pigcawayan at iba. Halos makumpleto na ngayon ng Kidapawan City Agriculture office ang pamamahagi ng high value crops para sa mga magsasakang naapketuhan ng El nino Phenomenon.Sinabi ni City Acting Agriculturist Nesmiro Espejo, umabot na sa walumpong porsyento ng mga seedlings ang ngayon ang kanilang naiabot sa mga affected farmers sa ibat- ibang barangay sa lungsod.Nabatid na ang mga seedlings ay nagmula sa Department of Agriculture Regional Office 12 na bahagi rin sa kanilang ginagawang tulong sa mga magsasakang labis na naapektuhan ang kabuhayan.Pero inamin naman ng opisyal na kulang pa rin sa ngayon ang supply ng rice at corn seedlings na dinownload ngayon ng DA.Dahil dito pinursige ni Espejo ang una na niyang proposal sa Sangguniang Panglungsod kaugnay sa dagdag na pondo para sa dagdag na tulong sa mga magsasaka. Kaya naman nitong nakaraang huwebes kasabay ng Sangguniang Panglungsod session ay inaprubahan ng SP members ang pagpapalabas ng pondo sa calamity para ibili ng mga buto na siyang ipapamahagi sa mga magsasaka.Una na ring sinabi ni Provincial Agriculturist Engr.Elideo Mangliwan na maari nang makapagtanim ulit ang mga magsasaka sa North Cotabato lalo na ngayong nag-uumpisa na ang pag-buhos ng ulan. Blanko pa rin hanggang ngayon ang Kidapawan City PNP sa motibo sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa loob mismo ng kanyang barong-barong sa Jil Subd. brgy. Poblacion Kidapawan City noong nakaraang gabi.Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng City PNP ang biktima na si Noel Vecious, Alyas Nono na taga brgy. Rotonda, Koronadal City.Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na tatlong suspek ang reponsable sa krimen kung saan pinasok umano ito ng isa sa mga gunman at doon na siya pinagbabaril.15 basyo ng bala ng 45 caliber pistol ang narekober ng mga otoridad sa crime scene.Tama sa ulo at ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.Ayon pa kay Ajero pagdating ng mga otoridad sa lugar ay tanging bangkay na lamang ng biktima na naliligo sa kanyang sariling dugo ang tumambad sa kanila.Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Kidapawan City PNP sa Koronadal City PNP para matukoy kung may mga kinasasangkutan bang grupo ang biktima o kung ano ba ang dating trabaho nito na posibleng maging dahilan sa pagkakabaril sa kanya. Labing walong mga personnel ng Tulunan LGU ang nagtapos sa kanilang tatlong araw na Rapid Damage Assessment o and Needs Analysis na pinangunahan ng Office of the Civil Defense Regional office 12.Ito ay isang inter-agency training na kinabibilangan ng mga piling kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, Bureau of Fire Protection, Local police, AFP, MSWDO, At DepED.Sinabi ni MDRRM officer Jeric Ardina, layunin nitong matukoy ang mga hakbang, responsibilidad, at koordinasyon sa bawat ahensya sa posibleng pagtama ng anumang kalamidad.Para kay Ardina, ang pagresponde sa Natural at Human disasters ay di lamang trabaho ng gobyerno kundi responsibilidad din ng mamamayan.Kaugnay nito, muling sisimulan ng LGU, partikular ng MDRRM ang kanilang education Information Campaign sa mga flood at landslide prone areas bilang bahagi ng paghahanda sa kalamaidad.Partikular na rito ang mga barangay ng Minapan, Bual, Damawato, Galidan, Popoyon, Dungos, Poblacion, La Esperanza, Sibsib, Banayal, at Bacung kung saan kadalasan umaapaw ang mga ilog sa lugar at mga Brgy ng Daig, Tuburan, Paraiso, Lampagang, Bituan, Banayal at Magbok na kabilang rin sa mga landslide prone areas. Sa layuning mas mapalakas pa ang industriya ng turismo sa Kidapawan City, isang record breaking activity ang planong susungkitin ngayon ng isang Dance Group sa lungsod para sa Book of World Record.Sinabi ni Coach Jodilito Laniton, ng Kidapawan City Danceport team at organizer ng aktibidad – sabay sabay na sasayaw ang mga partisipante ng chachacha.Sisikapin ngayon ng lungsod na lampasan ang bansang Singapore na siyang may hawak ngayon ng Titulo na may 3,337 na partisipante.Ayon kay Laniton, aasahang sunod-sunod na mga pagpupulong ang kanilang gagawin katuwang ang City Tourism office. Target kasi ngayon ngayon ng TEAM na makalikom ng sampung libong mga partisipante na lalahok sa naturang Sayaw na gagawin naman sa August 30, 2016.Aniya, isang napakalaking karangalan para sa Kidapawenios ang pagsungkit ng world record na tutulong rin sa pagpapalago ng turismo sa Kidapawan City kabilang na sa buong rehiyon at maging sa bansa.Umaasa din ang LGU Kidapawan na sa pamamagitan ng naturang aktibidad ay muling mabawi ng Kidapawan City ang magandang imahe nito mula na una nang namantsahan sa nangyaring madugong dispersal sa libu-libong mga magsasaka noong nakaraang April 1. Magpapatayo ng School of
the Forest” at iba pang pasilidad sa Glandang Primary School sa bayan ng
Tupi, South Cotabato ang pamahalaang
panlalawigan.Ayon kay Provincial Environment and Management Office o PEMO
Community Development Officer Rogelio Calmiti, napili ang lugar para pagtayuan
ng proyekto dahil sakop ito ng Mt. Matutum Protected Landscape o MMPL.

