Monday Jun, 17 2024 06:08:35 AM

NDBC BIDA BALITA (Oct 5, 2016)

 • 16:29 PM Wed Oct 5, 2016
1,368
By: 
NDBC

NEWSCAST

OCTOBER 5,
2016 (WED)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAY-ARI ng printing shop at
kasamahan nito, dinukot ng di pa nakikilalang mga suspek sa Cotabato city.

2. Koronadal City mayor, naghayag ng
kanyang State of the City Address, ilang mga government agency, pinasalamatan.

3. Supply ng droga, inaasahang mabawasan sa South Cotabato matapos maaresto ang babaeng drug pusher sa Sultan Kudarat.4. Dagdag na trabaho, inaasahan sa paglakas ng turismo sa Cotabato City.5. Presyo ng bigas sa Kidapawan, bumaba DINUKOT ng hindi pa nakikilalang mga armadong
suspek ang may-ari ng Sticker and Tarpaulin Printing Shop sa Cotabato city
kahapon.

Sinabi ni City PNP spokesperson Sr. Insp.
Rowel Zafra na base sa inisyal na ulat ng City PNP, pasado alas sais kagabi
nang magsumbong sa mga pulis ang isang Teng Macabalang hinggil sa pagkakadukot umano
sa kanyang anak na si TJ Tagadaya Macabalang, 30 years old, may asawa at
may-ari ng Stickerwerkz na nasa Sinsuat Avenue ng lungsod.

Aniya, kasama ring tinangay ng mga
suspek ang kasama ni TJ na nakilalang si Wendel Apostol Factoral.

Ang mga dinukot na biktima ay pawang
mga taga- Krislamville, Barangay Rosary Heights 6 ng lungsod.

Batay sa ulat, sapilitang tinangay ang
mga biktima habang nasa tapat ng Obaeda Motorparts, sa Gov. Gutierrez Avenue, barangay
Rosary Heights 9 ng lungsod, bandang alas tres ng hapon kahapon.

Nabatid na ang mga suspek ay sakay ng
kulay grey na Toyota Innova at isang van na walang plaka.

Makikipagkita lamang sana ang mga
biktima sa buyer ng kanilang ibinibentang motorsiklo nang maganap ang abduction.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon
ng City PNP hinggil sa insidente upang matukoy ang mga suspek na dumukot sa mga
biktima at kung ano ang motibo ng mga ito.

Una rito, noong Setyembre ng nakaraang
taon, dinukot din ng hindi pa nakilalang mga suspek ang tarpaulin designer ng
Stickerwerkz na si Ishmael Micky Imam Glang, 27 taong gulang.

Si Glang ay natagpuang patay sa isang
ilog sa Lugay-Lugay area, Barangay Bagua Uno, ng lungsod, 20 araw mula nang
siya ay mawala. INAALAM NA ngayon
ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang iba pang mga posibleng
kasabwat ng lalaking kanilang naaresto at nakuhanan ng pake-paketeng Shabu na
nagkakahalaga ng abot sa one million, 875 thousand pesos sa Purok Mapailuban,
Barangay San Isidro, General Santos City.

Nakilala ang
suspek na si Datu Manong Kaunting Abdulrakman alias DATS , 46 years
old, at isang negosyante.

Sa pinagsanib
na puwersa ng PDEA-ARMM, PDEA 12 at PDEA 11 sa kanilang inilunsad na operasyon
higit sa isang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat kay alias Dats na may
bigat na 250 grams.

Pinaniniwalaang
nagmamayari ng isang mansyon si Dats na aabot sa isang milyong piso ang halaga
na makikita sa Almonte St. Cotabato City at Davao City.

Meron din
diumano'ng Condominium unit sa Metro Manila ang suspek at ilang mamamahaling
sasakyan.

Kasalukuyan
namang nakakulong ang suspek sa PDEA Region 12 locked-up cell. BUGBOG-SARADO
ang isang construction worker matapos pasukin ng dalawang mga lalaki sa loob
mismo ng kanyang bahay sa Cotabato city.

