Friday May, 03 2024 07:30:46 AM

NDBC BIDA BALITA (May 23, 2016)

 • 17:01 PM Mon May 23, 2016
1,237
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 23, 2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BANGKAY ng lalake natagpuan sa
tambakan ng basura sa Cotabato City

2. Dalawang pulis ng Makilala PNP na
umanoy nangotong, isinailalim na ngayon sa imbestigasyon ng Cotabato Police
Provincial Office 3. PNP pinagiingat ang mga van
operators at driver sa pagtanggap ng
kontrata matapos ang pagpatay sa isang van driver at konduktor nito sa
maguindanao na mula Koronadal City 4. Duterte, imbitado sa South Cotabato Tnalak festival PASINTABI PO SA MGA NAGAALMUSAL...

ISANG HINDI PA NAKIKILALANG LALAKE ang
natagpuang patay sa isang tambakan ng basura na nasa may unahan lamang ng
Glamour Resto sa Gonzalo Javier St. Barangay Rosary Heights 7 sa Cotabato City.

Sa report, pasado alas-kwatro ng
madaling araw kanina ng matagpuan ito ng isang concerned citizen at agad na
inireport sa barangay at City police station 2.

Kinilala lamang ang biktima sa alias na
JANJAN, nagtatrabaho bilang crowd maintennance sa loob ng ORD-ARMM Compound sa
lungsod, may taas na 5'3, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na shortpans.

Duguan ang biktima na nakitang
tinanggalan ng dila, may laslas sa leeg at may sugat sa kanyang bibig.

Base sa obserbasyon ng mga otoridad,
posibleng ilang oras lang ang pagitan ng pagpaslang sa biktima bago ito nakita
ng concern citizen sa tambakan ng basura sa Gonzalo Javier St.

Nabatid na base sa salaysay ng isang
Barangay Official, ang biktima ay madalas na napapagalitan ng kanyang ina dahil
gabi na umano ito umuuwi sa kanilang bahay.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng
malalimang imbestigasyon ang Scene of the crime operatives kaugnay ng
insidente.

PATULOY na
nagbabala ang Philippine National Police o PNP sa mga sangkot o protektor ng
illegal na droga sa iba't ibang bahagi ng bansa na mas hihigpitan nila ang
kanilang operasyon laban dito.

Kamakailan
lang ay inihayag ni incoming PNP chief, Chief Supt. Ronald Dela Rosa na may
listahan na sila ng mga pulis na sangkot o protektor ng ilegal na droga.

Binigyang
diin ni Dela Rosa na sa oras na uupo na siya bilang hepe ng pambansang pulisya
ay hindi makalulusot sa kanya ang mga tiwaling pulis na may kaugnayan sa ilegal
na aktibidad partikular sa ilegal na droga.

Gayunman,
tumanggi pa si Dela Rosa na ilabas sa publiko ang pagkaki­lanlan ng mga ito
maging kung ilan ang mga ito.

Samakatuwid,
kung mismo ang mga otoridad ay sangkot rito, hindi rin palalagpasin ng PNP ang
mga sibilyan na matagal ng gumagamit o nagbebenta ng illegal na droga sa bansa.

TINIYAK
ng Malacañang sa mga magulang na may sapat na pondo na inilaan ang gobyerno
para matiyak na ang bawat

estudyanteng
magtatapos sa Grade 10 ay makakapasok sa senior high school. Ayon
kay DepEd Undersecretary Reynaldo Laguda nasa P12 billion pesos ang kabuuang
pondo para sa 1.5 million na mga estudyante na papasok sa senior high school sa
susunod na pasukan. Nabatid
na 90 percent ng Grade 11 enrollees ang makakabenepisyo mula sa government’s
voucher program.

Nag-anunsyo
na rin ang maraming senior high schools na hindi sila magpapatupad ng pagtaas
ng matrikula. Ang
Senior high school program ay nakatakdang ipatupad ngayong school year kung
saan magsisimula ang pasukan sa June 13. SINIMULAN
na ng Land Transportation Office o LTO Region-12 ang pangungumpiska ng mga hindi
otorisadong DU30 commemorative plates sa rehiyon.

