Sunday Apr, 28 2024 10:39:44 AM

NDBC BIDA BALITA (May 25, 2016)

 • 17:59 PM Wed May 25, 2016
1,242
By: 
NDBC-NCAT

NEWSCAST

MAY 25, 2016 (WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. BAHAY ng isang MCWD employee,
nilooban rin ng mga kawatan sa Cotabato City Brgy. Kagawad, patay sa pamamaril
sa Palimbang Sultan Kudarat

2. Para hindi mabiktima ng mga
masasamang loob, DepEd 12 may payo sa mga gurong nais lumipat ng ibang lugar.

3. Kabacan PNP may lead na sa mga
suspek na pumatay at nagnakaw sa isang Collector ng lending company bangkay ng
suspek naiuwi na sa Zamboanga

4. Sundalo, sugatan sa pamamaril sa Pikit, North Cotabato PATULOY PA RIN ngayon ang pagtugis ng
pulisya sa mga nasa likod ng sunod-sunod na nakawan sa Cotabato city.

Pinakahuling biktima si Delma Tomaub Picardal,
48 anyos, residente ng Pascual subdivision, Mother Barangay Rosary Heights ng
lungsod at empleyado ng Metro Cotabato Water District.

Ayon sa report ng biktima sa police
station #2, natuklasan niyang nilooban ang kanyang bahay alas nuwebe na kagabi
nang mapansin na sira na ang door knob ng main door mismo ng bahay.

Kabilang sa mga natangay ng mga kawatan
ay ang isang unit ng Samsung Laptop na nagkakahalaga ng 25,000 pesos, isang
unit ng Samsung tablet na nagkakahalaga ng 15,000 pesos, 18 assorted na relo na
naglakahalaga ng 85,000 pesos, alahas na nagkakahalaga ng 90,000 pesos at
powerbank na nagkakahalaga ng 1,000 pesos.

SAMANTALA, patuloy namang
iniimbestigahan ng Sultan Kudarat PNP ang nangyaring pamamaril sa isang
barangay kagawad sa Sitio San Roque barangay Milbuk, sa bayan ng Palimbang sa
lalawigan ng Sultan Kudarat noong lunes.

Sa report, Kinilala ang biktima na si
Barrol, 50-anyos Brgy Kagawad ng Brgy. Milbuk.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP,
pinagbabaril nang dalawang hindi pa nakikilalang lalake ang naturang kagawad
gamit ang caliber 45 pistol na baril.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa
iba't ibang bahagi ng kanyang katawan si Barrol dahilan ng kanyang agarang
kamatayan.

KAHIT TAPOS
NA ELEKSYON, TULOY PARIN ANG implimentasyon ng gun ban sa bansa.

Nagpaalala
ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP sa publiko na hindi pa tapos
ang pagpapairal ng gun ban sa bansa dahil hanggang June 8 pa ito.

Ayon kay PNP
spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, pumalo na sa 4,212 na mga indibidwal ang
naaresto dahil sa paglabag sa gun ban kung saan karamihan dito ay mga sibilyan.

Sa mga
naaresto, 50 rito ay mga security guards, 35 namang mga elected government
officials, 33 mga PNP personnel, 18 mga military personnel, walong personnel
mula sa iba’t ibang law enforcement agencies at tatlong armado.

Habang Nasa
22 miyembro mula sa iba’t ibang threat groups at 10 miyembro ng private armed
groups ang naaresto ng pulisya.

Dahil dito
sinabi ni Mayor na nasa 3,478 na mga armas na ang nakumpiska ng PNP.

Babala ng
PNP, sumunod lamang sa batas dahil hindi rin sila titigil sa paghuli sa
sinumang lalabag nito.

