Monday Jun, 17 2024 02:01:20 AM

NDBC BIDA BALITA (May 24, 2024)

NDBC BALITA • 09:30 AM Fri May 24, 2024
880
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   P. MARCOS bumisita sa Maguindanao del Sur at namigay ng ayuda para sa mga apektado ng El Niño

2   KIDAPAWAN City Health Office humiling sa publiko na magpa HIV/TEST

3   COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER, may libreng HIV test din, sa mga nais magpa trest, bumisita lang sa CRMC

4   PNP, nanawagan sa mga witness na makipagtulungan sa imbestigasyon sa pagpatay sa negosyanteng babae sa Antipas

5   PULIS sugatan, habang patay naman ang nag-amok na suspek na nanlaban sa kanila sa Tupi, South Cotabato

6   Dalawang mga hepe ng PNP sa Maguindanao provinces, kabilang sa iniimbestigahan kaugnay ng pagpatay kay Capt. Moralde sa Parang.

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

ANG MGA magsasaka at mangingisda mula Maguindanao del Sur at Lanao del Sur ang tumanggap kahapon ng financial assistance na personal na iniabot ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kaniyang pagbisita sa bayan ng Datu Abdullah Sangki.

Sinabi ni Marcos na bumisita siya para personal na makita ang epekto ng El Niño sa probinsya at para malaman kung ano ang dagdag na tulong na maaring ibigay sa mga apektadong mamamayan.

Sampung libong magsasaka at mangingisda mula Maguindanao Sur at Lanao Sur ang tumanggap ng tig P10,000.

Maliban sa cash assitance, ibinida rin ng Pangulo ang mga nakalatag na proyekto gaya ng provincial access road sa mga bayan ng Datu Saudi, Datu Hoffer at Raja Buayan para maipalabas ng magsasaka ang kanilang mga produkto.

Pinaghahandaan na rin ng pamahalaan ang pagpasok ng tag-ulan kung saan binabalangkas na aniya ng DPWH ang Ambal-Simuay flood control project at Flood Risk Management Project sa Allah River Basin.

Hindi rin aniya maikakaila ang hamon sa seguridad sa probinsya kaya hindi titigl ang pamahalaan para habulin ang mga kontra sa kapayapaan.

Nanawagan siya sa mga LGU na makipagtulungan para agad na maipaabot sa mga mamamayan ang tulong mula sa gobyerno.

-0-

KABILANG ngayon sa iniimbestigahan ng PNP ang mga chief of police ng Matanog at Rajah Buayan Municipal Police Stations kaugnay sa pagbaril at pagpatay kay Captain Roland Moralde sa public market ng Parang, Maguindanao del Norte noong May 2.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na inaalam kung may pananagutan ang nasabing mga hepe sa tila hindi pagreport sa tungkulin ng dalawang mga pulis na suspect sa pagbaril kay Moralde.

Ang mga hepe na ito ay sina Police Captain Joel Lebrilla ng Radjah Buayan at Lt. Junior Abbas ng Matanog.

Nabatid kasi na ang dalawang mga suspek na nakita sa CCTV footage habang pinagbabaril si Moralde ay mga kasapi ng Matanog at Radjah Buayan PNP. Inaalam kung on-duty sila noong araw na pinagtulungan nilang paslangin si Moralde.

Pero sa panayam ng Radyo Bida sa dalawang mga hepe, sinabi nina Lebrilla at Abas na pawang naka off-duty ang dalawang mga pulis na sina Master Sergeant Aladdin Ramalan at Shariff Balading.

Abot sa 11 mga police ang ini-imbestigahan kaugnay ng pagpatay kay Moralde, kabilang ang apat niyang kasama na walang nagawa nang pagbabarilin ang biktima.

Ayon kay PRO-BAR Regional Director Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, ang dalawa sa limang katao na bumaril kay Moralde ay di na nagpakita kayat sila ay Absent Without Official Leave o AWOL.

-0-

PRACTICE safe sex ito ang patuloy na paalala ng Kidapawan City Health Office sa mga mamayan lalong-lalo na sa Kabataan upang maiwan ang kaso ng HIV/Aids.

 

Sa panayam ng Radyo Bida Kidapawan kay STI-HIV AIDS Program Coordinator Ma. Soledad Limpot na marami narin ang bilang ng mga lumalapit sa kanilang opisina para sumailalim sa HIV screening o testing.

