Friday May, 03 2024 02:16:10 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 19, 2015

 • 16:37 PM Mon Oct 19, 2015
1,648
By: 
NDBC News and Current Affairs

NEWSCAST

OCTOBER 19, 2015
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. REGIONAL SECURITY CLUSTER MEETING ng
ARMM, gagawin ngayong araw sa Marawi city, kasunod ng pagbaril at pagpatay sa
hepe ng pulis ng naturang lungsod.

2. Estudyante ng St. Luke’s sa Kabacan,
North Cotabato patay sa hazing ng isang fraternity

3. DALAWANG mga magsasaka sa South
Cotabato, magsasanay hinggil ng agrikultura at pagsasaka sa Japan

4. 4th death anniversary ni Fr. Pops, ginunita sa North Cotabato

5. Sundalo patay, isa pa sugatan sa pananambang sa Cotabato City.

Local... KINONDENA ngayon ng mga opisyal ng Autonomous
Region in Muslim Mindanao o ARMM ang pagbaril at pagpatay sa hepe ng Marawi
City PNP na si Police Supt. Al Abner Wahab Santos.

Si Santos ay pinagbabaril ng hindi pa
nakikilalang mga suspek sa Luks-a-Datu District, Marawi City habang minamaneho
ang kanyang itim na Mitsubishi Montero patungo sana sa city police office.

Sinabi ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na
karumal dumal na maituturing ang naturang pagpaslang kay Santos.

Kaya naman aniya, mahigpit nila itong
kinokondena.

Kasunod nito ay iniutos ni Hataman na
tutukan ang naturang kaso para mahuli ang responsable rito.

Kaugnay nito ay magsasagawa ng regional
security cluster meeting ang mga otoridad sa Marawi City ngayong araw.

Sinabi ni Hataman na dadalo sa naturang
pagpupulong si ARMM PNP Dir. Chief Supt. Ronald Estilles kasama si ARMM Vice
Gov. Haroun Al-Rashid Lucman.

Si Hataman ang mangunguna sa regional
executive security cluster meeting para pag usapan ang iba’t ibang mga
problemang pang seguridad at makapag plano ng epektibong hakbang para labanan
ang iba’t ibang krimen.

Samantala, dahil sa naturang pangyayari
ay muling nanawagan si Hataman sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad
para sa agad na maresolba ang naturang kaso at maibalik ang kaayusan sa Marawi
city.

Sa panayam naman ngayong umaga kay ARMM
PNP spokesperson Sr. Insp. Ronald de Leon na may mga sinusundan na silang lead
sa naturang kaso at may mga suspek na rin silang ini imbestigahan.

Sabi ni de Leon, isa sa mga anggulong
kanilang tinitingnan ay may kaugnayan sa trabaho partikular sa mga matagumpay
na kampanya ni Santos sa lungsod laban sa iligal na droga at iba pa.

Nabatid na abot na sa 30 katao ang
nasawi sa loob ng 18 buwan sa Marawi City at madalas na dahilan nito ay may
kaugnayan sa illegal drug trade.

Local

DEAD
ON ARRIVAL SA pagamutan ang isang sundalo habang patuloy namang nagpapagaling
ang isa pang kasamahan nito matapos pagbabarilin pasado alas tres nang hapon nitong
Sabado, October 17, sa harap ng MC Square, Sinsuat avenue, Cotabato city.

Kinilala
ang nasawing biktima na si PFC Denver Maguate, 25 years old, residente ng
Pagadian city habang kritikal naman si PFC Aldrin Junsay Asejo, 27 anyos,
residente naman ng Libungan, North Cotabato, pawang mga Intelligence Operatives
ng 11th Mechanized Company, 1st Mechanized Battalion ng Philippine Army.

Ayon
sa imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas sa kulay pulang Kawasaki Baja
motorcycle na walang license plate ang dalawang biktima kasama si PFC Jovert
Bad-e, isa ring Intelligence operative ng nasabing unit ng Army na nakasakay
naman sa isang Yamaha Crypton motorcycle.

