Saturday Apr, 27 2024 11:14:47 PM

NDBC BIDA BALITA (May 26, 2016)

 • 17:43 PM Thu May 26, 2016
1,085
By: 
NDBC/NCAT

NEWSCAST

MAY 26, 2016 (THUR)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KAMPANYA ng PNP at PDEA laban sa
iligal na droga sa Central Mindanao, pina iigting pa.

2. Libu-libong sako ng bigas mula sa
Davao City LGU, hindi pa rin naipamimigay sa mga magsasaka sa North Cotabato

3. LIMANG MGA SUNDALO, sugatan nang
maka-engkwentro ang NPA sa Columbio, Sultan Kudarat

4. Lalaki sa Cotabato City, di pinasakay ng habal-habal, nagalit, nagpaputok ng baril. KALABOSO ang pinaniniwalaang drug
pusher at user na matagal nang minamanmanan ng Philippine Drug Enforcement
Agency o PDEA 12, Midsayap PNP at Intelligence Division ng North Cotabato PNP.Naaresto ang suspek na si Marlito Japilo,
36 years old,may asawa at walang
trabaho, sa tahanan nito sa barangay Poblacion 8, Midsayap.

Pasado ala una ng hapon kahapon nang
maglunsad ng drug buy bust operation ang mga otoridad sanhi para mahuli sa
aktong nagbebenta ng iligal na droga si Japilo.

Nabawi sa kanya ang dalawang pirasong
100 peso bill, isang gramo ng Shabu na nasa 7,500 pesos ang halaga at mga drug
paraphernalia.

Sinabi naman ng suspek na handa siyang
makipagtulungan sa mga otoridad para maaresto ang mga kakilalang nagbebenta rin
ng shabu sa bayan.

Aniya pa, sa Simuay, Sultan Kudarat,
Maguindanao siya kumukuha ng supply ng Shabu na ibinibenta sa Midsayap at mga
karatig na bayan.

Samantala, aretado rin sa
isinagawang buy bust operation ng PDEA-ARMM
ang isang suspected drug pusher pasado alas dos ng hapon kahapon sa
Motorpool, Barangay Crossing Simuay,
Sultan Kudarat, Maguindanao.

Kinilala ang suspek na si
Mojahiden Karim Aron alyas Tata, 35
years old, at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng PDEA-ARMM,
nagbenta si Aron ng kalahating gramo ng shabu sa kanilang ahenteng nagkunwaring
bibili.

Maliban sa kalahating gramo
ng pinaniniwalaang shabu, nakuha rin mula kay Aron ang mahigit tatlo pang gramo
ng ipinagbabawal na droga.

Naniniwala ang mga operatiba
na nagmamantina si Aron ng drug den sa nasabing lugar pero hindi naman nila ito
natunton.

Aminado naman si Aron na
siya ay nagtutulak ng iligal na droga at ito ang kanyang hanapbuhay.

Pero sabi ng suspek, hindi
siya gumagamit ng shabu.

Naniniwala ito na hindi
siyamahuhuli kung walang nanglaglag sa
kanya dahil sa matindingkompetisyon
kaya naman handa raw siyang makipagtulungan saPDEA-ARMM para tukuyin kung sino-sino pa ang sangkot sa pagbebenta ng
Shabu sa lungsod.

Ang dalawang mga nadakip na
suspek ay sasamphan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article 2 sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MINALIIT ng isang asian-based consultancy and risk analysis firm ang kakayahan ng gobyerno ng
Pilipinas para supilin ang malaking banta ng Islamic State of Iraq and Syria o
ISIS sa seguridad ng buong bansa.

Sabi ng Intelligent Security Solutions o ISS Risk, hindi sapat ang mga
ginagawang hakbang ng gobyerno ng Pilipinas para pigilan ang ISIS na makapasok
sa Pilipinas.

Sa katunayan, ayon sa grupo, posible pang maging sentro ng Islamic
extremism sa Southeast Asia ang Pilipinas at mas malala kung maitatayo sa bansa
ang headquarters ng ISIS.