Nagsisimula ang trekk paakyat ng Mt. Matutum sa Glandang Primary
School

Ang may 100 ektaryang lawak ng lugar ay lalagyan ng training
center, museum, view deck, nursery shed, foot walk at iba pa.Tatamnan din ito
ng mga punong kahoy

Ito ayon kay Calmiti ay bilang kabahagi ng pagpapaigting ng pangangalaga sa kalikasan sa South Cotabato.

Bago simulan ang proyekto ang eskwelahan ay ininspeksyon ng team
mula sa Provincial Engineering office,environmentalist ng PEMO, Municipal
Environment and Natural Resources Office o MENRO-Tupi and Protected Area
Superintendent o PASU.

Oobligahin na ng provincial government ng South Cotabato ang kanilang mga supplier
na lumagda sa integrity pledge.

Ayon kay Provincial Budget officer Luz Fontanilla, layon nito na
maipaalam sa mga negosyante ang mariing pagsunod ng provincial government
sa kultura ng integrity and honesty,”.

Ito ay bilang pagpapatupad
ng Integrity and Jobs Project na may layong maisulong ang integridad
sa mga government transaction.

Napili ng mga founder nitong
Eurupen Union at Kondrad Adeneur Striftung na maging pilot area ng
proyekto ang South Cotabato nang tanggapin ng mga lokal na opisyal ang hamon ng
pagpapanatili ng integridad sa local governance.

Para lalo pang maipaliwanag ang programa, isasailalim din sa
integrity training ang mga supplier ng provincial government.

Ayon kay Fontanilla ang business sector ay kabilang na rin kasi
sa integrity circle na binubuo din ng mga kinatawan mula sa civic groups at
gobyerno na susulong sa integridad.

Ayon kay Integrity Circle Chairman Sister Susan Bolanio OND,
para masawata ang korupsyon dapat magtutulungan sa pagsugpo dito ang lahat ng sector.

Naniniwala ang mga bumubuo ng integrity circle na sa pamamagitan
ng integridad mawawala ang korupsyon at marami pa ang maglagak ng negosyo sa
South Cotabato.

Ayon kay Sister Susan, Ito ay magbibigay naman ng maraming
trabaho at tutugon sa matagal nang problema sa kahirapan ng maraming mga mamamayan.

Sa halip na ngayong buwan ng Mayo gagawin na ang SarBay Fest 2016
sa bayan ng Glan, Sarangani Province sa June 3 at 4.

Paliwanag ni Provincial and Regional Tourism Council President
Michelle Lopez Solon, ito ay upang makaagapay din sa pagbabago sa calendar year
ng mga college students na karamihan sa mga dumadalo sa kasiyahan.