Naglabasan
ang nasabing mga plaka kasabay ng campaign period noong nakaraang eleksyon. Ayon
kay LTO-12 assistant regional director Manuel Betaizar, tapos na ang eleksyon at hindi pinapayagan
ang paggamit ng mga DU30 commemorative plates dahil hindi ito
otorisadong plaka ng sasakyan. Sa
ilalim umano ng Joint Administrative Order, ilegal ang paggamit ng
commemorative plate na walang permit at

authorization
galing sa LTO.

Nasa
P5,000 pesos ang multa sa mga mahuhuling lalabag dito. Nagpaalala
naman ang opisyal sa lahat na mga motorista na alisin na ang DU30
stickers bilang mga license plates bago pa mahuli ang lahat.
Kamakailan
lang ay hinarang rin ng LTO 12 ang mga motorsiklo at sasakyan sa Cotabato City
na walang mga lisensya para magmaneho o walang mga kaukulang papeles ang
sasakyan. NANANAWAGAN
ang Bureau of Internal Revenue o BIR sa lahat ng naninigarilyo na i-report sa
kanilang tanggapan ang mga matutuklasang peke at smuggled na sigarilyo. Ayon
kay BIR Chief Kim Henares, sa pamamagitan ng isang mobile application na stamp
verifier app ng BIR, malalaman ng BIR kung ang mga kompanya ng sigarilyong ito
ay genuine at hindi nagbabayad ng buwis. Ang
mamimili at mga wholesaler ay hinihikayat din na gamitin at i-download ang
nasabing application dahil ito ay libre naman na puwedeng gamitin sa kanilang
mga android phone. Ayon
kay Henares, isang paraan din ito upang malaman ng mga naninigarilyo na ang
kanilang mga binibili at ibinebenta ay tunay. Ang
stamp verifier app ay mag-i-scans sa tax stamps na nakadikit sa cigarette packs.At
kapag ito ay peke, lalabas umano ang mensahe na ‘Invalid QR Code’ na ang ibig
sabihin ay smuggled o puslit ang nasabing sigarilyo.

