Monday Jun, 17 2024 04:34:06 AM

NDBC BIDA BALITA (Oct. 4, 2016)

 • 16:34 PM Tue Oct 4, 2016
1,266
By: 
NDBC

NEWSCAST

OCTOBER 4,
2016 (TUE)
7and00 AM

HEADLINESand

1. KOOPERASYON ng militar, pulis at
religious sector, mas pinalakas pa kontra terorismo.

2. Kidapawan City mayor, handa raw
sumailalim sa lifestyle check.

3. 2 BIKTIMA pamamaril sa Midsayap, North Cotabato

3. DALAWANG MGA SENADOR, tutulong daw sa
pagpapagawa ng Rescue Center at drainage system sa Koronadal City

NAGKASUNDO ang militar at ang mga
miembro ng local Darul Iftah o House of Opinions na magtutulungan laban sa mga
teroristang grupo sa Central Mindanao na loyalista ng Independent State of Iraq
and Syria o ISIS.

Sinabi ni Army’s 6th Infantry Division commander
Major Gen. Carlito Galvez, Jr. na ito ang resulta ng mahigit dalawang oras na religious
symposium kahapon sa Camp Siongco, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na dinaluhan
ng mga local cleric ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Aniya, ang aktibidad ay bahagi ng
pagdiriwang ng Amon Jaded o Islamic New Year kahapon.

Naniniwala si Galvez na hindi
magtatagumpay ang anumang banta ng terorismo kapag nagkakaisa at nagtutulungan
ang iba’t ibang sektor tulad ng mga sundalo, pulis, MILF, Moro National
Liberation Front, local government units at ang mga nasa religious sector.

Samantala, tiniyak naman ni Maguindanao
Gov. Esmael Mangudadatu na suportado niya ang anumang hakbang kontra terorismo
bilang pinuno ng provincial peace and order council.

Ayon kay Mangudadatu, isa sa mga
nakikita niyang solusyon para matiyak na hindi aanib sa anumang teroristang
grupo ang mga Maguindanaon, ay ang pagbibigay sa mga ito ng libreng edukasyon.

Kaya aniya, naglaan na siya ng pondo
para sa dagdag na anim na libong scholars ng Maguindanao provincial government
sa ilalim ng Maguindanao Program for Education and Community Empowerment o
Mag-PEACE.

Una rito, sa panig naman ng rebeldeng
Bangsamoro Islamic Freedom Movement, inanunsyo nito na tinanggal na sa kanilang
grupo ang limang mga senior member na may kaugnayan sa ISIS.

Ito ay sina Salahudin Hassan,
Abdulmalik Esmael, Bashir Ungab, Nasser Adil and Ansari Yunos na itinuturing ng
grupo na mga radical jihadist o mga ekstremista.

SIMULA
sa susunod na linggo, October 9, 2016, ay makatatanggap na ng dagdag na sahod
ang mga manggagawa ng pribadong sektor sa Region 12.

Una nang
kinumpirma ni Department of Labor and Rmployment 12 Officer-in-charge Albert
Gutib na epektibo na ang Wage Order NO. RB12-19, matapos sinimulan ang
paglalathala nito sa pahayagan noong September 24.

Sa
October 9, ang pinakamababang arawang
pasahod ng mga manggagawa sa non-agriculture sector sa rehiyon ay papalo sa 295
pesos habang ang mga nasa agriculture at retail and service sector ay nasa 277
pesos.

Ipinasa
ng Regional Tripartite Wages and Productivity
Board 12 ang bagong wage order dahil na rin sa mga petisyon ng mga labor organization sa pangunguna sa Trade
Union Congress of the Philippines at mga kondisyong pang-ekonomiya sa rehiyon.

Sakop
ng nasabing wage order and mga mangagawa
sa mga lalawigan ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani
kabilang rin ang mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan at Cotabato, pati na ang mga munisipyong
sakop ng rehiyon. Hindi naging madali para sa mga preso ang ginawang pagwasak sa kanilang mga kubol, at kubo-kubo sa loob ng kulungan sa BJMP, Amas

Kidapawan City.
Ito ay bahagi kasi sa pinaka unang greyhound operation ng mga otoridad sa loob ng BJMP kahapon.
Inamin ng isang inmate na si Felix Capalla siyang Expiditer o tagapamahala sa loob ng BJMP na bagama't mahirap para sa kanyang ibang

kasamahang preso, ikinatuwa at sinang-ayunan naman ng karamihan.

Kahapon ay sinuyod ngang maigi ng mga otoridad ang bawat selda at pati kisame ay winasak na rin para tuluyang malinis ang bilangguan.Sa ngayon nasa 52 percent pa lamang umano ang nagawang paglinis ng mga otoridad sa kulungan.

Samantala, ikinasurpresa naman ni Capalla ang mga nakuhang kontrabando sa mga selda dahil tuwing ipanapasurender niya raw ito ay

kokonti lang ang ibinibigay ng mga preso.Hindi nito inakala na bawat isa pala sa mga inmate ay may sariling mga kutsilyo na umano pang depensa.

Ibinunyag din ni Capalla na noong mga nakaraang Galugad ay tanging kapkap lang ang ginagawa sa kanila at ngayon ay sinira ang lahat

kung saan marami naman ang natuwa dahil malilinis na sa anumang iligal na aktibidad ang loob ng BJMP.Umaasa ngayon si Capalla at lahat ng preso na sa nabanggit na hakbang ay unti-unti na nilang mararamdaman ang totoong pagbabago sa loob

ng kulungan.

At dahil nga sa naturang paglilinis narito naman ang panawagan ni Capalla sa mga kaanak ng detainees para sa kanilang mga

pangangailangan sa loob ng kulungan.
Magsasagawa ng simultaneous barangay assemblies sa 38 mga barangay sa Makilala, North Cotabato ngayong linggo.

Ito ay base na rin sa Department of Interior and Local Government o DILG Memorandum Circular No. 2016-124.Nakasaad sa mamenorandum na kailangang isagawa ang asembliya sa mga barangay dalawang beses sa loob ng isang taon.Ito ay para talakayin ang semestral report ng bawat brgy. council na may kaugnayan sa mga aktibidad ng barangay, pinasyal na mga isyu

na makakaapekto sa paglago ng isang barangay.Ayon kay Ed Dizon, Mayor’s office chief of staff ng Makilala, ang gagawing asembliya ay para sa ikalawang semester ng taon.

AAniya, bahagi rin ito sa nalalapit na 62nd founding anniversary ng bayan sa October 10.

Naka angkla naman ang tema nito ngayong taon sa Para sa Isang Tunay na Pagbabago, Magmasid, Makisali, at Makiisa sa Isang Maka-Masang

Asembleya”.
Kulungan ang bagsak ng isang lalaki makaraang maresto sa isang buy bust operation sa Mantawil Extension, Purok Krislam, Poblacion,

Kabacan, North Cotabato, pasado alas onse ng tanghali kahapon.Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Richard Ocharon Abo-abo at residente rin ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang ilang sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.

Mariin namang itinanggi ng suspek na sa kanya ang shabu na nakuha at iginiit nitong napag-utusan lamang siya ng isang alias Eric na

sinasabing gumagamit ng droga.Aminado ang suspek na magtagal na siyang runner sa kanilang lugar ng masakote ng mga otoridad.

Isinailalim na rin sa interogasiyon ang suspek para alamin kung sino ang mga supplier nito ng shabu sa bayan ng Kabacan.Samantala nakakulong rin ang tatlong mga lalaki matapos ireklamo dahil sa pagsisimula nito ng gulo sa Overpass area, brgy. Pobalcion

Kidapawan alas otso kagabi.

Kinilala ang mga lalaki na sina RANDY CACAYOTIN, 25 ANYOS, na taga BARANGAY SARAYAN,UPPER PRES ROXAS, at isang ALVIN ATAN at Mark Kim

Atan parehong taga Alunan, Bansalan Davao del Sur.Base sa report ng City PNP isang Kimberly Javier ang dumulog sa kanilang tanggapan para isumbong ang pangyayari.

Biktima rin si Javier ng pananakot at banta mula sa nasabing mga suspek.Nang kapkapan rin sila nakuhanan ng kutsilyo ang isa sa mga uspek na ngayon ay nananatili sa City PNP lock Up cell. HULI
sa CCTV camera ang gwardya ng isang kilalang grocery store sa Cotabato city, sa
aktong ninanakaw ang cellphone ng kasamahan nito sa trabaho.

Nakilala
ang suspek na si Rags Masukat, gwardya ng Puregold SK Pendatun Branch.

Batay
sa sumbong ng biktimang si Ruben Romero, baggage area attendant ng naturang
grocery store, pasado alas siyete ng umaga kamakalawa nang mapansin niyang
nawawala na ang kanyang cellphone na nakalagay sa loob ng kanyang bag.

Dahil
dito ay agad siyang humingi ng tulong sa kanilang CCTV operator at doon nga
nakita sa akto si Masukat na binuksan ang bag ni Romero na nasa loob ng
kanilang locker room.

Nakita
rin sa CCTV na tinangay ni Masukat ang cellphone ni Romero na nagkakahalaga ng
limang libong piso. Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang job order employee ng local government unit ng Tampakan, South Cotabato.Ito ay matapos maaresto sa drug buy bust operation ng Philippine Drug Enformcement Agency o PDEA Region XII.
Kinilala ni PDEA 12 Information Officer Kath Abad ang suspek na si Eric Famoso, 27 anyos, nakatira sa Purok 5 Barangay Maltana, Tampakan.Arestado din ang kasama ni Famoso na si Mark Anthony Malan, 27 anyos, ng Barangay Santa Cruz, Tampakan, kung saan isinagawa ng PDEA ang kanilang anti illegal drug operation.Nakuha sa mga suspek ang may 50 grams na 9 na maliit na sachet at 4 na medium pack ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P375,000.Nakumpiska din ng mga pulis sa mga suspek ang digital na kilohan, gunting, tooter at P500 mark money na ipinambayad ng PDEA agent na bumili umano ng droga sa kanila.
Ang mga drug suspek ay nakakulong na ngayon sa PDEA XII lock up cell sa General Santos City
Magbibigay ng 15 Rxbox ang Department of Science and Technology o DOST 12 sa South Cotabato.
Ito ay ayon kay kay Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr.Ipinahayag ni Aturdido na hiniling mismo ng provincial government sa DOST na mabigyan ng mga RxBox ang apat nga government hospital ng South Cotabato.
Ayon kay Aturido ang RxBox ay para lamang sana sa mga rural health units sa bayan at isang lungsod sa lalawigan.
Ipinahayag nito na malaki ang maitutulong ng RxBox sa medical na pangangailangan ng mga mamamayan ng South Cotabato lalong lalo na sa electronic medical record ng mga pasyente.Ang RxBox ay isang makabagong pamamaraan na ipinatutupad ng DOST Philippine Council on Health Research and Development para mabigyan ng dagdag na equipment ang mga rural health units.
Nabatid na ang isang set ng RxBox ay naglalaman ng Cardiotocograph o CTG, Fetal Heart Rate Monitor, Electrocardiogram o ECG, Blod Pressure Monitor, Pulse Osymeter at Temperature Sensor.
Magbibigay ng P5 milyon si Senator Paolo Bam” Aquino para sa Multi Purpose Gym na magsisilbing Rescue Center sa Koronadal City.
Ang may P20 million na proyekto ayon kay City Mayor Peter Miguel ay ipatatayo sa Bacongco National High School sa barangay San Isidro, Koronadal.Ipinahayag din ng alkalde na tutulong sa pagpapagawa ng may P1 billion master drainage system sa lungsod si Senator Sherwin Gatchalian.
Sinabi ni Miguel na isusumite na ng lokal na pamahalaan sa Senado sa susunod na lingo ang master drainage plan ng Koronadal upang mapaglaanan ng pondo sa susunod na taon.
Ayon sa alkalde, layon ng proyekto na maresolba ang problema ng mga pagbaha sa Koronadal City.
Ikinadismaya ni South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes ang umanoy pagbalik sa masamang bisyo ng mga resurfacing drug personalities sa South Cotabato.Ito ang ipinahayag ni Fuentes nang pangunahan nito ang katapos lang na Provincial Peace and Order Council Meeting.Aminado din si Fuentes na sa kabila ng sunod sunod na operasyon ng pulisiya laban sa iligal na droga, hindi pa rin nawawalan ng supply nito ang lalawigan.
Kaugnay nito, hinamon ng gobernador ang PNP na bumalangkas ng mga programa upang matigil ang bentahan ng illegal drugs.Ipinahayag ni Fuentes na dapat ay magsasagawa rin ng mga kaukulang hakbang ang Department of the Interior and Local Government o DILG, para masawata ang iligal na droga sa karatig lalawigan ng South Cotabato.
Sisimulan na ngayon ang tatlong araw training in Agritourism o Fun Farm Development and Guiding.
Ito ay pangungunahan ng Department of Tourism o DOT Region 12.Ayon kay DOT 12 Regional Director Nelly Nita Dillera, ang pagsasanay ay dadaluhan ng mga farm operators mula sa SOCCSKSARGEN region.
Ang mga ito ayon kay Dillera ay nagnanais na mabuksan ang kanilang mga sakahan sa mga turista na gustong matuto sa isang vegetable farm, fruit farm, pagaalaga ng mga hayop, pangingisda o kumbinasyon ng mga itoAyon kay Dillera ang pagsasanay ay gaganapin sa SCC Nature Park sa Midsayap, Cotabato.
Inihayag nito na ang mga participant ay magkakaroon din ng Mock Tour o aktwal na pagsasanbay sa farm tour guiding sa Saljay Farms sa bayan ng Pigcawayan.
Ayon kay Dillera ang Farm tourism ay bagong proyekto na isinusulong ng DOT sa Region 12.Paliwanag ni Dillera mayroon na kasing batas na sumusulong sa Farm Tourism.
Ito ay sa ilalim ng Department of Agriculture at DOT na bumubuo din sa farm tourism board. SUGATAN ang
dalawang mga lalaki sa panibagong insidente ng pamamaril sa Midsayap, North
Cotabato kagabi.

Nakilala ang
mga biktima na sina Tata Adam, isang tricycle driver at Ambi Sindato, na isa
namang market vendor. Sila ay pawang mga taga barangay Poblacion Tres ng
nabanggit na bayan.

Sa inisyal na
imbestigasyon ng Midsayap PNP, pauwi na ang mga biktima mula sa panonood ng
basketball game sa Midsayap municipal gym nang lapitan sila ng nag iisang
suspek na naka motorsiklo at saka pinagbabaril.

Nagtamo ng
mga tama ng bala sa kanilang binti ang mga biktima na agad namang isinugod sa
pagamutan ng mga bystander sa lugar.

Sinubukan
naman ng mga otoridad na maglunsad ng hot pursuit operation laban sa suspek
pero bigo silang madakip ito.

Pitong basyo
ng bala ng cal. 45 pistol ang na-recover sa crime scene na pinaniniwalaang ginamit
ng suspek sa pamamaril.

TATLONG
mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group o ASG na pinaniniwalaang may
planong mag-iwan ng bomba sa Zamboanga City ang naaresto kahapon ng hapon.

Sinabi
ni Zamboanga City PNP chief, police senior supt. Luisito Magnaye na naaresto
ang tatlo sa Atilano’s Pensionne House sa Barangay Canelar, at nakumpiska mula
sa kanila ang mga sangkap sa panggawa ng bomba.

Nakilala
ang isa sa mga suspek na si Alfad Pahad Colayan.

Samantala,
patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung may kinalaman ang Abu Sayyaf ASG sa
nangyaring pananambang sa mga pulis sa Barangay Bulan Bulan, Lantawan, Basilan,
na ikinasugat ng isang pulis.

Ayon
sa ulat ng Basilan PNP, kinilala ang nasugatang pulis na si PO1 Anwar Batah na
natamaan ng bala sa kanyang kanang binti.

Napag-laman
na nakasakay ang mga pulis ng Lantawan PNP sa kanilang patrol car na minamaneho
ni PO1 Nasser Mohammad kahapon ng hapon nang harangin at paulanan ng bala ng
mga armadong lalaki.

Kaagad
naman nakaganti ng putok ang mga pulis na nauwi sa engkuwentro na umabot ng sampung
minuto bago umatras ang mga kalaban.

Nabatid
na isa rin tinitingnang anggulo ng pulisya sa Basilan ay ang nagpapatuloy na
operasyon nila laban sa mga hinihinalang drug pusher at user sa nasabing lugar.

Daan- daang mga deadly weapons at iba pang kontrabando ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang greyhound operation kahapon sa

loob ng Bureau of Jail Management and Penology, Amas, Kidapawan City.
Ang Oplan Galugad, ayon pa kay Jail Warden Supt. Peter Bungat ay isinagawa sa 13 selda sa loob ng BJMP.

Nilinaw naman ni Bungat na ito pa ang kauna-unahang greyhound operation sa ilalim ng kanyang termino.

Noong mga nakaraang operasyon kasi ay tanging cleaning at clearing operation lamang at pagwasak sa mga kubol at kubo kubo sa loob.Hindi rin natuloy ang sanay unang Oplan Galugad noong nakaraang linggo dahil na rin sa pagtutol ng ibang preso.

Samantala, kabilang naman sa mga nakuha ay daan-daang kutsilyo, ligther, CD player at mga Disc, Flashlight, gunting, itak, mga

cellphone, charger, pako, drug paraphernalia, ice pick, rise cooker, ceiling fan, at marami pang iba.Iginiit din ni Bungat na ihihinto din muna ang pagdadala ng pagkain sa mga inmates habang tinatapos pa ang visiting area kung saan

isasailalim sa body search ang mga dalaw at mga bitbit nila.Ito ay para maiwasan ang pagdadala ng mga kontrabando sa loob.

Ang panawagan at hiling lamang ni Bungat sa mga kamagk-anak ng inmates na unawain at makiisa na lamang sa mga pagbabagong ipapatupad sa

kulungan dahil ang lahat ng ito at para sa kanilang kapakanan. Handa si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na sumailalim sa lifestycle check.

Iginiit ni Evangelista na bukas ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Networth o SALN sa lahat nang nais tumingin nito.

Nakasaad din kasi sa Civil Service Code na lahat ng mga opisyal ng gubyerno at mga empleyado ay magsusumite ng kanilang SALN.Ang pahayag na ito ni Evangelista ay kanyang ginawa matapos ang ilang alegasyon na ilang mga kawani ng City LGU ay sangkot sa

pangungulimbat ng pera.Pero nilinaw ng opisyal na bahagi lamang ito sa regular administrative function na posibleng malilipat sa ibang posisyon ang mga

deaprtment heads nang sa ganun ay mas magiging angkop sila sa kanilang trabaho.

Halimbawa na lamang rito ang paglilipat kay City Market Administrator Rukaya Patadon sa City Assesors Office at dating Incharge ng

Overland terminal Engr. Elmer Limpot na inilipat naman sa City Engineering Office.Una nang ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng regular lifestyle check sa mga opisyal at kawani ng gobyerno upang

tuluyan nang masugpo ang kurapsiyon sa hanay ng mga lingkod-bayan.
Nagbabala ang Presidente na magkakaroon ng masusing monitoring sa pamumuhay ng mga opisyal ng gobyerno, upang matuldukan na ang

kurapsiyon sa pamahalaan.

NDBC BIDA BALITA

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...