Thursday May, 02 2024 06:53:58 PM

NDBC BIDA BALITA (May 27, 2016)

 • 19:40 PM Fri May 27, 2016
1,194
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

MAY 27, 2016 (FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Pagpatay ng pulis sa asawang pulis sa Parang, Maguindanao,nananatiling misteryo sa mga otoridad. 2. DALAWAMPU’T SIYAM KATAO, sa anti-illegal drug campaign sa Sultan Kudarat.3. Pagsara ng power plant provider sa South Cotabato, di rawmaka-aapekto sa supply ng
kuryente.4. Walo patay dahil sa dengue sa S. Cotabato. HANGGANG ngayon ay hindi pa rin matukoy
ng Parang PNP ang dahilan ng mainitang pagtatalo ng mag-asawang pulis na
parehong nasawi matapos na mauwi sa pamamaril ang kanilang matinding pagtatalo
sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao.

Maging ang pamilya kasi ng mag-asawang
sina PO3 Ariel Macadaan at PO3 Mariles Cuprada Macadaan ay wala ring masabing
dahilan ng pag-aaway ng dalawa sa mga imbestigador. Sabi ni Parang PNP Chief Police Sr.
Insp. Arnold Bulosan, pasado alas-singko ng umaga kahapon nang makatanggap sila
ng report na binaril ni PO3 Ariel Macadaan ang misis nitong si Mariles sa
dibdib. Pagkatapos ay nagbaril din sa kanyang
ulo si Ariel gamit ang kanyang issued firearm na 9mm pistol.

Nabatid na nadatnan na lamang ng mga
otoridad ang mag-asawang Macadaan na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.Ayon pa kay Bulosan, banaril din ni
Ariel sa kanang kamay ang biyenan nitong si Jimmy Cuprada matapos na magtangka
itong mamagitan sa pag-aaway ng mag-asawa.

Ang mag-asawang Macadaan ay pawang
naka-talaga sa highway Patrol Group ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Inulila ng mga ito ang kanilang tatlong
mga anak. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang
imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.

Palaisipan pa rin kasi sa mga
imbestigador kung talagang sinadyang barilin ni PO3 Macadaan ang kanyang misis
o aksidente lamang niyang nakalabit ang gatilyo ng kanyang pistola.

DEAD ON
ARRIVAL sa pagamutan ang isang magsasaka matapos na masagasaan sa national
highway ng Midsayap, North Cotabato. Nakilala ang
nasawi na si Lucas Cambil Jr. taga- barangay Villarica, Midsayap. Sa inisyal na
imbestigasyon ng Midsayap PNP, pasado alas nuebe kagabi nang mahagip ng
minamanehong elf-type truck ni Nilo Obarco ang motorsiklong minamaneho ni
cambil habang tumatawid ito sa national highway sa bahagi ng barangay
Sadaan. Boluntaryo
namang sumuko si Obarco sa mga otoridad at inaming aksidente ang nangyari.

Nabatid na
nagkaroon naman ng amicable settlement ang pamilya ng nasawing si Cambil at ang
nakasagasang driver na si Obarco. KALABOSO
NA ngayon ang isang pinaniniwalaang miembro ng ALKOBAR Terror Group matapos na
maaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group o
CIDG-ARMM. Nadakip
ang suspek na kinilalang si Kamad Makauyag alyas Mads” taga-Datu Paglas,
Maguindanao, sa isinagawang operasyon ng CIDG-ARMM pasado alas- kwatro ng umaga
kamakawala. Sa
naturang operasyon, nakumpiska ng mga operatiba ang isang unit ng caliber 5.56
homemade firearm, isang Caliber 9MM pistol, isang caliber 22 na armas, 21
rounds ammunition ng caliber 9MM, Twenty Five rounds ammunitions ng Caliber 22
at tatlong ammunitions ng caliber 5.56 na baril. Ang
pagkaka-aresto kay Makauyag ay sa bisa naman ng warrant of arrest na inilabas
ni Judge Carmelita Sarno-Davin ng RTC 11, Branch 19 ng Digos City.