Kaugnay
nito, pinahintulutan ni Henares ang mga authorized BIR representatives na
magsagawa ng random on-the-spot checks ng cigarette pro­ducts sa mga production
areas, storage facilities at retail outlets upang suriin ang mga internal revenue
stamps sa cigarette pro­ducts. Hindi na nagawang makapalag pa ng isang 46-anyos na ginang nang arestuhin ng mga otoridad sa inilatag na highway checkpoint sa Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato.Ito matapos makuhanan ng ilegl na droga habang nasa loob ng isang pampasaherong van.Base sa report sakay ang suspek na kinilalang si Baiba Pigcaulan Sempo na taga Poblacion Dos, Cotabato City.Nagsasagawa rin kasi ng checkpoint ang Pikit PNP, kasama ang Task Force Pikit at 2nd Manuever Company ng RPSB 12 sa nabanggit na lugar at nang parahin at siyasatin na ang isang Toyota Van na may license plate na APA 2418 ay bigla na lamang lumabas ang suspek at tumakbo.Pero agad namang itong nahabol ng mga otoridad at narekober sa kanya ang 21 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 150 thousand pesos.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Pikit PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kaiya.Isinailalim na rin ngayon sa imbestigasyon ang suspek at inaalam kung sino ang mga kasama nito para sa posibleng pagkakahuli at kung saan nito planong dalhin ang mga nabanggit na droga. Nagpadala na nang investigating team ang Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa Makilala PNP para imbestigahan ang dalawang pulis na nasasangkot ngayon sa pangongotong sa Makilala, North Cotabato.Bagaman at kilala na ang dalawang mga ito ay pinili munang wag banggiting ang kanilang mga pangalan sa ere.Wala pang pahayag na ibinabahagi ang CPPO tungkol sa issue pero tiniyak naman ng kanilang tagapagsalita na si Supt. Bernard Tayong na nagpapatuloy ngayon ang kanilang imbestigasyon.Nabatid na ang dalawang mga pulis ay nakadestino sa isang outpost sa brgy. Poblacion, Makilala na ngayon ay narelieved muna sa kanilang designated post.Inereklamo sila matapos humingi ng pera sa isang dumaang driver na may kargang kahoy na umano hindi lamang isang beses nilang ginawa.Kaya naman, Binalaan ngayon ni Tayong ang lahat ng mga pulis na maging responsable sa kanilang mga ginagawa dahil aniya hindi nila palalagpasin ang ganitong mga issue lalo nat may kaugnayan sa paglabag sa kanilang trabaho at karapatan ng mamamayan. Sisimulan na ngayon ng Kidapawan City PNP ang implementasyon ng curfew hour sa mga menor de edad sa mga pampublikong area sa lungosd.Ito ang ibinunyag ni City PNP Chief of Police Supt. Leo Ajero matapos nilang isagawa ang isang coordinative meeting ng Peace and Order Council noong nakaraang linggo.Ayon pa kay Ajero ito ay bahagi ng kanilang mga ginagawang paghahanda sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo kung saan inaasahang dadami pa ang mga kabataang pagala-gala sa lungsod.Pinoprotektahan lang din nila ang posibleng pagkakasangkot ng mga kabataan sa mga Gang o anumang krimen o Children in Conflict with the Law.” Kabilang rin sa kanilang mga tinututukan at minomonitor ang pagsita sa mga kabataang gumagamit ng Solvent” o Rugby kung saan sa kanilang pinakahuling operasyon katuwang ang CSWDO apat na mga menor de edad ang kanilang na rescue.Hinimok ngayon ng opisyal ang mga magulang na maging responsable at gabayan ng mabuti ang kanilang mga anak para hindi masangkot sa anumang krimen at mailayo ang mga ito sa disgrasya. Halos pitong libong mga sako ng bigas ang dumating sa North Cotabato kahapon at noong sabado.Ang nabanggit na mga bigas ay karga sa mga malalaking truck na may nakalagay na From the people of Davao City.”Sa report na nakalap ng Radyo Bida, ang naturang mga bigas ay mula sa una nang ipinangako ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para ibigay sa mga magsasaka ng North Cotabato na naapektuhan ng El Niño noong mga nakaraang buwan, bagay naman na kinumpirma ni Jerry Alborme ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, North Cotabato. Pero ikinadismaya naman ni Alborme ang naging proseso sa pagdating ng mga bigas dahil ideniretso raw ito sa mga LGU sa lalawigan kagaya ng Magpet, Presidente Roxas, at Antipas at hindi raw sa mga magsasaka.Nais ni Alborme at ng kanilang grupo na sakaling ipamahagi na ang mga bigas ay mabibigyan ang lahat ng mga magsasaka na kabilang sa mga nagsagawa ng kilos protesta noong Marso nang tig-iisang sako ng bigas at hindi kilo-kilo lamang.Matatandaang nangako ang Davao City Government ng 31.1 million pesos sa pamamagitan ng pagpasa ng isang resolusyon para bigyan ng 15 thousand sacks of rice ang libu-libong mga magsasakang nagprotesta sa Kidapawan City National Highway na hindi naibigay ng Provincial Government.BIGAS kasi ang nangunngunang demand ng mga magsasaka sa gobyerno kaya nagresulta ito ng ilang araw na pagbarikdada sa harap ng Spottswood Methodist Center sa Kadapawan City Highway dahilan para mangyari ang madugong pagbuwag sa kanila noong nakaraang April 1. Abot na sa 20 libong mga pamilya sa Kidapawan City ang nakatanggap ng bigas mula sa Kidapawan City LGU katuwang ang Cotabato Provincial Government at Deparment of Social Welfare and Development Office o DSWD 12Ito ang sinabi ni Lorna Morales, ang CSWD Officer, nang humarap ito sa Sangguniang Panglungsod Members kasabay ng SP Session noong nakaraang linggo.Ayon kay Morales, unang batch sa kanilang pamamahagi ng bigas ay nagmula sa City LGU sunod ang Provincial Government at ang pinakahuling waive ay mula sa DSWD 12.Pero sinabi ni Morales na posible pang magkaroon ng second batch ng rice distribution ang City LGU kahit pa unti-unti nang bumabalik sa normal ang panahon dahil ayon sa mga eksperto nagsisimula pa lamang magtanim ang magsasaka at hindi pa rin sila agad makapag-ani.Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang distribusyon ng mga bigas ng DSWD sa mga pamilya sa lungsod.Nilinaw din ng opisyal na ang pamamahagi nila ng bigas ay base sa kanilang ginawang survey at base na rin sa listahan na ibinigay sa kanila ng mga barangay officials.NDBC BIDA BALITA Umapela si Koronadal City Chief of Police, Senior Superintendent
Barney Condes sa mga Van drivers at operators na doble ingat sa pakikipag
transakyon lalong lalo na sa hindi kilalang tao.

