Monday Apr, 29 2024 06:15:18 PM

NDBC BIDA BALITA (May 6, 2016)

 • 19:12 PM Fri May 6, 2016
1,443
By: 
NDBC NCAT

NEWSCAST

MAY 06, 2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. DAAN DAANG MGA SUNDALO ng Army’s 6th
Infantry Division, itinalaga na sa iba't ibang bahagi ng Cental Mindanao kaugnay
ng nalalapit na halalan

2. ANAK, patay matapos tagain ng
sariling ama suspek, patay din nang manlaban sa mga pulis sa Kabacan, North
Cotabato.

3. Wanted sa iba’t ibang kaso, patay
matapos manlaban sa mga pulis sa Koronadal City

4. Sapat na supply ng bigas para sa mga drought victims, tiniyak ng NFA

DALAWANG BATTALIONS NG TASK FORCE ang
idedeploy sa iba't ibang lugar sa Central Mindanao para sa kaugnay ng
gaganaping halalan ngayong Lunes, May 9.

Ang naturang grupo ay tinawag na Task
Force for CHOP o Credible, Honest, Orderly at Peaceful Election.

Kahapon ay pormal nang isinagawa ang
send-off ceremony sa loob ng Army’s 6th Infantry Division, Camp Siongco, Awang,
Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Umaasa si 6th ID Commander
Major Gen. Edmundo Pangilinan na pangangalagaan at paninidigan ng Task Force CHOP
Election ang pagiging sagrado ng mga balota at pagiging non-partisan sa anumang
political activities sa kanilang area of responsibility.

Simula ngayong araw hanggang matapos
ang araw ng eleksyon sa May 9, responsibilidad ng Task Force CHOP Election na
magbigay ng seguridad o magdagdag ng puwersa kung sakaling sumiklab ang
insidente ng karahasan sa kanilang erya.

Naging panauhin naman sa naturang
seremonya si Lt. Gen. Eduardo Ano ang kasalukuyang Commanding General ng
Philippine Army. MASUSI PA
RING INI-IMBESTIGAHAN ngayon ng Cotabato City PNP ang nangyaring holdap sa
likod ng Sero Central School, sa Mother Barangay Rosary Heights, pasado alas kwatro
nang hapon kahapon.

Batay sa salaysay
ng mga biktimang sina Benjamin Go See, Henry James Alforque at Omar Ebrahim na pawang
mga trabahante ng Compaq 2 General Conductor Incorporated, nanggaling sila sa
kanilang opisina sa Vilo subdivision, Barangay Poblacion 4 ng lungsod, naganap
ang insidente habang papunta na sila sa construction site ng City Mall sakay ng
Mitsubishi L-200 pickup.

Anila,
hinarang sila ng limang mga armadong lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo sa
access road na nasa gilid ng DPWH-12 District office.

Tinutukan daw
sila ng baril at tinangay ang dala nilang cash na tinatayang abot sa isang milyong
piso.

Ang naturang
pera ay pang-sahod sana sa mga trabahante ng ipinapatayong City Mall sa lungsod.

Dagdag pa ng
mga biktima, hindi na sila pumalag pa dahil armado ang mga suspek at hinarang pa
sila ng isang multicab na walang licensed plate.

Nabatid na
kahit ang mga kasamahan nilang sina Alfredo Gapol, Tedoro Pamad at Michael
Bernabe na nakasakay sa isang owner type jeep, ay wala ring nagawa.

Inaalam pa
ngayon ng mga imbestigador kung paano nalaman ng mga suspek na may dalang
malaking pera ang mga biktima at kung may kasabwat ang mga suspek sa mga biktima.

