Saturday May, 04 2024 10:56:01 AM

NDBC BIDA BALITA NOV. 23, 2015

 • 19:04 PM Mon Nov 23, 2015
1,964
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

NOVEMBER 23, 2015
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. ILAN SA MGA KAANAK NG MGA nasawi sa
Maguindanao massacre, hindi na umaasang makakamit nila ang hustisya sa loob ng
termino ni Pangulong Aquino.

2. Lalaking nakamotor na may dalang granada, inaresto sa Kidapawan City.3. Ika-anim na taong anibersaryo ng
Maguindanao Masscare, gugunitain ng Justice Now Movement ngayong araw.

4. Mlang bombing, ginugunita rin ngayon

Local………………..

NAWAWALAN NA umano ng pag-asa ang
pamilya ng mga nasawi sa malagim na Maguindanao massacre, na makakamit pa nila
ang hustisya sa loob ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kung maaalala noong 2010, ipinangako ni
Pangulong Aquino sa kanyang kampanya na mareresolba ang Maguindanao massacre
case kapag siya ay nahalal bilang presidente.

Para kay Justice Now Movement o JNM
Secretary General Grace Morales, mistulang kinalimutan na umano ni Pangulong
Aquino ang kanyang mga pangako.

Ayon kay Morales na nawalan ng asawa at
nakakatandang kapatid sa malagim na krimen, hindi na rin umano sila
nakakatanggap ng anumang update sa mga state prosecutors ng Department of
Justice o DoJ.

Nabatid na si Morales at 13 iba pang
pamilya ng mga pinaslang na mamamahayag sa Maguindanao massacre ay kinakatawan
sa korte ni Prima Quinsayas, abogado ng Freedom Fund for Filipino Journalists o
FFFJ ng Center for Media Freedom and
Responsibility na naubusan na umano ng pondo.

Pero iginiit ni Morales na hindi sila
susuko sa kaso kahit anupaman ang magiging resulta ng kanilang ipinaglalaban.

Sa panig naman ni Maguindanao Governor
Esmael Toto Mangudadatu, patuloy din umano siyang nag-aantay na mabigyan ng
hustisya ang pagkamatay ng 58 biktima ng massacre kung saan ay kasama na ang
kanyang asawang si Jenalyn.

Ayon kay Mangudadatu, tiwala pa rin
siyang makakamit nila ng mga pamilyang naulila ang hustisya dahil alam naman ng
lahat kung sino-sino ang kailangang managot sa krimen at hawak na rin ang mga
ito ng batas.

Si Maguindanao Governor Esmael Toto
Mangudadatu.

Umaasa ang gobernador na makakamit nila
ang hustisya pero maging siya ay wala ring ideya kung kailan. Local …………………

DEAD ON THE
SPOT ang isang habal-habal driver matapos pagbabarilin pasado alas otso nang
gabi noong Sabado sa 6th road ng Macapagal srteet, Mother Barangay Rosary
Heights, Cotabato city.

Kinilala ang
biktima na si Bernardo Ducot Azares, 39 anyos, residente ng Sousa street sa
lungsod kung saan din ito tumutorno.

Ayon sa
imbestigasyon ng pulisya, may sumakay na pasahero kay Azares sa Sousa street at
nagpahatid sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Pagbaba ng
nasabing pasahero, ay may binili umano si Azares sa isang tindahan.

Pagbalik nito
sa kanyang motorsiklo ay bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng hindi pa
nakikilalang suspek.

Paniwala ng
mga imbestigador, planong agawin ng suspek ang motorsiklo ni Azares.

Nang madatnan
umano ng mga rumispondeng pulis ang biktima, halatang dinukot ng suspek ang
bulsa nito na pinaniniwalaang hinahanap ang susi ng motorsiklo.

Pero hindi
umano nakita ng suspek ang susi na nasa kamay lang pala ni Azares kaya agad
itong tumakas.

Sa ngayon ay
patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente.