Sa Cotabato
City, mahigpit namang iniimplimenta ng PNP ang gun ban kung saan wala masyadong
nahuhuling mga nagdadala ng baril maliban noong nakaraang linggo kung saan
naaresto ang isang lalake sa isinagawang checkpoint ng Cotabato City police
station 2. HANDA
na ang Justice Now Movement para dalhin at ibigay kay incoming President Mayor
Rodrigo Duterte ang kanilang liham kung saan nakapaloob ang kanilang hiling na
sana ay suriin nitong mabuti ang background ni Atty. Salvador Panelo na siyang
tinalaga bilang incoming presidential spokesperson.

Ang
grupong Justice Now Movement ay binubuo ng mga pamilya at kaanak ng mga
nasawing biktima sa Maguindanao massacre noong November 2009.

Ayon
kay Emily Lopez, presidente sa nasabing grupo, sila mismo ang magbibigay ng
liham kay Duterte.

Naniniwala
ang grupo na kahit na nag-resign na bilang legal counsel si Panelo ng Pamilya
Ampatuan, meron parin silang pag-aalala na posibleng maimpluwensiyan nito ang
takbo ng kaso.

SAMANTALA,
Inihayag naman ni Maguindanao Governor Esmael Toto Mangudadatu na
personal nitong idudulog kay Duterte ang kahilingan ng mga kaanak ng
Maguindanao massacre victims na mapadali ang pagbigay ng hustisya sa ilalim ng
kaniyang

liderato.

Ayon
kay Mangudadatu umaasa silang pakikinggan ni incoming president ang kanilang
hinaing at hiling kaugnay ng pagpili nito kay Atty. Panelo bilang press
secretary sa ilalim ng incoming duterte administration. MAGSASAGAWA
ng free and anonymous HIV testing ang grupong LoveYourself Inc sa iba't ibang
bahagi ng bansa sa May 29.

Layunin
ng nasabing grupo na makatulong sa mga biktima ng HIV na natatakot na
magpagamot o sumailalim sa anumang test.

Ayon
sa grupo, umabot sa halos dalawampu't limang Pilipino ang nai-infect araw-araw
ng nasabing virus na kapag hindi agad nabigyan ng pansin ay maaaring maging
sanhi ng paghina ng kanilang immune system at pagkakaroon ng Acquired Immune
Deficiency Syndrome or AIDS.

Ayon
sa report ng Department of Health umabot sa 736 new cases ng HIV infection ang
naitala noong March 2016 kung saan 97 porsyento ng mga ito ay lalaki.

Ito ay
10 porsyentong mas mataas kaysa sa 667 na kasong naitala noong nakaraang taon.

Tiniyak
din ng grupo na walang dapat ipag-alala ang mga sasalang sa test dahil mahigpit
na ipapatupad ng military rule na what you see, what you hear, when you
leave, leave it here. UMAABOT
na sa halos sampung milyong piso ang naitalang halaga ng danyos sa nangyaring
sunog sa tapat ng ND University partikular na sa Don Abelardo Street noong May
14.

Ayon
sa Bureau of Fire Protection o BFP Cotabato City spokesperson FO2 Hexter
Cadavero, ang nasabing halaga ay kanilang naibase sa pamagitan ng pagsasubmit
ng statement of loss ng mga nabiktima ng sunog.

Una ng
kinumpirma ni Cadavero na halos sa mga apartment o boarding house ang tinupok
ng apoy.

Kabilang
sa mga nasunog ang Compact II Construction Firm na umuukupa sa 1st door ng
Bueno apartment, kabilang ang ikalawang palapag nito, Lauban boarding house at
ang Dimaukom Building na may 6 stalls, at Romy Uy Building na 3 storey
building.

Nadamay
rin sa sunog ang isang bahay na pagaari ng pamilya Tee.

Kaugnay
nito, mahigpit na nagpaalala ang BFP Cotabato sa lahat na maging handa at kung
makakita agad ang mga ito ng usok ay agad na ipagbigay alam sa kanilang
tanggapan upang mahadlangan ang malaking sunog na posibleng maganap.

