Thursday May, 02 2024 05:58:12 PM

NDBC BIRA BALITA NOV. 30, 2015

 • 02:02 AM Tue Dec 1, 2015
1,709
By: 
NDBC news and current affairs

NEWSCAST

NOVEMBER 30, 2015
(MONDAY)
7and00 AM

HEADLINESand

1. MAHIGIT 50 PAMILYA, lumikas mula sa
Barangay Butril, Palimbang, Sultan Kudarat.2. Suspected drug pusher, sugatan
matapos manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya sa Surallah, South Cotabato

3. Kauna-unahang obispo ng Diocese ng
Kidapawan, pumanaw na sa edad na 93

4. DTI-North Cotabato, nagpaalala sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng electrical Christmas decors

Local...Pumanaw na ang kauna-unahang obispo ng Kidapawan na si retired Bishop Federico Escaler sa edad na 93.Matagal nang may sakit at bedridden ang Jesuit bishop at mapayapa siyang namatay sa kanyang ancestral home sa San Miguel, Manila noong sabado ng umaga. Siya ay may sakit sa atay.Ipinangak sa Maynila, nagsilbi siyang obispo ng Kidapawan mua 1976 hanggang 1980 kung saan siya ay itinalaga naman bilang pinuno ng bagong tatag naPrelature of Ipil sa Zamboanga Sibugay.Tumagal si Bishop Escaler sa Ipi ng 17 taon hanggang siya ay nagretiro noong 1997.Ayon sa Jesuit congregation, di naging madali ang areas of assignment ni Bishop Escaler dahil magulo nooon sa Kidapawan at Zamboanga Sibugay.Noong 1985, siya ay kinidnap pero napalaya rin. Ang kanyang prelature ay sinalakay ng mga armadong kalalakihan at sinunog kung saan 53 ang namatay.Nagsimula ang daily wake masses noong sabado ng gabi sa Loyola House of Studies main chapel sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.Siya ay ililibing sa Dec. 1. Local………………..

LUMIKAS
NA sa kani-kanilang mga tahanan ang aboty sa limampung pamilya o nasa 250 mga
indibidwal sa Sitio Sinapingan, Brgy. Butril, Palimbang, Sultan Kudarat.

Ito
ay dahil sa takot na maipit sa kaguluhan matapos na maglunsad ng military
operation ang Philippine Marines Battalion Landing Team 6 noong nakaraang
linggo laban sa grupo ni Kumander Tokboy Maguid, isang ISIS sympathizer at dating
miyembro ng MILF 105th base command.

Nasawi
sa nasabing labanan ang walong armadong lalaki na ang isa ay sinasabing dayuhan
na pinaniniwalaang trainer sa paggawa ng improvised explosive device o IED.

Sa
talaan ng Philippine Red Cross - Sultan Kudarat chapter na naglunsad ng relief operations
at pyscho-social support sa mga apektadong residente, bukod saMahigit
dalawang daang indibidwal ay mayroon pang mahigit dalawang libo kataong lumikas
din mula sa Brgy. Napnapon, Palimbang dahil sa hiwalay na gulong nangyari noon
pang Agosto.

Gayunman,
inaasahang babalik na sa kanilang mga lugar ang mga naturang bakwit ngayong
linggo dahil sa ipatutupad na ceasefire.

Samantala,
nakilala naman ang isa sa mga nasawing armadong lalaki sa grupo ni Kumander
Maguid na si Datu Mungang, pamangkin ng isang dating kongresista sa
Maguindanao.

Ayon
sa ina ng nasawing si Datu Mungang, ilang buwan na silang walang komunikasyon
sa anak at nagulat na lamang sila nang malaman na miembro na ng Ansarul Khalifa
Philippines o AKP ang kanyang anak.

Nagulat
din aniya sila nang makumpirmang si Datu Mungang nga ang isa sa mga nasawi sa
inilunsad na operasyon ng Marines sa Palimbang.

Local …………………

HANDANG-HANDA
NA ang lokal na pamahalaan ng Cotabato City para sa taunang Shariff Kabunsuan
Festival.

Sinabi ni
city tourism officer Gurlie Frondoza na tiyak na magiging masaya at maingay ang
lungsod sa pagbubukas pa lang ng festival month of December.

Ayon kay
Frondoza, paka aabangan ang iba’t ibang mga aktibidad tulad ng Master-chef Culinary competition, Ginakit Fluvial parade, Ginakit-making contest, Tudong
fashion show, Cultural presentations at ang Kuyog Street Dancing parade and
showdown.

Mayroon ding
Shariff Kabunsuan trade fair and exhibits at maaari ring magpunta sa people’s
palace para sa iba pang atraksyon kaugnay ng nabanggit na pagdiriwang.