Payo ng police official sa mga ito, huwag magpaguyo sa malaking
bayad na inaalok ng sinumang kokontrata sa kanila

Ang panawagan na ito ni
Condes ay bunsod ng pakakapaslang ng van
driver at konduktor nito sa bayan ng Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao .

Matatandaan na ang van driver na si Jhomar Membrano ng Koronadal
City at konduktor nitong si Ronald Mariveles ng Polomolok, South Cotabato, ay
natagpuang patay na nakatali ang mga
kamay at paa at may busal sa bibig sa lugar noong byernes.

Ito ay isang araw matapos umanong pakyawin ang minamanehong van patungong Dalican,
Maguindanao.

Payo ni Condes sa mga van operators at drivers kung may
pagdududa sa taong nakikipag transaksyon sa kanila, agad magsumbong sa mga
pulis.

Ipinahayag ni Condes na maari kasing myembro ng organize group
ang dumale sa driver at konduktor nito.

Aniya target ng grupo ang mga bagong sasakyan.

Kaugnay nito, inaatas na ni Koronadal City Mayor Peter Miguel sa
pulisiya na gumawa ng hakbang upang
maaresto ang mga suspek.

Maglalaan din ng pabuya
ang ang lokal na pamahalaan sa sinumang
makapagtuturo sa mga salarin

Nakikipag ugnayan na ang Koronadal City PNP at Highway Patrol
Group sa mga pulis ng Maguindanao at Cotabato City para sa agarang pagaresto sa mga suspek.

Inaasahan naman ang pagdalo ni Presumptive President Rodrigo
Duterte sa 50th Foundation Anniversary at 17th Tinalak
Festival ng South Cotabato sa July 18.

Ipinahayag ni Provincial Administrator at festival Committee
Head Danilo Supe na isa si Duterte sa mga iimbitahan ng lalawigan na maging
panauhing pandangal sa isang linggong selebrasyon.

Gayunpaman aminado si Supe na dahil sa katatapos lang na
synchronized May 9, local at national elections, hirap silang makakuha ng
kumpirmasyon sa mga iimbitahang personalidad.

Ipinahayag din ni Supe na nangangalahati na sa paghahanda para
sa 50th foundation Anniversary at 17th T’nalak Festival
ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.

Ayon kay Supe lahat ng
mga event sa pagdiriwang ay mayroon nang mga kalahok.

Maliban sa pagpapadala ng imbitasyon nasa bidding process na rin ang ibang komitiba sa selebrasyon.

Kabilang sa mga pinakaabanang aktibidad sa selebrasyon ang
Street Dancing Competition, cheer dance competition, Mutya ng South Cotabato,
Musical Pop Solo Competition, Agri Trade Fair at iba pa.

Naglaan din ng mas malaking P20 million budget ang provincial
government para sa Golden Anniversary ngayong taon ng lalawigan.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...