Friday Apr, 26 2024 04:19:15 PM

NDBC BIDA BALITA Sept. 5, 2015

 • 05:08 AM Sun Sep 6, 2015
1,765
By: 
NDBC

NEWSCAST

SEPTEMBER 05,
2015 (SAT)
7and00 AM

CALOYand MAGANDANG UMAGA! Tunghayan ang mga
pinakabagong balita ngayong SABADO, SEPTEMBER
5, 2015…..

Mga konkretong balita at impormasyon na
dumaan sa wasto, patas at masusing talakayan… Ako si Caloy Bautista at i to ang NDBC BIDA BALITA!

PLAY NEWSCAST – PAU OBB

HEADLINESand

1. DALAWANG LALAKE, SUGATAN sa
panibagong insidente nang pamamaril sa Cotabato City.

2. Mindanao League ng Batang Pinoy
Games gaganapin sa Koronadal City

3. Transmission facilities ng NGCP sa
Mindanao 'di raw apektado ng El Nino - ayon sa isang opisyal

4. Peace
talk sa National Democratic Front of the Philippines, isinusulong ni Sen. Legarda

CUE VO………….. ‘ANG DETALYE NG MGA BALITA…. SUSUNOD’

Local………………..

SUGATAN
ang dalawang lalake matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa
Arong village, Luna Rosary heights 4, Cotabato City.

Nangyari
ang insidente dakong ala-6:50 kagabi.

Kinilala
ng City police station no. 2 ang mga biktima na sina Consihano Plasabas
Hagimit, 74-years old, Trisikad driver at residente ng nasabing lugar.

At
isang Justine Rey, na isang menor de edad, trisikad driver, na taga-7th Street
Rosary heights 5.

Nagtamo
nang tama ng bala si Hagimit sa kanyang kaliwang kamay habang tinamaan naman ng
bala si Munyoz sa kanyang tiyan.

Gamit
ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa pamamaril ang kalibre 45 na baril.

Agad
namang dinala ng mga residente sa lugar ang mga biktima sa pagamutan matapos
ang insidente.

kasalukuyan
pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

BERNADETTEand

BALITANG
SIMBAHAN

Magtutulungan upang maibsan ang
kagutuman

Ito ang binigyang diin ni Bishop
Honesto Ongtioco, Obispo ng Cubao, nang lumabas sa isang pag – aaral na umabot
na sa 4 na milyong kabataan ang nakararanas ng gutom dahil sa hirap ng buhay sa
bansa.

Sa maliit na pamamaraan ang mga proyekto
ng Simbahan tulad ng feeding program upang makatulong sa mga mahihirap na
nagugutom.

Inihayag ng Obispo na unfair” para sa
isang bata na hindi natutugunan ang kanyang mga pangangailangan.

Naniniwala rin ang Obispo na sa
pagtutulungan ng Simbahan at pamahalaan ay unti – unting mababawasan ang
malnutrisyon sa bansa.

0-2ND BREAK Local …………………

MULING INATAKE ng mga pinaniniwalaang
miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF ang isang army
detachment sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao kagabi.

Nangyari ang pang haharass dakong
alas-9 kagabi.

Sa report, Pinaniniwalaang mga miyembro
ng BIFF na pinamumunuan nila Commander Samad Simpal at Kadapi Abdulatip ang
umatake sa kampo ng 34th Infantry Battalion.

Nagkapalitan ng putok ang dalawang
panig na tumagal ng abot sa 15 minuto.

Wala
namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Hiniling ni Senator Loren Legarda sa pamahalaan na
makipag-usap din sa National Democratic Front of the Philippines o NDFP katulad
ng pakikipag-usap sa ibang rebeldeng grupo para makamtan ang tunay na
kapayapaan.

Ayon kay Legarda, may linaw na ang panukalang Bangsamoro
Basic Law na nasa ikalawang linggo na ng deliberasyon sa Senado at sana ay
mangyari rin ito sa NDFP.

