Monday Jun, 17 2024 04:42:24 AM

NDBC BIDA BALITA (Sept. 17, 2016)

Breaking News • 16:19 PM Sat Sep 17, 2016
1,626
By: 
NDBC NCA

NEWSCAST

SEPTEMBER 17,
2016 (SAT)
7and00 AM

HEADLINESand

1. Dengue cases sa Cotabato City at Koronadal City, bumaba.2. Pag-tanggal ng burqa ng Moro women sa Davao public places, kinontra ng Suara Bangsamoro3. Dating police ng Koronadal na nahulihan ng droga,itinangging sangkot siya sa Agencia Brillantes pawnshop robbery PATULOY PANG BUMABABA ang bilang ng mga
nagkakasakit ng Dengue sa Cotabato city.

Sinabi ni City Health Officer in Charge
Dr. Suhir Ibrahim na simula Hunyo hanggang Agosto ay nagkaroon ng mabilis na
pagbaba ng kaso ng Dengue sa lungsod.

Ayon pa kay Ibrahim, ito ay resulta ng
kanilang massive campaign on Dengue awareness sa mga bawat barangay ng lungsod.

Dito aniya, ay hinihikayat nila ang mga
resident eng lungsod na laging maglinis ng paligid para mapuksa ang breeding
area ng mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.

Gayunman, sa kabila nito, sinabi ni
Ibrahim na hindi dapat magkumpiyansa at kailangan pa ring laging mag-ingat para
hindi dapuan ng naturang sakit.

Agad na
dumolog sa Cotabatao city PNP ang isang babae matapos looban ng mga kawatan ang
kanyang tinutuluyang apartment.

Ang biktimang
ay kinilalang si Sittie Gadzali Unad, 39 anyos, may asawa at taga Demazenod, barangay
Rosary Heights three.

Ayon sa
biktima, pasado alas dos ng hapon kahapon, nang pagpasok niya sa kanyang
apartment sa nabanggit na lugar ay nagulat siya dahil nagkalat na ang kanyang
mga gamit sa loob.

Sinira raw ng
mga kawatan ang door knob ng kanyang apartment para makapasok.

Natangay ng
mga ito ang ilan sa kanyang mahahalagang gamit kabilang na ang kanyang isang
unit ng computer kasama ang CPU at Monitor na nagkakahalaga ng abot sa 20
thousand pesos.

Bago rito,
isang babae din ang dumolog sa himpilan ng pulisya matapos namang mabiktima ng
mga mandurokot.

Pasado alas
diyes ng umaga kahapon ay nakasakay sa isang jeep galing sa kanilang tahanan sa
Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ang biktimang si Gina Borinada Dicipolo at
bumaba sa Cotabato light para magbayad ng electric bill.

Nang akma ng
mababayad ang biktima at dito niya natuklasan na nawawala na pala ang kanyang
wallet na naglalaman abot sa 7000 pesos pambayad sana sa kuryente.

Posible anyang
nadukutan siya ng kanyang katabing lalake na kanyang nakasabay sa jeep. BUKAS
NA ang isa pang branch ng Puregold sa Cotabato city.

Ito
ang PUREGOLD sa Fiesta Shopping Center na matatagpuan sa Malagapas District,
Sinsuat Avenue ng lungsod.
Sinabi
ni Puregold Ad andamp Communications Manager Gwen Rodriguez na may mga supresang
handog sila sa mga mamimili sa kanilang grand opening ngayong araw.

May
mabibiling buy one take one items at may mga discounted price din sa ibang mga
piling produkto.

May
mga selected buy one take one items na mabibili.

Samantala,
inaanyayahan naman ni Rodriguez ang mga negosyante sa lungsod na magpa miembro
sa Tindahan ni Aling Puring para makakuha ng puntos tuwing mamimili.

Para
naman sa mga walang negosyo, sinabi ni Rodriguez na maaari ring maging member
ng Perks basta 18 years old pataas at magbabayad ng membership fee na P100.

Ang
Puregold Fiesta Mall ay ang ikalawang branch ng Puregold sa Cotabato city.

