Monday Jun, 17 2024 04:25:23 AM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 3, 2016)

 • 16:18 PM Mon Oct 3, 2016
1,590
By: 
NDBC
One of the participants to Koronadal City dog show

NEWSCAST

OCTOBER 03,
2016 (MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1.
ISLAMIC NEW YEAR ipinagdiriwang ngayong
araw

2.Plastic bag, bawal na sa Koronadal
City, ayon sa City Environment and Natural Resources Office

3. Mga alagang aso, nagrampa sa Koronadal dog fashion show.4. Ilang miembro ng BIFF, tumiwalag at sumapi na daw sa ISIS. DEKLARADONG HOLIDAY ngayong araw dahil
sa pagdiriwang ng Amon Jadeed o ang Islamic New Year ng mga kapatid nating
Muslim.

Ang Islamic New Year ay pagsisimula ng
bagong taon sa mga Mananampalatayang Islam kung saan tinawag itong Hijra na
nataon naman sa taong 1438.

Dahil dito, walang pasok sa skwela at
trabaho ang mga taga lalawigan ng Basilan, Lanao del Norte at Lanao del Sur,
Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-tawi, Zamboanga del
Norte at Zamboanga del Sur.

May mensahe naman si Autonomous region
in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman para sa lahat ng kapatid nating Muslim
sa pagdiriwang ng Islamic New year ngayong araw.

Maging si Cotabato City Vice Mayor
Graham Dumama ay nagbahagi din ng kanyang mensahe para sa lahat sa pagdiriwang
ng Amon Jadeed. KINUMPIRMA NI JUSTICE Sec. Vitaliano Aguirre
II na posibleng ilabas sa mga susunod na araw ang ikatlong narco-list” ni
Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Aguirre, maaari nang isapubliko ng
pangulo ang naturang narco-list dahil meron silang Cabinet meeting ngayong
araw.

Tiniyak naman ng kalihim na magiging
‘credible’ ang ilalabas na naturang narco-list ng pangulo.

Kamakailan ay naging kaduda-duda ang mga
naunang narco-list ni Duterte matapos aminin ang lapses sa pagsasangkot nito
kay Pangasinan Rep. Amado Espino at dalawa pang opisyal sa iligal na droga.

Sinabi ni Aguirre na na-delay ang paglalabas
ng ikatlong narco-list dahil nais ni Pangulong Duterte na masusi itong
masiyasat.

Limang beses aniyang pina-verify ng pangulo
sa mga law enforcement agency ang naturang listahan bago ito ilabas sa publiko.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte na
hindi bababa sa isanlibong indibiduwal ang kabilang sa panibagong narco-list na
kanyang ilalabas.

Sinabi
rin ng pangulo na kabilang sa listahan ang ilang Chinese nationals at hindi
bababa sa apatnapung hukom. PLANO ng
Department of public works and highways REGION 12 na magpatayo ng tulay sa
kahabaan ng Brgy. Dualing sa bayan ng Aleosan.

Ito matapos
na gumuho ang bahagi ng kalsada rito mula pa noong nakaraang linggo.

Ayon kay DPWH
region 12 director Engr. Reynaldo Tamayo, agad silang naghain ng proposal para
sa kanilang planong magpatayo ng tulay sa Dualing road upang maiwasan na ang
muling pagguho nito.

Dahil sa
naturang perrennial problem isa sa nakikitang short term solution, ayon kay
Tamayo, ay ang pagtatayo ng konkretong tulay sa nasabing lugar. AGAW BUHAY
NGAYON sa isang pagamutan dito sa lungsod ng cotabato ang isang lalaki matapos
itong mabiktima ng pamamaril sa bayan ng Matanog Maguindanao.

ANG biktima
ay kinilalang si Mastura Acmad Talino, 29 anyos, may-asawa at residente ng
nabanggit na lugar.

Base sa
salaysay ng asawa ng biktima, pasado alas tres ng hapon nitong sabado habang
nasa kanilang tahanan ay bigla na lamang umano silang pinasok ng isang di
nakilalang lalaki at pinagbabaril ang kanyang mister.

Tinamaan ang
kanyang mister sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan mula sa hindi pa matukoy
na uri ng baril.

agad namang
isinugod sa pagamutan ang biktima upang maisalba ang kanyang buhay. Kinumpirma
ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na umalis na ang lima sa mga
dating miyembro nito.

Ayon
kay BIFF Spokesperson Abu Misry Mama, wala na umano silang kinalaman kung
anuman ang isagawang aktibidad ng limang kumalas sa grupo.

Giit
ni Mama, hindi nila pinipigilan ang anumang desisyon ng kanilang mga miyembro.