Ayon kay Solon may mga
eskwelahan na sa halip na Hunyo ay inilipat na sa Agosto ang pagsisimula ng klase.

Ibig sabihin nito ayon kay Solon, may mga pagbabago din sa
summer schedule ng mga estudyante.

Ipinahayag din nito marami ring mga estudyante ang mayroon pang
examination sa huling lingo ng Mayo.

Ito ang dahilan kung bakit ayon kay Solon inilipat ang SarBay
Fest sa unang weekend ng summer para sa
mga August Students at huling weekend naman sa mga papasok ng Hunyo.

Sa kabila ng pagbabagong ito, ipinahayag ni Solon na tampok pa
rin SarBay Fest ang iba’t ibang
aktibidad na dinarayo ng mga turista.

Kabilang sa mga ito ayon kay Solon ang 15-kilometer sports swim
sa Sarangani Bay,SarBay Bancera, Zumba, Fire Dancing at Bay bodies 2016.

Magkakaroon din ng Foam Party na pangungunahan ng international
disck jockeys mula Australia na The Lunatics.

Sa June 4, tampok naman
ang Swim-Bike-Run for the Environment, 1 kilometer swim,30 kilometer bike, at 8
kilometer run.

Gagawin din sa ikalawang
araw ng SarBay Fest ang pag-release ng Bangus Fingerlings, at all night beach
party.

Ang mga party goers sa kasiyahan ay magkakaroon naman ng
malawakang clean up drive sa Gumasa Beach bago umalis ng lugar alas sais ng
umaga sa June 5.

Iniimbitahan naman ni Solon ang mga mamamayan na makisaya
sa SarBay Fest at makiisa sa kanilang environmental campaign.

Nabatid na mula sa mahigit 3,000
noong 2006 ang SarBay Fest ay dinaluhan ng mahigit 127,000 katao noong
nakaraang taon.

Patay on the spot ang
dalawang mga kalalakihan matapos pagbabarilin, sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ng mga kaanak nito ang mga nasawi na sina Wilson Lavega
Jr, 30 anyos residente ng Barangay
Magsaysay at Lito Fibre ng Barangay Lumakil pawang mga nasa bayan ng Polomolok.

Lumbas sa inisyal na imbisitgasyon ng mga pulis na ang dalawang mga biktima ay
pinababaril habang nakukumpuni ng computer set sa pamamahay ng isang Avelino
Espada sa PUrok Pagasa, Polomolok.

Ang mga biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at
dibdib na naging sanhi ng kanilang
pagkasawi.

Narecover ng mga pulis sa crime scene ang sampung basyo, limang
deformed slugs ng di pa matukoy na armas.

Nakuha naman din ng mga
ito sa bulsa ng biktimang si Lavega, ang isang tooter, isang sachet ng suspect
shabu, gunting, at mahigit P1,000.

Hindi pa batid ng mga pulis kung sino ang dalawang suspek at ano
ang motibo ng mga ito sa pagbaril sa dalawang mga biktima.

Nakalatag na ang
seguridad na ipatutupad ng pulisiya sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa
pagsisimula ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Sultan Kudarat PNP Provincial Director, Senior
Superintendent Raul Supiter, mariing tututukan ng pulisiya ang mga estudyante sa elementarya at high
school na target ng mga illegal drug syndicate.

Tiniyak ni Supiter na babantayan ng mga pulis ang lahat ng mga
eskwelahan sa lalawigan lalong lalo na sa araw mismo ng pagsisimula ng klase
kung kelan dadagsa ang mga estudyante.

Binigyan diin ng police
official na hindi maaring mabiktima ng
anumang terroristic act o krimen ang mga estudyante.

Dinagdag din ni Supiter na maliban sa pagbabantay sa mga eskwelahan, tiyak ding
hahawak ng walis, itak at iba pang panglinis ang mga pulis dahil tutulong din
sila sa Brigada Eskwela ng Deped.

Ang isang linggong Brigada Eskwela ay ilulunsad ng Dep Ed sa May
30.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...