Samantala,
sinabi ni Frondoza na mas malaki ang cash prize para sa Kuyog Street Dancing
contest ngayong taon.

Kaya naman
aniya, inaanyayahan ang lahat ng mga street dancing group na magpatala at
sumali.

Ito ay bukas
para sa lahat ng gustong lumahok at makisaya sa selebrasyon.

Local…………………….

UMARANGKADA
NA ANG bike for peace kaninang alas singko nang madaling araw kaugnay pa rin ng
paggunita sa Mindanao Week of Peace.

Sa
pangunguna mismo ni Archdiocese of Cotabato Auxilliary Bishop Jose Colin
Bagaforo, DCC, nagsimula ang ruta ng mga daan-daang mga bikers sa Cotabato city
Plaza na dadaan sa mga bayan ng Sultan Kudarat Municipality, Pigcawayan,
Libungan, Midsayap, Datu Piang, Datu Saudi kung saan manananghalian ang mga
bikers.

Mula
sa Datu Saudi, didiretso na ang mga ito sa Guindulungan, Talayan, Datu Odin
Sinsuat at dadaan muna ang mga ito sa Camp Siongco gn 6ID at babalik ng ARMM
compound sa Cotabato city partikular sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex kung
saan gagawin ang isang maiksing programa.

Inaasahang
lalahok din sa bike for peace sina ARMM Regional Governor Mujiv Hataman,
Philippine Army's 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Edmundo Pangilinan
at ilan pang mga lokal na opisyal sa Central Mindanao.

Nabatid
na ngayong taon ay nagkaisa ang ARMM government at Archdiocese of Cotabato sa
paggunita ng Mindanao Week of peace. Local...25 araw nalang at magpapasko na kaya naman muling nag-paalala ang Department of Trade and
Industry o DTI sa mga mamimili na mag-ingat sa mga bibilhing Christmas Decors sa mga
pangunahing tindahan sa North Cotabato.Sinabi ni DTI Provincial Director Anthony Bravo, kailangan munang alamin ng mga consumer
ang mga standard products mula sa mga smuggled products na kadalasang ibinebenta sa mga
tindahan.Ayon kay Bravo ilan sa mga indikasyon na standard ang isang produkto ay ang tatak na PS o
Product Standard sa mga lokal na produkto at Import Commodity Clearance o ICC stickers
naman para sa mga imported products.Kaugnay nito, sinimulan na rin ng DTI na suyurin ang mga tindahan sa buong lalawigan para
agad nang makumpiska ang mga pekeng produkto na itunuturong dahilan ng disgrasya sa mga
kabahayan at establisyemento.Tiniyak din ni Bravo na papatawan nila ng penalidad ang sinuman o anumang establisyemento
ang mahuhuling nagbebenta ng mga sub-standard products.Samantala nagbabala rin ang Bureau of Fire Protection o BFP- Kidapawan sa mga residente
na sundin ang ilang safety tips tulad ng ilayo ang mga Christmas lights sa mga bagay na
madaling masunog, bunutin ang saksakan bago matulog o umalis ng bahay at iwasan ang
octopus connection.Umaasa naman ang dalawang tanggapan na dahil sa maagap nilang panawagan ay walang
maitatalang sunog sa darating na kapaskuhan at new year sa lalawigan. Local...Mas pinaigting pa ngayon ng Makilala PNP ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga sa bayan.Ito matapos maaresto ang dalawang ikinokonsiderang Big Time Suplier ng shabu sa Purok Mahayahay, brgy. Saguing, Makilala, North Cotabato kasabay ng ONE TIME BIG TIME operation ng PNP sa North COtabato.Ang mga nahuling suspek na sina Herson Herozaga at Millard Herozaga Davin ay matagalnang nasa watchlist ng PNP na nagbebenta at gumagamit pa ng ilegal na droga.Ikinokonsidera namang ugat sa mga nagbebenta ng droga si Davin matapos itong makahunan ng isang sako ng shabu na may bigat na 75 gramo at 65 thousand pesos na drug money.Sila na ang nadagdag sa limang naunang mga nahuling ilegal drug dealer sa bayan sa pangunnguna ni Makilala Chief of Police Chief Ins. Eleias Colonia.Matatandaang ito ang naging hamon kay Colonia ni Makilala Mayor Rudy Coagdan unang linggo pa lamang nito sa pagkakaupo bilang bagong hepe ng Makilala na huhulihin ang umano nasa labin limang ilegal drug supplier sa bayan.Kumpinsya naman si Colonia na mahuhuli nila ang mga suspek at katunayan aniya, dalawa katao na sangkot sa pggamit ng shabu ang boluntaryong sumuko sa PNP.Tiniyak naman ng opisyal na iimbestigahan nila ang umano isang anak ng politiko sa bayan na gumagamit ng ilegal na droga at nagpapaputok pa ng baril partikular sa brgy. Saguing.Local...Patuloy ngayong iniimbestigahan ng Makilala PNP ang nangyaring pagbaril at pagpatay sa isang cafgu member sa Sitio Lower Luayon, brgy. Luayon, Makilala North Cotabato noong nakaraang linggo.Ang biktima ay kinilalang si LITO BAYAWANON.Ayon sa report nagsasagawa ng nagpapatrolya ang ilang CAFGU member sa lugar nang barilin ito ng pinaniniwalaang mga miembro ng New People's Army o NPA sa ilalim ng Guerilla Front 72.Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang kili-kili na tumagos naman sa kanyang dibdib na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.Nabatid na naka posisyon na ang umano mga NPA 50 metro sa lokasyon ng mga CAFGU.Patuloy ngayong nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP kasama na ang militar.Samantala nakakulong na ngayon sa Kidapawan City PNP lock up cell ang suspek sa pamamaril kay Mangatok Alig Katog, 35-anyos na taga Purok 5, east patadon Kidapawan City.Ito matapos positibong itinuro ng asawa ng biktima ang suspek na kinilalang so Norali Guibal. 24 anyos.Nabatid na binaril ng suspek ang biktima noong sabado sa di pa malamang dahilan.Sibunukan pa itong isugod sa pagamutan ang biktima pero binawian na ito ng buhay.Desido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek. Local...Inaalam pa ngayon ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa isang lalaki na natagpuang wala nang buhay sa harap ng Kidapawan City Pilot Elementary School.Pinaniniwalaang may deperensya sa pag-iisp ang biktima na tinatayang nasa 35-40 taong gulang.Ayon sa report natagpuan ang biktima nang mga nag-jojoging kaninang madaling araw at agad nilang inireport sa mga tauhan ng Traffic Management Unit o TMU.Agad namang rumesponde si Rey Manar ang head ng TMU at paniwala nito na madaling araw pa pinatay ang biktima.Paniwala ni manar pinukpok ito ng matigas na bagay sa hindi matukoy na bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.Nagkalat rin ang nanunuyo nang mga bakas ng dugo sa sahig ng waiting shed may isang dipa ang layo sa kinalalagyan ng bangkay ng biktima.Wala namang nawawalang bagay na pag-aari ng biktima at posibleng napagtripan lamang ito kaya pinatay.Patuloy pa ngayon iniimebestigahan ng mga otoridad ang nabanggit na insidente. 0SPORTS...NAGTAPOS
SA UNAINMOUS decision ang heavyweight title fight nina Tyson Fury kaya naiuwi
nito ang world heavyweight championship laban kay Vladimir Klitschko.

Ginanap
ang pagtutuos sa Dusseldorf, Germany.

Tila
hindi pa makapaniwala ang UK boxing champ nang marinig ang anunsyo ni Michael
Buffer at nagtatalon ito sa tuwa, sabay ng paghubad ng kaniyang robe.

Una
rito, sinabi ni Fury na kung hindi matutupad ang kanyang ambisyon na magtala ng
panalo ay nangangahulugan lamang na mahina siya.

Si
Klitschko ay halos 20 taong namayagpag sa heavyweight division bago nadungisan
ng isang talo ang kanyang record.

37 get jobs via BARMM Labor Day jobs fair, 62 to follow

COTABATO CITY --- Up to 37 jobseekers were hired-on-the spot by different private companies during a jobs fair on Wednesday that the Bangsamoro...

Police captain patay sa pamamaril sa Parang public market

PATAY on the spot si Police Captain Roland Moralde matapos makipagbarilan sa isang lalaking may dala-dalang armas sa public market ng Parang,...

State of Calamity, idineklara na sa buong BARMM dahil sa matinding epekto ng El Niño

COTABATO CITY - IDINEKLARA na ang State of Calamity sa buong Bangsamoro Region batay sa inilabas na Proclamation No. 002 s. 2024 ng Office of the...

Marawi anti-drug op nets P6.8-M shabu, suspect arrested

MARAWI CITY - In the battle against illegal drug trafficking, joint operatives from PDEA LDS (lead unit); Marawi City Police Station, CDEU, PDEU/PSOG...

PDEA-BARMM buy bust nets 3 drug peddlers, P6.8-M shabu

DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao Norte - Abot sa P6.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong mga drug suspects sa drug buy bust...