Sunday Apr, 28 2024 09:40:32 AM

NDBC BIDA BALITA Nov. 18, 2015

 • 04:25 AM Thu Nov 19, 2015
1,703
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 18, 2015
(WEDNESDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT 45 mga pamilyang lumikas
matapos salakayin ng mga armadong lalaki sa isang liblib na barangay sa
Cotabato city, tumanggap na ng ayuda mula sa City LGU.

2. Strafing incident sa Carmen, North
Cotabato na ikinamatay ng limang miembro ng pamilya, patuloy pang
iniimbistigahan ng PNP ina ng mga biktima, humihingi ng hustisya.

3. Driver ng motorsiklo, patay sa road
accident sa Surallah, South Cotabato

4. Granada, natagpuan sa isang quarry site sa Matalam, North Cotabato

Local………………..

TUMANGGAP
NA ng ayuda mula sa Cotabato City Social Welfare and Development Office o CSWD
ang 216 dependents mula sa 45 mga pamilyang nagsilikas mula sa barangay
Kalanganan Dos, Cotabato city.

Sinabi
ni CSWD – Crisis Intervention and Disaster Relief Operation section head
Joselyn Baldonado na tumanggap ng limang kilong bigas ang bawat pamilyang apektado
na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa kani kanilang mga bahay.

Nilinaw
naman ni Baldonado na tatlong mga pamilya lamang ang nasunugan at nawalan ng
tahanan na posibleng mabigyan nila ng pinansyal na tulong.

Lumikas
ang naturang mga residente matapos salakayin ng mga armadong lalaki ang
kanilang lugar noong October 29.

Dalawa
katao ang nasawi sa naturang pag atake habang tatlong bahay at mga Bangka ang
sinunog ng mga armado.

Rido
o away pamilya ang itinuturong dahilan ng naturang pagsalakay ng mga naturang
armado.

Local …………………

PINARANGALAN
ng 1st Marine Brigade ang NDBC news website at Mindanao Cross correspondent na
si John Unson, reporter din ng Philippine Star.

Kinilala ng
mga sundalong marino ang patuloy na suportang ibinibigay ni Unson sa mga
peace-building effort ng pamahalaan, sa pamamagitan ng kanyang mga panulat.

Tinanggap ni
Unson ang parangal sa isang awarding ceremony na isinagawa sa seaside Marine
encampment sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat bilang bahagi ng 65th
founding anniversary ng Philippine Marine Corps.

Ito na ang
pangatlong pagkilalang natanggap ni Unson mula sa mga sundalong Marino.

Tumanggap na
rin siya ng mahigit 30 awards mula sa mga sundalo at pulis, sa loob ng mahigit
20 taon niyang serbisyo bilang mamamahayag.

Samantala, kahapon,
November 17, ay nanumpa rin si Unson bilang miembro ng Regional Advisory
Council - Police Transformation and Development, Regional Police Office,
Autonomous Region in Muslim Mindanao kasama sina Senior Supt. Marcelo Pintac ng
PNP-ARMM and Col. Romeo Brawner, Jr.

Si Unson ay
kabilang sa mga technical working group na tutulong sa pagbalangkas ng mga
programa ng PNP-ARMM upang matiyak ang seguridad ang mapanatili ang kapayapaan
sa buong rehiyon. Local…………………….

LIMAMPU’T
PITONG mga barangay sa Midsayap, North Cotabato ang nagbuklod-buklod para sa
pagdiriwang ng Barangay Day ngayong araw.

Sinabi
ni Midsayap mayor Romeo Araña na sinimulan ang aktibidad ngayong umaga sa
pamamagitan ng isang parada na nilahukan ng mga barangay official at purok
leaders.

Pagkatapos
ay magkakaroon naman ng maiksing programa sa Midsayap Gym at guest speaker nila
si North Cotabato Gov. Lala Taliño-Mendoza.

Pagkatapos
ng programa ay magkakaroon ng salo-salo at maglalaro naman ng parlor games ang
mga kalahok.

Sabi
ni Araña, ito ay bahagi naman ng 79th founding anniversary
celebration ng Midsayap na may temang

Sama-samang
Midsayapeños Tungo sa Kapayapaan at Pag unlad ng Lokal na Ekonomiya”

Bukas,
magkakaroon ng ng free medical at dental outreach program para sa mga mamamayan
ng bayan.

Meroon
ding supplemental feeding at blood-letting activity mula alas otso hanggang
alas dose ng tanghali sa Midsayap Gym

Local……………….