Papunta
sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang tatlo nang biglang nag-overtake ang isang
kulay itim na Honda XRM na wala ring license plate at pinagbabaril ang mga ito
gamit ang kalibre 45 na baril.

Nagtamo
ng tama sa kanyang dibdib at pisngi si PFC Asejo, sa ulo naman ang tama ni PFC
Maguate dahilan ng agaran nitong pagkasawi habang hindi naman tinamaan si PFC
Bad-e.

Agad
naglagay ng mga checkpoint sa mga exit points ng lungsod ang pulisya kasama ang
11th Mechanized Company ng Philippine Army pero nakatakas pa rin ang hindi pa
nakikilalang mga suspek.andltbrandgt

Inaalam
pa sa ngayon ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaril sa nasabing mga
sundalo. Local MULING
binuhay ng grupo ng mga mamamahayag sa Cotabato City at Maguindanao ang
National Union of Journalists of the Philippines o NUJP – Cotabato and
Maguindanao chapter pagkatapos ng mahigit dalawang taong pagiging inactive
nito.

Ang reactivation at reorganization ng
NUJP – Cotabato and Maguindanao chapter ay naisakatuparan sa pagpupulong na
ginanap nitong Sabado, October 17, sa Oblate Media Center na dinaluhan ng mga
lihitimong mga mamamahayag ng lungsod at ng Maguindanao na pinangunahan mismo
ni NUJP National Director Sonny Fernandez ng ABS-CBN.

Naghalal din ng mga bagong chapter
officer ang mga miembro ng grupo para mamuno sa mga aktibidad nito.

Ito ay kinabibilangan ng inyong lingkod
bilang chapter chairman Philippine Star correspondent for central Mindanao
John Felix Unson bilang chapter vice chairperson Jeff Mendez, DXMS AM Radyo
Bida program director bilang secretary-general Philippine News Agency
correspondent Noel Punzalan bilang Treasurer at Alih S. Anso DXUP FM program
director bilang auditor.Mula ng maitatag noong 1986, ang NUJP ay
patuloy n sa pagsulong ng malaya, tapat at tamang pamamahayag.

Nais ng NUJP na manatili ang commitment
ng mga media worker sa sinumpaan nitong tungkulin at laging tumalima sa
kanilang code of ethics.

Local... TINUPOK
ng apoy ang isang kindergarten school sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sinabi
ni Bureau of Fire Protection o BFP ARMM Fire Marshall Fire Supt. Adam Guiamad
na naganap ang insidente kahapob pasado alas kwatro ng hapon.

Totally
razed to the ground ang two-classroom building ng Saint John Mission Center
Academy ngunit wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sabi
ni Guiamad, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog nang
iwan ng mga bata ang pinaglalaruan nilang apoy sa naturang lugar.

Nabatid
na gawa sa semi concrete ang naturang gusali kaya’t mabilis itong natupok ng
apoy.

Samantala,
sa ngayon ay hindi pa makapagbigay ng estimated cost of damage si Guiamad
kaugnay ng naturang insidente

Local SIBAK
agad sa tungkuling ang pulis na si PO1 Kim Caballero Ledesma, 29 years old,
taga Dualing, Aleosan, North Cotabato at naka destino sa Aleosan PNP.

Mahaharap
din ito sa kasong kriminal matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na
droga sa bayan ng Midsayap.

Naaresto
si Ledesma sa isinagawang drug buy bust operation ng Midsayap PNP at PDEA 12 sa
barangay Poblacion Uno, nitong Sabado.

Kabilang
pa sa mga naaresto ay sina Efren villacora, 51 years old, Tingkoy Sardewa, 25,
Jonmar Sheva 18, at

Esmael
Calaman 27 years old.

