Friday May, 17 2024 06:22:43 AM

NDBC BIDA BALITA Oct. 29, 2015

 • 20:19 PM Thu Oct 29, 2015
1,687
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

OCTOBER 29, 2015
(THURSDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. 1 patay sa pananalakay sa coastal barangay ng Cotabato City kanina.2. NOTORYUS na Kidnap For Ransom group
leader na si Lastikman, inilipat na ng kulungan sa Bicutan, Taguig.

3. NEGOSYANTE, huli sa buy bust
operation sa Matalam, North Cotabato 4. Dalawangsuspected carnapper ng
General Santos City, naaresto sa Kidapawan City5. Mga LGU na matagumpay na
nakikipaglaban kontra iligal na droga, pararangalan sa South Cotabato

Local……………….

MAGPAPATUPAD
ng traffic rerouting ang Traffic Management Unit o TMU sa Cotabato city ngayong
Undas, November 1 hanggang November 2.

Sinabi
ni City TMU chief police Sr. Insp. Jofet Villanueva na tiyak na magkakabuhol
buhol ang trapiko sa naturang mga panahon kaya’t kailangan ang traffic
rerouting.

Samantala,
nanawagan naman ang City PNP sa mga bibisita sa kanilang mga yumao na bawal ang
pag inum ng alak at paninigarilyo sa mga sementeryo.

Iikot ang mga pulis simula November 1 hanggang November 2 sa mga sementeryo para
matiyak ang seguridad ng mga bibista sa mga puntod.

May emergency
response team din na naka-stand by at first aid assistance desk sa mga
sementeryo para agad na magresponde sakaling may emergency.

Local

DALAWANG ARAW na lang at matatapos na
ang voters’ registration at biometrics capturing ng Commission on Elections o
COMELEC.

Kaya naman tuloy ang panawagan ng
komisyon sa mga qualified voter na magparehistro na sa kani kanilang mga local
comelec office para makaboto sa 2016 elections.

Sa lahat naman ng mga rehistradong
botante, muling nagpa alala ang Comelec na kailangan pa rin ng mga itong
magpakuha ng biometrics.

Giit ng Comelec No Bio, No Boto”

Pakiusap ng Comelec, huwag nang
hintayin pa ang last day bago pumunta sa kanilang mga tanggapan para
magparehistro upang makaiwas sa abala.

Local………………..

TILA
NABUNUTAN ng tinik ang Maguindanao Provincial jail matapos tuluyang mailipat ng
kulungan sa Bicutan, Taguig ang notoryus na lider ng Kidnap for Ransom Group na
si Datukan Montoc Samad, alyas Kumander Lastikman na miyembro noon ng MILF lost
command.

Sinabi
ni Maguindanao provincial jail warden Macapagal Blao na noong Martes, October
27 tuluyang inilipat sa Taguig si Lastikman matapos lumabas ang court order
para rito.

Si
Lastikman ay may kinakaharap na kasong multiple

Murder,
kidnapping, extortion, pagnanakaw at illegal possession of firearms.

Ayon
kay Blao, inilipat ng kulungan si Lastikman upang hindi na ito makatakas pang
muli tulad ng ginawa nito sa Amas provincial jail at Maguindanao provincial
jail.

Local …………………

MAY MGA
ITINALAGANG BAGONG mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Cotabato City.

Matapos ang
deliberasyon at aprubahan ng Committee on Local Governance ng Sangguniang
Panglungsod ang kanilang mga appointment, nahirang bilang bagong city social
welfare officer si Veranda Samson.

May bago na
ring budget officer ng lungsod sa katauhan ni Teresita Miranda, dating assistant
city planning and development officer, kapalit ng nagretiro nang si Engr.
Abedan Solano.

Si Dr. Danda Juanday naman ang bagong city administrator kapalit ni Atty. Cynthia
Guiani-Sayadi na bumaba sa pwesto matapos maghain ng Certificate of Candidacy sa
pagka-bise alkalde ng lungsod.