Maari
anyang tumawag o magtext sa mga numero na 552-17-85 para sa kanilang landline
habang sa cellphone # na 0926-256-2447 at 0946-221-2139. Magbibigay ng emergency employment ang Department of
Labor and Employment o DOLE 12 sa 20 mga magulang ng mga estduyanteng child laborer ng Barangay Pagasa Integrated Elementary
School sa bayan ng Alabel Sarangani Province.

Ang mga ito ay magtatrabaho bilang taga ayos ng mga
irrigation kanal at iba pang pasilidad ng pamahalaan.

Ayon kay DOLE Sarangani Field Office Head Alma Borela,
layon nito na masawata ang problema ng child labor at matulungan ang mga
mamamayan na apektado ng El Nino
Phenomenon.

Maliban sa mga child laborer, nagkakaroon rin ngayon
ang DOLE ang 45 araw na feeding program
sa 70 mga malnourished na bata sa lugar.

Isinagawa ito kasabay ng summer program ng eskwelahan
kung kelan tinuturuan din ang mga ng bata ng proper hygiene at pagbabasa bilang
paghahanda sa pasukan.

Ayon kay Pagasa Integrated Elementary School Head Teacher Shiela Mae Lindo, hindi
nakaligtas sa masamang epekto ng tagtuyo’t ang mga bata sa kanilang lugar,

Sa katunayan, dahil sa wala nang maani ang kanilang
mga magulang, marami sa mga bata ay dalawang beses na lamang kung kumain kada
araw, kaya malaking tulong para sa kanila ang feeding program.

Ayon kay Lindo,
sa pamamagitan ng feeding program na ipatutupad sa loob ng isang taon ay
mahihikayat ang mga bata na pumasok sa eskwela sa halip na magtrabaho para
maibsan ang gutom.

Katuwang ng ahensya sa pagpapatupad ng mga programa ito para sa mga
drought victims ng Sarangani ang non Government Organization na RS Po
Foundation.

Para hindi maloko, pinayuhan ni Department of
Education 12 Information Officer Antonio Maganto ang mga guro na nais lumipat
ng assignment na sumunod sa tamang protocol.

Ayon kay Maganto, tanging gawin lamang ng isang guro
na nais lumipat ay ang magpadala ng
sulat sa kanilang principal, para ito ay maipalaan sa division at regional office ng DepEd.

Nilinaw ni Maganto na bagama’t karapatan din ng mga
guro na lumipat ng ibang lugar dapat ding
tandaan ng mga ito na ang proseso ay ginagawa lamang sa pagitan ng mga
regional offices ng DepEd.

Binigyan diin nito na hindi pinapayagan ng DepEd ang
sinumang guro na makipag transaksyon sa ibang tao,lalong lalo na kung may
kapalit na bayad.

Ito ang ipinahayag ni Maganto matapos umanong maloko
ng nagpakilalang pinsan ni dating DepEd
12 Regional Director Allan Farnazo na
ngayon ay nasa region 10 ang isang public school teacher mula South Cotabato.

Ayon sa nagreklamong guro, nagbigay siya ng P25,000
sa isang alias Lalaine matapos pangakuan na agad siyang makalipat sa Iligan
City .

Ngunit ng hingan ng karagdagang P15,000 nagduda na
ang guro at humiling ng tulong sa pulisiya.

Agad namang nagsagawa ng entrapment operation ang
mga pulis kamakalawa sa isang fast food chain sa Koronadal City na humantong sa pagaresto sa suspek na si
Lalaine Faeldonia 49 anyos, kasama ang 18 anyos nitong anak na si Curraine Joy.

Ang magiina ay pawang mga residente ng Barangay
Santa Cruz, Koronadal city.

Ayon kay Maganto, bago magsagawa ng kaukulang
hakbang ang Deped 12 sa kaso ng umanoy nagantsong guro, hihintayin muna nila
ang resulta ng imbistigasyon ng kanilang
Division Office sa insidente.

Nakahanda na para sa full impelementation ng K to 12
program sa pasukan ang lahat ng mga eskwelahan sa South Cotabato at maging
buong SOCCKSARGEN.