TULOY-TULOY
ang kasiyahan at mga aktibidad sa 42nd founding anniversary ng
probinsya ng Maguindanao.

Kahapon,
masayang lumahok sa funrun at zumba ang mga opisyal at kawani ng provincial
government, kasama ng mga pulis at sundalo, mga LGU employee mula sa iba’t
ibang mga bayan sa lalawigan, at mga ordinaryong residente ng probinsya.

Sabi
ni Maguindanao provincial governor Esmael ‘Toto’ Mangudadatu, ang naturang
aktibidad ay bahagi ng kanilang programa para isulong ang maayos at malusog na
pangangatawan ng kanilang mga kawani at malayo ang mga mamamayan ng lalawigan
sa iligal na droga.

Pagkatapos
ay naglaro naman ng mga indoor at outdoor sports ang mga provincial government
employee kung ibinida naman ng mga ito ang kanilang sportsmanship.

Sa
November 20, pinaka aabangan ang Kategalan sa Maguindanao kung saan tampok ang
talento ng mga senior citizen, persons with disabilities at mga empleyado ng
mga lokal na pamahalaan mula sa iba’t ibang mga bayan sa probinsya.

Sabi
ni Leonor Pascual, ang Kategalan coordinator, ang tagisan ng talento ay
gaganapin sa Buluan gymnasium, sa ganap na alas nuebe ng umaga at ala tres ng
hapon. Local…………………..

HANDA NA
ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM sa pagdiriwang ng kanilang
ika-26 na anibersaryo bukas, November 19.

Ayon
kay Irene Gonzales ng Bureau of Public Information-ARMM, magiging simple na lamang
ang selebrasyon ngunit bibigyan nito ng pagkilala ang mga pagbabagong nangyari
sa rehiyon sa ilalim ng pamunuan ni Governor Mujiv Hataman at pagbibigay pugay
sa sakripisyo ng mga Moro, Kristyano at Lumad sa Mindanao.

magiging
sentro nito ang mga pagbabagong nakamit ng ARMM tungo sa pagbabago sa ilalim ng
administrasyon ni ARMM Governor Mujiv Hataman pati na ang pakikiisa sa mga
biktima ng terror attacks sa iba't ibang panig ng mundo.

Sinabi
ni Gonzales na bilang pakikipag simpatiya at pakikiisa sa buong mundo sa
pagkondena sa malagim na pag atake sa mga sibilyan sa France ay kinansela na
rin ng gubernador ang ilang mga aktibidad kaugnay ng anniversary celebration.

Gayunman,
ayon kay Gonzales, tuloy ang serbisyo at kasiyahan para sa mga mamamayan ng
ARMM sa pamamagitan ng paglulunsad ng ARMM People's day at exhibition of Qur-an
readers na nanalo na sa mga local at international competition.

Samantala,
isa namang regular non-working holiday sa buong ARMM sa November 19, ang
mismong anniversary day ng rehiyon. Local...Hustisya ngayon ang sigaw ni Anida Agal, 45-anyos ang asawa at ina ng mga namatay sa nangyaring straffing incident sa Purok Uno, Brgy. Ugalingan Carmen, North Cotabato kamakalawa ng gabi.Ayon kay Anida, tangging pagsasaka lamang ang kanilang hanapbuhay dahilan para wala itong nakikitang posibleng motibo sa pamamaslang sa kanyang buong pamilya.Kahapon ay tuluyan ng inilibing sa kulturang Islam ang limang mga nasawi sa insidente.Sa salaysay naman ni Chief Ins. Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP labing isa silang magkakamag-anak na nasa luob ng isang maliit na kubo at nakahiga na para matulog ng paulanan ito bala ng apat na di pa kilalang mga suspek.Kinilala ang mga napatay na sina Ibrahim Agal, 50 mga anak nito’ng sina Muhammad, 18, Sarah, 9 at mga pamangkin na sina Mustapha, 12, at Pama, 10 na taga brgy. Kayaga, Kabacan.

Sugatan naman sina Jerry Agal, 48, at mga anak na sina Nashrudin, 8, at Maki, 15.Tatlo ang survivor sa naturang insidente kabilang rito sina Anida misis ng napaslang na si Ibrahim apo na si Mujahid, 3, at Liposin Agal, 63.Rido at Awayan sa lupa ang umano motibo sa krimen na patuloy namang kinukumpirma ng puliya.Pero kung sino ang nasa likod ng naturang karumal-dumal na krimen wala pa ring maituro ang mga kaanak ng mga biktima.Di rin batid kung alin sa mga biktima ang tunay na target ng mga suspect.

