Wednesday Apr, 24 2024 11:08:24 AM

NDBC BIDA BALITA (May 5, 2016)

 • 17:11 PM Thu May 5, 2016
1,139
By: 
NDBC

NEWSCAST

MAY 05, 2016 (THUR)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MGA BARIL AT GRANADA, nakuha sa loob
ng bahay ng isang suspek na target ng CIDG-ARMM AT MILITAR sa kanilang
operasyon sa North Upi, Maguindanao

2. Suspected Carnapper patay, isa pa
sugatan matapos manlaban sa Pikit PNP

3. Treatment facility para sa hospital
wastes at iba pang Health Care providers, ipinatatayo sa South Cotabato

4. Tore ng NGCP sa Lanao, pinasabugan na naman UMARANGKADANG MULI ang Criminal
Investigation and Detection Group o CIDG-ARMM sa pagpapatupad ng kanilang Oplan
Paglalansag omega na kampanya laban sa mga loose firearms.

Pasado alas-dos ng hapon kahapon, nang
magsagawa ng operasyon ang CIDG-ARMM kasama ang Army's 5th Marine Battalion
Landing Team sa North Upi, Maguindanao.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni
Judge Bansawan Ibrahim ng RTC 12th Judicial Region, Branch 13 sa Cotabato City,
napasok ng mga operatiba ang bahay ng suspek na si Roque Diaz sa Purok Pag Asa,
Brgy Bugabungan, North Upi, Maguindanao.

Bagama't bigo ang mga otoridad na
maaktuhan ang suspek sa kanyang bahay, ilan namang mga matataas na kalibre ng baril
ang natagpuan doon.

Nakuha mula sa bahay ni Diaz ang isang
12 guage Shot Gun 12 guage, isang Cal 45 na baril na may SNand 681759, anim na
live ammunition at isang magazine ng caliber 45, isang magazine ng Caliber 5.56
na baril at dalawang mk2 fragmentation grenade.

Inilatag naman ng CIDG-ARMM ang mga ebidensya
na kasama ang presenya ng mga Barangay official at ilang lehitimong testigo sa
kanilang operasyon.

Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ng
mga otoridad ang suspek na si Roque Diaz habang inihahanda ang kasong RA 10591
o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o
Illegal Possession of Explosive na isasampa laban sa kanya. TINATRABAHO na ngayon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) field personnel ang pinasabugang steel tower sa Barangay Linnamon, Ramain, Lanao del Sur.Sinabi ni NGPC spokesperson for southern Mindanao Melfrance Capulong na inaasahang agad maisaayos ang naturang Tower 25 na binomba noong martes ng gabi.Ang Tower 25 na pinasabugan din noong Christmas Eve ay kabilang sa mga steel structures na nagdadala ng 138KV line mula Agus patungong Kibawe, Bukidnon.Umapela si Capulong sa mga local officials at community leaders na tumulong sa pagbabantay sa mga tore dahil lahat ay apektado kapag nasira ito.Ang gastusin sa repair ng mga nasirang tore ay pinapatong din sa electric bill ng bawat power consumer. Higit 400 na
mga bayan at siyudad sa bansa karamihan sa Mindanao ang tinukoy ng Commission
on Election o COMELEC na mga election hotspot area.

Ayon sa AFP
nasa kabuuang 421 na bayan at siyudad ang mahigpit na binabantayan ngayon ng
militar at pulisya.

Inilagay
naman ng AFP sa tatlong kategorya ang higit 400 na mga lugar na nasa election
hotspot areas kung saan naka depende kung anong klaseng banta ang kinakaharap
ng bawat lugar.

Ayon kay AFP
PAO deputy chief Capt. Celeste Frank Sayson na sa unang kategorya nasa 159 na
bayan at siyudad ang tinukoy dahil sa mga naitalang mga politically motivated
incidents bunsod sa intense political rivalries at may mga nag-ooperate ng mga
private armed groups at gun-for-hire syndicates.

Sa ikalawang
kategorya nasa 165 na mga bayan at siyudad ang tinukoy kung saan may mga
presensiya ng NPA, BIFF, ASG at mga rogue MNLF fighters ang nag-ooperate.

Nasa 97 naman
na mga bayan at syudad ang inilagay sa ikatlong kategorya kung saan dito ay mayroong
presensiya ng mga threat group na napabilang sa una at ikalawang kategorya.