Ayon kay Soledad dahil limitado sa screening ang kanilang naibibigay sa City Health Office (CHO) ang lahat ng mga mag reactive na kliyente ay kaagad nilang nirerefer sa Cotabato Provincial Hospital (CPH) para sa treatment.

Sa datos ng CHO ngayong buwan ng mayo nasa dalawangpong mga idibidwal na na nasa edad 20 to 29 ang nagtungo at nagpapakunsulta sa kanilang opisina.

Samantala nagsagawa naman ng candle lights memorial nito lamang  nakaraang araw ang CHO bilang paggunita sa mga lumaban ngunit binawiaan ng buhay dahil sa kaso ng HIV.

Tema ng nasabing aktibidad ngayong taon “Together we remember, together we heal through love and solidarity.

-0-

BILANG PAKIKIISA sa International AIDS Candlelight Memorial Ceremony, nagsagawa ng free HIV screening ang Cotabato Regional and Medical Center o CRMC sa Social Hygiene and Treatment Hub nito.

Ang seremenoyang ito ay naglalayong ialay ang pagkilala sa mga taong namatay dahil sa AIDS at magbigay at mai-angat ang kamalayan ng publiko tungkol sa HIV/AIDS.

Ang free HIV screening ay isang mahalagang hakbang sa pagpigil sa pagkalat ng HIV at pagsusulong ng malusog na kalusugan sa komunidad

Bukod sa libreng pagsusuri, nagbigay rin ang CRMC Social Hygiene and Treatment Hub ng educational materials na mapagkukunan ng aral tungkol sa pagpigil sa HIV, mga pamamaraan o treatment ng HIV, at support services.

Sa mga hindi nakadalo sa programa, sinabi ng CRMC na pwede pa ring pumunta sa kanila para sa HIV screening at counseling services anumang oras. 

Inanyayahan ng pamunuan ang mamamayan na bumisita sa kanilang opisina at mag avail sa kanilang health services.

-0-

KUNG DI DAHIL sa BARMM, hindi kami nakabahay na matatawag naming amin talaga.

Ito ang pahayag ni Norhaya Alim, isa sa mga recipient o tumanggap ng pabahay na ipinatayo ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Indigents, IPs get housing units from MSSD

Ayon kay Alim, mahigit 20 taon na siyang bakwet at pansamantalang naninirahan sa bahay ng kaanak.  LUmikas sila dahil sa giyera.

Nauna rito, pinangunahan ni, MSSD Minister Raissa Jajurie ang pamimigay ng 74 hjousing unit sa tinawag niyang “vulnerable homeless families” sa Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng P37 million o kalahating milyon bawat bahay.

Aniya katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan, katuwang ang mga ahensya ng gobyerno ay itatayo ang isang komunidad na ang mga mamamayan ay merong kabuhayan.

May 100 mga katulad na bahay pa ang ipinapatayo ng MSSD sa mga bayan ng Datu Hofer at Datu Saudi Ampatuan.

-0-

HINILING sa ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang kooperasyon ng mg witness sa para matunton ang mga suspetsado sa pagbaril-patay sa babaeng negosyanteng si Jonna Agohayon Espartero sa Brgy. B. Cadungon, Antipas, Cotabato kamakalawa.

Kinumpirma ni CPPO Inoformation Officer Lt. James Warren Caang na nakunan ng CCTV ang krimen.

Ayon sa opisyal, sinusuri ng maigi ang ang kopya ng CCTV sa Anti-cybercrime unit upang makilala ang mga responsable sa krimen.

Aminado si Caang na pahirapan ang paghahanap ng mga witness dahil sa takot nilang madamay at maperwisyo.

Wala naman dapat aniyang ikabahala dahil poprotektahan naman sila ng PNP at kung kakailanganin ay pwede silang ipasok sa Witness Protection Program ng pamahalaan.

Maliban sa kanilang pakikiramay ay sinuguro din ni Caang sa kaanak ng biktima na gagawin nila ang lahat para maresolba ang kaso sa madaling panahon.

Una ng inihayag ni Antipas PNP Town Chief Captain Godofredo Tupas II na sensitibo ang kaso ng pagpatay sa negosyante na posibleng umiikot sa anggulo ng utang at personal grudge.

-0-

KULUNGAN ang bagsak ng isang drug suspect matapos mahuli sa search warrant order mula sa Regional Trial Court kahapon ng madaling araw sa mismong pamamahay nito sa Mariano Quemco Street (Kalye Putol), Poblacion, Kidapawan City.