Local...Hanggang sa ngayon bakas pa rin sa mga puso ng pamilya ng tatlong binatilyo ang kanilang pagkamatay matapos madamay sa ngayaring pagsabog ng bomba sa isang bilyaran sa Mlang North Cotabato isang taon na ang nakalilipas ngayong araw.Para sa mga magulang ng mga biktimang sina Rolence John Camiring, Francis Charles Rio at Jade Villarin habang hindi pa nakakulong ang mga suspek sa nabanggit na insidente ay mananatiling sariwa sa kanilang isipan ang sinapit ng mga anak.Hustisya pa rin ngayon ang patuloy na sigaw ng pamilya ng tatlong biktima.Samantala, personal namang tinungo ng Radyo Bida ang pamilya ng mga biktima at narito ang ilan sa kanilang mga pahayag.Una nang naglabas ng deriktiba si Mlang Mayor Joselito Piñol sa PNP at NBI at bumuo pa ng taskforce Mlang para lamang tutukan ang nabanggit na krimen pero dismayado ito sa mala usad pagong na takbo sa nabanggit na kaso.Pero sa kabila nito positibo pa rin ang pamilya Camiring, Rio at Villarin na makukulong pa rin ang mga rsponsable nito at magbabayad sa kanilang ginawang kasalanan.Kaugnay nito, bilang paggunita sa sinapit ng tatlong binatilyo isang candle lighting at pagdarasal naman ang gagawin ng mga kaanak ng biktima sa blast site ngayong araw. Local..Mas palalakasin pa ngayon ng Barangay Nutrition Scholars o BNS sa North Cotabato ang kanilang kampanya para sa kalusugan ng mamamayan sa lalawigan sa pamamgitan ng sama-samang pagkilos at mahusay na implementasyon sa kanilang mga health programs.Ito ang naging pahayag ng BNS Provincial Federation sa ginanap na 4th Governor Lala Provincial Federation Congress sa Provincial Captiol Gymnasium nitong nakaraang linggo.Layunin ng naturang aktibidad na palakasin pa ang hanay ng mga BNS sa iba’t-ibang bayan ng probinsiya para mas maging epektibo pa sila bilang front liners ng health service gaya ng mga Barangay Health workers at iba pa.Ayon kay Gov.Emmylou Mendoza, patuloy ang suporta ng kanyang administrasyon sa mga BNS dahil batid niya ang malaking papel ng mga ito sa kalusugan ng mamamayan lalo na ang mga batang edad 5 taong gulang pababa.Ang nabanggit na aktibidad ay suportado rin ng ilang mga matataas na opisyal ng lalawigan.Maliban naman sa mga lectures at dagdag kaalaman, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga BNS na palakasin ang kanilang ugnayan sa naturang pagtitipon. Local...ARESTADO ng Kidapawan City PNP ang isang Mark Garde Villamor, 35 anyos, at taga-Poblacion, Matalam, matapos makuha mula sa kanya ang isang granada sa isang highway inspection sa Barangay Lanao, ala-una ng madaling araw, kahapon.
Minamaneho ni Garde ang kanyang motorsiklo nang sitahin sa highway ng mga pulis, sa pangunguna ni city police director, Superintendent John Meridel Calinga at mga operatiba na sina Inspector Fulache at Michelle Petallo ng Kidapawan City PNP.Mas pinaigting kasi ng PNP ang kanilang Oplan Padaplin, Oplan Sita, at Oplan Lambat Bitag Sasakyan matapos ang serye ng mga pagsabog na naganap sa kalapit-bayan ng Kabacan sa North Cotabato at sa Davao City.
Agad inilagay sa kustodiya ng Kidapawan City PNP ang suspect habang inihahanda ang kasong isasampa kontra rito.
Patuloy pang inaalam ng PNP ang posibleng koneksyon ni Villamor sa mga grupo’ng responsable sa mga pagpapasabog, extortion, at iba pang porma ng terorismo sa lalawigan ng North Cotabato.
Local...Anim na taon na ang nakalilipas, wala pa ring nakakamit na hustisya ang pamilya ng 58 katao na nasawi sa nangyaring Maguindanao Masscre noong November 23, 2009.Kabilang sa mga nasawi rito ay 32 mga Journalist mula sa ibang bahagi ng Mindanao at iba pa.Sa Kidapawan City, gugunitain ang nabanggit na madugong insidente sa pamamagitan ng isang Tirch parade, cabdle lighting ceremony at isang konsyerto ng isang acousti Band.Pangungunahan naman ito ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP kasama ang College Editors Guild of the Philippines, Mass Communications Students ng Note dame of Kidapawan College, University of Southern Mindanao, guro, estudaynte at ilang mga satff ng Southern Philippines Methodist Colleges.Kabilang rin sa lalahok sa naturang aktibidad ang Integrated Bar of the Philippines, Union Of Progressive Lawyers in Mindanao, Gabriela, KMP at mga Peoples Organization.Tema sa 6th Year Maguindanao Masscre Commemoration ay Anim na taon na , wala pa ring Hustisya. Local…………………….