Samantala,
nangako naman ang naturang mga opisyal na kanilang sisikapin na maglingkod sa
publiko ng tapat at maayos sa abot ng kanilang makakaya.

Anila,
ipagpapatuloy nila ang trabahong sinimulan ng kanilang mga pinalitang opisyal
para tumugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng lungsod.

Local…………………….

MARIING
ITINANGGI ngayon ng Sultan Kudarat Police station ang kumakalat na report na
may mga nakatakas na bilanggo sa kanilang lock up cell.

Ito ang agad
nilinaw ni Sultan Kudarat PNP Operations Chief SPO2 Kasim Purong sa DXMS Radyo
Bida matapos makatanggap ng report na walong inmate umano ang nakatakas sa
lock-up cell ng nasabing police station kamakalawa.

Ayon kay Purong,
pawang mga safe-keeping personnel lamang umano ang lumayas sa kanilang police
station.

Aniya, ang
kanilang safe keeping personnel ay mga volunteer na tumutulong sa kanila sa
paglilinis at iba pang gawain sa police station.

Sabi ni Purong,
hindi nakakulong ang mga ito sa lock-up cell dahil wala namang kaso ang mga ito
maliban na lamang sa isang menor de edad na kinasuhan ng theft.

Gayunpaman, hindi
ito maaaring ikulong kaya isinama na lamang ng Sultan Kudarat Municipal Welfare
and Development Office sa safe-keeping personnel ng Sultan Kudarat PNP.

Samantala,
sinabi ni Purong na bumalik na ang isa sa mga safe keeping personnel kahapon
habang ang iba naman ay umuwi lamang sa kanilang bahay.

Inaasahan din
aniya ng Sultan Kudarat PNP na ibabalik din ng kanilang mga magulang sa
kanilang himpilan ang mga umalis na safe-keeping personnel.