TUTULUNGAN
ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga kawani ng mga kolehiyo at unibersidad na nawalan ng trabaho
dahil sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng
Department of Education.

Sinabi
ni DOLE 12 OIC Regional Director Albert
Gutib na may programa ang DOLE na Adjustment Measures Program na naglalayong makatulong
sa mga displaced HEI workers na lumipat sa
self-employment o makahanap ng ibang trabaho.

Ayon
kay Director Gutib, maaring makinabang ang
mga displaced workers ng tulong pinansyal, ayuda sa paghahanap ng
trabaho, skills training at tulong
pangkabuhayan.

Kasama
ng DOLE sa nasabing programa ang
Commission on Higher Education, Technical Education and Skills
Development Authority at Department of Education.

Payo ng
ahensya sa mga nagnanais makinabang sa
naturang programa na lumapit sa pinakamalapit na field office ng DOLE o sa Public
Employment Service Office sa kanilang lugar
para sa mas detalyadong
impormasyon.

Kailangang
aplayan ang ayuda sa loob ng 30 araw mula nang
matanggap ng empleyado ang notice of termination.

Sa
pag-aplay, kailangang isumite ang
sumusunod na dokumentoand K to 12 DOLE AMP application form, notice of
termination, photocopy ng government issued ID, application letter na naka-address sa DOLE regional director,
photocopy dating employment contract at photocopy ng
pinakahuling pay slip.

Mahaharap
sa paglilitis ng Office of the Ombudsman ang isang dati at kasalukuyang lokal
na opisyal ng Tawi-Tawi dahil sa mga iregularidad sa isinumite nilang statement
of assets and liabilities o SALN.

Sinampahan
ng anim na counts ng paglabag sa RA No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical
Standards for Public Officials and Employees si dating Paglima Sugala Mayor
Nurbert Sahali, habang kasong paglabag naman sa RA 6770 naman ang isinampa
laban kay municipal human resources officer na si Sherwina Juhaili.

Base
sa records ng Ombudsman, ang isinumiteng SALN ni Sahali mula 2007-2012 ay
pawang mga walang petsa, kulang kulang, hindi submitted under oath at hindi rin
inihain sa itinakdang oras.

Samantala,
kinasuhan naman si Juhaili dahil sa pagbibigay ng certification kay Sahali na
ipinasa niya ang kaniyang SALN sa nakatakdang panahon.

Kaugnay
nito nagpaalala ang Ombudsman ang mga public officials na hindi dapat
hinaharangan o niloloko ninuman ang kanilang opisina pagdating sa pagsunod sa
kanilang mga patakaran.

HIGIT isang libong mga partisipante mula sa ibat ibang secondary schools sa ilalim ng Cotabato Division ang lumahok sa Division Youth Science Quest and Camp 2016 sa Matalam, North Cotabato kahapon.Ang dalawang araw na programa ay naka sentro sa ibat ibang mga aktibidad, kabilang na ang Science Quiz,Sci-Dama, On-the-spot Painting, Science Investigatory Project, On-the-Spot Improvization, Collage Making, Ecosystem Model Making at iba pa.

Una nang dumaan sa district level ang mga partisipante at ang mga naging kampeon ang siyang representante sa naturang aktibidad.Layunin nito na mapaunlad at mapalago pa ng mga kabataan ang kanilang angking galing at talino kapag agham na ang pag-uusapan.Samantala, higit apat na raang elementary pupils din ang lumahok sa kaparehang aktibidad sa ilalim ng Makilala East District.Sinabi ni District Science Coordinator Ferdiluna Ladiao, abot sa labing isang paaralan ang lumahok nito kung saan sumailalim din sila ng mga pagsasanay kagaya ng photjournalism, Poster Making, Disaster Risk Redution ang Management, Sci-dama at iba pa. Ang mga nanalong estudyante naman ang siyang magiging representante ng distrito sa Division level na gagawin sa darating na September 23-25 na isasagawa sa Matalam Central Elem. School.