Sa katunayan ayon kay DepEd South Cotabato Brigada
Eskwela Coordinator Dennis Galve, sa buong Pilipinas, ang lalawigan ang may pinakamaraming offer sa Senior High
School.

Sinabi ni Galve na magbubukas din ng Senior High
School maging ang malalayong lugar ng South Cotabato, kaya walang dapat
ikabahala ang publiko.

Inihalimbwa nito
ang Barangay NED sa bayan ng Lake Sebu na magaalok ng Senior High School
sa General Academic Subject o GAS.

Ayon naman kay DepEd 12 Information Officer Antonio
Maganto, ang rehiyon ay isa sa best implementer ng K to 12 program.

Inihayag din nito na ang Tacurong City sa Sultan
Kudarat ay naipatayo na lahat ng kanilang mga gusali para sa K to 12.

Tiniyak ni Maganto na bahagi ng contingency plan ng
ilang mga eskwelahan ay gamitin pansamantala ang mga bakanteng silid aralan o
pansamantalang magtayo ng makeshift buildings.

Paliwanag ni
Maganto dahil sa layo at kailangan pang
iakyat ang mga materyales, may mga lugar sa rehiyon na maantala ang pagtatapos ng kanilang K to 12
buildings.

Gayunpaman ayon kay Maganto, tiniyak na ng mga kontraktor ng DepEd na matatapos nila ang
mga K to 12 buildings bago magtapos ang kasalukyang school year.

Umaapela si Koronadal City Disaster Risk Reduction
and Management Council o CDRRMC Action Officer Cyrus Urbano sa mga residente ng
lungsod na maging responsbleng mamamayan.

Ito ay sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng
kapaligiran, ngayong paparating na ang panahon ng tagulan.

Partikular na tinukoy ni Urbano ang mga residente
malapit sa bulok creek at sa mga subdivision.

Ayon kay Urbano, madalas naging sanhi ng mga pagbaha
sa lungsod ang baradong sapa at drainage system sa mga housing units dahil sa
ireponsableng pagtatapon ng mga basura ng ilang mga mamamayan.

Ayon kay Urbano mahalaga din ang pagpapanatili ng
kalinisan upang masawata ang mga lamok na magdadala ng sakit ng dengue fever.

Lumabas naman
sa pinakahuling datus ng South Cotabato Provincial Epediomology and
Surviellance Unit o PESU na tatlo sa walong nasawi sa dengue sa South Cotabato
ngayong taon ay mula sa Koronadal City, isa sa bayan ng Banga at tig dalawa sa
Surallah at Tupi

UMABOT
sa 84 na mga internet café sa Koronadal City ang hindi pa naaacredit ng city internet
operation regulatory board o IORB.

Sinabi ni Koronadal City Information Office Judith
Amido na nagkakaproblema pa ang kanilang tanggapan sa sketching at tracing ng
mga internet café sa ibat-ibang barangay.

Idinagdag niya na umabot sa 13 na mga internet café
ang kanilang pinaghahanap dahil mali ang isinumeteng exact address ng mga ito.

Umabot naman sa 71 na mga internet café ang nabigyan
na ng accreditation ng IORB.

Dahil bakasyon ngayon, nakatutuk ang IORB sa mga
kagamitan sa loob ng internet café, tulad ng cubicle, at mga satanic o pornographic sites.

Binigyan diin ni Amido na dapat lahat ng internet
café sa lungsod ay sumusunod sa ordinansa.

Bilang paghahanda sa pasukan, ipinahayag ni Amido na
isasailalim muli sa orientation hinggil
sa ordinansa na nagre-regulate sa operation ng mga internet café ang mga internet
operators.

Layon nito na
maipaalala sa mga ito ang penalty na ipapataw sa mga lumabag sa
ordinansa lalong lalo na ang pagpapasok ng mga estudyante sa oras ng
klase at dis oras ng gabi.

Maging ang mga eskwelahan ayon kay Amido ay isasailim din sa re-orientation para malaman ng mga guro ang maari nilang gawin
sakali mang kailangan ng mga estudyante na gumawa ng research sa pamamagitan ng
mga internet café.