Nakumpiska
mula sa mga suspek ang 37 sachets ng pinaninilwaang Shabu, ang marked money at
mga Drug paraphernalia.

Local...Libu-libung mga Lumad ang nag-alay ng kanilang panalangin kasabay ng paggunita ng ika-apat na taong pagkamatay ni Father Fausto Tentorio, ng Pontifical Institute for Foreign Mission noong Sabado.Para sa mga katutubo, malaki pa rin ang kanilang paniniwala na mabibigyan pa ng hustisya ang pagkamatay ng italyanong pari at maparasuhan ang responsable sa pagkamatay nito sa lalong madaling panahon.Si Father Paul Paracha, DCK ang nanguna sa isinagawang misa sa Balindog, Kidapawan kung saan kasama sa panalagin nito na bilisan na ng Department of Justice o DOJ ang kaso ni Father Pops.Ayon kay Paracha habang hindi pa nakakulong ang mga suspek ay nasa peligro din ang mga buhay ng mga witnesses.Pero sa kabila nito naniniwala pa rin ang pari na gagawin ng DOJ ang kanilang mga responsibilidad para mapatawan na ng parusa ang mga kriminal.Umapela rin ito sa mga kamag-anak at kakilala ni Father Pops na patuloy itong isali sa kanilang mga dasal at panalangin.Matapos ang misa ay sabay sabay namang nagmartsa ang mga lumad sa Highway ng Kidapawan City at dumiretso naman ito sa harapan ng City plaza para ipahayag ang kanilang sentimyento sa mabagal na pag-usad ng kaso. Local...Dalawang mga magsasaka sa South Cotabato magsasanay sa bansang Japan Tutungo sa bansang Japan ang dalawang mga magsasaka sa lalawigan ng South Cotabato.Ang mga ito ay pawang mga binipsyaryo ng Young Filipino Farmers Training Program in Japan o YFTPJ Kinilala ang mga ito na sina Darryl Sixto biente sais anyos ng bayan ng Surallah. Hindi naging hadlang para kay sixto ang pagiging out of school youth nito para magtagumpay sa pagsasaka.Si Sixto ay gumagamit ng organic na pamamaraan ng pagsasaka at ikinabubuhay na ang pagtatanim ng ibat ibang high value crops. Kasama din nitong tutungo sa Japan ang biente syete anyos na si Jason Faelmocon ng barangay Danlag, sa bayan ng Tampakan.Si Faelmocon ay nagtatanim din ng rubber, saging at iba pang high value crops. Ayon kay Justina Navarete ang OIC ng Provincial Agriculture Office ng South Cotabato,layon ng labin isang buwan na on farm training ay upang mapabuti ang leadership potential ng mga mas nakababatang magsasaka.Ayon kay Navarete inaasahan nila ituturo din ng dalawang mga magsasaka sa kapwa nila magsasaka sa South Cotabato anuman ang matutunan sa pagsasanay sa Japan na magsisimula sa Nobyembre. Local...Mismong si Presidente Benigno Aquino III ang nag-abot sa parangal sa Mlang LGU matapos nitong matagumpay na maiplementa ang IP Housing Project sa bayan.Sinabi ni Mlang Mayor Joselito Pinol, ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng programa ng National Housing Authority o NHA katuwang ang Mlang LGU ng abot sa limang milyong piso para sa mga Blaan settlers sa lugar.Ayon kay Pinol, 25 sa 50 bahay ay natapos na ngayon ay tinitirhan na ng mga IP's sa Sitio Biao, brgy. New Esperanza, Mlang na may halos tatlong ektaryang area.Iginawad ang nasabing award kasabay rin ng ika 40-taong anibersaryo ng NHA.Binigyang diin din ng opisyal na bagamat huli silang nabigyan ng pondo para sa naturang proyekto pero dahil sa pagtutulungan ng mga ahensya katulad ng DSWD, Engineering at MDRRM Office at iba pa ay napabilis ang implementasyon nito.Tumulong din ang University Of Southern Mindanao sa Kabacan para sa mga ginawang garden ng mga katutubo sa lugar na isa naman sa nakitang maganda ng NHA kaya ginawa nila itong modelo.Samantala, ibinunyag ni Pinol na natanggap na rin ng Mlang LGU angd dagdag na pondo para sa dagdag pang 25 mga itatayong bahay sa lugar.Katunayan ayon pa kay Pinol ay sampu na ang natapos na ipatyo habang nagpapatuloy naman ang konstruksyon sa 15 iba pa. Local...Patay ang isang estudyante ng St. Lukes Institute sa Kabacan, North Cotabato umanong sumailalim ng initition ng isang Fraternity.Kinilala ni Police Sr. Ins. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Bobong Bualan, 26, anyos at kasalukuyang nangungupahan sa Bai Matabay Plang Village IIA, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.Bago ang insidente ay kasama pa umano ng biktima na pumasok sa isang boarding house ang isang Leo Terante, estudyante at residente ng Pigcawayan, sa panulukan Aglipay at Bonifacio St., Kabacan, Cotabato.Bigla na lamang umanong nahimatay ang biktima habang naka-upo sa terrace ng nasabing boarding house dahilan kung bakit isinugod nila si Bualan sa Kabacan Medical specialist pero din a ito umabot pa ng buhay.Ayon sa report, nagtamo ng maraming pasa at sugat ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan buhat umano sa pagpalo sa kanya ng kanyang mga kabaro mula sa Tau Gamma Phi USM Chapter.Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang responsable sa nasabing initiation ng fraterniting Triskelon, na ayon sa report ay isinagawa sa Matalam, North Cotabato. Local...Kinilala ni Cotabato election supeprvisor Atty Duque Cadatuan ang mga nagfile ng kanilang certificate of Candidacy para sa 2016 elections.Para sa Provincial Governor ng North Cotabato ay lima ang nais magpapaili sa nabanggit na posisyon na sina Adajar Manuel, Mangulamas Norudin, Monreal Lito, Mendoza Emmylou, at Odon Saynali.Vice Governor ay magpapapili sina Gregorio Ipong at Joyce Tupas.Sa Sangguniang Panlalawigan naman First District kung saan apat lamang ang pipiliin dito ay sina Andi, Antao, Cabaya, Delangalen, Tungko, Cudales, Macasarte, Tabangan, at SacdalanSa 2nd District naman ay tatlo ang pipiliin at magpapapili sina Baynosa, Cadungon, Chu at MadasigHabang sa 3rd Sirtic naman ay sina Basalon, Dumago, Guibar, Macapas, Mercado, Salama, Piñol , Tabara at Taliño Roger kung saan tatlo lang din ang pipiliing opisyal.Mga tumakbo naman sa Congress ng First District ay sina Alang, Dadtel, Sacdalan Fernando at reelectionist Rep. JesusSacdalan.Sa 2nd District naman ay sina Astilla, reelectionist Nancy Catamcoat Pagal, IreneHabang sa 3rd district ay sina Panes, Discalto, Sindao, Tejada at Valdivieso. Local...Binigyan diin muli ni Atty Jay Gerada ang Election Supervisor ng South Cotabato na walang extension sa registration ng mga botante.
Ito ang ipinahayag ni Gerada kasabay ng pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy o COC noong byernes
Kaya payo pa ni Gerada sa mga magpapatala , dumulog ng mas maaga sa mga tanggapan ng Comelec at huwag nang hintayin ang deadline sa Oktobre a trenta’y uno.
Ito ay upang makaiwas sa siksikan na kadalasang nangyayari sa tuwing papalapit na ang deadline ng registration of voters.
Hiniling din ni Gerada sa publiko na dapat tiyakin ng mga ito na mayroon silang biometric records.
Ang sinumang botante na hindi nakuhanan ng voters registration machine o computer ang kanilang lagda, litrato at finger print ay hindi makakaboto sa susunod na taon.
