Monday May, 20 2024 11:22:48 PM

NDBC BIDA BALITA (Oct 26, 2023)

NDBC BALITA • 08:30 AM Thu Oct 26, 2023
1
By: 
NDBC NCA

HEADLINES

1   KANDIDATO sa pagkabarangay chairman sa Lanao Sur, patay sa ambush; suspect mister ng incumbent chairperson

2   PAGPATAY SA DALAWANG kandidato sa pagka-barangay kagawad sa Cotabato City, kinundena ng MILG BARMM

3   MGA GURO sa isang barangay ng Pikit, umatras at ayaw na magsilbi sa election, mga pulis papalit sa kanilang pwesto

4   DAGDAG na mga police mula NCR, dumating sa BARMM, deployment sinimulan na kagabi

5   VOTE BUYING daw sa Pres. Roxas, ini-imbestigahan na, matibay na ebidensya kailangan, ayon sa Comelec.

6   POLICE PATROL VEHICLES, IPINAMAHAGI NG PRO-12 sa South Cotabato at iba pang lugar sa Soccsksargen

7   SOLAR CHRISTMAS lights, mas tinatangkilik na raw ng publiko, ayon sa DTI 12

-0-

SA ATING PAMBUNGAD NA BALITA

LOCAL..

KUMAKANDIDATONG pagka-barangay kapitan at BPAT member patay sa magkahiwalay na ambush at pamamaril sa Lanao del Sur

PATAY sa ambush ang aspiring Barangay Chairman ng Barangay Sigayan, Kapatagan, Lanao Del Sur, pasado alas 6:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni Lanao del Sur police provincial office Director Col. Robert Daculan ang nasawi na si Kamar Bilao Bansil, kumakandidatong kapitan sa Barangay Sigayan habang sugatan namang asawa nitong si Jasmin Macalanggen at ang kanilang lalaking anak.

Ang suspek ay kinilalang si Pabil Pagrangan, asawa ng reelectionist Chairwoman ng Barangay Sigayan at mga kasamahan.

Sinabi ni Daculan na sakay ng puting multicab ang mag-anak nang paulanan sila ng bala.

Abot sa 29 na basyo ng 5.56 caliber ang narekober sa crime scene.

SAMANTALA, sa nasabing bayan pa rin, patay din sa ambush ang isang BPAT member na si Abukalid Macalnas, 39 toang gulang makaraang barilin habang nasa isang shop sa Narciso Ramos Hiway, Barangay Daguan, mga als 10 ng umaga kahapon.

Siya ay binaril sa ulo ng isa sa dalawang suspect na ngayon ay tinutugis na ng PNP. Tuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.

-0-

Local…

Dumating na sa Cotabato City kagabi ang halos 200 mga pulis mula Police Regional Office ng BARMM para sa kanilang election duties.

Ang mga ito ilalagay sa mga police stations sa lungsod bilang dagdag pwersa ng Cotabato City Police para sa mapayapang Barangay at SK elections, ayon kay city police director Colonel Querubin Manalang Jr.

Sa Pagalungan, Maguindanao del Sur, isinagawa rin ang send-off ceremony para sa mga sundalo na itatalaga sa ibat ibang barangay ng bayan na pinapangambahang maging magulo sa eleksyon.

Nanguna ang taga Comelec, mga local officials ng bayan at si 90th Infantry Battalion Lieutenant Colonel Rowel Gavilanes sa programa.

Ang deployment of troops ay bahagi ng pagsisikap ng Comelec, AFP at PNP na maging maayos ang halalan sa lunes.

-0-

Local…

NANAWAGAN si Cotabato City election officer Atty. supervisor Norpaisa Paglala-Manduyog sa lahat ng mga registered voter na lumabas at bumuto sa lunes.

Ginawa ni Manduyog ang kahilingan sa ginanap na news conference.

Aniya, sa nakalipas na barangay elections, halos 50 porsiento lang ng mga registered voters ang bumuto sa lungsod.

Ang Cotabato Ctiy ay merong 157,000 registered voters.

Hiniling din ni Manduyog sa mga botante na alamin ngayon pa lang kung saan ang kanilang voting precinct upang di mahirapang maghanap sa lunes o sa araw na ng eleksyon.

Nanawagan din siya sa mga botante na huwag matakot, lumabas at bumoto dahil sapat ang tropa ng pamahalaan para tiyakin na ligtas ang halalan.

-0-

LOCAL…

Naiipit sa pagsisilbi sa bayan at takot sa posibleng banta sa seguridad.

Ito ang pahayag ng mga guro na nakapanayam ng Radyo BIDA matapos na ring kumalat ang petition letter laman na nais ng kandidato na mag back out ang mga guro dahil umano’y bias at hindi kwalipikado na magsilbi.

Dahil dito, nakaramdam na rin ng takot ang ilan pero sa iba pinaubaya nalang sa force multipliers ang kanilang seguridad.

Idiinin pa nila, NON-Partisan ang mga guro at walang kinatitigan dahil serbisyo lang ang layun.

Sakrpisyo rin anya ito para sa kanila dahil hindi nila batid ang seguridad matapos matanggap ang report ng pananakot at harassment.

-0-

LOCAL…

Wala pang resulta ang gingawang imbestigasyon ng Commission on Election o COMELEC sa kaso ng vote buying activity ng hindi pinangalanang kandidato sa President Roxas, North Cotabato.

Sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Myla Luna Bayao, nais niyang may sapat na ebidensya sa consolidated report mula sa tatlong ahensya na siyang tututok dito bago maisampa ang election offense.

Samantala, kung mayroon ng sapat na ebidensya base sa ginagawang imbestigasyon mismong si Atty. Luna ang magsasampa ng kaso o petition for disqualification.

-0-

Local…

4 by 4 vehicles na magagamit sa BSKE ibinigay ng PRO 12 sa mga police units sa rehiyon

Iti-nurn over kaagad ng PRO 12 ang mga sasakyan at iba pang mga gamit para mapakinabangan na ng ibat ibang PNP units sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa rehiyon.

Sinabi ito ni PRO 12 Regional Director Brig. General Jimili Macaraeg.

Kabilang sa mga ito ang 27 4 by 4 vehicles at 70 Enhanced Combat helmets.

Sinabi ni Macaraeg na kailangan ng PNP ang mga sasakyan dahil higit sa 80 mga barangay sa rehiyon ay mga  liblib o  nasa geographically isolated and disadvantage areas at mahirap akyatin ng mga ordinaryong sasakyan.

Nakatanggap ng 4 by 4 vehicles ang walong mga bayan sa South Cotabato.

Ang pag-turn over sa mga ito ay pinangaunahan mismo ni Macaraeg sa provincial police headquarters.

Hangad din ng nasabing police official na mabigyan ang Koronadal PNP ng mga motor na mas madali aniyang  gamitin sa paghabol sa mga  kriminal sa mga ma-trapik na lugar.

-0-

Local…

Solar Christmas lights mas tinatangkilik na raw ng publiko ayon sa DTI 12

Dumadami na ang bilang ng mga mamamayan na gumagamit ng solar Christmas lights.

Sinabi ito ni DTI 12 Consumer Protection Division OIC Epifania Ealdama.

Ayon kay Ealdama, bukod kasi sa mas ligtas gamitin mas matipid din sa kuryente ang solar Christmas lights.

Gayunpaman ayon kay Ealdama mahalaga pa rin na maintidhan ng  mga consumer ang kanilang mga responsibilidad.

Dahil sa pamamagitan nito hindi lamang nila napro-protektahan ang kanilang mga sarili kungdi maging ang mga kapwa mamimili at mga establisemento.

Kaya payo ni Ealdama sa publiko tiyakin na may ICC stickers o PS mark hindi lamang ang mga bibilhing Chrismas lights kungdi maging ang iba pang mga produkto.

-0-

Local…

Mindanao leg ng Filipino Values Month Celebration sinimulan ng NCCA sa Lake Sebu, South Cotabato

Sa Nobyembre pa ang Filipino Values Month pero sinimulan na ang Mindanao Leg ng selebrasyon nito sa Lake Sebu, South Cotabato.

Pinangunahan ito ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA sa pakikipagtulungan sa Lake Sebu LGU.

Tampok sa selebrasyon na tinawag ding “Gono Pinoy” ang school caravan ng NCCA kung saan ituturo sa mga estudyante ang 20 mga Filipino Values.

Ayon kay NCCA Commissioner for Cultural Dissemination Carlo Ebeo, gagawin nila ito sa pamamagitan ng educational at performances ng mga local talents, story telling, games at iba pa.

Ilan lang sa  mga katangian ng mga Pilipino na kalakip sa NCCA Values Formation Program ang Pagmamahal sa Pamilya at Pamayanan, Pananampalataya, Pagkamit ng Edukasyon, Kalusugan at Kalinisan, Pagtugon sa Pangunahing Pangangailangan, Katapatan at karangalan, Kapayapaan at  kaunlaran at marami pang iba.

Ipinunto pa ni Ebeo na ang Balay Pinoy ay hindi lang selebrasyon kungdi ito ay pamamaraan din para mapanatili ang kaugalian o Filipino values.

-0-

Local…

Feeding program ng DSWD  mapapakinabangan ng higit sa 90,000 na mga day care pupils sa region 12

Sinimulan na ng DSWD 12 ang delivery ng food supplies sa iba’t ibang mga lugar sa rehiyon.

Gagamitin ang mga ito sa paghahanda ng hot meals para sa higit 93,000 na mga day care children sa SOCCKSARGEN.

Ito ay ayon kay DSWD 12 Supplementary Feeding Program o SFP Focal Person Merilyn Guerra.

Ayon pa kay Guerra, naabot na ng food supplies ang Lake Sebu sa South Cotabato, Maasim sa Sarangani at Tacurong sa Sultan Kudarat.

Ang feeding program na magbibigay ng hot meals sa mga benepisyaryong day care pupils ay magtatagal ng 120 days.

Tiniyak naman ni Guerra na makararating din sa tamang oras ang hot meal food supplies sa iba pang mga lugar sa region 12.

-0-

Local…

Model IP family sa South Cotabato pinarangalan

Kinilala bilang 2023 Most Outstanding IP Model Family sa South Cotabato ang pamilya nina Roberto at Rosalie Magon ng bayan ng Tupi.

Ang mga ito ay nangibabaw mula sa pito pang mga nominado mula sa ibat’ ibang mga lugar sa lalawigan na sumailalim sa masusing evaluation.

Ito ay ayon kay Board of Evaluators Chairperson Henry Malida.

Ang pamilya Magon ay nakatanggap ng P50,000 na premyo.

Tinanghal naman na First Runner Up ang pamilya nina Jessie at Donette Bento ng Lake Sebu na nabigyan ng P30,000.

Habang Second Runner naman ang pamilya nina Jun at Lilia Ula ng Polomolok na tumanggap ng P20,000.

Ang ibang mga nominado ay nabigyan naman ng tig P10,000.

Naging batayan naman sa pagpili sa mga nanalo ang relasyon ng bawat myembro ng pamilya, katagian ng mga ito, galing sa pamamahala ng kanilang resources, pakikiisa sa mga aktibidad sa komunidad, at kalidad at uri ng pamumuhay.

Ang pagpaparangal sa Model IP family ay tampok sa 8th Provincial Indigenous Peoples Day at 16th Kastifun Festival ng lalawigan kahapon.

Ito ay bilang kabahagi din ng IP Month Celebration ngayong Oktubre.

 

Groups, BARMM officials condemn Cotabato City chapel bombing

COTABATO CITY - Various sectors condemned Sunday’s grenade attack on a small Catholic chapel in a residential area here that hurt two worshipers and...

2 drug peddlers nabbed, over P1-M shabu seized in Pikit anti-drug ops

GEN. SANTOS CITY  – Anti-illegal drug entrapment operation in Barangay Ladtingan, Pikit, North Cotabato on May 19, 2024, led to the arrest of...

MNLF’s political bloc urges members to stay off hostile politics

COTABATO CITY - The political party of the Moro National Liberation Front on Saturday reminded its more than 90,000 duly registered members to avoid...

Granada na pinaglaruan ng isang binatilyo, na recover ng PNP sa Bansalan, Davao Sur

KIDAPAWAN CITY - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang 14 na taong gulang na binatilyo matapos na marecover mula sa kanya ng pulis ang isang...

Cardinal Quevedo's statement of condemnation on Cotabato chapel bombing

As a member of the BARMM Council of Leaders representing the Christian Settler Communities and as Catholic Cardinal, I condemn in the strongest terms...