Thursday Feb, 29 2024 09:51:20 AM

NDBC BIDA BALITA (Oct 25, 2023)

NDBC BALITA • 09:15 AM Wed Oct 25, 2023
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   ILANG MGA GURO, tinatakot daw at hina-harass ng ilang kandidato sa Pikit, North Cotabato, ayon sa Comelec.

2   KANDIDATO sa pagka-kapitan sa Cotabato City, primary suspect sa pagpatay sa 2 kandidato sa pagka-kagawad

3   KAHANDAAN ng mga guro sa BSKE, tiniyak ng DepEd South Cotabato, dasal nila ang maayos na halalan

4   TUPAD pay out program na ginagamit umano ng ilang kandidato sa kampanya sa North Cotabato, paiimbestigahan ng DOLE 12

5   BFP may paalala sa publiko matapos mailigtas ang isang taong na-trap sa imburnal sa Koronadal

6   P98.4 billion proposed budget ng BARMM sa 2024, isinumete na sa Bangsamoro parliament

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA…

-0-

MGA GURO sa limang Barangay sa Pikit, North Cotabato, tinakot at hinaras umano ng kandidato, imbestigasyon sinimulan ng Comelec.

Ilan sa kanila, nagpahayag na di magsisilbi dahil sa banta sa kanilang buhay

Kawalang reputasyon, bias at hindi qualipikado na mga guro.

Yan ang ilan lang sa laman ng petition letter mula sa di pinangalanang kandidato na nakarating kay Provincial Election Officer Atty. Myla Luna Bayao.

Tinakot anya ang mga guro na magsisilbing BEI sa BSKE sa mga Barangay ng Ginatilan, Calawag at Damasalak, Silik, Kolambog sa Pikit.

Kung sino na mga kandidato, ito ang iimbestigahan ng COMELEC-North Cotabato at dapat magpaliwanag kung bakit nais nilang ipa-back out ang mga guro.

Ayon kay Atty. Bayao, lahat ng laman sa petition letter ay pawang mga alegasyon lang.

Tinawag nitong unfair ang ginawa ng mga kandidato dahil batid nilang serbisyo lang naman ang mga guro.

-0-

Local..

Natukoy na ng Deped ang mga guro na magsisilbi sa Barangay and  Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa South Cotabato Lunes.

Tiniyak ito ni Deped Schools Division Superintendent Leonardo Balala.

Dagdag pa ni Balala, handa na rin sa BSKE ang mga polling centers sa lalawigan.

Palala lang nito sa mga guro, maging handa sa BSKE sa pamamagitan ng pagdadala ng mga lahat mga kakailanganin.

Ipinunto pa ni Balala na hindi na dapat umaasa pa sa mga pagkain na ipadadala ng mga kandidato ang mga guro sa araw mismo ng eleksyon dahil mariin itong ipinagbabawal.

Dagdag pa ng nasabing Deped Official inatasan na rin nito ang mga Deped Supervisors na magtatag ng municipal task force na tututok at tutugon sa posibleng mga aberya sa araw mismo ng eleksyon.

-0-

Local…

KASONG multiple murder with double frustrated murder, isasampa ng PNP sa 12 katao na sangkot sa pagpatay sa dalawag kandidato at isang tagasuporta sa RH-12, Cotabato City. 

Kabilang sa kakasuhan ay ang kandidato sa pagkabarangay kapitan at isang police officer.

ITO ang sinabi sa DXMS Radyo Bida ni Police Station 1 Commander Capt. Jemu Ramolete.

Maliban sa murder at frustrated murder, ilan sa mga ito ay kakasuhan din ng paglabag sa election gun ban dahil sa nakumpiskang mga baril.

Sa ulat, kabilang sa mga nahuli ay si Juhalidin Ladesla Abdul alias "Boyong” na kumakandidato bilang Barangay Chairman ng Rosary Heights 12 at Police M/Sgt. Pauti Dianal Mamalapat na nakatalaga sa Maguindanao del Sur PNP, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Anim sa mga nahuli ay mga residente ng Guindulungan, Maguindanao del Sur, kabilang ang isang 19-anyos na estudyante.

Habang ang apat na iba pa ay taga lungsod kabilang ang isang babaeng social worker.

Nabatid na ang mga nahuli ay sangkot sa nangyaring pamamaril sa RH-12 na ikinasawi ng tatlo katao kabilang ang dalawang kandidato. 

Naglalagay lang ng campaign posters ang mga biktima nang pagbabarilin, ayon sa initial report ng PNP.

Ang mga naaresto ay nakunan ng isang M-16 rifle, handguns at mga bala.

Ang mga nasawi ay agad ding inilibing kahapon batay sa kulturang Islam.

-0-

Local…

IPINAHAYAG NG primary suspect sa pagpatay sa tatlo katao sa Barangay Rosary Heights 12 na si Juhalidin Ladesla Abdul alyas "Boyong,” na unfair o hindi aniya patas ang nangyari sa kanila.

Sinikap ng DXMS na makuha ang panig ni Abdul na kumakandidato sa pagkabarangay Kapitan ng Rosary Heights 12 pero limitado ang kanyang sagot. Tumanggi siya sa isang panayam.

Gayunman, sinabi niya meron siyang legal counsel na tutulong sa kanya at mga kasamang akusado.\

-0-

LOCAL…

Samantala, Sa panig ng kaanak ng mga nasawi, sinabi ni Kalanganan Barangay Chairman Bimbo Ayunan na sila ang mas agrabyado dahil namatayan sila ng tatlong kaanak.

Giit ni Ayunan na naniniwala sila sa kakayahan ng pulisya at sa batas kayat ipinapaubaya na nila sa korte ang bagay na ito total nakapiit naman ang mga suspect.

Hindi raw sila gaganti dahil sila ay law-abiding citizens kahit marami na silang banta sa buhay.

Umaasa sila mareresolba ito ng patas sa lahat.

-0-

Local…

TUPAD pay out program na umano'y ginagamit ng mga kandidato sa Barangay elections sa ilang bayan ng North Cotabato, paiimbestigahan ng DOLE 12.

Agad na magsasagawa ng imbestigasyon si Regional Director Joel Gonzales ng DOLE 12 sa nakarating na ulat na umano'y ginagamit ng mga kandidato ang ibat-ibang programa ng pamahalaan.

Isa na rito ang Tulong Panghanap buhay sa ating Displaced at Disadvantage Program ng Department of Labor and Employment.

May report kasi na may ilang incumbent at tumatakbo sa BSKE ang gumagamit sa pondo para sa vote buying activity particular umano sa President Roxas at bayan ng Magpet.

Hindi kasi kasali ang TUPAD program sa suspension ng COMELEC kahit may eleksyon.

-0-

LOCAL…

ILALAGAY SA KATEGORYA NA HOT SPOT ang Barangay Rosary Heights 12, Cotabato City kasunod ng pagpatay sa dalawang kandidato sa pagkabarangay kagawad.

Sinabi ito ni BARMM police regional director Brig. Gen. Allan Nobleza.

Magtatalaga din ng dagdag na police at sundalo sa naturang barangay at sa iba pang lugar na pina-pangambahang mainit sa sa araw ng halalan

Sa ngayon ay nasa green category ito.

Tiniyak ni Nobleza na handa ang PNP sa tulong ng Marines na pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa Barnagay RH-12 at iba pang lugar sa lungsod.

-0-

LOCAL…

SENIOR citizen federation president, nanawagan sa mga kasamahan na gamitin ang kanilang karapatang bumuto ngayong barangay elections

Lumabas at bumoto ngayong panahon ng Barangay at Sangguniang Election upang maihalal ang tunay na magserbisyo.

Yan ang panawagan ni Senior Citizen Federation President Renato Toralba sa kapwa nito senior citizen.

Lumabas kasi sa nakaraang eleksyon na 50 percent mula ka bilang ang piniling hindi na bumoto dahil sa kawalan ng upuan kahit pa sa priority lane na nakapila.

Ang sabi rin ng iba, ibigay na sa iba ang pagboto dahil daw matanda na rin na sila.

Sa buong Kidapawan City, nasa 14, 000 ang kabuuang bilang na miyembro ng asosasyon na nasa edad 60 to 85 years old na malakas pa at maari pang lumabas para makaboto.

-0-

LOCAL.

MAAYOS at payapang election sa Datu Odin Sinsuat, Maguidanao del Norte, lalo na sa dalawang mga barangay na kamakailan ay nabalot ng tension, tiniyak ng 6ID at PNP

NAGPULONG sina 6th Infantry Division Assistant Division Commander Brig. Gen. Nasser Lidasan, 601st Infantry Brigade Deputy Brigade Commander Col. Ricky Bunayog, 2nd Mechanized Infantry Battalion Commander Col. Tristram Tolentino, Maguidanano del Norte PNP Director Col. Salman Sapal at Datu Odin Sinsuat PNP Chief Maj. Regie Albellera.

Layunin nito na maresolba ang issue ng peace and order situation sa bayan lalo na ang mga dalawang mga barangay na kinabibilangan ng Ambolodto at Barangay Sapalan na kamakailan ay nabalot ng takot.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Mayo, nagkatension sa dalawang barangay dahil sa namataang armadong kalalakihan. Dahil diyan, lumikas ang mga sibilyan.

Ayon kay Albellera makakabalik na sa kanilang tahanan at tiyak na makakaboto sila sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.

Nangako ang mga barangay officials at mga kandidato na susunod sila sa batas at tutulong upang maging maayos ang darating na halalan.

Ang pulong ay ginawa sa DOS municipal police station at dinaluhan ni municipal administrator Esrael Sinsuat, kinatawan ng Indingeous Peoples, PNP, Army at MILF

-0-

Local..

Halal vegetable production itinuro ng DA 12 sa mga halal practitioner sa Polomolok, South Cotabato

Nagtapos sa Halal Vegetable Production and Postharvest Training ng DA 12 ang mga halal practitioner sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Ang training sa Koronadal ay pinangunahan ng Halal Food Industry Development Program o HFIDP ng DA 12.

Layon nito na madagdagan ang kaalaman ng mga participant para mapataas ang kanilang kita at matulungan ang mga mahihirap na komunidad.

Ito ay sa pamamagitan ng pagtuturo  sa kanila ng vegetable production at post-harvest activities.

Itinuro ni HFIDP Deputy Coordinator Sahod Aguil sa mga sinanay na halal practitioner ang basic concept ng halal at Tayyib Food.

Habang ibinahagi naman ni Farmer Superintendent Shernova Joice Taguas ang vegetable production at postharvest management.

-0-

Local..

BFP may paalala sa publiko matapos mailigtas sa na-trap na imburnal ang isa katao sa Koronadal

Huwag pumasok sa mga mapanganib na lugar.

Ito ang paalala sa publiko ni BFP Koronadal Senior Fire Officer 1 Hermerrie Cabanban.

Sinabi ito ni Cabanban matapos maligtas ng rescue team ng BFP  si Ricardo Español, taga Barangay Zone I.

Ayon kay Cabanban si Español ay pumasok sa imburnal sa bahagi ng Jose Abad Santos Street para manghuli ng isda sa B’lok creek.

Pero nangamba ang mga kasama nito at humiling ng tulong sa BFP nang hindi na nila ito makita.

Makalipas ang ilang oras si Español ay ligtas na nakalabas sa butas na ng imburnal na binuksan ng mga personnel ng BFP sa Alunan Avenue.

Kwento naman ni Español naligaw ito at nakatulog sa loob ng imburnal.

Siya ayon kay Cabanban ay nasa maayos ng kalagayan matapos mailigtas ng mga rescuer ng BFP.

-0-

Local…

Sumakabilang buhay na si South Cotabato Board Member Causing may kapalit na

Nanumpa na kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. si Alicia Nicole Causing kahapon.

Si Alicia Nicole ang pumalit sa ina nitong si Lyndale Marrieta Causing na sumakabilang buhay sanhi ng karamdaman noong Hunyo nitong taon.

Ang panunumpa ng batang Causing ay sinaksihan din ni DILG-South Cotabato Provincial Director Atty. Rochelle Mahinay-Sero.

Ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa appointment ni Causing  ay nauna nang inanunsyo ni Vice Governor Arthur Pinggoy Jr.noong nakaraang lingo.

Kaugnay nito pinasalamatan naman ni Causing  ang lahat ng kanyang mga supporter sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ina.

Kasabay din ni Causing na nanumpa kahapon si Floro Gandam Jr. bilang bagong myemro ng Lake Sebu Municipal Council.

Siya naman ay anak ng sumakabilang buhay na si Floro Gandam Sr. na pinalitan naman ni Vice Mayor Remie Unggol

-0-

Local..

Walong CTG members sumuko sa PNP sa  Bagumbayan, Sultan Kudarat

Pinoproseso na ng PNP para malakip sa reintegration program ng pamahalaan ang dating walong mga kasapi ng Communist Terrorist Group o CTG na sumuko sa mga pulis sa Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Ayon kay PRO 12 Regional Director Brig. General Jimili Macaraeg, i-enroll din ang mga ito sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-Clip ng gobyerno.

Ang mga sumuko ay  dating mga myembro ng Guerilla Front 73, Far South Mindanao region ng CTG.

Dala ng mga ito sa pagsuko sa joint team ng 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 at at Bagumbayan PNP ang subersibong mga dokumento.

Ayon sa mga  dating rebelde, sumuko sila dahil sa labis na hirap, gutom, at pangaabusong naranasan.

Ang pagsuko ng mga ito at pagnanais na magbagong buhay ay ipinagpasalamat naman ni Macaraeg.

-0-

Local…

SA USAPIN PA RIN NG MAGUINDANAO DEL NORTE kung saan merong dalawang nakaupong governor at dalawang vice governor…

Iginiit ni Maguindanao del Norte Vice Gov. Shariffudin Mastura na walang karapatan si Board Member Alexa Ashley Tomawis na magpalabas ng memorandum na nag-uutos sa mga kawani ng provincial board na magreport sa satellite office ni Maguindanao Gov. Abdulraof Macacua sa Sinsuat Avenue.

SA pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. John Rangal-Nadua, iginiit ni Mastura na siya ang tunay na vice governor at presiding officer ng provincial board.

Si Mastura ay vice governor ng Maguindanao Norte sa  ilalim ng kampo ni acting Gov. Bai Ainee Sinsuat habang si Tomawis ay vice governor sa kampo naman ni acting Gov. Macacua.

Wala pang ipinalabas na pahayag ang kampo ni acting Vice Gov. Tomawis sa isyung ito.

-0-

Local..

PROPOSED BUDGET NG BARMM para sa 2024, isinumete na ni Chief Minister Ebrahim sa Bangsamoro Transition Authority.

MAHIGIT P98.4 BILLION ang iprinisintang 2024 budget ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ibrahin sa Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Tumaas ito ng P13 billion kumpara noong nakaraang taon na nasa P85.3 billion.

Sa nasabing budget, P70.5 billion ay mula sa block grant, P17.3 billion ang mula naman sa savings ng mga nagdaang taon, P5 billion mula sa share ng BARMM sa natinal tax collection at P471 million na mula sa projected regional taxes.

Ilan sa mga may malaking proposed budget ngayong taon ay ang MBHTE na P30.2 billion, P17.7 billion ang sa Ministry of Public Works and Highways, Ministry of Health na P6.6 billion at MSSD na may P3.7 billion.

Sa kanyang pagharap sa BTA Parliament, siniguro ni Ebrahim na ang pondo ay para sa kapakanan ng bawat Bangsamoro at sa patuloy na kaunlarang tinatamasa na ng rehiyon.

Hiningi rin nito ang suporta ng BTA para sa pag-apruba ng nasabing pondo.

 

NDBC BIDA BALITA (Feb. 29, 2024)

HEADLINES 1   SUSPECT sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief na si ret. Colonel Balquin, naaresto ng CIDG 2 ...

BARMM Chief Minister signs into law bill creating parliamentary districts

COTABATO CITY  – Bangsamoro Region Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Balawag Ebrahim signed into law Wednesday night a bill creating...

Suspect sa pagpatay kay dating Cotabato City security chief ret. Colonel Balquin, naaresto

ITO ang kinumpirma ni CIDG BARMM Chief Lt.Col Ariel Huesca matapos maaresto ang suspek pasado alas 6:00 ngayong gabi sa Purok Lugay-Lugay, Barangay...

El Niño expected to affect up to 80 provinces – task force

MANILA – Task Force El Niño on Wednesday warned that about 80 provinces may experience the adverse effects of the weather phenomenon, sparing...

PRO-12, LGUs set rules against North Cotabato motorcycle races

COTABATO CITY  - The Police Regional Office-12, local executives and the provincial government of North Cotabato are now together addressing the...