ISANG
MIYEMBRO ng Moro National Liberation Front o MNLF ang nasawi habang limang iba
pa ang napaulat na nasugatan matapos makipag-engkwentro sa tropa ng 37th
Infantry Battalion ng Philippine Army kahapon sa Sultan Mastura, Maguindanao.

Ayon
sa report, sumiklab ang sagupaan matapos subukang isabotahe ng MNLF sa
pangunguna ni Commander Kamlon ang road concreting project sa Barangay
Bungabong ng nasabing bayan.

Nakaescort
umano ang militar sa mga construction workers nang paputukan ng MNLF dahilan
para gumanti ang mga sundalo at sumiklab ang engkwentro na tumagal ng limang
oras.

Dalawa
naman ang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Kinumpirma
naman ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura na balik na sa normal ang
sitwasyon sa Barangay Bungabong at nakabalik na rin ang mga lumikas na
residente sa nasabing lugar.

Local……………….

KUNG
TUTUUSIN, iligal raw ang pagbebenta ng isda sa tabi ng kalsada ng Almonte
Extension, sa Cotabato city.

Ayon
kay Cotabato City Market Administrator Benjie Hoksuan, bagama't bawal ang
nasabing pagtitinda, tinitiyak na lamang daw nila hindi umabot sa mismong gitna
ng kalsada ang mga illegal vendor.

Nabatid
na sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang construction ng fish section ng
Cotabato city Megamarket kaya napilitan ang mga fish vendor na magtinda sa tabi
ng kalsada.

Local…………………..

NAGPULONG
ANG PPALMA press corps kagabi para maghalal ng bagong set of officers at para
na rin pagkasunduan ang magiging aktibidad sa paggunita ng ikaanim na
anibersaryo ng Maguindanao massacre.

Sa
pangunguna ng nahala na pangulo nitong si Rex Torino ng DXMS Radyo Bida,
napagkasunduan ng grupo na mag-aalay ng isang misa ang PPALMA press corps
mamayang alas sais ng gabi sa Santo Niño Parish, sa Midsayap, North Cotabato.

Nabatid
na nahalal din kagabi sa bagong set of officers ng PPALMA press corps si Garry
Fuerzas bilang vice president for radio, Benny Queman bilang vice president for
TV at Richard Sagayno bilang vice president for print.

Nahalal
naman bilang secretary ng PPALMA press corps si Wella dela Serna, Dave James
Castillo bilang treasurer, Ed Katulong bilang auditor, Rodel Torino bilang PIO,
Rudy Guttierez at Nelly Jane Orenes bilang business managers.

Sina Danilo
Alam, Leo Baron, at Peter Jay Fabia naman ay magsisilbi bilang mga Board of
Directors ng grupo.

Nagsilbi
namang inducting officer si Midsayap Municipal Interior and Local Government
officer Ricardo Fernandez na sinaksihan nina North Cotabato Board member Loreto
Cabaya, Jr., Midsayap vice mayor Abet Garduque, Midsayap Chief of Police Supt.
Gilbert Tuzon, Midsayap Councilors Belen Sabio at Allan Mostrales.

