Thursday May, 16 2024 11:02:19 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 30, 2015

 • 16:55 PM Fri Oct 30, 2015
1,573
By: 
NDBC NEWS AND CURRENT AFFAIRS

NEWSCAST

OCTOBER 30, 2015
(FRIDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. NASA 30 MGA ARMADO, sumalakay sa Kalanganan Dos,Cotabato city 2 patay isa sugatan, mga bahay sinunog.

2. SUNDALO, sugatan mahigit 20 pamilya,
lumikas matapos magkasagupa ang NPA at Army sa Bansalan-Makilala border.

3. Number one most wanted sa kasong
pagpatay at pangagahasa sa Sarangani, naaresto sa Koronadal City

4. Davao City leading sa medal tally ngBatang Pinoy Mindanao qualifying legKoronadal City pumapangalawa Local… DALAWANG MGA BAHAY at tatlong mga
motorized bangka ang sinunog ng abot sa 30 mga armadong lalaki na sumalakay sa Sitio
Lupapekan, Barangay Kalanganan Dos, Cotabato pasado alas singko nang madaling
araw kahapon.

Sa
inisyal na ulat ng City PNP, sakay ng bangkang de motor o Palayap ang mga suspek
na nanununog at nagpaulan pa ng bala sa mga bahay doon sa naturang lugar.

Nasawi
sa naturang pagsalakay sina Abubakar Guiamadel, 46 years old, fishpond
caretaker at taga-Sitio Bubong at Guia Ansulat Akmad, 62, mag-uuling.

Nasunog
naman ang bahay at mga Bangka nina Tua Karudin, isang mangingisda, at Iso
Makasasa, isa ring mangingisda na nasunugan rin ng isang motorized banca.

Samantala,
pagdating ng mga rumespondeng pulis sa crime scene ay wala na ang mga suspek na
agad tumakas sakay ng kanilang Palayap.

Narekober
sa lugar ang mga empty shell ng caliber 5.56, caliber .45 at caliber .30 na mga
baril.

Sa
ngayon ay inaalam pa ng City PNP ang motibo sa nasabing pagsalakay ng armado grupo
sa lugar.

Una
rito, nabatid na matagal nang may rido o away-pamilya ang ilang mga residente
sa naturang lugar.

Posible
ring pag-aagawan sa lupa ang dahilan ng naturang pagsalakay.

Local DALAWANG
magkasunod na kaso ng pamamaril ang naitala sa Midsayap, North Cotabato
kahapon.

Ang
una ay naitala pasado alas singko ng hapon kahapon.

Dead
on the spot ang biktimang si Arturo Bergas, 32 years old, magsasaka at taga
barangay Kaparuyan, Libungan, North Cotabato.

Nagmnamaneho
ng kanyang motorsiklo ang biktima habang nasa national highway ng tabihan ng
naka-motorsiklong suspek at pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol.

Kagabi,
agad ding nasawi ang habal-habal driver na si Ibrahim Manisil, 30 years old, at
taga-Nabalawag, Midsayap.

Naghihintay
lang ng pasahero si Manisil sa town plaza nang lapitan ng di kilalang suspek at
pinagbabaril gamit ang 38 cal. revolver.

Nagtamo
ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan, na naging
sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Sa
ngayon ay inaalam pa ng Midsayap PNP kung ano ang motibo sa naturang mga
insidente ng pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Local…………………….

PASOK
uli sa top 3 ang Cotabato City para sa 2015 search for the most business
friendly cities and municipalities of the Philippine Chamber of Commerce and
Industry o PCCI.

Ayon
kay City Mayor Japal Jojo Guiani Jr, hindi naging madali ang pagpasok ng
Cotabato City dahil sa napaka higpit ng PCCI kung kaya't dapat tama at konkreto
ang kanilang mga ipinapasang dokumento.

Ang
naturang search ay nagsimulang magnominate nang mga Local government units
kasama ang mga business chambers.

Sa mga
nominado magiging batayan ang tagumpay ng bawat LGU sa larangan ng kalakal,
investment at turismo, public-private sector partnership MSME development
quality management system, innovations, and human resources development
quality customer service at local government collaborations.

Binigyang
diin ni Guiani na napakahalaga ng pagkilalang ito sa Lungsod ng Cotabato lalo
na't mas pinaiigting nila ang kanilang panghihikayat sa mga negosyante na mag
invest sa Cotabato City.

