Monday Jun, 17 2024 02:00:05 AM

NDBC BIDA BALITA (Nov. 11, 2016)

 • 16:19 PM Fri Nov 11, 2016
1,245
By: 
NDBC

NEWSCAST

NOVEMBER 11,
2016 (FRI)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NAGSILBING driver ng mga suspek sa
pambobomba sa Davao city, sumuko sa Cotabato city.

2. Minor hurt when gunmen opened fire on village official in Cotabato City3. DILG, may paliwanag kung bakit
nananatili pa rin sa pwesto ang nakakulong na alkalde ng Banga, South Cotabato

4. Koronadal City government, may rent a bike program para sa mabuting kalusugan HAWAK NA NGAYON ng mga otoridad ang
umano ay nagsilbing driver ng mga suspek na responsable sa pambobomba sa Davao
City noong September 2 na ikinasawi ng 15 katao at ikinasugat ng 60 iba pa.

Pasado alas singko ng umaga kahapon
nang sumuko ang suspek na si Jericho Javier De Roma, alyas
Cocoy , 25 yrs old, at taga- barangay Rosary Heights 10,
Cotabato City.

Si Cocoy ay umaming miembro ng
teroristang grupong Dawla Islamiyah na konektado umano sa grupo ng Maute Terror
Group at Khilafah Philippines.

Hindi naman malinaw sa report kung
paano sumuko ang suspek dahil wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag ang
Criminal Investigation and Detection Group o CIDG – ARMM tungkol dito.

Nabatid na umamin umano ang suspek na
siya ang nagsilbing driver noong gabing maganap ang pagsabog sa Roxas night
market.

Una ng nadakip ng mga otoridad ang mga
kasamahan ni De Roma na sina Mohammad Chenikandiyil, Jackson Usi Zack Lopez at Ansan
Mamasapano noong October 29 ng pinagsanib na pwersa ng Army’s 6th ID at PNP.

Tatlo pa sa mga kasamahan nito na sina TJ
Macabalang, Wendel Facturan at Musali Ampatuan na sangkot sa Davao bombing ay
nadakip naman noong October 6 ng intelligence operatives ng pulis at sundalo. HANGGANG
ngayon ay patuloy pa ring ginagamot sa ospital sa Cotabato city ang isang menor
de edad matapos tamaan ng ligaw na bala nang ratratin ng riding tandem ang
isang barangay Kagawad ng lungsod.

Naganap ang
insidente pasado alas otso ng gabi kamakalawa sa Fanega Street, barangay Poblacion
Dos.

Kinilala lamang
ng City PNP ang sugatang biktima na si Lisa habang ang tinambangan barangay
kagawad ay nakilalang si Wilfredo Higdenta Fane, 61 years old, may asawa, taga-
barangay Poblacion Dos nitong lungsod.

Ayon sa
inisyal na imbestigasyon habang nakaupo si Kagawad Fane sa labas ng bahay nila Lisa
ay bigla siyang pingbabaril ng dalawang di kilalang suspek na lulan ng kulay
pula na Honda wave motorcycle.

Matapos ang
pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek sa di malamang direksyon.

Maswerting di
tinamaan si Kagawad Fane ngunit nahagip naman ng ligaw na bala sa kanyang likuran
si Lisa na noon ay natutulog.

Narecover
mula sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal 45 pistol na ginamit sa
naturang pamamaril. DALAWA
KATAO ang nasawi habang abot naman sa 200 pamilya ang nagsilikas bunsod ng
bakbakan ng dalawang MILF commanders sa sitio Damabago, brgy Barurao, Sultan sa
Barongis, Maguindanao.

Sinabi
ni Army’s 601st Brigade commander Col. Cirilito Sobejana na ang
bakbakan ay sa pagitan nina commander murato at pamangkin nitong si jaypee na
parehong miyembro ng MILF 105th base command.

Napag-alaman,
matagal nang may hidwaan ang dalawa na nag ugat sa awayan sa lupa.

Kaugnay
nito, nanawagan si Sobejana sa pamunuan ng MILF na mamagitan na sa bangayan ng
dalawa sa kanilang mga miembro para hindi na tumagal pa ang bakbakan sa lugar.

Aniya,
apektado kasi ang mga sibilyan, lalo na ang mga batang mag-aaral na dalawang
araw ng suspendido ang klase dahil sa naturang sigalot. KASABAY
ng Childrens Month Celebration, nagsagawa ng feeding program ang Datu Montawal LGU
sa mahigit 700 mga bata sa bayan.