Kinilala ang suspect na si Ronnie D. Azarcon, 40 taong gulang, may live in partner at residente sa nasabing lugar.

Nakuha mula sa bahay nito ang abot sa halos 10 gramo ng pinaghihinalaang Shabu na nagkakahalaga ng tintayang P70,000.

Unang tumanggi ang suspek na sa kaniya ang droga pero kalaunan ay inamin nitong bumili lang siya ng P500 na halaga ng shabu para gamitin.

Aniya, lumalakas siya kapag gumagamit nito.

Dati ng nahuli ang suspek noong 2015 dahil pa rin sa droga at sumasailalim sa probation.

Makokonsiderang recidivist ang suspek na mahaharap din sa mga kasong may kinalaman sa paglabag sa Sec. 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-0-

PATAY ang mag-ama at sugatan ang nanay dahil sa vehicular crash sa Magpet Bridge sa Barangay Poblacion, Magpet Cotabato alas 10 kagabi.

Kinilala ng Magpet PNP ang mga biktima na sina Tata Noa, nasa hustong gulang at ang anak nitong si Justine Palao Noa, Limang taong gulang.

Habang kritikal naman ang nanay na si Mariel Palao na pawang mga taga Barangay Kamada, Magpet.

Sugatan din ang nakabanggan nilang motoristang si Paul Jasper  Guhiling, 36 years old, may asawa at residente ng Poblacion, Magpet na isinugod din sa bahay pagamutan.

Nabatid na binabaybay ng magpapamilya ang kalsada sakay ng kanilang motorsiklo sa rutang Magpet-Kidapawan nang biglang nag overtake sa kabilang linya si Guhiling sa pick up truck sa unahan nito at nag encroach sa kabilang linya kung saan nakasalubong nito ang mag-anak na nagresulta sa pagkabangga.

Tumilapon ang magpapamilya maging si Guhiling dahil sa lakas ng impact rason para binawian ng buhay ang mag-ama.

-0-

Kulong ang isang Street Level Individual na inaresto  sa anti-illegal drug operation ng PNP sa Koronadal.

Kinilala ng Koronadal PNP na pinamumunuan ni Lt.Col. Hoover Antonio ang suspek na si alyas Jun, binata, walang trabaho at nakatira sa barangay Zone II sa lungsod.

Siya ay nakorner nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa Barangay Sta. Cruz.

Nakumpiska ng mga pulis sa suspek ang tatlong mga sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng higit sa P136,000.

Nakuha rin ng mga ito sa nasabing drug suspect ang drug paraphernalia at cellphone na ginagamit umano sa kanyang illegal drug transaction.

Ang suspek ay kinasuhan na ng PNP ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ayon naman kay PRO 12 Regional Director Brig. Gen. Percival Augustus Placer, ginagawa ng PNP ang lahat para matiyak ang drug-free at ligtas sa krimen na SOCCKSARGEN.

-0-

Pulis sugatan, habang patay naman ang nag-amok na suspek na nanlaban sa kanila sa Tupi, South Cotabato

Dead on arrival sa ospital ang isang nag-amok na lalaki na nanlaban umano sa mga pulis sa Barangay Palian Tupi, South Cotabato.

Kinilala ni Tupi Deputy Chief of Police, Lt. Jomary Diaz ang suspek na si alias Jomar,36 anyos, nakatira rin sa nasabing barangay.

Ayon pa kay Diaz rumesponde sa lugar ang mga pulis matapos ireport ng kanilang purok chairman na tinutukan umano nito ng baril.

Pero sa halip na na sumuko pinaputukan ng suspek ang mga pulis habang papatakas kaya siya napatay ng mga ito.

Narekober naman ng mga pulis sa suspek ang 45 pistol.

Ayon pa kay Diaz ang malimit na pag-amok ni alias Jomar   ay matagal nang inirereklamo sa kanilang lugar.

Ang pulis naman nabaril ng suspek sa binti ay nagpapagaling na sa isang ospial sa Gensan at ginawaran ng Medalya ng Sugatang Magiting at cash assistance ni PRO 12 Regional Director Brig. GeM, Percival Augustus Placer.

Kasama nito si South Cotabato PNP Provincial Director Col. Samuel Cadungon.

-0-

Magbabantay sa seguridad ng mga mamamayan na makikisaya sa SarBay Festival ang higit sa 800 mga personnel ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Provincial Government of Sarangani, Local Government Unit ng Glan, Philippine Red Cross, Philippine Drug Enforcement Agency, at National Intelligence Coordinating Agency.

