NDBC COVID 19 WATCH: 5 deaths, 40 new infections, 32 recoveries in Region 12
Local News • 22:15 PM Fri Jan 22, 2021
586
By:
Edwin O. Fernandez
MALUNGKOT NA BALITA.
LIMA KATAO, pawang mga lalaki, ang iniulat ng Dept of health na sumakabilang buhay ngayong araw dahil sa Covid-19 related disease.
Isa sa mga nasawi ay 48 gulang mula Tacurong City; isang 78-years-old na taga Midsayap, North Cotabato; taga Pres. Roxas, North Cotabato na 71 taong gulang,
Nasawi din ang 40-year-old na taga Pigcawayan at ang 65-year-old na taga Gen. Santos City.
At dahil diyan, may 153 katao na sa Soccsksargen region ang nasawi dahil sa Covid-19.
SAMANTALA, may 40 katao naman ang bagong pasyente ng Covid-19, ayon sa DOH bulletin na ipinalabas kagabi.
May 32 pasyente din ang gumaling at naka-survive.
Gen. Santos City pa rin ang may pinakamaraming kaso at sumusunod ang South Cotabato.