Pero kahit sino man ang kumalaban sa mga sundalo
kahit pa hindi nila miyembro ng BIFF ay susuportahan nila Napapakinabangan na ngayon ng mga mamamayan ang kabubukas pa lamang na bike lane sa Koronadal City.
Ito ay matapos ilunsad ng local na pamahalaan kasabay ng pagsisimula ng 16th Charter Anniversary at 6th Negosyo Festival ng lungsod.
Dumalo sa a paglunsad ng bike lane ang daang daang mga siklista sa Koroandal City.
Ang may apat na kilometrong bike lane ay matatagpuan sa kahabahaan ng General Santos Drive mula Rotonda hanggang city hall.
Ayon kay Koronadal City Mayor Peter Miguel layon ng paglalagay ng bike lane na magsisilbi ring walk lane na matiyak ang kaligtasan ng mga siklista at mga jogger ng Koronadal.
Inihayag din ng alkalde na sa pamamagitan nito ay naisusulong din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ng mga mamamayan.
Sinabi ni Miguel na para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na gagamit sa bike lane, isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ang ordinansa ma mag-reregulate dito.
Ayon kay Miguel,kapag naabprubahan ang Bike lane ordinance pagmumultahin ang may ari ng mga motorsiklo, public utility vehicles at iba pang sasakyan na dadaan dito. Bawal na ang paggamit ng plastic bag tuwing araw ng Sabado sa Koronadal City.
Ito ay na matapos ipatupad ng local na pamahalaan ang No Plastic Bag Day”, bilang pagsunod sa Solid Waste Management Code ng lungsod.
Nilinaw naman ni City Environment and Natural Reseources Officer Agustus Britania na simula Setyembre sa susunod na taon, mariin nang ipagbabawal sa lahat ng araw ang paggamit ng plastic bag.
Ang mga maliliit na establisemento tulad ng mga karinderya na mapatunayang lumabag sa ordinansa sa unang offense ay paalalahanan lamang ng local na pamahalaan.
Ang mga lumabag dito sa second, third at 4th offense ay pagmumultahin ng mula P100 hanggang P400 pesos pataas.
Matapos balaan sa unang offense, ang mga consumer na lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin naman ng P50, P100, at P150 sa first, second, third at 4th Offense.
Mas malaking multa naman na mula sa P500,000 at dagdag na 10% ng kanilang kita sa buong taon ang ipapataw sa mga mall at iba pang malalaking commercial establishment na lalabag sa No Plastic Bag on Saturday Day.”
Sinimulan ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth Region 12 ang Elderly Week Celebration sa pamamagitan ng Walk for Life.”
Ang aktibidad na ginanap sa South Cotabato Sports Complex ay dinaluhan ng mahigit 500 senior citizens mula sa iba’t ibang lugar sa Region 12.
Naniniwala si Philhealth 12 Regional Vice President Miriam Grace Pamonag na sa pamamagitan nito ay naipapapakita sa mga mas nakatatanda ang pagpapahalaga sa kanila ng komunidad.
Ayon kay Pamonag hindi kasi maikakaila na kadalasang naging hinaing ng mga senior citizens ang kabagalan ng gobyerno sa pagtugon sa kanilang mga hinaing.
Sinimulan ang Walk for Life” sa pamamagitan ng Zumba Exercise , kasunog nito naglakad naman sa oval ng sports complex ang mga senior citizens
Ayon kay Pamonag naging daan din ang aktibdad upang masuri ang nutritional at health status ng mga senior citizens.
Nabigyan din ang mga ito ng Pneumonia Vaccine.
Katuwang ng Philhealth sa pagpapatupad nito ang Department of Health o DOH 12.
Nagbigay ng dagdag na P2.1 million para sa mga benipisyaryo ng Kabugwason Educational Assistance ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Ito na na pangalawang bugso ng pagpalabas pondo para sa programa.
Ayon kay Barangay Affairs Chief Jerry Gamo ang pondo ay mapapakinabangan ng mga estudyante sa 74 na eskwelahan sa Koronadal City at bayan ng Polomolok.
Ayon kay Gamo ang Kabugwason Educational Assistance ay prayoridad ng kanilang tanggapan.
Ang P4.5 million sa kabuuang P12 million na pondo nito ay laan para sa mga elementary pupils at P7.3 million naman sa sekondarya.
Para makaagapay sa pagpapatupad ng K to 12 program, ipinahayag naman ni South Cotabato Vice Governor Vicente de Jesus na pinaguusapan na rin kung magkano naman ang pondo na ilalaan sa mga senior high School na makikinabang sa programa sa susunod na taon.
Layon ng Kabugwason Educational Assistance na matulungan ang mga magulang sa pagbabayad ng tuition fee ng kanilang mga anak.
Naging highlight ng aktibidad ang pagrampa ng mga asong naka-costume.
Ayon kay Koronadal City Veterinarian Dr. Charliemagne Calo, dahil naka Duterte theme ang mga asong lumahok sa dog fashion show ay pawang naka-costume ng checkered.
Kasama naman ng mga aso na rumampa ang kanilang mga amo.
Tampok din sa dog festival ang libreng dog anti rabbies vaccination.
Ayon sa dog owner na si Chloe Sio nakilahok sila sa Dog Festival para hikayatin ang mga mamamayan na pabakunahan ng anti rabbies ang kanilang mga aso at ipakita kung papano maging responsableng dog owner.
Ang Dog Festival ay isa sa mga aktibidad na tampok sa 16th Charter Anniversary at 6th Negosyo Festival ng Koronadal City.
Layon nito na mahikayat ang mga mamamayanng Koronadal City na maging responsableng pet owner.

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...