Binigyang diin ni Legardsa na kailangan itong buhaying muli
matapos na suspendihin ang peace talks ng NDFP at pamahalaan na sisimulan sana
noong Pebrero 2011 para makamit ang tunay at pangmatagalang kapayaan para sa
lahat.

0-local....Pinangalagaan lamang nila ang pera ng mga mamamayan.
Ito ang ipinahayag ni Koronadal City Councilor Rebecca Bona kaugnay sa pagtutol ng mga ito sa pagbili ng lupain para pagtayuan ng city public transport terminal.
Binigyan diin ni Bona na ang apatnapung milyong pisong presyo ng may anim na ektaryang lupain ay hindi makatarungan para sa mga mamamayan ng lungsod.
Ito ayon sa city councilor ay masyadong mataas sa labinisang milyong piso na inirekomenda ng isang license aprraiser.
Gayunpaman ayon kay Bona sa kabila ng kanilang pagtutol natuloy pa rin ang pagbili ng city government sa lupain dahil mas pinaboran ito ng mas maraming mga myembro ng konseho.
Si Bona ay isa sa mga councilor na hindi kinasuhan kaugnay sa umanoy overpricing na pagbili ng lupain.
Matatandaan na maliban sa kasong administratibo nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Graft and Corrupt practices act sina Koronadal City Mayor Peter Miguel, at iba pang mga local na opisyal ng lungsod .
Ang kaso ay isinampa ng grupong Lay Empowered through Principled Politics o LETPP.
Kaugnay nito, naniniwala si Koronadal Councilor Oscar Pagunsan na pulitika pa rin ang ugat ng pagsampa ng kaso sa kanila at iba pang mga opisyal ng lungsod.
Ito ang ipinahayag ni Pagunsan matapos silang kasuhan ng administratibo at kriminal dahil umano sa over price na pagbili ng lupaing pagtatayuan ng city public transport terminal.
Ang pagsampa ng kasong Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service and Grave Misconduct at paglabag sa Anti Granft and Corrupt Practices act ay inirekomenda ng Field Investigation Unit ng Ombudsman Mindanao.
Binigyan diin ni Pagunsan na naging batayan naman ng city government sa pagbili ng anim na ektaryang lupain ay ang market value nito.
-0Nabigyan ng cash incentive ng Department of Interior and Local Government o DILG ang dalawang mga local government units sa South Cotabato.
Ito ay matapos makatanggap ng Seal of Good Local Governance Award.
Ang bayan ng Sto. Nino ay tumanggap ng pitong milyong development fund at sampung milyon naman ang nakuha ng Provincial Government.
Ang dalawang mga lokal na pamahalaan ay parehong nakapasa sa mga performance indicator ng DILG.
Kabilang sa mga ito ang disaster preparedness, social protection at good financial housekeeping.
Naging batayan din sa pagbibigay ng parangal sa mga LGU ang peace and order, environment, business friendliness at competitiveness nito.
Ang insentibo sa mga nagwaging LGUayon kay Lailyn Ortiz ang DILG Provincial Director ng South Cotabato ay gagamitin sa kanilang mga development projects.
Ayon kay Ortiz ang pabibigay ng parangal sa Sto. Nino at Provicial Government ay magsisilbing hamon sa iba pang mga local na pamahalaan sa lalawigan na pagbutihin pa ang kanilang pamamamahala.
Ito ay upang makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mga mamamayan.
0-local...Patuloy pa rin ang pamimigay ng Koronadal Treasurer’s Office sa cash incentive ng mga guro sa lungsod.
Ito ay ayon kay City Treasurer Marloun Gumbao.
Ayon kay Gumbao may mga guro pang hindi nakakuha ng kanilang insentibo isang lingo matapos itong simulang ipamigay.
Nilinaw naman ni Gumbao na maari lamang makakuha ng incentive ang mga guro na isang taon nang may item
Ang tig tatlong libong pisong incentive kada taon para sa mga guro ng Koronadal ay ibinibigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.
Maliban sa mga guro nakatataggap din ng taunang tatlong libong cash incentive ang mga kasapi ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection sa Koronadal City. 0-local...Magiging mas madali na ngayon sa grupo ng mga magsasaka na gawin ang kanilang trabaho.
Ito ay matapos makatanggap ng mga makinarya mula sa Department of Agrarian Reform o DAR
Nakinabang sa mahigit sampung milyong halaga ng mga makinarya ng DAR ang dalawang grupo ng mga magsasaka sa South Cotabato.
Ayon kay Felix Frias,ang Agrarian Reform Officer ng lalawigan ang dalawang mga tractors ay kanilang ibinigay sa Glamang Communal Irrigators Association o GCIA sa bayan ng Polomolok.
Tumanggap din nito ang Banga Agrarian Reform Community Cooperative o BARCCO sa bayan ng Banga.
Ang mga makinaryang natanggap ay ipinagpasalamat naman ng mga benipisyaryo nito .
Ayon kay BARCCO Chairman Romeo Balleras, malaki ang maitutulong ng tractor para mapataas ang kanilang produksyon at umunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka sa kanilang lugar.
Nangako naman ni GCIA Chairman Godofredo Diot na iingatan nila ang makinaryang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
0-local...Doble ngayon ang mga paghahanda ng local na pamahalaan ng Koronadal para sa pag host nito sa Batang Pinoy Games.
Nabatid na ang Mindanao Legue ng patimpalak ay gaganapin sa Otober 24 hanggang 29, dalawang lingo matapos ang weeklong 15th Charter Anniversary ng lungsod.
Ang patimpalak ayon kay City Sports Coordinator Toni Aguilar ay lalahukan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Ang Batang Pinoy Legue ay bukas sa mga kabataan na nagaaral at out school youth.
Ang makikilahok sa patimpalak ay dapat ding inirekomenda ng mga local government units o kanilang mga barangay.
Ang Mindanao League ng Batang Pinoy Games ay isa lamang sa mga malalaking aktibidad na gaganapin sa Koronadal city ngayong taon.
Ito ay matapos ang matagumpay na International Folklore Festival noong Setyembre.
Nakatakda ring maghost ng national Private Schools Athletic Association o PRISAA meet ang Koronadal ngayong taon.
Ayon kay Mayor Peter Miguel ito ay bilang kabahagi ng kampanya ng local na pamahalaan para gawing sentro ng mga national conferences at iba pang aktibidad ang Koronadal City
0- Local…………………….