Katunggali
ng Cotabato City para sa 2015 search for the most business friendly cities and
municipalities of the Philippine Chamber of Commerce and Industry ay ang Ilagan
City, Isabela at San Fernando, Pampanga. Local… HALOS triple ang itinaas ng presyo ng bulaklak na ibinibenta sa
mga flower shop sa Cotabato city ngayong papalapit ang undas.

Sabi ni Dodong, isa sa mga flower vendor, tumaas ang presyo ng
mga bulaklak ngayon dahil sa bagyong Lando at haze na lubhang naka apekto sa
produksyon ng mga bulaklak mula sa kanilang supplier sa Tupi, South Cotabato.

Mula P100 na halaga ng bundle ng mga bulaklak ngayon ay nasa
P300 na ang presyo nito.

Ang bouquet ay nagkakahalaga na rin ng mula P500 hanggang P1,
500.00 depende sa uri ng bulaklak.

Samantala, wala namang pagbabago sa presyo ng kandila.

Mabibili ito sa halagang limang piso hanggang 20 pesos, depende
sa laki.

Sa kabilang dako naman, ngayon pa lang ay nagsimula nang
magbukas ang mga tindahan sa labas ng mga sementeryo sa lungsod.

Kaya naman paalala ng City PNP sa mga vendor, bawal ang magbenta
ng alak at magkalat.

Samantala, maging ang isang pari sa lungsod ay nagpa alala rin
sa publiko partikular sa mga katoliko.

Sinabi ni Immaculate Conception Cathedral parish priest Fr.
Gerard Fornan, DCC na bagaman at taun-taong ginugunita ang alaala ng mga
yumaong mahal sa buhay lalo na ang pag-aalay ng dasal sa panahon ng undas,
dapat ding maging responsable sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at
hindi pagdadala ng mga inuming nakalalasing at mga deadly weapon sa mga
sementeryo.

lOCAL...Handa na ang City LGU sa pagpapatupad ng Oplan Kaluluwa na magsisimula ngayong weekend.Ipinag-utos na ni City Mayor Joseph Evangelista ang paglalatag ng Oplan sa layuning gawing maayos at mapayapa ang paggunita ng Undas sa lungsod.Sinabi ni Mayor Evangelista, tutukan ng mga otoridad ang lagay ng trapiko at seguridad sa Catholic Cemetery at Cotabato Memorial Park na mga pinakamalalaking himlayan sa Kidapawan.Inaasahang dadagsa bukas hanggang sa lunes ang mamamayan na maglilinis at bibisita sa punto ng kanilang mga mahal sa buhay.Sinabi ng alkalde na walang dapat ipangamba ang publiko dahil plantsado na ang plano ng City PNP, City Call 911, K9 Unit at BPAT members upang magbigay seguridad at ang Traffic Management ay para naman sa pag direkta ng trapiko.Inaasahan rin ang mga gagawing re-routing para sa mas maayos na daloy ng trapiko.Ayon sa TMU mahigpit na magsisilbing entrance route ng mga sasakyan tungo sa Cotabato Memorial Park ang Bautista Street.Lahat ng sasakyang pupunta rito ay dapat gamiting exit route ang Datu Icdang at Tamayo Street.Sa mga pupunta naman ng Catholic Cemetery gamit ang sasakyan, dapat baybayin ang Diamond Street bilang rutang papasok dito.Kapag lalabas na sa lugar ay dapat kumanan sa kantong hangganan ng mismong Catholic Cemetery o maaring kumaliwa papunta ng Suerte Subdivision.Isasarado naman ang daan na patungo sa direksyon ng Sudapin.Maglalagay rin ng Police Assistance Center ang PNP sa mga himlayang nabanggit pati na sa Cautivar Private Cemetery na katabi ng Cotabato Memorial Park, Kidapawan Memorial Park sa Barangay Kalasuyan at maging sa Public Cemetery sa Barangay Paco.Ayon kay Evangelista, tulad ng mga nakaraang paggunita ng undas, mahigpit na ipagbabawal ang pag-inom ng nakalalasing na inumin, magsugal, magdala ng maiingay na sound system, at magdala ng baril o matatalas na bagay habang nasa mga sementeryo. Local DUMALO
ang mga chief of Police sa Maguindanao, mga matataas opisyal sa 6th Infantry
Battalion ng Philippine Army at mga Civil Society Organizations sa Peace
dialogue na isinagawa kahapon sa Camp Sionco, Awang, Datu Odin Sinsuat,
Maguindanao.

Pangunahing
panauhin sa nasabing okasyon sina GPH Joint Normalization Committee
co-chairperson Usec. Zenonida Brosas at MILF Joint Normalization Committee
co-chairperson Mohammad Nasif.