Inaatas ng
ordinansa na maari lamang papasukin sa mga internet café ang mga
estudyante sa oras ng klase kung mayroong notice ang mga ito mula sa kanilang
mga guro.

Hindi muna gagalawin at hindi raw muna pangungunahan ng President Roxas LGU ang magiging proseso sa distribusyon kaugnay sa halos tatlong libong sakong bigas na kanilang natanggap mula sa Davao City Government.Ito ang isinawalat ni Mayor Jaime Mahimpit matapos ideliver sa kaniyang bayan ang sako sakong 7 tonner na bigas na ngayon ay nasa loob ng municipal gymnasium.Nilinaw ng alkalde na wala pang go signal na ibinibigay ang Davao City LGU kaugnay sa paraan ng rice distribution at sa mga magiging benipisyaryo nito.Ang pagkakaalam lamang ni Mahimpit ay nagpaabot ng mensahe ang Davao City Social Welfare and Development office sa kanila na may darating ng bigas sa kanyang munisipyu pero wala namang nabanggit kung paano ang distribusyon nito.Ayon pa sa opisyal hinihintay lamang nila ang pahayag ng Davao CSWD office at hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na malinaw na mandato kaya mananatili raw muna ito sa kanilang kustodiya.Ang nabanggit na mga bigas ay bahagi sa una nang ipinangako na 31.1 million pesos na halaga ng bigas ng Davao City Government para sa mga magsasaka sa North Cotabato na siyang nanguna sa isinagawang kilos protesta sa Kidapawan City noong huling linggo ng Marso. Inaasahan ang daan daang mga taga suporta ng mga nanalong kandidato sa Mlang North Cotabato na Dadalo sa gagawing oath taking ngayong darating na May 30, 2016.Sinabi ni outgoing Mayor Joselito Pinol, isang programa ang kanilang isasagawa kasama ang mga supporters at empleyado ng LGU.Kabilang sa mga manunumpa sa nabanggit na programa ay sina incoming Mlang Mayor Atty. Russel Abonado, at incoming Vice Mayor Lito Pinol kasama ang mga bagong miembro ng Sanguniang Bayan.Umaasa si Pinol na dito magsisimla ang kanilang pagkakaisa para ipagpatuloy ang pagbabago at paglago ng Mlang at para maging magandang ehemplo sa mamamayan.Ito aniya ang magiging susi sa una nang nagkahiwalay nilang mga prinsipyu noong nakaraang eleksyon.Nilinaw din ng opisyal na naging mapayapa at maayos sa Pangkalahatan ang nangyaring pagpipili noong May 9 sa bayan ng MlangAng oath taking ang siyang pormal na pagtanggap ng mga opisyal sa kanilang mga responsibilidad sa susnod na tatlong taong pagserbisyu sa gobyerno at mamamayan. Inamin ngayon ni Kidapawan City Schools Division Supt. Dr. Kahar Macasayon, na posibleng hindi magagamit ng mga estudyante ng Grade 11 ng Senior High School ang mga bagong itinatayong building ngayong taon.Paliwanag ni Macasayon nagkulang kasi sila sa panahon para itayo ang mga bagong building kasi kinakailangan pa nilang hintayin ang go signal ng DENR para putulin ang mga malalaking kahoy na malapit sa tinatayuan ng mga gusali.Kagaya sa Kidapawan City National High School, hindi rin kasi nila inaasahan ang biglaang pagdami ng mga enrollees kung saan higit isang libong mga estudyante na ang nag enroll sa Senior High School at hindi pa kasali rito ang Junior High School.Kaya naman sunod-sunod na mga pagtitipon ang kanilang mga ginagawa kasama ang mga magulang ng mga mag-aaral.Base sa kanilang ebalwasyon, posibleng sa Oktubre pa magagamit ng mga estudyante ang bagong building. Tiniyak naman ni Makasayon na hindi ito makakaapekto sa Senior High School dahil ang gagamitin ng grade 11 ay ang mga dating rooms ng Junior