Balak ring
hingin ng mga imbestigador ang CCTV footage sa nasabing lugar para malaman ang
pagkakakilanlan ng mga holdaper. Patay ang isang 40-anyos na tricycle driver makaraang pagtatagain ng kanyang sariling ama sa Purok 4, Barangay Katidtuan, Kabacan, North Cotabato pasado alas 8and00 ng gabi kahapon.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Abubakar Gomonsong Lumuba, may asawa habang kinilala naman ang suspek na ama ng biktima na si Kamid Lumuba Kanacan, 60-anyos kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP, nagkaroon pa ng pag-uusap ang dalawa hanggang sa nagkainitan ang mga ito na humantong naman sa pananaga ng tatay sa mismong anak gamit ang isang lagaraw.
Naisugod pa sa Polymedic Hospital ang biktimang si Lumuba pero ideneklara itong dead on arrival ng mga doctor.
Dahil sa insidente mabilis na rumesponde ang Kabacan PNP sa lugar, pero pagdating ng mga pulis ay pinaputukan sila ng maraming beses ng suspek na si Kanacan dahilan para gumanti din ng putok ang pulisya.
Maswerte namang walang natamaan sa hanay ng mga pulis pero nasapol nila si Kanacan na dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Narekober sa crime scene ang isang kalibre .45 na baril, mga bala, lagaraw na ginamit ng suspek.
Agad namang nagsagawa ng imbestigasiyon ang SOCO Kidapawan kaugnay sa insidente. Dead on the spot ang isang Lolo habang sugatan naman ang kasama nito matapos masangkot sa Vehicular accident ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa brgy. Paco, Kidapawan City kahapon ng tanghali.
Kinilala ang namatay na backrider na si Samuel Madrid habang patuloy namang nagpapagaling sa pagamutan ang kasama nitong driver.
Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Division una nang pumarada ang mga biktima sa gilid ng highway ng barangay Paco habang patungo namang Cotabato route ang isang Hi-Ace van at isa pang motorisklo.
Sa pahayag naman ng mga kaanak ng biktima pumarada na ang mga biktima matapos makitang nag ekis ekis na sa daan ang kasalubong na motorsiklo.
Dahil dito, sinubukang mag overtake ng kasunod na VAN pero naalanganin ito at doon na nahagip ng driver ang mga nakaparadang biktima.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga sa mga bitkima, nagtamo sila ng matinding pasa at sugat sa katawan dahilan naman ng agarang kamatayan ng biktimang si Madrid.
Nabatid na patungong brgy. Paco lamang ang mga biktima galing barangay Balindog para kumuha lamang ng pagkain mula sa kanyang mga kapatid.
Boluntaryo namang sumuko ang driver ng van na si Elden Kadalim, 28 anyos na na taga Crossing Daring,Sultan Kudarat sa PNP.
Samantala nanawagan naman ngayon ang PNP na kung sino man ang may nawawalang kakilala o kamag-anak ay makipag ugnayan lamang sa kanila.
Hindi pa kasi nakukuha ang bangkay ng isang lalaki na una nang binaril at nasawi sa Datu Ingkal Street, Kidapawan noong nakaraang linggo.
Nabatid na nakatayo lamang ang biktima sa lugar pero bigla na lamang itong hinituan ng riding tandem criminals at pinaulanan ng bala.
Ang bangkay ng biktimang kinilalang si Roel Mellumeda, 23-anyos na taga Santo Thomas, Davao del Norte ay nanatili pa rin ngayon sa Collado Funeral Home ng lungsod.
Naging maayos sa pangkalahatan ang ginawang field testing and sealing sa mga Vote Counting Machine sa North Cotabato kahapon.
Sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada sa higit isang libong nasubukan at naselyuhan kahapon na makina hanggang alas kwatro ng hapon dalawa lamang sa mga ito ang nagkaroon ng aberya.
May problema kasing nakita ang mga VCM Technicians at coordinators sa printing compartment ng makina.
Literal kasing malabo ang output ng dalawang printer.
Pero siniguro naman ni Gerada na agad nila itong mapapalitan bago ang halalan sa May 9 dahil nasa Davao City lang naman naka stand by ang mga contingent VCM na ipapalit sa mga sirang makina.
Maliban sa nabanggit na aberya, wala nang nakitang problema ang COMELEC.
Pero idinagdag ni Gerada na ilang mga VCM sa bayan ng Banisilan at Arakan na sa COMELEC office na lamang isinagawa ang FTS dahil na rin sa layo ng mga polling center at sa usapang panseguridad.
Malalaman ngayong araw ang kabuuang report mula sa mga COMELEC officers ng ibat ibang bayan sa lalawigan kung ilan ang kabuuang bilang ng mga papalitan makina para sa mas maayos na daloy ng pagboto sa araw ng eleksyon. Naka standby na sa kanilang mga area of responsibility ang 39th Infantry Battalion ng Philippine Army kaugnay sa nalalapit na halalan.
Sinabi 39th IB Commander Lt Col Harold Argamosa, kanila ng sinimulan ang deployment sa kanilang mga tauhan kahapon at mas hinigpitan pa ang ipinatupad na monitoring sa mga kabilang sa Watch list areas.
Ayon kay Argamoza, ito ay ang mga barangay na pinaniniwalaang may presensya ng New People's Army partikular sa boundary area ng Bukidnon, Davao del Sur at Sultan Kudarat at kung saan kadalasang nagyayari ang mga engkwentro.
Iginiit ng opisyal na habang papalapit ang araw ng halalan ay nadaragdagan naman ang mga barangay na dapat nilang tututukan at babantayan at kabilang na rito ang mga lugar sa Kidapawan City, Arakan, Antipas, President Roxas, Makilala at Tulunan.
Sa ngayon mahigpit ang koordinasyon ng militar sa mga opisyal ng PNP at COMELEC para sa mga di iniasahang pangyayarikung saan labis na kinakailangan ang kanilang presensya.
Base sa guidlines ng COMELEC, maari lamang pumwesto ang militar 20 metro ang layo mula sa labas ng mga precincts at papayagan lamang makapasok sakali mang may mga hiling ang Board of Elections inspectors. Hinamon ngayon ng Criminal Investigation ang Detection Team o CIDT North Cotabato si Jessa Geonzon Estabillo na magsampa ng kaso kaugnay sa kanyang alegasyong pagtangay sa mga alahas ng kanyang tiyahin at kanyang pera nang magsagawa ang CIDT ng operasyon sa kanilang bahay nitong Miyerkules.
Sinabi ni CIDT Provincial Director Chief Ins. Christian Antonio Garcia handa silang harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanila.
Nabatid na hindi lang ito ang unang pagkakataon na inakusahan ang CIDT ng mga Geozon at Estabillo na nagnakaw ng mga gamit.
Noong March 2007, tatlong buwan matapos ilabas ng korte ang warrant of arrest kontra sa mag-asawang suspect na sina Arnulfo Balong Estabillo alyas balong retired army at Vilma Geonzon Estabillo dahil sa kasong murder agad nagsagawa ng operasyon ang CIDT para arestuhin ang mga suspek.
Sa apat na mga target susepk tanging si Jennies Geonzon lamang ang nahuli habang nakatakas naman ang tatlong iba pa.
Sa report na lumabas sa isang pahayagan noong 2007, lumapit sa isang pulitiko ang mga Estabillo dahil rin sa mga nawala nilang gamit ng isagawa ng CIDT ang operasyon. Nitong Miyekules parehang estorya pa rin ang lumabas kung saan inakusahan pa rin ng mga Estabillo ang CIDT na nagnakaw ng kanilang mga gamit matapos ang ginawang paghalughog sa kanilang tinitirhang bahay sa brgy. Kisandal, Magpet, North Cotabato. Tulong
para sa mga magsasakang drought victims handa na,ayon sa South Cotabato
Provincial Agriculture Office