Sinagot
nina Brosas at Nasif ang mga katanungan at hinaing ng kapulisan at kasundaluhan
hinggil sa nagpapatuloy na proseso ng normalization sa hanay ng Moro Islamic
Liberation Front bilang bahagi GPH-MILF peace process.

Sabi ni
Brosas na malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga uniformed personnel at
mga law enforcement agencies sa nagpapatuloy na normalization process.

Sa
ngayon ay nasa phase 1 pa lamang ng Normalization ang GPH at MILF at inaasahang
makakarating ng phase 2 kapag naisabatas na ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

lOCAL...Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang ginang matapos mahuli sa inilunsad na drug buy bust operation sa Purok 5D- Durian, brgy. Lanao Kidapawan City kahapon ng umaga.Kinilala ang suspek na si Marites Parba, 46-anyos na taga Purok dos, brgy Lanao.Nakuha mula sa suspek ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 peso bill bilang marked money.Ayon sa report matagal nang minamanmanan ng PNP ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa lugar.Samantala, isang lalaki sana ang sanay target ng City PNP sa isang pang buy bust operation sa kaparehang brgy. pero isang magsasaka ang kanilang nahuli dahil sa pagbitbit nito ng armas.Una rito napansin ng mga operatiba ng PNP ang isang kaduda-dudang lalaki sa lugar na nakasuot pa ng military shirt dahilan para kapkapan ito kung saan nakuha mula sa kanya ang isang caliber 45 pistol.Nang tanungin ang lalaking kinilalang si Dariel Quijano Bugtay, 36-anyos ay wala itong maipakitang dokumento dahilan para arestuhin ng mga pulis.Nakakulong na ngayon ang suspek sa Kidapawan City PNP Custodial Detention Facility habang nakatakas naman ang sanay target na isang alias Alvin. Local...Plano ngayon ng Sanguniang Panlungsod ng Kidapawan na pumasa ng Resolusyon para bigyan ng extension ang housing beneficiaries sa pagpapatayo ng kanilang mga bahay.Ito matapos matanggap ni Councilor Judith Navara, Chair ng SP-Committee on Housing ang apela ng mga benepisyaryo, dahil anim napung araw lamang ang ibinagay sa kanila ng LGU para ipatayo ang kanilang mga bahay.Ayon sa mga beneficiaries kulang umano ang dalawang buwan para makapaghanap ng pera pambili ng mga construction materials.Sinabi ni Navarra na magsisimula ang itinakdang dalawang buwan para sa kanila oras na pipirmahan nila ang memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng City Government.Pero ni isa sa mga benipisyaryo ay hindi pa pumirma sa nasabing kasunduan.Pero sa kabila nito ay ipinagpatuloy pa rin ng City LGU ang development sa lot area na matatagpuan sa brgy. Magsaysay ng lungsod.Base kasi sa polisiyang unang nabuo ng Housing Board oras na di pa matapos ng beneficiary ang pagpapagawa sa kanyang bahay sa loob ng dalawang buwan ay babawiin ito sa kaniya at ibibigay sa mga naghihintay na mga secondary beneficiaries.Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P24 million na pinondohan ng National Housing Authority na ang layunin ay mailipat sa mas ligtas na lugar ang nasa isang daang informal settlers na nasa flood-prone at landslide-prone area sa lungsod. Local...Ikinabigla ni Sto.Nino, South Cotabato Mayoralty Candidate at Incumbent South Cotabato Board Member Ervin Luntao ang biglang pagtaas ng mga registered voters sa bayan. Ayon kay Luntao abot sa mula limang daang hanggang isang libong mga mamamayan ang umano ay hinakot para magparehistro sa Comelec ng Sto. Nino. Inihayag ni Luntao na mahirap paniwalaan na ang animnaput walong mga registered voter sa isang PUrok ng Barangay Teresita, Sto Nino ay biglang tumaas sa mahigit dalawang daan. Ayon kay Luntao ang mga bagong registrants sa lugar ay mga residente ng katabing barangay ng Kusan sa bayan ng Banga at hindi naman naninirahan sa Barangay Teresita. Maging ang pagbibigay ng Barangay Certification ng Barangay Chairman sa mga umano’y bagong saltang residente ay kinuwestyon din ni Luntao. Ayon kay Luntao, pinangakuan umano na bibigyan ng tig isang libo ang mga residente na magparehistro sa Sto.Nino sa halip na sa Banga. Ito ayon kay Luntao na dati ring alkalde sa bayan ay kanya nang idinulog sa Comelec Sto.Nino. Ipinahayag naman ni Atty. Jay Gerada, ang election supervisor ng South Cotabato na may karapatan ang bawat mamamayan na lumipat ng pagbobotohang lugar. Ayon kay Gerada, maari makapagparehistro sa ibang lugar ang isang botante pagkatapos ng anim na buwang pananatili dito. Nilinaw din ni Gerada na dahil ministerial lamang ang papel ng Comelec Sto. Nino sa pagtanggap ng application para sa registration,ang pagpapasya sa mga ito ay nakaatang na sa Election Registration Board ng poll body. Local...Makalipas ang isang taon tuluyan nang natiklo ng mga pulis sa Palimbang Sultan Kudarat ang isa katao na