Thursday Feb, 22 2024 09:55:55 PM

NDBC BIDA BALITA Oct. 9, 2015

 • 02:07 AM Sat Oct 10, 2015
1,671
By: 
NDBC News and Current Affairs

OCTOBER 09, 2015 (FRIDAY)7and00 AMHEADLINESand 1. DALAWANG mga lalaki, patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Midsayap at Pigcawayan, North Cotabato.2. KASONG graft laban sa alkalde ng Isulan, Sultan Kudarat, aprubado na ng Ombudsman.3. Mga piling lugar sa region 12, inihahanda na ng DA 12 para sa El Niño Phenomenon4. Lechon na me dekorasyon, ipinarada sa Koronadal kaugnay ng foundation anniversary nito.5. Sabi ng GPH-MILF ceasefire committee walang bakbakan sa pagitna ng MILF at Reform Ilaga Movement sa Alamada. Local………………..PATAY na nang datnan ng mga pulis ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa Midsayap, North Cotabato.Sa report ng Midsayap PNP, pasado ala-una ng madaling araw kahapon nang matagpuang nakabulagta sa Quezon Avenue ang biktimang si Jerry Dela Cruz, 39 years old, may asawa, at taga- barangay Poblacion Uno ng naturang bayan.Sa inisyal na magsisiyasat ng mga imbestigadot, naglalakad lang si dela Cruz nang biglang pagbabarilin ng dalawang mga lalaki gamit ang cal. 45 at 9mm pistol.Nagtamo ng walong tama ng bala ang biktima sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa pamamaril sa biktima.SAMANTALA, DEAD-ON-THE-SPOT din ang isang magsasaka kinilalang si Mamailo Alba, taga- barangay Malingaw, Midsayap, matapos itong pagbabarilin sa Pigcawayan, North Cotabato.Sinabi ni Pigcawayan PNP assistant investigator PO1 Kenneth Bueno na naganap ang pamamaril kagabi sa harap ng isang kilalang videoke bar at lodge sa barangay Midpapan Uno.Ayon kay Bueno, nanggaling ng sabungan si Alba at tumayo sandal sa naturang lugar na parang may hinihintay.Ngunit biglang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek, sandaling kinausap ang biktima at saka pinagbabaril gamit ang cal. 45 at 9mm pistol.Mabilis namang tumakas ang mg suspek sakay ng Kulay itim na Kawasaki CT-1-10 BAJA motorcycle.Si Pigcawayan assistant investigator PO1 Kenneth Bueno. Local..LIMANG MGA BAYAN sa Maguindanao ang itinuturing ngayon ng mga pulis at militar bilang areas of immediate concern .Ito ay ang mga bayan ng Datu Unsay, Rajah Buayan, Sultan sa Barongis, Sultan Mastura at Matanog. Tinukoy ito ni Maguindanao PNP Director Police Senior Supt. Nickson Muksan sa ginanap na Provincial Peace and Order Council o PPOC sa pangunguna ng chairman nito na si Maguindanao governor Esmael Mangudadatu.Sinabi ni Muksan na ngayon pa lang ay naglatag na sila ng security plan sa naturang mga bayan katuwang ang mga sundalo upang maiwasan ang pagsiklab ng mga kaguluhan sa 2016 elections.Sabi pa ni Muksan, base sa kanilang assessment, madalas nagkakaroon ng mga election-related violence sa naturang mga bayan noong mga nagdaang halalan dahil na rin sa presensya ng mga armadong grupo, at mga rido o away pamilya.MUKSAN CUE………………..Sa panig ng Armed Forces, tiniyak ni Army’s 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Edmuno Pangilinan na mahigpit silang makikipag ugnayan sa mga pulis, at makikipag palitan ng intelligence information para matiyak na ligtas ang mga botante sa darating na halalan.Samantala, hiniling naman ni Commission on Election – Maguindanao provincial director Atty. Sarip Tago sa mga pulitiko na wag gamiting escort ang mga police o sundalo, at sa halip ay kumuha na lang sila ng mga highly-trained security guard.Sabi naman ng PPOC chairman, dapat magsikap ang lahat, hindi lang ang mga alagad ng batas, para tiyaking maging mapayapa ang halalan sa susunod na taon.Ayon