Nakilala
ang biktima na si Rhedford Francisco, 27 years old, may asawa, at ataga Zone 7,
Pc Hil, barangay Rosary Heights 1 ng lungsod.

Batay
sa sumbong ng biktima sa City PNP, pasado alas otso kagabi nang pasukin siya ng
mga suspek na sina

Steven
Balance, Mumar Badal at isa pang di pa nakikilalang lalaki sa loob ng kanyang
bahay at pagtulungang bugbugin.

Hindi
na umano nakapalag pa si Francisco na nagtamo ng mga pasa at galos sa iba’t
ibang bahagi ng kanyang katawan.

Desidido
naman ang biktima na magsampa ng pormal na reklamo laban sa mga suspek bagaman
at hindi pa malinaw kung ano ang ugat ng bangayan ng mga suspek at ng biktima. ISINASAILALIM
ngayon sa combat stress debriefing ang mga sundalong naka-deploy sa Sulu.

Ito ay
dahil sa matinding war shock sa pakikipagsagupa sa Abu Sayyaf Group o ASG na
nagkukuta sa naturang lalawigan.

Sinabi
ni Joint Task Group-Sulu commander Brig. Gen. Arnel dela Vega na abot sa tatlong
daang mga sundalo ang unang isinalang sa combat stress debriefing sa tulong ng medical team ng AFP Medical Center.

Kabilang
sa mga nagsasagawa ng debriefing ay ang pangkat na binubuo ng mga health professional
mula sa Psychological Health Department at maging ang mga pari mula sa AFP
Chaplain Service.

Nabatid
na sobrang combat stress ang dinaranas ng mga sundalo sa bakbakan kaugnay ng
direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na lipulin ang nalalabing puwersa ng ASG
sa Sulu at maging sa Basilan.

Ang
nasabing combat stress debriefing ay isinagawa rin sa American troops noong dekada
syetenta panahon ng Vietnam War bilang bahagi ng Post Traumatic Stress Disorder
o yaong mga may war shock.

Partikular
na dumaranas ng war shock ang mga sundalong namatayan ng mga kasamahan sa
patuloy na opensiba sa Sulu kung saan halos 7,500 ground troupes ang sumasagupa
sa Abu Sayyaf.? INAASAHANG
MAS lalago pa ang turismo sa Cotabato city upang makapagbigay ng dagdag na
hanap-buhay sa mga mamamayan ng lungsod.

Sinabi
ni City Tourism Officer Gurlie Frondoza na patuloy ang iba’t ibang aktibidad ng
lungsod kaugnay ng Tourism Awareness Year ngayong taon sa lungsod na may temang
May trabaho sa turismo, lalo na sa turismong may puso .

Aniya,
pinakahuli para sa buwan ng Setyembre ang libreng training on water hyacinth
product development para sa mga out of school youth at ilang mga kababaihan
mula sa iba’t ibang mga barangay ng lungsod.

Ayon
kay Frondoza, katuwang ng City LGU sa naturang aktibidad ang DTI-Cotabato City.

Ang
Water hyacinth, o pusaw ay isa sa mga ipinagmamalaking local
tourism product ng lungsod.

Nabatid
na ang mga kalahok sa training ay tinuruang gumawa ng corsage at iba pang mga
produkto gamit ang water hyacinth o pusaw na maaari nilang ibenta para
magkaroon ng dagdag na kita.

Magkakaroon ng Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry o DTI sa Plaza Covered Court ng bayan ng Banga, South Cotabato.
Ito ay gaganapin sa Oktobre 12 hanggang 14.
Katuwang ng DTI sa pagsasagawa nito ang lokal na pamahalaan ng Banga.
Layon nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga consumer na makabili ng mas mas murang pangunahing pangangailangan.
Umaasa din ang DTI na sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng mas maraming market sa kanilang mga produkto ang mga negosyante sa South Cotabato.
Ibebenta sa Diskwento caravan ang mga basic at prime commodities at appliances.
Ito ay katatampukan din ng exhibit ng mga ipinagmamalaking produkto sa South Cotabato.
Ayon kay DTI South Cotabato Provincial Director Flora Gabunales, ang Diskwento Caravan ay isa lamang sa mga aktibidad na pangungunahan ng DTI sa Consumer Welfare Month Celebration ngayong Oktobre. Nakapagpatayo ng ng kanilang gusali sa Regional Center na inilaan ng lokal na pamahalaan ang 9 na mga regional government offices sa Koronadal City.
Ang mga ito ay pinasalamatan naman ni City Mayor Peter Miguel sa kanyang State of the City Address o SOCA kahapon.
Ayon kay Miguel kabilang sa mga regional government offices na ito ang Department of Education, Commission on Higher Education, Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, Bureau of Food and Drugs Administration, Mines and Geosciences Bureau at Environment and Management Bureau ng DENR, Commission on Higher Education, Department of Agriculture, at Bureau of Treasury.
Inihayag din ng alkalde na nagsimula na ring magpatayo ng gusali sa regional center ang Civil Service Commission o CSC 12.
Ayon kay Miguel sisimulan na rin ng DTI 12 ang konstruksyon ng kanilang regional office sa lugar sa susunod na taon.
Kinumpirma naman ng alkalde na dahil sa kakulangan ng Pondo 41 pa lamang sa 62 mga ahensya ng gobyerno ang lumipat ng regional office sa Koronadal City.
Ang iba naman ay naglagay na lamang muna ng Sattelite Office sa lungsod.
Naniniwala si Sultan Kudarat PNP Provincial Director Senior Superintendent Raul Supiter na mababawasan na ang supply ng iligal na droga sa South Cotabato.
Ito ang ipinahayag ni Supiter bunsod ng pagaresto ng mga pulis sa umanoy notorious drug pusher sa Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.
Kinilala ni Supiter ang babaeng drug suspek na si Bainot Nemenzo residente din sa lugar.
Ayon kay Supiter nakumpiska ng mga pulis kay Nemenzo ang 83 sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P450,000.
Inihayag ni Supiter na si Nemenzo ay nagsu-supply din ng droga hindi lamang sa lalawigan ng Sultan Kudarat kungdi maging sa karatig lalawigan ng South Cotabato.
Inihayag ni Supiter na si Nemenzo ay nagbebenta ng shabu sa mas murang presyo na P300 kada sachet.
Ayon kay Supiter,ito ang dahilan kung bakit marami siyang mga parokyanong estudyante.
Kinumpirma din ng police official na ginawa na umanong kabuhayan ng pamilya ni Nemenzo ang pagbebenta ng iligal na droga.
Sa katunayan ayon kay Supiter, minsan na ring nakulong dahil din sa iligal na droga ang mister nito.
Inihayag ni Supiter na kumukuha ng supply ng iligal drugs sa Nemenzo sa Sultan Sabarongis, Maguindanao.
Si Nemenzo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Sinimulan na ng Provincial Planning and Development Office o PPDO South Cotabato ang pagtanggap ng application para sa mga kukuha ng National Statistics Office o NSO authenticated copy ng birth, marriage, death certificate at certification of No Record of Marriage o CENOMAR.Ito ay ayon kay Provincial Planing and Development Coordinator Abner Navarro ay magtatagal naman hanggang sa Octobre 31, bilang kabahagi ng National Statistics Month Celebration.
Nilinaw naman ni Navarro na ang processing sa mga dokomento ay gagawin pa rin sa Philippine Statistics Authority o PSA sa General Santos City.Ayon kay Navarro ito ay bukas para sa mga mamamayan ng South Cotabato at karatig lugar.
Inihayag ni Navarro na ang mga nais kumuha ng NSO authenticated documents ay kailangang magdala ng isang photocopy ng valid ID at P190 processing fee.
Umapela naman si Navarro sa mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataon dahil hindi na nila kailangan pang mamasahe papunta sa PSA Office sa General Santos City para kumuha ng mga dokomento sa PSA.
Pinaghahanap pa ng mga pulis ang 42 anyos at driver na si Lawrence Joseph Robles ng Purok Murillo, Barangay Santa Cruz, Koronadal City.
Si Robles ang siyang itinuturong suspek na bumaril at pumatay sa kapitbahay nitong laborer na si Albert Alvarez, 59.
Lumabas sa inisyal na imbistigasyon ng mga pulis na si Alvarez ay binaril sa dibidib ng suspek na si Robles nang magpang-abot ang mga ito sa daan.
Nabatid na bago naganap ang pamamaril nagkaroon pa umano ng pagtatalo ang dalawa.
Ayon sa mga kaanak ng biktima ikinagalit umano ng suspek na si Robles ang pagtulong ng biktimang si Alvarez sa mga kabataan na gumawa ng kanal malapit sa bahay ng kanyang kapatid.
Ang kanal raw kasi ang naging sanhi ng pagtaas ng tubig sa kanilar lugar tuwing umuulan.
Ayon naman sa ilang nakasaksi sa krimen, ang biktima ay binalikan pa ng suspek at binaril sa ulo, habang tinutulungang dalhin ng ilang mga kapitbahay sa ospital. Patay ang isang skylab driver matapos pagbabarilin malapit sa Sea Oil Gasoline Station sa Purok 1, Barangay Kilada, Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ng Matalam PNP ang biktima na si Ruden Lumabao Buna, nasa 30-35 anyos, na taga Kibudoc, Matalam.
Nangyari ang pamamaril habang nag-to-torno lamang ang biktima sa National Highway, partikular sa rutang Matalam at Lampayan ng lapitan ng di pa kilalang suspek at pinagbabaril.

Nagawa pang tumakbo ng biktima pero hinabol ito ng suspek at sinundan sa loob ng bahay ng isang Nely Baral at doon na siyatinuluyan ng suspek.
Nagtamo si Buna ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan naman ng kanyang agarang kamatayan.
Narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre .45 pistol na ginamit sa nasabing pamamaril.

Samantala, patay naman ang isa pang lalaki ng pagbabarilin habang nanonood ng bilyar sa isang bangko na nasa Poblacion, Matalam.Kinilala ang biktima na si Ansari Unsil Manial,28-anyos, may-asawa at residente ng Prk. Tagumpay, brgy. Marbel Matalam.

Patuloy pa ngayong inaalam ng PNP ang motibo sa pamamaril sa biktima.Ang dalawang kaso ng pamamaril ay kapwa ngayon iniimbestigahan ng Matalam PNP.
Matapos makumpleto ng mga otoridad ang Oplan Galugad sa 13 selda sa BJMP tambak na mga deadly weapons, appliances at mga gadgets ang narekober ng mga otoridad.

Sinabi ni Jail Warden Supt. Peter Bungat Jr, plano ngayon ng BJMP na ipunin at ibenta na lang ang higit tatlong daang mga bladed weapons at mga bakal para makalikom ng pondo.Tinatayang aabot sa higit 60 kilo raw kung maiipon ito.

Gagamitin naman ang pera ayon pa kay Bungat para makabili sila ng mga pangangailangan ng mga inmates kagaya na lamang ng floormat para sa kanilang mga sahig at mga damit.Ang ibang mga gamit naman ay aayusin raw at ilalagay sa gallery para mapakinabangan pa. Sa ngayon nasa higit 50 porsyento pang malinis ang BJMP kung saan plano ni Bungat na gagawing tatlong beses sa isang linggo ang Oplan Galugad. Hindi raw titigil si Bungat hanggat hindi nila isang daang porseyentong malilinis ang bilangguan.
Halos limang piso ang ibinaba ngayon ng bawat kilo ng bigas sa North Cotabato, partikular sa Kidapwan City.

Kabilang na rito ang M3 na bigas kung saan noon ay nasa 43 pesos ito kada kilo ngayon ay bumaba na ito hanggang 38 pesos na lamang.Habang ang masipag naman na noong ay nasa 45 pesos bawat kilo ngayon ay nasa 39 pesos na lamang.

Mula sa 2,050 pesos ang sako nito ngayon ay nasa 1,750 pesos na lamang.

Bumaba rin ng dalawang piso ang presyo kada kilo ng Milagrosa.

Mula 48 pesos ngayon ay 46 na lamang habang ang V-160 at Double Diamond naman ay parehong mula sa 49 pesos na ngayon ay nasa 47 pesos na lang kada kilo.Sinabi naman ni Rey Castillo, Tindero ng isang bigasan sa Mega market, bumaba ang presyo ng bigas dahil na rin sa dami nang suplay nito.

Panahon na kasi raw ng anihan.

Samantala, umalma naman ang ilang magsasaka sa bayan ng Kabacan hinggil sa patuloy na pagbaba sa presyo ng palay.Noong nakaraang linggo ay nasa P18.00 kada kilo ang bentahan ng palay sa mga buy and sell sa bayan at ngayon ay bumulusok na ito sa P15.00.Ayon sa ilang mga magsasaka, pinayuhan sila ng mga traders ng palay na aasahan pa daw na bababa ang bentahan ng palay o ang presyo ng palay sa mga susunod na linggo.Iginiit naman ni North Cotabato 3rd District Board Member Socrates Piñol, member ng Committee on Agriculture na ginagawan na nila ito ng paraan at katunayan aniya ipinaabot na niya ang nasabing usapin kay Agriculture Secretary Manny Piñol. Aasahan ang mas mabilis ngayon na mapo-proseso ang mga medical at iba pang assistance na hinihiling ng mamamayan ng North Cotabato pati na ang mga major surgical operations, dialysis at iba pa.Ito matapos binuksan ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO sa sa Provincial Capitol, Brgy. Amas, Kidapawan City kamakalawa.

Ginanap ang isang banal na misa sa mismong gusali ng PCSO North Cotabato sa pangunguna ni Fr. Antonio Lupiba, DCK at sumunod ay ang blessing ng bagong gusali na ipinatayo ng Provincial Government.Isinabay din sa pagbubukas ng PCSO North Cotabato ang blessing at turn-over ng mga ambulansiya para sa limang LGU-beneficiaries.

Kinabibilangan ito ng Midsayap, Libungan, University of Southern Mindanao/Kabacan LGU, Kidapawan City LGU at Banga LGU ng South Cotabato.Ayon kay Governor Emmylou Mendoza, magiging mas malawak na ang pagbibigay ng serbisyo para sa mamamayan sa presensiya ng PCSO North Cotabato kung saan inaasahang mapapabilis at mas matututukan ang ayuda sa mga nangangailangan.Patunay rin daw ito na seryoso ang Provincial Government na maihatid ang adbokasiya ng Serbisyong Totoo sa mga mamamayan.

Abot na sa 1,082 ang mga suspected drug user at pusher ang nag surfaced sa Kidapawan City PNP.

Sinabi ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP, ito ay base na rin sa kanilang data mula July 1 hanggang September 27 sa ilalim pa rin ng Project Double Barrel o kampanya kontra iligal na droga.Ayon kay Ajero sa bilang na 1,082, 17 rito ang nagtutulak ng droga na nasa wacthlist, 179 naman ang gumagamit at halos siyam na raan ang newly-identified user.

Sa kabuuan, abot na sa 18 mga police operation ang inilunsad ng City PNP.
14 naman na drug pusher ang kanilang naaresto apat na mga user at isa ang napatay sa kasagsagan ng operasyon.

Sa Kidapawan City, sa simula nang Project Double Barrel at Oplan Tokhang, abot na sa 11,681 na mga bahay ang napuntahan at nakatok ng PNP.Tiniyak naman ni Ajero na magtutuloy-tuloy ang kanilang mas mahigpit na kampanya kontra iligal na droga dahil sa ikalawang yugto raw ng programa ng Poject Duterte ay may mga bayan at barangay na ang posibleng madedeklarang Drug Free.

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...