Local...Timbog sa operasyon laban sa illegal na droga ng mga otoridad ang isang barangay kapitan sa South Cotabato.
Kinilala ang suspek na si Datu Pudi Ambalgan, singkwenta’y uno anyos, at barangay Chairman ng Upper Sepaka, Surallah, South Cotabato.
Si Barangay Chairman Ambalgan ay naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 sa Purok Lovers, Barangay Ambalgan, Sto. Nino, South Cotabato dakong alas dyes ng umaga noong byernes.
Kasama din sa mga naaresto si Ato Demalna Ambalgan, biente singko anyos anak ng barangay Chairman at bayaw nitong si Rustom Sambaga, kwarenta’y syete anyos, pawang mga residente sa lugar.
Nakuha ng mga otoridad sa mga suspek ang 12 gauge shot gun, 38 revolver, mga bala , drug paraphernalia at suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso.
INihahanda na ng mga otoridad ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa naarestong barangay Chairman at mga kasamahan nito.
Maliban sa tatlong mga suspek, isang myembro pa ng Civilian Volunteer Organization o CVO ang naaresto ng PDEA sa hiwalay na operasyon ng mga ito sa Purok Bago, Ambalgan.
Kinilala ang suspek na CVO na si Tating Sandigan, trenta’y tres anyos.
Nakuha mula sa suspek ang abot sa mahigit pitong libong pisong halaga ng suspected shabu, at 45 pistol.
Si Sandigan ay umanoy lider ng isang organized drug group sa Ambalgan.
Kasama ng PDEA sa kanilang anti illegal drug operation na humantong sa pagkakahuli sa apat na mga suspek ang 27th IB ng militar at Provincial Public Safety Batallion o PPSC ng PNP South Cotabato.
Inihahanda na ng mga pulis ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Posession of Firerarms and Ammunition laban sa mg mga suspek. Local...Sinanay sa paggawa ng mga jewelry o alahas ang taltumpung mga residente sa bayan ng T’boli, South Cotabato.
Ayon kay Nencita Acain, ang Hepe ng Mines and Geo-Sciences Division ng Provincial Environment and Management Office o PEMO, layon ng programa na mabigyan ng kabuhayan ang mga mamamayan sa bayan.
Ang capability training ay napakinabangan ng mga out of school youth, asawa, at mga small scale miners.
Ayon kay Acain, mahalaga na masanay ang mga jewelry makers sa T’boli upang lalo pang mapaganda ang kalidad ng mga alahas na gawa mula sa mga ginto na namimina sa lugar.
Katuwang ng PEMO sa pagpapatupad ng programa ang Department of Trade and Industry at Department of Environment and Natural Resources.
Tiniyak din ng PEMO ang pagpapatupad ng reponsableng small scale mining operation sa lugar.
Kabilang sa mga ito ang pagbibigay ng sapat na training sa mga minero at pagbibigay sa kanila ng identification card.
Ang responsible small scale mining operation sa bayan ng T’boli ay isa sa sampung mga Galing Pook Awardees sa buong bansa nitong taon. Local...Magkakaroon ng motorcade ang mga kaanak ng mga bikitma ng Maguindanao Massacre mula General Santos City,Koronadal City patungong Massacre site.
Ito ay susundan naman ng pagaalay ng bulaklak sa pinangyarihan ng krimen sa Sitio Salman, Barangay Masalay, Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Emily Lopez, ang presidente ng Justice Now Movement, ito ay bilang kabahagi ng kanilang paggunita sa ika anim na taon ng karumal dumal na krimen ngayong araw.
Inihayag din ni Lopez na magaalay din ng mga bulaklak sa mga puntod ng mga biktima ang mga naulila.
Ipinahayag ni Lopez na sa kabila ng mabagal na pagusad ng kaso, umaasa pa rin sila na makakamtan ang hustisya sa mga nalalabing buwan ng termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Binigyan diin ni Lopez na ang hustisya ay hindi hinihiling kungdi ito ay ipinaglalaban.
Inihayag din nito na makalipas ang anim na taon,masakit na nakikita pa rin ng mga kaanak ng mga biktima ang makupad na pagusad ng kasong isinampa nila laban sa mga suspek.
Matatandaan na tatlumut tatlo sa limamput walong mga nasawi sa karumaldumal na krimen na naganap noong November 9,2009 ay pawang mga kasapi ng media. Local...Sugatan ang labinisa katao sa magkasunod na pagsabog ng dalawang mga granada sa AG Advance Gas Gasoline Station sa national highway, barangay Kenram, bayan ng Isulan Sultan Kudarat.