kay Mangudadatu, ayaw na niyang maulit pa ang mga election-related incidence sa lalawigan, pinakamalagim at dito ang pag massacre sa 58 katao, kabilang ang may bahay at ilang kamag-anak ng gubernador, noong November 23, 2009.Maalalang maghahain sana ng kanyang certificate of candidacy si Mangudadatu noon, nang maganap ang insidente sa bayan ng Ampatuan. Local...BAGAMAN at malinaw na nagkaroon ng engkuwentro at malinaw ang pagkamatay ng siyam na 84th Seaborne commandos ng Special Action Force o SAF, ay walang direktang makapagtuturo kung sino ang nakasagupa ng mga ito nang salakayin nila ang tinutuluyan ni Marwan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero.Kaya naman nag desisyon ang Department of Justice o DoJ na wala munang sasampahan ng kaso base na rin sa sa ikalawang bahagi ng imbestigasyon sa Mamasapano incident.Paliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima, hindi rin maaaring ipagpalagay na ang 90 na unang kinasuhan sa pagpatay ng 35 miyembro ng 55th Special Action Company o SAC ng SAF ang sila ring responsable sa pagkakasawi ng Seaborne commandos. Maging ang survivors ay hindi masabing ang mga nakabakbakan sa barangay Pinsandawan ang sila ring nakasagupa sa barangay Tukanalipao. Ayon pa kay de Lima, wala ring ebidensyang nakalap laban kay PO2 Christopher Lalan, ang tanging survivor ng 55th SAC, na umano’y pumatay ng ilang sibilyan. Dahil dito, walang kasong maaaring ihain laban kay PO2 Lalan. Local...Nilinaw ng pamunuan ng Kidapawan Traffic Management Unit na patas ang kanilang traffic enforcement pagdating sa mga pampubliko at pribadong sasakyan sa lungsod.Sinabi ni TMU Head Rey Manar, mahigpit nilang ipinapatupad ang batas trapiko sa sinumang lalabag nito base na rin sa memorandum ni City Mayor Joseph Evangelista na gagawing matiwasay at organisado ang daloy ng trapiko sa National Highway ng Kidapawan.Partikular na tinutukan ng TMU ang mga pampasaherong van na kolurom o mga stricker na kadalasang humihinto kahit saan para pumick-up ng pasahero.Ayon kay Manar wala silang silang pinapaboran sa pagsita sa mga private vehicle drivers na lumabag sa batas trapiko.Hinimok ni Manar ang publiko na sakali mang makita nila ang mga TMU personnel na pinapabayaan ang kanilang mga trabaho ay kunan ito ng litrato at ipadala sa kanilang tanggapan.Ito ang ipinahayag ng opisyal matapos ireklamo ng isang van association ng lungod na umano Public Utility Vehicles lang kanilang kayang sitahin at pinapalagpas ang mga privadong sasakyan na pumaparada sa mga restricted areas Local...DAAN DAANG mga retiree at senior citizen sa Cotabato city ang naka benipisyo sa medical at dental mission na inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod.Pinangunahan ng Office on Senior Citizens Affairs ang proyekto katuwang ang Philippine Medical Society o PMS and Philippine Dental Society o PDS-Cotabato City Chapter, Department of Health, at the Office on Health Services bilang bahagi ng pagdiriwang ng Senior Citizens Week.Ayon kay City information officer Halima Satol-Ibrahim, abot sa limang daang mga nakatatanda ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental, mga gamot at mga libreng lecture kaugnay sa pangangalaga ng kanilang kalusugan.Sinabi naman ni PMS-Cotabato City Chapter Dr. Cherry Lou Uko-Lauban na matagal nang aktibo ang kanilang grupo sa pagsali sa ganitong mga aktibidad para makatulong sa mga lubos na nangangailangan.Kaugnay nito, lubos naman ang tuwa ng mga senior citizen dahil sa pagbibigay sa kanila ngpagpapahalaga.Malugod na nagpasalamat ang mga ito sa City LGU at sa lahat ng mga