Nabatid
na si Makauyag ay nahaharap sa kasong Multiple Murder with Multiple Frustrated
Murder at attempted murder. Una
rito, walong mga warrant of arrest na ang inihain ng CIDG-ARMM, PNP-ARMM at Army’s
601st brigade laban sa mga miyembro ng Alkobar Group pero bigo pa rin ang mga
itong maaresto ang pitong mga suspek sa Datu Paglas.
Ang
ALKOBAR GROUP ay itinuturing na high value target ng mga otoridad sa
paniniwalang responsable ito sa mga pambobomba, robbery extortion at iba pang
krimen sa Central Mindanao. PATULOY
pang ini-imbestigahan ng Cotabato City PNP ang panibagong insidente ng pagpapatiwakal
na naganap sa Purok Katahimikan, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato city. Natuklasan
na lamang ang bangkay ni Dany Teves Manatad, 29 years old at taga -Pikit, North
Cotabato sa loob ng kanyang kwarto sa Dumdom residence pasado alas sais kagabi. Ayon
sa salaysay ng mga kaanak ni Manatad, pumasok sa ito kanyang kwarto sa 3rd
floor ng bahay kahapon para magpahinga. Ngunit
nagtaka na lang ang mga ito dahil limang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa
rin lumalabas sa kanyang silid si Manatad kahit ilang beses na nila itong
kinakatok. Dahil
dito, puwersahang binuksan ng mga kaanak ang pinto at dito tumambad sa kanila
ang nakabitin na katawan ni Manatad gamit ang wire sa kanyang leeg.

Sinubukan
pang isalba ng mga ito si Manatad pero tuluyan na siyang binawian ng buhay. Lumabas
naman sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime operatives na walang
indikasyon na may foul play sa pagkamatay ni Manatad.

Nabatid
na may lumalalang sakit sa bato ang 12 taong gulang na anak ni Manatad kaya
nakipagsapalaran ito sa Cotabato city para matustusan ang pagpapagamot sa anak. Gayunman,
walang permanenteng trabaho si Manatad bilang part time waiter kaya naman problemang
pinansyal ang nakikitang dahilan ng mga imbestigador sa pagpapatiwakal nito.

Samantala,
sa kabilang dako naman, ISANG BANGKAY din ang natagpuan sa tabi ng national
highway sakop ng Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dakong alas
sais nang umaga kahapon. Ayon
sa report ng DOS PNP, ang bangkay ay tinatayang nasa 30-40 anyos, nasa 5'4 ang
tangkad, nakasuot ng kulay dilaw na tshirt, maong pants at may mahigpit na
nakataling panyo sa leeg na sinasabing dahilan ng pagkamatay nito. Naniniwala
ang mga imbestigador na biktima ng summary execution ang nasabing bangkay.

Kinalaunan
ay nakilala ang bangkay sa pangalang Roel Mama Duco, 40 anyos, messenger ng
Cashier's division ng ORG-ARMM, residente ng Purok Bulibod, Poblacion 7,
Cotabato city. Sa
follow-up investigation ng DOS PNP, huling nakita si Duco ng kanyang kasamahan
sa trabaho na pumasok sa opisina noong gabi ng May 25, 2016. Ayon
naman sa kaanak ng biktima, huli nila itong nakitang umalis ng bahay at pumunta
sa downtown area ng Cotabato city sakay ng kanyang kulay itim na Honda XRM 125.

Hanggang
sa ngayon ay hindi pa natatagpuan ang motorsiklo ni Duco habang naiturnover na
sa pamilya nito ang kanyang mga labi. Inaalam
pa ng mga imbestigador ang motibo sa pagpaslang kay Duco.