High School habang pasamantala munang gagamiting ng junior high ang gymnasium at ang iba ay by session muna ang klase.Ngayong taon, sampung mga eskwelahan ang mag-oofer ng grade 11 dito sa Kidapawan City.Sa kabuuan, handa naman ang Kidapawan City Schools Division sa pinakaunang implemtasyon nila ng K-12 Program sa lungsod kabilang na rito ang mga teaching materials at maging ang kanilang mga guro.Umaasa na lamang si Macasayon ng pang-unawa at kooperasyon sa mga estudyante at magulang dahil aniya ginagawa naman nila ang lahat ng kanilang makakaya mabigyan lang ng de kalidad na edukasyon ang mga bata. Inabisuhan ngayon ng Therma South Inc. o TSI ng Aboitiz Power ang kanilang mga konsumedures na magsasagawa sila ng Preventive Maintenance sa Hunyo a-18.Sinabi ni Corporate Branding and Communication Manager- Aboitiz Power Corp. Wilfredo Rodolfo, na isang unit na 150-MW ang isasailalim sa preventive maintenance upang isailalim sa pag-aayos at paglilinis ang makinang Planta.Iginiit naman ng opisyal na may mga schedule ng PMS ang iba’t-ibang mga planta sa Mindanao at hindi maaring sabay-sabay na gagawin ito ito dahil kukulangin ng supply ng kuryente ang Mindanao.Bagama’t malaking kawalan sa Mindanao grid ang 150-MW na supply ng kuryente, hindi naman binanggit ni Rodolfo kung maapektuhan ang Cotelco main at Cotelco PPALMA sa nasabing maintenance at posibleng magpatupad na naman ng rotational brownout na matagal nang problema sa Mindanao.Plano ng TSI na ipatupad ng apat na linggo ang pag-shutdown pero susubukan nilang mas iklian ito para makabalik sa kanyang serbisyo ang nasabing planta.Sinabi naman ni TSI president and chief operations officer Sebastian Lacson, ang mangyayaring outage sa kanilang mga planta ay magreresulta sa mas magandang serbisyo para sa mga power consumers sa Mindanao. Robbery hold-up ang sinusundang anggulo ngayon ng Kabacan PNP sa pagbaril at pagpatay sa isang lending collector sa Sitio Damolog, Brgy. Malanduage, Kabacan, North Cotabato.Sinabi ni Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP matapos matumba mula sa pagkakabaril ang biktimang si Jerson Bation, kolektor ng ASA Philippine Foundation at taga Nazareth, Kabasalan, Zamboanga Sibugay ay tinangay ng mga suspek ang cash na bitbit nito at mabilis na tumakas.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo pabalik ng Poblacion at doon na siya tinambangan ng mga suspek.Tama sa ulo ang tinamo ng biktima na naisugod pa sa pagamutan pero ideneklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.Sa ngayon may lead na ang PNP sa responsable sa krimen na patuloy na ngayon nilang tinutugis.Inihayag rin ni Cordero na naihatid na sa Zamboanga Sibugay ang mga labi ng biktima.Sa Pikit North Cotabato, sugatan naman ang isang miembro ng Philippine Army matapos barilin ng di pa kilalang suspek sa Notre Dame Drive, Poblacion Pikit, alas singko ng hapon kahapon.Kinilala ang biktima na si Senior Sergeant Reniel Cabunducan na naka destino sa Artillery Operations Company ng 7th Infantry Battalion.Sinabi ni Pikit Deputy Chief Ins. Sindatu Karim, sakay lamang ang biktima sa kanyang bike nang salubungin ng dalawang mga lalaking nakamotorsiklo at doon na siya pinagbabaril.Tama sa braso ang tinamo ng biktima na agad namang naisugod sa pagamutan.Personal grudge naman ngayon ang sinusundang anggulo ng PNP sa motibo sa pamamaril sa biktima.

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...