Local...Mahigpit nang ipagbabawal sa North Cotabato ang Genetically Modified Rice sakaling tuluyan ng maimplementa ang naaprubahang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan.Sinabi ni Cotabato 1st District Board Member Loreto Cabaya Jr., chair ng SP Committee on Agriculture, ang ordinance no. 2015-14-005 o Promoting the Organic Agriculture and Agricultural Diversity ay mahigpit na nagbabawal sa pagpasaok, pag-import, promosyon, pagtatanim at pagbebenta ng Genetically Modified na bigas kagaya sa Golden Rice sa lalawigan.Layunin nito na mapalago pa ang Organic Farming sa probinsiya at maprotektahan ang mamamayan sa mga sakit na posibleng hatid ng nabanggit na variety.Ayon kay Cabaya, tumaas na ngayon ang demand ng organic rice sa merkado bagay lamang na bigyan ng halaga ito lalo na sa maliliit na magsasaka.Nakasaad rin sa naturang ordinansa na maaaring mapatawan ng penalidad ang lalabag sa biglaang pagtanim ng Genetic rice mula sa nakasanayang organic rice maging ang paggamit ng abono nito.Kaugnay nito, nakatakda nang buuin ang komite na siyang gagawa ng Implementing Rules and Regulation o IRR sa nabanggit na ordinansa at inaasahang bago ang 2016 ay matatapos na ang proseso nito.Base sa talaan ng Department Of Agriculture sa kasalukuyan ang Nprth Cotabato ang pinakaunang exporter ng Brown Rice at red Roce mula sa Don Bosco Farms ng Makilala at bayan ng Mlang.PNakaalerto ngayon ang Makilala PNP sa posibleng muling pag-atake ng New People's Army o NPA sa brgy. Luna Sur, Makilala, North Cotabato.Ito matapos ibinunyag ni Police Chief Ins. Elias Colonia sa DXND Radyo Bida nagbanta ang NPA sa kompanyang DOLE Stanfilco bago ang pagtakas nito matapos ang isinagawang panghaharas at panununog noong lunes.Ayon kay Colonia, nagbilin raw ang mga armadong grupo sa kanilang dinis-armahang gwardya ng nabanggit na planta na taasan ng kompanya ang sahod ng kanilang mga trabahante at itigil na ang paggamit ng pestisidyo sa kanilang operasyon na umano nagbibigay ng masamang epekto sa kalusugan ng mga residente sa lugar.Pero di rin makumpirma ni Colonia kung sa mga NPA ba nanggaling ang nabanggit na kahilingan o una na itong ipinaabot ng mga trabahante at residente sa DOLE Stanfilco Management.Sa dagdag na imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari nabatid na maliban sa panununog sa dalawang ulo ng prime mover truck at pag-dis arma sa dalawang mga on duty guard ay sinira din ng NPA ang computer connections sa opisina at may ilang mga gamit ang nawawala.Wala pa ring pahayag ang DOLE STANFILCO sa nabanggit na pangyayari at hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakalinlan ang mga suspek na nangharas sa lugar maging testimonya mula sa mga gwardiya ay negatibo rin.Sa ngayon,nagsagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Makilala PNP sa nabanggit na krimen. Local...NAKITAAN ng probable cause o prima facie evidence ng Office of the Ombudsman Mindanao para iakyat sa korte ang reklamong falsification of public documents kontra kina Makilala Vice-Mayor Ricky Cua at mga opisyal at miyembro ng Bids and Awards Committee o BAC.
Ang isyu ay may kaugnayan sa umano pagbili noong 2013 ng higit 300 na paresan ng reading eyeglasses para sa mga senior citizens na taga-Makilala.
Isinampa ang naturang mga reklamo ng isang Rodillin Estrella.
Ayon sa Ombudsman, may sapat na ebidensiya para i-rekomenda ang pagsasampa ng dalawang counts ng falsification na kasong criminal isang count ng paglabag sa Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Official and Employees na kasong adminitratibo at isang count ng paglabag sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act na isang graft case.
Inirekomenda rin ang pagsasampa ng dalawang count ng kasong falsification kontra kina BAC chairman at Municipal Engineer Roel Caoagdan Municipal Budget Officer Mario Ranis at mga miyembro na sina Edwin Arellano, Pio Abonado, Jr., at Giovanni Ignacio.
SAMANTALA, dinismis naman ng Ombudsman ang kasong falsification kontra kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan at Municipal accountant Lydia Morales dahil sa kakulangan ng ebidensiya.Kaugnay nito, inihahanda na ni Vice-Mayor Cua ang pagsasampa ng motion for reconsideration sa Ombudsman.