NANAWAGAN
ngayon ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa publiko na
tumulong sa pangangalaga sa mga ilog at karagatan. Ginawa
ng DENR ang apela sa harap naman ng lumalalang banta at masamang epekto ng
Climate Change at kasabay naman ng Month of the Ocean celebration ngayong Mayo na
may temang ‘Biodiversity for Food and SeaCURErity’. Nabatid
na dahil sa tagal ng dry spell ay bumaba ang level ng tubig sa karagatan at
maraming corals ang nasira na siyang itinuturong dahilan para maging limitado
ang suplay ng mga yamang dagat na siyang pinagkukunan ng pagkain ng maraming
mamamayan.

Ang
corals ang nagsisilbing tirahan ng mga isda at dito rin sila nag-iiwan ng
milyon-milyong itlog. Sinabi
ni DENR Secretary Ramon J.P. Paje na pinalakas ng ahensiya ang mga programa
para iangat ang green infrastructure, pagpapatupad ng scientific assessment at
pagbibigay kaalaman sa publiko patungkol sa kanilang papel na gagampanan sa
pagbibigay proteksyon sa kalikasan. Ayon
kay Paje, ipatutupad nila ang nationwide coral restoration program at
palalakasin pang lalo ang reforestation projects sa ilalim ng National Greening
Program.

Ngayong
buwan, nakikiisa ang Pilipinas sa International Day for Biological Diversity na
may temang ‘Mainstreaming Biodiversityand Sustaining People and their
Livelihoods.’

Samantala,
sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, dinagdagan ang 1 Million Seedlings na
proyekto ng DENR-ARMM gayundin ang pagtatanim ng mga bakawan o Mangrove Trees
sa mga piling dalampasigan ng Maguindanao at Island provinces sa Basilan, Sulu,
at Tawi-Tawi. Maliban
sa kanilang nursery sa Sitio Lomboy, Barangay Dimapatoy sa bayan ng Datu Odin
Sinsuat, ipinag-utos na rin ni Secretary Hadji Kahal Kedtag ang pagpapatubo ng
mga bagong binhi sa iba't ibang probinsiya na kanyang nasasakupan. Ayon
kay Kedtag, ang proyekto ay nakapaloob sa cash for work program na pinondohan
ng kanyang tanggapan sa ilalim ng NGP ng Aquino administration at ARMM Governor
Mujiv Hataman.

Mula sa bitbit na 25 search warrant, isang warrant of arrest at inilatag na buy bust operation ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, 29 ang lahat ng kanilang naaresto sa isinagawang ONE TIME BIG TIME Operation ng PNP kontra ilegal drugs sa lalawigan.Sinabi ni Sultan Kudarat Provincial Director Sr. Supt. Raul Supiter ang mga naarestong suspek ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad na nagbebenta ng shabu sa mga bayan sa Sultan Kudarat.Narekober mula sa 29 na mga nahuling suspek ang 268 sachets ng pinaniniwalaang shabu.Kinumpirma din ni Supiter na nagmula sa probinsiya ng Maguindanao ang mga nabanggit na droga at ibinibenta lamang sa Sultan Kudarat Province.Maliban sa mga nakumpiskang droga nakuha rin sa mga suspek ang kalahating kilo ng dried marijuana, isang granada, isang UZI submachine gun na may siyam na bala at isang magazine, dalawang 45 caliber pistol na may walong bala at tatlong magazines, isang caliber 38 pistol na may limang bala, isang homemade shut gun at isang homemade pistolite.Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa ibat ibang mga municipal lock up cell sa lalawigan habang dinala na rin sa Regional Crime Laboratory 12 ang mga ebidensyang nakuha mula sa kanila.Samantala, sinabi naman ni Supiter na suportado naman ng Sultak Kudarat Provincial Government ang kampanya ngayon ng PNP kontra ilegal na droga sa lalawigan at katunayan aniya isa ito ngayon sa prioridad na tututukan ng gobyerno. Tuluyan na ngayong nailipat ang 70 mga babaeng inmates sa kanilang selda sa Prisons Without Wall facility sa Bureau of Jail Management and Penology sa Provincial District Jail Amas, Kidapawan City.Ang nabanggit na hakbang ay kasalungat naman sa kagustuhan ng mga babaeng preso.Sa eksklusibong panayam ng DXND-Radyo Bida kay Aling Rosa isa sa mga inmates doon, mariin nilang hinarang ang planong paglipat sa kanila sa Prisons Without wall dahil wala raw itong maayos at desenteng pasilidad.Ang desisyon ay nagmula raw sa BJMP Regional office matapos ang isinagawang surprise inspection at pagrelieve sa anim na mga jail guards.Ang pagrelieve sa mga Jail Guards ay may kaugnayan naman umano sa pagpapalusot ng droga sa jail facility kung saan labas pasok na lamang at talamak na ang bentahan ng shabu.Ayon pa kay Rosa, di raw sila dapat kasali sa mga pinaparusahan dahil wala naman silang kinalaman sa nabanggit na ilegal na aktibidad.Sa ngayon umapela ang mga inmates kay Governor Emmylou Mendoza na pakinggan ang kanilang mga hiling at ibalik na sila sa Womens Correctional Center kung saan talaga sila nakakulong. Isang tarsier ang aksidenteng natagpuan ng isang magsasaka habang naglilinis ng kanyang sakahan sa Sitio Kirungdong, Barangay KInarum, Magpet Cotabato nitong linggo lamang.Kuwento ni Sostines Gayol, nagtatabas siya ng mga damo nang may tumalon na tila maliit na hayop sa kanyang likuran.At nang kanyang siyasatin at nakita niyang isa pala itong tarsier.Ang lugar kasi ay napapaligiran ng mga makakapal na kahoy kaya paborito itong tirhan ng mga wild animals.Sa tingin ni Gayol, masigla ang nabangit na hayop.Kaya sa halip na i-uwi upang alagaan, kanya na lamang itong ibinalik sa lugar kung saan niya itong natagpuan.Nabatid na hindi lang ito ang unang pagkakataon na may ganitong uri ng hayop na nakita sa bayan ng Magpet.Sa mga nakalipas na taon, aabot na sa limang mga tarsiers ang nakita at ibinalik sa kanilang tahanan. Maswerteng nakaligtas sa kamatayan ang isang 35-anyos na lalaki matapos siyang pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Purok 4 Dawanan Subdivision, Old Pc Barracks, brgy. Sudapin Kidapawan City pasado alas otso ng umaga kahapon.Kinilala ang biktima na si Edward Sobremisana.Lumabas sa imbestigasyon ng PNP na may kausap lamang ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang bigla na lamang itong hintuan ng nakamotorsiklong lalaki at doon na siya pinagbabaril.Mabuti na lamang at daplis lang ang tinamo ng biktima na mabilis namang naisugod sa pagamutan.Hinihintay na lamang ngayon ng PNP ang pahayag ng biktima para sa posibleng pagkakahuli sa mga suspek at pagkakatukoy sa motibo sa nabanggit na pamamaril.
Sa kabilang dako arestado na ng Kabacan PNP ang dalawang suspek na responsable sa pagbaril at pagpatay sa loan officer ng isang lending company sa Sitio Damolog, Brgy. Malanduage, Kabacan, North Cotabato Kinilala ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Mabini Abpi Dalamban Alias Alimudin Luway, 44-anyos at Ronnie Bala Entol, may asawa at kapwa residente ng nasabing lugar.Positibong itinuro ng mga nasaksi sa krimen ang dalawang mga suspek at nahuli ito sa inilatag na hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng Intel Operatives ng CPPO, 602nd Brigade at ng Kabacan PNP.Sa ngayon ay kalaboso ang dalawa sa Kabacan PNP lock up cell habang inihahanda ang kasong kakaharapin ng mga ito. Kasong murder ang kakaharapin ngayon ng isang NPA member na naaresto ng militar na nasugatan matapos ang nangyaring engkwentro sa Brgy. Datal Blao, Columbio, Sultan Kudarat.Sinabi ni 39th IB Commanding Officer Lt. Col. Harold Argamoza, kanila nang inihahanda ang kasong isasampa sa suspek na si Lisiquel Malid na ngayon ay nagpapagaling sa isang ospital sa Tacurong City.Si Malid ay miembro ng PA Guerilla Front 72 Far South Mindanao Region na naka ekwentro ng militar nitong nakaraang araw.Sinabi ni Argamoza, pitong oras ang nangyaring palitan ng putok sa pagitan ng mga rebelde at Peace and Development Team na nakadeploy sa Sitio Lamalis.Isang miembro ng NPA ang pinaniniwalaang nasawi sa enkwentro habang limang sundalo naman ang nasugatan.Ayon pa sa opisyal, nakatulong ng malaki sa kanila ang suporta ng mga sibilyan na nakapalibot sa nabanggit na lugar na mismong humiling sa kanilang presensya doon.Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing operations ng militar sa area kontra sa rebeldeng NPA.NDBC BIDA BALITA Matapos ang pagkalugmok ng kabuhayan bunsod ng matinding tagtuyo’t nitong mga nakalipas na buwan unti unti nang bumabangon
ngayon ang mga farmn laborer sa
Koronadal City.

Dahil kasi sa mga pagulan na nararasan ngayon sa
lungsod, nakapagtatanim na rin muli ang mga ito.

Ayon kay Nora Mico, malaki ang naitulong ng ulan para
maitawid ng mga katulad nilang farm
laborer o nagtatrabaho din sa lupain ng ibang tao na maitawid ang kanilang pang
araw araw na pamumuhay.

Ipinahayag nito na kumpara noong dry spell kung kelan lugmok ng kanilang
kabuhayan, ngayon ayon kay Mico, kumikita sila ng hindi bababa sa P200 kada
araw sa pamamagitan ng pagtatanim.

Ayon kay Mico dahil sa pakyawan system” sa pasahod ng mga land owners, ang kanilang
grupo ay binabayaran ng P3,500 sa kada ektarya ng lupain na kanilang tatamnan
ng palay.

Ito ayon kay Mico ay malaking tulong na rin para sa
pagbili sa pangangailangan ng kanilang mga anak sa pasukan.

Samantala, nauna nang tiniyak ni Koronadal City
Agriculture Officer Emelita Miguel na magbibigay ng binhi sa mga magsasakang
apektado ng dry spell ngayong planting season ang lokal na pamahalaan.

Sa kabila ng nakaambang shutdown ng coal-fired plant
ng Therma South Inc. o TSI mananatili pa ring sapat ang supply ng kuryente sa
South Cotabato sa Hunyo.

Ayon kay South Cotabto Electric Cooperative o
Socoteco I General Manager Santiago Tudio,maari na kasing makapag supply ng
kuryente sa lalawigan ang kapapatayo pa lamang na 11.9 MW bunker fueled plant.

Kaya ayon kay Tudio, kahit pa makaapekto sa buong Mindanao
grid ang napipintong shutdown ng planta
ng TSI walang dapat ipangamba ang kanilang mga myembro konsomidor.

Maliban sa kanilang bunker fueled plant, may naka
standby din na 13MW diesel-power generator set ang Socoteco I.

Nagbibibigay din ng supply ng kuryente sa South
Cotabato ang 5MW Solar Power plant sa Surallah, South Cotabato.

Ang Socoteco 1 may kontrata na 2MW na supply ng
kuryente sa TSI

Ang apat na linggo na maintenance shutdown ng coal-fired power plant ng TSI ay
magsisimula sa Hunyo 18.