Nanguna sa send-off ceremony ng mga ito kahapon si Sarangani PNP Provincial Director Col. Deanry Francisco.

Ayon pa kay Franciso ang mga security personal ay kanilang itinalaga para tiyakin ang seguridad sa tatlong araw na festival.

Gaganapin ang SarBay Fest sa Reyes Beach sa Gumasa, Glan, Sarangani mula ngayong araw Mayo 24 hanggang 26.

Ayon naman kay Sarangani Governor Rogelio Pacquio, mahalaga ang pagtutulungan at kahandaan ng mga security agency para matiyak ang kaayusan at kasiyahan sa SarBay Fest.

-0-

Makilahok sa mga aktibdad sa 2024 National Information and Communications Technology o ICT Month sa Hunyo.

Ito ang paanyaya sa publiko ni Department of Information and Communications Technology o DICT 12 Regional Director Ibrahim Guiapar.

Ayon kay Guiapar gagawin ang kick-off ceremony ng selebrasyon sa Hunyo 6.

Tampok din sa ICT month ang Job fair sa Hunyo 13 at SOX-ICT Summit sa Hunyo 20.

Kaugnay nito, umapela din si Guiapar sa publiko na makiisa sa adbokasiya tungo sa digitalisasayon ng DICT.

Dagdag pa nito nakatuon ang pocket activities ng ahensya sa mga  barangay kung saan ipapalaganap  ang mga kaalaman sa digital security, cyber security, digital parenting, child protection at iba pa.

-0-

Mindanao Inclusive Agriculture and Development Program  inilunsad ng DA 12 sa Koronadal

Maasahan na ng IP Community sa rehiyon pagkakaroon pa ng access sa mga programa ng gobyerno.

Kasunod ito ng paglunsad ng DA 12 sa Mindanao Inclusive Agriculture and Development o MIADP Project sa Koronadal kahapon.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Roberto Perales ang proyekto ay simula ng  katuparan ng pangarap ng mga IP.

Kabilang sa mga ito ayon pa sa nasabing DA 12 official ang pagkakaroon ng sapat na income, pagkain, edukasyon sa kanilang mga anak at maginhawang buhay.

Hiling pa ni Perales sa mga IP Communities sa rehiyon iparating sa ahensya ng kanilang mga pangangailangan para matugunan.

Katuwang ng DA sa pagpapatupad ng MIADP ang National Commission on Indigenous Peoples’ o NCIP at mga local government unit.

-0-

Mindanao Inclusive Agriculture and Development Program  inilunsad ng DA 12 sa Koronadal

KORONADAL CITY-Maasahan na ng IP Community sa rehiyon pagkakaroon pa ng access sa mga programa ng gobyerno.

Kasunod ito ng paglunsad ng DA 12 sa Mindanao Inclusive Agriculture and Development o MIADP Project sa Koronadal kahapon.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Roberto Perales ang proyekto ay simula ng  katuparan ng pangarap ng mga IP.

Kabilang sa mga ito ayon pa sa nasabing DA 12 official ang pagkakaroon ng sapat na income, pagkain, edukasyon sa kanilang mga anak at maginhawang buhay.

Hiling pa ni Perales sa mga IP Communities sa rehiyon iparating sa ahensya ng kanilang mga pangangailangan para matugunan.

Katuwang ng DA sa pagpapatupad ng MIADP ang National Commission on Indigenous Peoples’ o NCIP at mga local government unit.

-0-

Rido Settlement, ginawa sa Buldon, Maguinanao del Norte at apat na pamilya ang nagkasundong tapusin ang kanilang away.

ITO AY ANG MGA pamilyang Bada laban sa Macaraub at pamilyang Nonggo laban naman sa Baraocor.

Ang rido settlement na ito ay inisyatiba ni Buldon Mayor Pahmia Manalao-Masurong, kasama ang Sangguniang bayan, PNP, Marines, Ministry of Public Order and Safety o MPOS-BARMM, mga opisyal ng barangay at Alternative Dispute Resolution Team.

Sinabi ni Mayor Masurong na ikinagagalak nila na matagumay ang amicable agreement ng apat na pamilya dahil nanganagahulugan aniya ito na matatapos ang kanilang rido o family feud.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na hindi na muling magkakatensyon sa pagitan ng mga nabanggit na pamilya.

Sila ay nanumpa sa banal na Qur-an at nangakong hindi na muling maglalaban.

 

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...