Sa pahayag rin ni Brgy. Kayaga Chairperson Bong Bacana wala’ng kalaban ang pamilya Agal sa kanilang komunidad.At katunayan aniya, ang mga biktima ay pawang mga benepisyaryo pa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. Local...Magbibigay ng reward money si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa kung sino man ang makapagtuturo sa mga responsable sa panghahagis ng granada sa bayan nitong buwan lamang.Sinabi ni Guzman handa silang magpalabas ng reward money kasama si Cotabato Governor Emylou Mendoza kung ito man ang magiging daan para maaresto ang mga suspek.Tiniyak rin ng opisyal ang proteksyon sa magiging witness nito.Ayon kay Guzman ito ay magkaiba pa sa pondong kanilang inilaan para sa binuong TASKFORCE KABACAN na responsable sa monitoring ng peace and order situation sa bayan.Samantala, nilinaw din ng alkalde na walang silang naging problema ni brgy. Poblacion Chairperson Mike Remulta na umano naging maluwag sa kanyang pagpatatupad ng seguridad sa mismong Poblacion ng bayan.Wala kasing mga nakatokang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT member ng mangyari ang nabanggit na mga insidente.Una na ring nangako si Remulta na muli niyang bubuhayin ang pagroronda ng mga BPAT lalo na sa mga matataong lugar ng Poblacion kasabay sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting nitong Lunes.Mas pinaigting rin ngayon ni Mayor Guzman ang kanilang koordinasyon sa mga barangay kapitan ng bayan.Iginiit ni Guzman na walang bahid politika at hindi rin extortion ang motibo sa mga nabanggit na insidente na patuloy namang iniimbestigahan at inaalam ng PNP.Sa ngayon malaki ang kanyang kumpiyansa sa binuong taskforce ng PNP sa pangunguna ni Cotabato Police Provincial Director Sr. Supt. Alex Tagum katuwang ang Phil.Army para tuluyan ng masugpo ang kriminaliadad sa bayan ng Kabacan. Local...Patay ang isang 17-anyos na lalaki matapos itong masangkot sa vehicular accident sa Matalam street, Kidapawan City.Kinilala ang biktima na si Richie Supas Abelgas na taga Perez treet ng lungsod.Ayon sa report sakay ang biktima sa kanyang Bajaj Motorcycle na may license plate LC58309 habang binabaybay ang nabanggit na kalye nang aksidente nitong mabangga ang isang pampasaherong tricycle na minamaneho naman ng isang Garie Gaspar, 24 anyos.Dahil sa malakas na pagkakabangga, parehong natumba ang mga sasakyan na ikinasugat naman ni Gaspar at backrider ni Abelgas na si Mark Stephen Naga, 15, habang binawian naman ng buhay si Abelgas.Aminado naman si Naga na pareho silang lasing ng namatay na biktima ng mangyari ang aksidente.Sa Matalam, North Cotabato, Patuloy ngayong inaalam ng PNP kung sino ang nasa likod ng panghahagis ng granada sa brgy. marbel, Matalam.Ito matapos ang nangyaring pagsabog kahapon ng madaling araw sa isang quary site na inooperate ng isang Dats Ambel na pagmamay-ari naman ni Datu Bingeg Salido ng Purok Tagumbay brgy. Marbel.Agad namang tinungo ng PNP ang lugar para sa imbestigasyon.Ayon kay Chief Ins Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP, ang naturang pagpapasabog ay ikinasugat ng isang laborer na si Jeffrey Sawal na natutulog noon malapit sa isang unit ng backhoe kung saan inihagis ang granada.Negosyo naman ang sinusundang anggulo ng PNP sa motibo sa krimen. Local...Patay ang isang lolo matapos masagasaan ng rumaragasang van sa kahabaan ng Davao- Cotabato Highway partikular sa crossing Cosuseco sa harap ng sea oil Gasoline station Matalam North Cotabato.KInilala ni Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Garcillano Dulay, 70-anyos, Residente ng Brgy. Poblacion Matalam.Habang kinilala rin ang suspek na si Dexter Oyao Nacilla, 32-anyos, drayber ng nasabing van na may license plate MCW 624 at residente ng Takepan Pikit North Cotabato. Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng sugat at matinding pasa ang biktima sa kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Boluntaryo namang sumuko ang suspek, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Matalam PNP. Local...Aprubado na ng Sanguninag Panlalawigan ng Cotabato ang abot sa 2Bilion pesos na Annual proposed budget para sa taong 2016.Base sa report ng Committee budget and Appropriations ni 1st District Board Member Shirlen Macasarte ang nasabing pondo ay manggagaling sa Internal Revenue Allotment o IRA na 1Billion pesos 218Million pesos mula sa income galing sa permits and licenses at business income at tax revenue and real property tax na 42 Million pesos.Ayon kay Macasarte mapupunta ang pinakamalaking pondo sa Personnel services na may 23.22 percent o 811 Million pesos Capital outlay na 10.23 o 230Million mga proyekto sa ilalim ng provincial Development fund na 17.50% o 365Million at sa provincial disaster fund na abot sa 103Million at ang Aid to Brgy na 3Million pesos.Ang budgetary proposal ibinaba ni Cotabato Governor Emmylou Mendoza matapos ang sunod-sunod na mga budget hearing sa iba't ibang mga ahensya sa ilalim ng Provincial Government.NDBC BIDA BALITA Local...Sinanay sa pagkuha coconut sap o katas ng niyog para gawing asukal ng Department of Trade and Industry o DTI region 12 ang dalawamput siyam na mga magsasaka ng niyog sa Sarangani Province.
Layon nito na mapaunland ang kabuhayan ng mga magtatanim ng niyog sa lalawigan.
Katuwang ng DTI sa pagsanay sa mga magsasaka ang Philippine Cocunut Authority o PCA.
Ayon kay Zenaida Raof Laidan, ang regional director ng DTI 12 sinanay nila ang mga magsasaka dahil na rin sa tumataas na demand ng sap sa merkado.
Nabatid na ang sap ay ginagawang sugar granules o asukal.
Ang isang puno ng niyog ay kayang makapag-produce ng 480 litro ng sap o animnapung kilo ng asukal sa loob ng isang taon.
Inihayag ni Laidan na maliban sa mga magsasaka ng niyog, ang industriya ng coco sugar ay makapagbibigay din ng kabuhayan sa iba pang mga mamamayan.
Nabatid na maliban sa kikitain ng mga ito mula sa coco sugar, ang mga tapper ng sap ay nababayaran ng apat na piso at limampung sentimo sa bawat litro ng sap na makukuha ng mga ito.
Ibig sabihin nito ayon kay Laydan ang bawat tapper na makakakolekta ng nobenta hanggang isang daan at dalampung litro ng sap ay maaring kumita ng mula apatnaraan hanggang limang daang piso kada araw.
Nabatid na dahil sa mababa nitong glycemix index makabubuti ang coco sugar sa mga taong diabetic. Local...Gabayan ang kanilang mga anak para hindi mabiktima ng mga paputok.
Ito ang hiniling ni Dr. Rogelio Aturdido Jr, ang provincial health officer ng South Cotabato sa mga magulang ng lalawigan.
Ayon kay Aturdio, marahil ay hindi batid ng mga bata ang peligro nito kaya kadalasan nabibiktima ang mga ito ng mga paputok.
Binigyan diin ni Aturdido na dapat pagbawalan ng mga magulang ang kanilang mga anak na humawak ng paputok.
Matatandaan na karamihan sa mga biktima ng paputok sa South Cotabato tuwing ipinagdiriwang ang pasko at sinasalubong ang bagong taon ang mga bata na nagkakaedad ng sampung taong gulang pababa.
Ang mariing ipinagbabawal na Piccolo ang naging pangunahing sanhi ng mga fire cracker related injuries sa lalawigan.
Umaapela din si Aturido sa mga nagbebenta ng mga paputok sa South Cotabato na sumunod sa ordinansa ng lalawigan na nag-reregulate sa pagbebenta ng ng mga ito.
Nabatid mula sa datus ng integrated provincial health office na abot sa 112 katao ang biktima ng paputok sa South Cotabato noong 2014.
Ito ay mas mataas naman ng walong porsyento sa 104 na kaso noong 2013.
Ang South Cotabato ang may pinakamaraming firecracker related injuries sa rehiyon dose.
Ito ay sa kabila naman ng maigting na kampanya ng lokal na pamahalaan.
Para maresolba ang problema pinulong na ng provincial health office ang iba’t ibang mga concerned na ahensya ng pamahalaan at iba pa nilang mga stakeholders.
Layon nito na makapagbalangkas ng mga kaukulang hakbang para lalo pang mapaigting ang iwas paputok campaign ng pamahalaang panlalawigan. Local...Makapagsisimula na muli ng kabuhayan ang pitong mga displace workers ng isang bakeshoppe sa Koronadal City.