Ang ARMM ang
siyang may pinakamaraming lugar na isinailalim sa hotspots areas, habang sa
Luzon ang Bicol region ang may pinakamaraming bilang ng mga lugar na nasa
election watchlist areas. DEKLARADONG
isang Muslim Legal Holiday ang araw na ito, May 5 bilang paggunita sa Izra Wal
Miraj o ang paggabay ni Allah sa propeta Muhammed sa kanyang madilim na
paglalakbay mula sa Mecca patungong Jerusalem.

Ang
holiday declaration ay base sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines
kung saan saklaw nito ang mga lalawigang nasa ilalim ng Autonomous Region in
Muslim Mindanao at maging ang mga lalawigan ng Lanao del Norte, Zamboanga del
Sur, Zamboanga del Norte, Sultan Kudarat, North Cotabato at ang mga lungsod ng
Cotabato, Kidapawan, Tacurong, Iligan, Pagadian at Zamboanga.

Samantala,
maaari ring lumiban sa kanilang mga trabaho ang mga empleyadong Muslim ngayong
araw na nagta-trabaho sa mga lugar na hindi sakop ng Muslim legal holiday
declaration.

Ito ay
para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magdasal at gunitain mahalagang
araw na ito sa mga mananampalataya ng Islam.

SUMAILALIM
sa pagsasanay ang mga department head at mga kawani ng Cotabato City LGU kasama
ang kanilang mga partner na Civil Society Organization.

Sinabi
ni Cotabato city mayor Japal Jojo Guiani Jr. na layunin ng seminar-workshop on
strengthening the Micro, Small, and Medium Enterprises na madagdagan pa ang
kaalaman ng mga local department head at LGU workers sa pagpapalago at
pagpapatatag ng iba’t ibang uri ng negosyo.

Ayon
kay Guiani, ang mga eksperto mula sa MASICAP MSME Development Foundation, Inc.
ang nanguna sa naturang pagsasanay.

Kaugnay
nito, iginiit ni Guiani na importante na maka-agapay sa patuloy na pag-unlad ng
ekonomiya ng lungsod at sa pag-usbong ng maraming mga negosyo dito.

Sabi
ni mayor Guiani, bukod kasi sa mga local businessmen at investors, nagpahayag
na rin ng interes ang mga foreign investor mula sa Singapore at Brunei na
mamuhunan sa lungsod.

Ang
naturang mga foreign businessman ay interesado sa export-import business ng mga
food and agricultural products na mayaman ang lungsod.