HINDI
IPINAPATUPAD ng Police regional office ng Autonomous region in muslim mindanao
ang One strike policy sa mga station commander at chief of police sa rehiyon.

Ito
ang kinumpirma ni PRO-ARMM Spokesperson PSI Ronald De leon.

Ang
One strike policy ay naglalayong ay isang mandato na kung sakaling may nakitang
kapabayaan ang isang hepe ng isang himpilan o police station ay maari itong
mapaalis sa kanyang pwesto.

Ayon
kay De leon, bagama't may ilang mga istasyon ng pulis na nagiimplimenta ng One
strike policy ay hindi ito maaring sundin sa ARMM.

NILINAW
ni De leon na disciplinary action at hindi one strike policy ang iniimplimenta
ng PRO-ARMM, kung saan sasailalim sa imbestigasyon ang mga hepe na hindi naging
epektibo o may negatibong performance sa kanilang serbisyo.

Inamin
naman ng opisyal na marami ng hepe sa rehiyon na sumasailalim sa disciplianry
action pero mahigpit itong dumadaan sa due process.BINIGYANG
diin naman ni PRO-ARMM Spokesperson de leon na sa ilalim ng kanilang PATROL
PLAN 2015 nagsasagawa rin sila ng weekly assessment upang timbangin ang
performance o pagganap sa tungkulin ng mga hepe ng pulisya sa kani-kanilang
hurisdiksiyon maging sa antas ng krimen sa kanilang Area of responsibility.