Binigyang diin ng ISS Risk na kapag nagpatuloy ang kalagayang ito,
pinangangabahang matutupad ang ambisyon ng ISIS na magkaroon ng sapat na
kapangyarihan ang ISIS para maghasik ng kasamaan sa buong mundo.

Base sa pag-aaral ng naturang risk analysis company, angpagmamaliit ng pamahalaan sakakayahan ng ISIS na pasukin ang Pilipinas ay
nagresulta sapagtatag ng mga kampo
saSouthern Philippines para sa mgalumilitaw na teroristang gruposa Southeast Asia.

Ayon pa sa ISS Risk report, malaki
rin ang impluwensiya ng resultang eleksyon at estado ng Bangsamoro
Basic Law sa magiging hakbang gobyerno laban saterorismo at pagsugpo sa banta ng
ISIS sa bansa. NAGSAGAWA ng libreng land survey at pagbibigay bng titulo
sa mga lupa sa Maguindanao ang Department of Environment and Natural Resources
o DENR-ARMM.

Ayon kay DENR-ARMM Secretary Kahal Kedtag, layunin ng
programa na matugunan ang problema sa
kahirapan at kaguluhan sa probinsya na
ang dahilan ay agawan sa lupa.

Batay sa record ng Bureau of Lands ng DENR-ARMM, nasa 80
porsyento ng rido o away-pamilya sa Maguindanao 2nd District ang
nag-ugat sa agawan ng lupa.

Sabi pa ni Kedtag, madalas kasing inaangkin ng mga
naglalabang pamilya ang maraming mga lupa sa Maguindanao kahit wala naman
silang maipakitang titulo.

Kaya naman naniniwala ang kalihim na malaki ang
maitutulong ng programa paramatuludukan
na ang maraming rido sa lalawigan. NAGMAKA-AWA
ng tulong ang bihag na Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, kasama ang Canadian
national na si Robert Hall at Pinay na si Rites Flor kay incoming President
Rodrigo Duterte para tulungan silang makalaya sa kamay ng Abu Sayyaf Group o
ASG.

Ito ay
batay naman sa ipinadalang video ng mga bihag.Bilang
tugon, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ginagawa nila ang
lahat ng paraan para maligtas ang natitira pang mga bihag ng ASG sa Sulu.

Hindi naman
nagbigay ng pahayag si Brig. Gen. Restituto Padilla hinggil sa nasabing video
subalit tiniyak niya na nakatuon ang kanilang pansin sa rescue operation ng mga
bihag.

Ayon
naman kay AFP public affairs office chief Col. Noel Detoyato, nakita na nila
ang nasabing video at palagi nila itong tinitingnan upang pag-aralan ang
kinaroroonan at kalagayan ng mga bihag.
Sa
huling video ng ASG, nagmamaka-awa ang mga bihag at nanawagan kay
President-elect Rodrigo Duterte na gawin ang lahat ng paraan upang sila ay
mailigtas at mapalaya mula sa kamay ng mga bumihag sa kanila.

Nagbabala
naman ang ASG na pupugutan din sina Hall, Sekkingstad, at Flor kapag hindi
naibigay ang hinihingi nilang 600 million pesos na ransom ngayong June 13.

Samantala,
nakubkob naman ng militar ang isang kampo ng mataas na lider ng ASG sa Barangay
Gulangan, Maimbung Sulu kahapon.

Ayon
kay Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command Spokesperson Maj.
Felimon Tan, napasok ng tropa na pinangunahan ng 14th Special Ranger Company
ang kampo ni Idang Susukan matapos ang ilang minutong bakbakan.

Ani
Tan, nasa 200 katao ang maaaring magkuta sa naturang kampo na may na-recover ding
iba’t ibang bahagi ng mga baril, mga personal na gamit ng ASG members at isang
motorsiklo.

Nabatid
na wala namang nasugatan o nasaktan sa tropa ng militar bagaman at di nila
matiyak kung may nasugatan sa tropa ng ASG.