Nauna
rito, sinabi ni Guiani na nagpahayag na rin ng interes sa paglalagak ng puhunan
sa lungsod ang ilang mga Malaysian investors kaugnay naman ng mga produktong
halal. Tila malapalos ang mag-asawang murder suspek na matagal nang wanted sa Criminal Investigation and Detection Team o CIDT North Cotabato.Sa ikaaapat na pagkakataon kasi muli nitong natakasan ang mga otoridad nang salakayin ang tinitirhan nitong bahay sa bgrgy. Kisandal, bayan ng Magpet.Hinalughog ng raiding team ang lahat ng sulok ng bahay ng suspek na kinilalang sina Arnulfo Balong Estabillo alyas balong retired army at Vilma Geonzon Estabillo.Pero ang ipinagtataka lamang ng CIDT dahil ayon sa kanilang natanggap na intellegnce report ay nasa loob lamang daw ng bahay ang suspek na babae ng isagawa ang operasyon.Nagulat na lamang ang mga ito na ni anino ng target ay wala na sa naturang bahay.Nabatid na noong 2007 pa lumabas ang warrant of arrest ng mga asawa matapos sampahan ng kasong murder laban sa biktimang si Edwardo Balderas.Awayan sa lupa umano ang dahilan ng insidente.Samantala, inakusahan naman ng anak ng mga suspek na si Jessa Estabillo ang raiding team nang umanoy pagnanakaw.Sa panayam ng Radyo Bida kay Jessa kanyang isiniwalat na nawawala ang alahas ng kanyang tiyahin at kanyang sariling kung saan isinagawa ang paghalughog ng mga otoridad.Itinanggi naman ng CIDT ang naturang alegasyon.Sa report ng CIDT wala silang tinangay na mga bagay mula sa bahay ng target suspek.Ang nakuha lamang nila ay isang unit ng caliber 38, 39 piraso ng caliber 38 cartridges
at 11 piraso na caliber 45 fired cartridgesSa ngayon patuloy paring tinutugis ng mga otoridad ang mag-asawang suspek. Ibinyahe na kaninang madaling araw ang mga Vote Counting Machine o VCM sa lahat ng mga polling precincts sa Kidapawan City.Sa report na nakalap ng radyo Bida, lulan ang mga makina sa dumptruck na ipinahiram ng City Governmeent kung saan personal itong kinuha ng mga Board Of Election Inspectos o BEI's.Bantay sarado ng mga pulis ang nabanggit na mga VCM's habang inihatid ito sa 119 na mga clustered precincts sa lungsod.Alas otso ngayong umaga pormal na isasagawa ang field testing and sealing upang alamin kung depektibo ang mga gagamiting makina sa May 9.Tiniyak naman ng COMELEC na sakaling magkaroon ng aberya ang mga makina ay naka handa ang Contingent VCM na siyang ipapalit rito na ngayon ay nasa Davao City. Samantala muli namang nagpaalala ang COMELEC North Cotabato sa mga botante sa mga bawal bago at kasagsagan ng eleksyon.Sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada isang araw bago ang election ay ipapatupad ng COMELEC ang liquor ban, kung saan bawal ang pagbili at pagbenta ng mga alak mula Mayo 8 hanggang May 9.Isang araw bago din ang halalan ay mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya.Sa araw ng election, ipinagbabawal din sa mga botante ang kumuha ng selfie kasama ang isang kanditato.Ipinagbabawal din na gamitin ang cell phone sa loob ng polling precinct lalo na sa pagkuha ng larawan sa resibo ng mga ibinoto. Patay ang isang suspected carnapper habang naaresto naman ang kasama nito matapos malambat sa isinagawang Checkpoint ng PNP sa brgy. Panicupan, Pikit, North Cotabato pasado alas kwatro ng hapon kahapon.Kinilala ni Ins. Sindatu Karim, Deputy Chief ng Pikit PNP ang namatay na suspek na si Abdullah Pedtamanan Alias Haris, 21 -anyos na taga brgy. Magastos, Kabacan na siya namang driver ng motorsiklo.Ang nahuling suspek naman ay kinilalang si Ibrahim Musa Alias Kerly, 22 anyos, habang nakatakas naman ang isa pa nitong kasama na siyang nakipagbarilan sa mga pulis.Sinabi ni Karim, isang tawag ang kanilang natanggap na umano may mga grupo ng indibidwal na nakasakay sa isang kwestyunableng motorsiklo, dahilan para agad magsagawa ng checkpoint ang mga otoridad.Subalit, sa halip na huminto ay pinaharurot ng mga suspek ang kanilang sinasakyang motorsiklo at pinaputukan pa ng angkas na suspek ang PNP.Gumanti naman ng putok ang mga pulis at doon na natamaan ang suspek na Pedtamanan habang nakorner ang kasama nitong si Musa.Pero nakatakas naman ang isa pang suspek na mabilis tumakbo papalayo sa lugar.Narekober sa crime scene ang pinaniniwalaang ninakaw na motorsiklo na isang Raider 125 MC na may license plate 3411 na siyang ginamit ng mga suspek. Kumpiyansa ngayon ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO na 24-oras ang magiging suplay na kuryente sa ilalim ng kanilang Service area ngayong eleksyon.Ito matapos magbigay ng sapat na power suplay ang mga planta sa Mindanao.Sinabi ni COTELCO General Manager. Engr. Godofredo Homez, nangako sa kanila ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na maghahatid sila ng sapat na power suply sa mga power distributors mula May 2 hanggang May 15.Kinakailangan kasi ang kuryente para sa gagamiting mga Vote Counting Machine o VCM at para sa transmission sa mga resulta ng eleksyon.Isinagad na rin ng National Power Corporation o NPC ang power output sa mga planta ng Agus at Pulangi sa probinsya ng Lanao del Norte at Bukidnon.Ang lahat ng ito ay una na ring ipinangako ng Department of Energy o DOE at ng National Electrification Administration o NEA na walang mangyayaring power interruption sa May 9 at pagkatapos ng eleksyon.Nagsagawa na rin ng survey ang COTELCO sa kanilng mga substation at power lines para maiwasan ang pag tripped off sa mga linya at matiyak na walang uusbong na problema o brown out sa mismong araw ng eleksyon. Dead on the spot ang isang barangay chairperson habang kritikal naman ang kasama nitong tribal Chieftain matapos silang tambangan ng mga di pa kilalang suspek na nakamotorsiklo sa Kilometer 82, brgy. Marber, Bansalan, Davao del Sur.Kinilala ang namatay na biktima na si Edison Alisoso, barangay kapitan ng Altabista habang nagpapagaling naman ngayon sa pagamutan ang sugatan na si Emilito Angga.Sinabi ni Chief Ins. Adrian Antonio, ng Bansalan PNP pauwi na sana ang mga biktima ng sundan ito ng mga suspek.Salaysay ng mga nakakita sa krimen, ang angkas ng nakamotorsiklo umano na nakasuot pa ng helmet ang siyang nagpaulan ng bala sa mga biktima.Tama sa ibat ibang Bahagi ng katawan ang tinamo ng mga biktima.Mabilis naman tumakas patungong Digos City area ang mga suspek matapos ang pamamaril.Kinondena naman ni Bansalan Mayor Edwin Reyes ang nangyari kung saan ibinunyag nitong isang Election related violence ang ginawa ng mga suspek sa kanyang mga supporters.Si Reyes ay tumatakbo ngayong bise alklade ng Bansalan at aniya, galing sa kanyang bahay ang mga biktima para sa isang pagpupulong.Salaysay ng mga taga Brgy. Altabista may isa umanong opisyal ang galit sa kanilang kapitan nagsagawa umano ito ng campaign rally sa nabanggit na lugar pero wala raw’ng nakinig rito.Ang insidente ay patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga otoridad.NDBC BIDA BALITA Sinanay sa public speaking ang 40 Public OFW Desk
Officers o PODO ng Overseas Workers Welfare
Administration o OWWA 12.