Ang mga
ina ng mga batang benipisyaryo ay tumanggap din ng bigas at grocery items mula
sa Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 habang nag-refund
naman ng tig-isandaang pisong pamasahe ang Datu MOntawal LGU.

Sinabi
ni Vice Mayor Datu Ohto Montawal na matagal na nilang ginagawa sa bayan ang
free supplemental feeding sa 11 barangay.

Maliban
sa libreng pakain, may friendly game din para sa mga bata kung saan
nakakatanggap ng premyo ang mga nananalo mula mismo kay Mayor Vicman Montawal.

Samantala,
sinamantala naman ni Montawal ang programa para muling manawagan sa mga
magulang na makipagtulungan sa kampanya ng LGU at PNP laban sa iligal na droga. MAHIGIT
400 mga bata ang makikinabang sa community outreach project ng Proud Emergent
and Empowered Pinoy o PEEP ngayong weekend sa barangay Nalkan, Datu Blah
Sinsuat, Maguindanao.

Sinabi
ni PEEP founder Jeff Mendez na magbibigay sila ng mga school supply at tsinelas
sa mga batang mag-aaral ng Nalkan Elementary School sa naturang bayan, ngayong
Linggo, November 13.

Magkakaroon
din sila ng feeding program para sa naturang mga kabataan na karamihan ay mga
Teduray, habang nagbibigay ng lecture ang mga volunteer teacher mula sa
Cotabato city Schools Division tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan at
kalusugan.

Katuwang
ng PEEP sa naturang proyekto ang Notre Dame Broadcasting Corporation, Tres
Marias Foundation, Globe-Cotabato, Maguindanao Provincial Government at
Department of Education ARMM.

Sabi
ni Mendez, nagpa-abot din ng kanilang mga donasyong school supplies at tsinelas
ang ilan pang mga private donor na ayaw nang pabanggit ng pangalan.

Naisakatuparan
ang programa sa tulong din ng Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous
People o MCCT IP Team ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
ARMM.

Nabatid
na ang barangay Nalkan sa coastal area ng Datu Blah Sinsuat ay madalas hindi
naaabutan ng tulong ng mga ahensya ng gobyerno at maging ng mga Non-Government
Organizations dahil sa layo at hirap na tunguhin ang naturang lugar.