Tema ng Science Camp ngayong 2016 ay Agrinnovate Revolutionizing Agricultural Outlook for Sustainable Growth”.
PARA sa Municipal Anti-Drug Abuse Council o MADAC ng Makilala, North Cotabato, maari nang maging drug-free ang kanilang bayan.

Kumpleto na raw kasi ang kanilang intervention, lalo na sa mga self-confessed users at pushers ng ilegal na droga.Ayon sa spokesperson ng MADAC na Ed Dizon, kabilang sa mga barangay na nabigyan na nila ng intervention ang Poblacion, Saguing, Malasila, Kisante, San Vicente, Batasan, Libertad at Katipunan.Kabila naman sa kanilang ginagawang tulong sa mga drug dependents ay counselling, home visitation at rehabilitation at iba pang mga kakailanganin ng mga surrenderees base na rin sa kanilang profile.

Katuwang naman ng MADAC sa programa ang social welfare office, DepEd, at PNP.Ipagpapatuloy rin nila ang kahalintulad na proyekto sa nalalabi pang mga barangay.
ABOT sa 250 ang tool kits ang ipamamahagi ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA sa kanilang mga iskolar sa North Cotabato.

Ang turnover ng mga kits ay gagawin ngayon sa opisina ng TESDA sa kapitolyo sa Amas Complex, Kidapawan City.Kabilang sa mga tatanggap nito ay mga iskolar mula sa mga bayan ng Arakan, Antipas, Magpet, Pres. Roxas, Makilala at Kidapawan City ng ikalawang distrito ng North Cotabato.Abot sa dalawang milyon ang halaga nito, ayon kay James Labiano, siyang TESDA Coordinator ni Congresswoman Nancy Catamco.Ang mga scholars ay nag-aral ng mga vocational courses, katulad ng welding, dressmaking, masonry, carpentry, massage, beauty care, food preparation, at iba pa.

Halos isang taon ding hinintay mg mga TESDA scholars ang kit bago napasakamay nila angga itp.

Nilinaw ni Lebiano na dumaan pa sa bidding ang pagbili sa naturang mga gamit na isang standard operating procedure. Kinontra ng Suara Bangsamoro ang hiling ni Davao City Mayor Sarah Duterte na iwasan ang pagsuot ng Hijab at burqa sa mga pampublikong lugar sa Davao City.

Sa panayam ng Radyo Bida kay Amira Lidasan ng Suara Bangsamoro, isang diskriminasyon umano ito sa kanilang kultura at paniniwala.Para kay Lidasan sana ay hindi umano matuloy ang naturang panukala ng Davao City Government.

Iginiit ni Lidasan na bahagi na ng kanilang paniniwala ang pagsuot ng hijab at burka at kung ipagbabawal ito ay paglalapastangan na umano sa kanilang paniniwala. Samantala, nilinaw naman ng pamunuan ng Davao Public Safety and Security Coomand Center Office na iwasan lamang ang pagsuot nito sa mga matataong lugar kagaya ng malls at iba pa.Hindi naman umano ito ipinagbabawal kundi ay iwasan lang bilang kooperasyon sa ginagawang security measures ng mga otoridad.Maliban rito mariin ring ipagbabawal sa mga mall ang sun glasses, mask, bonnet o sombrero at iba pang bagay na maaaring magamit na makapagtago sa tunay na pagkakakilanlan ng isang tao.Ang naturang pahayag naman ni Mayor Duterte ay kasunod nang nangyaring pagsabog sa Roxas Night Market sa Davao City na ikinasawi ng higit sampu katao at ikinasugat nang maraming pang iba.

Bilang bahagi ng obserbasyon ng ika-31 taon na International Clean-UP o ICC, tampok din rito ang pagsasagawa ng National Clean Up Day sa Pilipinas.Ito ay base naman sa circular number 2016-11 na inisyu ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno.Una nang naipababa sa lahat ng Provincial Governor, municipal Mayor at maging ang mga barangay kapitan sa buong Pilipinas ang pag-obserba sa naturang aktibidad.

Kaugnay nito, isasagawa ngayong araw ang paglilinis sa mga drainage canal, kalsada sa ibat ibang bahagi ng North Cotabato na lalahukan naman ng ibat ibang sektor.Sa Kidapawan City, pangungunahan ang clean up day ng City Environment and Natural Office.

Katuwang naman nila rito ang lahat ng mga opisyal at kawani ng City Hall, pati na mga National Offices, eskwelahan, barangay Government at mga business establishements.

Ang clean up drive ay bilang bahagi na rin ng paghahanda ng mga ahensya ngayong tag-ulan.

Panawagan lamang ng mga otoridad sa publiko na tumulong na mapanatiling malinis ang lahat ng daluyan ng tubig. Sumailaim sa dalawang araw na Campus Journalism Seminar Workshop ang mahigit 100 School Paper Advisers ng Department of Education o Deped sa region 12.
Layon nito na maturuan ang mga guro ng bagong pamamaraan sa pamamahayag.
Ito ay ayon kay Deped 12 Information Officer Antonio Maganto.
Ayon kay Maganto itinuro din sa mga School Paper Advisers ang ethics at standards sa journalism.
Bahagi din ng training ang pagbisita ng grupo sa iba’t ibang himpilan ng Radyo.
Ang katatapos lang na pagsasanay ay isinagawa sa General Santos City.
Ayon kay Maganto, ito ay bilang kabahagi din ng paghahanda ng Deped 12 sa National Schools Press Conference sa susunod na taon.
Ang pagsasanay ayon kay Maganto ay inaatas mismo ni Deped 12 Regional Director Arturo Bayucot
Makabibili na ng mga organic products sa South Cotabato Protecth Center ang mga mamamayan ng lalawigan at karatig lugar.
Ayon kay Protecth Center Manager Manny Jumilla, ito ay kapag sinimulan nang ipatupad sa lugar sa ikatlong lingo nitong Setyembre ang Organic Farmers Market” day.
Sinabi ni Jumilla na pitong mga stall sa protect center ang magbebenta ng mga organikong produkto tuwing Byernes.
Ayon kay Jumilla kabilang sa mga mabibili sa protect center tuwing Organic Famers Market” Day ang oprganic upland rice, gulay, prutas, hayop at iba pang mga produktong pang-agrikultura.Ibebenta din sa lugar ang mga organic processed products.
Sinabi ni Jumilla na kapag sinuportahan ng mga mamamayan ng South Cotabato at magtagumpay ang programa, posibleng gagawin ito dalawang beses sa isang lingo o kada arawLayon ng Organic Farmers Market” day o ayon kay Jumilla na matulungan ang mga organic farmers ng South Cotabato at maisulong ang pagkakaroon ang healthy lifestyle .
Hinikayat ng Board of Investments o BOI ang mga negosyante sa rehiyon dose na paunlarin pa ang kanilang mga negosyo upang makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga mamamayan.
Ito ang hiling ng BOI sa mahigit 30O daang negosyante na dumalo sa katatapos lang na Industry Roadmaps and AEC Game Planand Roadmap Localization for Competitiveness Forum sa General Santos City.
Ayon kay Department of Trade and Industry o DTI Assistant Secretary Rafaelita Aldaba, malaki ang potential ng mga agricultural products ng Central Mindanao na makapasok sa ASEAN market.
Inihayag ni Aldaba na mapapaunlad ng fisheries sector ang canning industry sa region 12 at karatig lugar.
Ayon kay Aldaba dapat ding tutukan ng mga mamumuhunan ang pagpapalago sa palm oil at rubber industry.
Inihayag naman ng ekonomistang si Cielito Habito na dahil sa ASEAN Economoic Integration, lumaki ang market ng mga proudkto ng Central Mindanao.
Sinabi ni Habito na nakatulong ang ASEAN Economic Inegration para mas madaling maibenta sa mga bansang myembro nito ang mga produktong Pinoy.