Ayon kay OWWA 12 Supervisor Marilou Sumalinog, layunin
ng training na isinagawa ngayon sa General Santos City ay upang lalo pang pag-ibayuhin
ng mga PDO ang tulong sa mga OFW at kanilang pamilya.

Maliban sa public speaking, itinuturo din sa mga
participant kung papano mahasa ang kanilang kasanayan sa pakikipag usap.

Ang dalawang araw na training na nagsimula kahapon
ay pinangunahan ng Civil Service Commission o CSC region 12.

Mahalaga ang PODO dahil ang mga ito ay nagsisilbing
kinatawan ng OWWA sa mga local government units.

Lahat ng mga LGU sa SOCCKSARGEN ay mayroon nang
PODO.

Umaapela si Department of Tourism o DOT 12 Regional
Director Nellie Nita Dillera sa mga mamamayan na tumulong sa pagsulong ng
turismo sa rehiyon.

Ayon kay Dillera makatutulong ang publiko na baguhin
ang maling paniniwala ng ilan na magulo sa rehiyon dose.

Aniya hindi na kailangan ng sinumang indibidwal na maging
Miss Tourism Pageant para maging tourism ambassador.

Inihayag ni Dillera na ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman hinggil sa mga magagandang katangian ng rehiyon at pagbahagi nito sa
iba ay makatutulong sa pagunlad ng industriya ng turismo sa SOCCKSARGEN.

Sa katatapos lamang na paglulunsad ng Flavors of SOX
sa General Santos City, sinabi ni Dillera na mula sa mga natural resources
tulad ng mga ilog, kweba, beaches hanggang sa pagkain, maituturing ng world
class spot ang SOCCSKSARGEN.

Binigyan diin ni Dillera na maliban sa likas
yaman, naging pang-akit din ng region 12
sa mga turista ang kultura ng mga mamamayan nito.

Hiling ni Dillera sa publiko, protektahan din ang
kultura ng mga minorities sa mga tourist spots ng region 12.

Ayon kay Dillera ang tourism campaign ng DOT 12
ngayong taon ay naka-angkla sa mga temang SOX Summer, Treasures of SOX, Flavors
of SOX at the First People of SOX.

Magkakaroon na ng Health Care Waste Treatment Facility
ang South Cotabato.