Nauna
nang inilunsad ng militar ang kanilang mas malawak na operasyon laban sa ASG dahil
sa inilabas nilang June 13 deadline para sa pagpatay sa ilan pa sa kanilang mga
hawak na hostage.

AGAD
NA NAGREKLAMO sa Cotabato City PNP ang isang habal-habal driver matapos siyang
paputukan ng baril ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas otso nang umaga
kahapon sa labas ng Superama Hypermart, sa Sinsuat avenue.

Kinilala
ang biktima na si Sonny Inok Abo, 43 years old, at taga Bubong, barangay
Tamontaka mother, ng lungsod.

Sabi ni
Abo, lumapit sa kanyang ang isang di pa nakikilalang suspek para magpahatid
sana sa Espino pero tinanggihan niya ito.

Nagalit
daw ang nasabing suspek, bumunot ng baril at pinaputok ito sa lupa.

Nagulat
naman si Abo at maging ang mga taong malapit sa lugar kaya nagsitakbuhan.

Pinakalma
naman ng isa pang habal-habal driver na si Diego Ali Edras ang suspek at inalok
na siya na lang ang maghahatid dito.

Ayon
kay Edras, nagpahatid ang suspek sa TV Juliano corner Ramon Rabago street sa
lungsod.

Samantala,
handa naman ang City PNP na tukuyin ang naturang suspek para mapanagot sa batas
sa ginawang indiscrimate firing at paglabag sa election gun ban. Tutukan ng clean up drive at tree planting activity ng
Provincial Environment and Management Office o PEMO South Cotabato sa Hunyo 7 ang
mga small scale mining areas, tunnel areas at pampang ng ilog na tinukoy bilang mga environment
protected areas.

Ayon kay PEMO Mines ang Geosciences Division o MGM Head Nencita
Acain, ito ay bilang kabahagi ng World Environment Month Celebration sa susunod
na buwan.

Kaugnay nito, inaatas na ni PEMO Officer Seigfred Flaviano sa
mga small scale miners associations, cooperatives at quarry operators na
makiisa sa tree planting activity.

Ito ayon kay Flaviano ay isa sa
mga kondisyon na inilatag ng provincial government sa pagbibigay ng
permit sa mga ito.

Hiniling din Flaviano sa mga SSM operators na maglaan ng tree
seedlings at magsumite ng lugar kung saan sila magtatanim ng mga puno.

Ayon kay Flaviano maging ang mgaindividual operators na walang kinabibilangang grupoay obligado na magsumite ng kanilang
isasagawang clean up drive at tree planting activity, bilang kabahagi ng
monitoring ng PEMO.

Maliban sa MGD,magkakaroon
naman ng sariling tree planting activity ang Environment and Management
Division ng PEMO sa Integrated Provincial Environment Management Center sa
Barangay Tinongkop ,Tantangan sa June 8.

Habang ipagdiwang naman ng Forest and Inland Water Division ang Earths Savers Day sa Protect Center sa
June 10.

Mayroon nang lugar na mahingan ng tulong ang mga maliliit na
negosyante sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ito ay matapos pormal nang buksan sa bayan ng Isulan kahapon ang
pinakahuling Negosyo Center ng Department of Trade and Industry o DTI 12.

Ang pasilidad ay matatagpuan sa Municipal Compound ng bayan ng
Isulan.

Ayon kay DTI 12 Regional Director Ibrahim Guiamadel, layon ng
Negosyo Center na matulungan ang mga
small, micro medium entrepreneur na mapalago ang kanilang negosyo.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong teknikal,
pagbibigay ng tamang impormasyon, training at maging sa business administration.

Ang DTI 12 ay mayroon nang mga Negosyo Center sa Cotabato City,
General Santos City, Koronadal City, Kidapawang City, Tacurong City at bayan ng
Alabel sa Sarangani.

Ang mga ito ay na-classify bilang Level A dahil sa kakayahan ng
makapagbigay ng full services.

Ang pagtatag ng Negosyo Center ay bilang pagtalima na rin sa Go
Negosyo Act’.

Abot lamang sa 300 ang mga nakapag-apply para sa Kabugwason
Paglaum Scholarship Program o KPSP ng South Cotabato Provincial Government.