Mapapakinabangan na hindi lamang ng mga mamamayan ng Koronadal kungdi maging ng mga dayo na nais mapanatili ang healthy lifestyle ang bike lane ng lungsod.
Ito ay sa pamamagitan ng Rent a Bike Program na isinusulong ng lokal na pamahalaan.
Ayon kay City Mayor Peter Miguel, sa halagang limang piso, maari nang magbiseklita ang mga mamamayan mula city hall patungong rotunda area.
Ang rent a bike program ay posibleng ipatutupad na sa susunod na lingo.
Layon din nito na maisulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle sa mga mamamayan.
Sinabi ni Miguel na inatasan na nito ang city traffic section na buwagin ang mga istruktura na nakaharang sa may tatlong kilometrong bike lane.
Ayon kay Miguel para hindi na rin madaanan ng mga pasaway na motorista, maglalagay din ng mojon sa bike lane ang lokal na pamahalaan.
Binigyan diin ng alkalde na para hindi madismaya ang mga mamamayan na makikinabang dito nararapat lamang na higpitan ang pagbabantay sa Koronadal City bike lane. Gagawin ng ahensya ang lahat upang maresolba ang problema sa madalas na mga pagbaha sa barangay Carpenter Hill.Koronadal City.
Ito ang tiniyak ni Department of Public Works and Highways o DPWH 12 Regional Director Reynaldo Tamayo Sr.nang dumalo sa question hour ng Sangguniang Panglungsod para pagusapan ang problema.
Ayon kay Tamayo ibibigay na ng national government sa Enero sa susunod na taon ang mahigit P20 million pesos para gamitin sa pagsasaayos ng kanal ng DPWH sa Carpenter Hill.
Sinabi ni Tamayo na hihiling pa ng dagdag na P15 million ang DPWH 12 sa kanilang central office.
Paliwanag ni Tamayo, talagang sinadya na gawing mala imbudo ang kanal sa lugar.Layon nito ay upang mapigilan ang biglaang pagragasa ng tubig sa tuwing umuulan ng malakas.
Gayunpaman isinisisi ng mga residente ng Carpenter Hill sa disenyo ng kanal ang madalas na pagapaw nito na naging sanhi ng mga pagbaha sa kanilang lugar.Ayon kay Tamayo, para maibsan ang problema nagpapatuloy ngayon ang disilting ng DPWH sa kanal sa barangay Carpenter Hill particular na sa Purok Pagasa.
Matatandaan na apektado ng sunod sunod na mga pagbaha sa lugar noong mga nakaraang linggo ang ilang mga sakahan at mahigit 100 pamilya sa lugar.Nauna nang nagpatawag ng consulation dialogue ang mga opisyal ng barangay para hilingin ang tulong ng kanilang mga stakeholders sa pagtugon ng problema sa baha sa Carpenter Hill.
Ang mga pagbaha sa lugar ay naging dahilan din ng pagka-stranded ng mga motoristang dumadaan sa Koronadal City-General Santos City Highway. Magiging tampok sa kauna unahang pagkakataon sa City Athletic Association Meet ng Koronadal ang Socio-Cultural Show.
Layon nito na maipakita rin ng mga estudyante na walang kasanayan sa isports ngunit may galing sa larangan ng peforming arts ang kanilang mga talento.
Ito ang sinabi sa Radyo Bida ni Deped Koronadal Sports Supervisor, Napoleon Comicho.
Ayon kay Comicho sa pamamagitan nito ay mahihikayat nila ang mas maraming mga kabataan na makilahok sa city meet at maging aktibo sa mga extracurricular activities.
Ang City Meet ay gaganapin sa Koronadal Sports Hub sa Marbel 5 Elementary School sa November 17.
Kinumpirma ni Comicho na pagkatapos ng city meet ay sisimulan na rin nila ang pagsasanay sa mga atleta ng Koronadal na lalahok sa National Batang Pinoy Games.
Ang patimpalak ay gaganapin sa Tagum City sa November 27 hanggang December 2.
Mananatili pa ring alkalde ng Banga South South Cotabato si Mayor Albert Palencia.
Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Governmet o DILG South Cotabato Provincial Director Lailyn Ortiz.
Paglilinaw ni Ortiz , hindi memorandum o kautusan ang ipinalabas ng DILG kungdi legal opinion lamang.
Ayon kay Ortiz, ito ay tugon sa katanungan ng Municipal Local Government Operating Officer ng Banga hinggil sa status ni Palencia.
Ayon kay Ortiz, mananatili pa ring alkalde si Palencia hangga’t walang desisyon o utos ang korte hinggil sa mga kasong kinakaharap nito.
Binigyan diin Ortiz na bago tanggalin sa pwesto ang isang government official, dadaan muna ito sa proseso.
Iginiit naman ni Palencia na sa kabila ng kanyang pagkakakulng hindi siya incapacitated at may kakayahan pa ring gampanan ang kanyang trabaho.
Nagsisilbi na rin ngayon tanggapan ng alkalde ang lock up cell ng Banga PNP kung saan siya nakakulong.
Si Palencia ay inaresto matapos na makunan ng mga pulis ng apat na bala ng .380 hand gun ang kanyang bahay at isang bala ng rifle grenade sa kanyang piggery. Gaganapin ang jobs fair sa Conference Room ng Koronadal City Hall sa November 25.
Ayon kay Koronadal Public Employment Service Office o PESO Manager Judith Marmonejo ito ay magkatuwang na itataguyod ng lokal na pamahalaan at Department of Labor and Employment o DOLE.
Ang jobs fair ay inaasahang lalahukan ng mga kompanyang magaalok ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Ang jobs fair ay ginagawa sa Koronadal city hall tuwing huling byernes ng bawat buwan.
Payo ni Marmonejo sa mga aplikante ng jobs fair huwang kaligtaang magdala ng kailangang mga dokomento tulad ng biodate o resume’, transcript of records, at certificate of employment .
Mahalaga din para sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa na dalhin ang kanilang pasaporte.
Maliban sa November 27 jobs magkakaroon din ng jobs fair ang DOLE sa 4th Floor ng KCC Mall of Marbel sa December 8.
Payo naman ni DOLE 12 OIC Regional Director Albert Gutib sa mga job seekers, magdala ng maraming kopya ng application letter at kakailanganing dokomento.
Ito ay upang makapag-apply sa mas maraming kompanya at magkaroon ng mas malaking tsansa na makahanap ng trabaho.

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...