grupong tumulong para maging matagumpay ang proyekto.Samantala, tiniyak naman ni City mayor Japal Guiani, Jr. na lagi niyang bibigyan ng prioridad ang mga nakatatanda sa lungsod na minsang naging kapaki pakinabang at naging instrumento sa anumang tinatamasang kaunlaran ngayon sa lungsod. Local..MULING NILINAW ngayon ng Government of the Philippines Coordinating Committee for Cessation of Hostilities o GPH-CCCH na walang engkwentrong nangyari sa pagitan ng mga puwersa ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at Reform Ilaga Movement sa Alamada, North Cotabato, taliwas sa mga naunang lumalabas na balita.Tiniyak ni GPH-CCCH Secretariat Director Carlos Sol, na ang totoong engkwentro ay sa pagitan ng dalawang grupo ng mga Ilonggo at Iranun na nag-aaway tungkol sa pag-aaring lupain sa nasabing lugar.Ayon kasi sa lumabas na ulat, inatake umano ni Kumander Toto Kiram ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ang Sitio Papandayan, Barangay Bao sa Alamada North Cotabato at nakaengkwentro ang grupo ni Kumander Isuk ng Reform Ilaga Movement noong Linggo ng hapon hanggang Lunes ng umaga.Subalit ayon kay Sol, base sa kanilang imbestigasyon, ang totoong nangyari ay nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng isang grupong Iranun at mga Ilonggo settlers sa lugar na may kinalaman sa agawan sa lupa sa Sitio Papadayan at Madabuhay.Nabatid na sa ngayon ay lubos ang pagsisikap ng municipal government, provincial government ng North Cotabato, PNP, AFP at maging ng mga tribal leader sa lugar, na mapagkasundo ang dalawang mga grupo para matigil na ang bangayan ng mga ito.Una ng pinagkasundo ang dalawang grupo noong nakaraang linggo, subalit muling sumiklab ang labanan ilang araw lang ang nakalipas.Daan daang pamilya ang lumikas sa nabanggit na mga barangay dahil sa insidente. Local...Aprubado na ng Sanguniang Panlalawigan ng Cotabato ang Revised Mt. Apo Mountaneering and Trekking Ordinance of 2015.Ang ordinance no. 15-1032 ay nagdadala ng bagong mga regulasyon sa mga climber na ipatupad sa mga areas sa ilalim nng Mt. Apo Protected Area Management Bureau o PAMB.Ilan sa mga probisyon nito ang pagtaas sa climbing fee, pagdetermina sa mga climbing sites at paglagay sa regular park ranger o volunteer na siyang magbabantay sa paligid nito.Kabilang na rin dito ang pagbibigay ng training sa mga trasport sector, porters, mountaineering groups, at travel agencies para matiyak ang dekalidad na serbisyong mabibigay sa mga local at international tourists.Nakapaloob rin dito ang planong pagpapatayo ng potable water supply at permanent water waste disposal facilities sa bawat camp site. at paglimita sa bilang ng mga climer na aakyat sa bundok bawat buwan.Ang ipapatupad ang Mt. Apo Trekking police ay sinuportahan naman nga ng anim na mga LGU's kasama ang Kidapawan City, Makilala, Magpet sa North Cotabato at Bansalan, Digos at Sta Cruz sa Davao del Sur. Local...Nahaharap ngayon sa kasong graft si Isulan Mayor Diosdado Pallasigue matapos aprubahan ng Office of the Ombudsman ang demanda na isinampa laban sa kanya.Hindi raw kasi sinunod ni Palasigue ang order ng Civil Service Commission o CSC na i-reinstate ang kanyang tinanggal na municipal officer.Ibinunyag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na malinaw na sinuway ni Pallasigue ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa hindi pagpapabalik nito sa posisyon sa dating municipal planning and development coordinator na si Elias Segura, Jr.Ayon pa kay Morales, isa umanong partiality at bad faith ang ginawa ni Pallasigue na suwayin ang mandato ng CSC.