Ayon kay KPSP Executive Director Wendel Earl Lope ito ay mas
mababa kumpara sa mahigit 900 na
nag-apply sa programa noong 2015.

Naniniwala si Lope na dahilan nito ay ang kawalan ng papasok na
college freshmen ngayong taon bunsod ng full implementation ng K to 12 Program.

Sa kabila nito, tiniyak ni Lope na lahat ng mga nag-apply sa
scholarship program ng provincial government ay dadaan pa rin sa screening ng
KPSP Committee.

Ayon kay Lope ang mga iskolar ng KPSP sa kolehiyo ay dapat
mayroong maintain grade na 85 percent
pataas kada subject.

Habang mga nagaaral naman ng Law at medicine ay dapat walang
failing grade na below 75.

Tumaas din ang monthly allowance ng mga KPSP beneficiary ngayong
taon.

Sinabi ni Lope na ang mga scholar ng lalawigan na nasa Category
A o mga indigent ay magkakaroon na ng
monthly allowance na P3,500 mula 3,000.

Ang mga nasa Category B naman o mayroong annual income ang mga
magulang na P200,000 ay mabibigyan ng
P1,500 mula sa dating P800.

Tataas naman sa P3,500 mula sa P1,600 ang mga KPSP benefeciary
na nasa Category C o yaong mga nakapag bigay ng karangalan sa South Cotabato
tulad ng mga athlete.

Matatandaan na maging ang mga nag-apply sa Iskolar ng BAayan o ISKO Scholarship program
ng Koronadal LGU ay bumaba din dahil sa K to 12 Program

Nasa malubhang kalagayan ang isa sa limang mga sundalo na
sugatan nang maka-engkwentro ang rebeldeng grupo sa liblib na Sitio ng
Lam-alis, Barangay Datal Blao, Columbio, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi.

Ang pagsakalay ng mga rebelde sa
mga sundalo ay mariin namang kinondena ni 39th Infantry
Batallion Spokesperson Captain Danny Boy Tapang.

Ayon kay Tapang nais kasi ng
grupong New Peoples Army na itigil ang Peace and Development Outreach
Program ng militar kaya sila sumalakay.

Gayunaman ayon kay
Tapang hindi nagpatinag ang
militar at nakipagpalitan ng putok sa mga rebelde.

Sa kabila ng patuloy
pagbabanta ng mga rebelde, iginiit ni tapang na tuloy pa rin ang
kanilang pagtulong sa mga residente sa lugar .

Naniniwala si Tapang na maraming sugatan sa mga rebelde dahil
may mga residente nakakita sa kanila na bitbit ang ilang mga kasama habang
tumatakas.

Nilinaw din ng army official na sa kabila ng patuloy na pagtugis
ng militar sa mga tumakas na rebelde, nananatiling matiwasay ang Sitio Lam-alis.

Matapos ang mahabang tagtuyo’t na sumira sa kanilang mga
produktomaari nang magtanim muli ang
mga magsasaka sa South Cotabato.

Ayon kay Pagasa General Santos City, Senior Weather
Forecaster Dante Ariola, ito ay dahil sa
unti unting pagkawala ng El Nino Phenomenon at pagdating ng tagulan.

Ipinahayag ni Ariola na idineklara ng Pagasa ang pagsisimula ng
rainy season kamakalawa, kaya wala nang dapat ipangamba ang mga magsasaka kung
nanaisin ng mga ito na magtanim ngayon.

Nilinaw ni Ariola na mga
pagulan ngayon sa ilang lugar sa South Cotabato at karatig lugar ay dala ng
pagpasok ng Southwest monsoon o hanging habagat at hindi ng La Nina Phenomenon.

Ayon kay Ariola, aasahan pa kasi ang pagpasok ng El Nino Phenomenon
sa bansa sa Hulyo o Agosto.

Nauna nang umapela si Koronadal city Disaster Risk Reduction and
Management Council o CDRRMC Action
Officer Cyrus Urbano sa mga mamamayan ng lungsod na paghandaan ang tagulan sa
pamamagitan ng paglilinis ng kanilang mga
kanal.