Ito ay bilang pagpapatupad na rin ng No Bio, Boto_ Policy ng comelec.
Samantala matapos ang limang araw na suspension ng registration of voters dahil sa filing ng certificate of candidacy, bukas naman ang Koronadal City Comelec maging sa mga araw ng Sabado.
Nabatid na Abot pa sa mahigit 1,800 na mga botante sa Koronadal City ang nanganganib na hindi makaboto sa 2016 elections.
Ayon kay Attorney Richard Opinion,ang city election officer ng Koronadal ito ay dahil sa kawalang ng biometric records.
Local...Isinusulong ng lokal na pamahlaan ang paglalagay ng bicyle lane sa mga pangunahing kalye ng lungsod.
Ito ay ayon mismo kay Koronadal City Administrator Cyrus Urbano.
Ayon kay Urbano minamadali na ng city government ang pagpapatupad sa proyekto.
Ang bicyle lane ay ilalagay ng city LGU sa bahagi ng General Santos Drive particular mula sa rotonda area o mas kilala sa tawag na roundball hanggang sa bagong city hall.
Ito ay pinaglaanan naman ng sampung milyong piso.
Ayon kay Urbano inaasahan ang pagsisimula ng konstruksyon ng bicycle lane bago pa man ang pagsisimula ng election period.
Layon ng paglalagay ng bike lane ay upang maisulong ang healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagbibisekleta.
Makatutulong din ang pagtangkilik sa bisekleta sa pagbawas ng problema sa polusyon at trapiko sa lungsod. Local...Makikinabnag sa Basketball Clinic ng pamahalaang panlalawigan ang mga kabataan sa South Cotabato.
Ayon kay Jinky Avance ang Sports and Youth Development Program Coordinator ng lalawigan, ito ay dahil na rin sa basketball clinic na gagawin kada araw ng SAbado at linggo.
Ito ayon kay Avance ay ipatutupad sa lahat ng mnga barangay ng lalawigan sa loob ng isang taon.
Kabilang sa mga magtuturo ng basketball ang mga competent na mga manlalaro na maglalaan ng kanilang oras para sa programa.
Ayon kay Avance ,layon ng programa na mahubog ang kasanayan sa isports at mailihis sa illegal na droga ang mga kabataan.
Nabatid na ang Sports Youth and Development Program o SYDP ang nakapagpatupad na ng apatnaput limang sports clinic simula 2013.
Ito ayon kay Avance ay nagkaroon naman ng positibong epekito sa kanilang mga benipsyaryo.
Sa katunayan ayon kay Avance mga guro na mismo ang nagsasabi na nakakita sila ng pagbabago sa kanilang mga estudyante na sumailalim sa sports clinic.
Dinagdag din ni Avance na iba sa mga nakinabang sa kanilang sports clinic ay napili para maging kinatawan ng South Cotabato sa Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy o Youth Games.
Ang patimpalak ay gaganapin sa Koronadal City sa Oktobre biente kwatro hanggang biente nuebe.
Local...Tiniyak ng pamunuan ng South Cotabato Provincial Hospital ang pagsailalim sa new born screening test ng lahat ng mga sanggol isinilang sa nabanggit na ospital.
Ayon kay Dr. Angels Malaluan ang hepe ng pediatric department of South Cotabato provincial hospital sinusunod ng ospital ang kautusan ng pagpapa-new born singer sa mga bagong silang na sanggol.
Inihayag ni Malaluan na malaki ang naitulong ng PHilhealth para sa tagumpay ng programa dahil nakalakip na sa kanilang health package ang new born screening.
Layon ng new born screening na matukoy kung ang isang bagong silang na sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder.
Ang metabolic disorder ayon kay Malauan ay maaring magresulta sa mental retardation, at pagkasawi kapag napabayaan.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...