Di raw siya kuntento sa naging desisyon ng ahensiya.
Para sa kanya, maagang pamumulitika lamang ang lahat. Duda niya, ang kalaban niya sa posisyon sa 2016 elections ang nasa likod nito. Local...Naaresto ang isang 43-anyos na market vendor sa inilunsad na buy bust operation ng Matalam PNP katuwang ang PDEA Region 12 sa mismong palengke ng Matalam, North Cotabato pasado alas tres ng hapon kahapon.Kinilala ni Police Chief Ins Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang suspek na si ALDIN BALDONADO BULANON alyas WHITE na taga PUROK MORNING GLORY, Poblacion Matalam.Nakuha mula suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu.Inahahanda na ngayon ng PNP ang kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 na isasampa labans sa kanya.Sa Kidapawan City, kulungan naman ang bagsak ng dalawang suspected carnappers matapos itong mahuli ng Kidapawan City PNP sa brgy. Gayola ng Lungsod.Naaresto ang isang 21-anyos na lalaki na si Waren Sarita na taga Saranggani Province at kasama nitong isang menor de edad matapos makipag ugnayan ang General Santos PNP personnel na nasa area of responisibility ng Kidapawan PNP nagtatago ang mga suspected carnapper at wanted sa Gensan.Agad namang tinungo ng City PNP ang brgy. Gayola alas tres ng hapon kahapon kung saan matagumpay na nahuli ang mga suspek.Narekober sa kanila ang isang Unit ng na Yamaha Mio Sporty Motorcycle na may license plate 5560 MY.Nasa kustodiya na ngayon ng General Santos City custodial center ang mga nahuling suspek. Local...Sa layuning maging ligtas ang mga estudyante sa mga eskwelahan, tinuruan ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction Management Office o CDRRMO ang mga piling elementary at high school students ng lungsod kung papaano makakatugon sa panahon ng kalamidad at emergencies.Mismong si City Mayor Joseph Evangelista ang humikayat sa mga mag-aaral na maging aktibo sa panahon kung sakaling tumama ang kalamidad sa kanilang paaralan. Maliban sa mga itinuro sa mga estudyante na paghahanda, tinuruan rin sila kung paano tumugon sa suliranin ng Climate Change. Ayon kay Mayor Evangelista bahagi ito ng Public Safety Programs na kanyang isinusulong sa iba't-ibang komunidad sa lungsod at Highlight rin ng Children's Month na ginugunita ngayong buwanIpinaliwanag rin sa mga bata ang kanilang papel sa komunidad alinsunod sa United Nations Convention on the Rights of Children o UNCRC.Kabilang rin sa lectures na ibinigay ang Department Order mula sa DepEd no.27 series of 2015 o ang Promoting Family Earthquake Response at DO 23 o Guidelines on Student-led School Watching and Hazard Mapping.Umaasa si Evangelista na sa pamamagitan ng DRRM Camp ay makakabuo ng Student School Watching Team ang bawat public at private elementary at high school sa Kidapawan City. Local...Nailatag na ng pulisiya sa South cotabato ang mga plano nito para matiyak ang matiwasay AT MAAYOS na paggunita ng Undas at Todos Los Santos sa lalawigan.
Ito ay tiniyak ni Senior Superintendent Jose Arnaldo Briones Jr, ang PNP Provicial Director ng South Cotabato.
Sa katunayan ayon kay Briones, nakaalerto na ang pulisiya dahil sa Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy Games na magtatapos sa Koronadal City ngayong araw.Inihayag ng police official na karagdagang mga pulis ang itatalaga sa mga sementeryo, terminal, mall, tourist destination at iba pang mga matataong lugar sa Undas at Todos Los Santos.Maglalagay din ng police assistance desk ang pulisiya sa mga sementeryo sa buong lalawigan.
Ito ayon kay Briones ay bilang kabahagi ng pagpapatupad ng Oplan Ligtas Undas ng pulisiya.Pinaalalahanan din ni Briones ang publiko na mariing ipinagbabawal ang alak , matatalim na bagay, at maging pagsusugal sa loob ng mga sementeryo.
Ayon sa police official, sakali mang magdala ng bata dapat ay maglagay ng papel sa kanilang bulsa na mayroon contact number at pangalan ng mga magulang o guardian.Layon nito ayon kay Briones ang mas madaling paghahanap sakali mang mawala ang mga ito sa mga sementeryo. Local...Inaasahang makikilahok sa national AIDS Congress sa South Cotabato ang mahigit apatnaraang katao.