0-Kalaboso ang isang traffic enforcer sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ng pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforment Agency o PDEA Region 12 at PNP sa Sitio Ipuan, brgy. Poblacion President Roxas, North Cotabato alas dyes ng umaga kahapon.

Kinilala ni Senior Ins. Romy Castañares, hepe ng President Roxas PNP ang suspek na si Condrad Tampus, Job order employee ng President Roxas LGU na taga Brgy. New Cebu ng nabanggit na bayan.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang disposable lighter, isang gunting at 500 peso bill bilang marked money.

Ayon kay Castañares matagal na nilang minamanmanan ang naturang suspek at ikinokonsidera nila itong high value target.

Iniimbestigahan na rin ng PNP ang kaugnayan ng suspek sa pagbebenta ng ilegal na droga sa umano kanyang mga kasamahang empleyado sa LGU. Sinabi ni Castañares na ang pagkakahuli kay Tampus ay bahagi ng mas pianigiting na kampanya ng PDEA 12 at President Roxas PNP kontra ilegal na droga.

Idinagdag pa ng opisyal na ang mga ilegal na droga na ibinebenta sa bayan ay nagmumula pa sa bayan ng Matalam at Kabacan.

Nakakakulong na ngayon ang suspek sa President Roxas PNP habang inihahanda na ang kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 na isasampa laban sa kanya.
local...Anumang araw mula ngayon ay magpapalabas na ng Executive Order si Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na mag-uutos sa mga pangunahing tanggapan sa City LGU na lumikha ng komprehensibong plano upang malimitahan ang kasiraang idudulot ng El- Niño sa lungsod.

Bagamat hindi tinukoy ng PAG-ASA ang North Cotabato na matatamaan ng El Niño, naghahanda pa rin ang City Government sa posibleng pagtama nito.

Kabilang sa pakikilusin ng alklade ay ang City Agriculture Office City Veterinarian City Health CENRO City Budget CDRRMO at maging ang Metro Kidapawan Water District.

Sa nasabing executive order, tutukuyin ng mga nabanggit na ahensya kung papaano tutugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng nabanggit na kalamidad.

Prayoridad ni Mayor Evangelista na magkaroon ng sapat na supply ng tubig na maiinom sa panahon ng El Niño.

Tututukan din ang kalagayang pangkalusugan ng publiko na maa-apektuhan nito upang malayo sa peligrong epekto ng matinding init na dala ng El Niño.
0-local...Kinilala ng Makilala LGU ang katapatan ng isang Administrative aide na si The Alivin C. Bongcales matapos isauli ang nakitang pitaka na may lamang 30,000 pesos.

Ayon sa report, nakita ni Bongcales ang nasabing pitaka sa loob ng comfort room sa Kidapawan City Gymnasium kasabay ng 5th National Open Dart Cup Competition of Gov Emmylou Lala Talino-Mendoza na kabahagi ng aktibidad ng 2015 KALIVUNGAN FESTIVAL at 101st Foundation Anniversary ng North Cotabato

Ang pitaka ay pagamamy ari naman ng isang Daniel Quilinging.

Sa isang panayam sinabi ni Alvin na kaya niya isinauli ang naturang wallet dahil alam niyang mas kakailanganin ito ng may-ari at ayaw niya rin itong mangyari sa kanya.

Pinuri naman ni Makilala Mayor Rudy Caogdan ang katapatan ni Bongcales na magbibigay inspirasyon sa kabataan at magiging ehemplo sa mga kasama nitong government employees maging sa publiko.
Patay ang isang conractor matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang suspek sa brgy. Ilustre, President Roxas, North Cotabato alas sais kagabi.

Kinilala ni Senior Ins. Romy Castañares, hepe ng President Roxas PNP ang biktima na si Nilo Sintos, 52 anyos na taga Poblacion, Arakan.

Ayon kay Castañares pauwi na sana ang biktima sakay ang kanyang motorsiklo at pagdating sa nabanggit na lugar at dito na pinagbabaril ng suspek.