Nabatid na ibinigay ng CSC ang petisyon ni Segura na mare-instate ito noon pang March 2014.Matatandaang, inabolish ni Pallasigue ang Municipal Economic Enterprise Development Office noong 2007 na pinamumunuan ni Segura at inilipat siya sa Municipal Integrated Public Terminal Unit sa ilalim ng Office of the Mayor.Pero ang opisinang ibinigay kay Segura ay wala umanong mga lamesa, upuan at walang mga gamit at halos dalawang kilometro ang layo nito mula sa municipal Hall.Tumanggi rin si Palasigue na irelease ang Representation and Transportation Allowance o RATA ni Segura simula noong March 2008.Ang naturang sitwasyon ay wala namang pinagkaiba sa kaso ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga.Ang pagkakaiba lang ay ang kaso ni Segura sa Isulan LGU ay mas resolusyon o order mula sa Ombudsman habang kay Gonzaga ay wala pa. Local...Itinalaga bilang alternatibong production area para
sa mga produktong mais ng Department of Agricultre o DA 12 ang ilang mga
lugar sa rehiyon.
Kabilang sa mga lugar na ito ang mga bayan ng Tulunan, Mlang, Matalam,
Pikit, Midsayap at kabacan sa North cotabato.
Maitum, Kiamba at Maasim sa Sarangani Tboli, Tupi at Lake Sebu sa
South Cotabato at Esperanza, Pres. Quirino at Lambayong sa Sultan
Kudarat.
Ayon kay Zaldy Boloron ang Regional Technical Director ng DA 12 ito ay
upang mapaghandaan ang masamang epekto ng El Nino Phenomenon.
Pinangambahan kasi ng ahensya ang pagbaba ng produksyon ng mais sa
rehiyon dose dahil sa dry spell.
Ayon kay Boloron prayoridad na mabigyan ng corn seeds ang mga magsasaka
sa lugar dahil sa sapat na moisture dahilan para makapag-survive sa
tagtuyo’t ang mga pananim na mais.
Tinipon na ng DA 12 ang mga corn program coordinators at kinatawan ng
nabanggit na mga local government units para sa pre-positioning workshop
bago pa man ipamimigay ang mga corn seeds.
Inihayag ni Boloron na sa tantiya ng DA 12 abot sa mahigit labinisang
libong ektarya sa may dalawang daang libong ektaryang maisan sa rehiyon
ay labis na maapektuahan ng el Nino Phenomenon.
Ang dry spell ayon sa PAGASA ay posibleng mararanasan sa limamput walong
porsyento na bahagi ng bansa hanggang sa unang quarter ng 2016.
Nauna nang tinukoy ng Office of the Civil Defense 12 ang mga lalawigan
ng South Cotabato, Sultan Kudarat, at SArangani na labis na makararanas
ng below normal na mga pagulan sa mga susunod na buwan. Local...Dinayo ng mga mamamayan ang 4th Lechon Festival sa Koronadal City.
Ang Lechon Festival ay nilahukan ng sampung mga commercial na mga litsoneros at dalawamput pitong mga barangay sa Koronadal City.
Ang mga ito ay nagpakitang gilas hindi lamang sa pasarapan ng pagluluto ng litson kungdi maging sa presentasyon ng mga ito.
Kaya ang mga litsong ibinida ay pawang mga naka-costume.
Ayon kay Roselyn Almerol ang Chairman ng Lechon Festival, layon ng aktibidad na maipaalam sa publiko na pagdating sa pagluluto ng litson hindi rin pahuhuli ang mga taga Koronadal sa ibang lugar.
Ang iba namang mga mamamayan sinamantala ang mas murang bentahan ay halos pakyawin na ang mga ibenentang litson. Malaki din ang naitutulong ng Lechon Festival ayon kay Almerol para makapaghanap ng mas maraming market sa kanilang mga produkto ang mga litsonero sa Koronadal City.
Ang Pigidiriwang o Lechon Festival ay bilang kabahagi ng 15th Charter Anniversary at 5th Negosyo Festival sa Koronadal City kahapon.
Local...Natangay ng magnanakaw na nanloob sa kwarto ng isang estudyante ang isang motorsiklo.
Ayon sa salaysay ng biente anyos na si Armando Escotido Jr sa mga pulis, nanghilo umano siya at nawalan ng malay ng makalanghap ng masangsang na amoy habang nasa loob ng nirerentahang kwarto dakong alas syete ng gabi kamakalawa.
Inihayag ni Escotido na nadiskubre na lamang nito ang pagkawala ng kanyang Honda XRM Motorcyle nang makamalay muli dakong alas nuebe ng umaga ng sumunod na araw.
Ang insidente ay naganap sa Dizon Street, Barangay General Paulino Santos, Koronadal