Tiniyak naman ni DTI 12 Regional Director Ibrahim Guiamadel ang tulong ng ahensya sa mga negosyante ng Region 12.Ito ayon kay Guiamadel ay sa pamamagitan ng paglalagay ng shared service facilities na magpapaigting pa sa compepetiveness ng mga negosyante sa rehiyon .
Pinabulaanan ng dating pulis na si Emmanuel Quibete na sangkot siya sa robbery-hold up incident sa isang sanglaan sa Koronadal City.Binigyan diin ni Quibete na nang maganap ang krimen noon September 18, 2013 nasa Barangay Morales, Koronadal siya at kasama ang isang special agent ng National Bureau of Investigation.Ito ay upang imbistigahan ang umano’y pagnanakaw sa isang jewelry shop na hindi nito binanggit.
Sinabi ni Quibete sa panayam ng Radyo Bida na malimit siyang pumupunta sa police station bago pa man at pagkatapos ang Agencia Brillantes robbery-hold up incident.Kaya ayon kay Quibete ipinagtataka nito ang pagkakadawit sa kanya sa krimen .
Hinamon ng suspek ang mga pulis na magpakita ng ebedensya at patunayan sa korte ang kanilang akusasyon sa kanya.Ayon kay Quibete maaring isinangkot siya sa krimen para lamang magkaroon ng panibagong accomplishment ang mga pulis sa krimen na ikinasawi noong ng dalawang security guards.Si Quibete ay naaresto sa anti illegal drug operation ng mga pulis sa barangay General Paulino Santos noong Lunes.
Ang pagkakasangkot umano ni Quibete sa pagnanakaw at panghohold up sa sanglaan ay inihayag mismo ni Koronadal City Chief of Police, Superintendent Barney Condes.
Kinumpirma ni Koronadal OIC Health Officer Dr. Jean Geneivieve Aturdido ang pagbaba ng kaso ng dengue sa lungsod nitong Setyembre.
Ayon kay Aturdido, ang 53 kaso ng dengue sa Koronadal noong ika 35th week ay bumaba sa siyam na kaso sa ika 36 week nitong 2016.
Gayunpaman ayon kay Aturdido abot pa rin sa mahigit 933 na kaso ng dengue ang naitala sa Koronadal mula Enero hanggang September 9.Pinakamaraming 109 kaso ng dengue sa Koronadal city ay naitala sa Barangay General Paulino Santos, 107 sa Santa Cruz, 102 sa Sto. Nino, 99 sa Zone 3, 93 sa Barangay Morales at 71 naman sa Barangay Zone 4.
Nabatid batay sa pinakahuling datus ng provincial epedemiology o PESU ng South Cotabato na isa katao ang nasawi dahil sa dengue sa Koronadal nitong taon.
Umaasa naman si Aturdido na dahil sa patuloy na pagpapaigting ng clean up drive sa mga barangay magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng dengue sa Koronadal City.
Ang pagpapatupad ng Aksyon Barangay Kontra Dengue o ABKD Program ay ipinagutos mismo ng Department of the Interior and Lokal Government sa mga opisyal ng Barangay sa South Cotabato.

Eid'l Adha outdoor rites peaceful

COTABATO CITY - The outdoor Eid’l Adha congregational worship rites in Central Mindanao on Sunday morning were peaceful, capped off with calls by...

PRO-12 operatives seize P2.2-M shabu in simultaneous ops

GEN. SANTOS CITY - The Police Regional Office 12, under the leadership of Brig. Gen. Percival Placer, regional director, has successfully conducted a...

Cops arrest wanted man in MagNorte

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao Norte - A coordinated effort by DOS MPS, PIU MDN, PSOG MDN, OFC, 2MP 1PMFC MDN, and PIDMU MDN, with the assistance of...

High value target nabbed in Wao drug buy bust

CAMP SK PENDATUN, Maguindanao del Norte - PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit-15, Wao Municipal Police Station, 3rd Platoon 1st...

Darul Ifta hosts inter-faith dialogue to promote peace

The highest Islamic body in the Bangsamoro Region in Muslim Mindanao (BARMM) has gathered leaders of various religious groups in the region to...