Ayon kay Provincial Environment and Management
Office o PEMO Environment Division Chief, Senior Environment Management
Specialist Elvie Balucanag, ang pasilidad ay ipinatatayo ngayon sa Integrated
Provincial Environment Management Center o IPEMC sa barangay Tinongcop,
Tantangan, South Cotabato.

Aniya ito ay gagamit ng eco friendly pyro-clave”
technology sa pag-treat ng mga health care waste.

Ito ay ginastusan ng mahigit P5 milyon ng
pamahalaang panlalawigan.

Nakabili na rin ang PEMO ng van na maghahatid ng mga
health care wastes sa treatment facility.

Sa isang press conference, sinabi ni Balucanag na ang
health care waste treatment facility ay inaasahang magbubukas sa ikatlong
quarter ng 2016.

Aniya, ang dalawang regular at limang job order
employees na mamamahala sa pasilidad ay sasanayin muna sa
tamang pangongolekta, treatment at pagtatapon ng mga basura mula sa mga ospital,health centers at iba
pang health care providers.

Ang pagtatayo ng pasilidad ay bilang pagtalima na
rin sa Health Care Waste Ordinance ng South Cotabato.

Bumisita sa South Cotabato Provincial Capitol ang
team nina Gubernatorial candidate Ferdando Miguel, Second District Congressional candidate Arthur
Pinggoy Jr, at Vice Gubernatorial Candidate Bernie Palencia kahapon ng umaga.

Ito ang kauna unahang pagkakataon na ang challenger
ng incumbent local chief executive sa eleksyon ay pumunta sa kapitolyo.

Pumasok ang tatlong mga kandidato ang iba’t ibang
tanggapan sa provincial capitol, kinamusta ang ilang mga Department Heads at
nakipag kamay sa mga empleyado.

Kasabay naman ng pabisita ng mga ito sa kapitolyo,
ipinahayag ni Pinggoy na sasagutin nito sa tamang forum ang mga kasong
malversation of public funds at violtion
of graft and corrupt practices act na isinampa sa kanya sa Sandiganbayan.

Si Pinggoy ay iniugnay sa PDAF Scam ni Janet
Napoles.

Ayon naman kay Palencia na kasalukuyan ring
Ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan, simpleng pagbisita lamang ang ginawa ng mga kapartido nito sa
kapitolyo.

Habang ipinahayag naman ni Miguel, na lumabas siya
para pabulaanan ang mga haka-haka na siya ay nakakulong at naka-hospital arrest
sa ngayon.

Gagawin simula alas syete ng umaga ngayong araw ang final testing at sealing sa mga Vote Counting Machine o VCM sa Koronadal City.

Ayon kay Koronadal Election Officer Atty. April
Mitchor, ito ay sabay sabay na gagawin sa 33 polling centers sa lungsod.

Sinabi ni Mitchor na para matiyak na maayos ang mga
VCM sa eleksyon, susubukan ng Comelec at
mga Board of Election Inspector o BEI ang actual operation nito.

Aniya sampung mga mamamayan ang maaring sumubok
bumoto sa kada clustered precint.

Ayon kay Mitchor, sakali mang magka-aberya ang mga
VCM sa final testing at sealing may contingency plan nang inihanda ang kanilang
national Technical Support Center sa General Santos City.

Nasa Koronadal City
na rin lahat ng mga VCM na gagamitin sa eleksyon at ang mga ito ay inihatid na sa mga polling centers kaninang
madaling araw.

Former Sen. Rene Saguisag dies

MANILA — Former Sen. Rene Saguisag, a human rights lawyer and defender, has died Wednesday morning, his lawyer son, Rebo Saguisag, announced on...

P340K na halaga ng smuggled cigarettes, natagpuan sa Maguindanao del Norte

COTABATO CITY - MAHIGIT P340,000 na smuggled cigarettes nasamsam sa baybayin ng Simuay, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte. Sa isinagawang Anti...

Maj. Gen. Rillera honors wounded soldiers in clash with BIFF in MagSur

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte - Major General Alex S. Rillera PA, Commander of the 6th Infantry Division/Joint Task Force Central, led the...

Cotelco announces power interruption sked in Kidapawan

TO OUR VALUED MEMBER-CONSUMER-OWNERS (MCO): This is to inform you that we will have a SCHEDULED power interruption on the following scheduled date...

Cotabato Light announces power service interruption for April 25

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company has announced a scheduled power interruption for April 25, Thursday affecting Bubong, Kalanganan...