Natangay din ng suspek ang wallet ni Escotido na naglalaman ng pera, OR at CR ang kanyang motorsiklo at ilang mga identification cards.
Lumabas din sa follow up investigation ng mga pulis na bukas na ang pintuan ng nirerentahang kwarto ni Escotido nang siya ay magkamalay.
Nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Koronadal City PNP para matukioy kung sino ang suspek at kung anong uri ng kemikal ang pinalanghap nito sa biktima. Local...Ilang araw bago ang filing ng certificate of candidacy, nakumpleto na ng National Peoples Coalition o NPC ang kanilang line up para sa 2016 election.
Ito ay ayon kay South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes
Inihayag ni Fuentes na napaghandaan na nila ang posibleng kakalaban sa susunod na taon.
Kinumpirma din ni Fuentes na may mga kandidato mula sa ibang partido ang lumipat sa NPC
Magiging pambato naman ng NPC sa pagka Bise Gobernador sa 2016 election si incumbent vice governor Cecile Diel, at Second District Representative Ferdinand Hernandez.
Kandidato naman ng grupo sa pagka board member sa unang distrito sina Emon Matti, Romeo Tamayo at Glezel Trabado.
Magiging pambato naman ng NPC sa pangalawang distrito ng South Cotabato sina incumbent board members Vicente De Jesus, Esther Marin Catorce,Grace Suber Albios,
Agustin Demaala,Romolu Solivio, dating board member Dardanilo Dar at Dating Governor Hilario de Pedro III.
Samantalang kumpirmado namang tatakbo bilang Governor si Former Koronadal City Mayor Fernando Miguel at magiging Vice Governor nito si PCL President Bernie Palencia.
Sa panayam ng inihayag ni Fuentes na Maganda din umano na maraming pagpipilian ang mga taga South Cotabato sa kung sino ang kanilang pauupuin sa pwesto.
Kinumpirma din ni Fuentes na suportado ng kanilang grupo ang Liberal Party ng administrasyon. Local...Pinagtitibay ngayon ng Department of Agrarian Reform o DAR ang karapatan ng mga benispyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP sa dalawang bayan sa South Cotabato.
Ito ayon kay Felix Frias, ang Provincial Agrarian Reform Officer ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng census sa mga magsasaka at mga laborer sa mga sakahan.
Ang mga ito ay nabigyan ng collective Certficates of Land Ownership Award o CLOA.
Saklaw ng census ang mga magsasaka at mga dating nakatira sa mga lupain na sakop ng National Development Corporation .
Ang mga lupain na ito ay sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program noong 1988 at matatagpuan sa mga bayan ng Tupi at Polomolok.
Ang census ay isinagawa ng DAR bunsod na rin ng pagdami ng mga petisyon at kaso sa mga lupain na ipinamigay sa mga magsasaka sa dalawang mga bayan.
Binigyan diin ni Frias na saklaw ng isinasagawa nilang census ang pagkilala at validation ng mga benipsyaryo ng CARP at kanilang mga tagapagmana.
Umaasa naman si Frias na mareresolba ang sigalot sa sa lupain na saklaw ng CARP kapag nakumpleto na ang kanilang mga datus.

PDEA shuts down drug den in Cotabato City, arrests 4, seizes P170K shabu

COTABATO CITY - Joint elements of PDEA BARMM Drug Enforcement Officers, Police Station 2, Cotabato City Police Office, and PNP Maritime conducted a...

P6.8-M worth shabu seized in another Lanao del Sur PDEA bust

COTABATO CITY - Anti-narcotics agents confiscated P6.8 million worth of shabu from two dealers who fell in another entrapment operation in Lanao...

BTA backs Cha-Cha moves

COTABATO CITY - The Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament has expressed support to calls for charter change to resolve...

OPAPRU assures corruption has no place in MILF decommissioning process

MANILA – The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) assured that it would not tolerate irregularities in...

CIDG agents arrest in North Cotabato 2 men wanted for illegal drugs, murder in BARMM

PIGCAWAYAN, North Cotabato - KAKALABAS pa lamang sa pagamutan ng dalawang mga wanted persons nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation...