Friday May, 03 2024 04:22:29 AM

NDBC BIDA BALITA May 31, 2016

 • 16:32 PM Tue May 31, 2016
1,102
By: 
NDBC

NEWSCAST

May 31, 2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Labanan ng armadong grupo at militar sa Lanao, tuloy pa mahigit 200 pamilya, apektado atnagsilikas2. Isang Mosque at ilang mga bahay,
nasira dahil sa malakas na ulan at hangin sa Buluan, Maguindanao

3. Preso sa South Cotabato Provincial
Rehabilitation and Detention Center, natagpuangpatay sa selda nito.

4. President elect inanyayahang special guest of honor ng South Cotabato T'nalak festival at foundation anniv ABOT na sa 37 mga kasapi ng Maute terrorist
group ang napapatay at patuloy pang nadaragdagan ang bilang na ito sa walang
humpay na military operations sa Brgy. Ragayan, Butig, Lanao del Sur.

Sa panayam kay Army’s 103rd
Infantry Brigade Commander Col. Roseller Murillo ng DXMS AM – Radyo Bida
ngayong umaga, sinabi niya na ang operasyon laban sa naturang local terrorist
group ay matapos ang insidente ng pamumugot sa dalawang inosenteng sibilyan sa
lugar.

Ang Maute brothers naman ang sinasabing
pinuno ng grupo na responsible sa serye ng mga pambobomba sa mga tore ng NGCP
sa Mindanao.

Ito ay bukod pa sa mga kaso ng
kidnapping kung saan ang pinakahuli ay ang pagdukot ng mga ito sa anim na
manggagawa ng isang sawmill sa Iligan City.

Sinabi ni Murillo na ang tropa ng
Army’s 5th Mechanized Battalion, 51st Infantry Battalion kasama ang Philippie
Air Force ang magkatuwang sa pagtugis sa mga miembro ng Maute group mula pa noong
March 26.

Aniya, hindi pa nila masabi o matumbok
kung hanggang kailan tatagal ang kanilang operasyon laban sa mga armadong grupo
sa nasabing lugar.

Nabatid na ang pinakahuling engkuwentro
sa mga terorista ay noong May 24 matapos makatanggap ng ulat naggrupo-grupo ang
mga ito sa kanilang pinagkukutaan sa Butig.

Kinumpirma rin ni Murillo na dalawang
mga sundalo ang nasawi sa nagpapatuloy na operasyon habang siyam naman ang
sugatan.

Nakilala naman ang mga nasawing sundalo
na sina Private First Class Danilo Allaga at Mark Ferdinand Ortaliza.

Sa kaugnay na balita, noong Linggo, ginamitan na ng mga OV-10
bombers ang kuta ng Maute group sa Barangay Ragayan.

Kaya naman abot na sa 252 families o 1,517
individuals ang nagsilikas noon pang Lunes sa Butig, Lanao del Sur patungo sa
kanilang mga kamag-anak sa mga karatig na bayan at sa Marawi city.

Sinabi ni Lanao del Sur social welfare
and development officer Maharlanny Alonto na ang mga apektadong pamilya ay
galing sa mga barangay ng Coloyan, Samer, Bayabao, Poctan, Raya Timbab, Sandab
at Ragayan.Samantala, sinabi ni DSWD ARMM
Assistant Sec. Pombaen Karon Kader na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng
assessment sa lugar at kapag pinahintulutan na sila ay magsasagawa sila ng
relief operation.

PATULOY pang
ini-imbestigahan ng North Upi PNP ang pamamaril sa isang road construction
foreman sa boundary ng kilomter junction at Nuro Upi, Maguindanao partikular
pasado alas-singko ng hapon kahapon.

Kinilala ang
biktima na si Tito Dyasilon Usman, taga- Dalican, Datu odin Sinsuat,
Maguindanao.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng PNP, paakyat si Usman sakay ng kanyang motorsiklo sa North upi
mula Cotabato city nang mangyari ang pamamaril.

Nagtamo ng
tatlong tama ng bala si Usman sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan
ng kanyang agarang kamatayan.

Caliber 45
pistol ang ginamit ng hindi pa nakilalang suspek sa pamamaril base na rin sa
mga empty shell na narekober sa crime scene.

Hirap namang
makakuha ng testigo ang PNP dahil hindi matao ang pinangyarihan ng insidente.

Tinitignan
rin ng PNP ang anggulong holdap dahil ayon sa kaanak ng biktima, may dala itong
pera nang bumiyahe.

Naniniwala
naman ang PNP na planado ang pamamaril at pagpatay kay Usman.

TITINGNAN
at pag-aaralan ng Duterte administration sa pakikipag-negosasyon sa makakaliwang
grupo na gustong magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao.

Sinabi
ni incoming Presidential Adviser on Peace Process Atty. Jesus Dureza, seryoso
niyang tinanggap ang pagluklok sa kanya ni President-elect Rodrigo Duterte sa
posisyon.

Aniya,
gagamitin niya ang kanyang karanasan sa kagayang posisyon na kanyang hinawakan
sa Estrada at Arroyo administration.

Magagamit
din aniya niya ang mga maling hakbang noon o bilang mga learning experience sa
pakikitungo sa makakaliwang grupo.

Sinabi
rin ni Dureza na marami ang nagbulontaryo na tumulong subalit hinihintay na
lamang nito ang pormal na kauutusan ni Duterte para masimulan ang
pakikipag-usap sa CPP NDF-NPA, MNLF, MILF at iba pang rebeldeng grupo.

Muli,
sinabi rin nito na wala siyang magic formula para maresolba ang
kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao. KALABOSO
SA JOINT OPERATION NG PULISYA, mga barangay official at tanod ang isang
pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na nakawan sa lumang Cotabato city
hall sa Dorotheo street, barangay Poblacion 6, Cotabato city.

Kinilala
ang suspek na si Esmael Manding Cautak, 23 anyos, taga- Campo Muslim, Mother
Barangay Bagua, ng lungsod na naaresto sa Bonifacio street.

Una
rito, ilang mga nakawan ang nangyari sa Old city hall kung saan ay natangay ang
mga electric wire, ilaw at iba pang construction materials.

Dahil
dito, inalerto ng pulisya ang mga opisyal at tanod ng barangay ng barangay Poblacion
6 na araw-araw na nagpapatrolya.

Dito
ay naaktuhan nila si Caurak na nagdadala ng mga electric wire sa likod ng Old
City hall at sinubukan pa nitong tumakas ng sitahin siya ng mga otoridad.

Tinawag
naman ng mga barangay tanod ang Police station number 1 at hinabol ang suspek
hanggang sa maabutan at maaresto sa Bonifacio street.

Nakuha
mula kay Caurak ang 44 feet na electric wire at isang fragmentation grenade.

Nakatakdang
sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9516 at robbery ang suspek.

Nabatid
na ang Old city hall ay patuloy na inaayos ng Cotabato city government para
maging isang cultural heritage at tourist spot ng lungsod.

Sa kabila nang mahigpit na pagpapatupad ng Curfew Hours sa barangay Poblacion ng Makilala, North Cotabato, ilang mga menor de edad pa rin ang sumusuway rito.Ito matapos muling maka rescue ang mga opisyal ng barangay Poblacion ng 25 mga kabataan dis oras nang gabi sa Municipal Park ng bayan.Sa nabanggit na bilang 14 rito ay mga babae habang 11 naman ay mga lalaki na tinatayang nasa 15-17 taong gulang pa lamang.Sinabi ni Poblacion Makilala Chairman Erick Quibod, matapos nilang maimbitahan ang nabanggit na mga bata sa kanilang opisina agad naman silang pinakawalan.Pero sinabi ni Quibod, nailista na ngayon ang kanilang mga pangalan at oras na mahuli ulit na pagala gala dis oras nang gabi ay ang mga magulang na ng mga ito ang mapapatawan ng parusa.Pero nilinaw naman ng opisyal na walang isa sa mga nahuli na sangkot sa paggamit ng iligal na droga.Ang pagpapatpad ng curfew Hours sa barangay ay bunga na rin sa mga una nang nangyaring riot sa lugar na kinsasangukatan ng mga menor de edad.Matatandaang nagmula rin mismo sa bibig ni President Elect Rodrigo Duterte, na sa kanyang pinakaunang buwang pag-upo bilang Presidente ng Pilipinas, kabilang ang implementasyon ng Curfew Hours sa mga menor de edad sa buyong Pilipinas ang tututukan ng kanyang administrasyon. Mas magiging panatag na ngayon ang loob ng daan-daang mga mag pares sa Kidapawan City matapos sabay sabay na binigkas ang salitang I do sa isingawang kasalan ng Bayan nitong nakaraang araw.Ang nabanggit na kasalan ng bayan ay isinigawa sa Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral sa Kidapawan City.Ito ay nilahukan ng 138 mga pares habang 140 namang mga kabataan ang libreng bininyagan.Nabatid sa report na ang mga ikinasal ay yaong mga mag-asawang matagal nang nagsasama pero hindi pa rin nakakasal.Pinangunahan ito ng Diocese of Kidapawan, parishioners at iba pang grupo na ang layunin ay pagtibayin pa ang pundasyon ng Kristiyanismo sa bawat pamilya. Ang kaparehong aktibidad ay isinagawa rin ng maraming mag-asawa sa Sto Niño Parish Church Sa Makilala, North Cotabato. Dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin nitong nakaraang araw sa ilang bahagi ng Maguindanao at North Cotabato isang Mosque ang nasira pati na ilang mga bahay partikular sa Buluan area.Sinabi ni Arnold Wahab ang Buluan Municipal Administrator, malakas kasi ang hangin kaya nabali ang sanga ng isang Centennial Manggo sa lugar na tumama naman sa bahagi ng mosque.Maliban sa mosque, partialy damage rin ang bubong ng kanilang municipal gymnasium pati na ang limang bahay na tinangay rin ng hangin ang kanilang mga bubong.Nagdulot rin ng pagkawala ng suply ng kuryente ang nangyaring pagbagsak ng ulan.Natamaan kasi ng sanga ang ilang linya ng kuryente sa highway kaya nagdulot ito ng immediate brown out.Kinabukasan agad naman itong natugunan ng mga otoridad at naibalik din ang suplay ng kuryente.Nilinaw naman ni Wahab na walang nasaktan o nasawi sa pangyayari.Samantala, sa kabila naman ng mga nabanggit na insidente ikinatuwa naman ng ilang mga magsasaka sa mga nabanggit na probinsiya ang nangyaring pag-ulan.Nakatulong kasi ito ng malaki lalo na doon sa mga bumalik na sa pagtatanim na mga magsasaki na una nang matinding naapektuhan ng El Niño. Hindi na mamomroblema ngayon ang ilang mga eskwelahan sa North Cotabato sa pagsasasayos sa mga electrical facility sa kanilang mga classroom matapos mangako ng re-wiring ang Aboitiz Power Corporation katuwang ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO.Kahapon, kasabay ng matagumpay na kick off program ng Cotabato Division sa Brigada Eskwela 2016 sa Carmen, National High School, pormal itong napagkasunduan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at Aboitiz Power at COTELCO.Sinabi ni Toto Bisnar, Area Manager ng Mindanao for Energy Sales ng Aboitiz Power Corporation, 20 mga classroom makakabenipisyo nito na magmumula sa Carmen National High School at Malayan Elementary School sa brgy. Malayan, Mlang na nagkakahalaga ng 280 thousanp pesos.Maliban rito 28 mga classrom rin ang makakabenipisyo ng kaparehong proyekto sa PPALMA Area.Ayon kay Bisnar layunin ng kanilang re-wiring sa mga paaralan ay para mailayo ang mga estudyante at mga guro sa anumang aksidente na may kaugnayan sa kuryente.Inako ng Aboitiz ang nabanggit na proyekto na gagawin naman sa loob ng isang linggo kasabay nang ginagawang Brigada Eskwela.Sa ngayon patuloy ang panawagan ng DepEd sa mga magulang na makiisa sa ginagawang Brigada Eskwela sa lalawigan para ihanda ang mga classroom sa nalalapit na pasukan ngayon June 13, 2016 Umaasa ngayon ang mga babaeng Moro sa Bayan ng Buluan, Maguindanao na susuportaan sila ni President Elect Rodrigo Duterte sa kanilang minimithing Kapayapaan sa Mindanao.Kahapon, sabay-sabay na nagmartsa ang libu-libong babaeng Moro kasabay naman ng pagbubukas ng Provincial Women’s and Children group na naglalayong mapangalagaan at protektahan ang mga kabataan at kababaihan sa probinsiya.Kaugnay nito, sa pamamagitan rin ng Walk for Peace isinusulong nila ang pagpapatuloy sa usaping kapayapaan at buong suporta ng bagong presidente ng Pilipinas sa paglutas ng mga karahasan at krimen na kadalasang mga biktima ay mga babae at mga bata.Sa katunayan isang manifesto ngayon ang kanilang ginagawa kung saan nangangalap sila ng isang milyon lagda upang kumbinsihin ang presidente at maging ang United Nations na i-prioridad ang Peace Talks.Sa bayan ng Buluan lamang, higit sampung libong mga lagda na ang kanilang nakalap at lilibutin pa nila ang ibang panig ng bansa para umabot ng one million signatures.Pinagsisikapan ng grupo na bago magtapos ang buwan ng Hunyo ay maipaparating nila ang nabanggit na manifesto sa tanggapan ng presidente sa pamamagitan na rin ng mga Peace Advocates at iba pang mga leaders sa pagkamit ng Kapayapaan sa Mindanao.NDBC BIDA BALITA Nakilahok sa unang araw ng Brigada Eskwela ang mga mamamayan kahapon, hindi lamang para maihanda ang mga eskwelahan sa pasukan kungdi para na rin masawata ang sakit na dengue fever sa Koronadal City.
Tatlo kasi sa walong mga nasawi dahil sa dengue fever sa South Cotabato nitong 2016 ay mula sa lungsod.
Ayon kay Donna Arenzol,nais nitong proteksyonan sa dengue ang kanyang anak kaya siya naglaan ng oras para makatulong sa pagsawata ng sakit na dengue.
Inihayag nito na ang dengue fever kasi ang isa sa mga pangunahing sakit sa mga eskwelahan ngayon.
Kabilang sa mga dinagsa ng mga stakeholders ng Department of Education para maki Brigada Eskwela ang Marbel 1 Central Elementary School , isa sa pinakamalaking public elementary school sa Koronadal.
Maliban sa mga silid aralan, masusi ring nilinis ng mga volunteer ang mga puno at halaman sa paligid nito.
Ayon kay Marbel I Central Elementary School Brigada Eskwela Coordinator Lea Bringas, halos 80 percent ng mga magulang ng kanilang mga estudyante ay tumulong sa Brigada Eskwela, karamihan sa mga ito ay kasama pa ang kanilang mga anak.
Tiniyak din ni Bringas na para masawata ang mga dengue carrying mosquito, lilinisin nila hindi lamang ang loob at harap kungdi maging likurang bahagi ng kanilang mga silid aralan,
Bilang dagdag proteksyon sa dengue, may inilagay na chemically treated mosquito screen sa bintala ng mga classroom ng Marbel 1 Central Elementary School. Kinilala ni OIC Provicial Jail Warden Juan Lanzaderas ang nasawing preso na si Junjun Lumbay, 22 anyos, residente ng bayan ng T’boli, South Cotobato.
Ayon kay Lanzaderas si Lumbay ay nakakulong sa South Cotabato Provincial Rehabilitation and Detention Cneter simula pa noong 2014 matapos makasuhan ng cattle rustling.
Inihayag ni Lanzaderas na natagpuan na lamang ng nag inspeksyon na jail guard si Lumbay na nakahandusay sa loob ng kanyang selda kahapon ng madaling araw.
Nabatid na si Lumbay ay dalawang beses nang pinatingnan sa espesyalista sa Davao City dahil umano sa sakit nito sa pagiisip.
Inaalam pang mga otoridad kung may kaugnayan sa karamdaman nito ang pagkamatay ng inmate na si Lumbay.
Hindi na nakapalag pa ang dalawang mga suspected drug pusher matapos hulihin sa magkakahiwalay na anti illegal drug operation ng mga pulis sa Koronadal City.
Kinilala ni Koronadal Chief of Police, Superintendent Barney Condes ang isa sa mga suspek na si Jesuni Baltazar, 31 anyos.
Si Baltazar ay naaresto sa Block 4, Maranon Village, Barangay Zone 3.
Nakuha ng mga pulis mula kay Baltazar, ang anim na maliliit at dalawang malaking sachet ng suspected shabu, dried marijuana leaves, digital na kilohan, baril at drug paraphernalia.
Sunod namang inaresto ng mga pulis sa Barangay Sto. Nino , ang 34 anyos na si Tong Sumama, residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Nakuha mula kay Sumama ang isang sachet ng suspected shabu, at dalawang tig P50 bill at isang P100 bill marked money.
Ang dalawang mga drug suspek na parehong nakakulong ngayon sa Koronadal City PNP lock up cell ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Matutunghayan ng publiko ang dagdag na aktibidad sa opening program ng 50th Foundation Annviersary at 17th Tinalak Festival ng South Cotabato sa Hulyo.
Ayon kay Provincial Planning and Development Officer at Committee Chair Abner Navarro, tampok sa unang araw ng selebrsyon sa July 10 ang street parade, float competition, at mass dance drum and lyre competitions.
Umaasa si Navarro na sa pamamagitan ng mga ito ay dadagsain ng mas maraming turista ang opening salvo ng pagdiriwang.
Kinumpirma naman ni Opening Program Coordinator Evelyn Fantilanan na anim na mga contingent ang kumpirmadong lalahok sa mass dance drum and lyre competion.Kabilang sa mga ito ang Polomolok National High School, Tupi National High School, Notre Dame Sienna School of Marbel, Koronadal National Comprehensive High School (KNCHS), Banga Mindanao Comprehensive School at Lake Sebu National High School.
Ang mga mananalo ay tatanggap naman ng P70,000 P60,000at P50,000.
Kumpirmado na rin ang pagdalo sa opening program ng dating PBA player mula Koronadal na si Kenneth Duremdes at ang grand winner sa 2016 Dinagyang Festival ng Iloilo City .
Bibigyan din ng parangal ang most festive contingent na sasama sa parada.
Ayon kay Navarro, P1.3 million pesos ng P20 million pesos kabuuang budget ay iniliaan sa opening program ng Golden Anniversary ng South Cotabato.Inanyayahan ng provincial government si President elect Rody Duterte bilang special guest of honor bagaman at wala pa itong kumpirmasyon. Makikinabang sa supplemental feeding ng City Nutrition Office ang mahigit 22,000 na malnourished na bata sa Koronadal City.
Ayon kay City Nutrition Action Officer Veronica Daut ang isang buwang supplementang feeding ay ipatutupad sa mga barangay na may pinakamaraming batang malnourished.
Kabilang sa mga barangay na ito ang Sto Nino, San Jose, Mabini, Paraiso, Morales, Concepcion, New Pangasinan, Sta Cruz, Esperanza, Namnama, Carpenter Hill, Magsaysay, Cacub, Zone 4 at Assumption.
Para matiyak ang pagbuti ng kanilang kalusugan, magsasagawa rin ng lingguhang pag timbang sa mga benipsiyaryo ng programa ang City Nutrition Office.
Kinumpirma ni Daut na dumami ang malnourished na bata sa Koronadal City nitong mga nakaraang buwan dahil sa El Nino Phenomenon.
Ang supplemental feeding ay gagawin kasunod ng hiling ng nutrition office sa publiko na ibalik ang gulayan sa mga tahanan, at mag alaga ng mga hayop na mapagkukunan ng supply ng karne.
Katuwang ng Koronadal City Nutrition Office sa isang buwang supplemental feeding ang mga non government organizations na International Care Ministries, Kiwanis International, at Save the Children.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...