wanted sa kasong pagpatay sa lalawigan ng Maguindanao. Kinilala ni Police Senior Inspector Romeo Calamba, ang OIC ng Palimbang PNP ang suspek na si Jhoenis Ali alyas Jhonnex, kwarenta’y singko anyos,karpentero at residente ng barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Ayon kay Calamba si Ali ay naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Palimbang at Datu Odin Sinuat, PNP , sa liblib na Sitio ng Andagaw, Barangay Ligao, Palimbang. Ang presensya ni Ali sa kanilang lugar ay sinumbong mismo ni Ligao Barangay Chairman Gabatin Masil sa mga pulis na agad namang nagsagawa ng follow up operation. Si Ali na number 6 most wanted person sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest ng Korte. Ang suspek ay inakusahang pumatay kay dating South Upi, Maguindanao Municipal Administrator Anastacio Sidik Rojas noong August 29,2014. Si Ali ayon kay Calamba ay pansamantalang nakakulong ngayon sa lock up cell ng Palimbang PNP. Local...Nakaalerto ngayon ang militar maging ang Philippine National Police sa North Cotabato matapos ang report na umano sa probinsya patungo ang New People's Army o NPA matapos umatras sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng tropa ng Gobyerno sa Brgy Managa, Bansalan, Davao del Sur.Sinabi ni 39th Infantry Battalion Civil Military operations Officer Captain Dany Tapang, umatras ang tinatayang nasa 30 armadong lalaki matapos ang isang oras na palitan ng putok na nagsimula alas singko ng madaling araw kahapon.Ayon sa militar posibleng sa Magpet at Arakan sa North COtabato, at Davao area patungo ang mga rebelde matapos maiipit sa nasabing bakbakan.Sa inisyal na report isang sundalo ang nasugatan pero tumanggi muna ang militar na ibunyag ang pagkakakilanlan nito.Habang di rin makupirma ng militar kung may sugatan sa panig ng rebeldeng NPA dahil wala rin silang bangkay na narekober sa area maliban na lamang sa mga subersibong dokumento na naiwan sa encounter site.Sinabi naman ni brgy. Managa chaiperson Sixto Taparan nasa 24 na pamilya ngayon pansamantalang nakikisilong sa kanilang mga kamag-anak sa Sitio Pluto, brgy Managa na lumikas mula sa Purok Star Sitio Bagsak ng nabanggit ng barangay dahil sa takot na madamay ang mga ito.Nangyari ang engkwentro ng magsagawa ng foot patrol ang militar matapos matanggap ang report sa umano presensya ng rebeldeng NPA sa nabanggit na lugar. Local...Bigo mang masakote sa kanilang lugar, di naman nakalusot sa mga pulis sa Koronadal City ang number one most wanted sa lalawigan ng Sarangani.Kinilala ni Police Chief Inspector Arnold Carino, ang hepe ng Highway Patrol Group ng PNP ang suspek na si Narciso Ventura, singkwenta anyos at residente ng Sitio Lamlacal, Malungon, Sarangani Province. Ayon kay Carino, si Ventura ay matagal nang pinaghahanap ng mga pulis.Ito ay matapos umanong gahasain, patayin at ihulog sa balon ang isang katorse anyos na estudyante sa bayan ng Malungon may isang taon na ang nakararaan.Ayon kay Carino, matapos isumbong ng kanilang impormante, agad na nagsagawa ng operasyon laban kay Ventura ang mga pulis sa Dizon Street, Barangay General Paulino Santos, Koronadal City, kamakalawa ng hapon. SPORTS...Nangunguna sa ngayon mula sa 141 na mga delegado sa Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy Games ang Davao City Ang lungsod ay nakasungkit ng tatlumpung anim na gold,at tig dalampu’t dalawang silver at bronze medals.Pumapangalawa naman ang host city na Koronadal na may tatlumput tatlong gold, dalawamput siyam na silver at tatlumput limang bronze.Ang nag champion noong nakaraang taon Zamboanga city na mayroong dalawamput limang gold, labindalawang siver at dalamput dalawang bronze medals ay nasa pangatlong pwesto.Nasa pangapat na pwesto naman ang Tagum City na nakasungkit ng dalawamput dalawang gold, tig labinanim na silver at bronze medals.Ang Iligan City ay nasa panglimang pwesto matapos makakuha ng dalawamput dalawang gold, pitong silver at dalwamput limang bronze medals.Ang General Santos City City na mayroong dalamput isang gold, tatlumpung silver at dalawamput tatlong bronze medals ay nasa ikaanim na pwesto.Ayon sa Philippine Sports Commission, maari pang magbago ang ranking ng mga delegado kapag na-tally na ang resulta ng boxing event.Ang anim na araw na Mindanao Qualifying Leg ng Batang Pinoy ay nagtapos sa Koronadal City kahapon.Ang national level ng Competition na lalahukan ng mga nakakuha ng medalya sa qualifying leg ay gaganapin naman sa sa Cebu sa Disyembre.Ito ay itinataguyod ng Philippine Sports Commission katuwang ang Philippine Olympics Committee. SPORTS...PASOK NA para sa Batang Pinoy Taekwando National Championship,
Luzon, Visayas, and Mindanao si Matther Cloyd Roxas na miyembro ng Kutangbato
taekwando Fighters sa Cotabato City.

Ito matapos na magwagi sa Batang pinoy games 2015 Mindanao Qualifying
leg sa Koronadal City kamakailan.

Gaganapin ang Championship sa Cebu City sa November 27 hanggang
December 2, 2015.

Si Roxas ay kapwa nagtagumpay sa light weight middle category
mula sa kanyang unang laban kontra sa North Cotabato, General Santos City at
Cagayan de oro City.

Laking tuwa naman ng ina ni Mathew na si Mary Grace Roxas na
empleyado ng ARMM-HEART sa tagumpay ng kanyang anak.

Aniya, Grade 4 pa lang ay nag simula ng magtaekwando si Mathew
at dito na nagsimula ang kanyang pagsali sa mga torneyo at ilang gintong medalya
na rin ang kanyang naiuwi.

Si Roxas ang magiging kinatawan ng Cotabato City para sa Batang
Pinoy Taekwando National Championship, Luzon, Visayas, and Mindanao taekwando
light weight middle category sa Cebu City.

SPORTS...Abot sa 68 mga medalya ang naiuwi ng mga atletang kabataan mula sa North Cotabato sa katatapos lamang na Batang Pinoy Mindanao Leg 2015 na isinagawa sa Koronadal City nitong Oct 26-28, 2015.Sinabi ni DepEd Cotabato Schools Division Sports Coordinator Allan Matullano nahakot ng mga delagado ng lalawigan ang 12 gold medal, 24 na silver medal, at 32 bronze medal sa magkakaibang sports event.Ito ay mula naman sa 22 mga lalawigan na naglaban-laban sa naturang aktibidad.Sa nakikita ni Matullano sa mga atleta ng probinsya, malaki ang kanyang paniniwala na muling mahakot ng North Cotabato athletes ang panalo sa naturang kompetisyon.Tiniyak rin ng Cotabato Provincial Government ang kanilang suporta sa mga gagawing training ng mga atleta para sa nalalapit na kompetisyon para sa National Level sa Batang Pinoy Competition mula Nov.27 hanggang Dec, 2, 2015 sa Cebu.

PNP wants Maguindanao Norte prosecutor out of slain cop's case

MANILA – The Philippine National Police (PNP) has sought the inhibition of a Maguindanao del Norte prosecutor from the case involving the fatal...

2 NPAs die in clash with Army in Lebak

CAMP SIONGCO, Maguindanao del Norte – Nasawi ang dalawang mga kasapi ng teroristang komunista matapos na makipagbakbakan sa mga operating units...

2 drug peddlers arrested, over P1-M worth shabu seized in Cotabato City

COTABATO CITY  – Two big-time drug peddlers were arrested and over P1 million worth of shabu was seized from them during an entrapment operation...

"Octogenarian" green sea turtle released back to the wild in SarBay

KORONADAL CITY - An elderly female green sea turtle, locally known as ‘pawikan’ that was rescued in Barangay Luma Kiamba, Sarangani Province, has...

Drug peddler, huli sa drug buy bust sa Delta Bridge, Cotabato City

HULI ang isang drug suspek sa ikinasang drug buy bust operation ng PNP sa Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao Del Norte, pasado alas 5 ...