Nasawi dahil sa dengue fever ang walo katao sa South
Cotabato mula Enero hanggang Mayo.

Ang bilang ng mga nasawi na ito ay mula naman sa
1,149 na kaso ng dengue ngayong taon na mas mataas naman ng 69.2 percent
kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ito ay sa kabila naman ng mahabang tagtuyo’t na
naranasan sa lalawigan nitong mga nakalipas na buwan.

Para di na
dumami pa ang dengue ngayong padating ng tagulan, umapela si South
Cotabto Provincial Health officer Dr. Rogelio Aturdido Jr. sa publiko na
tumulong sa pagsawata nito.

Maaring gawin ito ayon kay Aturdido sa pamamagitan
ng mariing pagpapatupad ng Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD.

Inaatas ng programa ang regular na pangunguna ng mga
opisyal ng barangay sa malawakang paglilinis,upang sirain ang mga lugar na
maaring pamahayan ng dengue carrying
mosquito.

Nakakumpiska ng suspected shabu mula sa isang estudyante na kanilang inaresto ang mga
pulis sa bayan ng Lutayan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay Lutayan Chief of Police, Senior Inspector
Bernard Francia, ang suspek na si Brachel Jahn Navarra ay kanilang naaresto sa Barangay Tamnag,
Lutayan.

Nakuha ng mga
pulis mula sa bahay ni Navarra na
nagaaral ng criminology sa isang kolehiyo sa Koronadal City ang apat na sachet
ng suspected shabu.

Isinagawa ng mga pulis ang pagraid sa bahay ni Navarra
matapos makakuha ng search warrant mula kay Isulan, Sultan Kudarat Regional Trial Court Branch 19 Judge Renato
Gleyo.

Ang estudyanteng
suspected drug pusher ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

MULING NAMAHAGI ng mga
seedlings ang Gardeners Club sa lungsod ng Koronadal, programang di
naipagpatuloy dahil sa drought.

Matapos
ang ilang buwan na tag-init ay halos namatay ang kanilang mga tanim na gulay ay
dahan-dahan namang bumabawi ang mga miyembro ng Gardeners Club ngayong buwan ng
Mayo dahil pumasok na ang tag-ulan.

Ayon kay Koronadal
City nutrition officer Veronica Daut nakakaapekto ang matinding tag-init sa
kalusugan ng mga bata. Dahil ditto, nangangamba si Daut na dadami pa ang mga
batang kulang sa timbang o malnourished dito sa Koronadal.

Sa
panayam ng DXOM-AM Radyo Bida, sinabi ni Daut na sa ngayon ay dahan-dahan nang
nagtatanim ang mga naka tanggap ng kanilang ipinamigay na mga seedlings noong
kasagsagan ng tag-init.

Inaasahan
ni Daut na bago magtapos ang buwan ng Hunyo ay maka-ani na ng kanilang produkto
ang mga nagtanim ng gulay sa kanilang mga bakanteng lote.

Ang mga ipinamigay
na gardeners’ kit ng Nutrition office ay naglalaman ng iba't ibang klase ng mga
boto ng gulay tulad ng kalabasa, kangkong, okra, talong at amplaya.

Sinabi din ni Daot na target ng city Nutrition
Office na isailalim sa feeding program
ang mahigit 22,000 na mga bata sa Koronadal.

Unang makikinabang dito ayon kay Daut ang San Jose, Mabini, Paraiso, Morales,
Concepcion, New Pangasinan, Sta Cruz, Esperanza, Namnama, Carpenter Hill,
Magsaysay, Cacub, Zone 4 at Assumption , mga barangay na may
pinakamaraming malnourished na bata na nagkakaedad ng mula dalawa hanggang anim
na taong gulang.

Katuwang ng City Nutrition Office sa isang buwang
supplemental feeding ang mga non government organizations na Save the Children
at International Care Ministries.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...