Ayon kay Police Superintendent Danny Reyes, ang Provincial Director ng Sultan Kudarat PNP, ang pagsabog ay naganap habang isinasagawa ang ilang aktibidad kaugnay sa weeklong Kalimudad Festival ng lalawigan, dakong alas otso biente kamaklawa ng gabi.
Ayon kay Reyes, isa sa mga sugatan ay nasa kritikal na kagalayan at dinala na sa Davao City habang sampu sa mga ito na nagtamo ng minor injury ay nakalabas kaagad sa ospital.
Kinilala ang walo sa labinisang mga sugatan sa insidente na sina Lilibeth Ferolino, kwarenta’y singko anyosJasper Linda onse anyos, Baltazar Linda kwarentay nuebe at Michael Cinco pawang mga residente ng Barangay Bambad, Isulan.
Sugatan din sa insidente sina Darios John Padilla sais anyos ng Laguilayan,Isulan Alex Sandigan trenta’y tres anyos ng Poblacion, Buluan Maguindanao Almasser Ibrahim biente dos at Sahid Salendab biente syete anyos pawang mga taga poblacion, Columbio, Sultan Kudarat.
Narekober ng mga police sa pinangyarihan ng insidente ang isa pang granada na hindi sumabog, at dalawang safety lever ng mga sumabog na granada.
Ipinahayag ni Reyes na naganap ang pagsabog di kalayuan sa lugar na kinaroroonan ng ilang mga lokal na opisyal sa Sultan Kudarat.
Gayunpaman nilinaw ni Reyes na inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pagsabog.
Naniniwala din ang police official na walang kinalaman sa terorismo ang insidente.
Local...Matapos ang tatlong taon muli binuksan sa mga mamamayan ang Christ the King Cathedral sa Koronadal City.
Ang dedication sa bagong renovate na simbahan ay sinaksihan ng libo libong mga mananampalatayang katoliko na hindi nagpatinag sa ulan kahapon.
Ito ay pinangunahan naman nina Diocese of Marbel Bishop Dinualdo Guttierez ng Diocese of Marbel at Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo OMI.
Isinagawa ang dedication ng simabahan kasabay din ng solemnity ni Christ the King.
Sa kanyang mensahe, ginunita naman ni Cardinal Quevedo ang unang simbahan na gawa sa kahoy na ipinatayo kung saan siya nagsilbing altar boy animnaput limang taon na ang nakararaan.
Ang simbahan ayon kay Quevedo ay sumisimbolo sa panginoon at isang lugar kung saang magtitipon tipon ang mga mamamayan para magbibigay pugay sa kanya.
Hinikayat din ng Cardinal ang publiko na tulad ni Hesus dapat ay ipakita din ng mga ito ang pagmamalasakit sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap. Para naman sa mga mananampalatayang katoliko na sina Jocelyn Siman at Generoso Opulencia, bagama’t hindi pa tapos ang pagsasaayos ng simbahan ay sumisimbolo sa pagmamalasakit at pagkakaisa ng bawat mamamayan.
Ang dedication ng Christ the King ay dinaluhan din ng mga pari sa buong Diocese of Marbel.

DENR-12 MANP Cotabato documents encounter with "Ibong Adarna"

KIDAPAWAN CITY - Four birds of the Philippine Trogon (Harpactes ardens), a bird species associated with the mythical Ibong Adarna, were documented...

Cotabato Light announces power service interruption in DOS

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company (Cotabato Light) has announced a scheduled power interruption affecting Dinaig Proper to Tapian...

Barangay treasurer sa Cotabato City, anak na babae, patay sa ambush, isa pa sugatan

COTABATO CITY - DEAD on arrival sa pagamutan ang dalawang biktima na kinilalang si Mhadz Mamantal, Treasurer ng Mother Barangay Bagua, driver ng...

21 kilos shabu seized in Zamboanga City PDEA sting

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents seized P145.5 million worth of shabu from four dealers entrapped in Barangay Mampang in Zamboanga City on...

2 cops linked to murder of police captain in Maguindanao Norte surrender

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - Two of five suspects who gunned down a police captain in a public market of Poblacion 2 in Parang,...