Ito ay matapos mapili para maging benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program o DILEEP ng Department of Labor and Employment region 12.
Ayon kay Ofelia Domingo ang Regional Director ng DOLE 12, matapos magsara ang pinagtrabahuhang bakeshop, maaring magsimula ng maliliit na negosyo ang dating mga trabahante nitong nawalan ng hanapbuhay.
Ang mga displaced workers ay nabigyan ng starter kits para sa Mini-carenderia, Batchoyan, at Barbecue Vending.
Kasabay ng pasasalamat nito sa ahensya, nangako naman si Joy Templo dating sales clerk sa nagsarang bakeshop na aalagaan nito at ng kanyang mga kasama ang bagong kabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
Nabatid na ang mga kabuhayan Starter Kits ay personal mismong tinanggap ng mga benipisyaryo sa DOLE 12 Conference Hall kamakalawa.
Local...NNadiskubre ang isang granada sa loob mismo ng kampo ng 27th IB sa Purok Irrigation, Barangay Liberty, Tampakan, South Cotabato .
Ayon sa Tampakan PNP ang hindi pa sumabog na granada ay natuklasan ng CAFGU na si Roderick Lawian habang naglilinis sa kampo dakong alas syete ng umaga kamakalawa.
Ang granada ay ipinasok sa isang lumang tire bago inilagay sa harap ng barracks hall.
Natuklasan naman ng mga rumesponeng kasapi ng Explosive Ordnance Division o EOD team ng South Cotabato Police Office na wala nang pin ang granada.
Para hindi na makapamerwisyo ito ay matagumpay na pinasabog na lamang ng EOD team sa lugar.
Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang suspek at ano ang motibo nito sa paglagay ng granada sa kampo ng militar.
Matatandaan na ginulantang din ang mga sundalo ng pagsabog ng granada sa kanilang kampo gabi noong nakaraang linggo.
Wala mang naiulat na sugatan sa insidente ngunit nagdulot naman ito ng pangamba sa mga residente malapit sa lugar. Local...Patay ang driver ng isang motorsiklo sa aksidente sa daan sa Surallah, South Cotabato.
Kinilala ng Surallah PNP ang biktima na si Yshmael Panda, trenta’y tres anyos at residente ng Cotabato City.
Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulis na aksidenteng nabangga ng KTM motorcycle na may license plate MA 897 na minamaneho ni Panda ang isang tricyle sa national Highway Barangay Dajay, Surallah.
Nabatid na ang biktimang si Panda ay mula sa bayan ng Sto. Nino at patungo sana sa Surallah ng maaksidente dakong alas sais ng umaga kamakalawa.
Si Panda ay nagtamo ng grabeng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, matapos matumba sa highway dahil sa lakas ng pagkakabangga nito sa tricyle.
Siya ay di na umabot ng buhay ng dalhin sa isang pribadong ospital ng mga rescuers ng lokal na pamahalaan ng Surallah.
Ang driver ng tricyle na nabangga nito na si Atellano Sablayan at tatlong mga pasahero kabilang na ang dalawang taong gulang na bata at limang buwang sanggol na sugatan din sa insidente ay dinala din sa isang ospital sa bayan.
Ang raod accident ay patuloy pang iniimbistigahan ng Surallah PNP.

Miss Unverse PH in float parade in Sultan Kudarat

ISULAN, Sultan Kudarat - The 2024 Miss Universe Philippines candidates during float parade from Tacurong City to Isulan town. ...

DSWD advises 4Ps cash grants beneficiaries to use ATM cards wisely

MANILA - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) eligible beneficiaries may now claim their cash grants from select Land Bank of the Philippines...

New political party in BARMM inducts new officers, members in Cotabato City

COTABATO CITY - Mass oath taking of officers and members and general assembly ng "Serbisyong Inklosibo Alyansang Progresibo" o SIAP Party na...

Leaders fuse ranks for peaceful 2025 BARMM elections 

COTABATO CITY - Three provincial governors and the congressional representative of Basilan have agreed to help each other ensure a peaceful and...

Pregnant, companion arrested in DOS drug buy bust

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao del Norte - Kinilala ng PNP ang buntis na drug suspek na si Fatima Bagundang Esmail, 32-anyos at si Hamid Dalama...