Nakahanda
nang magbigay ng tulong sa mga magsasaka
na nawalan ng kabuhayan dahil sa tagtuyo’t ang South Cotabato Provincial Agriculture Office.

Gayunpaman ayon kay Provincial Agriculture Officer
Justina Navarete, sisimulan nila ang
pamimigay sa mga ito pagkatapos na ng eleksyon sa Mayo 9.

Aniya
ibibigay sa mga magsasakang drought victims ang mga binhi ng palay,
mais, gulay at iba pang pangangailangan.

Nilinaw ni Navarete na ang tulong na ibibigay ng
kanilang tagganapan ay depende sa danyos ng El Nino sa bawat magsasaka na nasa
kanilang talaan.

Naglaan ang provincial agriculture office ng isang
sako ng binhi sa bawat ektarya ng palayan o maisan na sinira ng dry spell.

Matapos ang mga pagulan sa ilang bayan sa lalawigan
nitong mga nakalipas na araw, hinikayat ni Navarete ang mga magsasaka ng South
Cotabato sinmulan na ang pagbungkal sa kanilang lupain.

Ito ay upang agad na makapagtanim oras na matanggap
na ng mga ito ang ayuda mula sa provincial agriculture office.

Naging maayos
ang final testing at sealing ng mga Vote Counting Machine o VCM na gagamitin sa
eleksyon sa Lunes sa Koronadal City.

Sa Koronadal Central Elementary School na isa sa
pinakamalaking voting center sa lungsod, bagama’t may ilang aberya tulad ng nag
jam na thermal paper o resibo, agad naman itong naayos ng mga board of election
inspectors.

May mga VCM din na mabagal ang signal kaya medyo
naantala ang pagsisimula ng vote testing.

Kaya ayon sa gurong si Mary Dee Masola , maliban
sa actual testing sa operation ng mga
VCM kahapon, mas mabuti ring pupunta sila ng mas maaga sa araw mismo ng
eleksyon sa Lunes.

Ito ay para
magkaroon pa sila ng sapat na panahon na palitan ang mga magka-aberyang VCM.

Gayunpaman umaasa naman si Masola na kung
pagbabatayan ang actual testing sa mga VCM magiging maayos ang botohan sa
Koronadal City.

Sumubok ding bumoto gamit ang mga test ballot ang ilang mga mamamayan.

Nauna nang tiniyak ni Koronadal election
officer Atty. April Mitchor na may
contingency plan nang inihanda ang National Technical Support Center ng Comelec na nakabase sa General
Santos city sakali mang magka problema ang mga VCM sa Lunes.