Tama ng bala sa katawan ang tinamo ng bitkima gamit ang kalibre 45 na baril , base na rin sa narekober ng mga otoridad sa crime scene.

Isa sa mga sinusundang anggulo na sinusundang ng mga pulis ay extortion dahil ang biktima ay isang sub contractor sa ilang mga road projects sa Arakan Valley Development Complex Sa North Cotabato.

Ang ambush site ay lugar din kung saan tinambangan ng mga rebeldeng New People's Army ang ilang mga sundalo noong nakaraang taon.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ang insidente.
0-local....Abot sa 130 million pesos na mga health facility ang inaasahang mapapatupad ngayong taon sa mga ospital sa ilalim ng Cotabato Provincial Government.

Sinabi ni Jessie Enid, ang focal person for Health sa Provincial Government abrubado na sa Department of Health ang mga proyekto para mapaaayus pa ang health services sa Government Hospitals sa lalawigan.

Una rito ay ang 80 million pesos na two-story building sa Cotabato Provincial Hospital kung saan itatayo ang mas malawak na Emergency Room at administration office para sa mga empleyado.

Habang abot naman sa 58 million pesos ng mga health equipment din ang mabibigay sa walong district officials sa probinsya na kinabibilangan ng ultra sound, Upgraded X-ray at anesthesia AMchine para sa operating room.

Nitong September 1 lamang, una nang isinagawa ang ground breaking ceremony sa CPH building na pinagunahan mismo ni Cotabato Gov. Emylou Mendoza at na Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Parehong nasa bidding process ngayon ang dalawang mga proyekto na inaasahang di pa magtapos ang 2015 mabibigay na ito sa contractor at supplier para masimulan na ang implementasyon nito. Ayon pa kay Enid, ang mabilis na pagsisimula sa Health Projects sa lalawigan ay naglalarawan lamang ng magandang relasyon ng DOH at sa mga liderato ng Cotabato Provincial Government.

CUE ………………. STINGER BALITANG PAMBANSA

Inaanyayahan
ng Manila Broadcasting Company ang iba’t ibang choirs mula sa mga paaralan,
parokya, komunidad, tanggapan, at maging special interest groups na lumahok sa
2015 National Choral Competition.

Ito
ang itinuturing bilang pinakamalaking all-inclusive choral competition sa bansa
na tampok ang pagtatagisan ng galing sa children’s division at open category.

Mahigit
isandaang libong piso naman ang nakalaang iuwi ng mga magwawagi.

Magsasagawa
ng live auditions sa iba't ibang luagr sa bansa, at sa Mindanao, ay sa General
Santos City – Oktubre 10 at Cagayan de Oro City – sa Oktubre 11.

0- NARITO
ANG BALITANG PANGKALUSUGAN HATID NG GOLDSHINE PHARMACEUTICALS INCORPORATED.

HEALTH
NEWS-

Ugaliin ang pagbibigay ng mula sa puso
at hindi lang dinidikta ng mga tao na nasa iyong paligid.

Tignan din kung paano mapapadali ang trabaho
ng iba at alukin sila ng iyong tulong.

Huwag ding kalimutan na magpasalamat sa
mga bagay na iyong natatanggap.

Bukod sa kapwa, maging mapag-bigay din
sa iyong sarili sa pamamagitan ng sapat na oras para sa mga bagay na
nakakapagpasaya sa ‘yo.

0- Local……………….

MAGPAPATUPAD ng tig-iisang oras na
brownout ang National grid corporation of the Philippines sa lahat ng kanilang
franchise area na sakop ng

COTABATO ELECTRIC COOPERATIVE o COTELCO
PPALMA at COTABATO LIGHT and COMPANY o COLIGHT sa Cotabato City ngayng araw.

Una ng
inihayag ng COTELCO PPALMA na magpapatupad sila ngayon ng isang oras na
brownout sa umaga at isang oras rin sa hapon.

Ito ay mula ala 6-30 hanggang ala- 7:30
sa umaga at ala-5 hanggang ala-6 naman mamayang hapon.

Ang
naturang electric service interruption ay bunsod ng gagawing fault line repair
ng NGCP sa nuling substation at naka-schedule na preventive maintennance sa
kibawe substation.

Ito ay
bunsod sa gagawing fault line repair sa nuling substation at preventive
maintennance sa kibawe ng National grid corporation.

Pati
na rin ang paglilipat ng power supply mula sa Nuling patungong Tacurong
substation.

BALITA ABROAD………………….. PLAY STINGER

NATAGPUAN
na ang piraso ng pakpak ng nawawalang Malaysian Airlines flight MH370 sa
dalampasigan ng Reunion Island sa Indian Ocean.

Ito
ang kinumpirma ng Paris prosecutor kahapon.

Ang
parte ng eroplano ay kilala bilang flaperon.

Ayon
sa mga awtoridad ng Malaysia, ang kulay ng pintura at maintenance-record nito
ay tugma sa nawawalang Boeing 777 aircraft.

Naglaho
ang eroplano noong March 8, 2014 habang lumilipad mula Kuala Lumpur patungong
Beijing sakay ang 239 na pasahero at crew, karamihan ay mga Chinese.

SPORTS ……………. (Play Stinger)

MATUTUNGHAYAN na ngayong hapon ang pagbubukas ng pinakahihintay
na UAAP Season 78 men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum.

Bago ang nakatakdang double-header na kinatatampukan ng tapatan
ng season host University of the Philippines at University of the East at ng
University of Santo Tomas kontra sa Adamson, inaasahang isang makulay at hitik
sa kasaysayang palabas na iinig sa tema ng pagdiriwang ngayong taon na
Tumitindig, sumusulong” ang inihanda ng mga mag-aaral ng UP.

Kasunod ng tradisyunal na palabas na magsisimula mamayang
tanghali, matutunghayan muli ang pagtutuos ng Fighting Maroons at ng Red
Warriors na susundan ng salpukan ng Tigers at ng Falcons.

CALOY……………….

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong SABADO, SEPTEMBER 5, 2015… INYONG NAPAKINGGAN sa mga himpilan ng
NOTRE DAME BROADCASTING CORPORATION, ang RADYO BIDA at HAPPY FM…

Bahagi ng serbisyo-publiko ng Oblate of Mary Immaculate na MAHIGIT
75 taon ng nagbibigay ng makabuluhan at matapang na paglilingkod sa Pilipinas.

AKO SI CALOY BAUTISTA .

Maaari ninyong balikan ang
mga balitang narinig sa sa and//www.ndbcnews.com.ph www.ndbcnews.com.ph na ngayon ay mayroon ng
mahigit 500 tagapagtangkilik at mambabasa.

Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and Current Affairs Team,
I-WATCH Productions at Maguindanao Sky Cable,

Hanggang SA LUNES pong
muli! Maraming salamat at MAGANDANG UMAGA.

Cotabato Light: NGCP sked power interruption for April 28 cancelled

COTABATO CITY - The Cotabato Light and Power Company today said the NGCP scheduled power service interruption for April 28, 2024 has been cancelled....

Miss U Ph bets visit Tacurong bird sanctuary

DAY 2, SULTAN KUDARAT: Sultan Kudarat is truly a land of wonders, both flora and fauna. As part of their continuing tour of the province’s sights,...

NDBC BIDA BALITA (April 26, 2024)

HEADLINES 1   ISA PATAY, tatlo huli sa firearms buy bust CIDG-BARMM sa Maguindanao del Sur 2   GRADE 7 student, patay na...

Civet cat and PH deer turned over to DENR-12

KORONADAL CITY - A Philippine Palm Civet Cat (Paradoxurus philippensis) locally known as “Milo” and a Philippine deer (Rusa Marianna) were...

Dengue cases in Koronadal rising, says city health office

KORONADAL CITY– Health authorities here today reported that the number of dengue cases in the city has increased. Nakapagtala ng 213 na mga kaso...