Ang mga ito ayon kay John Cudilla, ang HIV/AIDS Focal Person sa South Cotabato ay kinabibilangan ng mga health officials ng Department of Health o DOH.
Dadalo din sa aktibidad ang mga HIV Program Coordinators ng bawat rehiyon, local government units, HIV Advocates at iba pa.
Layon ng AIDS Congress na makapagbalangkas ng mga kukulang hakbang kung papaano malabanan ang sakit na HIV/AIDS.
Ito ay gaganapin sa Koronadal City sa Nobyembre biente singko.
Kinumpirma naman ni Cudilla sa isang pulong balitaan, na walo katao na ang nasawi dahil sa HIV/AIDS sa South Cotabato ngayogn 2015.
Nabatid na dalawa sa mga ito ay nasawi matapos tumigil sa pag-inom ng anti-retroviral drugs nitong quarter.
Umapela naman si Cudilla sa mga mamamayan sa lalawigan na pakinabangan ang libreng HIV testing na isinagawa ng integrated provincial health office ng South Cotabato. Local...Local...Sinimulan na ng Provincial Anti Drug Abuse Council o PADAC South Cotabato ang pag-evaluate sa mga City at Municipal Anti Drug Abuse Council ng bawat lokal na pamahalaan sa lalawigan.
Ito ay kaugnay naman sa Search for Outstanding Anti Drug Abuse Council.
Layon nito na maparangalan ang mga lokal na pamahalaan na pinakamatagumpay na nakapagsugpo ng problema sa illegal na droga.
Ayon kay Board Member Agustin Dema-ala at PADAC Permanent Representative, magiging batayan naman sa pagbibigay ng parangal ang organization o reorganization, advocacy, anti illegal drug operation, at administrative function.
Ayon kay Dema-ala ang mga top four winners ay makatatanggap ng pitumpong libo, limampung libo, tatlumpung libo at sampung libong cash incentives.
Nilinaw ni Dema-ala na dahil sa iniaatang na sa bawat LGU, hindi na magsasagawa ng evaluation sa mga Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC ang CADAC.
Ang team ng mga evaluators sa search ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa PNP, Provincial Information Office, PDEA at DepEd.
Ang awarding ceremony sa Outstading CADAC o MADAC sa South Cotabato ay gagawin naman sa Nobyembre. Local...Posibleng mabubuksan na ang Allah Valley Community Hospital sa bayan ng Surallah, South Cotabato sa Enero 2016.
Ito ay ayon kay South Cotabato Governor Daisy AVance Fuentes.
Ayon kay Fuentes, tanging inaayos na lamang ngayon ng provincial government ang linya ng tubig sa ospital.
Paliwanag ng gobernador naantala ang paglalagay ng water system sa ospital dahil sa dalawang beses na pagkabigo ng bidding nito.
Tiniyak ni Fuentes na naayos na rin ang linya ng kuryente sa ospital at maging ang staffing nito.
Matatandaan na dahil sa ilang mga problema, hindi natuloy ang pagbubukas ng Allah Valley Community Hospital noong nakaraang taon.
Kabilang ANG PAGKAANTA LA pitumpung milyong pisong pondo na ipinangako noon ng Department of Health o DOH.
Ang ospital ay ipinatayo para magisilbing annex at para maibsan ang siksikan ng mga pasyente sa South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City.
Ang Allah Valley Hospital ay mapapakinabangan ng mga mamamayan sa upper valley area ng South Cotabato.
Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Banga, SuralIah, Lake Sebu,Sto.Nino at Norala.
Ang pasilidad ay balak ding gawing Regional Hospital sa SOCCKSARGEN.
Local...Makakaranas pa rin ng mahabang tagtuyo’t ang South Cotabato .
Ito ang nilinaw ni Dante Ariola ang OIC ng Pagasa sa General Santos City.
Ayon kay Ariola, dahil sa mga pagulan natanggal sa talaan ng mga lugar na maaring salantain ng El Nino ang South Cotabato noong Setyembre.
Pero ayon kay Ariola na nanatili pa ring sa below normal ang mga pagulan sa South Cotabato ngayon.
Dinagdag din nito na maaring mararamdaman ng mga mamamayan sa lalawigan ang epekto ng dry spell mula Disyembre hangang sa Hunyo sa susunod na taon.
Nauna nang pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan at Deparmtent of Agriculture ang mga mamamayan sa South Cotabato na para maibasan ang epekto ng El Nino, dapat magtanim na muna ng mga produkto tatagal sa dry spell, tulad ng mga root crops.NDBC BIDA BALITA

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...