Umaasa ngayon ang Cotabato Provincial Government na magmamarka sa mga puso at isipan ng mga kabataan na lumahok sa three-day training and workshop noong lunes hanggang kahapon sa provincial gymnasium, Amas Kidapawan City.Positibo si Cotabato Governor Emylou Mendoza na magbubunga ang nabanggit na aktibidad sa buhay ng mga kabatan.Ang nabanggit na aktibidad ay tinawag na SHAPER’s CAMP 2016 na nilahukan naman ng abot sa 150 mga piling kabataan mula sa ibat ibang out-of-school-youth organizations, elementary at high schools sa North Cotabato.Layunin ng taunang aktibidad na tulungan ang mga kabataan na palakasin pa ang kanilang tiwala sa kanilang mga sarili at sanayin pa sila sa kanilang mga kakayahan para maging isang responsableng mamamayan.Kabilang sa tatlong araw na pagsasanay nila ang mga lectures, group discussions, team building games, at series of workshops. Tatlong bagay ngayon ang ikinokonsidera ng Aboitiz Power Company kung bakit gagawin nila sa Hunyo ang Preventive Maintenance sa Unit 2 ng Coal Fired Power Plant sa Therma South Incorporated o TSI sa Davo City.Sinabi ni Wilfredo Rodolfo, ang dahilan nila ay una ang pagtaas ng water level sa Pulangi at Agos Hydro Electric Power Plants dulot ng sunod sunod na pag-ulan, pangalawa magiging operational na sa Hunyo ang bagong independent Power Producers sa Mindanao at ang ikatlo ay may mga planta na ring magsasagawa ng preventive maintenance sa Hulyo at Agosto.Paliwanag pa ni Rodolfo, kinakailangan rin kasi ang nabanggit na paglilinis at pagsasaayos para malaman sa kabuuan ang kondisyon ng kanilang planta para maiwasan ang biglaan pagkasira o pagshutdown ng planta na magdudulot ng brown out.Sa ngayon di pa matiyak ng opisyal kung mahahanapan nila ng alternatibo o kapalit ang mawawalang power dsupply sa mga power ditributors na nuna nnang nakakontrata sa kanila kagaya ng COTELCO na mga kontratang 10MW.Dahil base sa kontrata, panahon ng Preventive maintenance, kinakailangang palitan at tutulungan ng Abitoz ang mga power distributors na makakuha ng 50% sa kuryenteng nakakontrata sa kanila mula na rin sa iba pang Independent Power Producers. Hanggang ngayon ay hindi pa naibabahagi ang libu-libong sakong bigas para sa mga magsasaka sa North Cotabato mula sa Davao City Governemnt na ngayon ay nasa tatlong mga bayan sa lalawigan.Pero sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP North Cotabato Chair Lito Roxas, malinaw na ang kanilang pag-uusap ni Antipas Mayor Egidio Cadungon na tig-iisang sakong bigas ang kanilang ibibigay sa mga magsasakang kabilang sa mga nanguna sa kilos protesta sa Kidapawan City.Habang ang matitirang bigas ay ibibigay sa mga magsasaka sa buong bayan na derektang naapektuhan ng El Nino.Nais rin ng KMP na ganito rin ang proseso na gagawin sa bayan ng Magpet at sa President Roxas.Una na ring ipinahayag ni President Roxas Mayor Jaime Mahimpit na hindi nila gagalawin ang mga sako sakong bigas hanggat wala pang go signal mula sa Davao CSWD Office.Nilinaw din ni Roxas na tanging ang mga magsasaka lamang mula sa Arakan, Magpet, President Roxas, Antipas at Kidapawan City ang makakatanggap ng naturang bigas na bigay ni Davao City Mayor Duterte.Hindi raw kasali rito ang mga mga magsasaka mula sa bayan ng Tulunan at Makilala na nakisali rin sa nangyaring kilos protesta noong huling linggo ng Marso sa Kidapawan City.

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...