Hindi na muli pang makapambiktima ang isang
suspected karnaper at pusher matapos mapatay ng mga pulis sa Imperial Street,
Barangay General Paulino Santos, Koronadal City kahapon ng tanghali.

Ayon kay Koronadal City Police Director,
Superintendent Barney Condes,sa halip
na sumuko ng maayos, tinangka umano ng suspek na kinilala lamang sa pangalang
alyas Kurantong na lumaban sa mga pulis kaya siya nabaril at napatay ng mga
ito.

Pakay sana ng mga pulis na ihain ang warrant of
arrest sa suspek na wanted din sa kasong pagpatay.

Ayon kay Condes si Kurantong na residente ng
Poblacion, Lambayong Sultan Kudarat na
isa rin umanong drug pusher ay suspek
din sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa Koronadal City at karating lugar .

Nagtatago din ito sa mga alyas na Tata Dela Cruz, Bryan Soledad, Rene
Soledad at Nestor.

Narekober ng mga pulis sa bangkay ni Kurantong ang
isang revolver, basyo ng bala nito, 33 maliit at isang malaking sachet ng
suspected shabu, 21 bala , drug paraphernalia at motorsiklo.

Pinaghahanap pa ng pulisiya ang iba pang mga
kasamahan ng napatay na suspek.

Nakabili na ng abot sa 20,000 bags ng bigas mula sa
National Food Authority o NFA ang
Department of Social Welfare and Development o DSWD region 12.

Ayon kay NFA South Cotabato Provincial Manager
Janette Linao, ang mga ito ay inilaan para sa mga drought victms ng rehiyon.

Maliban sa DSWD,may binili ring bigas para sa mga
biktima ng tagtuyo’t ang mga lokal na pamahalaan ng South Cotabato, Koronadal
City at bayan ng Surallah.

Ayon kay Linao, inaasahan na marami pang mga LGU ang
bibili sa kanila ng bigas pagkatapos na ng eleksyon.

Aniya may sapat na bigas ang NFA na magagamit sa relief operations ng
mga LGUs na apektado na dry spell.

Ipinahayag ni Linao na karamihan sa buffer stocks na
bigas ng NFA ay inangkat ng pamahalaan mula sa bansang Vietnam.

Matapos ang ilang dekadang paghihintay binuksan na
ang sanitary landfill sa General Santos City.

Ayon kay Gensan City Mayor Ronnel Rivera ang
pasilidad ay matatagpuan sa malawak na lupain
ng barangay Sinawal.

Inihayag ng alkalde na matapos makipag negosasyon sa
mga konraktor, naibaba ng lokal na pamahalaan sa P219 million mula sa dating
P325 million ang gastos sa pagtatayo ng proyekto.

Ayon naman
kay PHELCO Head Engineer Edmund Sese ang sanitary land fill sa gensan ay
pinakamalawak sa Mindanao.

Ang pagkakaroon ng sanitary landill ay inuutos sa mga LGU ng Ecological Solid Waste
Management Act.

Matatandaan na inireklamo ng isang grupo ng mga
environmentalist sa Ombusman ang mga lokal na opisyal ng Kidapawan at Koronadal
dahil sa kawalan ng sanitary landfill sa dalawang mga lungsod.

Ang Koronadal City LGU ay nakipagkasundo sa Surallah
LGU para pansamantalang makapagtapon ng basura sa Sanitary landfill sa barangay
Colongulo sa naturang bayan.

Ayon kasi kay
Koronadal City Mayor Peter Miguel naghahanap pa ng lupang mapaglagyan ng
pasilidad ang lokal na pamahalaan.

Graduation ceremony ng MILF, MNLF police recruits, pinangunahan ni P. Marcos

PARANG, Maguindanao del Norte - PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang graduation ceremony ng unang batch ng mga Moro combatants na...

Cotabato Light announces power service interruption for May 2

COTABATO CITY - Please be informed of the scheduled power interruption affecting Upper Dimapatoy, Awang D.O.S. on Thursday, May 2, 2024, from 8:00 AM...

Political alliances of former archrivals unfolding in BARMM

COTABATO CITY - Ang dating magkakalaban ngayon nagtutulungan. Sa isang pambihirang pagkakataon nagyakapan, nagkabati at magkasama na sa isang...

NDBC BIDA BALITA (April 29, 2024)

NEWSCAST 1   P. MARCOS, bibisita ngayong sa Maguindanao del Norte, at Pikit, North Cotabato 2   MGA PARTIDO pulitikal sa...

3 finalists ng Miss U Ph, napili na

ISULAN, Sultan Kudarat - Tatlo sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines ang napili bilang finalists ng best in national costume sa ginanap na...